You are on page 1of 3

Jeremy Ivan D.

Tumazar April 05, 2021

BSECE 2-1 Prof. Jonell Espalto

1) Bigyang paliwanag ang papel na ginagampanan ng mga sumusunod na aspeto sa panitikan.


Paano nakakaapekto ang mga ito sa pagsulat ng manunulat ng kanyang akdang pampanitikan ;
a) Klima
Malaki ang epekto ng klima sa istorya at tema ng likha ng isang manunulat. Kadalasang
na sa mga akdang pampanitikan na magsimula ang isang istorya batay sa akmang klima
ng dyanra. Ilan sa mga pamosong aklat at mga tula gaya ng akda ni T.S Eliot na “The Waste
Land” ay mapapansing gumamit ng klima bilang panimula upang magbigay-daan sa mga
mababasa ang emosyon at daloy ng kaniyang likha.

b) Pulitika
Isa ang apetong ito sa mga pinakakontrobersyal at delikadong likhang pampanitikan.
Malaki ang bahagi ng balita at jistorya sa mga akdang pampanitikan nakabase sa aspetong
ito. Karamihan sa mga manunulat particular na sa editorial bilang puso ng isang dyaryo ay
kalimitang may isang posisyong binibigyang lakas bilang patama sa konseptong hindi
sinasang-ayunan ng may akda. Isa sa mga halimbawa ay ang pamosong nobela ni
Luwalhati Bautista na “Gapo”, istorya ng base militar ng America SA Olongapo City kung
saan mahihinuha ang mga kamaliang nahahayag sa realidad sa nasabing lugar. Napawi ng
may akda ang mga mababasa sa kaganapang ito na maaring naging dahilan ng mga
pagtutol ng ilang mga Pilipino sa patuloy na pagokupa ng mga Kano sa lugar.

c) Kinatitirhan
Isa ang aspetong ito sa mga kadalasang nagiging setting ng ilang mga bahagi ng likhang
pampanikan. Halimbawa na lamang ang ilan sa mga lugar sa akda ni Rizal na Noli Me
tangere at El Filibusterismo na mahihinuha sa kinalakhang lugar ni Rizal sa Calamba.
Kadalasan na ring nakakaapekto sa estado ng pangunahing tauhan sa kwento ang
kinatitirhan ng manunulat kagaya na lamang ng mga rags to riches na istorya kung saan
madalas umiikot ang istorya sa mga Informal settlers.

d) Relihiyon at Edukasyon
Ginagamit ng mga manunulat ang aspetong ito bilang pampapalakas o balakid sa karakter
ng kanilang mga akda. Ang aspetong ito ang kadalasang bumabago sa karakter ng mga
akda upang magpatuloy at pagandahin pa ang mga sumusunod na banghay ng akdang
pampanitikan. Isa sa mga halimbawa ay ang pamosong aklat ni Nicholas Sparks na “A Walk
to Remember” kun saan nagamit ang kultura ng isang relihiyon bilang katangian ng
babaeng karakter at upang palakasin ang istorya.
2) Bigyan na malinaw na paliwanag ang mga dahilan na ibinigay sa ppt kung bakit dapat pinag-
aaralan ang panitikan.
a) Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.
Malaking bahagi ang panitikan kung bakit nagpapatuloy ang kasaysayan kahit na yumaon na ang
maraming panahon. Nagagamit ang mga ito bilang batayan ng mga pangyayari at kaganapang
bumago sa takbo ng mundo. Magagamit din ang mga ito upang makilala ang mga istorya ng mga
natatanging tao sa kasaysayan upang maging inspirasyon sa kasalukuyan.

b) Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag- uugali.


Magandang pag-aralan at pagnilayan ang mga akdang pampanitikan sapgakat lipon ito ng mga
istorya, mga pananaw, mga idolohiya ng ibat-ibang tao na maari nating gamitin upang
mapagnilayan ang ating mga sariling kahinaan at kalakasan sa paniniwala at pag-uugali ng bawat
isa.

c) Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.


Magagamit din ang mga akdang pampanitika upang palakasin at pagbuklurin ang isang lahi.
Mahihinuha natin na isa sa kasaysayan ng Pilipinas ang paglakas ng damdaming Makabayan ng
mga Pilipino nang mailathala ang mga akda ni Jose Rizal na nagbungad ng mga realidad sa
kalagayan ng mga Pilipino noon.

d) Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.


Iba’t -iba nag mga pamamaraan ng bawat manunulat upang maisalin sa istorya ang kanilang mga
saloobin. Maraming libro ang mga naililimbag ngunit kakaunti ang mga masasabi nating
nagbabasa o nababasa lalo na sa panahong tumutumal ang mga akdang pampanitikan sa paglago
ng teknolohiya. Mahihinuha natin sa pagaaral ng panitikan ang mga kapintasan at kalakasan ng
mga ito upang lalong mapagyabong ang susunod na henerasyon ng mga manunulat at mga
mambabasa.

e) Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.


Isa sa mga probemang kinahaharap ng panitikan ang patuloy na pagbago sa tunay na depinisyon
nito. Marami sa mga akdang pampanitikan sa kasalukuyan ay nababati na sa mga hindi akmang
tema. Magagamit ang pag-aaral sa panitikan upang mabigyang tatag ang kahalagahan nito at nang
hindi magamit sa hindi kaay-ayang mga gawain.
3) Batay sa powerpoint na ibinigay bigyan ng maikling repleksyon ang KULTURA nating mga
Pilipino. Magbigay ng 3 halimbawa ng ugaling Pilipino na sa pakagay mo ay isa sa kahinaan nating
mga PILIPINO. Halimbawa (CRAB MENTALITY)
Masasabing nahahati ang kultura ng bawat Pilipino sa mga katangiang maganda at hindi
kapaki-pakinabang. Kabilang sa mga magandang katangiang ito ang pagiging masiyahin ng bawat
Pilpino kahit na dumaraan sa mga matinding pagsubok. Kabilang rin dito ang magiliw na
pagtanggap natin sa mga bisita na patuloy na nakahihikayat ng maramng dayuhan upang magtungo
sa ating bansa. Karagdagan pa ang katangian nating bumangon, magpatuloy at umangkop sa ating
kaligiran ngunit nasasalamin din satin ang ilang mga kahinaang di kapaki-pakinabang sa ating
kultura bilang mga Pilipino. Una na rito ang pagiging utak-talangka, kaugalian na pagliha nating
pababa samga nakakaaangat satin. Hindi kapaki-pakinabang ang kaugaliang ito sapagkat ang tunay
na tagumpay ay para sa mga nagsisikap makamit ito. Nararapat lamang na gamitin natin silang
inspirasyon hindi hilahin pababa upang sama-sama tayong umangat. Pangalawa ay ang magiliw
nating pagtanggap sa mga dayuhan. Matatandaang isa ito sa mga natatangi nating katangian
ngunit masasabi rin nating isa ito sa mga dahilan kung bakit tayo naabuso ng mga dayuhan.
Espanya, Amerika, Hapon at Britanya, mga dayuhangng magiliw nating tinggap ngunit base narin
sa kasaysayn ay nagging masalimuot ang nagging kinahinatnan natin sa mga ito. Pangatlo ay ang
ating pagiging Ningas Cogon o sa madaling sabi ay magaling lamang sa umpisa. Isa sa mga
napapanahong pagpapakilala sa mga ganitong gawi ay ang mga politico na mgalaing lang sa umpisa
at salita ngunit bahala na pagnakaupo na.

4) ANG KULTURA ay mabisang kasangkapan sa pagkakaisa. Ipaliwanag.

Kung ihahalintulad sa walis ang isang bansa, maihahalintulad sa tali ang kultura kung saan itong
ang nagbubuklod sa bawat isa upang gumana. Ang kultura ang nagbubuklod sa bawat-isa. Ito ang
nagsisilbing tulay upang maka-intindihan, magka-unawaan at magtulungan ang bawat tao tungo
sa isang layunin. Bunibigyan nito ng kulay ang historya at istorya ng bawat sakop nito. Nagiging
sinapupunan din ito ng mga bagong talento, kwento at kalinangang natatangi lamang sa iisang lahi.
Malaki ang gampanin nito sa isang bansa sapagkat ito ang sinasabing kaluluwa nito.

You might also like