You are on page 1of 1

1. Bakit higit na nakikilala ang gawaing pagsasalin sa kasalukuyan?

Ano ang ambag nito


sa wika at iba't ibang larangan sa Pilipinas?
Ang pagsasalin ay tiyak na nakakatulong pagdating sa akademikong pangangailangan.
Ang Pilipinas ay kumukuha ng ideya o mga pag-aaral mula sa iba’t ibang bansa. Dahil dito, mas
nagiging agresibo ang Pilipino sa pagkatuto at pausbungin ang layon na makipagsabayan
pagdating sa kalidad ng pagkatuto. Magiging susi ito sa pagkakaroon ng pagkakaisa sapagkat
marami man tayong pagkakaiba mayroon at mayroon pa rin tayong pagkakatu;ad na magiging
daan upang magamit ang mga saling wika sa pagpapaunlad ng iba’t ibang larangan sa Pilipinas.
Nang sa gayon, ang mga sapat ng pagkakatulad natin ay magiging daan tungo sa pagkakaisa at
pagkakaintindihan ng bawat indibidwal.
2. Ayon sa mga punto ng babasahin, alin sa mga inihatid na payo sa pagsasalin ang higit
mong dapat bigyang-pansin? At paano mo nakikita ang silbi nito bilang isang
mananaliksik?
Higit na dapat pagtuunan ng pansin ay ang sapat na kaalaman ng tagasalin sa paksang
kanyang sinasalin. Isang kasalanan sa paraan ng pagsasalin ang panghuhula at pagbabago ng
mga impormasyong nakaangkla sa naturang paksa. Nagiging mahusay at maayos ang pagsasalin
kung ang tagapagsalin ay may malawak na kaalaman sa paksang tinatalakay. Kailangang
interesado rito ang tagasalin. Makatutulong din ang malaki kung makikipag-ugnayan ang
tagapagsalin sa orihinal na sumulat ng akdang kanyang isasalin.
3. Suriin ang apat na mungkahing paraan ng pagsasalin ng At a Glance: The 2016
Proposed National Budget ayon sa (SALIN A, B, C, at D). Pumili ng isa na sa iyong palagay
ay pinakaepektibong salin at maglaan ng paliwanag kung bakit.
Ang pinakaepektibong salin para sa akin ay ang SALIN C. Sa pagbabasa ko ng ibang
salin, mabagal kong naiproseso ang gusting ipahiwatig ng orihinal na may-akda. Maraming
termino sa SALIN A at B ang hindi ko alam kahit na ito ay nasa Wikang Filipino. May ibang
salita na malalim ang pagsalin at maaaring sa iba ay hindi tugma sa kanilang interes. SALIN C
ang nbapili sapagkat habang binabasa ko ang salin, naiintidihan ko ang palsang tinuturan dito.
Maayos ang pagsasalin at ang mga piniling salita ay higit na maiintindihan kahit hingi gaano
katas ang antas ng karunungan. Masasabi kong ang SALIN C ang may higit na epektibong salin
sa lahat ng nabanggit na salin.

You might also like