You are on page 1of 15

“Ang Pananaw ng Mga Mag-aaral sa Ika-

siyam at Ika-sampung baitang A.Y 2018-


2019 sa Kahalagahan ng Pag Papanatili
ng Panitikang Pilipino”
PANITIKANG PILIPINO
• Ang panitikang Pilipino ay pahayag na
pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino
tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling
panlipunan, paniniwalang pampulitika, at
pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.
KAHALAGAHAN NG
PANANALIKSIK:

1.)Malaman ang pananaw ng mag-aaral sa Panitikang Pilipino sa ika-siyam


at ika-sampung baitang.

2.)Makadiskubre ng bagong kaalaman at maging solusyon at suliranin.

3.)Mapanatili ang Panitikang Pilipino at para ma-reserba para sa mga


susunod na henerasyon.

4.)Matutunan ng kabataan kung ano ang tama at mali sa lipunan at higit


sa lahat ang Panitikang Pilipino ay nakakapgtatag ng paksang
nasyonalismo.
TUNGKOL SA
PAMPANITIKANG
PILIPINO:
• James P. Key
Ayon kay James P. Key (1997) ang pamamaraang
ito ay kumukuha ng mga impormasyong hinggil sa
kasalukuyang kalagayan ng isang pangyayari
para mailarawan kung ano ang nagaganap. Isa sa
mga metodong maaaring gamitin gamit ang
pamamamaraang ito ay ang sarbey na tutugon sa
kung ano ang pananaw ng mga kalahok sa dulog
na historikal at rehiyonal sa pagtuturo ng
Panitikang Pilipino.
• E. C. Apuntan
Ayon kay E. C. Apuntan (2013) ang pag-aaral ng ating sariling
panitikan ay napakahalaga. Sa pamamagitan nito ay
malalaman,madarama,at masusumpungan natin kung paano nag-ugat at
namuhay ang ating mga ninuno.

Dagdag pa rin niya na ang panitikan ay nagsisilbing tulay para


makita at mabatid natin ang kaugnayan ng kasalukuyan sa nakaraan
upang sa ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino.Sa
pag-aaral ng panitikan ay mababatid ng mga Pilipinong pumanday ng
ating matatayog at mararangal na simulain na naging puhunan sa
pagbuo ng isang lipunan sa pamamagitan ng ibat-ibang uri ng
panitikan mapapalawak at magagawang mahusay ng isang guro na
pagtuturo ng asignaturang Pilipino, maaaring maiakma ang ibat-ibang
estratehiya upang mahikayat ng lubos ang interes ng mga mag-aaral at
maging kawili-wili ang oras nila lalo na sa pagbabasa sa pamamagitan
ng paggamit ng tula, kwento, sanaysay, talambuhay, awit, bugtong,
salawikain, balagtasan, at iba pa. Sabi pa rin niya na mahalagang
maituturing ang panitikan sa edukasyon sa maraming paraan tulad ng
Sa paggunita sa mga kasaysayan na nag-ugat sa bayan sa
pamamagitan ng dula, sanaysay, kwentong-bayan at
talambuhay.Ang panitikan ay laging nakasama sa
kurikulum ng paaralan, bagamat ang emphasis nito ay
naaayon sa karanasan ng kabataan sa kapaligiran,
lipunang ginagalawan na nagbabago sa bawat panahon na
tulad ng isa sa pinakamalaking likha ng tao ang
computer. Bilang
pagtatapos niya,may kaakibat na kahalagahan ang
panitikan para sa mga Pilipino.Isa itong uri ng
mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang
makapagplano ng sari sariling mga buhay upang matugunan
ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa
ng kalikasan ng pagiging makatao.Maaaring mawala o
maubos ang mga kayamanan ng isang tao at maging ang
kanyang pagiging Makabayan,subalit hindi ang panitikan.
I. KALIGIRANG
PANGKASAYSAYAN
Sa panahon natin ngayon marami na
ang nagbago ,padami na ng padami
ang mga updated na kagamitin lalo
na ang “gadgets”. Madaming bata
na nakakalimutan na ang mga
Panitikang Pilipino ka akbay nito
ang pagdami ng tao sa Pilipinas.(
sa taong 2019 -107,353,246 )
II.KAHALAGAHAN NG PAKSA
A. Bansa
Nalilinang ang kakayahan ng mga Pilipino sa pagsulat ng maikling
kuwento, sanaysay, tula, dula, alamat, pelikula, at iskrip na pang radyo at
telebisyon na bibigyan pansin din ang mga talent ng mga manunulat na
kababayan natin.

B. Mag-aaral
Maging instrumento ito upang mabuhay ang interest ng mga
mag-aaral sa pagbabasa at pag gawa ng kwentong bayan, alamat at tula.

C. Kulturang Pilipino

Bibigyang pansin ang mga sinulat sa ating ninuno. Na


papahalagahan natin ang ating pinagmulan.
III. SAKLAW AT LIMITASYON
• Ang mga manaliksik ay nagbigay ng mga katanungan sa mga mag-
aaral ng ika-siyam at ika-sampung baitang ng paaralang
Mercedarian School. Ito ay maisagawa sa pamamagitan ng online
chatting.
IV. TERMINOLOHIYA
1. Panitikan
Nag papakita ng ating panlipunan at panlahing pag kakakilkanlan.
2. Panitikang Pilipino
Kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmumula sa
kinabibilangan ng ibat-ibang wikang Pilipino.
3. Malikhain
Pagiging malawak ang kaisipan upang makagawa ng bagay-bagay.
IV.TERMINOLOHIYA
4. Pananaliksik
Proseso ng pangangalap ng totoong impormasyon ng
humahantong sa kaalaman.
5. Mananaliksik
Taong naghahanap ng impormasyon tungkol sa isang
mahalagang paksa.
6. Kultura
Pag salin-salin ng kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining at
pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.
IV. TERMINOLOHIYA
7. Ninuno
Ang mga pinag mulang lahi ng isang tao, hayop o maging ng
mga halaman. Isa rin itong magulang o magulang ng isang ninuno.
8. Layunin
Salitang may kaakibat na pag kilos at katiyakang
maisasakatuparang ang anumang gawain o bagay na nilayong
gawin ng isa.
V. PAGTATALAKAY
• Ayon sa ika-siyam at ika-sampung dapat pahalagahan ang Pampanitikang Pilipino dahil
ito’y naging parte na ng ating kultura at madami tayong makukuhang aral dito katulad
ng sa kuwento ng “Pagong at Koneho”. Isa ito sa yaman, kultura ng Pilipinas.
Importante din ito sa mga Pilipino dahil isa ito sa mga tatak Pilipino. Maari itong
maging mukha nating mga Pilipino dahil dito tayo kadalasang kinikilala.
VI. KONKLUSYON
Ang Panitikang Pilipino ay mahalagang pangalagaan
nating mga Pilipino dahil isa ito sa mga rason kung
bakit tayo nakikilala ng ibang mga tao bilang isang
Pilipino. Hindi rin dapat ito kalimutan nating mga
Pilipino dahil lahat tayo ay pinagdaanan na
matutunan ang Pampanitikang Pilipino at isa na ito
sa mga alaala na pwede pa natin maipasa.
VI. DEDIKASYON
Kami’y nagpapasalamat sa lahat ng tumulong sa aming pananalsik lalo na sa
aming mga kapwa kagrupo sa matagumpay na pananaliksik at sa pag bahagi ng
kanilang kaalaman at sa pag pakiki salamuha.

Nag papasalamat rin kami sa mga estudyante sa ika-siyam at ika-sampung


baitang sa pag babahagi ng kanilang sagot at opinion tungkol sa pampanitikang
Pilipino.
Nag papasalamat din kami sa aming guro sa asignaturang Pilipino na si Gng.
Jean Carla A. Aceres at sa Panginoong Diyos na gumabay samin sakabuon ng
aming pananaliksik at sa aming kapatid na sina Patric at Scott na nagbigay gabay
sa paggawa ng pananaliksik nagpapasalamat din kami kela Jerzie na nag pagamit
ng Computer.

You might also like