You are on page 1of 3

Ipinasa ni: Carrie Ann Shane E.

Orine
BSED 2A- Filipino

I. PANITIKAN NG REHIYON
MODYUL I
PANITIKAN KAYAMANAN NG BAYAN

TAYAHIN NATIN:

Sa susunod na gawain, tatayahin natin kung ano ang alam mo tungkol sa


panitikan.

Ibigay ang iyong konsepto sa kahulugan ng pantikan sa concept map. Mula sa


konsepto mo, pagsasamahin ito upang makabuo ng pangungusap.

Akda

Pagpapahayag
/ Damdamin/
Pagbabahagi Kaisipan
PANITIKAN

Kaganapan
Sining sa
Lipunan

Para sa akin, ang ‘Panitikan’ ay isang anyo ng sining dahil ito ay ang paglikha ng
isang makabuluhang akda sa malikhaing pamamaraan. Dito ipinapahayag o
ibinabahagi ng may akda ang kanyang damdamin at mga kaisipan mula sa
obserbasyon niya sa mga kaganapan sa lipunan.
TUKLASIN

May sarili ka bang dahilan kung bakit nais mong pag aralan ang
panitikan, ano ito?

- Nais kong pag-araalan ang panitikan upang maunawaan ko ang mas


malalim nitong kahulugan at kabuluhan sa aking buhay bilang Pilipino at
bilang isang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino. Isa pang dahilan
ay gusto kong malaman ang mga panitikang umusbong sa ating bansa. Nais
ko ring matutunan ang mga istilo o kung paano makalilikha ng isang
magandang akda. Sa pamamagitan ng mga ito ay matututo akong
pahalagahan, tangkilikin at pagyamanin ang panitikan ng ating bansang
Pilipinas.

SUBUKIN

Gawain 1: Panitikan: Aral at Yaman


Hindi ako pamilyar sa panitikang mayroon ang rehiyon mo
Marahil, hindi mo rin alam ang mga panitikan sa bayan ko
Kaya’t mahalagang maimulat tayong pareho
Sa mga kayamanang akda, sa’nmang dako ng mundo.

Kapag atin na itong napag-aralan,


Siguradong marami tayong matutuklasang kaalaman
Mababalikan pa natin ang kasaysayan,
At matututo tayong tangkilikin ang ating mga tunay na kayamanan.

Sadyang mahalaga ngang tayo’y maging madunong


Sa mga panitikang angkin ng bawat rehiyon
Sapagkat dito natin mahuhubog at mabubuo
Ang kaisipan at kaluluwa ng tunay na Pilipino.
ISAGAWA
Gawain: Bakit sinasabing ang panitikan ay kapatid na babae ng
kasaysayan?
Sa aking sariling pananaw, tinawag na ang panitikan ay kapatid na babae ng
kasaysayan sapagkat, ang panitikan ay nalilikha mula sa nararamdaman ng mga
sumusulat tungo sa mga nangyayari sa kapaligiran. May mga akdang pampanitikan din
na bunga lamang ng imahinasyon. Kung kaya’t madalas ay madamdamin din ang
nilalaman ng isang akdang pampanitikan na katulad sa kaugalian mayroon ang isang
babae. Anumang naisusulat na akdang pampanitikan, halimbawa ay tula, maikling
kwento, nobela, at iba pa, nagiging representasyon ang mga ito ng mga pangyayari sa
ating lipunan, kaya’t para na silang magkapatid dahil nagiging bahagi na ng kasaysayan
ang mga akdang pampanitikan na maari pang manahin ng mga susunod na
henerasyon.

You might also like