Professional Documents
Culture Documents
Samantalang ayon naman kay Ginoong Prospero R. Covar, ito ay sistematikong pag- aaral ng Pilipinong
kaisipan, Pilipinong kultura, at Pilipinong lipunan upang palitawin ang pagkaPilipino. Ibig sabihin ni
Ginoong Covar, ang Pilipinolohiya ay isang masistemang pag-aaral upang higit pa nating maunawaan ang
ating wika at pinagmulan. Sapagkat layunin nitong palitawin o palabasin ang ating pagiging Makabayan
at pagmamahal sa bayan. Nais nitong isa-isahing pag-aralan ang mga kinagisnang kaisipan, kultura at
lipunan nating mga Pilipino upang makakalap ng impormasyon sa kung ano man ang nilalaman ng ating
kasaysayan. Dahil kapag nalaman na natin ito, higit nating maiintinidihan at mauunawaan ang ating mga
sarili at kung paano natin ito yayakapin o pagyayabungin bilang isang Pilipino. Maipapakita natin ito sa
ibang lahi at maipagmamalaki
Kaya naman, upang matugunan ang problemang ito, maraming institusyon(pampubliko man
o pampribado) at indibidwal, ang nagsumikap tungo saestandardisasyon at elaborasyon ng
Wikang Filipino. Isa na nga rito ang PoliteknikongUnibersidad ng Pilipinas (PUP) na nagtatag ng
disiplinang Filipinolohiya noong taong2001 na pinasimulan nina Prop. Bayani Abadilla at Prop. Ghandi
Cardenas. Ayon kay Cardenas, ang Filipinolohiya bilang disiplina ng karunungan ay nakasaligsa maka-
agham na pag-aaral ng pinagmulan, kalikasan, at ugnayan ng wika, panitikan,kultura, lipunan,
kasaysayan, komunikasyon, at iba pang batis ng karunungan nalumiilinang sa mga karunungang
ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng karunungan.Isinaad din niyang ang disipilinang ito ang
maaaring siyang kulang o nawawalangsangkap sa kodipikasyon at elaborasyon ng
Pagpaplanong Pangwika. Ibig sabihinlamang nito, ang Filipinolohiya bilang disiplina ang
magbibigay diin sa mgakarunungang taglay ng mga Piilipino mula pinagmulan at kalikasan
hanggang sakanilang wika at kultura.
Dagdag pa ni Ginoong Bayani S. Abadilla, ang Filipinolohiya ay ang karunungan ng sambayanan na hango
sa malawak na karanasan ng mga Pilipino na nilikha sa mga teorya, prinispyo at mga likhahuwaran ng
mga iskolar. Ito raw ay nabuo sa “kilatis ng talino ng madla na gumagana o tumutugon sa kahingian ng
panahon sa batas ng kasaysayan”. Ayon sa pagpapakahulugan ni Ginoong Abadilla, nabuo ang
Filipinolohiya sa kilatis ng talino ng madla na ang ibig sabihin ay kanila itong pinag-aaralan na kung saan
ang karunungan at karanasan ng sambayanang Pilipino sa mga nakalipas na taon ay ang kanilang
ginawang batayan. Dahil sa paglipas ng panahon, mas lalo nating ninanais na malaman ang ating
kasaysayan kaya tayo ay nagbabatay sa mga teorya, prinsipyo at likhahuwaran ng mga iskolar na
kanilang hinango sa mga pinagdaanan ng mga kapwa nating mga Pilipino. Sa ganitong paraan natin higit
na malalaman at mapag-aaralan ang kasaysayang matagal ng pilit inaalam.