You are on page 1of 10

KAHALAGAHAN NG AKDANG PAMPANITIKAN SA ASPETONG KULTURAL NG

MGA PILIPINO

Isang pananaliksik na iniharap


Kay Ginoong Alfredo L. Vitto
Bilang pagtupad sa pambahaging pangangailangang
gawain sa asignaturang Filipino(Pagbasa at
Pagsusuri ng Teksto tungo sa Pananliksik)

ni

RAVEN C. CALAYO

Oktubre 2016
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang

Kahalagahan ng Akdang Pampanitikan sa Aspetong Kultural ng

mga Pilipino

Napapanahong pananaliksik

Na iniharap sa kaguruan ng paaralan ng

Pambisan National High School

Pambisan Pinamalayan Silangang Mindoro

Ang papanaliksik na ito ay tinatanggap bilang pagtupad sa

isa sa mga pangangailangang gawain ng Asignaturag Filipino

(Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto tungo sa Pananaliksik)

___________________ _____________________
ALFREDO L. VITTO LUZVIMINDA P. ACYATAN
Guro Ulong-Guro III

_____________________
CRISTETA R. LAMBON
Punong Guro III
Pasasalamat

Taos pusong pasasalamat ang inaabot ng mananaliksik sa

mga tumulong sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito.

Lubos na natutuwa ang mananaliksik dahil sa matagumpay

na pananaliksik na isinagawa.

Maraming mga tao ang tumulong sa mananaliksik sa pag

kumpleto ng pananaliksik na ito.

Kayo ay naging inspirasyon sa paggawa ng pananaliksik na

ito kaya naman abot langit ang pasasalamat ng mananaliksik sa

inyong suporta.

Kaya sa lahat ng mga naging parte ng pananaliksik na ito

ay gabayan nawa kayo ng Diyos.

Maraming salamat ulit sa inyo!!!

R.C.C
KABANATA I

Mga Suliranin at kaligiran nito

Panimula

Isa sa mga maipagmamalaki ng bansang Pilipinas ay ang

kanilang mga akdang pampanitikan. Ito marahil ay bunga ng

paghihirap ng kanilang mga ninuno noong kapanahunan

nila.Nagsikap silang mabuti upang maiambag nila ang kanilang

mga obra maestra para sa bansang Pilipinas.

Maraming mga pagod at sakripisyo ang kanilang ginawa para

maipahayag nila ang kanilang mga nararamdaman at damdamin sa

paraan ng pagsulat ng isang obra maestra. Maraming mga akdang

pampanitikan ang sa bansang Pilipinas ay naiwan ng kanilang

mga ninuno tulad na lamang ng mga nobela ni Jose Rizal,mga

tula,mga sanaysay,mga kwento,mga epiko,mga dula,at iba pa.

Para sa kanila,isa itong pamana na gusto nilang iiwan

at tatatak sa kanilang mga isipan.

Ayon kay E. C. Apuntan (2013) ang pag-aaral ng ating

sariling panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay

malalaman,madarama,at masusumpungan natin kung paano nag-ugat

at namuhay an ating mga ninuno.

Dagdag pa rin niya na ang panitikan ay nagsisilbing tulay

para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa

nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may

lakas at talino.Sa pag-aaral ng panitikan ay mababatid ng mga


Pilipinong pumanday ng ating matatayog at mararangal na

simulain na naging puhunan sa pagbuo ng isang lipunan sa

pamamagitan ng ibat-ibang uri ng panitikan mapapalawak at

magagawang mahusay ng isang guro na pagtuturo ng asignaturang

Pilipino,maaaring maiakma ang ibat-ibang estratehiya upang

mahikayat ng lubos ang interes ng mga mag-aaral at maging

kawili-wili ang oras nila lalao na sa pagbabasa sa pamamagitan

ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit,

bugtong, salawikain, balagtasan, at iba pa.

Sabi pa rin niya na mahalagang maituturing ang

panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng mga

teleseryeng napapanood sa telebisyon na kadalasang pinanonood

ng mga kabataan na siyang kapupulutan ng aral at magandang

halimbawa sa buhay ng tao.Sa paggunita sa mga kasaysayan na

nag-ugat sa bayan sa pamamagitan ng dula, sanaysay, kwentong-

bayan at talambuhay.Amg panitikan ay laging nakasama sa

kurikulum ng paaralan, bagamat ang emphasis nito ay naaayon

sa karanasan ng kabataan sa kapaligiran, lipunang ginagalawan

na nagbabago sa bawat panahon na tulad ng isa sa

pinakamalaking likha ng tao ang computer.

Bilang pagtatapos niya,may kaakibat na kahalagahan ang

panitikan para sa mga Pilipino.Isa itong uri ng mahalagang

panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari

sariling mga buhay upang matugunan ang kanilang mga


suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng

pagiging makatao.Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan

ng isang tao at maging ang kanyang pagiging Makabayan,subalit

hindi ang panitikan.

Ayon naman kay Barker at Barker(2001)ikinukunekta ng

wika ang nakaraan ,ang kasalukuyan at hinaharap.Iniingatan

din nito an gating kultura at mga tradisyon.Maaari raw mawala

ang matatandang henerasyon,subalit sa pamamagitan ng wika,

naipapabatid pa rin nila ang kanilang mga ideya, tagumpay,

kabiguan at maging kanilang mga plano o adhikain sa

hinaharap.Sa pamamagitan nito ang mga sumunod at sumusunod

pang mga henerasyon ay natututo o maaaring matuto sa nakalipas

na naranasan at sa gayoy maiiwasan ang muling pagkakamali o

di man kayay maitutuwid ang mga dating pagkakamali.Masasabi

kung gayon sa pamamagitan ng wika ay umuunlad tayo sa mga

aspektong intelekwal, sikolohikal at kultural.

Ayon kay E. Atalia(2005) na isang mananaliksik ng UST

Center for creative Writings and Studies,ang kakulangan ng

imersyon at pagtanggap ng literaturang ito.Hindi siya

nababasa sa classroom kaya nababansagan siyang hindi

maganda.Bilang dating manunulat ng tagalog romance, isinaad

niya na naging bunga ng simpatya ng manunulat sa karaniwang

sentimyento ng masa ang mga akdang ito.Aniya,nagmula naman sa


kanonikal na pamantayan ng panitikan ang dominasyon ng

akademya sa pagdikta ng mga dapat babasahin.

Batay kay Rayos(2003)sa panlipunan, pambansa at

pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan at ang wika na

natutuklasan gamit ang mga modernong teknolohiya ngayon,sa

pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay ng kabiguan ng

isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.Salamin din ang

panitikan sa kulturang gumagana sa isang komunidad.Sa

Pilipinas, bawat rehiyon ay mayaman sa tradisyon at kultura.

Para naman kay Serio(2007)ang mga pasalindilang

panitikan ay napapangkat sa mga sumusunod na uri ayon sa anyo

ng pagkakalahad ng mga ito;kwentong bayan, kasabihan,

bugtong, salawikain, sawikain, sabi-sabi, palaisipan at

balagtasan na naglalarawan ng kanilang katutubong

katalinuhan, kaalaman, atkaranasan, atnagsasalaysay ng

kanilang mga pinagmulan, buhay at katutubong bayani,

pananampalataya at iba pa.

Sa mga pag-aaral na isinagawa ng tatlong dalubhasa,

sinasabi dito na talagang napakahalaga ng mga akdang

pampanitikan sa isang bansa dahil ito ang nagiging simbolo ng

pagiging Pilipino.Kahit lumipas man ang maraming taon hindi

maiikakaila na ang mga akdang pampanitikan ay naging daan

para sa pagiging sibilisado ng wikang Filipino.


Paglalahad ng Suliranin

Sa paglipas ng maraming taon, unti-unti na ngang nag-

iiba o nawawala sa kaisipan ng mga Pilipino ang akdang

pampanitikan kaya layunin ng pananaliksik na ito na ilahad

ang mga suliranin at kahalagahan ng Akdang Pampanitikan sa

Aspetong Kultural ng mga Pilipino.Inihahanap ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ano nga ba ang naging sanhi kung bakit unti-unti ay

nawawala sa mga kaisipan ng Pilipino ang mga akdang

pampanitikan?

2. Ano ang maaaring maging resulta nito sa mga Pilipino

kung kakalimutan nila kanilang mga akdang

pampanitikan?

3. Paano nila maipapakita bilang Pilipino ang

pagmamahal at pagsuporta nila sa kanilang mga akdang

pampanitikan?

4. Ano-ano ang mga halimbawa ng mga akdang pampanitikan

na naiwan ng mga ninuno?


PAGLALAHAD NG HYPOTHESIS

Marami sa kanila na nagsasabi na walang epekto ang mga

akdang pampanitikan sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Marahil sabi nila na unti-unti nang nawawala ang kinang nito

sa paglipas ng panahon.Ginamit lang nila ito upang maipahayag

ang kanilang ang nararamdaman at hindi para mapaunlad ang

isang bansa. Dagdag pa rito hindi na masyadong itinuturo ito

sa mga paaralan dahil nga sa mataas na antas na kalidad ng

ating edukasyon.Kung palalawigin man ito sa mga paaralan,

maraming mga estudyante ang mawawalan ng kagustuhan o interes

dahil sa malalalim na mga salita at mahirap intindihin na mga

kahulugan.Sa panahon natin ngayon, kakaunti na ang gustong

magturo ng Filipino dahil sa maraming mga dahilan, kaya sa

paglipas ng panahon unti-unti nang nawawala sa ating bansa

ang mga akdang pampanitikan na ibinahagi ng mga ninuno.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay sadyang napapanahon

kung kaya ito ay napakahalaga sa mga sumusunod:

Sa administrador .Bilang may tungkulin silang

pamahalaan ng akademya, ang resulta ng pananaliksik na ito ay

magsisilbing gabay sa lalong ikakabubuti at ikakaunlad hindi

lamang ang paaralan bagkus higit sa lahat sa mga guro.


Sa mga magulang. Bilang mga pangunahing gabay ng kani-

kanilang mga anak.Ang pananaliksik na ito ay nagsisilbing

instrument sa pagkatuto kung ito ay susundin at gagamitin ng

wasto sa lalong pagpapayabong ng wikang Filipino sa ikakabuti

ng kanilang anak.

Sa mga mag-aaral. Higit na pinahahalagahan ng pag-

aaral na ito ang mga mag-aaral na nangangailangan ng sapat na

paggabay at pagtuturo tungkol sa kahalagahan ng pagkatuto sa

wikang Filipino.Layunin nito na pahalagahan an gang ating mga

akdang pampanitikan bilang tanda ng pagka- Pilipino.

Sa mga guro ng Filipino. Ang kalalabasan ng pag-aaral

na ito ay magiging pagganyak sa kanila sa pagtuturo upang

lalong maging epektibo ang pamamaraan at istratehiyang

ginagamit sa pagtuturo ng Filipino para sa pag –unlad ng mga

mag-aaral sa larangan gamit ang wikang Filipino.

Sa mga susunod na mananaliksik. Ang resulta ng pag-

aaral na ito ay makakatulong sa mga susunod na mananaliksik

dahil maaari nila itong gawing batayan para sa kanilang

gagawing mga pag-aaral sa hinaharap.

You might also like