You are on page 1of 54

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Kolehiyo ng Artes at Literatura
KAGAWARAN NG FILIPINOLOHIYA
Santa Rosa Campus

KAGAMITANG PAMPAGTUTURO SA
PANITIKANG FILIPINO
(GEED 10133)

INIHANDA NI:

Prof. JONELL JOHN O. ESPALTO

Hunyo, 2020

1
TALAAN NG NILALAMAN

YUNIT I Samut Saring Kabatiran sa Panitikang Filipino


Paksa 1 - Kahulugan at Kasaysayan ng Panitikang Filipino……………….. 5
Paksa 2 - Uri ng mga Panitikan sa Pilipinas…………………………………… 11
Paksa 3 - Mga Saligan sa Panunuring Pampanitikan………………………... 16
Paksa 4 Mga Pananalig/ Teoryang Pampanitikan
-Realismo………………………………………………………………. 22
-Klasismo
-Romantisismo
Paksa 5 -Impresyunismo……………………………………………………….. 25
-Simbolismo
Paksa 6 -Idealismo………………………………………………………………. 25
-Naturalismo
-Femenismo
Paksa 7 -Ekspresyunismo………………………………………………………. 28
-Modernismo
-Eksistensyalismo
Paksa 8 Mga Paraan sa Pagtalakay sa mga Akdang Pampanitikan………. 29
-Panlipunang Kaisipan
-Pang-moral at Pang-anyong Arketaypal
Paksa 9 -Pagsusuri ng mga Akda batay sa Teoryang Pampanitikan………. 31

Yunit II Introduksyon sa Pagpapahalaga sa mga Akdang Pampanitikan


Paksa 10 -Pagkilala sa Iba’t ibang Akdang Pampanitikan sa Pilipinas……… 32
Paksa 11 -Komiks…………………………………………………………………. 32
Paksa 12 Mga Akdang Pampanitikan
-Tula (Uri, Halimbawa, Teoryang Masasalamin)……………………. 33
Paksa 13 -Sanaysay (Uri, Halimbawa, Teoryang Masasalamin)……………… 35
Paksa 14 - Awit (Uri, Halimbawa, Teoryang Masasalamin)…………………….36
Paksa 15 -Pelikula (Sipat Suri sa mga Panitikan)………………………………. 43
Paksa 16 -Maikling Kuwento……………………………………………………… 47
Paksa 17 -Nobela………………………………………………………………….. 50

2
PANIMULA
Ang Panitikang Filipino bilang isang kursong Filipino sa Kolehiyo ay nakatuon sa pag-aaral ng
mga akdang Pampanitikang sumasalamin sa pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at
maging ng kasaysayan ng sambayanan/liping Pilipino.

Gamit ang Wikang Filipino bilang wika ng pagkatuto; nakatuon ang kurso sa pag-aaral ng
pasalita at pasulat na tradisyon ng ating panitikan. Babagtasin nito ang mga yugto ng panitikan
sa iba’t ibang panahon na may espesyal na tuon sa pag-aaral ng mga akdang pampanitikang
nakalapat at nakaugnay sa mga kasanayan ng iba’t ibang larang at disiplina.

Tangan ng kursong ito ang mga sumusunod, una; pag-aaral, pagtalakay, pagsusuri at pagkilatis
ng iba’t ibang akda ng mga Pilipinong manunulat sa wikang Filipino, banyagang wika at
Bernakular na magiging salalayan sa pagsusulong ng kaisipang Filipinolohiya. Pangalawa; ang
pagbasa sa mga kontemporaryong mga akdang pampanitikan na tangan ang malaya at
progresibong kaisipan; pangatlo; ang pag-aaral ng Panitikang Filipino bilang lente sa ating
kasaysayan na may maka-Pilipinong pananaw. At pang-apat; ang pagkakaroon ng produksyon
at presentasyon ng mga artikulong hinggil sa mga panunuri ng mga akdang pampanitikan.

Layunin ng Modyul:

Matapos na matagumpay na matalakay ang mga nilalaman nito inaasahan na;

1. Makapagtamo ng kaalaman sa mga umiiral na panitikan sa Pilipinas ayon sa historikal


na pag-unlad nito;
2. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto
ng pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at kasaysayan ng sambayanang Pilipino.
3. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa pasalita at pasulat na tradisyon ng
panitikang Pilipino.
4. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng pambansang wika
5. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t ibang larang at disiplina tungo sa
pagsusuri at pag-unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.
6. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang pampanitikang likha ng mga manunulat na
Pilipino mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at Bernakular tungo sa kaisipang
Filipinolohiya.

3
7. Nakababasa at nakauunawa ng mga kontemporaryong akdang pampanitikan tangan
ang Malaya at progresibong kaisipan.
8. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang pampanitikan gamit ang lente ng maka-
Pilipinong pananaw.
9. Nakabubuo ng papel/artikulo hinggil sa panunuri ng mga akdang pampanitikan.

Mga Kagamitan
-MODYUL
-INTERNET (para sa mga site na kailangang bisitahin)

4
YUNIT I
Samut Saring Kabatiran
Gawin mo

Panuto: Sagutin ang mga tanong na makikita sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa ms word at
isumite sa google classroom na gagawin ng guro.

Gabay na Tanong:

1. Sa iyong sariling pagpapakahulugan ano ang Panitikang Filipino?


2. Magbigay ng sampung dahilan kung bakit dapat pag-aralan ang Panitikang Filipino?
3. Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo ano ang iyong magiging ambag upang mapaunlad
ang panitikan na mayroon ang ating bansa? Palawigin ang iyong sagot.

Mga Kagamitan sa Paksa:

https://www.slideshare.net/alexisdtrinidad/katutubong-panitikang-filipino-kasaysayan-ng-
panitikan-ng-pilipino-ni-g-alexis-d-trinidad

PAKSA 1: KAHULUGAN AT KASAYSAYAN NG PANITIKANG FILIPINO

Kahulugan ng Panitikan

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping
"pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura
(literature), na ang literatura ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang


may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-
asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
5
Ang panitikan ay kapatid na babae ng kasaysayan. Ang panitikan, tulad ng kasaysayan, ay
nagtataglay ng mga ulat ukol sa mga naganap sa isang lahi at mga naisip na dakila at marangal
ng lahing ito. Samantalang ang kasaysayan ay tukuyan at naglalarawan ng hubad na
katotohanan, ang panitikan ay nagagayakan ng magagarang damit ng pagpapahayag at
nakukulayan ng malikhaing guni-guni ng mga akda. Wika nga ni Long, ang panitikan ay “mga
naisulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin ng tao.” Ayon kay Dr. Jose Villa
Panganiban

Bukod diyan binanggit din niya na ang panitikan ay magandang pag-aaral na pansemantika ng
salitang panitikan. Ang salitang panitikan aniya, ay binubuo ng pang- na unlapi, ng salitang ugat
at ng –an na hulapi. Nagiging ang pang- kung inuunlapi sa salitang nagsisimula sa mga titik t, d,
l, r, s, at t.

6
Sariling Panitikan bago pa man dumating ang mga Kastila

Ang ating mga ninuno ay may sarili ng panitikan bago pa man dumating sina Magallanes sa
Pilipinas.Nagtataglay ang panitikang ito ng kasaysayan ng ating lahi – mga kuwentong bayan,
alamat, epiko, kantahing bayan, karunungang-bayan: salawikan, kasabihan, bugtong,
palaisipan, at iba pa.

ANG PANITIKANG FILIPINO

Ang panitikang Pilipino ay katulad din ng panitikan ng alinmang bansa sa daigdig na


sumasaklaw sa pasalita o pasulat na nagpapahayag ng mga damdaming ukol sa mga gawi at
kaugaliang panlipunan, paraan ng pamumuhay, kaisipang pampulitika, at mga kapaniwalaang
panrelihiyon, ang kanilang mga adhikain, ang kanilang mga pangarap mula pa sa
bukangliwayway ng kanilang mga kabihasnan hanggang sa kasalukuyan.

Uri ng Panitikan

1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.

http://image.slidesharecdn.com/akdangpatula-140625020840-phpapp01/95/akdang-
patula-2-638.jpg?cb=1403680202

Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang yaman ng
kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing
patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling sa iba’t ibang
mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay upang
maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.

7
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay
dapat nating pag-aralan ang ating panitikan. Tayo higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.

Ang sinaunang panitikan sa Pilipinas ay nasusulat sa paraang alibata kilala sa tawag


ngayon na Baybayin (ito ang matandang paraan ng pagsulat ng ating mga ninuno). Sinunog
ang mga kawayan o anumang mga sulatin ng mga ninuno natin noon ng mga Kastila dahil
ayon sa kanila ito ay gawa ng demonyo.

Nguni’t ang di nasunog ay ang mga kantahing bayan, mga bugtong, mga salawikain, at
kasabihan, at iba pa, sapagkat ang mga ito’y nagpasalin- salin sa bibig ng mga tao.
MGA UNANG TAO SA PILIPINAS
Ang mga Ita
Ang mga negtritong kilala sa tawag na ita,
ayta, o agtas ay siyang mga unang nanirahan
sa ating mga pulo. Sila ay abalang lagi sa
paghahanap ng ikabubuhay sa tulong ng pana
at buslo. Palipat-lipat sila ng tirahan kaya’t di
sila nagkapanahon sa sining nang lampas sa
mga bulong at kasabihan.

8
Ang mga Indones
Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na
malalaking pangangatawan, maitim na balat,
makapal na labi, malaking ilong at pangahan. May
kabihasnan silang higit sa mga Negrito. -May
pamahalaan - Nagsusuot ng damit -nagluluto ng
pagkain -nagsasaing sa tukil -marunong
magpanginas ng apoy. Mayroon silang alamat at
mga epiko, mga pamahiin at mga bulong na
pangmahiya.

Ang mga Intsik na Manggugusi

Tinawag na mga “mangugusi” ang


mga intsik na lahing Hakka na
nagbuhat sa Fukien (Tsina) sapagka’t
kanilang inilagay sa gusi ang bangkay
ng isang magulang o nunong namatay
at ibinabaon doon din sa kanilang
looban. Ang salita nating “gusi” ay
galing sa kanila. Sumapit sila rito mula
noong 300 hanggang 800
A.D.Nanirahan sila sa pulo ng Batangas at Babuyanes, sa hilagang tabing-dagat ng Luzon, sa
Tayabas, Sorsogon at iba pa.

Ang mga Bumbay


Sila ay nakarating sa Pilipinas noong
ika-12 dantaon. Ang unang sapit ng
mga Bumbay ay nanggaling sa
Borneo at sila ay nagdala ng
pananampalatayang Budismo, Epiko
at Mahika. Ang ikalawang sapit ay

9
nanggaling sa Java at Borneo rin noong ika-13 na siglo. Nagdala sila ng
pananampalatayang Bramanistik at panitikang epiko, liriko at awiting bayan.

Ang mga Arabe at Persyano


Dumating ang mga Arabe sa Pilipinas noong 890 A.D.
hanggang ika- 12 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang na
“Hadramaut Sayyid” mga misyonerong Arabe na
nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong
ika-16 na siglo.
Kasama nila ang maraming mangangalakal na Arabe at
Persyano.Sila ay nanirahan sa Mindanao at Sulu.

Ang mga Malay


Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa
Pilipinas
(kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo
at 100 taon pagkamatay ni Kristo.) Ang mga Malay na
ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano
at mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa
kabundukan ng Luzon at sila ang mga ninuno ng mga
Igorot, Bontok at Tinguianes.
(200 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo.) mga
ninuno ng mga Tagalog, Bisaya, Ilokano at mga iba pa.
Sila’y may dalang wika,alpabeto (alibata), awiting
bayan, kuwentong bayan, mga alamat at mga
karunungang bayan. Ang mga ito bagama’t mga tubong
Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit na bansa gaya ng Borneo,
Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa iba’t ibang panig nito.

Para sa karagdagang detalye ng aralin bisitahin ang link na makikita sa ibaba;


https://www.slideshare.net/alexisdtrinidad/katutubong-panitikang-filipino-kasaysayan-
ng-panitikan-ng-pilipino-ni-g-alexis-d-trinidad

Pagtataya:
Magkakaroon ng pagsusulit hinggil sa pagksang tinalakay sa link na ibibigay ng
propesor.
www.flipquiz.com

10
PAKSA 2: URI NG MGA PANITIKAN SA PILIPINAS

Paunang Gawain: Magkakaroon ng online pre-test batay sa aralin. Ang link ay ibibigay
ng guro sa google classroom.

May dalawang uri ng panitikan. Una ay ang PIKSYON, ito ay mga akda mula sa
imahinasyon ng manunulat. Ikalawa ay DI-PIKSYON, ito ay mga akdang batay sa tunay
na pangyayari.

2 Anyo ng Panitikan

Tuluyan o Prosa
Tumutukoy ito sa maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap.
Nasusulat ito sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.

Tula o Panulaan
Ito ay ang pagbubuo ng pangugusap o parirala sa pamamagitan ng salitang
binibilang na
pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma.

Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan

Alamat -
isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil s
a tunay na ma tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang ala
mat ng mga mito at kuwentong-bayan.

Anekdota -
isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring na
ganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-
kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa
mga ginagawa ng mga tao.

Nobela -
o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kab
anata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-
18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag

11
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang pa
mpanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pag
babalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng
bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -
isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magka
kaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.
Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-
isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at
lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagk
at nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din it
ong kathang kuwentong
nagbibigay-aral.

Parabula o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango


mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa n
a malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasal
arawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang
inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kum
ikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong na
glalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay.
Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na na
gtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

Maikling kwento -
isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan n
g isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung gi
nagagad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap s
a buhay ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maiklin
g Kuwento."

Dula isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o ent
ablado.

http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935
12
Sanaysay- isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-
kuro ng may-akda.

http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-pormal-
na-sanaysay

Talambuhay-
isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango s
a mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral
sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag
tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may
mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa
Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos
niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at
sumulat ng iba’t ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng
kanyang masteral sa Paris at Heidelberg.

Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng


mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng
samahan tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa
ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan
noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot
13
siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan,
hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.

Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang
siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa
pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).

Talumpati-
isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng

pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng

kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunik


asyong

pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapaki


nig. Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.
Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-
isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandan
g hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugna
y ang kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alam
at mga mito.

14
Mga akdang patula
Mga tulang pasalaysay -
pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan
at kabayanihan ng tauhan.

Awit at Korido -
Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gus
to rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng ba
haging pang-
tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), ka
raniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-
musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tum
utugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o
malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.

Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa implu
wensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may apat n
a linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pagpap
ahayag ng mga tula.
Epiko-
uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao
o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-
puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalakin
g epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandi
wa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may
titik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-
bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.
Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.
Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:
1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.

15
Salawikain -
Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pan
gungusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.
Bugtong -
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o
nakatagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan a
ng bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinat
awag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-
alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-
nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa
dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.
Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-
araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madal
as itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng
lugar sa bansa.
Tanaga-
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabat
aan.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.
Pagtataya
Ang pagtataya ay ibibigay ng guro gamit ang www.flipquiz.com (online na pagsusulit)

PAKSA 3: MGA SALIGAN SA PANUNURING PAMPANITIKAN


PANUNURING PAMPANITIKAN

Ang Panunuring Pampanitikan ay isang malalim na paghimay sa mga akdang


pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng ibat’t ibang dulog ng kritisismo para sa
mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

(Karagdagang Detalye)

 Sa pagsusuri, kinakailangan ang lubos na kaalaman sa kathang sinusuri tulad ng


buong nilalaman ng akda, paraan ng pagkakabuo nito at ang ginamit ng awtor na
pamamaraan o istilo.
16
 Kinakailangan ding ang manunuri ay may opinyong bunga ng obhektibong
pananaw laban man o katig sa katha, kaya mahalagang siya ay maging matapat.
 Ang pagpapaliwanag o panunuligsa sa isang akda upang ihatid ang kahalagahan
nito ay pamumuna.
 Isa sa mga aspektong lumilikha ng mga akdang pampanitikan kasama ang iba’t
ibang sangkap ng kalikasan at mga kaugnay ay kapaligiran.
 Dalawa ang layunin ng panitikan: magbigay aliw at magbigay-aral kaya
mahalaga din sa mga akda ang magkaroon ng bias sa Kaasalan.
 Mula rito, maraming napupulot na pangyayari, sitwasyon at banghay na
maaaring gamiting paksa sapagkat batay ito sa sariling pagmamasid o
Karanasan.
 Ang kalipunan ng mga pinagyamang sinulat o nilimbag sa isang tanging wika ng
tao ay Panitikan.
 Ang pinakamahalagang salik na nagturo sa atin kung paano lumikha ng
mahuhusay na panitikan ay Karanasan.
 Pinakamahalagang bisang taglay ng panitikan; hindi malikhain ang akda kung
walang bias sa Kaasalan.
 Nag-uudyok ito na umunlad at yumaman ang diwa ng mga mambabasa kaya
tinawag itong bisa sa Kaisipan.

Teoryang Pampanitikan

Teoryang Klasismo/Klasisismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa


pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng
mga pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan.

17
Teoryang Humanismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-
tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

Teoryang Imahismo

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa


mga damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-adka na
higit na madaling maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip
na paglalarawan at tuwirang maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang
totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng panitikan.

Teoryang Realismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-


akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay
ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

Teoryang Feminismo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang


pambabae at iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy
kung ang isang panitikan ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang
pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at magagandang katangian ng
tauhan.

Teoryang Arkitaypal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda


sa pamamagitan ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga
simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema
ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa
18
isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng
may-akda sa mga mambabasa.

Teoryang Formalismo/Formalistiko

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot


gamit ang kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-
akda sa kanyang panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang
labis at walang kulang. Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang
pagsusuri’t pang-unawa.

Teoryang Saykolohikal/Sikolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga


salig (factor) sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw,
pagkatao) sa isang tauhan sa kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay
nagbabago o nagkakaroon ng panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago
o mabuo ito.

Teoryang Eksistensyalismo

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o


magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo (human existence).

Teoryang Romantisismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

19
Teoryang Markismo/Marxismo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may
sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang
kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula
sa kalugmukan sa adka ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

Teoryang Sosyolohikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng


lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa
pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.

Teoryang Moralistiko

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa


moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga
pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.

Teoryang Bayograpikal

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay


ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng
mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang
karanasan sa mundo.

20
Teoryang Queer

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa


mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual
naman ay queer.

Teoryang Historikal

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan au bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong
ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

Teoryang Kultural

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi


nakakaalam. Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyon
minana at ipasa sa mga sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay
natatangi.

Teoryang Feminismo-Markismo

Ang layunin ng panitikan ay ilantad ang iba’t ibang paraan ng kababaihan sa


pagtugon sa suliraning kanyang kinakaharap. Isang halimbawa nito ay ang pagkilala sa
prostitusyon bilang tuwirang tugon sa suliraning dinaranas sa halip na ito’y kasamaan at
suliranin ng lipunan.

Teoryang Dekonstraksyon

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao
at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang
pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong
pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagtao at mundo.

21
Pagtataya
Ang pagtataya ay ibibigay ng guro gamit ang www.flipquiz.com (online na pagsusulit)
PAKSA 4: MGA PANANALIG TEORYANG PAMPANITIKAN

Teoryang Realismo

Nagpapahayag ito ng pagtanggap sa katotohanan o realidad ng buhay.

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksiHan ng may-akda sa


kanyang lipunan SA MAKATOTOHANANG PAMAMARAAN.

Ipinaglalaban ng teoryang realismo ang katotohanan kaysa kagandahan

HALIMBAWA NG MGA AKDA

1. AMBO
2. BANGKANG PAPEL
3. MGA IBONG MANDARAGAT
4. MAGANDA PA ANG DAIGDIG
5. DEKADA ‘70

IBA’T IBANG PANGKAT NG PAGSUSURING REALISMO SA PANITIKAN

PINONG (GENTLE) REALISMO


May pagtitimping ilahad ang kadalisayan ng bagay- bagay at iwinawaksi ang anumang
pagmamalabis at kahindik- hindik

SENTIMENTAL NA REALISMO
Mas optimistiko at inilalagay ang pag-asa sa damdamin kaysa kaisipan sa paglutas ng
pang araw-araw na suliranin

SIKOLOHIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang internal na buhay o motibo ng tao sa pagkilos

KRITIKAL NA REALISMO
Inilalarawan ang gawain ng isang lipunang burgis upang maipamalas ang mga
aspektong may kapangitan at panlulupig nito

SOSYALISTANG REALISMO
Ginabayan ng teoryang Marxismo sa paglalahad ng kalagayan ng lipunang maaaring
mabago tungo sa pagtatayo ng mga lipunang pinamumunuan ng mga anak pawis

22
MAHIWAGANG (MAGIC) REALISMO
Pinagsanib na pantasya at katotohanan nang may kamalayan. Higit na mahalaga ang
katotohanan kaysa kagandahan

AMBO
Isang maikling kuwentong isinulat ni Wilfredo Virtusio. Ito ay tumatalakay sa katiwalian
na siyang dahilan ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito ang
kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang inatupag kung hindi ang
magkamal ng salaping nagmumula sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay
maibigay ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya.

Bangkang Papel

isinulat ni Genoveva Edroza- Matute. Ito ay unang nailathala noong 1946. Nailimbag ito
sa librong Piling Maiikling Kuwento.

Ang isyung tinalakay sa kwento ay ang pagkawasak ng pamilya dahil sa gera. Unang
nailathala ang maikling kwentong Bangkang Papel noong 1946, ang taon kung saan
nagkamit ng Pilipinas ang tunay na kalayaan. Ito rin ang unang taon kung saan maaring
maglathala ng mga kwento ang awtor. Bakas sa kwento ang kinimkim na saluobin ng
awtor tungkol sa digmaan noong pinlanong sakupin ng mga Hapon ang Pilipinas.Ang
kwentong ito ay tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay sa tuwing nakakakita
siya ng mga batang nag papalutang ng bangkang papel.

Mga Ibong Mandaragit

Nobela ni Pambansang Alagad ng Sining Amado V. Hernandez, (1969) ITO ay tungkol


sa paghahanap ng makatwirang pagbabago sa sistemang piyudal, at pagnanais ng
mga tao na lumaya mula sa mga makapangyarihang puwersang panlipunang patuloy
na nagpapahirap sa mga dukha.

Maganda pa ang Daigdig

Nobela ni Lazaro Francisco (1955) ITO ay naglalahad sa buhay ni Lino Rivera. Si Lino
ay anak ng magsasaka at dumanas ng pagdurusa sa sistemang piyudal.

Ang Dekada ’70

isang nobelang Pilipino na isinatitik ni Lualhati Bautista. Ito ay isang pagsasalaysay ng


mga pangyayari sa buhay ng isang pamilyang nahagip sa kalagitnaan ng mga
magulong dekada ng 1970.
Isang makahulugan ngunit hindi mapanghimagsik na nobelang Pilipino, ang Dekada ’70
ay isa sa dalawang nagwagi ng mga pangunahing Gantimpalang Palanca noong 1983.
Ginawa itong isang ganap na pelikula ng Star Cinema noong 2003, na kinabidahan nina
Christopher de Leon at Vilma Santos.

23
Teoryang Klasismo

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa


pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga
pangyayari, matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang
may kaayusan.

Katangian ng Klasismo

1. Matipid sa paggamit ng wika.


2. Maingat sa pagsasalita at pagpapahayag ng damdamin.
3. Para sa kanila hindi angkop ang paggamit ng salitang balbal.
4. Hindi rin angkop ang labis na emosyon.

Kagamitang Pampagtuturo:
I click lang ang mga link na ito para sa mga karagdagang sanggunian upong lubos na
maunawaan ang teoyang Klasismo.
https://prezi.com/ocjftgme_yte/teoryang-klasisismo/
https://www.slideshare.net/rochamirasol/teoryang-pampanitikan-39313643

Teoryang Romantisimo

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o
sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

Katangian ngTeoryang Romantisismo

1. Nagpapamalas ng pag-ibig sa bayan.


2. Pagmamahal sa kalayaan at lupang sinilangan.
3. Paniniwala sa taglay na kabutihan ng tao.
4. Paghahangad ng espiritwalidad at hindi mga bagay na material.
5. Pagpapahalaga sa dignidad.
6. Kahandaang magmahal sa babae/lalaking nag-aangkin ng kapuri-puri at
magandang katangian, inspirasyon at kagandahan.

Ilang Halimbawa ng akdang nagpapaksa ng Romantisismo


1. Pagtatapat ni Lope K. Santos
2. Pakikidigma ni Jose Corazon De Jesus
24
3. Ang Ulap ni Ildefonso Santos

Kagamitang Pampagtuturo:
I click lang ang mga link na ito para sa mga karagdagang sanggunian upong lubos na
maunawaan ang teoyang Romantisismo.

https://www.slideshare.net/benjieolazo/teoryang-romantisismo-at-realismo
https://www.slideshare.net/FloredithAnnTan/filipino-presentation-26988415

Pagtataya:

Ang pagsusulit ay ibibigay sa online. (www.flipquiz.com)

PAKSA 5: Impresyunismo at Simbolismo

Teoryang Impresyunismo

Sa panitikan, ang teoryang impresyonismo ay tumutukoy sa paglikha ng


impresyon ng karanasan ng mga tauhan. At pagkatapos nito, iniiwan sa mambabasa
ang interpretasyon ng mga pangyayari sa istorya.

Ang paraan o style ng manunulat sa pagkukuwento ay ang hindi direktang pagsasabi


ng reyalidad o hindi direktang pagsasabi ng totoong mga pangyayari. Dahil ang
paglalarawan ng mga pangyayari ay isinasalaysay sa mata o point of view ng mga
tauhan. Kaya maaaring maging malabo sa simula ang ibang detalye ng kuwento.

Ngunit dahil sa paraang ito, nabibigyan ang mga mambabasa ng pagkakataon na mas
mag-isip at bumuo ng hatol sa kung ano kaya ang nangyari sa kuwento. Kumbaga,
hindi spoon-feeded ang pag-interpret sa istorya. Kundi, nakasalalay ang pag-intindi sa
magbabasa.

Teoryang Simbolismo

Layunin nitong pukawin ang mga mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng


iba’t ibang pagpapakahulugang pampanitikan. Ang punto de vista ng teoryang ito ay
mabigyan ng pagkakataon ang mga mambabasa na iugnay ang sariling interpretasyon
sa tekstong binabasa.

Paksa 6: -Idealismo, Naturalismo, Femenismo

Teoryang Idealismo
Pinaniniwalaang ang ideyang nasa isipan ay makatotohanan at
maisasakatuparan. Ang ideyalismo mula sa Griyego na “idein” na nangangahulugang
“makita”.

25
Ang ideyismo ay isang pilosopiya na na-kredito sa dakilang pilosopo na si Plato. Ang
pangunahing tampok ng pilosopiya na ito ay ang pagsasaalang-alang na ang
katotohanan ay walang iba kundi ang itinayo ng ating isip para sa atin. Ang idealismo ay
nagtatala ng pangunahing kahalagahan sa kamalayan ng tao at malinaw na ito ay isang
paniniwala na ang mundo at katotohanan ay kung ano ang pinaniniwalaan tayo ng ating
isip. Upang maunawaan ang sanhi at epekto ng ugnayan sa pagitan ng mga kaganapan
sa sosyolohikal, ang estado ng pag-iisip ng mga tao sa lipunan ay ang pinakamahusay
na tool sa kamay ayon sa idealismo. Ito ang saligan ng isang idealista na ang pag-iisip
ng tao ang nangunguna sa lahat, kasama na ang bagay o materyalismo, kung kailan
nagsisimula ang isa na mag-isip tungkol sa proseso ng sosyolohikal at mga kaganapan.
Teoryang Naturalismo

Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang walang malayang kagustuhan ang


isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang herediti at
kapaligiran.

Ang mga akdang nagbibigay – diin sa teoryang ito ay nagpapakita ng mga


pangyayaring natural at nakatutulong ang mga piling salita at mga pahayag upang
pangibabawin ito. Ipinakikita rin ang epekto ng kapangitan ng kalagayan, katulad ng
kahirapan at kawalan ng katarungan, sa mga tauhan nito.Ito’y isa sa mga
namamayagpag sa kasalukuyan.

Ito ay nagtataglay ng mga pinakamasidhing katangian ng teoryang Realismo.


Itinuturing na mabangis na gubat ang buhay sa mga walang kalabanlabang mga tao at
mas detalyado ang mga kasuklam – suklam na mga pangyayari sa buhay ng tao.

Teoryang nag-uugnay ng syentipikong pamamaraan sa pilospiya sa


pamamagitan ng paniniwalang lahat ng nilalang at pangyayari sa sangkalawakan ay
natural at ang lahat ng karunungan ay maaaring dumaan sa masusing pagsusuri.

Naging popular ang naturalismo noong dekada 1930 at 1940 sa Estados Unidos
dahil kina F.J.E. Woodbridge, Morris R. Cohen, John Dewey, Ernest Nagel at Sidney
Hook.

Sa panitikan, layon ng naturalismo na ipakita nang walang panghuhusga ang


isang bahagi ng buhay.May pagkakapareho ito sa realismo, kaya tinawag din itong
ekstensyon ng realismo.

Nagpapakita na kahit simpleng tao ay dumadaan rin sa mahirap na suliraning


panlipunan.
Ang akdang literari sa teoryang ito ay naglalarawan ng kasamaan ng tao sa daigdig na
higit na maganda ang marumi at karumal-dumal na pangyayari. Nabibigyang pansin din
sa teoryang ito ang mga saloobin, damdamin, kilos at gawi ng mga tauhan.

26
PANANAW NA NATURALISMO
1) Ang buhay ay tila isang marumi, mabangis at walang awang kagubatan.
2) Ang indibidwal ay produkto ng kanyang kapaligiran at pinanggalingan.
3) Mahina ang hawak ng tauhan sa kanyang buhay. Pesimista siya sa simula pa
lamang.
4) Ang akda ay nagbibigay-diin sa namamana at pisikal na katangiang likas sa tao
kaysa katangiang moral.
5) Ito’y may simpleng tauhan na may di mapigil na mga damdamin.

Akdang Nakapaloob sa Teoryang Naturalismo

Maikling Kuwento:

Walang Panginoon ni: Deogracias A. Rosario

Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang umagang yaon ang malaki nilang


kapalaran sapagkat mabuti ang lagay ng tanim nilang palay nang isang utusan sa
bahay-pamahalaan ang dumating taglay ang utos ng hukumang sila’y pinaaalis sa
kanilang lupang kinatatayuan, at sinamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang lahat ng
lupa nilang sinasaka.
Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay
lumaki ang puso sa pagtitiis. Naging maluwag nga ang kanyang dibdib sa pagtanggap
sa pang-aapi ng may-ari ng lupa.
Datapwat nang tanggapin niya ang utos ng hukuman na pinaaalis sila roon,
talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang
kanyang kamay, yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga
tao.

Nobela:

Tigre!Tigre!ni: Mochtar Lubis salin ni: Mauro R. Avena

…mas gusto ni Pak Hitam na buwanang malayo sa kanyang nayon at tumira sa bahay
niya sa Bukit Harimau sa gitna ng gubat, tatlong araw ang layo mula sa Batu Putih.

Sanaysay:

Miliminas: Taong 0069 ni: Nilo Par Pamonag salin ni: Ruby V. Gamboa-Alcantara

Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa


asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi
pagbibigay ng ano mang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa.

27
Pangkalahatang Pananaw ng Naturalismo

Iniiwan ng teoryang ito ang mga katagang “huwag mong husgahan ang tao sa panlabas
niyang anyo bagkus alamin muna ang pinagmulan ng katangian niyang ito” sapagkat
“kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa, iyon din ang iyong matatanggap.”

Karagdagang babasahin (Naturalismo)


https://www.slideshare.net/sitio1/ang-teoryang-naturalismo-ni-dante-menor-teodoro-jr

Teoryang Feminismo

Ang layunin ng teoryang ito ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang


pambabae at iangat
Ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang
panitikan ay feminism sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay
ipinamayagpag an gang mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

Karagdagang babasahin (Feminismo)

https://prezi.com/1kiwy1kphuie/teoryang-feminismo/
https://www.slideshare.net/lovebordamonte/teoryang-pampanitikan-9472157

PAKSA 7: -Ekspresyunismo,Modernismo at Eksistensyalismo

Teoryang Ekspresyunismo
Layunin ng teoryang ito na mas pinapalitaw ang damdamin kaysa sa pisikal na
kaanyuan ng mga karakter. Binibigyang pansin ang mga indibidwal na karakter sa
positibong paniniwala at makatotohanang paglalahad.

Teoryang Modernismo
Layunin ng teoryang ito na maging modernismo o makabagong pananaw na may
radikal na pagkakaiba sa mga naisulat na hindi magiging larawan lamang ng reyalidad
ang sining kundi interpretasyon (Kung minsan ay hindi maunawaan, puno ng misteryo
at hiwaga at kung minsan ay walang kabuluhan ng bisyon ng mundo.

Teoryang Eksistensyalismo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o
magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa
mundo o (human existence)

Katangian ng Eksistensyalismo
1. Ang kalayaang pumili ay kasama ng konsistent at responsibilidad.
2. Pinakapromenenteng tema ay ang “pagpili”.

28
3. Ang kalayaan nitong pumili ay ang pinakakakaibang katangian ng
sangkatauhan.
4. Nauuna ang eksistens bago ang esens.
5. Ang pagpili ay kailangan sa eksistens ng bawat nilalang at hindi ito
matatakasan
maging ang hindi pagpili ay isa ring pagpili.

Karagdagang babasahin (Eksistensyalismo)


https://www.youtube.com/watch?v=rSJvG_esTzw
https://www.slideshare.net/bowsandarrows/eksistensyalismo-at-istrukturalismo
https://prezi.com/yf8-qtidm_vd/eksistensyalismio/

Pagtataya: Ibibigay ang pagsusulit online.

PAKSA 8: Mga Paraan sa Pagtalakay sa mga Akdang Pampanitikan


-Panlipunang Kaisipan
-Pang-moral at Pang-anyong Arketaypal

Mga Batayang Simulain sa Panunuring Pampanitikan

Bunga ng maraming taong pagtuturo ng panunuring pampanitikan bilang


asignatura sa mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa Pamantasang
Normal ng Pilipinas, at pagtatamo ng anim na Gawad Surian sa Panunuring
Pampanitikan-Gantimpalang Collantes ako’y nagtangkang bumuo ng ilang simulain sa
panunuring pampanitikan gaya ng mga sumusunod:
1. Ang pagsusuri sa akda ay dapat may uri at katangian ng katalinuhan, seryoso
at marubdob na damdamin at ng tapat na mithi sa kalayaan.

Ang pahayag na ito ay nagmula sa tatlong kilalang kritiko nang sila’y


maanyayahang maging punong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng Sanaysay-
Panunuring Pampanitikan sa Nobela noong 1985:Min. Edmundo Libd, Dr. Anacleta M.
Encarnacion at Dr. Venancio L. Mendiola. Ganito ang kanilang pahayag matapos piliin
ang limang mahuhusay na lahok mula sa 25 lahok:

Dahil sa malalim na persepsyon at matalinong panunuri (hindi lamang sa masinop na


pananaliksik at malawak na kaalamang iskolar), ang mga sumusunod ang napiling
gantimpalaan:

Unang gantimpala- Pagsusuri sa Estetikong Porma, Sosyolohikang Implikasyon at


Katutubong Eksistensyal ng sa mga Kuko ng Liwanag ni Pedro L. Ricarte

Pangalawang gantimpala- Ang Pagkamulat ng Isipang Feminista ni Amanda Bartolome:


Pangunahing Tauhan ng Dekada ’70 ni Loline M. Antillon

Pangatlong gantimpala- Ang pagnanasa at ang Utopia sa mga Nobela ni Dominador


Mirasol ni Soledad S. Reyes
29
Unang karangalang-banggit- Ficcion: Daloy ng Kasaysayan sa Kamalayang Panlipunan
ni Fidel Rillo Jr. at

Pangalawang karangalang-banggit- Ang Satanas sa Lupa: Repleksyon ng Kamalayang


Sosyo-Politikal sa Bansa ni Pat Villasan Villafuerte.

2. Sa pagsusuri ng anumang akda ay kailangang mahusay anng organisasyon o


balangkas ng lahok. Bahagi ito ng disiplina ng pagsusuri.
3. Sa pagsusuri ng anumang akda ay dapat maging maganda ang paksa, may
kalinisan ang wika at organisado ang paglalahad.
4. Sa pagsusuri ay mahalagang mahagap ng may-akda ang kanyang piniling
paksa, mahusay ang pagtatalakay at organisasyon ng material, malinaw ang balangkas
na kinapapalooban ng malinaw na tesis o argumento na sinundan ng buong sanaysay,
may naidagdag sa kasalukuyang kaalaman tungkol sa panitikan at mahusay at makinis
ang pagkakasulat.
Ang pahayag sa itaas ay nagmula kina Dr. Soledad S. Reyes, Dr. Loline M. Antillon at
Prop. Tomas O. Ongoco na naging lupong inampalan sa Timpalak sa Pagsulat ng
Sanaysay-Panunuring Pampanitikan sa Panitikang Nasusulat sa Katutubong Wika sa
Pilipinas.

5. Sa pagsusuri ng tula, ang pananarili sa pananagisag sa tula ay hindi dapat


panaigin. Ang katangian ng makasining na tula ay ang sikad na damdamin at lawak ng
pangitain nito.
Ang simulating ito ay ayon kay Ruben Vega na siya ring nagsabing ang mahalaga sa
tula ay ang lasa at hipo nito at hindi ang balat ng prutas. Ayon pa sa kanya, ang buhay
daw ng sining ay nasa ubod at laman.

6. Ang pamimili ng paksang tutulain ay hindi siyang mabisang sukatan ng


kakayahan ng ng makata. Sa halip, ang higit na kailangang pahalagahan at
sukatin upang makagawa ng makatarungang pagahatol ay kung papaano
ang pagkatula.
Ayon kay Pedro L. Ricarte, kung papaanong buhat sa paksang kinuha sa pagtutulong-
tulong ng sensibilidad, kadalubhasaan, institusyong ang tunay na tula ay kailangang
matigib ng damdamin, kinakailangang managana sa kabuuan nito, sapagkat kung hindi
mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi maaaring matibag sa mga taludtod nito ang
isnag kagandahan.

7. Ang susuriing akda ay kailangang napapanahon, may matibay na kaisahan,


makapangyarihan ang paggamit ng wika at may malalim na kaalaman sa
teoryang pampanitikan.

8. Ang susuriing akda ay kailangang nagpapamalas ng masinop na pag-uugnay


ng mga sangkap ng pagsulat.

30
PAKSA 9: Pagsusuri ng Akda batay sa Teoryang Pampanitikan

Mga Katangian ng Isang Mahusay na Kritiko sa Panitikan

Kinilala, hinangaan, at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilipino sina


Alejandro G. Abadilla at Clodualdo del Mundo bilang namumukod-tanging kritikong
panitikang Filipino noong kanilang panahon. Ganito ang ipinahayag ni Abadilla (1954):

Sa bisa ng “Parolang Ginto” ni Clodualdo del Mundo noong 1972, si del Mundo ay
nagsimula ng pamimili ng sa palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at
taon. Ang panunuri at pamimiling ito ay tumagal nang walang patlang hanggang noong
1935.

Samantala, kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni


del Mundo ang larangan ng pamumuna o panunuri, si Alejandro G. Abadilla naman ay
pumagitna sa larangan sa pamamagitan ng kanyang “Talaang Bughaw” noong 1932, na
sagisag mula noon hanggang ngayon, sa buwanan at taunang pamimili ng
pinakamahuhusay na akda, maging tula o akda man.

Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso: Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq,” isang
sanaysay ni Isagani R. Cruz ay sunud-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga
mambabasa bilang paglalarawan sa mga nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri
na itinutumbas niya sa salitang kritika:

Ano ba ang tayo ng kritika sa kasalukuyan? Ano ba ang uso ay hindi uso? Anu-ano ang
mga isyu na nalutas na at ano pa ang hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na
ba tayo ngayon sa kritika?

Tulad ng pagiging manunulat ng alinmang akdang pampanitikan, ang isang kritiko sa


panitikan ay dapat ding magtaglay ng magagandang katangian. Dahil ditto,
iminumungkahi ng manunulat ng aklat na ito ang sumusunod na mga katangiang dapat
taglayin ng isang kritiko:

1. Ang kritiko ay matapat sa sariling itinuturing ang panunuri ng mga akdang


pampanitikan bilang isang sining.
2. Ang kritiko ay handang kilalanin ang sarili bilang manunuri ng akdang pampanitikan
at hindi manunuri ng lipunan, manunulat, mambabasa o ideolohiya.
3. Ang kritiko ay lagging bukas ang pananaw sa mga pagbabagong nagaganap sa
panitikan.
4. Ang kritiko ay iginagalang ang desisyon ng ibang mga kritiko na patuloy na
sumasandig sa ibang disiplina gaya ng linggwistika, kasaysayan, sikolohiya, atbp.
5. Ang kritiko ay matapat na kumikilala sa akda bilang isang akdang sumasailalim sa
paraan ng pagbuo o konstruksyon batay sa sinusunod na alituntunin at batas.
6. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, kailangan ng isang kritiko ang tigas ng damdaming
naninindigan upang maging tiyak na kapakinabangan ng panitikan ang kanyang

31
pagmamalasakit, ay ipinakilala ng mga pangyayari nang mga unang taon ng kanyang
pamimili.

Karagdagang babasahin:
Paki-click nalang ang mga link
https://www.slideshare.net/karenmfajardo/kahulugan-at-kahalagahan-ng-panunuring-
pampanitikan-katangian-ng-isang-mahusay-na-kritiko
https://www.slideshare.net/kimdesabelle/pagsusuri-ng-akdang-pampanitikan

Pagtataya:
Ibibigay ang pagtataya o pagsusulit online.

Yunit II
Introduksyon sa Pagpapahalaga sa mga Akdang Pampanitikan

PAKSA 10: Pagkilala sa mga Akdang Pampanitikan

Bago natin tuluyang palawigin ang paksang ito. Ibibigay ko muna sa inyo ang
mga akdang pampanitikan na nagkaroon ng malaking impluwensya sa daigdig.

1. Banal na Kasulatan/ Bibliya (Aramaic, Latin, Griyego, Hibreo)


2. Koran mula sa Arabia (Arabic)
3. Illiad at Odyssey ni Homer (Griyego)
4. Mahabharata ng India (Sanskrit)
5. Canterburry Tales niChaucer (Old English)
6. Uncle Tom’s Cabin ni Harriet Beecher Stowe (Modern English)
7. Divina Comedia ni Dante Alighieri (vulgar Italian)
8. Noli Metange at El Filibusterismo (Pilipino)
9. El Cid Compedor mula sa Espanya

Para sa mas malalim na pagtalakay sa paksa I click ang link na ito.


https://www.slideshare.net/lovebordamonte/akdang-pampanitikan

Pagtataya: Ang pagsusulit ay ibibigay ng guro sa online.

PAKSA 11: Komiks

Ito ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento.

32
Para sa mas malalim na pagtalakay hinggil sa komiks kabilang ang kasaysayan nito at
iba pa
I click lamang ang mga link na makikita sa ibaba.

https://www.slideshare.net/closet101mirasol/komiks-56201779
https://www.slideshare.net/charlottemalinao/komiks-powerpoint
https://www.slideshare.net/JeffAustria/kasaysayan-ng-komiks

Pagtataya:
Ang maikling pagsusulit ay ibibigay ng guro gamit ang online quiz.

PAKSA 12: TULA

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG TULA


NI: MARY FLOR BURAC

I. PAKSA NG TULA

Ang paksa ng tula ay may katiyakan sapagkat ipinababatid nito ang


mensahe sa mga taong nagnanais makamit ang tagumpay o kaginhawahan sa
buhay.

II. SIMBOLISMONG GINAMIT

Gulong > gingamit bilang simbolo sa kalagayan ng buhay ng tao.

III. ANGKOP NA TEORYANG PAMPANITIKAN

Ang may-akda ng tula ay gumamit ng Teoryang Imahismo bilang pagtutulad


ng gulong sa kapalaran ng isang tao, minsan ay nasa itaas kung minsa nama’y
nasa ibaba. Kalakip din nito ang Teoryang Moralismo, na ang pag-unlad ay
33
hindi nasusukat sa kung ano ang narating sa buhay, o bilang ng mga
diplomang nakamit at higit ay ang propesyong natapos.Ang kaunlaran ay
nakukuha dahil sa pagsisipag at pagsusumikap.

IV. PAGPAPAHALAGA SA TALASALITAANG GINAMIT

Salapi - pera
Mapasilong - ibaba
Pagbanat - pagtatrabaho

V. PAGTUKOY SA MGA TAYUTAY NA GINAMIT

“Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ang pagkilos natin ang susi para
ibigay ng Diyos ang karangyaan sa buhay. Pinapahalagahan dito na ang
kasipagan ang daan upang maabot ang mg mithiin.

VI. PAGPAPAHALAGANG PANGKATAUHAN

Matutong maging masipag at matiyaga dahil ang mga kadalasang


nagtatagumpay ay ang mga taong may taglay ng ganitong katangian. Hindi
iniaasa ang kaginhawahan ng kanilang buhay sa swerte- swerte lang, kundi
sila ang nakakaalam o gumagawa ng kanilang magandang buhay.Dahil
ginagamtimpalaan ng Diyos ang mga taong tapat sa pamumuhay at kasiya-siya
ang kanilang ginawang sakripisyo.

VII. PAGPAPAHALAGA SA PANSARILING PANG-UNAWA SA TULA

Hindi basehan ng pag-unlad o pag-angat sa buhay ng isang tao ang


kanyang naabot sa larangan ng Edukasyon dahil maaaring makamtan ito ng
mga taong hindi nakapagtapos ng pag-aaral kung sila ay madiskarte, matiyaga
at masipag.Ito ang puhunan nila sa pag-unlad

Para sa mas malalim na pagtalakay sa Pagsusuri ng TULA


I click lamang ang mga link na makikita sa ibaba;

https://www.slideshare.net/JonahlyneBarrameda/pagsusuri-ng-tula-73308795
https://www.slideshare.net/ferdosmangindla/pagsusuri-ng-tula-45590371

Pagtataya: Ang pagsusulit ay ibibigay ng guro sa online.

34
PAKSA 13: -Sanaysay (Uri, Halimbawa,Teoryang Masasalamin)

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG SANAYSAY


NI: MARY FLOR BURAC

I. PAKSA :
Ang paksa ng sanaysay ay tungkol sa mga nangyayari sa loob ng dyipni. Ang Dyipni ay
parang isang lipunan, kung saan kinapapalooban ng iba’t ibang pag-uugali ng mga
nakasakay rito.

II. TEMA :

Ang tema o pinakapusod ng mensahe ay ang pahalagahan ang kulturang Pinoy. Kahit
sa simpleng bagay na maaaring pagkakakilanlan sa pagiging Pilipino. Nakikilala ang
pagiging malikhain natin mula sa mga bagay na basura para sa ibang bansa mas
nalilinang ng mga Pinoy.

III. PANIMULA

Inilahad ito sa paarang nagkukwento ng sariling karanasan ng may akda.Tinutukoy dito


kung ano ang kahulugan ng dyipni base sa karanasan ng may akda.

IV. NILALAMAN

Nakasulat dito ang mga karaniwang ginagawa ng pasahero sa loob ng Dyipni.Ang mga
kasabihan na kalimitang patama sa pasahero.Makikita rin ang paglalarawan sa mga
drayber at ang mga hirit nito sa lalo na kung may makakatabing maganda o
balingkinitan ang katawan.

V. KONKLUSYON

Ang naging wakas o katapusan ay ang pagpapakita ng katiyagaan sa paghihintay ng


pag-usad ng trapik sa kabila ng mahirap na pakiramdam lalo na sa samu’t saring amoy
sa loob at labas ng dyipni. Subalit ang mahalaga na inilahad dito ay ang pag uwi ng
matiwasay sa dadatnang tahanan.

Para sa mas malalim na pagtalakay sa paksa (Pagsusuri ng Sanaysay)


I click lamang ang mga link na ito:
https://www.slideshare.net/NeiliaChristinaQue/elemento-ng-sanaysay

Pagtataya: Ang pagsusulit ay ibibigay ng guro sa online.

35
PAKSA 14: - Awit (Uri, Halimbawa,Teoryang Masasalamin)

I. Pagsusuri

A.Pyesa
Magdalena
ni Freddie Aguilar

Tingin sa iyo'y isang putik, larawan mo'y nilalait

Magdalena ikaw ay 'di maintindihan

Ika'y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig

Hindi ka nag-aral, 'pagkat walang pera

Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad

Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad

Hindi mo man ito nais, ika'y walang magagawa

'Pagkat kailangan mong mabuhay sa mundo

Tiniis mo ang lahat, kay hirap ng kalagayan

Ang pangarap mo, maahon sa hirap

Kaya ika'y namasukan, doon sa Mabini napadpad

Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad

Magdalena, ikaw ay sawimpalad

Kailan ka nila maiintindihan

Magdalena, ikaw ay sawimpalad

Kailan ka nila maiintindihan

36
Magdalena, Magdalena

Ibig mo nang magbago at mamuhay na nang tahimik

Ngunit ang mundo'y sadyang napakalupit

Hanggang kailan maghihintay, hanggang kailan magtitiis

Ang dalangin mo, kailan maririnig

Magdalena, ikaw ay sawimpalad

Kailan ka nila maiintindihan

Magdalena, ikaw ay sawimpalad

Kailan ka nila maiintindihan

Magdalena, Magdalena

B. Suri sa Elemento

1. Ritmo
Ang ritmo ay ang pulso at indayog ng tunog upang mabigyang buhay ang kanta.
Ito ang paulit-ulit na tunog na naririnig. Masasabing ito ay mahalaga sa kadahilanang
makukuha ang tono ng isang awitin. Sa pagsusuri ng awitin na Magdalena ni Freddie
Aguilar, mapapansin na dalawang beses inulit ang tono ng naunang saknong at
sinundan ng panibagong tono upang maipakita ang bagong diwa ng awitin. Nailahad
nang maayos ng mang-aawit ang kasidhian ng damdamin ng mga naunang talata dahil
sa pagkakaroon ng mababang indayog nito. Katulad ng mga naunang awitin ni Freddie
Aguilar, ito ay nananatiling magaang emosyon na mabigat ang pasanin. Nabigyang
tugon din ito sa mga naturang kanta noong 1980s.

2. Timbre
Isa sa mga elemento ng musika ang timbre. Ito ay tumutukoy sa kalidad ng isang
tono, nota o kaya naman ay tunog sa isang kanta. Ayon naman sa Acoustical Society of
America (ASA), ito ay ang kakayahan ng ating pandinig na makatukoy ng kaibahan ng
37
dalawang tunog na magkapareho ang lakas at taas. Ang timbre ng mang-aawit na
pinamagatang “Magdalena” ay tenor, mataas na tono sa tinig ng mga kalalakihan.
Masasabing garalgal ang boses ng mang-aawit lalo sa mga saknong na matataas na
ang tono. Pansinin ang linyang ito:

“Kaya ika’y namasukan, doon sa Mabini napadpad


Mula noon, binansagang kalapating mababa ang lipad
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihanla
Magdalena, ikaw ay sawimpalad
Kailan ka nila maiintindihan
Magdalena, Magdalena .”

Bagamat mapapansin sa mga unang linya na malumanay at kaunting garalgal


lamang ang narinig, mayroon pa ring parte na tuluyan ang naturang tono nito.

3. Daynamiks
Ang daynamiks ay isa sa mga sangkap ng musika. Ito ay pumapatungkol sa
paglakas at paghina ng awitin o isang tugtugin. Kung ating susuriin ang kanta ni Freddie
Aguilar na pinamagatang “Magdalena”, mapapansing naging balanse ang pagkabigkas
ng malalakas at mahihinang parte. Naiugnay rin ang kahulugan ng awitin sa angkop na
antas ng daynamiks kagaya na lamang ng mahinang pagbigkas ng mapanglaw na mga
taludtod sa nasabing kanta. Kagaya na lamang ng linya sa ibaba:
“Tingin sa iyo’y isang putik, larawan mo’y nilalait,
Magdalena ikaw ay ‘di maintindihan
Ika’y isang kapuspalad, bigo ka pa sa pag-ibig
Hindi ka nag-aral, ‘pagkat walang pera”

4. Liriko
Bukod sa pagkakaroon ng mayamang damdamin, ang liriko ay isang
instrumentong nagpapakita ng damdamin ng mang-aawit o ng manunulat. Kadalasang
binubuo ito ng mga taludtod. Kung ating susuriin ang kantang "Magdalena", tila pasok
ang mga liriko nito sa gustong ipahiwatig ng mang-aawit o manunulat kung saan
binibigyang tampok nito ang damdamin at maging ang pagbubulay-bulay ng mang-
38
aawit. Mapapansin din na swak sa tyempo ang mga salitang ginamit sa bawat taludtod.
Naipamalas din ang angking katapatan ng manunulat patungkol sa isyung lipunan na
kinakaharap ng bansa, ang prostitusyon. Pagdating sa mga salita, ginamit ng mang-
aawit ang malalalim na salita at mga tayutay na kung iisipin man ay aabutin ka ng ilang
minuto upang ito ay maintindihan. Bagamat malalim makikita pa rin ang buong mensahe
ng nasabing kanta. Isang indikasyon ito upang masabi na pulido at makikita ang diwa ng
liriko.

5. Melodiya
Ang melodiya sa musika ay ang kumbinasyon o pagsasama-sama ng ritmo at
katindihan ng musika. Binubuo rin ito ng isa o higit pang mga pariralang pangmusika. Ito
ay isang elemento ng musika kung saan binubuo ito ng maraming nota at mas malawak
na saklaw. Sa kantang "Magdalena" ni Freddie Aguilar , mapapansing naging kawili-wili
ang palitan ng mga tono kaya naman naipahayag nang maayos ang mensahe ng kanta.
Kung sa una ay gumamit ang mang-aawit ng mababang tono, indikasyong malumanay
at kahali-halina ang ipinapahiwatig ng saknong. Lumutang din ang garalgal ng boses ng
mang-aawit na tila ba isa itong paraan upang maayos niyang mapalitan ang tono para
sa mga susunod na nota na kanyang bibigkasin. Sa huli ay masasabi ng manunuri na
nagtugma at hindi naging mitikuloso ang palitan ng mga tono dahil na rin sa paulit-ulit na
pagbigkas nito.
C. Nilalaman

Pagdating sa laman o mensahe ng kanta, masasabing malalim ngunit buo ang


detalyeng inihahatid nito sa mga tagapakinig. Kung susuriin ay masasabi na ito ay
makatotohanan at tiyak na kapupulutan ng aral. Ang naturang awitin ay tumatalakay sa isang
babaeng inalipusta ng lipunan. Kahirapan ay mistulang pinag-ugatan ng kanyang mabigat na
pinapasan. Ang babae sa sa awitin ay hindi nakapag-aral dala ng kahirapan kung kaya’t siya ay
nauwi sa pagiging bayaran. Walang pinag-aralan, bigo sa pag-ibig, at mababa ang lipad. Ganito
inilarawan ang babae sa naturang awitin. Sa kabila ng kanyang kagustuhang magbago, siya ay
nananatiling hirap dahil tanging pangungutya at panghuhusga lamang ang kanyang nakukuha
mula sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Sinisimbolo ng awiting “Magdalena” ang mga kababaihang napasok sa uri ng trabahong


hindi man nila gusto ay nagawa ilang suungin sa kagustuhan nilang magkaroon ng laman ang

39
kanilang mga tiyan. Nais ipahiwatig ng kanta ang saloobin ng mga babaeng hindi man akma sa
lipunan ang ginagawa ay nangangailangan pa rin ng respeto at pagtanggap mula sa kanilang
lipunang ginagalawan. Ang mensahe ng kanta ay labis na akma sa kasalukuyang panahon sa
kadahilanang hanggang sa kasalukuyan ay marami pa ring kababaihan ang hindi makakuha ng
maayos na trabaho kung kaya’t nauuwi sa pagbebenta ng katawan. Mahusay ang
pagkakasulat ng kanta sapagkat sumasalamin ito sa realidad ng buhay. Bagamat maikli ang
piyesa ay naimulat naman nito ang mga tagapakinig sa mga kaganapang panlipunan na dapat
solusyunan. Pinalutang din ng manunulat ng kanta ang mga bagay na maaaring mangyari dala
ng labis na kahirapan. Bagay na nakadagdag sa pagiging makabuluhan at kaakit-akit nito.

D. Teoryang Pampanitikan

1. Teoryang Realismo
Ang teoryang ito ay akma sa awitin ni Freddie Aguilar na pinamagatang
“Magdalena” sapagkat hango ito sa mga kaganapang panlipunan na kanyang
nasaksihan. Ito ay hango sa totoong buhay sapagkat marami naman talagang
kababaihan ang hindi nakakapag-aral kung kaya’t napipilitang pasukin ang isang
trabaho na ni minsan ay hindi nila pinangarap.

2. Teoryang Pormalistiko
Layunin nito na maiparating sa mga mambabasa at tagapakinig ang ipinapaabot
ng isang manunulat. Sa kantang “Magdalena”, nais iparating ng manunulat na isa sa
mga dahilan ng pagpasok sa prostitusyon ng mga kababaihan ay ang kahirapan at ang
katotohanan na sila ay hindi nakapag-aral.

3. Teoryang Sosyolohikal
Layunin nito na maipakita ang suliranin at kalagayang panlipunan na
kinabibilangan ng may-akda. Sa awiting “Magdalena”, naipakita na isa ang kahirapan sa
mga sakit ng lipunan na tila hindi mabigyang lunas.

4. Teoryang Feminismo – Markismo


Sa kantang “Magdalena”, kinilala ng ilan sa mga kababaihan ang prostitusyon
bilang tuwirang tugon sa kanilang suliraning dinaranas.
E. Bisang Pampanitikan

40
1. Bisa sa Isip
Ang kanta ay nagbubukas ng isipan at nagbibigay ng kaalaman sa mga tao lalo’t
higit sa mga kabataan. Ito ay pumapatungkol sa realidad ng buhay. Ipinaliliwanag nito
na kaya pumapasok sa mga ganoong trabahao ang ilan sa mga kababaihan ay dahil sa
hirap ng buhay. Napipilitan lamang sila na suungin ang ganoong takbo ng buhay dahil
wala na silang iba pang pagpipilian. Ngunit dahil sa mapanghusgang mundo na ating
ginagalawan, mababa ang tingin sa kanila at hindi inuunawa ang kanilang kalagayan.
Nais ipakita ng awit na ang mga kagaya nila ay tao rin lamang na nagnanais na
makaraos sa hirap ng buhay at patuloy na humihiling ng pagtanggap ng lipunan.

2. Bisa sa Damdamin
Ang kanta ay nakapagdulot ng kalungkutan at kaunting pagkagalit sa manunuri.
Para sa manunuri, nakakalungkot isipin na dahil sa hirap ng buhay, napipilitan ang ibang
tao na kumapit sa patalim. Hindi ito naiintindihan ng iba kaya’t gayon lamang ang
kanilang panghuhusga sa kanila. Sa ganitong mga pagkakataon, mas kinakailangan ng
mga mamamayan ang pagkilos ng gobyerno sa pamamagitan ng paglulunsad ng iba’t
ibang proyektong pangkabuhayan nang sa gayon ay hindi na mapilitang gumawa ng
mali ang iba para lamang kumita. Ang kabuuan ng kanta ay nakapagdudulot ng
malungkot na damdamin subalit ito rin naman ay nakapagbibigay ng pag-asa. Pag-
asang darating ang araw na sila ay makakapagbagong-buhay at tuluyan nang
matatanggap sa lipunang ating ginagalawan.

3. Bisa sa Kaasalan
Ang gawing nailahad ay kapuna-puna. Batay sa manunuri, ang kanta ay nabuo
batay sa mga balita at isyu sa ating lipunan. Ang isyu ng kahirapan at ang dahilan kung
bakit nakakagawa ng mali ang iba nating kababayan. Makikita sa kanta ang pagiging
mapanghusga ng mga tao kahit hindi nila alam ang istorya sa likod ng bawat
pangyayari. Nais iparating ng awitin na dapat magkaroon ng puwang ang pag-unawa sa
puso ng bawat isa. Ang panghuhusga ng kapwa sa kabila ng hindi paglalaan ng
panahon para sila ay unawain ay isa sa mga bagay na hindi dapat taglayin. Dahil sa
bawat maskara na ating nakikita nakatago ang sakit at pighati na kanilang dinadala. Ang
pagkakamali ay laging may puwang sa buhay ng bawat isa kung kaya’t marapat lamang

41
na matuto ang lahat na umunawa ng iba at magsilbing gabay para sila ay
makapagbagong buhay.

4. Bisa sa Lipunan
Magsisilbing eye opener ang awiting ito sa mga mamamayan lalo’t higit sa mga
kabataan sa tunay na nangyayari sa ating lipunan. Makakatulong din ito dahil
mapapaalalahanan ang mga kabataan na sikaping makapagtapos ng pag-aaral nang sa
gayon ay makakuha sila ng marangal at maayos na trabaho pagdating ng araw.
Dahil sa naturang awitin, ipinaunawa rin sa kasalukuyang lipunan na ang mga
kababaihang pumapasok sa ganitong uri ng trabaho ay nangangailangan din mga
kamay na handang tumulong at tumanggap sa kabila ng kanilang mapait na kalagayan.
Makakatulong din ito upang gumawa ng paraan ang gobyerno nang sa gayon ay
matapos na ang mga illegal na gawain na patuloy na namamayagpag sa bansa katulad
na lamang ng prostitusyon.
III. Konklusyon

Ang awiting pinamagatang “Magdalena” ni Freddie Aguilar ay may kaakibat na


mensahe, isang mensahe na nagpapaalala sa isang sakit ng lipunan na hanggang sa
kasalukuyan ay hindi pa rin nabibigyang lunas. Ito ay tungkol sa isang babae na hindi
nakapagtapos dahil sa kasalatan kung kaya’t nauwi sa pagtatrabaho sa illegal na paraan.
Tanging pagtanggap ng lipunan ang kanyang sigaw subalit sa halip na siya ay pakinggan,
patuloy pa syang tinatapakpakan ng mapaglarong lipunan. Ang awiting ito ay nagsisilbing
tanglaw sa mga natutulog na isipan ng mga mamamayan na ang tanging alam lamang ay
tapakan at magbaba ng kanilang mga kapwa. Pinapaalalahan ang lahat ng kantang ito na sa
bawat maskara na ating nakikita nakatago ang mga pighati at sakit na dinadala ng ating mga
kapwa kung kaya’t nangangailangan sila ng mga kamay na handang tumulong at tumanggap.

Ang mga awiting tulad nito ay nagpapatibay lamang sa kalaguan ng musika sa Pilipinas.
Ang paggamit ng musika upang ipahayag ang emosyon, ideya, karanasan, at mga bagay na
nangyayari sa kapaligiran ay matutukoy bilang masining na paraan upang ipahiwatig sa lahat
ang nangyayari sa ating kapaligiran. Isang anyong sining ang musika upang mailahad ang mga
bagay na tila ba lingid sa kaalaman ng iba.

42
IV. Rekomendasyon

Bawat musika, bawat himig, bawat tono, bawat isa ay may kwento. Kasabay ng patuloy
na pag-unlad ng musika ay ang pagkakaroon ng pagpapahalaga sa nilalaman o istorya na
nakapaloob dito. Bilang rekomendasyon, mahalagang naiuugnay sa isyung panlipunan ang
mga awitin upang maging mulat ang mga tao sa nangyayari sa paligid. Ang kantang
"Magdalena" ay isang magandang halimbawa ng kanta na tumatalakay sa pagpasok sa isang
uri ng trabaho na hindi nila ninais subalit kailangang gawin dulot ng kahirapan. Dahil sa kantang
ito, nagiging bukas nag isipan ng mga tao upang masolusyonan ang problemang ito. Mariin na
iminumungkahi na magkaroon pa ng mga likhang awit na tumatalakay sa mga isyung
kinahaharap ng lipunang ating ginagalawan nang sa gayon ay maging bukas ang isipan ng
bawat isa sa atin. Sa pagsasaayos ng diwa ng musika, marapat ding isaalang-alang ang
pagtalakay at tamang pagbuo ng ideya upang magkaroon pa ng higit na kawilihan sa mga
awitin.

V. Sanggunian

Santos, T. (2009, April 4). Wika sa Saliw ng Musika. Retrieved November 24, 2019, from The
Varsitarian: https://varsitarian.net/news/20090404/wika_sa_saliw_ng_musika/

Para sa mas malalim na pagtalakay hinggil sa panunuri ng akdang pampanitikan awit:


I click lamang ang mga link na makikita sa ibaba:
https://www.slideshare.net/SohairaDimapinto/pagsusuri-sa-awitin-ni-yeng-constantino

Pagtataya: Ang pagsusulit ay ibibigay ng guro sa online.

PAKSA 15: -Pelikula (Sipat Suri sa mga Panitikan)

Panunuring Pampelikula

I. Pamagat ng Pelikula: Maleficent

Direktor: Robert Stromberg

II. Mga Tauhan

 Maleficent – engkantong reyna ng Moors na siyang nagbigay ng sumpa kay Prinsesa


Aurora
 Prinsesa Aurora - anak nina Haring Stefan at Reyna Leila at prinsesa sa kaharian ng mga
tao
43
 Haring Stefan - pinuno sa kaharian ng mga tao; ama ni Prinsesa Aurora
 Diaval – isang uwak na nagpapalit anyo at pinagkakatiwalaaan ni Maleficent
 Knotgrass, Thistlewit, at Flittle - mga maliit na pixie(kulay - rosas, berde, at asul) na
inatasan ni King Stefan na palakihin ng hindi nalalaman ng iba hanggang sa kanyang ika –
labing – anim na kaarawan
 Prinsipe Phillip – isang batang prinsipena umibig kay Aurora nang siya ay naglakbay sa
kagubatan
 Haring Henry- isang haring detreminadong skupin kagubatang lupain ng mga engkanto
 Queen Leila - anak ni Haring Henry na ikinasal kay Stefan; ina ni Aurora

III. Buod ng Pelikula

Isang matandang tagapagsalaysay ang nagkwento tungkol kay Maleficent, isang


makapangyarihang engkanto na nakatira sa Moors, isang mahiwagang lupain na hinangganan
ng palasyo ng mga tao. Bilang isang batang babae, nakilala niya si Stefan, isang batang lalake
na nagliliwaliw sa Moors. Naging magkaibigan ang dalawa, pagkatapos ng isang araw na
pagsasama, ipinahayag ni Stefan ang kanyang hiling na titira siya sa isang palasyo balang
araw. Ang kanilang pagkakaibigan ay nagbunga ng tinatawag ni Stefan na “tunay na pag – ibig”.
Habang sila ay lumalaki, hindi na nagpakita si Stefan kay Maleficent, iniwan siyang lumaki
bilang tagapagtanggol ng Moors. Isang araw, ang hari ng mga tao ay sinubukang labanan ang
mga engkanto sa Moors, na ipinangako niya nang siya ay makoronahan, ngunit hinarangan
siya ng isang mas matapang at matandang na Maeficent, na pinwersa siyang umatras. Ang
hari, na nasugatan sa giyera, naghayag na kung sino man ang makakitil ng buhay ni Maleficent
ay magiging kapalit niya. Ang matandang Stefan ay narinig ang pahayag ng hari nang siya ay
bumisita sa hari, pagkatapos marinig ito ay pumunta siya kaagad sa Moors kung saan naroon si
Maleficent, nagsinungaling siyang pumunta roon para balaan sa plano ng hari. Dinroga ni
Stefan si Maleficent, tinangkang patayin, ngunit hindi makakaya ng kanyang konsyensya, kaya
pinutulan niya ng pakpak ang matalik na kaibigan gamit ang bakal, bagay na nag papahina sa
mga engkanto. Iprenisinta niya ito sa hari tanda ng pagkamatay nito. Nagising si maleficent at
magulantang sa pagkawala ng kanyang pakpak at nagdalamhati. Baldado, kumuha siya ng
isang magandang patpat at naglibot ng may hinanakit. Sinagip niya ang isang uwak na
nagngangalang Diaval, na binigyan niya ng anyong tao, upang pagsilbihan siya bilang
tagakalap ng impormasyon, na siy ring nag sabing si Stean ay kinoronahan na bilang hari. Ang
mapagtantong pinagtaksilan siya ni Stefan para makuha ang trono ang ganap na sumira kay
Maleficent at sa kanyang paghihiganti, hinirang niya ang kanyang sarili bilang reyna ng Moors,
na nagtatag ng isang madilim, mahigpit na kaharian kasama si Diaval na isa sa kanyang
kasama.

Lumipas ang panahon, nagbigay ng impormasyon si Diaval kay Maleficent na si Haring


Stefan nag – anyaya at nagpahaya ng isang binyang para sa kanyang bagong anak na babae,
si Aurora. Desidido sa kanyang paghihiganti, dumating Si Maleficent kahit hindi imbitado para
isumpa ang bagong anak na prinsesa: sa kanyang ika – labing – anim na kaarawan matuturok
niya ang kanyang kamay ng karayom sa isang ruwedang panginog, na magiging sanhi ng
kanyang pagtulog na parang patay. Pagkatapos pinwersang magmakaawa ni Maleficent si
Stefan para sa kanyang anak, nagbigay siya ng isang kondisyon: mawawalan ng bisa ang
sumpa ng isang halik ng tunay a pag – ibig. Natakot sa sumpa, ipinadala ni Stefan Si Aurora sa
tatlong Pixie(Knotgrass, Thistlewit, at Flittle) hanggang sa matapos ang ika – Labing – anim na
kaarawan ni Aurora, habang siya ay sinira at sinunog ang lahat ng ruwedang panginog sa
buong kaharian at itinago sa kinailalimang piitan ng kaarian. Inutusan niya ang kanyang mga

44
sundalo na hanapin at patayin si Maleficent nguni binakuran ng reyna ang Moors ng malapader
na mga tinik.

Sakabila ng pagkamuhi niya kay Prinsesa Aurora, sinmulang alagaan ni Maleficent ang bata
nang ang mga walang – pakialam na mga pixie ay hindi nagampanan ang kanilang trabahong
banyan ang prinsesa ng mabuti. Matapaos ang maikling pagkikita ng batang Aurora, Si
Maleficent ay binabantayan siya sa malayo. Nang tumuntong si Aurora ng labing – lima, nakita
niya sa Maleficent sa unang pagkakataon at tinagurian “ fairy – god mother” , naalala niya ang
mga pagbabantay nito sa kanya buong buhay niya. Nang mapagtanto niyang lumaki siyang
nagustuhan ang prinsesa, tinangka ni Maleficent na bawiin ang sumpa, ngunit hindi niya
magawa dahil siya mismo ang nagsabi na “walang kapangyarihan sa lupa ang makapagbabago
nito". Nakilala ni Aurora si Prinsipe Philip, nagkamabutihanngunit maliit ang posibilidad na
magkaroon ng relasyon. Sa araw bago ang ikalabing anim na kaarawan ni Aurora, si Maleficent
, na umasang maiiwasan ang sumpa ay pumayag na tumira ang dalaga sa Moors, malayo sa
mga kidkiran. Gayunpaman, hindi sinasadyang masabi ng mga pixies kay Aurora ang tungkol
sa kanyang mga magulang at ang toong katangian ni Maleficent at ang galit na galit na Aurora
ay tumakbo papunta sa kanyang ama.

Ikinulong ni Stefan ang kanyang anak sa isang kwarto para sa kanyang kaligtasan. However,
siya ay kusang nailabas ng sumpa papunta sa piitan na siyang naglatag ng isang ruwedang
panginog .Natusok ni Aurora ang kanyang daliri at nakatulog. Layuning maligtas ang dalaga,
dinukot niya si Philip at oinasok ang palasyo ni Stefan para mahalikan na ng binata ang dalaga
at mawala ang sumpa.subalit, ang halik ni Philip ay walang epekto , marahil ang dalawa ay hidi
pa gaanong mahal ang isa’t isa. Humingi ng tawad si Maleficent kay Aurora at nanumpang
walang magyayaring masama sa kanya, hinalikan ang noo. Ito ang nagpawala sa sumpa at
naggising si Aurora: ang paalala ni Maleficent na parang ina ay nagtatag na isang tunay na pa g
– ibig. Pinatawad siya ni Aurora at tinangkang lumayo sa kaharian, ngunit nahuli si Maleficent
sa isang lambat na gawa sa bakal at sinugo ni Stefan at kanyang mga kawal. Naging draon si
Diaval at inangat ang lambat ngunit nagawang hulihin ulit ng mga sundalo. Tianalo ni Stefan si
Maleficent at nang – uuyam ito, ngunit bago pa niya siya patayin, ang kanyang pakpak ang
nakalaya sa isang silid sa tulong ni Aurora, lumipad pabalik sa tooong may – ari at nagkadikitan
sila.Ka sama ang pakpak na nasakanya na, tinalo ni Maleficent si Stefan at dinala ito sa
matayog na tore, ngunit hindi niya kayang patayin ito, sa halip inihayag na ang laban ay tapos
na.Tinangka ulit ni Stefan patayin si Maleficent, nahulog sa tore na sanhi ng kanyang
kamatayan.

Pagkatapos ng pangyayari,tinanghal si Aurora bilang reyna ng tao at ng mga engkanto


na pinamumuuan ni Maleficent, nagpahiwatig na nagkaisa ang dalawang kaharian, kasama si
Philip sa tabi. Nag tagapagsalaysay ay ibinunyag ang kanyang tunay na katauhan bilang mas
matandang Prinsesa Aurora.

IV. Banghay ng Pangyayari

1. Pagpapakilala sa mga Tauhan

2. Pagkakaibigan nina Maleficent at Stefan

3. Labanan ng engkanto at tao

45
4. Pagtataksil ni Stefan kay Maleficent

5. Hinirang si Stefan bilang hari ng tao at ipinakasal kay Reyna Leila

6. Tinulungan ni Maleficent si Diaval, bilang kapalit, magging alalay niya ito

7. Planong paghihiganti ni Maleficent kay Stefan

8. Binyag ni Prinsesa Aurora

9. Pagdalo ni maeficent sa okasyon at isinumpa ang prinsesa

10. Pagtatago kay Aurora kasama ang tatlong pixies.

11. Palihim na pagbabantay ni Maleficent sa bata.

12. Pagkikilala nina Maleficent at Aurora

13. Ang pagtatagpo nina Prinsipe Philip at Prinsesa Aurora

14. Pagbunyag sa katotohanan

15. Ang kinahinantnan ng sumpa

16. Pagpasok nina Maleficent at Diaval sa palasyo kasama si Philip

17. Pagkabigo ni Philip sa pagkawala ng sumpa kay Aurora

18. Hinalikan ni Maleficent si Aurora sa noo. Pagkawala ng sumpa.

19. Pagsugod ni Stefan at kanyang mga sundalo para patayin si Maleficent

20. Pagbalik ng pakpak ni Maleficent

21. Pagkamatay ni Stefan

22. Paghirang kay Aurora bilang Reyna ng dalawang kaharian.

23. Pagbunyag ng tunay na katauhan ng tagapagsalaysay

V. Mensahe

Ipinrisinta ang pagmamahal dito hindi sa magkasintahan ngunit ang pagmamahal ng


magulang sa kanyang anak.

VI. Tema

Ang paggalaw sa mga kababaihan sa panahon ngayon


46
Ang pagpapakasal ng hindi mahal ang isa’t isa na nagbunga ng anak na hindi galing sa
pagmamahal

Ang Paghihiganti matapos ang pagkayurak ng kanyang katauhan

VII.Cinematograpiya: Dean Semler

VIII. Konklusyon at Rekomendasyon

Ang pelikulang ito ay masaya,nakakawili, at kahanga – hangang panoorin sa loob ng


higit – kumulang isang oras at kalahati. Ang pelikula ay ang pagbabalik istorya sa librong “
Sleeping Beauty” galing sa kontrabidang tauhan. Dito makikita kung bakit naging masama ang
kontrabida. Hindi siya inirerekomenda sa mga bata sampu pababa sapagkat ito ay may patayan
at sugatan. Pero ang mensahe ay maganda para sa mga kabataan at bigyan ng simpatya ang
mga kababaihang nagahasa.

Para sa mas malalim na pagtalakay i click lamang ang link na ito:

https://www.slideshare.net/JeffAustria/panunuring-pampelikula

Pagtataya: Ang pagsusulit ay ibibigay ng guro sa online.

PAKSA 16: -Maikling Kuwento

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG MAIKLING KWENTO

I. PANIMULA

a. Pamagat ng Katha - “Sa Lupa Ng Sariling Bayan”


b. May-akda - Rogelio Sikat

Kilala siya bilang isang Pilipinong piksyonista, mandudula, Tagasalinwika,


at tagapagturo. Siya ay nagtapos na may Batsilyer ng Panitikan sa
Pamamahayag mula sa Pamantasan ng Santo Tomas at isang MA
sa Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas.
Si Rogelio Sikat ay nakatanggap ng maraming pampanitikang premyo. Siya ay
tanyag dahil sa "Moses, Moses", ang kanyang dula na nagwagi ng gantimpalang
Palanca noong 1962 sa Filipino (Tagalog). Marami sa kanyang mga istorya ang unang
lumabas sa Liwayway, isang sikat na magasing pampanitikan na nasa wikang Tagalog.
Ang nangyaring pagpapahalaga kay Sikat sa kanyang nagawa ay nakalahad sa "Living
and Dying as a Writer" na isinulat ni Lilia Quindoza-Santiago. Lumitaw ang artikulo
sa Pen & Ink III.
Isa rin siyang propesor at dekano ng Kolehiyo ng mga Sining at mga Titik sa
Unibersidad ng Pilipinas sa Diliman mula 1991 hanggang 1994. Si Angelito Tiongson,
na isang propesor sa Kolehiyon ng Komunikasyong Pangmasa sa U.P. ay gumawa ng
isang tampok na pelikula pinamagatang "Munting Lupa" batay sa "Tata Selo" na isa
47
pang nagantimpalaang kuwento. Lumikha naman ang direktor ng pelikula at teatro na
si Aureaus Solito ng isang maikling pelikula noong 1999 na batay sa "Impeng Negro"
na likha rin niya noong 1998, bagaman sumakabilang-buhay na siya, pinarangalan siya
ng Manila Critics Circle ng isang National Book Award para sa pagsasalinwika.

c. Sanggunian - Malikhaing Pagsulat: Paglinang ng Sidhaya


Tungo sa Maunlad na Haraya

II. TAUHAN
Layo -tawag din sa kanaya ay Atty. Pedro Enriquez
- Naulila ng maaga sa magulang at inampon ng kanyang malupit at kuripot na
Amain na kapatid ng kanyang Ama.
Ising - Isang modista at asawa ni Layo
Tata Indo - malupit na amaing nag-ampon kay Layo
Tiyo Julio - natatanging kamag-anak ni Layo na naging malapit
sa kanya
Ben - anak ni Tiyo Julio na kasama sa pagdalaw kay Layo
Gallego - Pinaka mayaman sa San Roque at nagmamay -ari ng isang
poultry farm.

III. TAGPUAN
Ang kwento ay nangyari sa San Roque at Maynila kung saan nagtapos ng
abogasya si Layo.

IV. MGA SIMBOLO/TAYUTAY

“Matutong Lumingon sa Pinanggalingan” babalik at bablik din nag ating


katawan sa ating luapng kisadlakan.

V. BUOD NG KATHA

Bata pa lamang ay naulila na si Layo sa magulang. Kaya't inampon ito ng kanyang


tiyuhin na si Tata Indo. Lahat ng pagmamalupit ay naranasan niya sa kamay ng
kanyang Amain. Kaya't siya'y nagsumikap na abutin ang kanyang pangarap. Naging
manunulat siya sa isang pahayagan sa kanilang bayan at sa gabi naman ay nag aaral
siya. Hanggang sa makatapos siya ng pag aaral at naging topnotcher. At naging isang
tanyang na abugado sa Maynila at nagkaroon ng isang malaking bahay sa quezon

48
City. At napangasawa niya si Ising na taga San Fernando at nagkaroon sila ng Anak.
Sa kabila nang kanyang katanyagan ay hindi nya pa rin malimutan ang sakit at sama
ng loob na dinanas nya sa san roque kahit na nangamatay na ang mga gumawa nito
sa kanya. At loob ng mahabang panahon ay hindi siya pumunta o umuwi doon upang
dalawin ang puntod ng kanyang mga magulang. Hanggang sa isang araw ay lumapit
sa kanya ang Tiyo Julio niya upang magpatulong ukol sa lupa. Hindi naman ito nabigo
sa paghingi ng tulong kay Layo.
Samantala, ikinagulat ng lahat nang malaman na mayroon siyang kanser. Labis
ang kalungkutang nadarama ng kanyang pamilya. Itinatago niya ang takot na
nararamdaman. Ipinipilit niya na huwag siyang ilibing sa san roque dahil sa galit at poot
na nararamdaman niya. Ngunit pinayuhan ito ni Tiyo Julio na sa kalaunan din ay
naintindihan niya at napatawad niya ang mga taong nagpahirap sa kanya noon. At
iniuwi rin ang kanyang katawan sa San Roque at doon na rin inilibing.

VI. GALAW NG PANGYAYARI

Simula - Ang kwento ay inilahad sa paraang pagsasalaysay ni Ben. May kaunting


pahapyaw ng paggamit ng pangalawang persona subalit mas kadalasan na ginagamit ay
ang pangatlo.Isinasalaysay dito kung paano maghirap si Layo.

Gitna - Ang nilalalaman nito ay ang pananagumpay ni Layo bilang isang magaling na
abogado.At ang pagkamuhi ni Layo sa San Roque. Subalit mapapansin dito ang paghihirap
ni Layo, ang pagharap niya sa karamdaman. Kaya sa bahaging ito si Layo ay
nakikipatunggali sa kalikasan sa sakit na Kanser.

Wakas - Sa bahaging ito, sa kabila ng pagdaramdam ni Layo sa bayan ng San


Roque, tanggap na niya na hindi na malulunasan ang kanyang sakit kaya hiling niya
na sa Maynila siya ilibing. Subalit pinayuhan siya ng kanyang Tiyo Julio na masama
magbaon ng hinanakit at patawarin, kalimutan na niya ang mapapait na nagyari
sa sa Roque.Kaya naman, noong sumang-ayon si Layo,yun din ang oras na unti-
unting pagkawala ng kanyang hininga.At Doon siya nilibing sa kanyang sariling bayan.

VII. PAGSUSURI
a. Uri ng Panitikan - Ang “Lupa sa Sariling Bayan” ay isang uri ng Maikling
Kwento na naglalahad ng kabutihang asal at kapupulutan ng magandang aral.

b. Estilo ng Paglalahad

Ang ginamit na manunulat sa estilo ng paglalahad ay sa paraang circular


dahil nga simula ang kwento sa paghihirap ni Layo at sa Gitna nng
makakamtan niya ang tagumpay at magandang buhay subalit ang Wakas nito
ay nasa malunkot na bahagi.Naipakita din dito ang pagging matatag ni Layo
sa kabila ng mga nararanasan niya.

c. Sariling Reaksyon

Hindi masamang maghangad na guminhawa ang buhay, subalit


sa ginawa ni Layo ang paglimot sa kanyang lupang sinilangan dahil sa kagustuhan
49
niyang kalimutan ang mapait na alaala na sinapit niya sa San Roque ay hindi
solusyon. Kahit nasa marangyang pamumuhay na siya , hindi dapat niya kalimutan
ang lugar na kanyang pinanggalingan. Dapat matuto siyang hararpin nag mga
pagsubok at nakagagalak ito kung sa kabila ng pagsubok ay ngumingiti ka parin at
bakas sa mukha ang pagmamahal sa kapwa, sarli at sa Diyos.

d. Aral/PAg-uugnay sa tunay na siwasyon ng buhay.

Sabi nga sa Kasabihan, “Gaano man kalayo ang iyong marating babalik at
balik ka rin sa lugar na iyong pinaggalingan.” Hindi dapat natin kalimutan kung
saan tayo nagmula. Ang paglimot dito ay tulad din ng pagkawala ng isa sa
mahalagang bahagi ng buhay at kung hindi mo babalikan ay hindi rin
masusumpungan ang tunay na kwento ng iyong buhay. Hindi ka lubos na
magiging masaya kung hindi ka marunong magpatawad sa iyong nakaraan.
Gagaan lang ang dibdib kung ang lahat ng pagkamuhi sa nakaraan ay
papatawarin ng tao. Lahat lang tayo ay babalik sa lupa, kaya walang
karapatan ang sinuman na magmalaki dahil pagdating sa kamatayan pantay
pantay lang tayo.

Narito ang mga karagdagang babasahin na may kinalaman sa paksa:


https://www.slideshare.net/JonahlyneBarrameda/pagsusuri-ng-maikling-kwento-73307271
https://www.slideshare.net/ferdosmangindla/pagsusuri-ng-maikling-kwento

Pagtataya: Ang pagsusulit ay ibibigay ng guro sa online.

PAKSA 17: -Nobela

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG NOBELA

I. BALANGKAS NG NOBELA

a. PAMAGAT: Banaag At Sikat (Kabanata 1)


b. MAY-AKDA: Lope K. Santos -
Siya ay isang tanyag na manunulat sa wikang Tagalog noong kaniyang
kapanahunan, sa simula ng ika-1900 dantaon. Bukod sa pagiging manunulat, isa
rin siyang abogado, kritiko, lider obrero, at itinuturing na "Ama ng Pambansang
Wika at Balarila" ng Pilipinas.Sa larangan ng panitikan,ipinanganak si Lope K.
Santos sa Pasig, Rizal - bilang Lope C. Santos - sa mag-asawang Ladislao Santos
at Victoria Canseco, na kapwa mga katutubo sa Rizal. Ngunit mas inibig na gamitin
ni Santos ang titik na K bilang kapalit ng C para sa kaniyang panggitnang
pangalan. Naging dalubhasa siya sa larangan ng dupluhan, isang paligsahan ng

50
mga manunula na maihahambing sa larangan ng balagtasan. Noong 1900,
nagsimula siyang maglingkod bilang patnugot para sa mga lathalaing nasa wikang
Tagalog, katulad ng Muling Pagsilang at Sampaguita. Siya ang tagapagtatag ng
babasahing Sampaguita. Sa pamamagitan ni Manuel L. Quezon, naging punong-
tagapangasiwa si Santos ng Surian ng Wikang Pambansa.Kabilang sa mga
katawagang nagbibigay parangal kay Santos ang pagiging Paham ng Wika, Ama
ng Balarilang Pilipino, Haligi ng Panitikang Pilipino, subalit mas kilala rin siya sa
karaniwang palayaw na Mang Openg.

c. TAGPUAN: Sa Batis ng Antipolo at Maynila


d. KAILAN: Mayo - Hunyo 1904

e. MGA TAUHAN

Don Filemon - mayaman at kasosyo ni Don Ramon


sa negosyo
Don Ramon - mayaman, ninong sa kumpil ni Felipe
Meni - anak ni Don Ramon at umiibig kay Delfin
Talia - anak ni Don Ramon
Isiang - Anak ni Loleng
Turing Madlanglayon - Kaibigan ni Talia
Delfin - umiibig kay Meni at isang manunulat
Felipe - kaibigan ni Delfin at may prinsipyong
pagkakapantay-pantay

f. MGA SULIRANIN

Sa bahagi ng unang kabanata, ang mga umusbong na suliranin ay ang


pagiging mapang angkin nina Don Ramon at Felimon sa Batis. At ang
pagiging selosa ni Meni kung kaya’t nais malaman ni Delfin ang tunay na
estado nila ni Meni.

g. MGA PANGYAYARI

Sa unang kabanata,matutunghayan ang pagkaganid ng mga Don sa


ibang mahihirap at ang pangmamaliit nila. Sa usaping pag-ibig ng kanilang
mga anak,kailangang kauri rin nila.

51
h. KINALABASAN

Palihim ang pagpapalitan ng matatamis na salita nina Meni at Delfin dahil sa


kahigitan ng ama ni Meni nasa Don Ramon

II. PAGPAPAHALAGA SA TAUHAN

Ang pagpupursige at pagiging tapat ni Delfin, ang dahilan kung bakit iniibig din ito
ni Meni. Hindi sila nagpahadlang upang hindi matuloy ang pag-iibigan nila.

III. PAGPAPAHALAGA SA KATAYUAN SA BUHAY

Mapapansin sa nobelang ito ang isyu ng pang-aapi ng mayaman sa mahirap.


Ipinaglaban ng mahihirap ang kanilang karapatan na hindi lamang ang mayayaman
ang may karapatang magtamasa ng kalikasan na likha na Diyos kundi maging sila.
Ipinakita ang pagpapahalaga sa tao, na kahit mayroong iba’t ibang estado ang sa
lipunan,dapat manaig ang respeto sa kapwa.

IV. PAGPAPAHALAGA SA MAGAGANDANG KAISIPAN

Bigyan ng respeto ang kapwa at ipadama ang pagmamahal. Sapagkat kung


minamahal at nirerespeto muna natin ang ating sarili, gayundin ang gagawin natin sa
ating kapwa. Walang magiging ganid o maaapi kung alam natin na tayo bilang mga tao
ay nananalig sa Diyos.

V. TEORYANG PAMPANITIKANG GAMIT NG AKDA

Ang angkop nea teoryang pampanitikan sa nobelang Banaag at Sikat ay ang


Realismo, sapagkat kakikitaan ito ng tunay na nangyayari sa lipunan. Ang mayaman
lang ang may kakayahang magpairal ng kapangyarihan at ang mga mahihirap ay ang
syang naaapi.At ipinakita sa bahaging ito ang pakikipaglaban ng karapatan ng bawat
indibidwal, lalo na sa mahihirap. Dapat sa isang lipunan, pinapairal ang batas na
magiging batayan ng pagkakapantay-pantay ng karapatan ng mga tao.

Karagdagang babasahin na magagamit hinggil sa paksa:

https://www.slideshare.net/myjudex05/pagsusuri-ng-nobela

Pagtataya: Ang pagsusulit ay ibibigay ng guro sa online.

52
SANGGUNIAN

Internet

https://www.slideshare.net/alexisdtrinidad/katutubong-panitikang-filipino-kasaysayan-ng-
panitikan-ng-pilipino-ni-g-alexis-d-trinidad
http://image.slidesharecdn.com/akdangpatula-140625020840-phpapp01/95/akdang-patula-2-
638.jpg?cb=1403680202
https://www.slideshare.net/alexisdtrinidad/katutubong-panitikang-filipino-kasaysayan-ng-
panitikan-ng-pilipino-ni-g-alexis-d-trinidad
https://prezi.com/ocjftgme_yte/teoryang-klasisismo/
https://www.slideshare.net/rochamirasol/teoryang-pampanitikan-39313643
https://www.slideshare.net/benjieolazo/teoryang-romantisismo-at-realismo
https://www.slideshare.net/FloredithAnnTan/filipino-presentation-26988415
https://www.slideshare.net/sitio1/ang-teoryang-naturalismo-ni-dante-menor-teodoro-jr
https://prezi.com/1kiwy1kphuie/teoryang-feminismo/
https://www.slideshare.net/lovebordamonte/teoryang-pampanitikan-9472157
https://www.youtube.com/watch?v=rSJvG_esTzw
https://www.slideshare.net/bowsandarrows/eksistensyalismo-at-istrukturalismo
https://prezi.com/yf8-qtidm_vd/eksistensyalismio/
https://www.slideshare.net/karenmfajardo/kahulugan-at-kahalagahan-ng-panunuring-
pampanitikan-katangian-ng-isang-mahusay-na-kritiko
https://www.slideshare.net/kimdesabelle/pagsusuri-ng-akdang-pampanitikan
https://www.slideshare.net/lovebordamonte/akdang-pampanitikan
https://www.slideshare.net/closet101mirasol/komiks-56201779
https://www.slideshare.net/charlottemalinao/komiks-powerpoint
https://www.slideshare.net/JeffAustria/kasaysayan-ng-komiks
https://www.slideshare.net/JonahlyneBarrameda/pagsusuri-ng-tula-73308795
https://www.slideshare.net/ferdosmangindla/pagsusuri-ng-tula-45590371
https://www.slideshare.net/NeiliaChristinaQue/elemento-ng-sanaysay
https://www.slideshare.net/SohairaDimapinto/pagsusuri-sa-awitin-ni-yeng-
constantinohttps://www.slideshare.net/JeffAustria/panunuring-pampelikula
https://www.slideshare.net/JonahlyneBarrameda/pagsusuri-ng-maikling-kwento-73307271
https://www.slideshare.net/ferdosmangindla/pagsusuri-ng-maikling-kwento
https://www.slideshare.net/myjudex05/pagsusuri-ng-nobela

53
54

You might also like