You are on page 1of 102

1|Pahina

TALAAN ng mga NILALAMAN

Aralin Pamagat Pahina

1. P I N O Y A K O , P I N O Y TAY O : 3
Pagkilala at Pagmamalaki sa
PagkaPilipino

2. K O N S E P T O N G PA N G W I K A : 15
Ugat ng Ugnayang Kaisipan,Kultura, at
Lipunan

3. B ATAYA N G K A A L A M A N s a 25
F I L I P I N O L O H I YA :
Ugnayang Kahulugan, Katangian, at
Kahalagahan

4. IDENTIDAD ng LIPUNANG PILIPINO: 39


Kaibig-ibig at Di Kaibig-ibig na
Pahiwatig

5. EDUKASYON sa BANSA: 47
Batayan ng Lumipas, Pahiwatig ng
Bukas

6. KALINANGAN BILANG 58
PA G K A K A K I L A N L A N :
Ya m a n n g B a y a n , I b a l i k s a B a y a n

7. HAMON ng GLOBALISASYON: 70
Ugnayang Kaisipan, Lipunan, Kultura
ang Tugon

8. F I L I P I N O L O H I YA a t I B A N G D I S I P L I N A : 80
Ugnayan ng mga Kaalaman Tungo sa
Karunungan

9. PA N D E M YA a t F I L I P I N O L O H I YA : 94
Penomenang Panlipunan sa Kaisipan at
Kulturang Pilipino

2|Pahina
ARALIN 1

gg PINOY AKO, PINOY TAYO:


Pagkilala at Pagmamalaki sa PagkaPilipino

▪ PAGKAKAKILANLAN
▪ Ang pagkakakilanlan ay tumutukoy sa kaakuhan o identidad ng isang
mamamayan. Kadalasan, ang pagkakakilanlan ay agad na makikita sa
pisikal na anyo o panlabas na katangian. Mahalagang palalimin ang
kabatiran sa pagkakakilanlan lampas sa karaniwan at nakasanayang
kaalaman.
▪ PAGKAPILIPINO
▪ Ang pagkamamamayan kadalasan ay nakabatay sa pook ng
kapanganakan at pinagmulang magulang. Bukod sa pagiging Pilipino na
hinulma ng lugar ng kapanganakan at itinakda ng batas, marapat na
palalimin ang pagiging Pilipino lampas sa kulay ng balat, taas, ilong, mata,
at iba pa. Marapat paigtingin ang pakiramdam at damdaming maka-Pilipino
para sa kapakanang Pilipino.
▪ TUNGKULIN ng GURO sa PAGPAPALAS ng PAGKAPILIPINO
▪ Malaki ang gampanin ng guro upang humubog ng kabataang nagmamahal
sa bayan. Sa husay ng guro, maipapasa at maipauunawa niya ang
kahalagahan ng marubdob na pagmamahal sa bayan.

▪ Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Batayang Kaalaman sa


Pagkakakilanlang Pilipino. Layunin nitong:
o Matukoy ang batayang kaalaman sa pagkakakilanlang Pilipino.
o Masuri ang ugnayang pagkakakilanlan, kaakuhan, at identidad sa
pagtataguyod ng makabayang edukasyon.

3|Pahina
o Makabuo ng biswal na representasyon gamit ang “sampung bagay” sa
“kaholaman ng pagkakakilanlan” upang pagmulan ng pagbabahagi at
pagmamalaki ng pagiging kabataang Pilipino.

TAAS NOO, PILIPINO TAYO

GURO ng BAYAN, PAG-ASA ng KABATAAN

MAHIWAGANG TANONG: Mula sa sumusunod na batayang esensyal na katanungan,


bumuo ng maikling pahayag bilang kasagutan.

Tanong Ko Sa ‘Yo? Pahayag na Tugon Ko!

1. Bakit dapat makilala ang sarili bilang ___________________________________


Pilipino? ___________________________________
2. Paano dapat maging Pilipino sa ___________________________________
panahon ng pandemya at naghihintay ___________________________________
na kinabukasan?
___________
3. Paano magagamit ang kurso sa
pagiging guro at pagiging Pilipino?

Simpleng maging isang Pilipino. Ang ipanganak sa Pilipinas at magkaroon ng mga


magulang na Pilipino ang pangunahing batayan upang magiging mamamayang Pilipino. Ang
pagkakakilanlang Pilipino ay itinatakda ng itinadhanang batas at pinagtibay ng ating mayamang
kasaysayan. Bilang Pilipino, malaki ang prebilehiyo na maging kabilang sa lahi at liping
pinagpala sa maraming biyaya. Malaki rin ang inaasahang gampanin at tungkulin upang maging
kaisa sa pagmamalaki sa pagiging Pilipino. Sa panahong maraming tanong sa hamon ng ating
pagkakakilanlan, malaki ang inaasahan sa mga taong magiging katuwang upang pagtibayin ang
pagkaPilipino. Bilang magiging guro sa iba’t ibang larang, malaki ang dapat gawing
pagpapanday upang maging susi at katuwang sa paghubog ng mga kabataang matibay ang
kabatirang pangkaakuhan.

4|Pahina
Ating ipagbunyi ang lahing pili at pino sa liriko ng isang awit.

PINOY AKO, PINOY TAYO


Orange and Lemons
Lahat tayo’y mayroong pagkakaiba sa tingin pa lang ay
makikita na
Iba't ibang kagustuhan ngunit iisang patutunguhan
Gabay at pagmamahal ang hanap mo
Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga

Pinoy ikaw ay pinoy


Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo, Pinoy ako
Pinoy tayo
'Pakita mo ang tunay at kung sino ka

Mayro'n mang masama at maganda


Wala naman perpekto
Basta magpakatotoo oohh oohh

Gabay at pagmamahal ang hanap mo


Magbibigay ng halaga sa iyo
Nais mong ipakilala kung sino ka man talaga
Pinoy ikaw ay pinoy

Talagang ganyan ang buhay

Dapat ka nang masanay

Walang Mangyayayri kung laging nakikibagay

Ipakilala ang iyong sarili

Ano man sa iyo ay mangyari

Ang lagi mong iisipin, Kayang-kayang gawin.

5|Pahina
Upang palalimin at palawakin ang ating pagkakakilanlan sa ating lahi at liping Pilipino,
makatutulong na basahin at suriin ang isang sanaysay ukol sa ating identidad. Bagama’t bahagi
lamang ang sanaysay sa pagtalakay ng identidad o pagkakakilanlang Pilipino na tinahi ng
aspektong pangkasaysayan, makikita ang payak at pinagyamang kabihasnan ng ating lahi at
liping Pilipino na kapuri-puri at dapat ipagmalaki.

Buhay at Kulturang Filipino

Ni: Norberto L. Romualdez

May kuwento tungkol sa misyonero na nahilingang isulat ang kanyang opinyon ukol sa mga
Pilipino at binigyan ng malalaking blangkong aklat para pagsulatan n’ya. Tinanggap ng naturang
misyonero ang hamon. Sa kanyang pagpanaw, walang sinayang na panahon at pagsisikap
upang malaman kung ano ang nasulat ng nabanggit na misyonero. Natagpuan ang mga aklat.
Ang tanging nakasulat ay: ”Narito ang aking natuklasan hinggil sa mga Pilipino.”

Sa pagpapatuloy ng kuwento, lubhang nahirapan ang misyonerong Espanyol na


maunawaan ang mga Pilipino, na tila mga blangkong aklat para sa kanya.

KAILANGANG MAUNAWAAN NG MGA PILIPINO

Sa aking palagay, ang kahirapang makilala ang Pilipino ay sanhi ng pagkakaiba sa paraan
ng pag-iisip at pagkilos ng mga taga-Kanluran at Silangan na pinaiigting pa ng katotohanan na
kadalasan, kailangan nating ipahayag ang ating mga kaisipan at damdamin sa wikang hindi atin
at kailangang iakma ang nasabing wika ang paraan ng ating pag-iisip at pananalita. Ang
tinutukoy ko siyempre ay ang napakaraming Pilipino at hindi ang ilang mula sa bagong
henerasyon na handang umangkin sa mga kaisipan at gawi ng mga Amerikano.

RELIHIYON AT MGA PAMANTAYANG MORAL

Likas na relihiyoso ang mga mamamayan ng kapuluang ito, lalo pa’t naniniwala silang
may sobrenatural na nilalang na higit na makapangyarihan kaysa tao at hindi matatalos ng
anumang katwiran, at nagtatakda sa kapalaran na kahahantungan ng sangkatauhan at ng lahat
ng pangyayari sa buhay.

Ang likas na pagiging relihiyoso ay bahagi ng katauhan ng Pilipino at namana sa mga


ninunong mula sa India at Sumatra. Ang dalawang daloy ng migrasyon ang nagdala sa kapuluan
ng idea at rituwal na Brahmaniko na isinabuhay at napanatili hanggang sa kasalukuyan sa ilang
relihiyong hindi Kristiyano sa Luzon, Mindanao, at Palawan. Nagkaroon ng malaking pagbabago
ang mga idea at seremonyang kaugnay ng relihiyon dahil na rin ng kawalan ng komunikasyon,
sa loob ng maraming siglo, sa pagitan ng India at ng mga lumikas mula doon; at dahil na rin sa
impluwensya ng kaisipang Hudyo, na mahihinuha sa ilang mitolohikong datos na aking ilalahad.

ANG PANINIWALA NG MGA PILIPINO AT ANG LUMANG TIPAN

Ang alamat ni Manubo Ango sa Lambak ng Agusan sa Mindanaw, na naging bato kasama
ang kanyang mag-anak dahil nais niyang patahimikin ang mga palakang komokokak sa Bundok
Binaoy, ay maiuugnay sa nakasaad sa Bibliya hinggil sa asawa ni Lot na naging asin dahil sa

6|Pahina
paglingon sa nag-aapoy na Sodoma (Henesis XIX, 26). Sa Silangang Leyte, may paniniwala na
ang sinumang may kakayahang makipag-usap sa hayop o nakikipagtalik sa matalik na kamag-
anak ay tatamaan ng kidlat at magiging bato.

Noong ika-14 na siglo at pagkaraan nito, nag-umpisa ang Mohammedanismo sa Mindanaw


ngunit nahadlangan ang paglaganap nito nang sakupin ng Espanya ang buong kapuluan.

Nang dumating sa kapuluan ang Katolikong Espanya, natagpuan nila ang isang liping tigmak
sa mga ideang tila mula sa Lumang Tipan. Ito marahil ang dahilan kung bakit madali para sa
kanila ang magbago mula alamat tungong katotohanan, mula Paganismo tungong
Kristiyanismo, na nagkaugat at lumago sa bahaging ito ng Silangan at itinuturing na kauna-
unahang bansang Kristiyano sa Malayong Silangan.

EKONOMIYA

Iilan lamang ang pangangailangan ng mga Pilipino at mayroon silang mayaman na lupaing
nagbibigay ng masaganang ani. Bago pa dumating ang mga Espanyol, ang agrikultura ay ang
pagtatanim ng palay lamang, na pangunahing pangangailangan ng mga Pilipino. Kalabaw ang
hayop na gamit sa pagsasaka. Paghahabi at pangingisda lamang ang industriya noon Ang
pakikipag-ugnayang pangkalakan sa mga dayuhan ay kalimitang sa mangangalakal na Tsino,
at marami sa kanila ang naninirahan na sa bansa, dala ang kanilang kaalaman sa karpenteriya,
agrikultura, pagpapanday, at maging ang kanilang pamahiin. Kaya naman maraming salitang
Tsino amg naisama na sa ating wika. Ang salitang uysit (masuwerte) at buysit (malas) ay mga
salitang Tsino na madalas gamitin sa wikang Tagalog. Ang salitang Tsino na sinke (bago)
tampowa o tampo ay malimit ding gamitin sa Bisaya ng mga taga-Leyte. Ang ilang pangalang
Tagalog para sa pagkakamag-anak tulad ng koya, ditse, at iba pa ay purong salitang Tsino. Ang
tighoy (lampara) at pothaw (palakol) ay pawang Tsino rin.

Sa mga unang siglo ng rehimeng Espanyol, kontroladong pamahalaan ang ugnayang


pangkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa. Nagkaroon ng pakikipagkalakalan sa Mexico, at sa
daungan ng Acapulco dinadala ang mga produkto mula sa Pilipinas.

PANITIKANG PILIPINO

Kailangang pansinin na ang kasalukuyang kultura ng mga Pilipino ay bunga ng dalawang


pangunahing elemento. Una, ang katutubong kultura sa loob ng maraming siglo ay hindi
gaanong umuunlad sa Pilipinas gaya sa India na pinagmulan nito dahil ang mga lumikas na
Malay ay nawalay sa kanilang sentro, sa kanilang tunay na lupang sinilangan. Gayunman,
umunlad sila sa sarili nilang pagsisikap kahit pa kakaiba ang kalagayang kinasasadlakan. Ang
pangalawang elemento ng ating kultura ay impluwensya ng Kanluran na dala ng mga
mananakop na Espanyol at kalaunan, ng mga Amerikano.

Sa pagtalakay ng panitikang Pilipino, marapat lamang na simulan ito sa konsepto at estilo


ang diwa ng panitikan. Kung kaya tatalakayin ko ang paraan ng pag-iisip at pagpapahayag ng
mga Pilipino na halaw sa mga taga-Silangan at iba sa mga taga-Kanluran.

7|Pahina
PAG-IISIP AT SENTIMIYENTO:

KONSEPTO / KAISIPAN AT DAMDAMIN / DIWA / KAHULUGAN

Kadalasang hindi nauunawaan ang Pilipino kapag sila’y nakikipag-usap sa mga taga-
Kanluran. Ang mga Pilipino na sa pangkalahatan at magiliw, magalang, likas na tahimik, at
madalas ngiti ang tugon sa anumang puna ukol sa kanya kahit hindi pa ito kaaya-aya. Kahit
alam na niyang mali ang kaibigang Kanluranin, at higit pa nasa kanyang panig ang katuwiran,
madalas tumatahimik na lamang siya.

Siyempre pa, ang ganitong ugali ay nagbabago na dahil sa pakikipag-ugnayan sa mga


Amerikano. Ang likas na pagiging tahimik at hindi palaimik ng mga Pilipino ay hindi gaanong
makikita sa ilang indibidwal, lalo sa kabataan. Sa ilang pagkakataon, ang pagbabago ay gayon
na lamang napalitan ng pagkamahiyain ng kapangahasan na tiyak na ikagugulat ng mga
Amerikano. Gayunman, ang pagbabagong ito’y hindi pa marahil malawakan. Ang higit na
nakararaming Pilipino ay nananatiling likas na tahimik at hindi palaimik at matatagalan pa
marahil bago pa nila ito tuluyang mabago, kung mababago man nila ito.

Dahil sa likas na pagiging tahimik, karaniwang ang Pilipino na may sariling pamilya at
nakatali sa kanyang tahanan kung saan pakiramdam niya naroon ang lahat. Kung kaya hindi na
kailangan pang humanap ng libangan sa labas. Ito ang dahilan, maliban sa mga Pilipinong
sanay na sa mas malawak na buhay panlipunan, kung bakit hindi mahilig pumunta ang mga
Pilipino sa mga klab araw-araw at gawin itong bahagi ng kanilang araw-araw na pamumuhay.

ANG MAYAMANG IMAHINASYON NG TAGA-SILANGAN

Sa konsepto at estilo sa panitikan, may pagkakaiba ang Pilipino at ang mga taga-Kanluran.
Isa sa kakaibang katangian ng kaisipan at damdaming Pilipino na talagang maituturing na
Silanganin ay ang lalim ng imahinasyon- gaya ng mamalas sa malimit na paggamit ng
matalinghaga at simbololikong wika.

Ang pinakamahusay na halimbawa ng panitikang Silanganin para sa akin ay Bibliya- hitik


sa mga simbolo at parabola. Taglay ng mga wika sa Pilipinas ang mga nasabing katangian ng
Silanganin na walang dudang sanhi ng katotohanang ang sibilisasyon sa malapit na silangan,
gayundin ang malayong Silanganin na nag-ugat sa sentro ng Asya na siya namang pinagmulan
ng malawakang paglikas ng sangkatauhan tungo sa iba’t ibang panig.

Para sa Kanluraning bansa ng Bibliya sa unang pagkakataon, maaari itong ituring na


malaya ang estilo ng aklat. At kung relehiyoso ang magbabasa, maaaring isipin na dulot iyon ng
katotohanang ang Bibliya ay sinauang aklat mula sa Diyos. Siyempre pa, totoo ito. Ngunit
naniniwala rin akong bunga ito ng katotohanang ang mga Kanluranin ay hindi nag-iisip at
nagpapahayag ng idea gaya ng mga taga-Silangan (Ang wikang Hebreo, ang orihinal na wika
ng Bibliya, ay Silanganin).

8|Pahina
Karaniwang halimbawa ng ganitong pagkakaiba sa pag-iisip at damdamin ng mga
Europeo at Pilipino ang sumusunod: Sa Espanyol sinasabi nilang “Buenos dias,” sa Ingles
“Good Morning,” sa Pranses “Bonjour,” sa Aleman “Guten tag,” (beautiful day sir/madam).
Pansinin natin sa Espanyol, Amerikano, Pranses, sinasabi nilang “magandang araw.” Ibig
sabihin, mas hangad nila ang kapakinabangan at kabutihan samantala mas nais ng mga
Tagalog ang kagandahan at sinasabing “magandang araw” at sa halip na “mabuting araw”
(good day).

ANG MGA WIKA SA PILIPINAS

Sinasabing napakaraming wika sa Pilipinas. Subalit kung susuriin ang mga wikang ito
para sa siyentipiko, matutuklasang iisa lamang ang pinagmulan ng mga ito. Hindi kailangan ng
mahabang panahon para matutong magsalita ng Bikol o Bisaya ang Ilokano, o ng
Kapampangan ang isang Bagobo. Hindi rin nahirapang magtagalog ang mga Bisaya, Bikolano,
Kapampangan, Waray, o Iloko na naninirahan na sa Maynila. Ito ay dahil isa lamang ang
pinagmulan ng mga wikang ito

Siyempre pa, may ilang hindi inaasahan at mababaw na pagkakaiba na sa aking palagay
ay dulot ng dalawang bagay. Una ay dulot ito ng katotohanang ang populasyon ng kapuluan ay
dulot ng tiyak na sunod-sunod na migrasyon. Kahit pa mula sa iisang yugto ng migrasyon,
mayroong iba’t ibang pangkat; bukod sa nagkaniya-kaniyang pangkat ang mga barangay sa
bawat sasakyang pandagat. Ikalawa, dulot ito ng pagkahati-hati ng bansa sa iba’t ibang pulo na
may balakid tulad ng bundok at dagat.

IISANG PINAGMULAN NG ATING WIKA

Habang lalong pinag-aaralan ang gramatika at bokabularyo ng mga katutubong wika,


matutuklasang iisa lamang ang pinagmulan ng mga ito- walang iba kundi ang sinaunang wika
na pinagmulan ng wika ng mga taga-Persia, Arabia, Hebreo, at India. Ang ilang katangian ng
mga ito ay nangingibabaw pa rin sa ating katutubong wika sa kasalukuyan.

Kung paghahambingin ang mga wika sa Pilipinas upang maipakita nilang iisa ang
lingguwistikong pinag-ugatan, masasabi kong maraming sinaunang salita na Malay sa
katutubong wika. May pagkakaiba ang mga katutubong wika sa modernong Malay at
maipaliliwanag ang katotohanang ito nauna nang nabanggit na ang mga Malay ay lumikas sa
bansa ay hindi ang mga Malay na umiral bago pa kumalat ang mamamayan ng Sumatra na
nangyari walo hanggang siyam na siglo na ang nakalipas, kundi ang mga sinaunang Malay, isa
sa mga mas malayo at mas matandang miyembro ng pamilyang Oseaniko. Kaya nga, gaya ng
napansin ni Propesor Kean, ang pamilang na pito ay pareho sa lahat ng mga katutubong wika
sa Pilipinas, sa wika sa Java, sa Maori, sa wika sa Tahiti at iba pang wikang Polynesyo. Ito ang
mga salitang pito (seven) at walo (eight). Ngunit hiindi sa kasalukuyang Malay, na ang pito ay
tulon at walo ay delapan.

Sa gramatika, iisa ang batayang prinsipyo ng lahat ng wika sa Piipinas. Wala sa mga ito
ang mayroong espesyal na pandiwa na maitutumbas sa to be ng Ingles. Magkakatulad din ang
etimolohiya pagdating sa pagbubuo, paglalapit, at mga gramatikal na katangian ng mga salita,

9|Pahina
ang lahat ng mga wikang ito’y tendensiya sa paglalapi. Sa bokabularyo gaya ng nabanggit na,
mayroong ilang hindi maiiwasang pagkakaiba, pangunahin na sa pagbigkas at sa ilan,
pagbabago sa gamit o kahulugan ng mga salita. Ang pangunahing pagkakaiba sa pagbigkas sa
Tagalog, Bisaya, at Kapampangan ay makikita sa pagbigkas ng matandang na u, na ang orihinal
na tunog nito ay makikita pa sa malayong rehiyon ng kapuluan. Kahawig ito ng u ng Pranses o
ng u ng mga Olandes sa dulo ng mga salita. Ang tunog na ito ay may iba-ibang paraan ng
pagbigkas ngayon sa mga Tagalog, Bisaya, at Kapampangan, at higit pang napaigting ang
pagkakaiba sa bigkas dahil sa impluwensya ng ponetikong Kanluranin. Kung kaya ang mga
salitang Tagalog na amin, atin, atip, ay binibigkas sa Bisaya bilang amon, aton, at atop. Ang
salitang Tagalog na lalim (depth) ay lalam sa Kapampangan, ang Kapampangang maslam (acid)
ay maaslum sa Bisaya. Isa sa kaibahan ng Kapampangan sa iba pang wika sa Pilipinas, ay
ang pagbigkas sa ay na gaya ng sa Ingles na a sa paper at binabaybay na e sa Ingles. Kung
kaya ang salitang Tagalog na palay (rice) ay pale sa Kapampangan, at ang Bisaya na balay, ay
bale sa Kapampangan. Hindi rin binibigkas sa Kapampangan ang h. Ang salitang Tagalog na
halaga ay alaga sa Kapampangan. Isang kakaibang katangian ng Ilokano ang pananatili nitong
wikang aglutinatibo. Kung kaya, kung sa Bisaya ay sinasabing si ako (I), sa Ilokano, isang salita
lamang ito- siak. Ang parirala sa Bisaya na nasurat ako ( I am writing) ay isang salita lamang
sa Ilokano-agsuratik.

Sa kabuuan, ang mga titik sa wikang katutubo ay may tiyak na tunog. Ngunit makikita sa
palatunugan ng Filipino ang impluwensya ng Espanyol at Ingles.

PROSA at TULA

Walang kakaiba sa ating prosa, maliban sa istilo, na gaya ng nabanggit na, ay maikli at
katulad ng estilong Silanganin. Sa mga wika sa Pilipinas, may espesyal na diin ang mga
pangungusap na patanong upang patunayan ang katotohanan o pagtibayin ang pagpapatotoo.

Ang mga tayutay, kawikaan, kasabihan, pagtutulad, at paghahambing ang


nakapagpapatingkad ng kulay, lakas, at mapanghimok na bisa ng prosang Pilipino. Gaya nang
nauna ko nang naitala, makikita ang mga katangiang ito sa lahat ng panitikan sa Silangan.
Ipinamamalas din natin ang pagiging magalang at kababaang-loob ng mga taga-Silangan, gaya
ng mga Tsino at Hapon, bagama’t hindi kasing lalim gaya ng ating mga kalapit na bansa sa
Silangan. Isa itong katangiang kapansin-pansin sa panulat ng mga Tsino.

ANG SINAUNANG PINAGMULAN

Inilahad sa inyo ang Filipino – ang kanyang pinagmulan, kasaysayan, at pag-unlad, at


ang masining na paglalahad ng kanyang mithiin at damdamin. Napatunayan ninyong kabilang
siya sa lahing mula sa ibang bansa na sa nakalipas na mga panahon ay may tinamasang
sibilisasyon, na ang pag-iral ay pinatutunayan ng kasaysayan at ang mga bakas o labi ay
nahuhukay sa mga bagong tuklas sa arkeolohiya. Ang sinanunang sibilasyong aking tinukoy,
at alam na ninyo ito, ay ang sibilisasyong Silanganin na nagsilbing mahalagang batayan ng
estrukturang kilala natin ngayon na kulturang Kanluranin.

10 | P a h i n a
Batay sa lahat ng nabanggit, umaasa akong nabigyan ko kayo ng kaukulang
impormasyon upang ganap ninyong maunawaan ang mga dahilan ng pagkakaiba ng sikolohiya
ng Filipino at ng mga Silanganing kultura na nakapalibot dito. Ang iba’t ibang katangian ng
kulturang Filipino na sa pangkalahatan ay hindi madaling maunawaan ng mga taga-Kanluran,
ay maibubuod sa pamamagitan ng mga sumusunod:

Tiyak na antas ng mahinahong pakikipag-ugnayan na hindi magiging makatarungan kung


ituturing na panlinlang o pagbabalat-kayo, yamang isa itong hindi maiwasang manipestasyon
ng ating kakaibang idyosinkrasya; para sa mga kakaiba at kataka-taka, na malamang naman
mula sa mga ninunong Indian at Malay; pagkiling sa espiritwalidad, at pagkahilig sa mga baway
na mahiwaga at abstrakto, pagkahilig sa tradisyonal na pangungulila sa sariling tahanan – ilan
ito sa mga katangian ng Filipino na nasa ilalim ng natatanging impluwensiya ng tropikal na araw.

PAG-UNLAD SA GABAY NG MATA

Ang idyosinkrasyang Pilipino, sa lahat ng manipestasyon nito, ay makaligtas sa


obserbasyon ng mga paring Heswita ng Ateneo de Manila. Una, ang mga paring Espanyol at
ngayon ang mga Amerikanong pari na kapuwa kumilala sa katotohanan na ang ating kaisipan
at kaugalian ay Silanganin, ay kapwa naglayong paunlarin ang ating kamalayan. Bagaman
magkaiba ang pamamaraan ng bawat isa upang matamo ang iisang layunin – laging isinaalang-
alang ang ating mga katangian at kakanyahan.

Ang mga paring Heswitang Espanyol ang nagbigay-ningning sa ating dignidad, na dahil
likas na bahagi ng ating idyonsinkrasya ay sensitibo sa impluwensiyang panlabas. Itinimo nila
sa kamalayan ng mga estudyante ang katotohanang nilikha nang pantay ang lahat, na ang
karapatan ang patrimonya ng sangkatauhan, at ang mga mag-aaral na labis na pananiwalang
sila’y mababang uri ng nilalang dahil sa kanilang likas na pagiging tahimik.

Sa aking obserbasyon, nauunawaan na ng mga Amerikanong pari ang isipan at


damdamin ng Filipino at ibinabagay nila sa kanilang mga idea at mithiin sa pangangailangan at
kalagayan ng mga estudyante. Ang mga paring Amerikano, bunsod ng layunin na hubugin hindi
lamang ang intelektural at pisikal na aspekto ng kanilang mga estudyante, sa pamamagitan ng
pagtuturo ng paggalang, pag-unawa, at pagkontrol sa sarili.

Habang binibigyang-diin ng mga paring Espanyol ang dignidad, karakter o katauhan


naman ang pinagtutuunan ng pansin ng mga Amerikanong pari. Makabagay ang dalawang
katangian kung kaya wala tayong dahilan upang hindi ipagmalaki ang pagsasama ng dalawang
sistemang pedagohikal sa institusyong ito ng pagkatuto.

11 | P a h i n a
TASK ni BIG MA’AM at SIR: Pumasok sa tahanan ng iyong guro upang maisagawa ang
pagsusuri na may kinalamang sa iba’t ibang natutuhan sa aralin. Matapos gawin ang tasks,
ihanda ang sarili para sa naghihintay na gawain sa confession room.

Unang Task: TALA-SALITA Ikalawang Task: SULAT-UNAWA

• Magtala ng sampung salitang di dapat • Sumulat ng isang talata gamit ang


kalimutan mula sa sanaysay. itinalang sampung salita bilang
pagsusuri sa sanaysay.

Ikatlong Task: NILAY-BULAY Ikaapat na TASK: BAGAY-BUHAY

• Bumuo ng sulat sa may akda upang • Umisip at gumuhit o magdikit ng


magpahayag ng paglilinaw at sampung bagay na maaaring
pasasalamat sa natamong kaalaman. nabanggit o kaugnay ng isinasaaad ng
sanaysay ukol sa pagkakakilanlang
Pilipino.

12 | P a h i n a
Ipagtapat sa guro ang mga tiyak na gawain
sa bahagi ng bintana ng silid o tahanan.
Tiyaking ipamamalas sa pagsasagawa ng
gawain sa pasulat na paraan ang
sumusunod:

Ayos ng Paglalahad----------

Bisa ng Nilalaman-------------

Gamit ng Wika/Gramatika---

Sinop ng Gawa-----------------

APAT DAPAT: Magtala ng apat na kaisipan na magsisilbing buod o natutuhan sa aralin.


Matapos maitala ang apat na kaisipan, pagsama-samahin ang mga ito sa loob ng isang talata.

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

__________________________________________________

13 | P a h i n a
KAHOLAMAN: Pangalanan ang sampung bagay na sumasagisag sa pagkakakilanlang
Pilipino. Mula sa isang bagay na iyong itinala, pumili ng isa na malapit na kumakatawan sa
sarili mong pagkakakilanlan. Lagyan ng mabisang pahayag ang bawat bagay na itinala.
Iguhit o idikit sa mga kahon ang iba’t ibang sagisag.

Ang Aking Sampung Pinaka… sa Loob ng Ito ang Pagkakakilanlan sa 10 Sagisag


Kahon
1.
_______________________________________________

2.
_______________________________________________

3.
_______________________________________________

4.
_______________________________________________

5.
_______________________________________________

6.
______________________________________________

7.
_______________________________________________

8.
______________________________________________

9.
______________________________________________

10
_______________________________________________

14 | P a h i n a
ARALIN 2

gg K O N S E P T O N G PA N G W I K A :
Ugat ng Ugnayang Kaisipan, Kultura, at Lipunan

▪ KONSEPTONG PANGWIKA
▪ Ang mga konseptong pangwika gaya ng gramatika, sosyolingguwistika,
jargon, register, slang, at marami pang iba ay dapat alamin at bigyang-
pansin. Ang mga konseptong pangwika ay marapat higit alalahanin at
kasangkapanin sa mabisang ugnayang panlipunan. Ang mga konsepto sa
wika ang magtatahi sa salik ng Filipinolohiya.

▪ KAISIPAN, KULTURA, LIPUNAN


▪ Bawat larangan ay may mahahalagang kaisipan. Ang Filipinolohiya bilang
kuhaan ng kaalaman at karunungan ay mapatitingkad ng ugnayang
kaisipan, lipunan, at kultura. Ang tatlong salik na ito ang magpapalutang sa
kamalayan, kaakuhan, kalinangan, at kasaysayan ng lipunang Pilipino.
▪ GURO, SUSI sa PAGTATAHI ng UGNAYAN ng FILIPINOLOHIYA
▪ Ang isang guro na nakadikit ang pagtuturo sa kahalagahan ng wika patungo
sa ugnayang panlipunan ang inaasahan ng kasalukuang panahon. Malaki
ang gampanin ng guro na maging tagapagtaguyod ng kaisipan, lipunan, at
kulturang Pilipino anuman ang disiplina o asignaturang kanyang
pinagkakadalubhasaan. Inaasahang bawat guro ay maging tulay sa
pagpapalakas ng diwa at pusong makabayan.

▪ Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Kahulugan at Gamit ng


Konseptong Pangwika. Layunin nitong:
o Maipaliwanag ang batayang nilalaman sa konseptong pangwika.
o Masuri ang ugnayan ng konseptong pangwika sa hamon at tugon upang
makapag-ambag sa pagpapayaman ng wika.

15 | P a h i n a
o Makabuo ng “AMBAGAN at SAWIKAAN” bilang panimulang hakbang sa
pagpapayaman ng wika.

WIKANG MAYABONG at MAYAMAN,

KAISIPAN, KULTURA’T LIPUNAN ang PUHUNAN

UGNAYANG TANONG-SAGOT: Pansinin ang mga katanungan. Magbigay ng hinuhang


kasagutan na binubuo ng dalawa-tatlong pangungusap.

Iyong Tanong Aking Tugon

1. Bakit mahalagang matukoy ang iba’t _________________________________


ibang konsepto sa likod ng wika?
_________________________________

_________________________________

2. Paano nakatutulong ang wika sa _________________________________


ugnayang panlipunan?
_________________________________

_________________________________

3. Paano magiging mabisa ang _________________________________


pagpapaunawa ng mga salita, idea, at
kaisipan kaugnay ng wika? _________________________________

_________________________________

Ang wika ay sandigan at instrumento sa talastasan. Sa wika mababanaag ang diwa,


kaisipan at ideolohiyang nais iparating. Malawak ang sakop ng wika sa pangkalahatan.
Maraming mga kaugnay na konsepto at kaisipan upang lubusang maunawaan at

16 | P a h i n a
mapahalagahan ang wika. Gawing gabay ang sumusunod na kaisipang pangwika upang lubos
na maunawaan ang hamon at tugon kaugnay sa tiyak na pagpapayaman sa sariling wika.

TALASAPAN: Tala at Usapang Pangwika

TALA ng Konseptong Pangwika USAPAN ukol sa Konseptong Pangwika

DIYALEKTO Paano dapat unawain ang diyalekto sa


konseptong pangwika?
• Ito ay varayti o subordineyt ng wika
at ito’y sinasalita sa loob ng mas Ang kaibahan ng wika’y pekulyar na
maliit na grupo. Ang varayti ay katangian ng wika. Bagamat nagkakaiba dulot
nauuri sa: dialectal, discrete, at ng heyograpikal at panlipunang salik,
social dialect. naituturo at napag-aaralan ang diyalekto
upang hindi maging sanhi ng agwat, hidwaan,
o di pagkakaunawaan.

GRAMATIKA Bakit mahalagang maalam ang bawat isa


sa kasanayang panggramatika?
• mga pinagtibay na batas o tuntuning
pangwika. Ito ang nagsisilbing gabay Ang kasanayang panlingguwistika na
sa palatunugan, palabuuan, nakaugat sa gramatika ang pundasyon ng
palaugnayan, at palakahulugan ng kaalaman, kasanayan, at kahusayang
isang wika. pangwika. Dito mag-uumpisa ang lahat ukol
sa kahusayan sa komunikasyon.

REGISTER Bakit dapat pag-aralan ang iba’t ibang


register ng wika?
• varayti o uri ng wika kaugnay ng
malawak na panlipunang papel na Ugat ng varyabilidad o pagkakaiba-iba ng
ginagampanan ng tagapagsalita sa wika ang heyograpiko at panlipunang salik.
oras ng pagpapahayag. May mga uri o Mahalagang ito ay pag-aralan upang
register ng wikang siyentipiko, maunawaan na hindi hadlang ang
panrelihiyon, panserbisyo, at iba pa. pagkakaiba-iba sa pag-unawa at pagkakaisa.

SOSYOLINGGUWISTIKA Paano lilinangin ang pagkapit sa


sosyolingguwistika bilang pag-aaral at
• Bahagi ng Lingguwistika na bahagi ng pananaliksik?
nagbibigay-pansin sa ugnayang wika
at lipunan. Kadalasang kabilang sa Upang malagpasan ang simpleng
pagbibigay-kahulugan ang tiyak na paglalarawan sa estruktura ng wika,
tao, lugar, panahon, at iba pang palalalimin nito ang ugnayang wika at lipunan.
aspektong panlipunan bilang salik o Magiging tiyak para sa bawat kalahok at
lente ng pagpapakahulugan. umuunawa sa wika sa direkta nitong relasyon
sa iba’t ibang kalakaran at penomenang
panlipunan.

17 | P a h i n a
UNIBERSAL na NUKLEYUS ng WIKA Ano ang implikasyon ng unibersal na
nukleyus ng wika sa usapang pambansa?
• Tumutukoy sa komong elemento ng
lahat ng mga wika. Makikita na ang Bagamat nagkakaiba-iba ang mga wika;
wikang Filipino ay nabuo mula sa magtatagpo ang ito sa pagkakatulad mula sa
malayang kontak o ugnayan ng mga mga tunog, salita, at iba pa. Mahalagang
wika sa bansa dahil nagkakaroon ng tandaan na dahil sa pagkakatulad ng wika,
pagkakapareho ang mga katangian ng maaaring isipin na lahat ng wika sa bansa ay
wika sa bansa. tiyak na nag-ambag sa pagpapayaman ng
ating wikang pambansa.

Mula sa itinala at pinag-usapang salita, makatutulong ang gawain bilang pagtutulay sa


lubusang pag-unawa sa mapanghamong pahayag/talumpati ukol sa dapat maging ambag ng
bawat isa sa pagpapayaman ng wikang pambansa.

Ano ang Ambag Mo sa Wikang Filipino?

Ni: VIRGILIO S. ALMARIO


Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan
Dating Tagapangulo, Komisyon sa Wikang Filipino

Para sa mga guro at alagad ng Wikang Pambansa: Buwan ng Wika na naman at nais
kong imungkahi na itigil na natin ang taunang mga himutok hinggil sa hindi nasusunod na atas
ng mga Konstitusyon mulang 1936 hanggang 1987. Itigil na rin natin ang atake laban sa mga
pro-Ingles na politiko at maging sa mga pro-Ingles na pinuno ng DepEd at mga paaralan.

Bakit?

Dahil sa politika ng wika sa Pilipinas, ang malaking katotohanan ay hindi tinatanggap ng


mga dominyo ng kapangyarihan ang atas ng mga konstitusyon hinggil sa pagkakaroon ng
wikang pambansang batay sa isang katutubong wika. At dahil miyembro ng lipunang
makapangyarihan at mariwasa, dapat asahang pro-Ingles ang mga pinakamataas sa mga
pinuno ng gobyerno at ng paaralan.

Sa halip maghimutok, baka dapat nating higit na sisihin ang ating sarili hinggil sa
napakabagal na pagsulong ng wikang Filipino. Bakit? Dahil ano ba ang ginawa natin para sa
wikang Filipino? Nagplano ba tayo kung paano makukumbinsi ang mga dominyo ng
kapangyarihan na kailangan ng bayan ang Filipino? Kamakailan, natiyak ko na marami sa atin
ang ni hindi alam ang kaibahan ng Pilipino sa Filipino. Sa gayon, ayaw na ayaw nilang tanggapin
ang kapasyahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na panahon nang gamitin ang Filipinas
at pigilan ang paggamit ng Pilipinas. Ang lahat ay bunga ng pangyayari na tayong mga guro at
alagad ng wika ay hindi nag-ukol ng wasto't matagal na paglilimi sa mismong atas ng 1987
Konstitusyon hinggil sa ating Wikang Pambansa. Nakasaad sa Artikulo XIV, seksiyon 6:

18 | P a h i n a
The national language of the Philippines is Filipino. As it evolves, it shall be
further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other
languages.

Ang orihinal sa Ingles ang aking ginamit dahil hindi ako nagtitiwala sa nagkakaibang mga
salin ngayon. Sa pamamagitan ng unang pangungusap, hindi na dapat pagtalunan kung ano
ang Wikang Pambansa. Tahas ang tadhana ng Konstitusyon—Filipino. Ngunit ang hindi natin
napaglilimiang mabuti ay ang ikalawang pangungusap. Tinutukoy sa ikalawang pangungusap
ang ating tungkulin para sa ebolusyon ng Filipino, Ngunit dahil hindi natin ito binabasang mabuti,
mahigit 15 taon na nating hindi tinutupad ang ating tungkulin bilang mga tagapagpalaganap ng
wikang Filipino.

Sa aking panukalang pagbasa ngayon, may dalawa’t magkakambal na tungkuling iniaatas


sa atin ang Konstitusyon para sa mahusay na ebolusyon ng Filipino. Una, “it shall be further
developed.” Ikalawa, “(it shall be) enriched on the basis of existing Philippine and other
languages.” Gusto kong talakaying isa-isa ang dalawa.

Paano ba dapat isalin ang unang bahagi? Ang Filipino diumano ay kailangang “paunlarin
pa” (be further developed). Tinutukoy nito ang mga gawain kaugnay ng tinatawag na language
development. Mga tiyak at batayang gawain ito para sa isang buhay at pinalalaganap na wika.
Ang pagpapaunlad sa wika ay karaniwang nangangahulugan ng pagtataas sa kantidad at kalidad
ng paggamit nito mula sa wikang pabigkas tungo sa isang wikang
isinusulat/inililimbag/inilalathala. Pasado na ang batay sa Tagalog na Pilipino noon hinggil sa
antas ng kantidad at kalidad ng panitikan. Mula pa sa panahon ng kolonyalismo hanggang sa
kasalukuyan ay dominante ang panitikang Tagalog kompara sa nakasulat na panitikan sa ibang
mga katutubong wika. Para sa akin, nangangahulugan ang pagpapaunlad ng tinatawag ni
Charles Ferguson (1968) na “modernisasyon” bagaman mahigpit na kalakip ang problema ng
“estandardisasyon.” May dalawang uri din ang modernisasyon: ang modernisasyong popular at
ang modernisasyong akademiko. Ang modernisasyong popular ay nauukol sa paggamit ng
Filipino sa mga modernong ugnayang pangmadla—radyo, TV, pelikula, tabloid, at katulad. Sapat
ang pag-unlad ng Filipino sa modernisasyong popular.

Ngunit malaki ang pagkukulang na mga pagpapaunlad ng Filipino sa modernisasyong


akademiko. Ito ang tinatawag na intelektuwalisasyon ng mga eksperto sa lingguwistika. Sagana
ang mass media sa mga tsismis pang-artista at mga balita ng eskandalo’t krimen. Ngunit ilan
ang gumagamit ng Filipino kahit man lamang sa mga talakayang pampolitika? llang libro ang
nasulat upang magamit na sanggunian sa kursong pangkolehiyo? Ikompara kahit ang uri ng tesis
at disertasyon sa Filipino sa karaniwang pagsusuring akademiko sa Ingles at makikita ang
kahambal-hambal na gamit ng Filipino (at marahil, ang kahambal-hambal na uring pagtuturo sa
Filipino) sa kolehiyo’t unibersidad.

19 | P a h i n a
Nakalimutan nating isaisip na kailangan ng Filipino ang paggalang, lalo na mula sa hanay
ng ayaw sa Filipino, at magaganap lamang ito kung may babahang mga halimbawa ng mataas
na uri ng paggamit sa Filipino sa iba’t ibang disiplina. Kung may maipagpaparangalan tayong
mga dalubhasa sa iba’t ibang disiplina na gumagamit ng Filipino sa pagsulat o may maituturo
tayong aklatan ng mga makapal na tomo hinggil sa iba’t makabuluhang paksain at nakasulat sa
Filipino.

Samantala, ang ikalawang bahagi, palagay ko, ang pangunahing atas upang maibuklod
ang Filipino sa dating Pilipino. Wika ng Konstitusyon, ang Filipino ay kailangang “payamanin
batay sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at iba pa” (enriched on the basis of existing Philippine
and other languages). Malinaw sa atas na dapat ipagpayaman sa wikang Filipino ang mga buhay
na katutubong wika ng Pilipinas. Una Ito kaysa ibang banyagang wika na gaya ng Ingles,
Espanyol, Tsino, Hapones. Una ito kaysa wika ng bakla, o wika ng lansangan o palengke, o wika
ng durugista. Una ito kaysa mga “varayti at baryasyon” na ikinakalat ng mga brodkaster at
tsismosang kolumnista. Ngunit sino ang nag-isip tipunin ang magagandang halimbawa ng
dalumat mulang Sebwano, llokano, Kapampangén, o Tiboli at Ibaloy? Hindi ito inisip
pangasiwaan kahit ng nagdaang mga pumunuan ng KWF.

Tinutukoy ng bahaging ito ng tadhanang pangwika ng Konstitusyon ang dibdibang


aplikasyon ng language planning. Hindi maaaring ala-berde ang pagpapayaman sa Filipino sa
pamamagitan ng mga wikang katutubo ng Pilipinas. Una, mahirap mangyari iyon. Mangyari man,
puro kabalbalan ang pupulutin mula sa ibang wikang katutubo (“buang,” “waray bugas,” “oragon,”
“manoy’). Higit na magaganap ang lansakan at seryong paghiram mula sa mga internasyonal at
banyagang wika.

Anupa’t ang proyektong Ambagan ay isang kongkretong interbensiyon upang


maisakatuparan ang atas ng Konstitusyon. Ipinahihintulot sa kumperensiyang ito ang
presentasyon ng mga katangi-tanging salita at karunungang nasa mga wikang katutubo at wala
sa Tagalog/Pilipino. Marami pang ibang paraan. Ngunit kailangang pag-isipan natin. Kailangang
iproyekto natin. Ito lamang ang paraan upang masunod ang atas ng Konstitusyon. Payamanin
natin ang wikang Filipino sa pamamagitan ng mga karunungan at karanasang nakaimbak sa
mga katutubong wika ng Pilipinas. Higit kaysa ibang sangkap pangwika, ito ang hinahanap at
inaasahan ng Konstitusyon na iaambag natin sa wikang Filipino.

SULOK SURI-SALITA: Gawing gabay ang mga salita sa bawat sulok. Bumuo ng pagsusuri mula
sa binasa kung paano nakatulong ang mga salita sa hamon ng pag-aambag sa pagpapayaman
ng wikang pambansa.

20 | P a h i n a
Saligang Batas Modernisasyon

______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
___ ___

Estandardisasyon Intelektuwalisasyon

______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
______________________________________ ______________________________________
___ ___

DUGTUNGANG PAGSASALAYSAY: Mula sa mga biting pahayag na bahagi ng binasang


aralin, dugtungan ito sa pamamagitan ng pagbuo ng kumpletong diwa at kaisipan bilang
paglalahat sa natutuhan sa aralin.

Sa halip maghimutok, baka dapat Samakatuwid____________________


nating higit na sisihin ang ating sarili _______________________________
hinggil sa napakabagal na pagsulong _______________________________
ng wikang Filipino. _______________________________
___________

21 | P a h i n a
Sa aking panukalang pagbasa ngayon, Samakatuwid____________________
may magkakambal na tungkuling _______________________________
iniaatas sa atin ang Konstitusyon para _______________________________
sa mahusay na ebolusyon ng Filipino. _______________________________
___________

Nakalimutan nating isaisip na Samakatuwid____________________


kailangan ng Filipino ang paggalang, _______________________________
lalo na mula sa hanay ng ayaw sa _______________________________
Filipino _______________________________
___________

Samakatuwid____________________
Malinaw sa atas na dapat ipagpayaman
_______________________________
sa wikang Filipino ang mga buhay na
_______________________________
katutubong wika ng Pilipinas
_______________________________
___________

Samakatuwid____________________
Marami pang ibang paraan. Ngunit
_______________________________
kailangang pag-isipan natin.
_______________________________
Kailangang iproyekto natin.
_______________________________
___________

Payamanin natin ang wikang Filipino sa Samakatuwid____________________


pamamagitan ng mga karunungan at _______________________________
karanasang nakaimbak sa mga _______________________________
katutubong wika ng Pilipinas. _______________________________
___________

22 | P a h i n a
AMBAGAN at SAWIKAAN: Gawin ang panimulang sariling hakbang sa pag-aambag sa
pagpapayaman ng wikang pambansa. Gawing gabay ang sumusunod.

AMBAGAN: Salita mula sa iba’t ibang SAWIKAAN: Salita mula sa nauusong salita
rehiyunal na wika sa kasalukuyang panahon (salitang likha ng
social media o tiyak na grupo ng tao)

Hakbang: Hakbang:

1. Pumili ng salitang nais ibahagi mula 1. Pumili ng salitang nais ibahagi mula
sa kinabibilangang sa nauuso at sumisibol na salita ng
etnolingguwistikong pangkat. kasalukuyang panahon.
2. Magsaliksik sa kaligiran ng salita. 2. Magsaliksik sa kaligiran ng salita.
3. Bigyang-katuwiran kung bakit dapat 3. Bigyang-katuwiran ang kahalagahan
itong iambag at malaman ng iba. ng kasalukuyang salita sa usaping
panlipunan.

Halimbawa: Halimbawa:

Ambag ng Tagalog-Bongabong Mindoro Etimolohiya o Kung Paano Nag-uugat ang


ni Voltaire M. Villanueva sa AMBAGAN Salita sa Panahong Wireless ni Adrian V.
2013 Remodo sa SAWIKAAN 2007

• Sul∙yog png: Pinagsamang salitang Miskol


“suli” salitang Mangyan na
nangangahulugang “saging” at Hango sa mga salitang Ingles ang “missed
salitang Tagalog na niyog. Ito’y call” ang “miskol” na halos magkapareho ang
makulay at masayang pagdiriwang bigkas…
at pasasalamat kay San Jose, • Png. 1. Sadyang pagdayal ng numero
patron ng Bongabong sa masagang ng cellphone ng ibang tao na hindi
ani ng saging at niyog na dapat sinasagot.( Bigyan mo ako ng
pangunahing produkto ng bayan. isang miskol; natanggap mo ba ang
Ipinagdiriwang ito kasabay ng pista miskol ko kagabi?) 2. Pagpaparamdam
ng bayan tuwing ika-19 ng Marso. sa ibang tao sa pamamagitan ng
Mahalagang makita sa salita ang pagdayal ng kanilang numero ng
ugnayang wika, tradisyon, at kultura cellphone. (Kahit miskol man lang, OK
na salamin ng isang pook na ako). Pandiwa. 1. Patunugin ang
pangkalinangan. cellphone na kunwari ay tumatawag. 2.
Sadyang idayal ang numero o/at

23 | P a h i n a
sadyang di sagutin ang tawag.
(magmiskol; imiskol; miniskol)

Sariling AMBAGAN Sariling SAWIKAAN

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________

_________________________________________ _________________________________________

_________________________________________ _________________________________________

_________________________________________ _________________________________________

_________________________________________ _________________________________________

_________________________________________ _________________________________________

Gawing pamantayan ang sumusunod:

▪ kaisipan at nilalaman---------------------------5 puntos


▪ estilo ng pagsulat--------------------------------4 puntos
▪ gramatika------------------------------------------3 puntos
▪ sinop at linis ng gawa---------------------------2 puntos
▪ takdang oras--------------------------------------1 puntos
KABUUANG PUNTOS-------------------------15 puntos

24 | P a h i n a
ARALIN 3

gg BATAYANG KAALAMAN sa FILIPINOLOHIYA:


Ugnayang Kahulugan, Katangian, at Kahalagahan

▪ FILIPINOLOHIYA
▪ Ito ang sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan.
Binibigyang-pansin ang pag-aaral na nakadikit sa karanasan ng mga
Pilipino bilang konteksto ng pag-aaral.
▪ UGNAYANG FILIPINO at LOHIYA
▪ Bilang pag-aaral sa sangkaPilipinohan, binibigyang-espasyo bilang
asignatura, kurso, at disiplina ang pagpapatingkad ng karanasang Pilipino
upang itanghal ang kamalayan, kaakuhan, kalinangan, at kasaysayan ng
lipunang Pilipino.
▪ GAMPANIN ng GURO sa FILIPINOLOHIYA
▪ Malaki ang gampanin ng guro sa paggamit ng Filipinolohiya bilang esensyal
na sangkap sa prosesong pedagohikal. Isang kahingian na maisagawa ito
ang pagpapalawak ng kaalaman sa siyentipikong pag-aaral ng
Filipinolohiya upang magamit at tuwirang maging susi at sandata ang
kaisipang nakapaloob sa larang o disiplinang ito. Samakatuwid, gurong
malapit at bukas-pusong mahalin ang bayan para sa pakinabang ng bayan
ang dapat isaisip at isapuso ng guro.

• Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Mga Batayang Kaalaman sa


Filipinolohiya. Layunin nitong:
o Matukoy ang iba’t ibang sangkap ng Filipinolohiya
o Masuri ang mga pahiwatig kaugnay ng paglinang ng Filipinolohiya bilang
sandigan sa pag-uugat ng ugnayang kaisipan, kalinangan, at lipunan.

25 | P a h i n a
o Makabuo ng panimulang pagsusuri gamit ang lente ng Filipinolohiya sa iba’t
ibang gawaing pangklase sa iba’t ibang larang o asignatura.

KAISIPAN, LIPUNAN, at KULTURA

BINIGKIS na kay TIBAY ng FILIPINOLOHIYA

TAWAG-KAIBIGAN:Humanap ng kamag-aral na maituturing na kaibigan mula sa


kinabibilangang klase o pangkat. Pagsanibin ang kasagutan mula sa hanay ng mga
katanungan. Lagyan ng pananda upang maipakita ang sanib-puwersang kasagutan.

1. Anong isang salita na magtatahi sa kahulugan ng Filipinolohiya?


_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

2. Bakit mahalagang maging sandigan ang Filipinolohiya sa kasalukuyang


panahon?
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

3. Paano magagamit ang natutuhan sa Filipinolohiya bilang magiging guro ng


bukas?
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________.

26 | P a h i n a
Bawat kaisipan ay may batayang kaligiran na dapat malaman. Mula sa katagang
Filipinolohiya sa dalawang salita: F/Pilipino at Lohiya. Batay rito, nangangahulugan ang
Filipinolohiya bilang sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan, lipunan, at kultura. Ang
Filipinolohiya bilang kurso ay magandang tuntungan upang matanaw ang iba’t ibang naghihintay
na oportunidad bilang gurong makabayan na pag-asa ng sambayanan.

PILIPINOLOHIYA

Ni: Prospero Covar

Panimula

Ito ang kauna-unahang pagkakataon. Kaya’t makasaysayan, na tatalakayin ko ang


tungkol sa Pilipinolohiya. Ang bagong katagang Pilipinolohiya ay binubuo ng dalawang salita:
una Pilipino; at ang pangalawa ay lohiya na isina- F/ Pilipino at? O kabilang ng lahing F/Pilipino:
o dili kaya’y yaong katawagan sa ating wikang pambansa bago pinalitan ito ng wikang Filipino,
ayon sa ating saligang batas o konstitusyon ng 1986/87. Samakatuwid, ang Pilipinolohiya ay
sistematikong pag-aaral ng (1) Pilipinong kaisipan (psyche), (2) Pilipinong kultura at Pilipinong
lipunan. Ang wika at iba’t ibang larangan ng sining: musika, pagguhit, eskultura, sayaw,
arkitektura, drama, panitikan, pelikula, pilosopiya, at pati na pinag-aaralan upang palitawin ang
pagka F/Pilipino ng bawat larangan. Ang lahat ng larangang nabanggit ay hinabi ng mga
F/Pilipino.

Kaisipan, Kultura at Lipunang F/Pilipino

Ang F/Pilipinong kaisipan, F/Pilipinong kultura at Pilipinong lipunan ay bunga ng karanasang F/


Pilipino. Ang salitang F/Pilipino ay tampok na pang-uri sa larangang kaisipan, kultura at lipunan.
Mahalaga ang salitang F/Pilipino bilang pang-uri sa ating pagsasabansa at pagiging isang lahi.

Ang tao, bilang Homo Sapiens, ay may kaisipan, kultura at lipunan. Ang kaisipan , kultura
at lipunan ay siyang ugat na basehan ng homonisasyon o pagkatao. Subalit iba’t iba ang uri ng
pagkatao. Isa na rito ang pagka-F/Pilipino. Ayon sa ating katutubong salawikain o talinghaga,
“madali ang maging tao; ngunit mahirap magpakatao,” sa konteksto ng Pilipinolohiya, ang
katutubong salawikain ay maaaring tahasang sabihin na,”madali ang maging tao; ngunit mahirap
magpaka-F/Pilipino.”

Gaya ng aking nabanggit, ang pagka-F/Pilipino ay bunga ng F/Pilipinong karanasan. Ito


ay nangangahulugan na ang ating kaisipan, kultura at lipunan ay binubuo natin ng mga sangkap
na katutubo sa atin bilang F/Pilipino. Ang mga sangkap na ito ay maaaring likas din sa ibang
kaisipan, kultura at lipunan ng tao.(ugat na basehan ng homonisasyon) subalit ang F/Pilipino
bilang pang-uri ng iba’t ibang sangkap ay may sariling estetika at kaayusan. Ang kaayusang
F/Pilipino ng ating kaisipan, kultura, at lipunan ay pananda ng ating pagkabansa at lahi.

Ilang Halimbawa

Upang maliwanagan natin itong aking pinangangalandakan, babanggit ako ng isang


halimbawa ukol sa bawat larangan.

27 | P a h i n a
Larangang Kaisipan

Ang F/Pilipino ay naghahambing na ang tao ay isang banga. Ito ay may labas, loob, at
ilalim. Ang F/Pilipino ay naniniwala na ang tao ay binubuo ng katawang lupa at kaluluwa. Ang
paniniwalang ito ay likas na, bago pa man dumating ang Kristyanismo sa F/Pilipinas.

Kapag namatay ang tao, ang katawang lupa ay nagiging alabok; ang kaluluwa naman ay
yumayao at pumapanaw. Ang pananda sa puntod ay may daglat na S.L.N. na ang ibig sabihin
ay “Sumalanggit Nawa.” Ang nawa sa Malayo-Polynesia ay anito o espiritu. Ang kaluluwa ay
batis ng buhay. Sa F/Pilipino, ang pagkamatay ay paghihiwalay ng kaluluwa sa katawan; sa
Amerikano, ang “brain dead” ay tanda ng pagkamatay. Sa Tagalog, ang ginhawa ay “comfort;”
sa Cebuano, ito ay hininga ay taong may buhay at ginhawa . Sa F/Pilipino, habang ang tao ay
may buhay pa. Dahilan sa paniniwalang ito, ang “cadaver donation” ay hindi kaagad-agad na
tinanggap ng maraming F/Pilipino.

Larangan ng Kultura, e.g., Wika

Gaya ng alam ninyo, ang wika ay binubuo ng mga tunog. Ang “voice box” ay maaaring
makapagpatunog ng may 600 klase ng tunog subalit ang isang lahi ay pumipili lamang ng 15
hanggang 45 na patinig, katinig at suprasegmental upang buuin ang isang wika. Ang imbentaryo
ng mga tunog ng isang wika ay ayon sa tambalan ng mga tunog. Halimbawa, kung mayroon /p/
sa wika, malamang na mayroong /t/, malamang mayroong di /d/ at kung mayroong /k/. malamang
mayroong ding /g/. may iba’t iba ring kalidad ang bawat tunog banyaga ito sa iba’t ibang wika.
Dahilan dito sa pagbigkas ni Senador Pimentel sa F/ Pimentel s F/ Pilipino ay iba sa kalidad ng
aking pagbigkas. Ito’y nagpapatunay na hindi pa estandardisado ang F/Pilipino bilang wika.

Larangan ng Lipunan, e.g., Sambahayan

Ang karaniwang konsepto sa Istruktura ng F/Pilipinong sambahayan ay “extended


Family.” (Tingnan sa Figura 1.0)

= =

1 2 3 4

= = =

5 6 7 8 9 10

28 | P a h i n a
11 1

Figura 1.0

Sa “Extended Family,” ang ½ at ¾ ay magbalae o abalayan. Ang 8 ay manugang ng 1 at


2; gayundin naman, ang 10 at 8 ay manugang ng 3 at 4. ang ½ at biyenan 8 at ¾ ay biyenan ng
10 at 8 ay maghipag. Ang 5 at 8 ay magbilas. Gayundin naman ang 10 at 7 ay magbilas; at ang
7 at 9 ay magbayaw.

Sa American kinship system, ang biyenan, manugang, bayaw, hipag at bilas –lahat ng
ito’y in-laws. Sa ating kinship system, partikular ang katawagan sa iba’t ibang kategorya ng
relasyon ng pagkakamag-anakan.

Walang lipunang makapag-aangkin ng “unibersalismo” ng kinship system. May F/Pilipino


katangian ang istruktura ng ating sambahayan. Ang tatlong piling halimbawa ay nagpapakilala
lamang na may sariling katangian ang F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan. Ang F/Pilipinong
katangian ay mauuri natin sa iba’t ibang larangan ng sining at galaw ng ating pagkabansa at
pagkalahi.

Ang Pilipinolohiya at Akademikong Disiplina

Ang mga akademikong disiplina ay nagsimula sa ating bansa nang dumating ang mga
Kastila sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga paaralang Kastila. Ang paaralang kanluranin ay
yumabong sa panahon ng mga Amerikano. Masasabi nating hanggang sa kasalukuyan na ang
ating sistemang pang-edukasyon ay hindi lamang kanluranin kundi kolonyal.

Pinapaasa tayo ng kanluraning edukasyon na ito’y magpapalaya sa ating kaisipan at


pangkabuhayang pamumuhay subalit ang kabaligtaran ang nangyari –naging alipin ng
kanluraning pag-iisip at ekonomiya. Ang ating kaisipan, kultura, at lipunan ay mistulang
kanluranin samantalang tayo’y taga-silangan. Ang ating kategoryang ginagamit sa pag-unawa
ng ating kapaligiran ay may hiram at alay ng mga akademikong disiplina. Nasilaw at nabighani
tayo ng pananaw ng “unibersalismo.” Hinamak at inalipusta ang ating katutubong pananaw
bilang “ethic,” “parochial” at ‘provincial.’ Sinong hindi matitigatig sa ganitong insulto?

Noong una , lubos ang aking paniniwala na ang akademikong disiplina ay nagdudulot ng
linaw sa ating kultura. Subalit sa aking pagmumuni-muni, natanto ko na inaakit tayo ng
akademikong disiplinang ating kinabibilangan na nag-ambag ng teorya metodo at laman ng mga
disiplina at hindi upang ilantad ang F/Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan. Ang kaisipan,
kultura, at lipunan sa konteksto ng mga disiplina ay panggatong lamang sa kapakanan at
pagpapayabong ng disiplina ngunit hinid ang pagpapayabong ng F/Pilipinong kaisipan, kultura,
at lipunan.

Sa Pilipinolohiya, ang mga akademikong disiplina ay siyang kasangkapan upang


mapalaya ang F/Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan at hindi ang kabaligtaran nito.

Teorya at Pilipinolohiya

29 | P a h i n a
Ang teorya sa Pilipinolohiya ay sistematikong balangkas upang magbigay- liwanag sa
pag-unawa ng F/Pilipinong kaisipan, kultura at lipunan. Tahasang psychoanalysis ni Freud ay
hindi tumpak upang magbigay liwanag sa F/Pilipinong kaisipan, at pag-uugali. Ang Indo-
European-based theory in linguistics ay hindi dapat gamitin sa pag-aanalisa ng mga wikang
Malayo-Polynesian, at kabilang na rito ang F/Pilipino. Kaya nga’t ang katawagan sa “ey,bi,si” sa
ating alpabeto ay hindi bagay para sa ating wika na may tunog na “a, ba, ka, da” atbp. Ang uri
ng ating lipunan ayon sa ating karanasan ay pananaw.

Metodo sa Pilipinolohiya

May paalaala sa siyentipikong lapit na ang metodo ay dapat angkop at akma sa datos.
Samakatuwid, ang datos ay siyang nagdidikta ng metodo, hindi ang metodo ang naghahanap
ng datos; hindi ang datos ang kasangkapan ng metodo. Dapat tayo’y maging malikhain sa pag-
imbento ng metodo sa Pilipinolohiya gaya ng eskala ng pananaliksik nina Enriquez at Santiago
at yaong aking binubuong tambalang lapit.

Laman ng Pilipinolohiya

Tatlong malalaking antas ng karunungan ang nilalaman ng Pilipinolohiya; i.e, kaisipan,


kultura at lipunan (tingnan ang figura 2.0). ay isang bagay na pang-uri sa tatlong ito –ang lahat
ng ito ay bunga ng F/Pilipinong pag-iisip at karanasan ay may katangiang kaayusan na dapat
lumitaw sa Filipinong pag-aaral.

Tambalan ng Etniko at F/Pilipinong Pag-iisip at Karanasan

Samakalawa, Martes, ika-7 ng Nobyembre 1989, muli kaming nagkita ni Profesor Niels
Mulder ng Pamantasan ng Bielefeld, Germany, sa Faculy Center. Nag-usap sa katayuan ng
kaisipan, kultura at lipunan. Si Prop. Mulder ay nababahala sa kawalan ng ‘national discourse”

30 | P a h i n a
at “national consciousness” ng mga F/Pilipino. Sa madaling sabi, anya, ang F/Pilipino ay walang
“great traditions” subalit may “shared culture.”

Ipinaliwanag ko sa kanya na ang modelo ng “Great Traditions at Little Traditions” ay


hango sa mga lipunang may “Great Civilization.” Ito’y may “culture center” na pinagmumulan ng
mataas na kultura at “culture area” kung saan ang mataas na kultura ay kumalat. Sa ganitong
pangyayari ang kalidad ng kultura sa sentro ay mas mataas na kaysa baybayin (periphery). Sa
F/Pilipinas ay walang masasabing sentro ng kultura sapagkat ang sentrong kultura ay
nagbubuhat sa pamayanang kultura na siyang batis ng pambansang kultura.

Ang pambansang kultura ay binubuo sa kasalukuyang iba’t ibang daloy at batis mula sa
iba’t ibang pamayanan, kasama na rin dito ang mga elementong kultural na buhat sa banyagang
pamayanan.

Kaya nga’t hindi angkop na gamitin ang modelong “Great and Little Traditions” sa pag-
unawa ng F/Pilipinong kultura sapagkat ito’y wala sa karanasang F/Pilipino. Ang ating karanasan
ay pagbuo ng F/Pilipinong kultura buhat sa iba’t ibang daloy at batis na mayroong katangiang
kaayusan. Ang kabuuan nito ay tatawagin nating “pambansang kultura ng F/Pilipino”-hindi suma
o total ng lahat ng daloy o batis, kundi yaong hawig at anyo ng pinagyamang kaisipan, kultura,
at lipunan –samakatuwid, sibilisasyon o kabihasnan.

Katayuan ng PAmbansang Kabihasnan

Si Dr. Zeus Salazar,


nang nakaraang taon ay
nagbigay ng professorial
chair lecture tungkol sa
tinatawag niyang “pantayong
pananaw sa kasaysayan.”
Binigyan niya ako ng
pagakakataong
magkomentaryo sa kanyang
papel. Binanggit ko na hindi
ayon sa kategorya ng
panghalip-panao ang diwa
ng pantayong pananaw
dahilan sa mga sumusunod
(tingnan ang Figura 3.0)

Kung ako ay F/Pilipino at ikaw ay Hapon, ako at ikaw ay tayo.


Kung ikaw ay Hapon at siya ay Intsik, ikaw at siya ay kayo.

Ako at siya, excluding ikaw, ay kami.

31 | P a h i n a
Subalit ako, ikaw at siya –ang lahat ay tayo.

Sa isahan at maramihan, ang kaayusan ay hindi magbabago.

Lumabas na ang pantayong pananaw ay lokal na unibersalismong pananaw. Sa


kontekstong ito, ang pantayong pananaw ay pananaw F/Pilipino, i.e., uniberso ng pambansang
F/Pilipino. Ang buod ng kay Dr. Zeus Salazar na “pantayong pananaw” ay ito –sibilisasyong
F/Pilipino ay bunga ng karanasang F/Pilipino –sa damdamin, pag-iisip, kilos at gawa, na walang
pakialam sa kung ano ang sasabihin ng dayuhan at banyaga; hindi “self-conscious,” kasi matibay
ang posisyon at paninindigan.

Ang dating Philippine Studies ay walang pantayong pananaw. Ito’y nakatuon sa pananaw
ng mga banyaga o sa pananaw ng mga naturingang F/Pilipino na nanaliksik ayon din sa
pananaw rin ng mga banyaga upang sila’y may mapag-usapan at may pagkaabalahan. Ito ay
punto de bista ng Philippine Studies Association –isang asosasyon ng mga so-called Philippine
specialist mula sa Estados Unidos, Japan, Australia pati rin sa Pilipinas at atbp.

Ang Pilipinolohiya na may katutubong kinamulatan at kamalayan ay nakaugat sa


pananaw ng mga F/Pilipino upang makabuo ng pambansang kabihasnan at hindi lamang upang
pag-aralan ang mga nangyayari sa Filipino at sa bansa. Ang dalubhasa sa Pilipinolohiya, i.e.,
Pilipinolohista (Philippinist) ay may pananagutan sa bansang F/Pilipino na hindi masasakyan ng
mga banyaga. Nag-aatubili ako sa pagtanggap na may banyagang mas F/Pilipino pa kaysa sa
katutubong F/Pilipino. Ang maka-F/Pilipino o makabayan ay nagtatangkang maging F/Pilipino o
umibig sa bayan. Sa tunay na F/Pilipino, ito’y bahagi na ng kanyang paninindigan, ibig sabihin
ay nasa dugo at laman.

Kilusan sa Pagbuo ng Pambansang Kabihasnan

May namumuong kilusan, (kahiman watak-watak) sa pagbuo ng pambansang


kabihasnang F/Pilipino kahit na nga “low priority” ang pagpapaunlad ng kultura sa bansa. Una
sa mga ito ay ang paggamit ng F/Pilipino bilang panturong wika at wikang pangkomunikasyon.

Ang Sikolohiyang Pilipino ay nangunguna sa Agham Panlipunan sa pagtahak ng


landasing F/Pilipino.

Sa pagguhit o painting, Shell Art Competition ay muling inilunsad. Ang mga pintor ay
naghahanap ng F/Pilipinong Medium, theme at craftsmanship.

Sa panitikan at drama, ang paggamit ng F/Pilipino ay sumigla, hindi lamang sa


adaptation,translation, pati na orihinal.

Sa relihiyon, Pilipinisasyon ng Teolohiya ang nagiging uso sa mga religious. Ang spirit
possession ngayon ay langkap, sanib at sapi na pati ang medalyang anting-anting ay kanasihan
din ng F/Pilipinong semiotika.

32 | P a h i n a
Sa pagkain, pananamit, mga laro at pelikula, ang wikang F/Pilipino ay umigting na rin.Ang
diyaryong Pilipino ay nagkaroon na rin ng “national stature.” Ang lahat ng ito ay nagsasaad na
narito na ang Pilipinolohiya.

Kongklusyon

Sa aking palagay, ang pananaw na nakasanib sa Pilipinolohiya ay siyang magbibigay ng


ganap sa F/Pilipinong kabihasnan. Ito ang magpapalaya sa ating mga F/Pilipino. Harinawa na
ang Unibersidad ng Pilipinas ang maging pambansamg pamantasan sa Pilipinolohiya.

5K ng FILIPINOLOHIYA: Gamit ang iba’t ibang K, suriin at ipaliwanag ang Filipinolohiya upang
mapalutang ang kaisipan, kultura at lipunang Pilipino.

__________________________________________________
__________________________________________________
1. __________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________________

__________________________________________________
__________________________________________________
2. __________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________________

__________________________________________________
__________________________________________________
3. __________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________________

__________________________________________________
__________________________________________________
4. __________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
33 | P a h i n a _____________________
__________________________________________________
__________________________________________________
5. __________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
_____________________

BUOD sa TULONG ng GRAPIKONG PANTULONG: Bumuo ng sariling grapikong pantulong


upang ipakita kung paano naunawaan ang aralin. Tiyaking naglalaman ito ng komprehensibong
ugnayan ng mga kaisipan upang mapalutang ang mensaheng hatid ng Filipinolohiya.

34 | P a h i n a
SURI-SIPAT sa PILING ESTRATEHIYA: Suriin kung paano magagamit ang iba’t ibang
paraan ng pagtuturo upang ilapit ang teksto at konteksto ng Filipinolohiya sa larang ng
pagtuturo. Magbigay ng limang punto o kaisipan upang mapalutang ang ugnayang
karanasang Pilipino sa ugnayang kaisipan, kultura, at lipunan.

Piling Estratehiya sa #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat

Ni: Voltaire M. Villanueva

1. # Alpabeto ng Konsepto:
Titik na Inisa-isa, Kaisipang Binuo at Pinagsama-sama

Ang gawaing ito ay pagtatala, pag-iisa-isa at pagpapalutang ng isang kaisipan na


magtatampok sa kamalayan, kaisipan, kalinangan, kasaysayan, at iba pang ideolohiya
upang palutangin ang isang konsepto kaugnay ng tema ng isang yunit o aralin. Layunin
ng gawain na mailahad, mailarawan, maisalaysay, at mapangatwiranan ang anumang
konsepto mula sa lumabas na impormasyon sa alpabeto. Sa gawaing ito nagiging
lunsaran ang iba’t ibang titik ng alpabeto sa pagpapalutang ng kaisipang katulad ng
lokalisasyon at kontekstuwalisasyon. Pansinin ang ilang halimbawang gawain kaugnay
sa pagtatala ng kaisipan na may kinalaman sa alpabeto.

Ang ALPABETO NG PAGKAING PILIPINO ay isang minodipikang gawain buhat


sa pagbibigay ng mga katumbas na salita sa bawat titik ng alpabetong Filipino hinggil sa
partikular na paksang may kinalaman sa pagkain. Lilinangin nito ang kakayahan ng mga
mag- aaral sa kakayahang mag- isip at magbahagi ng sariling ideya ukolsa dati at
nasaliksik na impormasyon. Dahil ito ay kadalasang isinasagawang pangkatan, nililinang
din nito ang kakayahang makisangkot ng isang mag- aaral sa isang grupo. Tiyaking
maging malinaw para sa mga mag- aaral ang pagsasagawa nito sa pamamagitan ng
pagbibigay ng katumbas na mga pagkaing Pilipinong nagsisimula batay sa iba’t ibang
titik ng alpabetong Filipino. Isang hamon para sa mga mag- aaral na mapunan ang buong
titik ng alpabeto.

Ang ALPABETO NG MGA LUGAR NA NAPUNTAHAN KO ay isang gawaing


lilinang sa pagiging mapag- isip at matandain ng mga mag- aaral. Sa pamamagitan ng
mga titik na bumubuo sa alpabetong Filipino. Lalagyan nila ito ng mga lugar na kanilang
napuntahan o nais mapuntahan na nagsisimula sa nasabing titik. Kahit isa lamang lugar
sa bawat titik. Tuon ng gawaing ito na mapalutang ang pagiging malikhain at masining
ng mga mag- aaral tungo sa pagkakaroon ng isang organisadong alpabeto mula sa
kasanayan sa pagbabalik-sulyap at pag-aabot-tanaw sa iba’t ibang lugar.

35 | P a h i n a
Pansinin ang halimbawa:

Alpabeto ng Pagkakakilanlang Misamisnon ( Misamis Occidental)


A- Ambak-ambak Falls
B- Bulawis Resort
K- Kapayas Island
D- Dalingap River
E- Elim sa Mialen
G- Giban Falls
H- Hoyohoy
I- Inog-og Festival
L- Lantawan Spring Falls
M- Mansawan Falls, Mt. Malindang
N- Napo River
O- Okis
P- PanBis (tinapay)
R- RMV Cuisin
S- Suman House ng Clarin
T - Tudela: Tahanan ng mga Balbal
U- Usugan River
W- Wetland Park
Y- Yunting Bansuhan

Limang Punto o Kaisipan:

1. ______________________________________________________________.
2. ______________________________________________________________.
3. ______________________________________________________________.
4. ______________________________________________________________.
5. ______________________________________________________________.

Buod ng Pagsusuri:

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

36 | P a h i n a
2. # Pinaka…:
Kalipunan ng Sampung Nangungunang Kaalaman, Salamin ng Mayamang
Pagkakakilanlan

Isang gawaing pampagkatuto na maaaring maging proyekto upang palakasin ang


pagkakakilanlang Pilipino. Sa kahingiang ito, masistemang palulutangin ang sampung
pagkakakilanlang Pilipino mula sa pagkain, tao, laro, paniniwala, lugar, kaisipan, at iba
pang kakatawan sa kaakuhan, kamalayan, kasaysayan, at kalinangang Pilipino. Ang
pangkatang gawaing ito ay nagtatampok sa pagpapalakas ng kahusayan sa
pananaliksik, pagsulat, at pagbuo ng produkto ng pagkatuto na ang pangunahing
hangarin ay maglahad, magmulat, at magbahagi ng mga impormasyong tunay na kapaki-
pakinabang tungo sa pagpapalakas at pagtataguyod ng diwang makabayan.

Limang Punto o Kaisipan:

6. ______________________________________________________________.
7. ______________________________________________________________.
8. ______________________________________________________________.
9. ______________________________________________________________.
10. ______________________________________________________________.

Buod ng Pagsusuri:

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. # Talaangkanan: Ugat ng Pinagmulan, Mababatid at Masusundan

Isang estratehiya upang mapalalim at mapalawak ang kaalaman sa pagtukoy sa


lahi, angkan, o pamilyang pinagmulan. Isang mabisa itong estratehiya upang ugatin at

37 | P a h i n a
alamin ang pinagmulan ng bawat mag-aaral. Makatutulong din ang estratehiyang ito
upang saliksikin ang pinagmulang ninuno o lahi ng isang tiyak na taong pinag-aaralan na
may kinalaman sa kasaysayan, pulitika, o iba-ibang larangan o disiplina. Sa tulong ng
estratehiyang ito, napagtitibay ang kasanayang magsaliksik, makipag-ugnayan, at
makabuo ng isang masining na produkto ng pagkatuto na nagbibigay-halaga pamilya o
angkang pinagmulan.

Limang Punto o Kaisipan:

11. ______________________________________________________________.
12. ______________________________________________________________.
13. ______________________________________________________________.
14. ______________________________________________________________.
15. ______________________________________________________________.

Buod ng Pagsusuri:

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

38 | P a h i n a
ARALIN 4

gg IDENTIDAD ng LIPUNANG PILIPINO :


Kaibig-ibig at Di Kaibig-ibig na Pahiwatig

▪ IDENTIDAD
▪ Ang identidad, kaakuhan, at pagkakakilanlan ay salamin ng isang bansa.
Maaaring ang representasyon ng isang bansa ay mahati sa dalawa: pangit
at maganda. Sa paglikha ng pagkakakilanlan, nawa’y mas mangibabaw
ang pagsusulong ng magagandang katangian.
▪ PAHIWATIG Bilang KOMUNIKASYON
▪ Isa ang larang o paraan ng komunikasyon upang mabatid ang
pagkakakilanlang Pilipino. Sa paraan ng ating pagsasalita at iba’t ibang
kilos, matatalunton ang nais sabihin o iparating ng Pilipino. Ang pahiwatig
bilang katutubong paraan ay dapat maunawaan upang maging mabisa ang
talastasan.
▪ PAARALAN, LUGAR ng MARAMING PAHIWATIG na DAPAT UNAWAIN
▪ Ang paaralan ay maituturing na pook o tulad ng isang lipunan. Sa lugar na
ito, nalilikha ang iba’t ibang ugnayan. Sa lugar na ito, makikita ang iba’t
ibang pahiwatig sa pakikipagtalastasan. Bilang lugar na kuhaan ng
kaalaman at karunungan, mahalagang masuri ang iba’t ibang kaparaanan
ng pagpapahayag ng naiisip at damdamin na maiuugnay sa galaw at
aspektong panlipunan.

• Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang mga PAHIWATIG Bilang


IDENTIDAD ng LIPUNANG PILIPINO. Layunin nitong:
o Matukoy ang pagkakakilanlan, kaakuhan, o IDENTIDAD ng lipunang
Pilipino.
o Masuri ang identidad ng lipunang Pilipino mula sa ugnayang komunikasyon
at kultura.

39 | P a h i n a
o Makalikha ng “Posisyong Papel” o “Bahagi ng Katwiran” mula sa iba’t ibang
sitwasyon o pahiwatig.

KAALAMAN sa mga PAHIWATIG,

MAKIKILATIS ang TINIG, TINDIG, at PANIG

TANONG MO, SAGOT KO at SAGOT ng SAMBAYANAN: Pansinin ang mga katanungan sa


grapikong pantulong. Humanap ng mga kamag-aral at banggitin o isulat ang kani-kanilang
pangalan bilang katuwang sa pagbuo ng kasagutan.

Anong batayan sa Bakit dapat matukoy 3.PAGTUTURO Paano dapat iugnay sa


1. IDENTIDAD

2. PALATANDAAN ng
PAGKAKAKILANLAN

pagtukoy ng identidad ang mga tiyak na pagtuturo ang


ng pagiging Pilipino?? palatandaan ng ating pagpapalalim sa
pagkakakilanlan? katangian at hamon ng
ating identidad?

Bilang SAGOT KO SAGOT NAMIN

1.

_____________________________ _________________________________

_____________________________ _________________________________

_____________________________ _________________________________

2.

_____________________________ _________________________________

_____________________________ _________________________________

40 | P a h i n a
_____________________________ _________________________________

3.

_____________________________ _________________________________

_____________________________ _________________________________

_____________________________ _________________________________

Iba-iba ang paraan upang matukoy ang pagkakakilanlan, kaakuhan o identidad ng isang
bansa. Makikita ang pagkilala sa bawat lahi at lipi sa pamamagitan ng iba’t ibang sagisag o
batayan. Isa ang pakikipagtalastasan sa tiyak na batayan upang matukoy ang kaisipan, lipunan,
at kultura ng karanasang Pilipino. Sa araling ito, palalalimin ang mga simpleng pang-araw-araw
na danas na pagmumulan ng iba’t ibang pahiwatig na repleksyon o salamin ng ating pagiging
Pilipino.

KABIG-HIWATIG: Mga Pahiwatig sa Berbal, Di-Berbal, at Pasulat na


Komunikasyon
REAKSIYONG PAPEL sa ARTIKULO ni Melba Padilla Maggay na PAHIWATIG:
Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino
Ni: Jazz Lendle Dy

Ang kultura ng komunikasyon ay umiinog sa paghihiwatigan (Maggay, 2002) ngunit ang


mga pahiwatig, kung minsan ay itinatakda ng distansiyang pangkultura at panlipunan; ang ligoy,
biro, at lambing sa daloy ang pananalita ay kadalasang naisasagawa sa kadahilanang
‘tagalabas’ o ‘dayuhan’ ang iyong kinakausap. Samakatuwid, sa berbal, di-berbal, maging sa
pasulat na anyo ng komunikasyon, hindi nawawala ang mga Pahiwatig. Sa komunikasyong
Filipino, may kakanyahan tayo sa pagpapahiwatig sa mga bagay-bagay tulad ng pasaring,
parinig, pahaging, paramdam, papansin, at iba pa. Mga salita ito ng pagpapaabot ng mensahe
sa iba’t ibang paraan at pagpapakahulugan.

Pagpapahiwatig (Png.)

• Ang pinakabuod ng kulturang


pangkomunikasyon ng mga Pilipino; Isang
katutubong pamamaraan ng
pagpapahayag na di-tuwirang ipinaabot
ngunit nababatid at nahihiwatigan sa
pamamagitan ng matalas na pakiramdam
at matunog na pagbabasa ng mga
himaton (Maggay, 2002).

41 | P a h i n a
PahiWHATig: Sagot sa mga ‘Ano?’ sa Usapin ng Pagpapahiwatig sa Iba’t ibang Anyo ng
Komunikasyon
Sa katutubong komunikasyon o Komunikasyong Filipino, hindi nawawala ang Pahiwatig.
Palaging may pahiwatig sa talastasan berbal man, di-berbal, pasulat man. Ano-ano ba ang mga
mga anyo ng komunikasyong ito? Basahin at unawain ang talahanayan:

ANYO NG KOMUNIKASYON

BERBAL HINDI BERBAL PASULAT

Tinatawag ding pasalitang Sakop nito ang mga Makikita ang anyo ng
pakikipagtalastasan na bagay na ginagawa ng komunikasyong ito sa
karaniwang isinasagawa nagpapaabot ng pakikipag-usap sa gamit
nang harapan, sa mensahe na hindi ang liham, sulatroniko
telepono, o gamit ang binibigkas. Halimbawa, (email), chat, text o Short
makabagong teknolohiya pagkumpas ng kamay, Messaging System
gaya ng Google Meet, pagtaas ng kilay, (SMS), maging ang
Zoom, FB video call, pamumulsa, pagtango, pakikipag-ugnayan gamit
Skype, at iba pa. pagtitig, at pagligoy ng ang Facebook, Twitter,
pananalita, pagbibiro, Instagram at ang mga
pananamit, pagtuturo ng blog, aklat, modyul, at iba
gamit ang guro, bisa ng pa ay maituturing na
mata sa komunikasyon, gumagamit ng pasulat na
at iba pa. komunikasyon.

TANDAAN

Hindi na mababawi ang Bukas sa maraming Sa panahon ng


mga salitang binibitawan kahulugan ang bawat Pandemya, pasulat na
natin sa berbal na kilos, minsan, ang nais komunikasyon ang ating
komunikasyon, kaya’t nating ipahayag ay hindi sandata upang
mahalagang maging agad nauunawaan ng magpatuloy ang pag-
maingat sa pagsasalita sa ating gustong aaral kahit na may
iba’t ibang konteksto ng pagpahayagan ng ating limitasyon sa koneksiyon.
taong kinakausap. kilos. Mahalagang ikaw Sa anyo ng
ay maging komunikasyong ito,
mapagmatyag at mahalaga ang
sensitibo sa mga pagsubaybay sa
palatandaan ng hindi kasinupan ng mga
berbal na komunikasyon baybay, bantas, at iba
upang higit na pang aspektong
magkaroon ng maayos panggramatika upang
na ugnayan sa mga malinaw na maiparating
taong iyong nakakausap.

42 | P a h i n a
ang impormasyon sa
kausap.

Matapos mabatid ang pagkakaiba ng sumusunod na anyo ng komunikasyon, marapat


alamin ang ilang mga pahiwatig na dapat tandaan upang magamit sa pagpapadala at
pagtanggap ng impormasyon sa pakikipagtalastasan sa iba’t ibang konteksto. Magagamit ang
mga pahiwatig na ito sa pagmamatyag sa mga kilos sa pang-araw-araw na buhay. Dahil ang
wika ay sangkap sa komunikasyon, makikita rin ang iba’t ibang pahiwatig na nagbibigay-
kahulugan sa iba pang paraan ng pakikipagtalastasan tulad ng birtuwal at ekstra-berbal na
paraan. Bilang kasangkot sa prosesong talastasan, mahalagang malay ang bawat isa bilang
tagatanggap at tagapagpadala ng diwa ng mensahe sa bisa at halaga ng pahiwatig. Ang bawat
pahiwatig ay may malalim na pinag-uugatan na maiuugnay sa kabatiran at kaligirang kultural.

ANYO NG Paliwanag
PAHIWATIG
KOMUNIKASYON
Berbal • Pagbubunyag ng Ang mga nakatala ay
Impormasyon na ang mga ‘salita’ o mga
Kinikimkim ‘paraan ng
- ipagtapat komunikasyon’ ayon sa
- ihinga
iba’t ibang layon ng
- ilabas
- ilahad pagpapahayag.
- isiwalat Mapapansin, sa unang
- isambulat sulyap, halos
magkakatulad ang
• Paraan ng Komunikasyon kahulugan ng mga
sa tuwing may nasabing paraan/salita
Tagapamagitan ngunit nagkakaiba ang
- ipabatid
mga ito sa mga
- ipahayag
- ipasabi ipinahihiwatig na
- ipabilin kahulugan. Sa
- ipaabot katutubong
komunikasyong Filipino,
ang talastasang pasalita
• Pagsisiwalat ng
ay hindi kumikilala ng
Impormasyon na ukol sa
Pansariling Bagay-bagay konseptong ‘privacy’
- kuwento/tsismis dahil sa tinatawag ng
- chica-chica mga Pilipinong ‘palagay
- kumustahan na loob’. Ayon kay
- daldalan Maggay (2002),
- huntahan nakaaapekto ang
- dakdakan
konteksto o

43 | P a h i n a
pagkapalagay ng loob
ng isang Pilipino sa
kanyang kausap sa
pagiging tahas o
deretsa sa pagsasalita.
Maligoy o kimi ang mga
Pilipino sa pagsasalita
sa tuwing ang kausap
ay tagalabas/banyaga.

Di-Berbal • tapik Ang mga nakatala ay


• ligoy mga kilos, bagay, o
• biro pamamaraan na nasa
• tampo ilalim ng di-berbal na
• pananamit komunikasyon. Sa
• lapit/layo ng distansiya sa katutubong
kausap (proksimidad)
komunikasyong Pilipino,
• kilos/kumpas
• dabog ayon kay Maggay
• maktol (2020), habang
• lambing lumalawak ang
• pilantik ng kamay distansiyang panlipunan
• pagtataas ng kilay o agwat sa antas ng
• katahimikan pamumuhay na
• espasyo maaaring batay sa
yaman o
kapangyarihan, higit na
nagiging maligoy, kimi,
at tahimik ang mga
Pilipino. Kaya naman,
sa mga danas sa
panahon ng Pandemya,
maaari nating masuri
ang mga pangyayari sa
ating bansa batay sa
mga di-berbal na
komunikasyon kung
saan litaw na litaw ang
social distancing na
kung bibigyan ng
kahulugan sa talakay na
ito ay ang matagal ng
agwat sa pagitan ng
mayaman at mahirap
dahil sa bawat Agham

44 | P a h i n a
Panlipunan ay may
‘Agwat Panlipunan.’

Ang pagiging uhaw sa


ayuda ng masa at uring
manggagawa at ang
katahimikan ng mga
nasa altasosyedad ay
maituturing na
komunikasyong di-
berbal, na bukas sa mga
pagpapakahulugan at
pagsusuri ng isang
matalinong mag-aaral.

Pasulat • bantas Ang mga nakatala ay


• laki at liit ng titik ilan lamang sa mga
• tipid at tindi ng haba ng mapagpahiwatig na
mensahe gawi at pamamaraan ng
• kasinupan ng baybay at komunikasyon sa
gamit ng wika
pasulat na anyo ng
• iba’t ibang uri ng pagtawa sa
social media pakikipag-usap. Sa
simpleng pagtawa
lamang sa text o chat,
mababanaag na ang
iba’t ibang mga
pahiwatig na may iba’t
ibang
pagpapakahulugan. Iba
ang dating sa atin ng
tawag ‘Ha-ha-ha’ sa
‘He-he-he, ‘Hi-hi-hi, ‘Ho-
ho-ho’, at ‘Hu-hu-hu’.
Iba rin ang pakahulugan
natin sa ‘HA-HA-HA!’ at
iba rin ang pahiwatig na
mensahe ng ‘Hu-hu-hu-
ha-ha-ha’. Sa madaling
salita, maging sa
pasulat na
komunikasyon, makikita
natin ang iba’t ibang
hindi pagiging tiyak ng

45 | P a h i n a
ating mga natatanggap
na mensahe.

Ang PAHIWATIG ay isa lamang sa tiyak na pagmumulan ng mayamang pagpapakahulugan


sa pagkakakilanlan o identidad ng mga Pilipino. Pekulyar ang pamamaraan na bagama’t
nagbabago sa paglipas ng panahon, mababakas sa mga iba’t ibang pahiwatig mula sa iba’t
ibang modalidad ng pakikipagtalastasan ang ugnayang kaisipan, kultura, at lipunan.

SURI-UGNAY-HALIMBAWA: Magtala ng mga nais malaman na mga nahihiwatigang pahiwatig


sa paggamit ng social media o socmed, lalo na sa panahon ng pandemya. Mangyaring magtala
sa ibaba ng imbentaryo ng mga salita/pariralang ginagamit at natatanggap sa social media o
socmed at ibigay ang iba’t ibang kahulugan nito. Gawing sanggunian ang iyong karanasan!

Salitang/Kagatang Pahiwatig sa Pagpapakahulugan


Panahon ng Pandemya

46 | P a h i n a
PILI-SALITA, UGNAY-DIWA: Pumili at magtala ng mga salita batay sa hinihingi ng
talahanayan. Mula sa mapipiling mga salita mula sa aralin kaugnay ng pahiwatig, mahalagang
makabuo ng paglalagom na na binubuo ng tatlo-limang pangungusap mula sa diwa na nais
palutangin.

Bilang ng Itatalang Salita Diwa Paglalagom

_______________________
Salita: 3
katutubong paraan ng _______________________
komunikasyon
_______________ _______________________
_______________
_______________ _______________________

_______________________

mabuti at di-mabuting epekto _______________________


Salita: 4 ng pagiging maligoy ng mga
Pilipino _______________________

_______________

47 | P a h i n a
_______________ _______________________

_______________ _______________________

_______________________

_______________________
Salita: 3
_______________________

_______________ pahiwatig bilang salamin ng _______________________


_______________ identidad ng lahi at liping
_______________ Pilipino _______________________

_______________________

POSISYONG PAPEL ng KATUWIRAN: Gamit ang komiks, bumuo ng argumento at


katuwiran upang makapagpanukala ng posisyon o panig sa isang proposisyon.
Makatutulong na basahin ang aralin ukol sa pangangatwiran bago gawin ang paglalapat.

ARGUMENTASYON at PANGANGATWIRAN

Ang “arte” o sining ng panghimok o pag-iimpluwensya ng mga tao sa


pamamagitan ng isang makatwirang pakikipagtalastasan upang mapaniwala at
mapakilos natin sila ayon sa ating kagustuhan. Ginagamit ang argumentasyon sa
pagpapahayag ng katwiran sa pagpapahayag gamit man ang estilong pasalita o pasulat.

Ito ang proseso ng pag-iimpluwensya ng paniniwala at gawi ng isang taong


nakikinig at nagbabasa, sa pamamagitan ng isang binigkas o isinulat na talumpati, gamit
ang pangangatwiran o nakakaantig na damdamin. Kung kaya’t sa pagpapahayag ng
katwiran, isinasalaang-alang hindi lamang ang nilalaman kundi ang damdamin o saloobin
ng nagpapahayag ng katwiran.

Dalawang Paraan sa Argumentasyon

1. Ang apila sa katwiran - paninindigan o “conviction” na ang Iayunin ay makalikha


ng paniniwala. Ang mga pangungusap ng ispikero manunulat ay umaapila sa kapasidad
ng tao na mangatwiran.

2. Ang apila sa emosyon, may tinatawag ring panghimok o “persuasion” – ang


layunin ng paraang ito ay himukin ang isang taong kanyang nilalayong
maimpluwensyahan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang tumitimo sa puso at
sa damdamin.

48 | P a h i n a
Samakatuwid, ang pagpapahayag ng katwiran ay pagpapahayag ng argumento.
Kinakailangan makapagpahayag ng mga konseptong kapani-paniwala gamit ang tamang
salita at datos na hindi lamang nakatuon sa aspektong pangnilalaman kundi ay dapat
maisa-alang- alang din ang pandamdam ng mga makikinig at mambabasa.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

49 | P a h i n a
ARALIN 5

gg EDUKASYON sa BANSA:
Batayan ng Lumipas, Pahiwatig ng Bukas

▪ SISTEMA ng EDUKASYON sa BANSA


▪ Ang sistema ay tumutukoy sa mga polisiya at kalakaran na dapat,
sapat, at lapat. Kung edukasyon ang titingnan bilang sistema,
inaasahang magsusulong ito ng karapat-dapat na reporma tungo sa
pagtatamo ng pambansang kaunlaran. Samakatuwid, susi ang
edukasyon sa panlipunang mobilidad.
▪ MISEDUKASYON sa BANSA
▪ Kahit sinasabing sagot ang edukasyon sa panlipunang pag-unlad, hinahanap
sa konteksto sa Pilipinas ng ganitong konteksto. Kung kaya, may pala-
palagay na may mali sa sistema ng edukasyon sa bansa dahil sa katangian
nitong kolonyal at komersyal.
▪ EPEKTIBONG GURO sa BANTA ng NEOLIBERALISASYON
▪ Dahil papaunlad na bansa ang Pilipinas, kadalasang tumatanggap lamang
ang bansa sa nauusong kalakaran sa pagitan ng mga nangungunang bansa.
Sa larangan ng edukasyon malawakan ang makabagong anyo ng kalakaran
sa likod ng neoliberalisasyon. Mahirap mang maiwasan itong udyok ng
makapangyarihang puwersang panlipunan, nasa makapangyarihang guro sa
silid-aralan na itaguyod ang pagkakakilanlang lokal at nasyonal sa hamon ng
sistemang global.

▪ Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Edukasyon sa Pilipinas.


Layunin nitong:
o Maipaliwanag ang daloy ng kasaysayan ng edukasyon sa Pilipinas at
implikasyon nito sa larangang Filipino.

50 | P a h i n a
o Makapagmungkahi ng mga gawaing pampagkatututo upang palakasin ang
pagtatanghal ng lipunan, kaisipan, at kalinangan sa tulong ng makabayan at
siyentipikong edukasyon.
o Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng lipunan at panitikan sa
pamamagitan ng paglikha “Tinig ng Kabataang May Tindig” o voice recording
ukol sa adbokasiyang pang-edukasyon.

EDUKALIDAD ang PUHUNAN,

sa KAUNLARANG PANGMATAGALAN

TANONG-RUNONG: Kumuha ng tiyak na bahagi ng artikulo bilang kasagutan at lagyan ito


ng sariling paliwanag na binubuo ng dalawa-tatlong pangungusap.

1.
TANONG:

Anong nabago sa dating kaisipan ukol sa sistema ng edukasyon sa


bansa?

PAHAYAG MULA sa ARTIKULO:

_________________________________________________
_________________________________________________
__
SARILING PALIWANAG:

_____________________________________________
_____________________________________________
________________

51 | P a h i n a
2.
TANONG:

Bakit mal, mis, o may mali sa sistema ng edukasyon sa bansa?

PAHAYAG MULA sa ARTIKULO:

__________________________________________________
__________________________________________________

SARILING PALIWANAG:

______________________________________________
______________________________________________
______________

3.
TANONG:

Paano makatutulong ang guro ng bukas sa sistema ng edukasyon?

PAHAYAG MULA sa ARTIKULO:

___________________________________________________
_________________________________________________

SARILING PALIWANAG:

_______________________________________________
_______________________________________________
____________

KUNG BAKIT MISEDUKADO o MALEDUKADO ang mga PILIPINO:


Tugon sa Sanaysay na MISEDUCATION OF THE FILIPINO Ni: Renato Constantino
Ni: Voltaire M. Villanueva

Sa panahong humaharap sa komplikadong kalagayan ang bansa: kahirapan, kawalan ng


hustisya, kontrobersiyal na pamumuno at samu’t saring isyu ng lipunan; humuhugot ang marami
lalo ang mga nasa laylayan sa sistema ng edukasyon bilang susi sa pagpapalaya ng bayan.
Maraming nakapag-aral at nakapagtapos. Marami ang nagpatuloy pa sa mas mataas na antas ng
pag-aaral at nakakuha at nakalikha ng magagandang trabaho at tungkulin sa pribado at publikong
sektor. Sa kabila ng lahat ng ito, bakit patuloy pa rin nating nararanasan ang mailap na kaunlaran

52 | P a h i n a
na dapat ay naipagkaloob ng pag-aaral o edukasyon. Sa kabila ng maraming propesyonal sa
bansang papaunlad na tulad ng Pilipinas, laganap pa rin ang maituturing na misedukado o
maledukado.
Ang artikulong “Miseducation of the Filipino People” ni Renato Constantino ay naglalahad
ng tiyak na mga halimbawa kung paano tayo naging mangmang sa mga naging pangyayari sa
ilang bahagi ng ating kasaysayan at kung paano rin tayo tinuruan ng mismong kasaysayan gamit
ang edukasyon para tangkilikin at isulong ang kamangmangan. Hindi kataka-taka na ang mga
naging ideya at pagsusuri niya ukol sa naging pananakop ng mga Amerikano ay isang patunay
na hindi naging malinis ang motibo ng mga mananakop na puti sa ating Inang bayan. Sa
pagsusuri, malawakan ang ipinakitang Amerikanisasyon na isang tiyak na halimbawa ng maling
pagpapamalas ng makabuluhan, buo, at ganap na uri ng edukasyon. Hindi ito kataka-takang
mangyari sapagkat ang kurikulum hanggang sa mga kagamitang pampagtuturo ay bahid-
banyaga. Naging mabisang sandata ang “benevolent assimilation” para sa layunin at
panghabambuhay na pananakop at kurapsyon ng puso at isip ng sambayanang Pilipino.
Tagumpay ang Estados Unidos sa paggamit ng edukasyon. Bakas ang impluwensiya nito sa
galawan at kalakarang Pilipino mula sa iniisip, dinarama, iniinom, inaawit, sinasayaw,
pinapantasya, at halos lahat na.
Ipinakita ng artikulo ang pag-asa na nababanaag sa edukasyon para maging susi at daan
upang tayo ay umunlad. Ngunit, dahil sa mantra ng edukasyong banyaga, balintuna ang naging
epekto nito. Kagaya ng pananakop ng mga Kastila, pinagtilad-tilad pa rin ng edukasyong
Amerikano ang lipunang Pilipino na lalong lumikha ng agwat-agwat at kanya-kanyang kaisipan.
Isang pribelihiyo ang naging pag-aaral dahil sa katangian nitong komersiyal at elit. Mahusay ang
mga Amerikano tungo sa paghuhubog sa ating kaisipan dahil hanggang ngayon nakakiling sa
kanilang kapakinabangan ang ganansya dulot ng kanilang sinasabing edukasyon at demokrasya.
Wala na ang dahas at bahid ng pisikal na antas ng kolonyalisasyon, pero dahil sa uri ng
edukasyong kanilang ibinigay, anino nila sa mga Pilipino’y patuloy sa pagkaway. Sa ganitong
paglalarawan, maituturing na ang mga Amerikano ay tunay na nagtagumpay.
Dahil sa nakitang kamalian, nakikitang remedyo at kasagutan din ang edukasyon. Ang
edukasyon ng Pilipino ay dapat maging isang Pilipinong edukasyon. Dapat itong ibatay sa mga
pangangailangan, adhikain, o aspirasyon ng bansa. Ang layunin ng edukasyon ay hindi lamang
ang makalikha ng mga mamamayang marunong bumasa, sumulat, at magbilang. Marapat na ang
edukasyon ay buo at ganap. Humubog nga mga kabataan at mag-aaral na matatalino, may puso,
at tunay na nagmamahal sa sintang bayan.

Guro, Tagapagtaguyod ng Makabayang Pedagohiya

Nasa makapangyarihang guro ang pagtataguyod ng anomang pilosopiya sa loob at labas


ng silid-aralan. Bagama’t litaw ang neoliberalisasyon sa angkat na kurikulum sa kasalukuyang
panahon, mahalagang maging malay at mulat ang isang guro sa kahalagahang hatid ng
makabayang pedagohiya. Ang makapangyarihang pagpili sa nilalaman at pamamaraan bilang
sangkap sa ugnayang pedagohikal ang magiging lunsaran at simulain ng isang makabayang

53 | P a h i n a
pedagohiya na iniluwal ng isang makabayang guro. Upang itaguyod ang makabayang
pedagohiya, mahalagang maging kasangkapan ang 4K : Kamalayan, Kaakuhan, Kalinangan, at
Kasaysayan sa pagpaplano ng mga aralin gamit ang ugnayan ng nilalaman at pamamaraan.

Isang huwarang guro ang kailangan sa nagbabagong panahon tugon sa mapanghamong


globalisasyon. Kailangang ang guro ay mapagkakatiwalaang tagapamahala sa proseso ng
pagtuturo at pagkatuto na nakaugat sa makabayang pananaw. Ang isang makabayang guro ay
dapat marunong gumabay sa mag-aaral upang maging aktibo sa gawaing pampagkatuto tungo
sa kapakinabangang pansibiko at panlipunan. Sa ugnayan at kolaboratibong karanasang nalilikha
niya, naiiwasan ng mga mag-aaral na maghintay lamang sa mga isusubong kaalaman o
impormasyon. Taglay niya ang kaalaman sa aralin habang bukas sa iba pang bagong kaalaman
sa kaniyang larangan. Nagbabahagi siya ng kaalaman at karanasan na kalauna’y mapapasama
sa iniimpok na kasanayan at kahusayan upang mapakanibangan ng lipunan. Taglay ng
makabayang guro na nakabatay sa makabayang pedagohiya ang katangiang intelektuwal,
emosyonal, sosyal, ekonomiko, pisikal, at iba pa. Sa pamamagitan ng makabayang pedagohiya,
inaasahan siyang maglunsad at magtaguyod ng mga gawaing magbibigay sa mag-aaral ng
pagkakataong magtagisan ng talino at magpalitan ng mga ideya na nagmula sa kaakuhan,
kamalayan, kalinangan, at kasaysayan ng lipunang Pilipino.

Ang suliraning kinahaharap ng Filipino bilang isang larangan ay maiuugat sa kalagayang


pangkasaysayan hanggang sa masalimuot nitong kasalukuyang katayuan ang magpapalalim sa
diskurso kung bakit marapat patibayin ang makabayang kamalayan sa pamamagitan ng
komprehensibo at epektibong pagtuturo at pagkatuto ng Filipino.

“Dapat magpalakas ng ating pambansang kakayahan ang sistemang


pang-edukasyon sa bansa. Dapat itong pumanday ng mga estudyanteng
mapanuri at malikhaing mag-isip. Dapat itong magluwal ng henerasyon
ng mahuhusay at matatalinong mamamayan na magtatayo ng mga
industriya, mamumuno ng mga negosyo, at gagawa ng mga paraan
upang magdulot ng marangal na ikabubuhay sa sambayanan. Hindi nito
dapat na maging layunin lamang na magsanay ng mga domestic helper,
construction worker, caregiver, at operator sa mga call center.”

Malinaw ang inilalahad ng Kartilya ng Wikang Filipino bilang wika ng edukasyon. Malaki
ang implikasyon nito sa mga dalubhasaang ang ispesyalisasyon ay edukasyong pangguro tulad
ng sitwasyon ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Bilang nangungungang institusyong
pangguro, mahalagang manguna ang mga magiging guro sa hinaharap na maging katuwang sa
paghubog ng mga makabayang mamamayan. Sa pamamagitan ng pagsasangkap ng
kamalayang makabayan; magiging katuwang ang mga magiging guro sa hinaharap na balikatin
ang mithiing makalikha ng mga mag-aaral na may matatag na kaakuhan o identidad. Gamit ang
makabayang kamalayan mula sa nilalaman at pamamaraan na sangkap ng kurikulum; mababatid
at malalantad ang mga mag-aaral sa iba’t ibang inihahain ng globalisasyon. Isang gurong hindi
naaanod ng daluyong ng globalisasyon sapagkat taglay ang malakas at matibay na
pagkakakilanlan. Sa kabuuan, bagamat sumusunod sa angkat na kurikulum, ipamamalas ang
interbensiyon na posible at marapat isakatuparan ng guro sa pamamagitan ng

54 | P a h i n a
kontekstuwalisasyon ng nilalaman at pamamaraan ang pagtuturo upang lapatan ng makabayang
edukasyon. Mula rito, matatamo ang komprehensibo at epektibong pedagohiyang makabayan na
magiging daanan sa pintuan patungong kaunlaran.

Saan man makarating ang pakikihamok ng bawat isa upang buwagin ang matibay na pader
ng nagpapatuloy na mis-edukasyon sa bansa, hangga’t may guro at mag-aaral na sa pedagohikal
na ugnayan ay matalas ang talaban ng pagiging makabayan, pasasaan ba at uunlad ang bayan
na nagmula sa makapangyarihang kaalaman at kasanayan na humubog ng tunay na gurong mga
pag-asa ng mga pag-asa ng bayan.

HIMIG-TINDIG:Suriin ang awit. Iugnay ang bawat bahagi sa sumusunod na kaisipan gamit ang
tatlo-limang pangungusap na paliwanag.

SPEAK IN ENGLISH ZONE


Musika at Titik ni Joel Costa Malabanan MISEDUKASYON o
Ika-13 ng Oktubre, 2010 MALEDUKASYON:

Taong 1898 nang sumalakay si George Dewey ____________________________


Sa ngalan ng Benevolent Assimilation ni McKinley ____________________________
Ang paglaya sa Kastila ay agad na nawalang saysay ____________________________
Dahil sa imperyalistang likas yaman ang pakay! ____________________________
At ang mga Kano at Kastila’y nagbentahan
____________________________
Twenty million dollars ang naging kabayaran.
Sinimulan ng Thomasites kolonyal na edukasyon ____________________________
English ang wikang nagsilbing pundasyon ____________________________
Ang magigiting na bayani ay ipinabitay ____________________________
Tulad nina Felipe Salvador at Macario Sakay ____________________________
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular __________
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.
KASAYSAYAN ng
Ang bayan ko ay Speak in English Zone EDUKASYON:
Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver ______________________
Mga graduates namin ay nasa call center ______________________
______________________
Pagkatapos ng World War II Parity Rights ang sumakal ______________________
At ang nagsilbing tanod ay ang mga base militar ______________________
Manggagawa at magsasaka ay nalibing sa kahirapan ______________________
At nabaon sa utang ang sambayanan.
______________________
Ngayo’y wala nang base militar wala na rin ang Thomasites
Ngunit may VFA at English speaking campaign ______________________
At ang mga paaralan hulmahan ng propesyunal ______________________
Sinanay upang maglingkod sa mga dayong kapital ______________________
______________________
55 | P a h i n a ____________________
Ang bayan ko ay Speak in English Zone
Alipin kami noon hanggang ngayon WIKA at EDUKASYON:
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver
Mga graduates namin ay nasa call center. ________________________________
________________________________
At ang bansang Pilipinas kahit pa agrikultural ________________________________
Walang makain ang mga mamamayan ________________________________
Ang aming isip, salita at gawa ay kolonyal ________________________________
Lahi kami ng alipin sa sarili naming bayan.
Nalulong sa Facebook ang kabataan ni Rizal ________________________________
Sa pagdodota animo’y mga hangal ________________________________
Pulitika, ekonomiya at ang kulturang popular ________________________________
Sa puso’t diwa English ang idinadasal.

Ang bayan ko ay Speak in English Zone


Paghahandang yakapin ang globalisasyon
Nag-eeksport kami ng manggagawa’t caregiver KASALUKUYANG EDUKASYON:
Mga graduates namin ay nasa call center
Ang bayan ko ay Speak in English Zone ________________________________
Alipin kami noon hanggang ngayon ________________________________
Ang pagbabago ang tanging solusyon ________________________________
Durugin ang kolonyal na edukasyon!
________________________________
Sariling wika ang ang siyang magpapalaya ________________________________
Sa sambayanang gapos ng tanikala! ________________________________
________________________________
________________________________

Ang aking pagsusuri sa ugnayang awit at reaksyon ukol sa misedukasyon…


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

56 | P a h i n a
SIPI-ISIP-SULAT: Mula sa bahagi ng sipi ng salin ng artikulo ni Renato Constantino, bumuo
ng paglalahat upang ipakita ang pag-unawa sa sanaysay. Makikita ang buong saling artikulo
sa link na https://fil40online.files.wordpress.com/2012/06/lisyang-edukasyon-ng-pilipino.pdf

Oo nga’t itinuturo sa mga mag-aaral ang buhay ________________________________________


nina Rizal at Bonifacio. Ngunit hindi iniaakma ang ________________________________________
kanilang mga aral sa kasalukuyang suliranin ng ________________________________________
ating bayan at itinuturo ang kanilang buhay bilang
________________________________________
mga maikling kuwento tungkol sa mga nakalipas
na pangyayari na ikinasisiyang pakinggan ng mga ________________________________________
bata. ________________________________________
__________________

Dapat na natin ngayong isipin ang ating mga sarili, ________________________________________


ang ating kaligtasan, at ang ating kinabukasan. At ________________________________________
hanggang hindi natin inihahanda ang kaisipan ng ________________________________________
mga kabataan sa pagpupunyaging ito, mananatili
________________________________________
tayong mamamayang walang pakialam sa ating
bayan na walang tiyak na patutunguhan at hindi ________________________________________
tiyak kung ano ang kasasapitan sa araw ng bukas. ________________________________________
__________________

AKING TINIG at TUGON: Bumuo ng pahayag ukol sa naunawaang mensahe ng paksa ukol sa
edukasyon ng bansa. Mula rito, maglahad ng tindig sa anyo ng adbokasiya o plano. Irekord ang
tinig at paninindigan gamit ang sumusunod na pamantayan.

TINIG----------10
-linaw at ayos ng daloy ng mensahe
-ayos ng elementong teknikal
TUGON-------10
-lalim at lawak ng diskurso
-tiyak na halimbawa batay sa karanasan at nasaksihan

57 | P a h i n a
ARALIN 6

gg K A L I N A N G A N B i l a n g PA G K A K A K I L A N L A N :
Yaman ng Bayan , Ibaik sa Bayan

▪ KALINANGAN
▪ Ang kultura o kalinangan ay isang mayamang konsepto at kaisipan na
mahalagang pag-aralan. Mababakas sa isang kalinangan ang
karanasan, kasaysayan, at kabuuan ng isang bayan o lahi. Ang
kalinangan ng bawat isa ay mainam na maunawaan ng iba’t ibang
henerasyon upang palakasin ang tiyak na pagkakakilanlan.
▪ PAGKAIN Bilang SALAMIN ng KALINANGAN at PAGKAKAKILANLAN
▪ Isa ang pagkain sa sangkap na mapagmumulan ng iba’t ibang kultura.
Nakapaloob sa pagkain ang mayamang kultura at tradisyon na hinubog ng
panahon. Sa karanasan sa pagkain, makikita ang ugnayan ng bawat tao sa
iba, sa kanyang paligid, at kung paano n’ya tinatanaw ang daigdig. Ang
ganitong paraan ay kakikitaan ng mayamang pagpapakahulugan na
maiuugat sa batayang kalinangan ng bawat bayan o bansa.
▪ PAGKAIN at PEDAGOHIYA, LUNSARAN ng MAYAMANG KARANASAN
▪ Sa sining at agham ng pagtuturo, lagi at laging magandang pagmulan ng
gawaing pampagkatuto ang abot-karanasan ng mag-aaral at pamayanan.
Ang pagkain ay isang sangkap upang ituro at matutuhan ang iba’t ibang
elementong kultural na magpapatingkad sa pag-unawa ng isang lipi o lahi.

▪ Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Kalinangan Bilang


Pagkakakilanlan. Layunin nitong:
o Maisa-isa ang ugnayan ng pagkain sa kultura, diwa, at lipunang Pilipino.

58 | P a h i n a
o Maipahayag ang tiyak na karanasan sa pagkain bilang paraan ng pagsusuri.
o Makabuo ng “WIKAKULINARYA,” isang gawaing pasulat upang ilahad,
ilarawan, isalaysay o pangatwiranan ang maigting na ugnayan ng pagkain
bilang batayan ng pagsusuri sa pagiging Pilipino.

SABIHIN mo ang iyong PAGKAIN at

SASABIHIN ko kung SINO ka

PUTAHENG KARUNUNGAN: Kunin ang mga sangkap na tanong sa loob ng pinaglutuan.


Gawaing malinamnam ang iyong kasagutan.

Ano ang kahalagahan


ng pagkain sa
pagiging Pilipino? Paano gagamitin
ang pagkain sa
naghihintay na
Bakit kuhaan ng hamon ng
karanasan ang pagtuturo?
pagkain?

___________________ __________________
___________________ __________________
___________________ __________________
___________________ __________________
____ ________

59 | P a h i n a
__________________
__________________
__________________
__________________
___

Bawat isa sa atin ay may kuwento ukol sa pagkain. Ang pagkain ay sangkap ng ating
pagkatao. Makikita sa pagkain ang iba’t ibang kuwento ng ating kahapon, pangarap, iba’t ibang
emosyon, at higit sa lahat kuhaan ang kuwento ng pagkain ng mga nasa at sana natin sa buhay.
Upang mapalalim ang pag-unawa sa ugnayang pagkain, kalinangan, at pagkakakilanlang
Pilipino, marapat na lubusang intindihin ang hatid na mensaheng nais iparating ng kaisipan mula
sa artikulo ukol sa ugnayan ng pagkain sa sarili, kapwa, kalikasan, at pagtanaw sa daigdig.

SANGKAP-KAALAMAN:
Sahog na Malinamnam sa Putaheng Karunungan
Mula sa Artikulong “Pilipino’y Maaaring Kilanlin sa Pamamagitan ng Kanyang Pagkain ni
Doreen Fernandez
Ni: Voltaire M. Villanueva

1. Umaangkop ang tao sa inihahain ng paligid upang gawaing pagkain.


“Pilipino'y maaaring kilanlin sa pamamagitan ng kanyang pagkain.”

• May kasabihan sa Ingles na "You are what you eat."


• Ang paggamit natin ng kalikasan ay hindi nangangahulugang nagnanakaw tayo mula rito
kung hindi tinatanggap lamang natin ang biyayang inihandog sa atin.
• Hindi lamang natin ginagagad ang mga pagkaing dayuhan kundi inaangkop natin sa sarili
nating paraan.
• Tulad ng ibang bagay, ang pagkaing Pilipino ay nabuo mula sa ating kasaysayan, kultura
at kapaligiran

2. Kadikit ng pagkain ang kasaysayan ng mayamang lumipas na salamin ng bukas.

MGA AMERIKANO

• Nagbago ang takbo ng pagluto.


• Natutuhan natin mula sa mga Amerikano ang mabilis na pagluluto: salad, pie, casserole,
sandwich, hamburger, at marami pang iba.

60 | P a h i n a
• "Ready-made" na mga pagkain

MGA KASTILA

• Maluhong pagluluto.
• Dahil sa pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa, itinuturing natin ang kanilang mga
pagkain bilang pang elitista: kosido, putsero, at maraming de-sarsang pagkain.
• Sa mga Espanyol din nagmula ang ang mga kombinasyon ng kanin at karne: paella, arroz
a la Valenciana, bringhe
• Putaheng pampiyesta: galantina, relyeno

MGA TSINO

• Mga papansitin: palabok, pansit molo ng Iloilo, pansit luglug, pansit malabon.
• Siomai, siopao, lumpia
• Ginawan natin ng sarili nating "twist"
• Dahil pumunta dito ang mga Tsino para mangalakal, ang mga pagkain din nila ay
matatagpuan sa mga lugar na madalas puntahan ng masa (hal. karinderia, panciteria)

MGA IMPLUWENSIYA NG DAYUHAN

• Hindi lamang kultura kung hindi pati kasaysayan ay nakaimpluwensiya sa pagkaing


Pilipino
• Tatlong dayuhan : Tsino, Kastila, Amerikano
• Ginagawa nating sariling atin ang mga impluwensiyang naibahagi nila.

3. Kung gaano kayaman ang kalikasan, ganoon din ang dami at yaman ng mabubuong
pagkain.

PAG-UNAWA SA KAPALIGIRAN
Sinasalamin ng paraan ng ating pagluto ng pagkain ang ating pag-unawa sa kapaligiran
MANOK MAN O TAMILOK

• Hindi nililimitahan ng mga Pilipino ang sarili sa mga karaniwang karne.


• Bukas ang mga Pilipino na sumubok ng iba't ibang klase ng karne gaya ng aso, ahas,
baboy damo, bayawak, balut, at marami pang iba. Pinapakita nito ang ating pagiging
malapit sa kalikasan at ang pag-unawa natin sa potensyal nito.

SUKATAN NG LAHAT NG LUTUIN

• Pangunahing pagkain ng bayan ang bigas o palay. Binabalanse nito ang matitinding lasa
ng pagkain. Ginagamit sa paggawa ng mga kakanin

LUNTIANG PALIGID

61 | P a h i n a
Masagana ang bansa sa niyog kaya nakahanap tayo ng maraming paraan ng paggamit
nito gaya ng bunot, tuba, walis, pagkain, gata, at marami pang iba
SENSITIBONG PANLASA
• Mahilig mag-eksperimento ang mga Pilipino dahil sa kasanayan natin sa lahat ng klaseng
lasa. Mas partikular tayo sa ating mga sangkap at panlasa
MAYAMANG LISTAHAN NG GULAY
• Mayaman ang listahan ng mga Pilipino sa mga gulay sa buong taon dahil hitik tayo o
maraming magpagkukunan.
HINANGO SA KALIKASAN
• Dahil sa heograpiya ng ating bansa, karamihan ng ating pagkain ay mga lamang dagat.
Ginagamit natin nang lubus-lubusan ang mga lamang tubig sa ating pagluluto
LAMAN NG TIYAN AT KAMALAYAN
• Nakasanayan nating ikabit/ iugnay ang pagkain sa pang-araw-araw nating mga gawain
ang pagsabi ng oras, mga okasyon, ugayan sa mga tao, lugar, at iba pang di mabilang na
karanasan at kaisipan.
Sa pagkaing Pilipino, masasalamin ang
kabuuan ng lahing Pilipino. Malalasahan ang
timpla ng kahapon sa iba’t ibang pagkain.
Maamoy ang timpla ng lumipas sa pagkaing
inihahain tuwing may okasyon at maging sa
araw-araw na pagkain o piging batay sa uri ng
sangkap, pamaraan, at kasangkapang
gagamitin. Ang pagbabago ng anyo ng
pagkain bilang pag-aangkin, paghalaw, at
pagbuo ng sariling bersyon ng iba’t ibang
lutuin ay salamin ng pagiging mapanuri,
mapagmasid, matalino, at malikhain ng lahing
Pilipino.

Tikman ang iba’t ibang babasahin ukol sa pagkain. Gawing batayan at sangkap ang
sumusunod na babasahin tungo sa pagbuo ng sariling sulatin sa mga naghihintay na gawain at
pagsasanay sa araling ito.
Isang Linggong Tulingan

Munting Sanaysay ni: Voltaire M. Villanueva

Nasasabik akong balikan ang mga panahon na umuuwi kami sa bayan ng aking nanay at
tatay sa Bongabong, Oriental Mindoro. Kung ilang araw kaming mamalagi roon, ganoon din na
laging naroroon ang masarap naming pinagsasaluhan. Isa sa pinakatatangi kong karanasan ang

62 | P a h i n a
aming isang linggong bakasyon, kaya’t tiyak na isang linggo rin naming kasa-kasama sa hapag
kainan ang iba’t ibang lutuin mula sa masarap na isdang tulingan.

Napapagitnaan ang Mindoro at Batangas ng dagat. Kaya’t hindi nakapagtataka na marami


sa ulam ay mula sa biyaya ng dagat. Hindi rin kataka-taka na halos magkatulad ang paraan ng
pagluluto ng mga tao rito. Isa pa, marami talagang taga-Batangas ang dumayo sa Mindoro upang
permanenteng manirahan. Sa katotohanan, taga-Batangas ang aking nanay kaya hawig na
hawig ang maraming bagay tulad ng salita, paniniwala, at higit sa lahat paghahanda ng pagkain.

Minsanan lamang kaming umuwi


sa probinsya ng aking mga magulang
mula sa Maynila. Kung hindi bakasyon
na tiyempong maraming tulingan o kaya
naman ay may mga biglaang okasyon
tulad ng patay, kasal, o mahalagang
bagay na dapat naroon ang aming
pamilya.

Ang isang linggong bakasyon ay binusog ng malinamnam na tulingan na sinamahan ng


masasarap na tawanan. Pinaiigting ng linamnam ng mga pambihirang lutuin ang sarap ng
samahan ng aming buong angkan.

Tiyak na isang punong tulingan na pinakuluan ng humigit-kumulang sa apat na oras sa


palayok na itim na dinupungan ng nagbabagang uling na bao. Katamtaman hanggang sa
mahinang baga ng apoy upang hindi mabigla ang pagkaluto ng isda. Mas sasarap pa ito kung
lalong patatagalin ang pagkakaluto hanggang sa lumambot ang tinik na maaaring kainin,
makunat-kunat na hibla ng mga laman, at kumakagat na alat sa buong pinirat na isda.

Ang ikalawang araw ay pritong tulingan na kinuha mula sa laksa-laksang pinangat na


tulingan sa kamyas sa palayok. Mas pinasarap ito na samahan ng mainit na mainit na kapeng
barako at sinangag na kanin. Kung tanghalian naman ay mainam na kapares ang ginataang
kamansi at enseladang mangga o labanos

Igagata naman ang naghahalong asim at alat na tulingan sa ikatlong-araw. Sasamahan


ito ng sariwang mga bagong pitas na gulay sa bakuran. Naglalaban ang anghang, tamis, asim,
at alat ng samu’t saring sangkap tulad ng kibal, kalabasa, at siling labuyo na sinamahan pa ng
mga tinuyong hipon.

Hangga’t may tira pa sa lumalalim na palayok na laman, dumarami rin ang lutuing
maaaring gawin sa isda. Nalasap ko ang adobo sa igang tulingan na sinamahan ng bulanglang.
Magkapares na magkapares ang dalawang ulam bilang pang-alis gutom ng tiyan.

Habang unti-unting nadudurog ang tulingan dulot ng maya’t mayang pagkuha, hindi
nauubos ang pakinabang sa hatid na sarap ng isda. Sisinuping kunin ang mga pira-pirasong
bahagi nang hindi sinadyang madurog na isda. Ang mga nakuhang hibla ng laman ay ilalagay sa

63 | P a h i n a
binateng itlog na may kamatis, sibuyas na tagalog, at patatas. Tortang tulingan na ubod ng
linamnam. Isang ulam na taglay ang napakaraming sustansya.

Aakalain mong ubos na ang tulingan sa ikaanim na araw sapagkat tila iba na ang ulam.
Ngunit ito pala’y isang malaking pagkakamali dahil ang tulingan ay naging lumpia. Kapuwa
naging malutong ang pambalot at ang mga hinimay na bahagi ng isda. Kay sarap pagsabayin
ang lumpiang tulingan sa paghigop ng sabaw ng tinolang native na manok.

Kailanman ay hindi ako nagsawa sa tulingan lalo na kung iba’t ibang paraan ng pagluluto
ang gagawin. Bagama’t simple ang huling araw kong natikman ang sarap ng tulingan na inihaw,
patuloy kong kukulitin ang aning nanay at tatay na balikan ang kanilang lalawigan at balikan ang
hikayat at sarap ng tulingan.

Pinag-isa ng Pansiteria

Maikling Kuwento ni: Voltaire M. Villanueva

Bagong salta sa Lungsod ng Tuguegarao, Cagayan ang pamilya ni Erin, batang nagmula
sa Malabon. Doon siya nag-aral mula kinder hanggang Baitang Tatlo. Sa taong ito, malaki ang
pagbabago na kanyang haharapin. Bagong kapaligiran, paaralan, at mga kaibigan.

Hindi madali para kay Erin ang lahat. Isang malaking palaisipan pa rin sa kanya ang
biglang paglipat. Para kay Erin, mahirap maging bago at dayo sa ibang lugar na hindi niya
nakasanayan.

“Anak, huwag kang malungkot, ginawa natin ang paglipat dahil sa trabaho ng tatay mo.
Ang lahat ng ito ay para sa iyo,” panunuyo ni Aling Merly, ina ni Erin.

“Huwag kang mag-alaala anak, tiyak na magkakaroon ka ng bagong mga kaibigan.


Mabuting bata ka sigurado na maraming matutuwa sa iyo. Huwag kang malungkot,” dagdag ni
Mang Celso, ama ni Erin.

Hindi naging madali para kay Erin at sa kanyang magulang ang biglaang paglipat. Sa
unang araw niya sa paaralan nakadama siya ng hiya at pangamba. Ibang-iba ang lugar na
nilipatan sa kanyang nakasanayan. Bagong mukha, wika, pagkain, at marami pang iba ng
kamag-aral ang gumulat sa kanya. Madalas siyang napipipi at tahimik na lamang sa isang tabi.
Marami at halos lahat naman ay mababait sa bago niyang kamag-aral at gusto siyang maging
kaibigan. Talagang damang-dama ang paninibago kay Erin.

Unti-unting hinarap ni Erin ang mga pagbabagong ito.

“Anya ti sidam? (anong ulam mo),” tanong ni Leslie, isa sa mga kaklase ni Erin?

“Ha? Ano? Hindi ko maintindihan,” nalilitong sagot ni Erin.

“Ano ang ulam mo? Yun ang ibig sabihin nun,” mabait at tila nakikipagkaibigang tono ni
Ryden.

64 | P a h i n a
“Salamat,” natutuwang sagot ni Erin.

“Agiamanak (salamat), ang puwede mong sabihin,” dagdag ni Ryden.

Sina Leslie at Ryden ang naging bagong kaibigan ni Erin. Pinayagan sila ng kanilang mga
guro na maging magkakatabi sa upuan at laging magkakasama sa loob ng paaralan. Marami
nang napag-usapan ang tatlo sa isa’t isa. Nakapagkuwentuhan na sila sa iba’t ibang usapin ukol
sa kanilang sarili, pamilya, at iba pa. Hindi maiwasan na manibago pa rin si Erin. Lagi pa rin
niyang nababanggit ang mga naiwan niyang alaala sa lugar na kinalakihan niya.

“Malungkot ka na naman ?” usisa ni Ryden.

“Haan (hindi). May gusto lamang siyang kainin,” agad na sagot ni Leslie.

“Miss na miss ko na ang mga


pagkain sa Malabon. Natatakam
na ako sa masasarap na nabibiling
pansit sa iba’t ibang bahagi na
malapit sa aming tahanan at
paaralan. Nakaka-miss ang Pansit
Malabon,” kuwento ni Erin sa mga
kaibigan.

“Madi ka madanagan, gayyem (huwag kang mag-alaala, kaibigan) may sikat ding pansit
ang aming lugar. Dadalhin ka namin doon,” pangungumbinsi ng dalawa kay Erin.

Dumating ang araw na naging dahilan upang lalong maging matibay ang pagkakaibigan
ng tatlo. Masayang-masaya si Erin na natikman niya ang ipinagmamalaking Pansit Batil Patong
ng Tuguegarao. Sinamahan pa sila ng kani-kanilang magulang sa araw na iyon.

“Naimas unay! (Sobrang sarap), medyo nahihiya pero sobrang sayang pahayag ni Erin.

“Maraming salamat sa pagiging mabuti sa aming anak,” sabay na sabi ng magulang ni


Erin.

“Sa sunod naman po ay pasyalan natin ang iba pang magagandang tanawin sa aming
lugar. Punta po tayo sa Kuweba ng Callao at sa simbahan sa Iguig,” hikayat ni Ryden.

“Mamamasyal po tayo kapag mataas po ang aming mga grado,” pabirong pahabol ni Leslie.

Naging suki na si Erin at ang kanyang pamilya sa panciteria. Dalawang paboritong pagkain
ang lagi niyang maaalaala saan man siya magpunta, ang Pansit ng Malabon at Pansit Batil
Patong ng Tuguegarao.

Bulanglang, Masarap na Ulam


Tula ni: Voltaire M. Villanueva
Araw ng Linggo ay inaabangan

65 | P a h i n a
Luto ni Nanay nais matikman
Samu’t saring gulay ay sinabawan
Higupin ito’y lasap ang linamnam.

Umaga pa lang lahat nasa bakuran


Mamimitas ng sahog ng paboritong ulam
Bawat isa’y may dalang lalagyan
Lahat ay nananabik sa sarap ng Bulanglang.

Talong, okra, kibal, kalabasa,


Papaya, kadyos, patani, patola
Kalamismis, kamatis, talbos,at luya
Hindi pa naluluto, ulam na!

Hugas -bigas hintaying kumulo


Sa mahinang apoy, madahang iluto
Samu’t saring gulay ay ihalo
Sa patak ng bagoong sasarap lalo.

Ilang kulo na lang ay matitikman


Sarap at sustansyang hatid ng Bulanglang
Ihanda ang toyo’t kalamansi na sawsawan
Ulam na kay sarap hindi malilimutan.

Ulam na ito’y, aming pinagsasaluhan


Sa paghahanda’t pagluluto kami’y nasiyahan
Sarap nito’y babalik-balikan
Ulam na nagdudulot ng malusog na katawa

66 | P a h i n a
PAKITANG-LUTO:Panoorin ang isang palabas na “Pinasarap” ni Kara David na may kinalaman
sa pagluluto. Gawing patnubay ang link https://www.youtube.com/watch?v=aabzA4LNQvA. Suriin ang
palabas gamit ang pag-uugnay ng kaalaman at kaisipan mula sa binasang aralin ukol sa ugnayang
pagkain, kultura, at pagkakakilanlan.

UGNAY-DIWA: Basahin ang isang sanaysay ukol sa ugnayan ng pagkain sa isang


pangyayaring panlipunan. Matapos basahin bumuo ng paglalahat gamit ang pamatnubay na
mga mapipiling sangkap na salita.

WIKAKULINARYA sa PANDEMYA

Hamon ng pandemya na bigyang-pansin ang malusog na katawan. Isa ang pagkain sa sa


magbibigay sa ating lahat ng talas ng isipan at lakas ng katawan.
Iba-iba ang pinagmumulan ng ating pagkain. Sa mga panahong ito, ibinalik tayo sa biyaya
ng ating kalikasan mula sa mga inaning sariwang gulay at huling hayop o isda. Marami rin sa
atin ay galing sa ayuda ng pamahalaan maging sa mapagkawanggawang kababayan.

67 | P a h i n a
Sa aking pagtuturo, laging kong inahahalintulad ang pedagohiya sa pagluluto. May iba't
ibang sangkap at paraan subalit gusto nating lahat na anumang ituturo at iluluto ay tiyak na
matatandaan. Ang WIKAKULINARYA ay isang estratehiya na makatutulong upang isa-isahin
ang iba’t ibang salita na may kinalaman sa tiyak na pagkain. Sa estratehiyang ito, maigting na
pinag-uugnay ang larangan ng pagluluto ng anumang pagkain upang maging lunsaran ng
pagtatala at pagpapayaman ng wika o tiyak na rehistro ng wika sa larangan ng industriya ng
pagkain. Magiging gabay rin ang estratehiyang ito sa pagpapayaman ng iba pang salita sa iba’t
ibang larangan gaya ng medisina, enhinyeriya, negosyo, at iba pang domeyn ng wika. Isang
mabisang estratehiya ito bilang hakbang sa pagtatala, pananaliksik, at pagpapayaman ng wika.
Sa panahong ito tiyak na bahagi ng ating bokabolaryo ang mga plinano, iniluto, at
inahaing pagkain. Maraming alala ang bulanglang, dinengdeng, inabraw, inaslum, laswa,
pinakbet, at iba pang halimbawang malinamnan na lutuing gulay. Tiyak na hindi malilimutan ang
tamis at sarap ng pinaltok, palitaw, pinakaskas, binangi, nilupak, minukmok, at iba pang
halimbawang minindal o meryenda. Sa mga pagkaing ito magmumula ang iba't ibang gawaing
pampagkatututo upang sumunod sa panuto, maglahad, magsalaysay, magbadyet, at iba't iba
pang kasanayan na nais linangin ng isang gurong ginamit ang pagluluto bilang lunsaran ng
pagkatuto.
Ipinaaalala ng pandemya na tunay na kadikit ng ating buhay ang kalikasan. Ang kalikasan
na nagbibigay-pagkain ay salamin ng ugnayan sa ating kapuwa at kung paano natin tinatanaw
ang daigdig.
Mga minamahal kong guro at magiging guro, anong pagkain ang iyong ihahain bilang
kuwento at lunsaran ng gawaing pampagkatutuo?
Simulan mo nang magplano ng iba, katangi-tangi, at masustansyang putaheng babalik-
balikan ng ating mag-aaral.

_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
pagkain, kalikasan, _____________________________________
identidad _____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________
kultura, kasaysayan ____________________________________
pagkain, kapwa ____________________________________
____________________________________
____________________________________
____________________________________

68 | P a h i n a
WIKAKULINARYA: Gumawa ng kahit anong uri ng sulatin mula sa mga nakitang halimbawa.
Matapos gawin ang akda, ay bigyang-paliwanag kung paano pinagtagpo ng sariling katha ang
ugnayang pagkain, kalinangan, at pagkakakilanlan ng iyong sarili, pamilya, pamayanan, o
bansa.

Pamagat:

_________________________________________________________________________

Akda:

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

Munting Pag-uugnay o Paliwanag:

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

69 | P a h i n a
ARALIN 7

gg HAMON ng GLOBALISASYON:
Ugnayang Kaisipan, Lipunan, Kultura ang Tugon

▪ GLOBALISASYON
▪ Ang pandaigdigang kalakaran na ipinagpapalagay na tinatanggal ang
hangganan ng daigdig batay sa iba’t ibang aspektong panlipunan. Pinang-
aakit ang platapormang kapatiran at pagtutulungan, pero mas malakas ang
kompetisyon at tunggalian.
▪ HAMON ng GLOBALISASYON
▪ Ang hamon ng globalisasyon ay makabuo ng tiyak na tugon bilang
indibidwal. Malaki ang hamon na makabuo ng pambansang pagkilos upang
tugunan ang anumang hamon. Malaki ang gampanin ng kaalaman sa tulong
ng edukasyon upang lapatan ng tiyak na solusyon ang isang problema.
▪ TUNGKULIN ng GURO sa PAGTUGON sa GLOBALISASYON
▪ Malaki ang gampanin ng guro upang humubog ng kabataang nagmamahal
sa bayan. Glokalisasyon ang dapat maging tugon. Sa panahong global,
marapat mag-isip nang lokal.

Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Hamon ng Globalisasyon. Layunin


nitong:

o Mabigyang-pansin ang tiyak isyu o suliraning panlipunan.


o Masuri ang mabuti at di mabuting epekto ng globalisasyon sa aspektong pangkaisipan,
panlipunan, at pangkultura
o Makabuo ng “OPLAN-PAHIWATIG” upang makapagpamalas ng mga tiyak na hakbang
upang tugunan ang naging hamon ng aralin.

70 | P a h i n a
PALAKASIN ang SARILI

BAGO HARAPIN ang MARAMI

NILAY-BULAY-BUHAY: Pagnilayan at sugutin ang sumusunod na katanungan.

1. Ano ang mensaheng nais iparating ng globalisasyon?

Ang aking napagnilayan sa katanungan ukol sa…______________________________ay

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________.

2. Paano nakatulong at nakasama ang globalisasyon sa identidad at totalidad ng


Pilipino?

Ang aking napagnilayan sa katanungan ukol sa…______________________________ay

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________.

3. Bakit mahalagang gamitin ang globalisasyon sa positibong pananaw?


Magbigay ng halimbawa.

Ang aking napagnilayan sa katanungan ukol sa…______________________________ay

_________________________________________________________________________

71 | P a h i n a
_________________________________________________________________________

________________________________________________________________________.

Hindi na maitatanggi ang malawakang epekto ng globalisasyon sa ating lahing Pilipino.


Mula sa tahanan hanggang sa iba’t ibang panig ng pamayanan, malakas ang
pagpaparamdam ng globalisasyon. Ang globalisasyon ay may kaakibat na hamon na dapat
lapatan ng angkop na tugon. Halina’t unawain ang bahagi ng sanaysay kung paano
nagtatagpo ang tinig at tindig ng paninindigan ukol sa penomenang hatid ng globalisasyon.

Wikang Filipino – Wika sa Globalisasyon


ni: Tereso Tullao, Jr., Ph.D.

Ang globalisasyon ay mailalarawan bilang proseso na naglayong mapag-isa ang iba’t


ibang networks ng mga networks sa buong mundo sa pamamagitan ng kompetisyon,
pakikipag-ugnayan (inter-koneksyon) at pagtutulungan (inter-dependence). Ang
kasalukayang prosesong ito ay bumabalot at nagpapabago sa lahat halos ng antas ng buhay
at lipunan sa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Ang lawak, lalim at bilis ng paggalaw ng mga
produkto, kapital, kaalaman at mga tao sa pagitan ng mga bansa ang nagpalawak sa
kasalukuyang gamit ng konsepto ng globalisasyon. Dahil dito, ang globalisasyon ang isa sa
pinakalantad na realidad sa kasalukuyan na nakaapekto sa iba’t ibang bahagi ng buhay at ito
ang pangunahing dahilan na nagbibigay ng bagong batayan at katuturan sa umuusbong na
papel ng mga indibidwal, institusyon, at istruktura sa isang lipunan.

Ang konsepto ng globalisasyon ay isang paradokso dahil maraming kaakbay na


kontradiksyon ito. Sa kabila ng pagiging mapagsanib nito, ito ay nagdadala rin ng paghihiwalay
bilang katapat na sakripisyo. Kahit na ito ay may kakayahang mag-ugnay, ito ay rin ay mabilis
sa tumatanggi sa mga hindi handa at hindi karapat-dapat. Kahit na ito ay lumilikha ng
pamantayang global, nauuwi ito sa di-pantay na pakikinabang sa proseso. Samakatuwid, sa
layunin nitong matamo ang pinag-isang mundo lumilikha ito ng duwalismong internasyonal at
marami itong nasasaktan sa proseso ng integrasyon.
Sa larangan ng produksyon, ang pangingibabaw ng pamantayang episyenteng
pamamaraan, nawawalan ng trabaho ang mga manggagawa at nayayapakan ang mga
industriyang hindi kayang makipagtunggali sa pamantayang internasyonal.
Sa pagtatanghal ng pinag-isang pamantayan at ang unti-unting paglalatag ng isang
pamahalang global, ang mga bansa ay nawawalan ng kapangyarihan at humihina ang
kanilang kasarinlang gumawa ng mga regulasyon sa loob ng kanilang sinasakupang teritoryo.
Ang mga daang ginagamit upang mapag-ugnay ang mga networks sa produkto, kapital,
teknolohiya at kaalaman ay ang parehong daang ginagamit ng iba’t ibang sektor upang ilantad

72 | P a h i n a
ang mga di-pantay, di-inaasahan at mga sistematikong panganib na ibinubunga ng
globalisasyon habang pinag-uugnay ang mga networks. Ang mga networks na nag-uugnay
ay ang mga daan ding ginagamit upang magkabuklod ang iba’t ibang sektor sa iba’t ibang
sulok ng daigdig upang tutulan ang patuloy na globalisasyon dahil sa bigat ng mga
ibinubungang sakripisyo nito.
Dahil sa bilis ng pagsulong sa information technology, maraming tao sa buong mundo
ay nakakukuha ng impormasyon na mas mabilis pa sa kidlat. Subalit ang ganitong pag-
uugnay sa impormasyon ay nagpalawak din ng dibisyon sa kakayahang makakuha ng
impormasyon at sinasagi ang mga indibidwal, sektor at mga bansa bunga ng limitadong
yaman at kakayahang makibahagi sa network sa impormasyon.
Sa larangan ng kultura, pinag-iisa ang mundo sa pamamagitan ng pagtatanghal ng
isang pandaigdigang kultura, kaayusan, gawi, sistema ng estetika at kung minsan ay pati wika.
Ang wikang ginagamit sa mga transaksyon sa globalisasyon ay unti-unting kumikitid sa iilang
wika sa pangunguna ng wikang Ingles.

Batay sa mga kontradiksyong nabanggit, ang isang timbang na pananaw sa


globalisasyon ay kinakailangan upang maunawaan ang mga di pantay na resulta ng di
mapigilang kasalukuyang realidad. Ang impluwensya ng pulitika, ekonomiya, nagbabagong
ideya at papalakas na kamulatang panlipunan at pangkapaligiran ay mga pwersa na
pagpapasulong o hahadlang tungo sa isang timbang na pamamahala ng globalisasyon.

Wikang Filipino at ang Integrasyon


Ano ang papel ng wikang Filipino sa kapaligirang may dalawang uri ng integrasyong
hinaharap ang ating lipunan? Walang duda na sa larangan ng integrasyong panloob binanggit
na natin ang mga pangunahing papel ng wikang nauunawaan ng nakararami sa pag-aayos,
pagpapatatag at pagpapaunlad ng ekonomiya. Ang pananaw na ito ay lumilihis sa pananaw
na ang wikang Filipino ay ginagamit lamang upang itanghal ang nasyonalistikong damdamin.
Samakatuwid, ang integrasyong kultural ang tanging matatamo sa paggamit ng wikang
Filipino. Ipinahihiwatig din ng pananaw na ito, sa larangan ng komersyo, batas, at pulitika ang
nangingibabaw na wikang Ingles ang dapat pa ring pairalin kahit na mahina ang kakayahan
nitong pag-isahin ang mga nabanggit na duwalismo sa iba’t ibang aspekto ng lipunan.
Ang pananaw na ito ay tinatanggihan ko dahil naniniwala ako na sa harap ng duwalismo
sa ating lipunan may halagang ekonomiko ang wikang Filipino na ginagamit sa mga
transaksyon ng mas nakararaming Filipino. Dahil ito ang wikang ginagamit ng impormal na
sektor, ang malawakang paggamit nito ay may makabuluhang halaga sa pag-aayos,
pagpapatatag at pagpapaunlad ng ekonomiya. Sa aking palagay, ang pagpapatupad ng
pananaw na walang halagang ekonomiko ang wikang Filipino ang isa sa mga dahilan kung
bakit mahina ang integrasyong panloob na nauuwi naman sa mabagal nan pag-usad ng ating
ekonomiya. Sa harap ng kahinaan ng wikang Ingles na pag-ugnayin ang lipunan, bakit ayaw
nating bungkalin ang potensyal ng wikang Filipino na mapakitid, kung di man isara, ang mga
agwat sa ating duwalismong lipunan.
Sa integrasyong eksternal, ang mga tagapagtaguyod ng globalisasyon ay sumisigaw
na kinakailangan ang pag-aaral at pagsasanay sa wikang Ingles dahil ito na ang nagiging wika
ng kalakalang internasyonal at ang wika ng globalisasyon. Hindi ko minamaliit ang ganitong

73 | P a h i n a
pananaw o ipinagkakait na may katotohanan ang ganitong paniniwala. Ang aking pangamba
sa pananaw na ito ay baka lalong maging mapaghiwalay o mapaghati sa halip na maging
mapag-isa ang proseso ng globalisasyon kung hindi natin pauunlarin ang wikang Filipino
bilang wika sa globalisasyon. Papaano naman nakasasali sa proseso ng globalisasyon ang
napakaraming mamamayang Filipino kung hindi sila marunong at bihasa sa wikang Ingles?
Sila ay magiging halimbawa na isinasantabi ng globalisasyon dahil hindi sila nakikihalok sa
pagtanggap ng mga biyaya nito.

Sa aking palagay sa harap ng globalisasyon, higit na kailangan ang integrasyong


internal upang mapalakas ang kakayahan nating makipagtunggali sa kalakarang global. Ang
malakas na integrasyong panloob din ang magpaparami sa mga mamamayang makikisangkot
sa mga benepisyo ng globalisasyon. Samakatuwid, kinakailangang pasiglahin, pagyamanin
at palakasin natin ang panloob na yaman upang makipatunggali, at makinabang sa mga
benepisyo ng globalisasyon at integrasyong eksternal. Ang malakas ng integrasyong panloob
ang panlaban natin sa kultura ng eksklusyon ng globalisasyon na pumapatid sa mga mahihina
at di kompetitibo.
Nangangahulugan ba ito na isasantabi na natin ang wikang Ingles? Sa harap ng isang
baylingwal na kultura, kahit gustuhin natin hindi na natin maaaring itapon pa ang wikang
Ingles. Nasa atin na ito kaya’t pagyamanin natin ito at gamitin natin ito sa ating integrasyong
eksternal. Ngunit kakailanganin at dapat din nating pagyamanin ang antas ng kaalaman sa
iba’t ibang disiplina sa wikang Filipino upang maging instrumento ito sa pagpapakitid ng mga
agwat sa pagitan ng mga mamamayan sa iba’t ibang aspekto ng lipunan.

Malaki ang papel na ginagampanan ng mga intelektwal sa gawaing ito. Kinakailangan


maunawaan ng mga ordinaryong mamamayan ang mga prinsipyo at konsepto sa wikang alam
nila nang makisangkot sila sa proseso ng globalisasyon.

Halimbawa, sa pagtatanim o pag-aalaga ng hayop, kahit hindi marunong ng Ingles ay


magiging produktibo pa rin ang mga mamamayan dahil naunawaan nila ang mga makabagong
pamamaraan sa pagtatanim at pag-aalaga ng hayop sa wikang nauunawaan nila. Ang mga
makabagong proseso ng produksyon ay ipinaliliwanag sa mga produktibong manggagawang
Thai, Tsino, at Taiwanese sa wikang lokal kayat madali nilang itong naipatupad. Kung Ingles
ang mamamayani sa atin, ang mga aral lamang ang agarang makagagamit ng benepisyong
ito. Kaya, kung maisasalin o maipaliliwanag ng mga intelektwal na Filipino ang mga
makabagong teknolohohiya sa wikang Filipino, magiging malaganap ang paggamit ng
teknolohiya at may potensyal na tumaas ang pambansang kita.

Sa larangan ng medisina at kalusugan, madaling mauunawaan ng mga ordinaryong


Filipino ang mga paraan ng pangangalaga sa sarili at panggagamot kung ito ay naipaliwanag
sa wikang Filipino.

Sa larangan ng batas, kung maipaliliwanag ito sa wikang nauunawaan ng mga


ordinaryong mamamayan, marami ang makauunawa sa kanilang karapatan at mga
obligasyon bilang mamamayan.

74 | P a h i n a
Sa larangan ng pananalapi, kung maipaliliwanag ang iba’t ibang istrumento ng pag-
iimpok at dahilan ng pamumuwis, baka kaunti na lamang ang magrereklamo sa kakulangan
ating pamahalaan at madaling maibubungkal sa kanilang isipan ang mga biyaya ng pagsisikap
at pagnenegosyo

Batay sa direksyon ng ating demograpiya, dumarami na ang mga Pilipinong


nakauunawa sa wikang Filipino batay sa Tagalog. Ito ang nagiging lingua franca ng maraming
Pilipino. Subalit kahit marami ang nakauunawa nito, matatagalan pa ang lalakarin upang
maging tunay na intelektwalisado ang wikang Filipino at baka abutin pa ng 100 ayon kay
Bonifacio Sibayan. Ngunit kailangang simulan na ang unang hakbang ngayon.

May mga taong nagsasabing ang papapaunlad ng wikang Ingles ay isang paghahanda
para hindi tayo maisantabi ng proseso ng globalisasyon. Ang wikang Ingles nga ba ang susi
sa ating integrasyong eksternal? May sapat bang batayan ang pangangamba ng ilan na
pinahihina natin ang Ingles dahil ginagamit natin ang wikang Filipino sa pagsasalita?
Mawawalan na nga ba ng komparatibong kalamangan ang mga Pilipino sa bilihang
internasyonal sa paglaganap at paggamit ng wikang Filipino? Ito ang mga tanong ng mga
tumututol sa pagpapaunlad ng wikang Filipino.

Kung ang wikang Ingles ang batayan ng ating kompetitibong kalamangan, bakit higit
na mabilis ang pag-unlad ng Thailand, Tsina at Vietnam kung ihahambing sa ating ekonomiya
gayong hindi naman bihasa sa Ingles ang kanilang mga manggagawa? Hindi Ingles ang
dahilan ng kanilang masiglang ekonomiya bagkus maaaring ituro ito sa kanilang mahigpit na
integrasyong panloob. Samantala, ang kahinaan ng integrasyon ng ating ekonomiya ang sanhi
ng ating mabagal na pag-usad.

Naririto sa atin ang mamahuhusay na manager, sanay sa wikang Ingles ngunit ang
mga tauhan, manggagawa at tagasunod nito ay pawang gumagamit, dahil mulat, ng wikang
Filipino. Papaano makukuha ang tamang timbre at tono ng isang musika gayong hindi magka-
akma ang mga namumunong konduktor sa mga tagasunod na musikero?

Ang dapat nating ipangamba ay ang kawalan ng interes ng mga intelektwal sa bayang
ito na paunlarin ang wikang Filipino sa harap ng paglaganap at pagtanggap ng maraming
mamamayan sa wikang Filipino sa paglipas ng panahon at sa ibat ibang sektor at lugar sa
ating bansa.

Tulad ng nabanggit ko na, ang papel ng mga intelektwal ay mag-aral, magsalita,


magsalin at magsulat sa wikang Filipino. Ang ganitong hamon ay hindi upang itakwil ang
Ingles ngunit upang mabisang mailipat ang mga biyaya ng siyensya, makabagong
teknolohiya, gawi, at kultura sa wikang madaling maunawaan ng nakararaming Pilipino.
Nasisiyahan na ba tayo na 30% lamang ng ating mga kababayan ay nakauunawa sa wikang
Ingles at wala tayong ginagawa sa katotohanang mahigit sa 90% ng mga Pilipino nakauunawa
sa wikang Filipino? Malaki ang papel ng mga intelektwal sa bayang ito upang maging susi sa
integrasyong internal. Sa pagbubungkal nila ng kanilang propesyon at disiplina sa wikang

75 | P a h i n a
Filipino, posibleng mapag-ugnay ang hiwa-hiwalay nating lipunan at madali nang maidadala
sa mga Filipino ang integrasyong eksternal.

Dahil dito ang pagpapayaman at pagpapalawak ng wikang Filipino bilang wikang


intelekwalisado ay magiging wika sa globalisasyon. Ang wikang Filipino ang magiging
tagapamagitang wika upang maunawaan at makilahok ang marami nating mamamayan sa
proseso ng globalisasyon.

Samantala ang pagtataguyod ng Ingles sa harap ng maraming Filipinong hindi


nakauunawa nito ay isang mapaghiwalay at di episyenteng pamamaraan. Ang mga dati nang
nakikinabang sa globalisasyon ay sila pa rin ang patuloy na makikinabang sa prosesong ito.

Mayroon akong mga espesipikong hamon sa departamento ng Filipino sa ating


pamantasan. Kung hindi maisasagawa ng mga taga-departamento ng Filipino ang pagsasalin,
dalawang bagay ang kanilang magagawa. Una, makipag-ugnayan at makipagtulungan sa
mga intelektwal ng mga iba’t ibang disiplina sa unibersidad at pagtulungan ang pagsasalin ng
mga obra maestra sa ibat ibang disiplina. Ikalawa, kung walang makukuhang espesyalista,
ang mga tagapagsalin ay dapat mag-aral ng mga displina hanggang sa masters level.

Higit pa sa pagsasalin, ang mga bagong teorya, imbensyon, kalakaran sa isang displina
ay dapat nang matutunan at maibahagi sa mga ordinaryong Pilipino at estudyante upang
matutunan nila ang makabagong kaalaman sa bawat disiplina. Kasama rin ang paglalathala
ng mga pananaliksik sa disiplina ay dapat isulat sa wikang Filipino.

Ang aking ipinagpapalagay dito ay mananatiling Ingles ang mangingibabaw na wika sa


ating bansa. Marami pa ring intelektwal ang mag-aaral, nananaliksik at magsusulat sa wikang
Ingles. Subalit ang mga intelekwal ding iyan ay dapat ding mahasa sa pagsusulat at
paglalahad sa wikang Filipino.
Kung ang papel ng Ingles ay mapag-uugnay tayo sa bilihang internasyonal at matamo
ang integrasyong eksternal, ang magagawa ng pagpapaunlad ng Pilipino ay mapalakas ang
ating integrasyong internal. Dahil na rin sa pagiging baylingwal ng mga Pilipino, mauuwi ito
sa pagpapalakas ng integrasyong eksternal at internal. Ang pagtugon sa dalawang uri ng
integrasyon ay maaari ring gawin ng wikang Ingles ngunit sa aking paniniwala, hindi episyente
ito at mahirapan ang Ingles, kahit na ito ay ang nangingibabaw na wika, bunga ng
kasalukuyang duwalismo sa ating lipunan.
Ang pagpapaunlad ng wikang Filipino ay isinusulong dahil sa tatlong pangunahing
dahilan. Una, malawak ang gamit ng wikang Filipino hindi lamang sa pagpapatingkad ng
damdaming nasyonalistiko. Ikalawa, ang wikang Filipino ay magagamit sa pag-aayos,
pagpapatatag at pagpapaunlad ng ekonomiya. Ikatlo, dahil may kakayahang mapalakas ng
wikang Filipino ang integrasyong panloob, may potensyal itong maging wika sa globalisasyon.
Dahil dito, hindi lamang nagiging wika sa globalisasyon ang wikang Filipino, nagiging tunay
na susi ito sa kaunlaran.

76 | P a h i n a
UGNAY-SALITA, LIKHA-DIWA: Bumuo ng mga tanong sa sumusunod na salita na ginamit
sa artikulo o sanaysay. Sagutin ang mga nabuong tanong upang ipakita ang sariling
pagsusuri.

Bilang Salita at Tanong Sagot at Pagsusuri

1. globalisasyon at kompetisyon ___________________________________

_____________________________ ___________________________________

____________________________? ___________________________________

2. paradokso o balintuna at ___________________________________


kontradiksyon
___________________________________
_____________________________
___________________________________
____________________________?

3. integrasyon ___________________________________

_____________________________ ___________________________________

____________________________? ___________________________________

4. integrasyong eksternal at internal ___________________________________

_____________________________ ___________________________________

____________________________? ___________________________________

5. Wikang Filipino, wika ng ___________________________________


globalisasyon
___________________________________
_____________________________
___________________________________
____________________________?

77 | P a h i n a
LAPAT DAPAT LAHAT: Gamitin ang paglalapat ng paglalahat sa natutuhan sa binasang
artikulo ni Tullao ukol sa piling bahagi ng piyesang pambigkasan.

Lahing Pili at Pino, ‘Yan Tayo Pilipino! Wikang Filipino – Wika sa Globalisasyon
ni: Tereso Tullao, Jr., Ph.D.
ni: Voltaire M. Villanueva

Inang Pilipinas: ____________________________________


May tamis at may pait ang lamat ng kahapon. ____________________________________
Binago at iniba nasimulan at pinagyamang
kultura. Tradisyon at paniniwala may ____________________________________
akusasyon ng panggagaya. Ngunit sa
katotohanan, ambag nila at taglay natin ang ____________________________________
pinagsama-sama.

“ Arroz Valenciana ng Espanya, Bringhe ng ____________________________________


Pampanga”
____________________________________
“Carinosa, kilala sa kanila, sa Tinikling tayo
bumida” ____________________________________
“Ham at Burger ng mga puti, suman at ____________________________________
kakanin ng kayumanggi”
____________________________________
“Himig ng jazz at indak sa zumba, halina ng
subli at harana” ____________________________________

____________________________________

Modernisasyon o globalisasyon tila bagong ____________________________________


anyo ng kolonyalisasyon,
____________________________________
Pagpapalakas at pagpapatingkad ng kultura
ay inspirasyon. ____________________________________
Sa panahong global, mag-isip ng lokal, ____________________________________
isulong ang lokalisasyon at Pilipinisasyon!

Mga tinubog na gintong dakilang Pilipino! ____________________________________


Na piling-piling nagniningning saanmang ____________________________________
panig ng mundo,
____________________________________
Hinulma ng pagpapagal sa oras ng tiyaga sa
pagpipino ____________________________________

78 | P a h i n a
Lahing Pili at Pino, ‘Yan Tayo Pilipino!

OPLAN PAHIWATIG: Magtala ng sampung tugon o aksyon sa hamon ng globalisasyon. Iguhit


o magdikit ng mga simbolo ng pahiwatig na sariling tugon at tapatan ito ng isang pangungusap
na mabisa o kaakit-akit na pahayag.

Ang Aking Sampung Pahiwatig Ito ang 10 Mabisang Pahayag sa


Pahiwatig

1.
_______________________________________________

2.
_______________________________________________

3.
_______________________________________________

4.
_______________________________________________

5.
_______________________________________________

6.
______________________________________________

7.
_______________________________________________

8.
______________________________________________

9.
______________________________________________

10
_______________________________________________

79 | P a h i n a
I A R A L I N 18

gg FILIPINOLOHIYA at IBANG DISIPLINA:


Ugnayan ng mga Kaalaman Tungo sa Karunungan

▪ UGNAYAN ng FILIPINOLOHIYA sa AGHAM at MATEMATIKA


▪ Ang Agham at Matematika ay mga pangunahing asignatura at disiplina na
pinagmumulan ng iba’t ibang batayang nilalaman at kasanayan. Malaki ang
gampanin na ang mga disiplinang ito ay mailapat sa pananaw, kaisipan, at
karanasang Pilipino gamit ang Filipinolohiya. Sa ganitong pananaw ang
mga abstraktong kaisipan ay maaaring maging tiyak o kongkreto.
▪ UGNAYAN ng FILIPINOLOHIYA sa AGHAM PANLIPUNAN
▪ Sa unang tingin madaling pag-ugnayin ang magkaugnay na kurso o
disiplina. Bagamat nagtatagpo sa mga pag-aaral sa mga kaalaman at
kasanayang kadikit ng lipunan, marapat na ang konteksto ay hango sa
karanasan ng kaisipan, lipunan, at kulturang Pilipino upang maunawaan na
ang paksa at teksto ay ang lahi at lipunang Pilipino.
▪ GURO, TAGAPAGSULONG ng DIWANG PILIPINO GAMIT ang BABASAHIN
BILANG TEKSTO at HANGUAN ng KAISIPAN, LIPUNAN, at KULTURA
▪ Malaki ang gampanin ng guro na isakonteksto ang mga aralin batay sa
ugnayang lipunan, kaisipan, at kulturang Pilipino. Malaki ang gampanin ng
mga babasahin na maaaring orihinal na akda ng guro o sinaliksik mula sa
mga iba’t ibang manunulat na nagtataguyod ng maka-Pilipinong paraan ng
pagtuturo at pagkatuto.

▪ Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Batayang Ugnayan ng


FILIPINOLOHIYA at Iba Pang Disiplina. Layunin nitong:
o Mailahad ang kalagayan at kalakaran ng Filipino bilang larangan sa iba’t
ibang binasang artikulo.
o Masuri ang artikulo upang itampok at itaguyod ang diwa, kultura,
kasaysayan, at lipunang Filipino.

80 | P a h i n a
o Makabuo ng adbokasiya sa gawaing “Sa Aking Klase” para mapagtibay ang
mahalagang gampanin ng Filipinolohiya bilang lente na tumatawid sa iba’t
ibang disiplina o larangan.

BAHID FILIPINOLOHIYA

TATAGOS PATUNGONG IBANG DISIPLINA

PILI, PULOT, PALAOT: Mula sa anim na iba’t ibang disiplina, pumili ng tatlong malapit
sa’yong puso at sagutin ang mga tanong. Kaakibat ng pagsagot ang pagpalaot sa
paliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng tiyak na halimbawa o pagpapalawak ng
kaisipan.

Agham Matematika Sikolohiya

Ano ang gamit ng Paano masusuri ang Bakit mahalagang


Filipinolohiya sa Agham? Matematika gamit ang pag-ugnayin ang
Filipinolohiya? Filipinolohiya sa
____________________ Sikolohiya?
____________________ ___________________
____________________
____________________ ___________________
____________________
____________________ ___________________
____________________
____________________ ___________________

Kasaysayan Pisika Ekonomiks

Bakit mahalaga ang Paano makikita ang Paano gagamitin ang


Filipinolohiya na iugnay ugnayang Filipinolohiya sa Filipinolohiya sa pag-
sa Kasaysayan? Pisika? uugnay ng mga
____________________
konsepto sa
____________________ Ekonomiks?
____________________
____________________ ___________________
____________________

____________________
81 | P a h i n a
___________________ ___________________

___________________

Isang hamon sa Filipinolohiya na makapasok sa iba’t ibang larangan. Isang tiyak na


solusyon ang gampanin ng wika upang makabuo at makapagsulat ng iba’t ibang babasahin sa
wikang Filipino at ginagamit ang mismong wika upang iugnay ang tiyak na larangan sa
karanasan ng lipunan, kaisipan, at lipunang Pilipino. Ang mga babasahin sa iba’t ibang larangan
na gumagamit ng wikang Filipino ay isa sa hakbang tungo sa intelektuwalisasyon ng wika. Bukod
sa simpleng pagsusulat, hamon sa magiging guro sa iba’t ibang asignatura na kasangkapanin
ang karanasang Pilipino bilang lunsaran ng iba’t ibang gawain at pagsasanay na madaling
maunawaan ng bawat mag-aaral na Pilipino.

Kalipunan ng Iba’t Ibang babasahin sa Iba’t Ibang Disiplina


KAALAMANG BAYANG DALUMAT NG PAGKATAONG PILIPINO
Ni Propspero Covar
Hangarin ng disiplinang antropolohiya na pag-araalan aang likas na tao, kasama na
rito ang pagdalumat ng pagkataong Pilipino. [1] Di-gaya ng siyensya na may presentasyong
panukat na unibersal, ang gagamitin kong parametro ay kaalamang bayang dalumat. [2]
kaya’t ang pagkataong Pilipino ay tatangkain kong isalarawan ayon sa konteksto ng kulturang
Pilipino. [3] sa ganitong ehersisyo, ang mapapala ay pag-uuganay ng mga pangyayaring
nagtatalaban sa isang larangan. [4] ang pagkakataong Pilipino at ang mga salik nito.
Pagkatao at Katauhan
May kasabihan ang mga Pilipino na: ”Madali ang maging tao; mahirap magpakatao.”
[5] ang pagiging tao ay isang prosesong bayolohikal. Ang pagpapakatao ay naaayon naman
sa prosesong kultural. Sa papel na ito, ang prosesong kultural ang binibigyang-diin.
Ang salitang ”tao” ay pangngalan. Ito ay tumatanggap ng iba’t ibang panlapi upang
makapagsaad ng iba’t ibang kahulugan. Halimbawa: maka-tao, t-um-ao, tau-han. Ayon kay
Ramos, ”Ang ka-han kapag inilapi sa isang salitang-uagat ay nagpapahayag ng kaisipang
basal (abstract). ”[6] Kung gayon, ang ka-tau-han ay nangangahulugan ng ”kabasalan ng
diwang taglay ng salitang-ugat,” i.e., tao. [7] Sa Ingles, ang salin ko ng katauhan ay
”humanity.” Ayon kay Mairanda, ”humanhood.” [8] Dahilan dito, ang salitang ”pagkatao” ay
angkop na konsepto bilang ”personhood” o pagiging taong Pilipino. Ayon kay Santiago at
Tiangco, ang pagka-”ay tumutukoy sa kalikasan ng tao, hayop o bagay.” [9] Ganito ang gamit
ng pagka-sa pariralang ”pagkataong Pilipino,” i.e., Pilipinong tao.
Metapora ng Katawan at Banga
Sa Bibliyang paniniwala, ang tao ay nagmula sa isang kipil na putik, hinihingan ng
Maykapal at naging si Adan. [10] Ito ay palasak na pananampalatayang Kristiyano. Sa
panitikan, ang tao ay parang luwad na maaaring gawing iba’t ibang hugis at anyo. May
kaugalian naman tungkol sa paglilibing na ang nagsisidalo ay kumukuha ng isang dakot na

82 | P a h i n a
lupa at inihahagis sa ibabaw ng kabaong ng namatay bilang pagkilala sa pananaw na ”sa
alabok ka nagmula at sa alabok ka rin babalik.” ang pag-aalay ng bulaklak sa kabaong habang
ito’y ibinababa sa puntod ay nagiging kaugalian na rin. Ang bulaklak sa kabaong habang ito’y
ibinababa sa puntod ay nagiging kaugalian na rin. Ang bulaklak ay nagiging lupa na rin.
Sa makakatotohanang pangungusap, sa putik nagbuhat ang banga, sa matalinhagang
pangungusap naman, ang tao ay sa putik rin naman nagmula. Ang katawan ng tao ay parang
isang banga. Ang banga ay may labas, loob at ilalim. Gayundin naman ang kaluluwa ng tao.
Sisidlan na banga. Aang laman nito ay kaluluwa. Sa ilalim tumatahan ang kaluluwa, kaniig
ang budhi.

labas

budhi kalulu
wa
loob
Eskima Blg. 1.0
Istruktura ng Pagkataong Pilipino
Ang eskima Blg. 1.0 ay isa lamang paraan ng pagsasalarawan. Ang pag-uugnay ng
iba’t ibang konsepto ay iisang pagtatangka na makabuo ng isang sistema o teorya tungkol sa
pagkataong Pilipino.
Labas, Loob, at Lalim
Tambalang lapit ang pamamaraan sa pagdalumat ng pagkataong Pilipino: kung may
labas, may loob; kung may kaluluwa, may budhi.

Pag-unawa sa Pilosopiyang Filipino

Ni: Florentino Timbreza

Bakit kailangang mamilosopiya ang tao?

Hindi ba maaaring kumain na lamang ang tao upang mabuhay, o kaya’y mabuhay
upang kumain? Tila baga hindi maaari sapagkat ang tao ay may isip kung kaya’t likas sa
kanya ang mag-usisa at magtanong kung bakit nangyayari ang mga pangyayari sa buhay.

Ayon kay Plato at Aristoteles, ang dalawang kinikilala at bantog na pantas sa


pilosopiyang Kanluranin: ”Ang Pilosopiya ay nag-uumpisa sa pagtataka.”

Subalit ano nga ba ang nakapagtataka?

Ang buhay ng tao ay isang malaking kahiwagaan. Siya’y isilang na wala sa kanyang
kaalaman at pagkatapos ay mamamatay na naman siya nang labag sa kanyang kalooban.

83 | P a h i n a
Ang buhay ng tao ay isang di-malaking trahedya. Isinilang ang tao upang maghirap at
mamatay; at karaniwang mamamatay siya bago ang kanyang mga minamahal sa buhay, o
kaya’y sila muna, o kaya’y sila muna bago siya; pero kahit alinman sa dalawa ang mauna o
mahuli, walang ibang tanging kasiyahan kundi pawang pasakit at kalungkutan:

Bakit kinakailangan pang isilang ang tao kung siya’y maghihirap at mamamatay rin
lang? Ano ba ang tunay na kabuluhan ng buhay?

Ito ang pagtataka na tinutukoy nina Plato at Aristoteles; ang tanging katotohanan na
natuklasan ni Siddartha Gautama; ang kawalang-kabuluhan na siyang lumiligalig kay Haring
Solomon; at ang bumabagabag kina Albert Camus, Jean –Paul Sartre, at iba pang
eksistensyalista.

Ang buhay ng tao ay isang malaking suliranin na nangangailangan ng karampatang


kasagutan, solusyon, o paliwanag. Ang paghahanap ng kalutasan ay siyang tinatawag na
pamimilosopiya. Kaya, ang pilosopiya ay isang pangkaisipang paghahanap ng katotohanan
at kabuluhan ng buhay; at habang may tao ay hindi maiiwasan ang mamilosopiya.

Samakatuwid, kung ang pilosopiya ay nag-uumpisa sa pagtataka, tiyak na mayroong


pilosopiyang Filipino sapagkat marunong din namang magtaka ang mga Pilipino.

Kung ang pilosopiya ay bumubukal mula sa karanasang-tao, nangangahulugang


mayroon ngang pilosopiyang Filipino sapagkat mayroon din namang karanasang Filipino na
kasingyaman ng mga karanasan ng ibang tao.

Kung ang pilosopiya ng tao ay nakapaloob sa kanilang kultura ( na siyang sinasabi ng


mga sosyologo at antropologo), ay walang kaduda-dudang mayroon ngang pilosopiyang
Filipino, sapagkat mayroon ding kulturang Filipino.

Kung ang istilo o hugis ng pag-iisip ng mga tao ay nakahabi sa kanilang wikang
ginagamit na siyang tahasang kinukuro ng mga dalubwika, ay mayroong syempreng
pilosopiyang Filipino, sapagkat mayroon ding wikang Filipino na kasingyaman, kasingdakila,
at kasingganda ng ibang wika sa buong daigdig.

Samakatuwid, hindi na kailangang marunong ng Pranses o Ingles ang isang indibidwal


upang mamilosopiya. Hindi na kailangang maging Amerikano o Aleman para magtaka tungkol
sa kahiwagaan ng buhay. Sapat na ang maging tao na mayroong sariling karanasan, sariling
kultura, at katutubong wika.

Mga Batayan sa Paggamit ng Filipino sa Pagtuturo ng Pisika

Rosemarie D. Eusebio

Pinakamahalagang aspekto na isinaalang-alang sa pagtuturo ng Pisika (at iba pang


mga kaalaman) ang mga katangian ng mga mag-aaral o estudyante ng kurso. Kung tutuusin,

84 | P a h i n a
ang mga mag-aaral ang pinakasentro ng mga prosesong pagtuturo at pag-aaral. Kailangang
isaalang-alang ang kanilang mga naging karanasan sa hayskul lalong-lalo na sa pag-aaral ng
pisika. Ang mga paksang tinalakay, ang mga binigyang-diin ng kanilang guro, ang mga uri ng
gawain sa klase nila, ang mga aklat na ginamit, at ang wikang panturo ay ilan sa
mahahalagang kaalaman na makatutulong upang higit na maunawaan ng guro ang kanyang
mga mag-aaral na kagaya ng mga kaparaanan ng pag-aaral at pagtuturo at ang mga tinawag
na learning outcome ay nakasalalay sa uri ng mga mag-aaral na iniikutan ng prosesong
pagtuturo at pag-aaral.

Sa pakitang-turo na ipinamalas bilang bahagi ng isa sa mga lektyur sa Natural Science


I (Foundation of Natural Science) o Agham Pangkalikasan I na dinisenyo para sa mga
estudyanteng nasa unang semestre pa lamang ng pamantasan, masasabing siyamnapu’t
siyam na porsiyento (99%) ng mga mag-aaral sa Nat. Sci. Iay kumuha ng Pisika sa mataas
na paaralan sa wikang Ingles. Bukod-tanging ang mga nagtapos sa UPIS (UP Integrated
School) lamang ang sanay sa pag-aaral at pagtuturo ng pisika sa sarili nating wika. Sanay
ang halos lahat ng mga estudyante sa mga salitang teknikal sa Ingles. Dahil dito at dahilan
na rin sa mga dinaranas na adjustment o pagbabago ng freshmen sa buhay at aral UP,
minabuti na sa pangkalahatan ay panatilihin ang paggamit ng mga salitang teknikal sa Ingles.

Hindi rin naman maitatatwa na sa ilang mga pagkakataon, ipinakilala na rin ang mga
katumbas nito sa wikang Filipino. Hango sa mga pag-aaral at mga karanasan ng
tagapagsalita, higit na magiging epektibo ang pag-aaral ng Nat. Sci. I (bahaging pisika) kung
nakikita ng estudyante na:

1. may ugnayan ang mga inaral nila sa pisika sa mataas na paaralan at Pisika sa Nat.
Sci. I;
2. hindi magiging komplikado o masalimuot ang pag-aaral nila ng Pisika dahil halos
walang bagong bokabularyong kakabisahin at sasanayin sa wikang Filipino; at
3. sa wikang natural para sa kanila ang mga pagpapaliwanag at talakayan, iyong
kalimitang ginagamit nila sa karaniwang pakikipag-usap.

Laking tuwa at pasasalamat ang dinulot ng mga positibong pagpuna na galing sa mga
estudyante mula sa resulta ng Student’s Assessment of Teaching Effectiveness para sa
Nat. Sci. I (unang semester, 1999-2000). Sa tanong na “What do you like best on how the
course was taught?” may apatnapung porsiyento (40%) sa mga sagot ay tungkol sa
malinaw na pagpapahayag at pagpapaliwanag ng mga paksa. Ayon sa ilang mga
estudyante:

“Even though the class was supposed to be taught in Filipino, she uses English for
technical terms so that the students would understand more quickly.”

“Effectivity of teaching translates in English to Tagalog or vice-versa to help students


understands better”

“It was like I’m in Sineskwela.”

85 | P a h i n a
Ang isa pang mahalagang aspekto ng pinag-ukulan ng pansin sa pagtuturo sa Filipino
ng Pisika ay ang paraan ng pagpapahayag at pagpapayabong ng mga kaalaman sa mga
konsepto, batas, prinsipyo, at mga teorya sa Pisika.

Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga gabay na may kinalaman sa paggamit ng
Filipino sa pagtuturo sa Pisika at maaari na rin sa ibang kaalaman. Nilalayon ng mga ito ang
higit na epektibong pakikipagtalastasan ng guro at mga estudyante.

1. Sa paglalahad ng mga kaisipan sa mga panayam at mga talakayan, mga payak na


pangungusap at maiikling parirala ang kadalasang ginagamit. Ito ay upang maging
magaan sa pandinig ng mga mag-aaral ang mga paksang pinag-aaralan. Isa pa ay sa
paggamit ng maiikli at payak na pahayag, naitutuon ng mag-aaral ang kanyang
atensiyon sa isa o kaunting bilang ng mga konsepto. Sa mahahabang pahayag,
maaaring mawala o maiba ang pokus ng nakikinig.

2. Sa larangan ng paggamit sa mga salitang siyentipiko o teknikal, kadalasa’y ipinakikilala


muna ang salita o mga salita sa wikang Ingles. Pagkatapos na pagkatapos nito ay
isinalin na rin sa Filipino kung mayroong pangkaraniwang termino sa Filipino. Kung
wala naman ay nananatiling sa wikang Ingles ang mga salitang ito. Ang isang
halimbawa ay ang “Newton’s Law of Universal Garvitation.” Karaniwa’y ipinahahayag
muna ang tumbasan (equation) nito. Pagkatapos ay ipininakilala ang pamagat sa
wikang Ingles. Idinurugtong kaagad ang katumbas na pamagat sa wikang Filipino,
“Ang Batas ng Grabitasyong Pansansinukob ayon kay Newton” o di kaya “Ang batas
ni Newton ukol sa Puwersang Gravity na Pansansinukob.”

Ang isa pang halimbawa ay ang konseptong acceleration. Unang ginagamit ang
“acceleration.” Idinugtong ang ‘akselerasyon” o “arangkada”. Sa kalaunan, isa na lamang
sa tatlo ang ginagamit , halimbawa’y akselerasyon. Upang maiwasan ang paggamit ng
pandiwa na gaya ng “mag-accelerate” o “nag-a-accelerate,” tinutukoy na pangwakas
lamang kung ano ang pagbabagong nagaganap sa bilis (speed) o sa velocity. Ang ilang
posibleng gamitin ay “bumibilis,” “bumabagal,” o “nagbabago ang bilis (speed) o velocity.”

Ngayon nama’y makatutulong tanawin ang pakitang-turo sa konteksto ng isang


pangkalahatang modelo na maaaring gamitin sa pagtataguyod ng isang konsepto, batas
o prinsipyo. Sa susunod na pahina, makikita ang isang concept map o flowchart na
kasama ang mga pamamaraan ng pagpapaliwanag at paglago ng isang mahalagang
konsepto o batas sa Pisika.

Pangwakas na Pananalita

Kaakibat ng pagsasanay sa epektibong paggamit ng wikang Filipino sa klase ay ang


pagsasanay sa mga makabuluhang pamamaraan o estratehiya ng pagtuturo. Tunay
ngang napakaraming mga aspektong isinasaalang-alang tungo sa pag-unlad sa kaalaman

86 | P a h i n a
at pag-unawa sa Pisika. Kinakailangang pagyamanin ang mga sari-sari at lubhang
magkakatuwang na aspekto ng prosesong pagtuturo at pag-aaral.

Dahil sa napakalaki ng epekto ng wika sa pakikipagtalastasan at ganoon na rin sa


pagtuturo, kinakailangang pagyamanin nating lahat ang wikang Filipnio lalong-lalo na
bilang wikang panturo sa Agham at Matematika. Mahaba at matagal ang prosesong ito
ngunit sulit na sulit ang mga pagpupunyagi sa nakakamtang kakaibang sigla ng pag-iisip
at siklabo ng damdamin hindi lamang ng mga estudyante kundi na rin ng mga guro.

Ang Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya

Ramon Bermejo

Pumapasok na tayo sa daigdig ng cyberworld. Iniluwal sa daigdig na ito ang website,


internet, e-mail, fax machine at iba pang kagamitan tungo sa mabilis na daluyan ng
makabagong komunikasyon.
Ingles ang lengguwahe sa pandaigdigang ugnayan sa negosyo at industriya. Sa
cyberspace, namamayani din sa talastasan sa iba’t ibang panig ng daigdig ang wikang Ingles.
Hindi maikakaila na ganito rin sa kalakalan. Napalitan ang pamamayani ng wikang Griyego,
Latin, at Pranses.
Ingles din ang wikang ginagamit ng ating mga mangangalakal sa pakikipag-ugnayan
sa mga banyaga at malalaking negosyante. Monopolyo ng wikang Ingles ang pakikipag-
ugnayang pandaigdig. Kaya ang paksang iniatang sa aking balikat tungkol sa halaga ng
wikang Filipino sa negosyo at industriya ay parang napakahirap talakayin batay sa mga
nasabi ko na. Kabaligtaran yata na talakayin ang wikang Filipino bilang wika sa negosyo at
industriya.
Pero sa sinasabing daigdig ng cyberspace at sa darating na panahon ay magkakaroon
ng global language at isang ang gagamitin sa buong mundo. Inaasahan din ang pagkakaroon
ng isa lamang monetary currency.
Sa aklat na Global Paradox, sinabi ni John Naisbitt na totoong magkakaroon ng iisang
wika tungo sa sinasabing global village. Pero pinagtutuunan niya ng pansin na habang
umuunlad ang iisang global language ay lalong pahahalagahan ng bawat bansa ang kanilang
ethinicity o sariling pagkakakilanlan. Higit na pag-uukulan ng pansin ang kahalagahan ng
national identity. Sinabi pa niya na hindi magkakaroon ng katuparan ang pagkakaroon ng
iisang global monetary currency dahil sa ang mga salaping inililimbag o gagawin ng bawat
bansa aya maglalaman ng kanilang sariling wika, sariling kasaysayan, at kultura. Ang pag-
inog ng sarili nilang salapi sa mga negosyo at industriya sa loob ng bawat bansa ay sinasabing
patuloy na mananatili. Ito ang makabuluhang konsepto ni John Naisbitt sa kanyang aklat na
Global Paradox.
Sa ganitong konsepto, mahalaga pa rin ang wikang Filipino sa negosyo at industriya.
Kahit sa daigdig ng cyberspace, ang mga babasahin tungkol sa kaalamang pangkabuhayan,
halimbawa na ng Technology and Livelihood Resource Center (TLRC), na nakapasok na sa
internet, ay nasa wikang Filipino pa rin. Sinumang Pilipino na nasa ibang bansa at bahagi ng
cyberworld ay mabilis na makakakuha ng impormasyon para sa nais niyang pasuking

87 | P a h i n a
negosyo pagbalik sa Pilipinas. Ang kaalamang pangkabuhayan, pang-agrikultura at
paglilinang-dagat ay matutunghayan sa wikang Filipino sa pamamagitan ng internet.
Paglaban sa Kultura ng Globalisasyon
Narito, sa palagay ko, ang ispasyo na bukas at humihinging pasukin ng mga Pilipinong
tumatangkilik sa wika at panitikan. Sa ispasyong iyan maaaring pakiharapan at labanan ang
kultura ng globalisasyon upang kalusin ang negatibong bisa nito sa lipunang Pilipino. Hindi
dapat magbunga ang globalisasyon ng panibagong pagkaalipin para sa sambayanan. Sa
isang artikulo ni Renato Constantino, ang ”Globalization and Intellectual Tradition,” kinilalang
progresibong historyador ang paghubog ng misedukasyon sa mga intelektuwal na Pilipino.
Ayon sa kanya, ang mga intelektuwal natin ay may tendensiyang maging
tagasunod/tagatanggap sa ideolohiya ng mga bansang kapitalista, sa siyang binibigyang-
puwang ng midyang pandaigdigan. Subalit may sektor naman ng intelligentsia na
kinapapalooban ng mga intelektuwal na ang kamalayan ay pinanday sa pakikibaka ng mga
inaapi ang impluwensiya ng mga edukadong kinakasangkapan ng katutubong burgesyang
naglilingkod sa kapitalismong global.
Nakalangkap sa wika at panitikang katutubo ang pinagdaanang kasaysayan ng
sambayanang lumaban sa pananalakay at pang-aalipin ng kolonyalismong Espanyol at
Amerikano. Kailangang igiit ng mga progresibong intelektuwal na pahalagahan ang mga ito
at pagyamanin naman ng ating mga paaralan. Sa batayang antas ng sistema ng edukasyon,
nangangailangan ng mga babasahin at pagsasanay ang mga guro ng mga kabataang ang
kamusmusan ay matabang lupa sa pagpupunla ng mga kaisipang makabayan. Sa
tersiyaryong antas, may bagong kurikulum na nagtatakda na ituro ang panitikan ng Pilipinas
sa mga bagong pasok sa kolehiyo. Mahalagang hakbang ito tungo sa pagpapayabong ng
nasyonalismo sa hanay ng kabataan kung gagamiting lunsaran ng mga talakayan hinggil sa
kasaysayan at sa kaugnay ng panitikan sa lipunan.
Sa Copenhagen Seminar, inilatag ang ilang panukala upang pakinabangan ng maliliit
na bansa ang globalisasyon. Tanggap ng mga dumalo sa kapulungan na prosesong
sumusulong na ang globalisasyon. Ang mahalaga sa ngayon ay ang paglinang sa
demokratisasyon at sa pagpapairal ng kapakanan ng sariling bayan at sambayanan.
Itinagubilin ang pagpapaunlad sa pagkaunawa sa kabuuan ng galaw ng globalisasyon at ang
impluwensiya nito sa mga patakaran ng bawat pamahalaan. Ang mabilisang
pagsasakatuparan ng proseso ng globalisasyon ay mangyayaring pabagalin upang ang
pagpapasiya sa mga panukala at atas ng WTO ay maipailalim sa masusing nang maiangkop
ang mga ito sa kalagayan at kapakanan ng partikular na bayan. Ang konsepto halimbawa ng
”pakikipagkompetisyon” (competitiveness) ay magagawang lapatan ng mga pamantayang
makatao upang hindi ito mauwi sa lantay na panlalamang ng mayayamang bansa.

Ang Filipino sa Internet


Ni: Isagani R. Cruz

Magsimula tayo sa isang kuwento na mababasa sa World Wide Web sa isang website
o homepage na tinaguriag Green Jokes (https://www/x3network.net/alles/phil2.htm):
Four women we’re discussing who has the best boyfriend/lover .

88 | P a h i n a
Woman No.1 - I have the best boyfriend, he’s an accountant. Enter siya nang enter.
Woman No. 2 - My boyfriend is better, he’s an engineer. Erect siya ng erect.
Woman No. 3 - A, wala ng tatalo sa boyfriend ko. He’s a doctor. Siya ay inject ng inject
Woman No. 4 – Well, ang aking boyfriend ay bisaya. Masyadong malambot ang
kanyang dila.
(http://wwx3network.net/allews/phil2.htm#lover)
Hindi ang kabastusan ang nais kong ipamahagi dito, kundi ang kabastusan ay nasa
wikang Filipino. Sa Ingles nagsimula ang joke pero ang puso at diwa ng joke ay nasa wikang
Filipino. Sa katunayan, kung Pilipino ang nagbabasa ng joke, kung hindi niya alam hindi
lamang ang wika kundi ang pagkakaiba ng wikang Ilonggo o Cebuano sa wikang Tagalog ay
hindi niya makukuha ang joke sa isang marunong mag-Filipino.
Ang pagbibiro o ang pagjo-joke ay isa lamang sa maraming gamit ng wikang Filipino
sa internet sa kasalukuyan. Malaki rin, halimbawa, ang paggamit ng wikang Filipino sa web
site, dahil ito’y binubuo ng karaniwang pangungusap na karaniwang tao. Mula tsismis at joke
hanggang seryosong diskusyon. Makukuha sa internet ng chat site ang mga marunong mag-
Filipino (http://www.ecf.toronto.edu/~caldero/irc.html), na tulad ng chat manila
(chat.mozcom.com8787) , Magic (magic.cnl.net7000) ; Hacker’s World
(mail.ictcollege.edu7000) Iskul Bukol (twister.ica.net7000), chat DLSU (chatdlsu.edu.ph2401)
Music Zone (balu.admu.edu.ph8787), Catholics anonymous(uso-fx.com7000), DPSI
tambayan *chat.dpsi-filipinas.com.ph), Chat bulak (chat.bulak.ph.net7000) , Chat Ober Da
Bakod (learn.senecac.on.ca700) Chat Seafoods(mai4.dlsu.edu.ph2444) Olad chat
manila(chat.manet.net8787) Heaven (penoy.admu.edu.ph8787) , Erap-tion
(chat.mozcom,com2323), the Zone (chat.dlsu.edu.ph), 7000 (chat.dlsu.ph at chatt Mindanao
(uis.fapnet.org7000). Mapapansin na marami sa mga chat group ang nakabase sa
Pamantasang De La Salle, ang unang pamantasan sa Pilipinas na nagbigay ng sariling e-
mail account sa lahat ng kanyang mga estudyante.
Alam kong parang adiksiyon na katulad ng droga ang pag cha-chat sa internet.
Natuklasan na ito ng isang grupong gumawa ng undergraduate thesis sa La Salle noong
nakaraang taon. Sa ganitong pananaw ay hindi masyadong nakabubuti para sa kabataan o
sa kaalaman ng mga chat group. Pero dahil hindi lamang diyan maaaring gamitin ang wikang
Filipino.
Maaari ring gamitin ang wikang Filipino sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan
na nasa Tagalog o Filipino sa internet. May mga homepage na talagang panitikang Filipino
lamang ang laman tulad ng mga homepage ni Ria Roncales.
(http://www.teleport.com/~rua/rrunkles.html)at(http://www.teleport.com/~Oria/angst.ht
ml) at ng iba pang tanikalang Ginto- Philippine golden links.
(http://www.mcs.net/~asia1/links/literature.html)nas dating (http://www.tribo.org
/new1.html) pero noong Hulyo 1997 ay lumipat sa (http://www.filipinolinks.com) maaaring
puntahan ang kaugnay ng (http://www.filipinolinks.com ) Natural, hindi lamang sa wikang
Filipino o sa wikang Tagalog nasusukat ang ating panitikan. Kung kaya’t may mga homepage
na nakasulat sa ibang wika tulad ng sadiriu’s home og iluko/ Philippine literature on web.
(http://geocites .com//Athens/acropolis/3219/index2.html) na may mga link naman sa

89 | P a h i n a
ibapang website na tulad ng Gumil-internet: Ti Pluma ni ilokano iti internet.
(http://www.maui.net/~t_group/gumil/gumil.thml) na nakasulat sa wikang iloko.

Magagamit din ang Filipino sa pagbasa ng mga titik ng ilang awiting Tagalog tulad ng
“Ang Pipit” at “Sit-si-rit-sit”
(http://thunder.temple.edu/~pangeles/folk.html) at ng mga pamaskong awitin tulad ng
“Ang pasko ay sumapit,” “Himig pasko,” “Pasko na naman” “Pasko na sinta ko” at “12 Days
of Christmas.”
(http://thumdertemple.edu/~pangeles/xmassongs.html)/ . Mababasa rin ang mga
cookbook at resipe na nakasulat sa Tagalog (http://virtual-
pc.com/graviles/pages/recifrae.html).
Sa matataas na antas ng intelektuwalisasyon, magagamit din ang Filipino sa pagbasa
ng mga rebyu ng pelikula na paminsan-minsan ay ginagawang kritiko si Cloudualdo del
Mundo Jr.
(http://linus2.dlsu.edu.ph/~clagam.news/).
Sa pagbabasa naman na balita sa maraming pahayagan ng Filipino na nasa internet
ay maaaring halimbawa ang Filipino homepage/Pahayagan sa internet/Philippine Popular
Media Watch/ Mga imaheng pinoy sa popular na media.
(http://www.pubweb.acns.nwu.edu/~flip/media.html). Hindi ko pa gaanong nasusuri
ang mga pahayagang Pilipinas, bikol News: Pinoy Showbiz, Fil-am Courier, Journal group
(people’s journal, taliba,tonight, women’s journal), Heritage, Philippines Express online,
Business world Online, Balita-L: Philippine News Agency (http://www.mabuhay.com), NCR
Newsletter: Filipino Unity New Letter, ThePhilippineReporter, Manila Bulletin, Asian Week
Online at kahit saang Philippine star online, na pawang nasa web pa. Pero malamang na
bahagi ng mga ito ay nasa wikang Filipino.
Masarap pero makain sa panahon ang pag su-surf sa internet. Kung marami kayong
oras at nais n’yong hanapin ang mga gumagamit ng Filipino ay maaari kayong magsimula sa
malawakang search engine tulad ng Yahoo o ang mas mabuti ay sa pang Filipinong search
engine tulad ng Habing Pilipino-The Pinoy Web Ring (http://geocites.com/tokyo/towers/7247);
Philippine news link – Philippine news (http://www.philippinenews.com/) o EDSA
(http://www.edsa.com.ph/) ang parang ninuno na lahat ng ito ay soc. Culture Filipino na
nagsimula noong wala pang web. Sa internet at pulos ng mga news group o bulletin board
lamang maaaring magsulat. (alt.psst.hoy), pero hindi ko pa ito nadadalaw.
May mga webpage na malaki ang kaugnayan sa Filipino, na tulad ng
(http://www.web.net/~filipino/) at ng Filipino Home Page
(http://www.cyberus.ca/~filipino_hp/cov.htm/#current). At ang huling nabanggit ay may
sariling pahinang tagalog (http://www/cyberus.ca/~filipino_hp/tagalog.htm) .
Paano naman matututo ng mga Filipino ang mga banyaga dahil sa 60 milyon na
kataong may koneksyon sa internet, iilan lamang naman ang nasa loob at labas ng Pilipinas
at taal na marunong mag Filipino? Mayroong website na para lamang sa gustong matutong
mag-Tagalog. Kaya lang, hindi mga lingguwista ang gumagawa nito, kaya medyo marami ang

90 | P a h i n a
mali. Halimbawa ay ang Tagalog home page ni Jesus Dizon na isang antropologo
(http://www.halcyon.com/dizon/welcome.html). Ang salin ni Dizon na pangungusap na Ingles
sa “Please bring the bill” para sa nasa restawran ay “ Dalhin mo nga ang kwenta”
(http://www.halcyon.com/dizon/eat.html). ay maririnig pa ngang bumibigkas ng pangungusap
na ito, kaya nga lamang ay walang sound card ang notebook na ginagamit ko para pasukin
ang website niya, kaya hindi ako makapag-comment tungkol sa kalidad ng pagbigkas.
May mga Tagalog Home Page din ang isang estudyante sa High School sa La Union
City sa United States na si Emmanuel Brown, ang Pilipino Tayo, Tuloy po kayo
(http://www.jlhs.nbusd.k12.ca.is:80/class/Foreign_Language/tagalog/pilipinotayo/tuloypokay
o). Sa mga di lingguwista at sa mga batang di-Filipino nakasalalay ang kinabukasan ng
wikang Filipino rito sa atin; dahil wala silang ginagagawa, iba na ang nagkukusang turuan
ang mga taga-ibang bansa ng ating sariling wika. Hindi masamang magkusa ang mga ito.
Pero masama kahit na maganda ang intensyon ng mga maka-Tagalog, karaniwan namang
kulang sila sa teknikal na kaalaman tungkol sa wika.
May mga diksyunaryo o talasalitaan pa ng Filipino sa internet. Halimbawa, may
talasalitaan ng arnis at iba pang martial arts
(http://www/terminology.html;cf.http://pw2.netcom.com/~w17js/Tagalog.html). May mas
malaking diksyunaryo, pero wala pa akong java script na browser upang mabasa ito.
(http//:www.skyinet.net/users/afpcsc/pilipino/pilipino.htm). Para sa mahilig magsaliksik
tungkol dito, May listahan ng diksyunaryo at balarila ng Tagalog.
(http//:www.tribo.org/bookshop/dictionary.html).
Sa internet, Tagalog ang tawag sa Filipino. Isang dahilan nito na ang pangangailangan
ng computer ay isa lamang ang kahulugan ng bawat salita. Ang salitang Filipino ay ginagamit
para mahanap ang mga tanong na tungkol sa Filipino, kaya tinawag lamang na Tagalog ang
wika. Pero maaari rin siyempre, na hindi talaga alam ng mga nasa ibang bansa ang Filipino
ang ating wikang pambansa. Halimbawa, ang akala ni Dan Danao na Tagalog talaga ang
ating wikang pambansa. *ang tawag niya sa Tagalog ay national language of the Philippines.)
http://pw1.netcom/~wmodem/danao.html). May software pa nga siyang ipinagbibili, ang
Tagalog Look-up Version 2.0.
Kasalanan din naman ng gobyerno natin iyan. Halimbawa, ayon sa mga patalastas ng
departamento ng turismo (http;//www.filipino.com), Pilipino at hindi Filipino ang ating wikang
pambansa, (cf.http://www.sinio.net/asean/philippin.html at Philippine business online
([http;//web.eunet.ch:80/eiger/pbol/]). Ang sabi ng DOT sa mga ahente ng paglalakbay sa
ibang bansa ay ito:” The national language is Pilipino which is based on the language of
Tagalog, although there are one or two dialects spoken in every region.” Hindi lamang ang
Filipino ang nilait kundi pati ang wikang vernacular na naging dayalekto na lamang. Ine-mail
ko na ang DOT sa San Francisco noong 16 hulyo 1997, dahil sa pagkakaalam ko ay sila ang
may pasimuno ng ganitong impormasyon pero wala pa silang ginagawang pagbabago sa
kanilang website, Ito rin DOT, kung hindi ako nagkakamali ang nagsalin ng Goodbye sa
salitang “paalam na po” sa isang drayber ng dyip.
Pero may mga lingguwista namam talaga sa internet. Halimbawa’y ang yamada
tagalog WWW guide (http://babeluoregon.edu/yamada/guides/tagalog.html) na gawa ng
Yamada language center ng University of Oregon sa Estados Unidos. Medyo pambata pero
mas mabuti ng kaysa wala.
Sa madaling salita, ano ang gamit na wikang Filipino sa internet? Unang-una, para
makasali sa usapang umaaktibo ng mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo na inuugnay

91 | P a h i n a
na ng internet ngayon. Sa mga News group at chat group na mga ito, kailangan nakakaintindi
ng Filipino upang higit na maintindihan ang pinag-uusapan. Ikalawa upang mabasa ang mga
tekstong seryoso sa internet tulad ng mga rebyu sa pelikula o sa pahayagang virtual. Ikatlo,
para malaman ang kaunlaran ng wika sa kamay ng mga hindi taal tunay na nag pi-Filipino;
Makikita na karamihan sa mga sumusubok na magturo ng Filipino sa ibang bansa nasa
internet ay hindi Filipino o lingguwista kundi mga banyaga na mahilig lamang.
Hindi ko tinalakay sa papel na ito ang personal o pribadong komunikasyon ng mga
gumagamit ng internet para lamang sa email. May ginagawang pag-aaral na naman tungkol
dito ang kaibigan kong si Ma. Lourdes S. Bautista, sa kanyang panayam propesyonal Goh
Kim Pah sa La Salle noong 18 Marso 1997, ang “systematic o rule govern nga ba o baka
naman anything goes talaga: Tagalong-English Code Switching re-Analyzed” Matatandaan
na tesis ni Bautista na sa gamit na tinatawag niyang code switching o cs (o tinawag kong
Filipino), mapapayaman ang pandaigdig na balarila (universal grammar) at modelong
sikolingguwista ng billinguwalismo (psycholinguistic model of bilingual linguistic competence.)
Sigurado akong maraming website na hindi nabanggit. Sa laki ng world wide web-
alalahanin natin muli na 60 milyong mga computer ang nakakabit dito sa lahat ng sulok ng
daigdig - at imposibleng malaman ng kahit na sino kung ilan o nasan ang lahat ng website
na gumagamit ng wikang Filipino. Ang naipakita ko ngayon sa inyo ang halimbawa lamang
ng hindi pa talaga natutuklasang yaman ng gamit ng ating sariling wika sa mundong virtual.

Ilan lamang ang mga binasang artikulo sa mayamang kalipunan ng mga babasahin na
ginamit ang wikang Filipino at tumawid sa iba’t ibang paksa. Isang hamon na basahin ang mga
ito at kalaunan ay makabuo rin ng mga ganitong pag-aaral, sulatin, o pananaliksik. Bilang guro,
hamon na gamitin ang wikang Filipino bilang tulay sa pagtuturo at pagpapaunawa ng
asignatura gamit ang konteksto ng karanasang Pilipino.

PAGSUSURI

BLOG-BLOGAN: Gamit ang mga tanong, gawing gabay ito sa pagbuo ng blog sa kahit anong
uri o anyo. Tiyaking magiging patnubay ang mga tanong sa pagbuo ng makabuluhang diwa at
kaisipan bilang kasagutan.

1. Ano ang nakitang kahalagahan ng gamit ng wika sa mga artikulo?


2. Paano ginamit ang wika sa paglalahad ng artikulo?
3. Paano nakita ang Filipinolohiya direkta o di man direktang nakita sa
pagpapalawak at pagpapahusay ng talakay sa artikulo?
4. Paano makatutulong ang mga ganitong artikulo sa pagpapayaman ng wika at iba
pang larangan?
5. Ano ang naghihintay na hamon sa pagsulat, pagbasa, at pagtuturo gamit ang
Filipinolohiya sa iba’t ibang larangan?

92 | P a h i n a
PAGLALAHAT

BUO-KAALAMAN: Gamit ang mga bitin na pahayag, bumuo ng komprehensibong lagom o


paglalahat mula sa natutuhan sa aralin.

May mga babasahin pala sa iba’t ibang Sa mga babasahin, hindi lamang dapat
disiplina na gumagamit ng wikang gamitin ang wika. Mahalagang makita
Filipino kaya lang… ang kontekstong Pilipino upang…
________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________
________________________________ _________________________________
_________________ _____________

PAGLALAPAT

SA AKING KLASE: Bumuo ng mga plano kung paano makikita ang Filipinolohiya sa prosesong
pedagohikal. Maaaring hatiin sa babasahin, paraan ng pagtuturo, gawaing pampagkatuto, at
iba pa ang pagmulan ng mga tiyak na plano.

Teksto o Babasahin Paraan ng Pagtuturo Pagsasanay o Gawain

1.____________________ 1.____________________ 1.____________________

____________________ ____________________ ____________________

2.____________________ 2.____________________ 2.____________________

____________________ ____________________ ____________________

3.____________________ 3.____________________ 3.____________________

____________________ ____________________ ____________________

4.____________________ 4.____________________ 4.____________________

____________________ ____________________ ____________________

5.____________________ 5.____________________ 5.____________________

____________________ ____________________ ____________________

93 | P a h i n a
A R A L I N 19

gg PA N D E M YA a t F I L I P I N O L O H I YA :
Penomenang Panlipunan sa Kaisipan at Kulturang Pilipino

▪ PANDEMYA
▪ Ang Covid- 19 ang pandemyang bumago sa buhay ng mundo. Malaki ang
epekto nito sa pagbabago ng modalidad ng prosesong pedagohikal na
dapat tugunan. Bagama’t ito’y suliranin, magandang pagkakataon din ito
bilang tiyak na pangyayari upang masuri ang ugnayang kaisipan, lipunan,
at kulturang Pilipino.
▪ PANDEMYA at FILIPINOLOHIYA
▪ Ang pandemya ay penomenang panlipunan. Sa pangyayaring ito, tiyak na
magagamit ang Filipinolohiya upang ipakita ang kaisipan, lipunan, at
kulturang Pilipino. Mula sa natutuhan sa pangyayaring ito, magiging
patnubay ito sa mga susunod na pangyayaring panlipunan.
▪ GURO, MAHUSAY sa PAGBUO ng KONTEKSTONG PANLIPUNAN
▪ Malaki ang gampanin ng guro upang ikonteksto ang mga aralin kaugnay sa
karanasan ng mag-aaral sa kanyang kapaligiran. Ang mahusay na gurong
nagkokonteksto ng mga teksto at aralin ay pagsasakongkreto ng mga
kaalaman na magiging kasanayan at kahusayan ng mga mag-aaral.

▪ Sa pagtatapos ng linggo/sesyon pag-uusapan ang Batayang Ugnayan ng


Pandemya at Filipinolohiya. Layunin nitong:
o Maiugnay ang Filipinolohiya sa kasalukuyang sitwasyon.
o Masuri ang danas sa pandemya upang ilarawan ang kaisipan, lipunan, at
kulturang Pilipino gamit ang mga aktuwal at tiyak na karanasan.
o Makabuo ng “TALAKARANASAN” na pagbabatayan ng mga pangyayari sa
pandemya.

94 | P a h i n a
PANDEMYA KA LANG,

PILI at PINO ang mga PILIPINO

BALITASTASAN: Gamit ang mga tanong, bumuo ng kasagutan gamit ang ulo ng balita o
impormasyon sa tanong at ilahad sa paraang palahad o palarawan.

2. Ano ang ugnayan ng


pandemya at Filipinolohiya?

________________________
______________________
______________________

Ang pandemya o Covid-19 ang gumulat at bumago sa kalakaran ng buong mundo. Binago
nito ang karaniwan nating pamumuhay na tumatagos sa sistema at larangan ng edukasyon.
Malaki ang naging hamon ng pandemya sa kaisipan, kultura, at lipunang Pilipino. Sa unang
tingin, nagbigay ito ng napakaraming hamon, pero maaaring tanawin ang pandemya bilang

95 | P a h i n a
bintana rin ng maraming oportunidad. Malaki ang iiwanang hamon at aral ng pandemya na
magagamit sa susunod na henerasyon.

Diwang Sala-salabid sa Kuwentong-Covid

Ni: Voltaire M. Villanueva

Patapos na ang taong 2019 nang pumutok ang balita ukol sa isang uri ng sakit sa China.
Maraming haka-haka ukol sa ugat ng sakit. Naglabasan ang kuwento ukol sa sanidad sa isang
pamilihan at may usapan ding likha talagang sakit ng Tsina para patunayan ang kapangyarihan
nila sa daigdig dahil kalaunan, sila rin ang lilikha ng gamot nito. Unang buwan ng taong 2020
kasabay ng maraming krisis sa Pilipinas gaya ng pagputok ng Bulkang Taal, African Swine Flu,
at iba’t ibang isyung panloob; nabago ang dinamismo ng galaw ng mga tao. Ipinatupad ang
quarantine community na di nalalayo sa lockdown na ipinairal din sa iba’t ibang panig ng mundo.
Maraming plano ang hindi nakulayan: moving up ceremony sa basic education, planong outing
para sa tag-init, at marami pang iba. Kasabay nito ang paghihingalo ng ekonomiya ng bansa at
ang hamon sa liderato na salamin ng sistemang politikal. Kung gaano kabilis ang pagkalat ng
virus, ganoon naman ang bagal ng mga tugon sa hamon. Kasing bilis pa ng paghawa ng sakit
ang pag-usbong ng maraming isyung panlipunan: anti-terror law, ABS shutdown, taripikasyon
sa online selling, at kung ano-ano pang virus sa bansa higit sa covid.

Sa larangan ng edukasyon, naging tanong: May pasok pa ba? Paano ang baon? Paano
na kami magkikita ni crush? Paano ang assignment, group discussion, project, assessment, at
iba pa?

Sa likod ng maraming tanong, tiyak na


malinaw ang magiging tugon. May malaking
pagbabago sa nakagawian o nakasanayan.
Kailangang magpatuloy at hindi mapagilan ng
pandemya ang inaasahan ng bawat Pilipino
na pag-asa mula sa edukasyon. Iba na ang
kalakaran, polisiya, at mga patakarang
ipatutupad maging ng mga paaralan na
inaasahang suportahan ng mamamayan.

Kasama sa pagbabago ang maraming


pagpipilian batay pa rin sa konteksto ng
pamilya, paaralan, o pamayanan. Bagamat
litaw ang talinghaga ng social at physical
distancing, kailangang tanggapin na
pinalutang ng pandemya ang agwat-agwat na
kalagayang panlipunan sa pagitan ng
mayaman at mahirap, bayan at baryo, sentro
at liblib, at iba pa.

96 | P a h i n a
Kaniya-kaniya ang naging tugon at pagkilos. Kasing bilis ng virus ang paglaganap ng
kabi-kabilang webinar ukol sa iba’t ibang paksang tinutuhog ng ugnayang edukasyon. Lumutang
ang mga paksang Covid at nagsala-salabid sa mga kaugnay na paksa ukol sa kapaligiran,
kalagayang mental, kalusugan, at iba pa. Habang marami ang nag-aabang sa iba’t ibang uri ng
ayuda at tugon sa SAP at kaakibat nitong kontrobersya, lumulutang pa rin sa likod ng krisis ang
mayamang adbokasiya.

Bukod sa laptop. cellphone, at iba’t


ibang gadget naging kahingian din ang
pagbuo ng iba’t ibang kagamitang
pampagtuturo gaya ng modyul at ipa pang
learning resources. Tanong kung may access
o afford ba ng guro na bumili o magkaroon ng
kahingian. Pero mas matindi ang tanong kung
may abilidad ba ang bawat isa na tumugon sa
hamon. Lampas sa gamit o bagay ang
hinihingi ng covid, kailangan ng mapusong
pagtuturo para sa bata at bayan.

New normal o bagong kadawyan ang


tugon at dapat maging paghahanda. Ito na
ang uso at dapat yakapin ng mga Pilipino at
ng buong mundo. Iba-iba man ang magiging
pamamaraan at kalakaran sa bagong
kadawyan, lagi at lagi pa ring magiging salik
sa pagtuturo sa iba’t ibang mobilidad ang
ugnayang nilalaman at kasanayan na
umaangkop sa disenyong pinagtitibay ng iba’t
ibang makabago at inobatibong estratehiya.
Hamon ito kung tutuusin, pero kayang
tugunan ito ng guro.

Umiikot ang tanong nga bawat isa sa


ano, sino, bakit, at paano. Tulad ng mga guro,
tanong rin ito na madaling masagot ng taong
gagawa ng paraan lamang sa dahilan. Laging
pinag-uugnay ng mga kasagutan ang
pagtuturo ng angkop na nilalaman para sa
kapakanan ng mga mag-aaral. Ang paraan ng
pagtuturong birtuwal, personal, o malayang
paraan na kilala sa tawag na flexible learning
ay pinatitibay ng dapat, sapat, at lapat na
disenyo upang ang pagkatuto ay tiyak at
siguradong matatamo.

97 | P a h i n a
Ang edukasyon ang sinasabing tulay sa panlipunang mobilidad. Ito ang daan na
magdurugtong upang patingkarin ang ugnayang kaisipan, lipunan, at kulturang Pilipino. Tunay
na magiging iba ang sistemang edukasyonal na hinubog ng pandemya. Tiyak lilitaw ang
kasalatan at kakulangan kalaunan pero tiyak magagawan ito ng remedyo at paraan. Hindi man
magkatulad ang mga hakbang ng bawat tahanan, paaralan, at pamayanan; pagtatagpuin pa rin
ito nang marubdob na hangaring matamo ang pagkatutong maka-Pilipino.

Ang bawat guro ay pag-asa. Ang guro


ang isa sa magtatahi ng hibla ng lipunan,
kultura, at kaisipan gamit ang mapusong
pagtuturo. Nasa kanyang isip ang
sinumpaang tungkulin na sa panahon ng
pandemya, maituturing s’yang frontliner ng
karunungan. Ang mga guro ang tagapaghatid
ng esensiyal na kasanayan gamit ang
batayang pangnilalamang abot-tanaw ng
karanasan ng sambayanan.

Hindi mahahadlangan ng anumang


balakid ang gurong malikhain, mapanuri, at
mapagmahal sa bokasyon ng pagtuturo.
Malinaw sa guro na siya’y tagapagtaguyod ng
maka-Pilipinong paraan upang umusbong at
tumibay ang kaisipang nakadikit sa
kapakanan ng sangkapilipinuhan. Titiyakin ng
guro na kanyang dala, bala, at sandata ang
mapusong pagtuturo para sa bata at bayan.

PAGSUSURI
R.O.S: Reaksyon, Opinyon, Saloobin: Ipahayag ang hinihinging kasagutan sa payahag o
katanungan.

1. Litaw na litaw ang kaisipan, lipunan, at kulturang Pilipino sa panahon ng pandemya.

Reaksyon ko lang… Sa aking palagay… Pakiramdam ko…

______________________ _______________________ ___________________

2. Kung hindi matatag ang tahanan, paaralan, pamayanan, at pamahalaan, tiyak patutumbahin
ng Covid.

98 | P a h i n a
Reaksyon ko lang… Sa aking palagay… Pakiramdam ko…

______________________ _______________________ ___________________

3. Paano palalakasin ang maka-Pilipinong edukasyon mula sa natutuhan sa Covid?

Reaksyon ko lang… Sa aking palagay… Pakiramdam ko…

______________________ _______________________ ___________________

PAGLALAHAT
USAL-DASAL: Bumuo ng panalangin bilang paglalahat ng natutuhan sa aralin.

______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________
______________________________

PAGLALAPAT
TALAKARANASAN: Magtala ng mga natatandaang kuwento o salaysay ng naging karanasan
sa panahon ng pandemya. Kailangang makita ang sumusunod:

• ugnayang kaisipan, kultura, at lipunan


• aral na hatid sa pangyayari
• kuharili o kuharami kaugnay ng kuwento at salaysay
• sinop ng pagpili ng mga angkop na salita na pinakinis ng gramatika

99 | P a h i n a
TALASANGGUNIAN
Aguas, Ferdinand. (2015). Biglang Liko, Sabay Yuko. A & S Books Publishing Corporation. Makati City.

Almario, Virgilio S. (2013) “Ano ang Ambag mo sa Wikang Filipino” sa AMBAGAN: Mga Salita Mula sa Iba’t
Ibang WIka sa Filipinas. The University of the Philippines Press. Diliman, Quezon City.

_______(2006). “Tungo sa Edukasyong Filipino” sa SAWIKAAN: Mga Salita ng Taon.

Batnag, Aurora E ((et.al). (2009). Pamfilo Catacataca PhD: Ang Manghahasik sa Edukasyong Pangwika.
Parangal kay Pamfilo Catacataca ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF). Suatengco Publishing House. Caloocan City.

Covar, Prospero R. (pat) (1999). Mga Babasahin sa Agham Panlipunan 1. Sentro ng Wikang Filipino-Diliman.
Unibersidad ng Pilipinas. Lungsod ng Quezon.

De Castro, Leonardo. (1995). Etika at Pilosopiya sa Kontekstong Pilipino.The University of the Philippines Press.
Diliman, Quezon City.

Javier, Dorothy P. (2016) “Pananahimik at Wikang Filipino: Isang Pagsasakultura ng Pananampalataya.


Filipino Wika ng Karunungan. Komisyon sa Wikang Filipino. San Miguel Maynila.

Macapagal, Vic. (2016). Krosword Kultura. Komisyon sa Wikang Filipino. San Miguel Maynila.

Maggay, Melba P. (2002) PAHIWATIG: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Filipino. Ateneo de Manila Press
University.

Nuncio, Rhoderick et.al. (2014) Makabagong Filipino sa Nagbabagong Panahon: Batayang Aklat sa Kapaki-
pakinabang na Komunikasyon sa ika-21 Siglo. C & E Publishing, Inc. South Triangle, Quezon City.

Navarro, Atoy M. et.al. (pat). (2007). Mga Babasahin sa Agham Panlipunang Pilipino: Sikolohiyang Pilipino,
Pilipinolohiya at Pantayong Pananaw. C & E Publishing, Inc. South Triangle, Quezon City.

Paz, Consuelo J. (2005). Gabay sa Fildwurk. The University of the Philippines Press. Diliman, Quezon City

Romualdez, Norberto L. (2014). Buhay at Kulturang Filipino at Ibang mga Sanaysay. Pambansang Komisyon
para sa Kultura at Sining at Komisyon sa Wikang Filipino. Aklat ng Bayan. Metro Manila.

Santos. Benilda.(2003). Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa. Unang Sourcebook ng
SangFil. UP Sentro ng Wikang Filipino-Diliman at Pambansang Komisyon para sa Kultura at Sining.
Diliman, Lungsod, Quezon.

Timbreza, Florentino T. (2017). “Artikulasyon ng Katutubong Pilosopiya” sa MALAY, Tomo 30 Blg. 1. De La


Salle University Publishing House. Taft, Manila.

Villanueva, Voltaire M. (2013). Sulyugan: Tagalog Mindoro sa Komunidad Pangwika ng Bongabong. Sa


AMBAGAN 2013. Filipinas Institute of Translation. Lungsod Quezon.

______________(2016). Makabayang Pedagohiya sa Pagpapatupad ng OBTEC (Outcomes-Based Teacher


Education Curriculum) Filipino sa PNU-Maynila. Philippine Normal University, University Publication
Office. Taft Avenue, Manila.

Yapan, Alvin B. (pat) (2010) Burador. Ateneo de Manila University Press. Loyola Height, Lungsod Quezon.

100 | P a h i n a
101 | P a h i n a

You might also like