You are on page 1of 5

Ang Filipinolohiya ay disiplina ng

karunungan na nakasalig sa
maka-agham na pag-aaral sa
pinagmulan, kalikasan at ugnayan
ng wika, panitikan, kultura,
lipunan,
kasaysayan, komunikasyon at iba
pang batis ng karunungang
Pilipino, gayundin ay nililinang
nito ang
mga karunungang ambag ng mga
Pilipino sa daigdig ng mga
karunungan. Ang Filipinolohiya ay
ang pag-
aaral ng ating kasaysayan at
pinagmulan sa ating sariling
pananaw at kaisipan.
Mula kay Apigo, M.V (2001)
batay sa panayam kay Prop.
Gandhi G. Cardenas
Ang Filipinolohiya ay disiplina ng
karunungan na nakasalig sa
maka-agham na pag-aaral sa
pinagmulan, kalikasan at ugnayan
ng wika, panitikan, kultura,
lipunan,
kasaysayan, komunikasyon at iba
pang batis ng karunungang
Pilipino, gayundin ay nililinang
nito ang
mga karunungang ambag ng mga
Pilipino sa daigdig ng mga
karunungan. Ang Filipinolohiya ay
ang pag-
aaral ng ating kasaysayan at
pinagmulan sa ating sariling
pananaw at kaisipan.
Mula kay Apigo, M.V (2001)
batay sa panayam kay Prop.
Gandhi G. Cardenas
Ang Filipinolohiya ay disiplina ng
karunungan na nakasalig sa
maka-agham na pag-aaral sa
pinagmulan, kalikasan at ugnayan
ng wika, panitikan, kultura,
lipunan,
kasaysayan, komunikasyon at iba
pang batis ng karunungang
Pilipino, gayundin ay nililinang
nito ang
mga karunungang ambag ng mga
Pilipino sa daigdig ng mga
karunungan. Ang Filipinolohiya ay
ang pag-
aaral ng ating kasaysayan at
pinagmulan sa ating sariling
pananaw at kaisipan.
Mula kay Apigo, M.V (2001)
batay sa panayam kay Prop.
Gandhi G. Cardenas
Ayon nga kay Prospero Covar (1981), ang Pilipinolohiya ay ang pag-aaral sa mundo ng
mga Pilipino, sa Pagkapilipino, at sa iba’t ibang paraan ng pagiging Pilipino. Ang
pagsasakatuparan ng bisyong ito ay nakaangkla sa paggamit ng wikang naghuhulma at
bumubuhay sa kulturang Pilipino. Naniniwala ang larangang ito sa pag-aaral sa pagkatao,
kultura, at lipunang Pilipino na nakabatay sa mga panloob na kaparaanan at kaisipang
likas sa mga Pilipino, sa ganyan, naisasabuhay ang diwa ng pagsasakatubo. Bagaman
nagbubukas din sa mga panlabas at kanluraning teorya, higit na kritikal ang
kontekstuwalisasyon nito.

Masasabing ang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita – Pilipino at lohiya, ayon kay Dr. Prospero
R. Covar (1998), kasalukuyang tagapag-ugnay ng programa sa Pilipinolohiya ng Dalubhasaan ng Agham
Panlipunan at Pilosopiya. Ang lohiya ay isinasa-F/Pilipino na salitang Latin, logos, na ang kahulugan ay
sistematikong pagaaral. Ang Pilipino ay maaaring mamamayan ng bansang Pilipinas at/o kabilang ng
lahing Pilipino; o dili kaya ay katawagan sa ating wikang pambansa bago ito pinalitan ng Filipino,
alinsunod sa ating saligang batas o konstitusyon ng 1987. Samakatuwid, ang Pilipinolohiya ay
sistematikong pag-aaral ng (1) kaisipang Pilipino (psyche), (2) kulturang Pilipino at (3) lipunang
Pilipino. 

Ang Filipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita: Filipino at lohiya (logos), naang ibig sabihin ay pag-
aaral. Samakatuwid, ito ay isang masistematikong pag-aaral:una, Pilipinong kasipian at, ikalawa,
Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan. Ang layuninniyo ay palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat
larangan na meron ang kultura ngPilipinas.

Ayon kay Propesor Gandhi G. Cardenas, ang Filipinolohiya ay disiplina ng karunungan na nakasalig sa
maka-agham na pag-aaral sa pinagmulan, kalikasan at ugnayan ng wika, panitikan, kultura, lipunan,
kasaysayan, komunikasyon at iba pang batis ng karunungang Pilipino, gayundin ay nililinang nito ang
mga karunungang ambag ng mga Pilipino sa daigdig ng mga karunungan (nasa tesis ni Apigo, 2001 batay
sa panayam kay Prop. Cardenas).

Nakatuon sa pagpapakadalubhasa sa pagtuturo at pagkatuto ng wikang Filipino gayundin sa holistikong


pag-uugnay nito sa iba pang batis ng karunungang Pilipino na bumubukal sa panitikan, kultura,
kasaysayan, antropolohiya, agham sikolohiya, pilosopiya at iba pang disiplina na nangangahulugan ng
pagtataglay nito ng interdisiplinaryong paraan ng pag-aaral (mula sa artikulong isinulat ni Prop. Cardenas
sa pahina ng Dalubwika o The Lingguist, p. 5, 2001). 

You might also like