You are on page 1of 2

I.

Bigyan pagpapakahulugan ang mga sumusunod na konsepto


a. Filipinohiya
- Ang filipinohiiya ay isang karunungan na makaagham na pag aaral
kung saan pinag aralan ang pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng
wika, kultura, lipunan, kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng
karunungang ambag ng mga Pilipino sa mundo ng karunungan. Ang
filipinohiya ay isang pag-aaral ng ating kasaysayan at kung saan
pinagmulan ang ating sarili pananaw at kaisipan. Ang kahalagahan ng
filipinohiya ay tumutulong ito upang maunawaan at magbigay halaga
sa kasaysayan natin bilang Pilipino. Mahalaga ito dahil nag bibigay ito
ng kaalaman sa mga mag aaral ukol sa ating wika at panitikan.
b. Kalinangang Bayan
- Ang kalinangang Bayan ito ay nasa isang bayan o bansa kung saan
tumutukoy sa pangkalahatang kultura. Ito rin ay tumutukoy sa
pamamaraan ng pamumuhay ng mga mamamayan o mga tao.
Tumutukoy ito sa kaugalian na taglay ng mga Pilipino bago pa man
tayo masakop ng ibang bansa at nabahiran ng kanilang paniniwala.
Ito ang palatandaan ng pagkakaiba ng ating bansa sa ibang panig ng
mundo.
c. Talinong Bayan
- Ang talino ay produkto ng karunungan dahil sa kanyang karanasan.
Magiging talinong bayan ito kung sisinupin ang mga karanasan ng
mga tao sa loob ng lipunan.
d. Sikolohiyang Pilipino
- Ang sikolohiyang pilipino ay tumutukoy ito sa pag iisip ng mga Pilipino
kung saan ay nag uugat sa karanasan,kamalayan at oryetasyon ng
mga Pilipino na nakabatay, nakakabit sa pagkaugat sa wika at
kulturang Pilipino. Ito ay pag-aaral tungkol ating mga Pilipino at hindi
nag babase sa mga persketibo ng mga dahuyan tungkol sa sikolohiya.
Ito ay nag aangkop at may pagkilala sa karanasan sa loob ng
kamunidad ng Pilipinas.
e. Pilipinohiya
- Ang pilipinohiya ay isang maka-agham na pag-aaral kung saan na
may layunin makatugon sa mga pangangailangan ng bansa. Nilalayon
nito maging pang-karunungang disiplina tinatalakay nito ang kaisipan,
lipunan at kulturang Pilipino. Layunin nito ang maka-Pilipino sa
pamamagitan ng pag-aaral o pagtulas sa pambansa, panloob o
pansariling talino at karanasan nating mga Pilipino. Inaalis nito ang
mga maka kolonyal na kultura na nakuha natin sa mga dayuhan para
mailabas ang ating pananaw bilang maka-Pilipino.
f. Pantayong Pananawa
- Ito ay pananaw na nag sasaad na dapat ang wika ng Pilipinas ang
dapat na gamitin sa mga aklat na binabasa ng mga mamamayan
sapagkat ang wikang banyaga ang ginagamit sa mga encyclopediya
na hindi naman naiintindihan ng nakakarami sa ating lipunan. Layunin
na palitawin ang pag ka Pilipino.
g. Pambansang Kaunlaran
- Ang pambansang kaunlaran ang resulta ng mga konseto nasa itaas,
kung saan lumitaw na ang ating pag ka Pilipino. Ito rin ang minimithi
natin ng mga Pilipino na mag ka roon tayo pag papakaiba sa ibang
bansa.

II. Punan ang dayagram ng Filipinohiya at Pambansang kaunlaran at bigyan ng


maikling paliwanag

- Nakapaloob sa dayagram na ito kung paano natin makakamit ang pambasang


kaularan. Mag sisimula sa Karanasang Bayang kung saan dito naka saad ang ating
wika, tao, kultura at lipunan na pag sasamahin ng Talinong Bayan. Ang Talinong
Bayan ang mag sisinop ng mga nakauha sa karanasang bayan kung saan pag
aaralan gamit ang Filipinohiya.Mang yayare ang talinong bayan sa pamamagitan ng
sistema ng edukaysyon kung saan pag aaralan ang mga nalikom sa ating wika, mga
tao sa lipunan, kultura at lipunan kung saan sasalain pa gamit ang filipinohiya. Ang
Filipinohiya ay isang disiplinang karunungan kung saan pag-aaralan ang pinagmulan
nating mga Pilipino at kung ano ang mga karunungang ambag natin sa daigdig ng
mga karunungang at maipapasa ito sa Karunungang Gabay. Ang Karunungang
Gabay naman ay ang gagabay para makapag likha ng mga pangangaligan ng
lipunan. Nakapaloob sa Paglikha ng mga pangangailangan sa lipunan ay ang mga
ekonomikal, pulitikal at kultural kung saan ito ang daan patungo sa pambasang
kaulanran na minimithi natin. Makakamit lamang natin ito kung susundin natin ang
proseso na nasa dayagrama at kung isasala sa siyantipikong pag aaral. Halimbawa
nito ang nakapaloob sa ekonomikal ang industriya, makakamit natin ang pambanang
kaularan ng industriya sa ating bansa pag sisinupin ang mga sariling karanasan
nating mga Pilipino at pag aaralan ito sa pamamagitan ng pananaliksik kung paano
natin makakamtan ang pambansang kaularan. Pag na tapos na ang pananaliksik ay
isasa gawa natin natin ito, at mag reresulta ito ng pambansang kaunlaran.

You might also like