You are on page 1of 5

La Carlota City College

La Carlota City
o0o

CRIMINAL JUSTICE EDUCATION DEPARTMENT

Modyul sa Panitikan 11
Unang Semestre, A.Y 2020-2021

SHEENA MAI S. TINGSON, LPT


Contact #: 09123023790
Email: tingsonmaisheen@gmail.com
Facebook Account: facebook.com/tingsonsheena21

I. PAMAGAT NG KURSO: Panitikan 11 (Panitikang Panlipunan)


II. BILANG NG YUNITS: 3 Yunits
III. DESKRIPSYON NG KURSO: Alinsunod sa CMO 57, serye ng 2017, Ang PAN/LIT ay isang
kurso sa pag-aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa makabuluhang
panlipunan na mga tekstong literari sa iba’t -ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang
Pilipinas. Sinasaklaw nito ang mga isyung panlipunan na tinatalakayng mga akdang
Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman at mahihirap, reporma sa
lupa, globalisasyon, pagsasamantala sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung
pangkasarian, sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado at iba pa.

IV. INAASAHANG MATUTUNAN:


Sa pagtatapos ng kurso, inaaasahang matututuhan ng mga mag-aaral ang mga
sumusunod:
1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng
mga
makabuluhang akdang pampanitikan.
2. Matutukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na
sunggunian sa
panunuring pampanitikan. At matukoy ang katangian ng mahusay na akdang
pampanitikan na may kabuluhang panlipunan.
3. Maibuod ang mahahalagang pangyayri at/o kaisipan sa akdang binasa at makasulat ng
akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang akdang
pampanitikan.

V. COURSE OUTLINE

A. MIDTERM PERIOD
MODYUL 1 - Kaligirang Kasanayan ng Panitikan
MODYUL 2 - Panitikan, Kasaysayan at Lipunan
MODYUL 3 - Pagsipat sa mga Problema at Solusyon ng Panitikang Filipino
MODYUL 4– Mga Anyo ng Panitikan

B. SEMI-FINAL PERIOD
MODYUL 1 – Mga Elementong Lumilikha ng mga Akdang Pampanitikan
Aralin 2 – Mga impluwensya ng Panitikan ng Ibang Bansa
Aralin 3 – Ang mga Kasangkapang Pampanitikan na nagbibigay-anyo sa Akda
MODYUL 2 – Mga Dulog Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
C. SEMI-FINAL PERIOD

MODYUL 1 – Pag-unlad ng Panitikan


MODYUL 2 – Panulaang Pilipino – Kasaysayan ng Pag-unlad
MODYUL 3 – Panulaang Pilipino – Paksa at mga Isyung Panlipunan

VI. CONTENT DISCUSSION

MIDTERM
Yaman ng Kultuta at Panitikang Pilipino

MODYUL 1
KALIGIRANG KASAYSAYAN NG PANITIKAN

Ang panitikan ng Pilipinas ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at


anyo ng katutubong panitikan. Kinabibilangan ito ng mga likhang pampanitikang nagmula sa iba’t-ibang wika
sa Pilipinas. Naglalaman ito ng sari-saring anyo at hubog na naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino.
Isang paglantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-guni.
Hinaplos nito ang sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong 200,
binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng
tao. May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at duging mainit na dumadaloy sa mga artery
at ugat ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa kasong ito; sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang
ginagalawan.

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.
Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaring magpalya sa isang ideyang
nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang pantaong natatangi sa
sangkatauhan.

Maaring makabuo ng iba’t-ibang pananaw sa larangan ng panitikan. Ang pagkakiba ng ganitong


paghahaka ay nakabatay sa pinag-aralan at kakayahan lalo na sa karanasan sa buhay ng tao. Kawangis nito
ang bahagharing may angking sari-saring kulay. Ganyan ang buhay ng tao, iba’t-ibang gaan at bigat ng mga
tanging karanasan. Tumutulong ang panitikan sa pag-unlad ng buong pagkatao ng isang nilalang dahil
lumalawak ang kanyang kamalayan at pagpapahalaga sa sarili, sa kapwa, sa lipunan, at sa mundong kanyang
ginagalawan. Humihikayat ng malalim na pag-iisip ang panitikan dahil sa katangi-tangi nitong anyo ng
karunungang may mataas na antas ng kaisipan, saloobin o damdamin, at pananalita na matatgpuan sa mga
tekstong pampanitikan gay ng mga sinaunang anyo ng kuwento (mito, nobela, sanaysay, talumpati, at
anekdota sa piling lathalain man – sa pasalita o pasulat na kanyuan. Maaaninag sa nasabing mga katha ang
katangi-tangi, masining at malikhaing paraan ng mga manunulat sa paglinang at paggamit ng wikang Filipino.

Bakit kailangan nating magbasa ng Panitikang Pilipino? Ito ang katanungang ni minsan ay hindi
sumagi sa isipan ng ating mga kabataan sa ngayon. Kapag naririnig natin ang salitang panitikan ay agad na
sumasagi sa ating isip ang pagbasa. Tipikal na sa isipan ng mga kabataan sa ngayon ang kahulugan ng
pagbasa na ito ay isang gawaing pang-akademiko lang at sa ayaw man o gusto nila ay kailangan nila itong
gawin. Hindi naman sa nilalahat natin na ang mga kabataab ngayon ay mas nahuhumaling na sa kanila ang
maglaro sa cellphone bilang pangunahing gamit sa kasalukuyan na biyaya ng teknolohiya.

Ang panitikan ay naglalayong ipatanaw sa bawat mambabasa na pagtibayin ang ugnayn ng


mambabasa sa buhay sa labas ng pahina. Nag pagpaptalas ng mambabasa sa buhay sa labas ng pahina. Ang
pagpapatalas ng kamalayan ng mga kabataan upang maging bukas sila sa lahat ng danas na bubusog sa puso
at kaluluwa at magpapalalim sa pagpapahalaga sa buhay ng isang tao at ng kanyang kapwa. Batay nga sa
ating bayaning Gat Jose Rizal sa kanyang tinuruan na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan kung kaya
naksalalay sa kanila ang patuloy na pagtuklas, pagpapahalaga at pagpapayaman ng ating kultura tungo sa
isang buhay na alaala ng sambayanang Pilipino.

Ang kasaysayan ng panitikan ay singhaba la mang ng kasaysayan ng wikang ginamit para ito ay
mapatiim sa isip kaysa sa papel. Kung pinananaligan ang pananalinhagang kaluluwa ng lahi ang wika, ang
panitikan ay siya naming kasasalaminan ng kaluluwang iyon. Samakatuwid, upang masipat ang kaluluwa ng
isang lahi, marapat lamang na matunghayan ang panitikang iyon. Ang wikang Filipino sa katawagan sa
ngayon ay may ebolusyong pinagdaan simula na ito ay gamitin bilang sagkaan sa anumang komunikasyon.
Bahagi ng wika ang pag-inog nito saan mang bahagi ng Pilipinas at patunay na ang yamang ito ay patuloy na
bahagi ng Pilipinas at patunay na ang yamang ito ay patuloy na pinagyayaman ng mga taong may
pagmamahal sa yamng biyaya ng ating bansa. Kayat marapat lamang na sap ag-aaral ng wikang Filipino para
sa mga Pilipino ay pag-aralan din natin ang panitikang siyang malusog na katibayan ng kayamanan ng ating
wika. Ang wika at kultura ay laging magkabuhol na siyang katangiang kakabit ng kasaysayan sapagkat ito ang
nagtala sa mga tao, noon hanggang sa ngayon at sa mga darating pang panahon. Ito ay bukod tanging sa
paraan ng pagpapahayag ay naipaparating nila ang mga kaisipan na natatngi para sa iba. Ang alindog,
luwalhati, katanyagang taglay ng panitikan ay naipapakita sa gamit ng wika gamit ng iilang makata. Bawat
bigkas ng bawat tunog ng isang wika ay aliw sa pandinig ng sinumang may nasa sa puso ng bawat tao.
Kasaysayan ang nagtala na ang panitikang nilinang ng bayan pagkat naging malaganap ay nagsimila sa tula,
dahil sa mga malikhaing pagsisikap ng mga makata at binigyang buhay mula sa pagbigkas gamit ang wikang
sariling atin.

Ang pagkamakata ng isang tao ay isang dahilan kung bakit namumukod siya sa kangyang mga
kasama; kalimitan ay nag-aangat sa karamihan ng tao. Sa paghahabi ng kabihasnan, napapatangi ang ambag
ng makata, pagkat pinatitibayan ng kasaysayan na siya ang masasabing isang artista at siyentipko. Ang bawat
lahi ay may kanya-kanyang panitikang tinaglay at pinag-iingatan ng karaniwan at di-karaniwan. Sa unang
panitikan ay hindi ito nabigyan ng pagkakataong malikom ang lahat pagkat bawat isa ay may kanya-kanyang
katanungan tungkol sa mga pangyayari sa kanilang sarili at sa kapwa, sa kanilang kapaligiran, sa namalayan
at di-namalayan, ang mga karaniwang nagtatanong ay may karaniwan ding naisasagot. May paliwanag na
natagpuan, may mga kabuluhang natutuklasan. Ang gayong mga pangyayari ay naitanglaw ng
mapanlikhaing-isip sa pamamagitan ng pagpapahayag mga salita, pili kaysa iba sa karaniwan na siyang pag-
usbong ng isang mayamang panitikan sa isipan ng tao dala ng kanyang mayamang guniguni at
mapangaraping buhay ng isang mamamayang Pilipino.

LIHAM SA KABATAAN NG TAONG 2070


GENOVEVA EDROZA MATUTE

Ika-2 ng Abril, 1970

Sa iyo, kabataan ng 2070,


Mula sa pusod ng malalim nap ag-iisa, ng nakahihindik na katahimikan ng pag-iisa, sinusulat ko ang
liham na ito para sa iyo. Kabataan ng 2070. Pinangahangasan kong hakdawin ang isang buong dantaon, (ang
ilang salinlahi) upang ipaabot sa iyo, kabataab, ang butuhan ng kamay ang di na matatg na kamay, ang
natubog na sa karumihan at katiwalian at madling kasalanan na kamay. Upang humingi ng kapatawaran sa
ibibinhi ng kasalukuyang lahi? Upang mag-apuhap, upang umamot ng anag-ag ng pag-asa sa gitna ng
kalituahn ng kasalukuyang panahon.
Ngayo’y araw ni Balgtas. May mga palatuntunan. May ilang pagdiriwang. May pangkat na dadayo sa
Panginay, Bigaa, Bulakan ay mag-aalay ng mga bulaklak at papuri sa bantayog doon ni Balagtas. May ilang
paalala sa ilang tanggapan at paaralan tungkol sa wika, tungkol sa pagpapahalaga sa Wiakng Pilipino
(Tagalog!) ang galit na pakli ng iba. “Bakit ba iyang Tgalog ninyo’y ipinagpupumilitan ninyong ipasa bilang
wikang pambansa? Aawitin ang pambansang awit.Manunumpa sa watawat. Nakabaro’t saya ang mga guro
ng Pilipino, baro’t saying yari sa kayong inaangkat sa ibang bansa. Naka-barong (mabilis na bigkas) ang mga
gurong Pilipino at ang ilang pinunong namamahan sa halaga ng ternong amerikana’t pantalon bukod pa sa
lubhang naiinitan (Abril Ngayon), barong’s na galing sa Hongkong, at tapos na ang araw ni Blagtas.
Maikakahon na’t maitatgo nang mahigpait upang ilabas na muli sa isang taon. Pati na wika. Pati na rin ang
baro’t saya at Barongs.
Bakit barong ang tawag naming, ang itinatanong mo, Kabataan? Hindi ba iyan ang dating tinaguriang
barong-tagalog? Oo. Ngunit dumami nang dumami ang allergic, pinamamantalan ng punong taynga sa
salitang Tgalog. (Gaya na nga wikang Tagalog, hindi Wikang Pilipino) Kaya, Inalis na ang salitang Tagalog sa
dating barong-Taglog. Ginawang barong na lamang, ngunit sapagkat ingles, kapag marami’y dinadagdagan
ng titik, kaya’t ang barong ay naging Barong’s. Bakit bumilis ang bigkas? A, iyan ay sapagkat ang Pasay man
ay naging Pas’ay (Mabilis) na, at ang Davao ay naging Dav’ao(mabilis na kaya’t ang barong ay hindi magiging
Barong’s (mabilis)? Paano nga pala ninyo malalaman, kabataan ng 2070, na ang aming panahon ngayon, ang
makabago’t sibilisadong Pilipino (tao ito, hindi wika), ay sadyang may iba ng paraan ng pagsasalita, kahit na
sariling wika, kaysa mga kababayan nilang kinagigiliwang bakya crowd? Kaya ang tinatawag ng bakya crowd
na Magsaysay ay binibigkas ng sibilisadong Pilipino na magsigh-sigh; ang Korehidor ay Koregidor; ang
Romulo ay Rom-yullow; Ang Pedro ay Perdrow; ang Mang Teban ay mang Tey-van. At ako nga pala, minsan,
ay naparangalan ng isang makabagong dalagang panauhin na may hawak ng pirasong papel na
kinatatatalaan ng pangalan ko, na nagtanong sa akin, “Are you, Mrs…Mrs…Jhay-now-veyib- Me-chu-chey?
Nagtataka ka, kabataab? Kabataan 2070? BAkit ang tanong mo? Bakit ganoon, ang tanong mo?
Talagang ganito. Sapagkat status symbol ngayon ang makapag-salita ng Ingles na parang tunay na
Amerikano. Wa-klas (walang class) ang pagsasalita ng Taglog o Pilipino o wikang pambansa. Iyan ay para sa
mga utusan lamang. Iyana ng lumitaw sa isang pag-aaral daw ng isang iskolar na may isang ekspertong
Amerikano bilang tagapayo; iyan daw ang sinabi ng Miss Universe ng aming taon, na isang Pilipna. Ni hindi
para sa mga utusan sa mga aksesorya, kabataan. Hindi sapagkat sa mga aksesoryang katabi ng aming bahay,
pagkapanagnak sa bata’y iniingles na kaya’t pati utusan ay umiingles na rin, kahit paganito “Yu et na.
Recherd… ha ay will palo nay u, sige.” Kaya, ang wika nga segun sa utusan, ang ginagamit ng Pilipino.
Ngunit bakit?, ang ipnipilit mong itanong, Kabataab? Bakit kayo nagkakaganoon s ainyong panahon?
Sapagkat kami’y lutong-luto, ang wika nga, lutong-luto sa wika, kaya’t sa kaisipan man at pag-uugali ay
banyaga. Kung anong pinagkakain ay siyang ididighay, hindi ba? Ilampung taong wikang banyaga ang
ipinakain sa amin, pagkaing kasangkapan mangyari pa ng aba? Ang kaisipan, kalinangan, ugali, pamumuhya
ng bansang sumakop? Ngunit ngayo’y 1970 na, ang pakli mo, kabataan. Wla na ang banyagang sumakop,
matagal na silang wala, dalawampu’t limang taon na kayong Malaya riyan, bakit ganyan pa rin ang mga pag-
iisip ninyo.
Ang mga pag-aasal ninyo? A, hindi mo nga pala alam, kabataan ng 20270. Maniniwala ka bang
dalawamput limang taon na kaming malayo ngunit hanggang ngayon ay Ingles pa rin ang wikang panturo sa
aming mga paaralan? Naunahan na kami ng malalayong-malayo ng mga kapitbansa natin, ng Indonesia at
Malaysia na higit na nahuling lumaya. Katakot-takot na mga pagsubok ang ginagawa sa mga paaralan upang
matiyak kung dapat ngang gamitin ang wikang pambansa. Oo, pagkatapos ng dalawamput limang taon na ng
kalayaan! At gay ng maasahan, hindi nagdadahop an gaming panahon sa mga nagpapapakasangkapan sa
dolar-amerikano- Makapangyarihang dolar, masarap paglalakbay nang walang gugol, sari-saring iskolarsip,
iba’t-ibang paraan na pang-akit ng makapangyarihang dollar diplomacy.
Oo, kabataan 2070, sa aming panahon ay status symbol pa rin ang hinihingi ng paumanhin sa
pagatol-gatol at pautal-utal na pagsasalita sa wikang pambansa. Kalakaran pa rin sa matataas na pinuno,
kahit sa pinakamataas, na magsimulang magtalumpati sa wikang pambansa (unang dlawang talaan), at mag-
ingles na pagkatapos. Karangalan pa ring hindi raw maisaulo ang pambansang awit sa Pilipno. At sa isang
kilalang dalubhasaan ng mga nag-aaral na maging guro, Oo maging guro, ay pagkaisahan sa pulong ng mga
pinuno ng mga mag-aaaral na “Hindi pa panahon upang magpulong sa Pilipino” kahit noon ay Linggo ng
Wika; at isang “matalinong” magiging guro ang humingi ng “tuldok sa ayos’ (point of order) at akin ang sahig
(I have the floor)”, na siyempre nama’y binili nang gayon na halakhakan. At sa pasulatan ng nasabi ring
dalubhasaan. Ang matalinong patnugot ng Pitak-pilipino nang lumipat na sa Ingles ay nag-iwan ng ganitong
pag-aglahi sa kanyang mga kasamahan, “o, ano kayo? Hanggang diyan na lamang ba kayo sa Pilipino”.

GAWAIN
Panuto: Talakayin
1. Ano ang hatid ng wikang makabago sa ating panitikan?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

2. Ano ang antas ng kamalayan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon?


_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Sagutin ang liham sa pamamagitan ng isang pansariling repleksyon batay sa tinuran
ng may-Akda.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

You might also like