You are on page 1of 12

Suriin

Basahin at unawain ang abstrak ng saliksik. Suriin ang nilalaman nito. Sagutin ang mga
katanungan sa ibaba.
Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang Taglish sa Pinoy New Testament?
Mula sa saliksik nina Almoete, Banggad, at Garferio
Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung swak (tanggap) o
ligwak(di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don Luis Ababa Senior High
School ang pagsasalin sa wikang taglish ng Pinoy New Testament. Sinagot sa pag-aaral
na ito ang mga katanungang: (1) Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag
sa Pinoy NT? (2) Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga
kabataang mambabasa nito? (3) Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng
kulturang Filipino lalo na sa pananampalataya nito? Ang pananaliksik na ito ay isang uri
ng kuwantitabo sapagkat sinukat ang saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa
pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa pamamagitan ng estatistikal na
pamamaraang weighted mean. Ito ay nilahukan ng 95 na mag-aaral ng nasabing paaralan
na nasa ika-11 na baitang; 10 na lalaki at 10 babae mula sa strand na STEM;13 babae at
10 lalaki mula sa ABM; 15 na babae at 10 lalaki mula sa HUMSS;15 na babae at 12
lalaki mula sa GAS at TVL strand. Pinili ang mga kalahok sa pamamagitan ng simple
random sampling. Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng
taglish ay “lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean na nangangahulugang
tanggap o swak sa mga kalahok ang pagsasalin nito. Ang Pinoy NT ay “lubos na
nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang mambabasá dahil sa 3.52
weighted mean na naitalâ. Pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos na
nakatutulong” ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa laranangan ng
pananampalataya. Sinusuportahan ito ng 3.39 weighted meanna naitalâ. Dahil dito,
iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may taglish na
pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang
Filipino. Swak ba? Ligwak?
1. Ano ang paksa ng binása mong pananaliksik?
● Ito ay tungkol sa pagiging tanggap o di-tanggap ng pagsasalin ng wikang taglish
sa Pinoy New Testament. Nakagawad ito ng resulta sa pamamagitan ng paggawa
ng surbey sa mga estudyante sa baiting 11.

2. Ano-ano ang resulta o kinalabasan ng pananaliksik?


● Ang unang resulta ay lubos na epektibo ang paggamit ng taglish sa Pinoy New
Testament dahil sa 3.39 weighted mean. Pangalwa, ang Pinoy NT ay lubos na
nakakawili at nakakapukaw ng pansin sa mga kabataan dahil sa 3.52 wighted
mean. Pangatlo, masasabi sa resulta na ang Pinoy NT ay lubos na nakakatulong
sa pagpapaunlad ng kulturang Pilipino dahil sa 3.39 weighted mean.
3. Angkop ba ang metodo na ginamit ng mananaliksik? Pangatwiranan ang iyong sagot.
● Sa aking pagkakaalm ay mas malimit na ginagamit ang “pagsusurvey” kung
ang iyong pananaliksik ay kuwalitatibo. Ngunit dito, ang ginamit ay
kuwantitatibo. Hindi lang ako ganoon sigurado ngunit mas tama siguro kung
kuwalitatibo ang ginamit na metodo ng pananaliksik dahil sa gusto nilang
malaman kung naging epektibo ba ang paggamit ng wikang taglish sa Pinoy
New Testament. Sa paraang ito, makukuha nila ang iba’t ibang karanasan ng
mga estudyante at dito sila makakabuo ng konklusyon.
4. Anong kulturang Filipino ang masasalamin sa pananaliksik na nabasa mo?
● Masasbi ko na masasalamin ang bagong kultura ng Filipino sa aking nabasa at
ito ang paggamit ng wikang Taglish o wikang pinagsama na Tagalog at Ingles.
Sa panahon natin ngayon ay gamit na gamit ang wikang ito. Dahil siguro
madaming pagkakataon na ams madali itong gamitin lalo na pag tayo ay
nagtetext o nagchachat. Ayon pa sa lumabas na resulta, ang paggamit ng
wikang Taglish sa Pinot NT ay lubos na epektibo kung saan makikita nas mas
angat na talaga ang wikang ito lalo na sa mga kabataan. At isa pang kultura ay
ang patuloy na pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos. Tayo ay
naimpluwensiyahan ng mga dayuhan ukol dito at hanggang ngayon ay patuloy
padin na isinasagawa ng sambayang Pilipino.
5. Ano ang kahalagahan o implikasyon sa pag-aaral, kabuhayan, at búhay ang
pananaliksik na pumapaksa sa wika at kulturang Filipino?
● Mahalaga ang mga pag aaral na pumapaksa sa kulturang Filipino sapagkat
dahil dito, mas nabibigyan ng pansin at sagot ang mga bagay at sitwasyon na
hindi natin masyado binibigyan ng atensyon. Nakakatulong din ito upang mas
dumami pa ang ating kaalaman ukol sa mga karanasan at opinyon ng isang
grupo ng tao tungkol sa isang paksa. Ang mga pananaliksik ding ito ay
nakakatulong upang makapag patunay ng isang pangyayari o konklusyon ukol
sa mga kultura ng Pilipino.
Tayahin
Suriin ang ilang bahagi ng pananaliksik. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot.
1. Anong kulturang Filipino ang masasalamin sa pananaliksik na ito, Kalipunan ng mga
Salita na Ginagamit sa Social Media?
A. Paggamit ng salita sa isang lugar B. Paggamit ng kalipunan ng mga salita
C. Paggamit ng salita mula sa social media D. Pag-iipon ng mga salita mula sa social
media
2. Ano-anong wastong pagsusuri ang maaring lumabas sa bahaging ito?
Paglalahad ng Suliranin
Ang mga suliranin na nais bigyang-kasagutan ng pag-aaral na ito ay ang umusunod:
1. Ano-ano ang mga salitang ginagamit sa social media?
2. Ano-ano ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa social media?
3. Batay sa naging resulta ng pag-aaral, anong interbensiyon ang mabubuo at magagamit?
I. Magkakaugnay-ugnay ang mga tanong sa Paglalahad ng Suliranin.
II. Tiyak at wasto ang pagkakalahad ng suliranin.
III. Walang batayan ang paglalahad ng suliranin at mahirap sukatin.
IV. Mahirap tukuyin ang metodong gagamitin sa pananaliksik.
A. I B. II C. I at II D. III at IV
3. Aling pahayag ang tugma sa iyong pagsusuri sa bahaging ito ng pananaliksik?
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay isang Aksiyon Riserts. Matapos malikom ang mga salitang
umuusbong sa social media ay bibigyang pakahulugan. Ang mabubuong kalipunan ay
magsisilbing awtput ng pag-aaral.
I. Tugma ang aksiyon riserts sa disenyo nito.
II. Hindi tugma ang aksiyon riserts bilang disenyo ng pananaliksik.
III. Ang mabubuong kalipunan ng mga salita ay bahagi ng aksyon riserts.
IV. Walang itinakda at inaasahang awtput sa pananaliksik na aksiyon riserts.
A. I at III B. II at IV C. I, III, at III D. I, III, at IV
4. Alin ang wastong pahayag tungkol sa bahaging Layunin at kahalagahan ng Pag-aaral?
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang makamit ang sumusunod na layunin:
1. upang matukoy ang mga salitang ginagamit sa social media;
2. upang mabatid ang kahulugan ng mga salitang ginagamit sa socialmedia; at
3. upang makabuo ng kalipunan ng mga salitang ginagamit sa social media.
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makabuo ng isang “Kalipunan ng mga Salitang
Ginagamit sa Social Media”, upang magamit ng guro para makaagapay sa pagbabago sa
paggamit ng wika.
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
A. I at IV B. II at III C. I at III D. II at IV
5. Alin ang maling pagsusuri mula sa Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral?
I. Ang Layunin ay tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
II. Ang Layunin ay hindi tugma sa Kahalagahan ng Pag-aaral
III. Mahirap matamo ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Masusukat ang inilahad na Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
A. I at IV B. II at III C. I at III D. II at IV
6. Alin sa mga sumusunod na pananaliksik ang hindi pumapaksa sa wika at kulturang
Filipino?
A. Sipnayan: Ligaya o Parusa
B. Karakol: Susulong o Uurong
C. Pananampalataya: Tugon sa Malinaw na Kinabukasan
D. Tiktok: Tulay sa Pagkakabuklod-buklod ng Pamilyang Filipino
7. Alin sa sumusunod na pananaliksik ang tumatalakay sa wika at kulturang Filipino?
A. Saloobin ng mg Mag-aaral Hinggil sa New Normal
B. COVID 19: Sanhi ng Kamatayan sa Buong Sanlibutan
C. Teleseryeng “Ang Probinsyano” Salamin ng Kulturang Filipino: Noon at Ngayon
D. Pinakanangungunang Pamantasan sa Mundo: Pinagmumulan ng Matatagumpay na
Tao
8. Alin sa sumusunod ang hindi dapat isinasagawa sa pagsusuri ng isang pananaliksik?
A. Gumagamit ng paghahatol at pagbibigay ng opinyon
B. Kailangan ang wasto at maayos na gámit ng kritikal na mga salita
C. Ipinapahayag ang matinding damdamin ng pagsang-ayon at di- pagsang-ayon
D. Kung may negatibong ibig ipahayag, gawin ito nang walang pag- aalinlangan sapagkat
makabubuti ito sa isinasagawang pagsusuri.

9. Batay sa iyong pagsusuri sa nilalaman ng pananaliksik, alin sa sumusunod na pahayag


ang nagpapaliwanag tungkol sa metodo o pamamaraan ng pananaliksik?
A. Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kuwantitabong saliksik sapagkat sinukat ang
saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa
pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean.
B. Kitang-kita naman sa kalagayan ng paggamit ng Filipino, walang Filipino na diretsong
nagsasalita ng Filipino, ito’y may halong Ingles na tinatawag nating “taglish”.
C. Pinatunayan din ng datos sa pananaliksik na ito na “lubos nanakatutulong” ang Pinoy
NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa laranangan ng pananampalataya.
D. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may taglish na
pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang
Filipino.
10. Sa pagsusuri ng paksa, ano katangian na dapat taglayin nito?
A. Lagom ng kabuoang nilalaman ng saliksik
B. Ang paksa ng saliksik ay tiyak at hindi malawak
C. Ang pangunahing paksa o lalamanin nito ay makikita sa pamagat ngsaliksik
D. Ang A, B, at C ay katangian ng isang paksa
11. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi nabibilang sa Paglalahad ng suliranin?
A. Epektibo ba ang pagsasalin sa Taglish ng mga pahayag sa Pinoy NT
B. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga kabataang
mambabasá nitó
C.Nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino lalo na sa
pananampalataya nitó?
D. Swak (tanggap) o ligwak (di-tanggap) para sa mga mag-aaral sa baitang 11 ng Don
Luis Ababa Senior High School ang pagsasalin sa wikang taglish ng Pinoy New
Testament
12. Iminumungkahing magkaroon ng katulad na pag- aaral subalit gawing tuon ang mga
alagad ng simbahan tulad ng pari, pastor, o ministro upang malaman ang pananaw nila
ukol dito. Batay sa rekomendasyon na ito, alin sa sumusunod na pananaliksik ang hindi
kaugnay sa wika at kulturang Filipino?
A. OPM Kanta ng Kaluluwa
B. Wikang Filipino, Wika ng Kaluluwa
C. Alagad ng Simbahan, Alagad ng Kaluluwa
D. Kantang-panalangin: Ipinaghihili ang Kaluluwa

13. Mula sa pamagat ng pananaliksik na Swak Ba o Ligwak ang Paggamit ng Wikang


Taglish sa Pinoy New Testament?, masasalamin ba ang kulturang Filipino?
A. Oo, sapagkat ang paggamit ng wikang taglish ay hindi bahagi ng ating kultura
B. Hindi, sapagkat ang Pinoy New Testament na gumagamit ng taglish ay hindi tanggap
C. Oo, sapagkat ang paggamit ng Pinoy New Testament ay nagpapakita ng
pananampalataya
D. Hindi, sapagkat ang wikang taglish at Pinoy New Testament ay walang kaugnayan sa
isa’t –isa
14. Kapag ang pinag-uusapan ay pananaliksik tungkol sa wika at kulturang Filipino, ang
lahat ay maaring maging paksa maliban sa___________.
A. Kaugalian, tradisyon, kasuotan, at pagkain
B. Pakikipagsapalaran, kamangha-manghang bagay
C. Pag-ibig, teleserye, pelikula, at OPM na kanta
D. Mga salitang ginagamit sa Social Media, salitang beki, salitang kalye, at iba pa
15. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa paraan ng mangangalap at
pagsusuri ng datos?
A. Lumabas sa pag-aaral na ang Pinoy New Testament na gumagamit ng taglish ay
“lubos na epektibo” dahil sa 3.39 weighted mean nanangangahulugang tanggap o swak sa
mga kalahok ang pagsasalin nito.
B. Ang Pinoy NT ay “lubos na nakawiwili at nakapupukaw” ng pansin sa mga kabataang
mambabasa dahil sa 3.52 weighted mean na naitalâ.
C. Iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may taglish na
pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga kabataang
Filipino.
D. Ang pananaliksik na ito ay isang uri ng kuwantitabong saliksik sapagkat sinukat ang
saloobin ng mga kalahok ukol sa paksa sa pamamagitan ng sarbey at sinuri ang datos sa
pamamagitan ng estatistikal na pamamaraang weighted mean.

Aralin 14
Tayáhin
Tukuyin ang mga bahagi at hakbang sa pagsulat ng pananaliksik. Isulat ang titik ng
tamang sagot
1. Aktuwal na isinasagawa ang pakikipanayam, sarbey, obserbasyon, o pagsusuri ng
dokumento depende sa itinakdang pamamaraan ng pananaliksik.
I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
III. Pangangalap ng Datos
IV. Pagsusuri ng Datos
V. Pamamahagi ng Pananaliksik
A. I C. III B. II D. IV
2. Sa anong antas ng pananaliksik kailangang natukoy na ng mananaliksik ang suliranin
upang malapatan ng tiyak na disensyo?
I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
III. Pangangalap ng Datos
IV. Pagsusuring Datos
V. Pamamahagi ng Pananaliksik
A. I C. III B. II D. IV
3. Si Allan ay naghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang masuportahan
ang kanyang paksa. Nása anong hakbang na kayâ si Allan?
A. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksang Pananaliksik
B. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C. Pangangalap ng Datos
D. Pagsusuri ng Datos

4. Paglalathala sa mga publikasyon, pamamahagi sa mga silid-aklatan at pakikibahagi sa


mga kumperensiya. Ito ang ginawa ni Aida. Saang hakbang na kayâ siya?
I. Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik
II. Pagdidisenyo ng Pananaliksik
III. Pangangalap ng Datos
IV. Pagsusuri ng Datos
V. Pamamahagi ng Pananaliksik
A. I at II B. III at IV C. V D. VI
5. Tukuyin ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsasagawa ng
pananaliksik.
I. Dito nagaganap ang pagsusuri sa mga datos na nailahad mula sa pagkakategorya o
mula sa estadistikal na pag- aanalisa.
II. Sa bahaging ito titiyakin ng mananaliksik ang kongklusyon ng pananaliksik.
III. Dito tinitiyak na payak ang paksa. Pinapaunlad ito sa pamamagitan ng pagbabasá at
paghahanap ng mga kaugnay na literatura at pag- aaral.
IV. Bubuoin sa bahaging ito ang konseptuwal na balangkas na maglalatag ng kabuoang
lawak ng pananaliksik at paraan ng magiging pagsusuri.
V.Nagaganap sa bahaging ito ang aktuwal na pakikipanayam, sarbey, Obserbasyon, o
pagsusuri ng dokumento depende sa itinakda ng pamamaraan ng pag-aaral.
A. II,V,III,I,IV B. III,IV,V,I,II C. I,II,V,IV,III D. V,IV,III,I,II
6. Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga guro at iba pang mga empleado sa paaralan.
Ang naunang pangungusap ay nilalaman ng bahaging_________________.
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
VI. Saklaw at Limitasyon
A. I B. II C. VI D. IV at V
7. Mabatid kung nakatutulong ba ang Pinoy NT sa pagpapaunlad ng kulturang Filipino sa
aspektong pananampalataya ng mga mag-aaral sa baitang 11, ang pahayag na ito ay
makikita sa bahagi ng pananaliksik na___________________.
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
VI. Saklaw at Limitasyon
A. I B. III C. IV at V D. VI
8. Dito nagaganap ang pag-aanalisa at pagkokonekta ng mga kaugnay na literatura at
pag-aaral sa pinakapaksa ng pananaliksik.
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
VI. Saklaw at Limitasyon
A. V B. IV C. I at II D. II at III
9. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang mga susunod na pahayag? Ang pag-aaral
na ito ay isinagawa upang mabigyan ng tiyak na kasagutan ang sumusunod na
katanungan:
1. Swak (tanggap) ba o ligwak (di-tanggap) ang pagsasalin sa wikang taglish ng Pinoy
NT sa mga mag-aaral ng baitang 11?
2. Nakawiwili at nakapupukaw ba ng pansin ang Pinoy NT sa mga mag-aaral ng
baitang11?
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
VI. Saklaw at Limitasyon
A. I B. II C. III at IV D. V at VI
10. Ang balangkas na ito ay nagpapaliwanag sa magiging proseso ng pananaliksik kung
saan ang mga katanungan ay bibigyang-katugunan ng mga kalahok.
I. Rasyonal at Kaligiran ng Pag-aaral
II. Paglalahad ng Suliranin
III. Layunin at Kahalagahan ng Pag-aara
IV. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
V. Teoritikal na Gabay at Konseptong Balangkas
VI. Saklaw at Limitasyon
A. I, II, III B. IV C. V D. VI
11. Hindi Nilalaman ng bahaging ito ang plano at proseso sa pagkuha ng datos.
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos D. Paraan sa Paglikom ng Datos
E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
12. Saang bahagi ng pananaliksik ginagamit ang instrumentong ito?
E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
13. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa kahon?
Isasagawa ang pananaliksik na ito sa Don Ababa Senior High School at ang pagkukuha
ng datos o impormasyon ay papadaanin lámang sa Social Media. Limang mag-aaral kada
strand ang sasagot sa mga tanong sa sarbey questionnaire. Sa pangkalahatan ay mayroong
25 na piling mag-aaral ang ginamit. Gumamit ng Random Sampling Techniquesa pagpili
ng mga respondante, ito ay paraan ng pamimili ng mananaliksik sapagkat mayroong
pantay na pagkakataon ang pagkukuhanan.
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos D. Paraan sa Paglikom ng Datos
E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos
14. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag na nása kahon?
Dahil dito, iminumungkahi ng mga mananaliksik na gamitin ang Pinoy NT na may
taglish na pagsasalin upang malinang at tumibay pa ang pananampalataya ng mga
kabataang Filipino, sapagkat ang matibay na pananalig sa Diyos ay bahagi na ng ating
kultura.
A. Resulta at Diskusyon B. Lagom C. Kongklusyon
D. Rekomendasyon
15. Saang bahagi ng pananaliksik makikita ang pahayag sa kahon na nása ibaba?
Ang pag-aaral ay nasa disenyong kwantitatibo sapagkat susukatin ang magiging resulta
sa pamamagitan ng matematikal at estadistikal na pamamaraan.
A. Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik B. Lokal at Populasyon ng Pananaliksik
C. Kasangkapan sa Paglikom ng Datos D.Paraan sa Paglikom ng Datos
E. Paraan sa Pagsusuri ng Datos

You might also like