You are on page 1of 2

Rehas ng Sarili: Aninong tanikala

Mag-aalauna

Tahimik ka ata ngayon

O sadyang nagiipon ka palang ng mga tanong

Na kahit pa wala naman sa silahis

At tila ba minsan ay nakakainis na

Ay iiwanan ka paring nakamulat

Yaong mga ala-ala

na nasa ilamim man na ng pahina’y

mabubuklat at mabubuklat

Parayain minsan ang kasiyahan nitong isip

Malawak, malalim at matarik

Wari bang ulap na Malaya sa himpapawid

Marahang naglalayag

Maagan ang bitbit sa init nitong lilim ng haring araw

Gayong bigat naman ang kimkim ng pagluha niyang ulan

At sa palaisipan siyang sasagwan muli

Mga desisyong binara ang pagpili

Ang siyang nagtatagal, nagmamarka

Nagiging peklat

Nakahit ilan beses pang kaskasin

lihain ng nga kasinungalian

Ay mahahalata

Mali bang kalimutan ang sakit

Mali bang takasan ang kalungkutan at galit sa sarili


“Magtibay ka?”

Magpatuloy…

Nitong mga Alauna

Lamang natin nakikilala si ako

Siyang nagmamayari sa isang rehas

Na siya rin mismo ang bumuo

Isipang naglalakad papalayo

Gayon din ang mga oras

Lilipas at lumipas

Iidlip ng mga marami pang inuutas

At gigisingin ang sarili sa panibagong bukas

Pagtanto

Kayat magbangon ka, munting Anino

Sarili mo rin lamang ang magaangat sayo.

You might also like