You are on page 1of 21

Basic Education Department

Senior High School


900 San Marcelino St., Manila Philippines
Tel No.: 524=2011 loc.203/134

SITWASYONG PANGWIKA SA KABATAAN SA KASALUKUYANG PANAHON

Isang Tanging Proyekto na Ipinasa sa


Kurso na Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
para sa Ikalawang Markahan, Unang Semestre
Panuruang Taon 2019-2020

Isinumite nina:
Celis, Jela Kaye R.
De Jesus, Kyle L.
De Lara, Mar Angelo A.
Dela Cruz, Click G.
Gay, John Eugenio W.
Guico, Christiane Gail A.
Lascano, Kristan Aldrich A.
Patrivo, Chrisjarey Ryan B.
Rovero, Lauren C.
Soriano, Cammy Klaire M.
Ton, Paul Christian Joel G.
Group 4 11STEM11

Isinumite kay:
Bb. Rocel E. Romeo

Petsa:
Ika-14 ng Nobyembre, 2019

1
Panimula

Kapangyarihan ang pagkakaroon ng sariling wika. Isa ang wika sa mga bumubuo
sa katauhan natin bilang isang tao na namumuhay sa isang lipunan. Nagiging ganap
ang ating pagkatao sapagkat sa pagkakaroon ng wika, nabigyang daan ang pagkakaisa
ng mamamayan at nakatulong upang umunlad ang iba’t ibang salik sa ating bansa.
Nang dahil sa wika, nakakamit natin ang tunay at tiyak na pagkakakilanlan natin na hindi
nagmumula sa iba. Ang sariling identidad na ito ay nangangahulugang malaya ang ating
bansa mula sa kamay ng mga dayuhan. Bawat bansa ay nangangailangan ng sariling
wika dahil ito ang ginagamit upang makipagtalastasan at makipagpanayam sa iba pang
kasapi ng lipunan. Ito ay nagiging mahalaga sapagkat kung hindi nagkakaintindihan at
walang ugnayan ang bawat isa, nagiging balakid ito sa paglago ng bansa.

Mga banyagang sumakop sa ating bansa, mga wikang umiral, at mga bagong
tradisyon o kultura. Ilan lamang iyan sa mga dahilan kung bakit dumaan sa maraming
proseso ang ating wika. Ngunit sa kabila ng mga naging impluwensiya, ang wikang
Filipino ay patuloy na umuunlad at umuusbong sa kasalukuyang panahon. Sa
kasalukuyan. ang ating alpabeto ay binubuo ng dalawampu’t walong letra na siyang
ginagamit upang makabuo ng salita. Sa panahon din ngayon ay kapansin-pansin ang
kakulangan sa pagbibigay ng atensyon patungkol sa sarili nating wika. Mas nabibigyang
halaga ang mga salitang umuusbong at tila ang ating wika ay naisasantabi na. Patuloy
tayong naiimpluwensyahan ng makabagong panahon kaya't ibang mga wika ay atin
nang nakukuha. Karamihan sa Pilipino ay mga salitang balbal at sosyolek na ang
karaniwang ginagamit. Nauso na rin ang pagpapaikli o pagdadaglat ng mga salita na
may iba’t ibang paraan. Isang halimbawa ay ang paggamit ng akronim o paggamit ng
letra upang magrepresenta ng isang salita. Pati ang mga salita noong unang panahon
ay pinapalitan na rin ng mga makabagong salita upang mapaganda at mapadali ang
pagbigkas. Nagiging pamantayan ito ng mga estado sa buhay ng mamamayan. Sa
paaralan naman ay mayroong Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE)
na ginagamit para sa mga kababayan natin na hindi kinamulatan ang wikang Tagalog.
Ito ay hindi naman naging problema dahil nagsimula ang wika mula sa mga katutubo at
patuloy pa ring nadadala sa kasalukuyan. Ngunit sa kabilang dako, hindi maipagkakaila

2
na kailangan pag-aralan ang ibang wika gaya na lamang ng Ingles na siyang
kadalasang ginagamit sa iba’t ibang larangan. Nakakalungkot na ganoon na lamang
ang naging bunga bunsod ng ating pagpapabaya sa wikang pambansa. Ngunit hindi
tayo marapat na magpalamon sa mga umuuso bagkus patuloy na pagyamanin ang wika
natin.

Ang wika ay isang instrumento na ginagamit upang magkaroon ng komunikasyon


sa pagitan ng mga tao. Ito ang nagiging tagapag-ugnay sa bawat isa at dahilan kung
bakit nagkakaunawaan ang mga tao. Ang wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura at
tradisyon ng mga Pilipino. Kabilang na nga dito ang pamumuhay ng kabataan. Bilang
kasagutan ay isinagawa ang pag-aaral na ito. Ang pananaliksik ay naglalayong
malaman ang kalagayan ng wika sa makabagong henerasyon. Ninanais nito na
magkaroon ng kaliwanagan patungkol sa sitwasyong pangwika sa iba’t ibang salik at
mga mass media gaya na lamang ng telebisyon, pelikula, social media, dyaryo, at pati
na rin sa tahanan.

3
Kahalagahan ng Pag-aaral

Malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino samantalang kasabay nito ay nakita


natin ang paglago, pag-unlad at pagbabago ng ating wika. Ang pag-aaral na ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon at panibagong kaalaman sa mga sumusunod:

 Sa mga mag-aaral
Ang datos na makukuha sa pag-aaral na ito ay makatutulong sa paglinang ng
kaalaman ng mga kabataan upang mabigyan nila ng halaga ang ating mga kultura at
tradisyon.

 Sa magulang
Makatutulong ito sakanila upang mainam na malaman at maibahagi nila sa
kanilang mga anak ang impormasyon tungkol sa pagpapahalaga ng paggamit ng wika.
Maaaring ibahagi ng magulang ang mga nakuhang impormasyon sa kanilang mga anak
upang maisaayos at mabago ang mga maling paggamit patungkol sa wika natin.

 Sa mga guro
Ang pananaliksik na ito ay maaaring magamit ng isang propesor sa pagpapaibayo
ng mga kaalaman ng mga mag-aaral. Ito ay makatutulong rin sa pagbibigay kasagutan
sa mga katanungang naglalaro sa isipan ng mga estudyante. Magagamit din ito sa
paghahanap pa ng ibang impormasyon na ituturo ng mga guro sa kanlang mga
estudyante.

 Sa mga mananaliksik
Ang pag-aaral na ito ay maaaring gamitin ng mga mananaliksik sa hinaharap bilang
isang sanggunian at magbigay karagdagang impormasyon na maaari nilang gamitin sa
kanilang pag-aaral.

4
Sakop ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon upang alamin kung ano ang sitwasyon ng wika sa
kasalukuyang panahon. Binibigyang-diin ng mga mananaliksik ang wikang Tagalog,
Ingles, Taglish, at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas sa pagbibigay kasagutan
sa layunin ng pag-aaral. Para sa mga respondente, ang pangangalap ng datos ay para
sa kabataang may edad 13 hanggang 19 lamang. Kinokonsidera rin ang lokasyon ng
mga respondente sa pag-aaral na ito. Dapat ay naninirahan lamang sa iba’t ibang panig
ng Pilipinas ang pagkukuhanan ng datos. Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay
50 na siyang nagrerepresenta ng populasyon.

Ano mang ibang wika na hindi napapabilang sa mga nabanggit ay hindi bibigyang
pansin sa pag-aaral na ito. Ang mga respondente rin na hindi nakapaloob sa binigay na
saklaw ay hindi kabilang sa pananaliksik. Bilang karagdagan, ang mga hindi
naninirahan sa Pilipinas ay hindi rin kasama sa pag-aaral.

5
Paraan sa Pagkuha ng Datos

Ang mga mananaliksik ang mismong nangalap ng impormasyon upang lubos na


maunawaan ang mga saklaw at mga posibilidad sa pag-aaral. Tiniyak din ng mga
mananaliksik ang kalidad ng ilalahad na datos. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng
isang sarbey upang makuha ang datos na kinakailangan. Gumamit ang mga
mananaliksik ng talatanungan upang malaman ang hinahanap na datos. Ang paraang
ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsagot ng mga respondente sa mga tanong
na nakasaad sa talatanungan. Ang paggamit ng talatanungan ay kadalasang ginagamit
ng mga mananaliksik sapagkat ito ang pinakamadaling paraan sa pangangalap ng
datos. Ang uri ng talatanungan ay “open ended” kung saan ang mga respondente ay
malaya sa pagsagot sa mga tanong.

6
Kongklusyon
Batay sa isinagawang pagsusuri, ang mga datos ay binigyang kahulugan at ang mga
sumusnod na kongklusyon ay nakuha:

Tanong Blg. 1
Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS? Ang SMS ba ay nakasulat sa
Filipino, Ingles, o Taglish?

Mula sa tsart na nakatala sa itaas, mapapansin na Filipino ang mayroong pinakamataas


na porsyento sa dahilang mas nasanay tayong makipag-usap sa wikang Filipino at mas
naiintindihan ito ng nakakarami. Samantalang ang Taglish ay pumapangalawa naman
na mayroong 30 porsyento. Isa ito sa palagi ring ginagamit ng mga Pilipino dahil mas
naisasaayos nila ang mensahe at mas naiintindihan nila ang konstekto kapag ito ay
nahahaluan ng wikang ingles. Sa kabilang dako naman, ang wikang Ingles naman ay
ang pinakamababa.

7
Tanong Blg. 2
Kailan ka huling nag-post ng status sa Facebook o Instagram? Ang post ba ay
nakasulat sa Filipino, Ingles, o Taglish?

Mula sa nakatalang tsart, ang wikang Ingles ang mayroong pinakamataas na porsyento
na nagtala ng 38% dahil karamihan sa mga post ng kabataan ay nasa wikang Ingles. Sa
mga social media gaya ng Twitter at Facebook Ingles ang karaniwang ginagamit
sapagkat sinasabing mas nagkakaroon ng dating ang sinasabi. Hindi naman nalalayo
ang bilang ng mga sumagot ng Filipino na umabot sa 36%. Sa kasalukuyan ay mayroon
pa ring nakapirmi sa paggamit kung ano ang ating wika. At ang Taglish naman ay
pumapangatlo na may 26%.

8
Tanong Blg. 3 A
Ano ang pinakahuling palabas na pantelebisyong pinanood mo? Ano ang wikang
ginamit sa palabas?

Mapapansin sa tsart na ang wikang Filipino ang nagkamit nang pinakamataas na


bahagdan na 60% sapagkat nasa Pilipinas tayo at ang mga palabas pantelebisyong
ipinapalabas ng mga TV network gaya ng ABS-CBN, GMA at TV5 ay halos nasa wikang
Filipino lahat. Sumunod naman ang Taglish na may 28 porsyento dahil may mga ilan na
gumagamit ng code switching sa mga palabas. Samantalang ang wikang Ingles naman
ang may pinakamababang porsyento umabot lamang sa 12%.

9
Tanong Blg. 3 B
Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong nasa wikang Filipino o
nasa wikang Ingles?

Mula sa katanungang “Mas madalas ka ba manood ng palabas pantelebisyong nasa


wikang Filipino o nasa wikang Ingles”. 72% ang sumagot ng Filipino at ang natitirang
28% naman ay sumagot ng Ingles. Makikita na mas nakararami pa rin ang madalas
manood ng mga palabas sa wikang Filipino sapagkat ang midyum na kadalasang
ginagamit sa ating bansa ay Filipino. Ngunit may ilan naman na pumili ng Ingles.

10
Tanong Blg. 4 A
Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? Ano ang wikang ginamit sa
palabas?

Base sa tsart na nakatala sa itaas, lubos na nangibabaw ang pelikulang Ingles dahil sa
mas naeengganyo ang kabataan na manood ng mga pelikulang Ingles. Ito rin ay bunsod
ng uso at sinasabing mas maganda ang kalidad ng mga pelikulang ginawa ng mga
banyaga. Hindi naman nagkakalayo ang sumagot ng Filipino at Taglish. Sa panahon
ngayon ay ginagamit na rin ang Taglish sa mga pelikula upang magkaroon ng kaibahan
sa pagsasabi ng mga dayalogo at upang lubos na maunawaan ng mga manonood ang
ibig sabihan ng bawat karakter.

11
Tanong Blg. 4 B
Mas madalas ka bang manood ng pelikulang nasa wikang Filipino o nasa wikang
Ingles?

Mula sa katanungang “Mas madalas ka ba manood ng pelikulang nasa wikang Filipino o


nasa wikang Ingles”. 72% ang sumagot ng Ingles at ang natitirang 28% naman ay
sumagot ng Tagalog. Makikita na mas nakararami na ang madalas manood ng mga
pelikulang may wikang Ingles na maaaring bunsod ng mga usong movie streaming
applications gaya na lamang ng Netflix, iFlix, Terrarium TV, atbp. Ngunit sa kabila nito
mayroon pa ring pumili ng nasa wikang Tagalog dahil sa mas madaling nauunawaan
ang mensahe ng pelikula.

12
Tanong Blg. 5 at 6
Ano ang pinakahuling video sa Youtube na pinanood mo? Ang video ba ay nasa
wikang Filipino, Ingles, o Taglish?

Mula sa datos na nakatala sa tsart, ang wikang Ingles ang nakakuha nang
pinakamataas na porsyento bunsod ito ng pagsikat ng mga vloggers sa Youtube.
Karaniwang Ingles ang ginagamit nila upang pati ang mga banyagang manonood ay
maunawaan ang nilalaman ng kanilang bidyo. Sumunod naman ang Taglish kung saan
pinagsasama ang paggamit ng Filipino at Ingles upang mas maintindihan ng mga
manonood ang kanilang sinasabi. Ang Filipino naman ang may pinakamababa dahil ilan
lamang ang gumagamit nito sa paggawa ng mga bidyo sa Youtube.

13
Tanong Blg. 7
Ano ang huling blog na nabasa mo? Ang blog ba ay nakasulat sa Filipino, Ingles,
o Taglish?

Base sa makikitang tsart, ang wikang Ingles ang may pinakamataas na porsyento
pagdating sa mga nabasang blog. Kadalasang nagbabasa ang kabataan ng mga blog
upang mahanap ang mga kinakailangang impormasyon para sa kanilang mga
asignatura at dahil nga Ingles ang ginagamit sa paaralan ay Ingles din ang kadalasang
binabasang blog. May 30 porsyento naman na sumagot ng Filpino sapagkat sinasabi
nila na nakasanayan lamang nila magbasa ng mga nakikitang blog upang makadagdag
sa kanilang kaalaman. Hindi naman nalalayo ang mga sumagot ng Taglish na may 28
porsyento.

14
Tanong Blg. 8
Kailan ka huling nagbasa ng dyaryo o magasin? Ang binasa mo ba ay nakasulat
sa Filipino, Ingles, o Taglish?

Mula sa tsart na makikita, namayagpag ang sumagot ng Filipino. Ito ay may 54%, mula
dito ay malalaman na ang mga dyaryong tabloid ang kadalasang binabasa ng kabataan
sapagkat ang wikang ginagamit dito ay FIlpino. May 28% naman na sumagot ng Ingles,
kung saan masasabi natin na ang dyaryong broadsheet naman ang kanilang binabasa.
Samantalang may 18% naman ang sumagot na sila ay nagbabasa ng dyaryong Taglish
ang ginagamit na wika.

15
Tanong Blg. 9
Anong wika ang mas madalas ninyong gamtin sa inyong tahanan?

Batay sa sarbey na isinagawa mapapansin na hindi lamang Tagalog ang karaniwang


ginagamit na wika sa tahanan sapagkat mayroon ding iba pang mga wika gaya ng
Bikolano, Hiligaynon, Kapampangan, at Waray na ginagamit din nang ilan. Ang wikang
Tagalog ay lubos na nakakalamang dahil ito ang nakasanayang gamitin.
Kapansin-pansin din na walang gumagamit ng Ingles sapagkat ang wikang ito ay hindi
nagagamit sa tahanan at may kaunti ring gumagamit ng Taglish bilang wika sa kanilang
tahanan.

16
Tanong Blg. 11
Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Filipino?

Mula sa katanungang “Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang


Filipino?” mapapansin na halos lahat ay sumagot ng mahalagang-mahalaga. Hindi natin
maipagkakaila na kahit maraming ibang wika na umuusbong at ginagamit sa
kasalukuyan, ang wikang Filipino ay kinokonsidera pa rin ng kabataan na mahalaga
sapagkat tayo ay nasa Pilipinas at nararapat lamang na ituring natin ito bilang isang
mahalagang kasanayan sa ating buhay.

17
Tanong Blg. 12
Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Filipino?

Para naman sa kahusayan ng kabataan sa pagsasalita ng wikang Filipino, mahusay


ang nagkaroon ng pinakamataas na porsyento. Karamihan sa kabataan ay
kinokonsidera lamang ang kanilang sarili bilang mahusay sapagkat sa tingin nila ay
hindi sila bihasa at hindi sapat ang kanilang abilidad sa pagsasalita ng wikang Filipino.
Sumunod naman ang mga sumagot ng hindi gaano mahusay na may 18% at may kaunti
naman na sinasabing sila ay mahusay na mahusay sa paggamit ng wikang Filipino.

18
Tanong Blg. 14
Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang Ingles?

Mula sa katanungang “Gaano kahalaga sa iyo ang pagkatuto at pagsasalita ng wikang


Ingles?” mapapansin na nangibabaw ang sumagot ng mahalagang-mahalaga ito ay
dahil sa kasalukuyang panahon ginagawa na ring kasanayan sa mga paaralan ang
paggamit ng Ingles. Pumangalawa naman ang mga sumagot ng mahalaga at may ilan
na sumagot ng hindi gaanong mahalaga.

19
Tanong Blg. 15
Gaano ka kahusay sa pagsasalita ng wikang Ingles?

Para sa kasanayan sa paggamit ng wikang Ingles, 6 na porsyento lamang ang


nagsabing mahusay na mahusay sila sa paggamit ng Ingles ito ay maaaring dahil
madalas nila itong ginagamit hindi lamang kapag nasa paaralan ngunit pati sa iba pang
lugar. Kalahati naman ang sumagot ng mahusay nangangahulugan ito na sa tingin nila
sakto lamang ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wikang Ingles. At para naman sa
hindi gaanong mahusay ay mayroong 44 na porsyentong sumagot dito.

20
Sa pag-aaral na ito ay naipakita ang kahalagahan ng pagkakaroon ng wika dahil ito
ang nagiging daan upang magkaroon ng komunikasyon angtao. Sa pagkakaiba ng mga
gamit natin ng wika ay hindi nagiging hadlang bagkus iisa lamang ang nais na iparating
dahil iyon ang nakasanayan na o pinagmulan. Ito ay paraan din na maging malaya sa
pagpapahayag ng sariling damdamin ukol sa mga bagay o isyu. Ang wika ay
nagkakaiba dahil sa pagbabago ng panahon na nagsasanhi sa hindi pagkakaisa kaya't
hindi tayo nagkakaintindihan. May mga tao na hasa ang kaalaman patungkol sa wikang
Filipino ngunit kulang ang kakayahan upang ipalaganap ito. Sa mga datos ay naipakita
na iba-iba ang kahalagahan at kahusayan nila patungkol sa wika dahil sa panahon
ngayon ay nagpapalamon tayo sa mga hindi mahahalagang bagay kaya't hindi natin
nabibigyang pansin ang estado ng ating wika at nagiging balakid sa kaunlaran na nais
nating matamo. Ang kahalagahan ng pagkatuto sa bagay na ito ay dapat natin
pagtuonan ng pansin dahil ito ang magiging daan sa pagkakaisa ng bayan.

21

You might also like