You are on page 1of 6

ORDILLANO, VANESSAMIE H.

2019-17780-MN-0
MAF616
MGA NATATANGING PAKSA SA WIKA

ANG WIKANG FILIPINO SA EDUKASYONAL NA MGA ISYU SA PANAHON NG GLOBALISASYON

Wilfrido V. Villacorta

Ayon kay Hemphill “Ang wika ay isang masistemang kabuuan ng mga sagisag na sinasalita o

binibigkas na pinagkaisahan o kinaugalian ng isan pangkat ng mga tao, at sa pamamagitan nito'y

nagkakaugnay, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang mga tao"

Mahalaga ang paggamit natin ng wikang Pambansa dahil dito ay nagkakabuklod buklod tayo.

Ginagamit ang wika sa pagtuturo para mas maliwanagan ang mga mag-aaral. Sa paraang ito,

naiintindihan natin ang sariling kultura at tangkilikin ang mga ito. Ang Filipino ang “lingua franca”

o ang karaniwang wika ng Pilipinas.

Sa panahon ngayon ay laganap na ang maling paniniwala ng mga kabataan tungkol sa pag-aaral

ng wika. Mas naipapaibayo ang paglaganap ng wikang Ingles.May ilang nagsasabi na ang

pagtuturo lamang ng wikang Ingles ang magpapalakas ng abilidad ng ating mga manggagawa at

propesyonal na makapaghanapbuhay sa ibang bansa. Higit na atraktibo sil sa kompayang banyaga

sa ibang bayan o ibayo. Dahil sa pagtangkilik natin sa wikang Ingles ay nakakamtan ang kaalaman

sa teknolohiya at agham na mas kilala sa iba pang bansa. Ito ba ay sapat na upang tayo ay

magpakabihasa sa wikang Ingles at upang pabayaan na natin ang pagtuturo ng sarili nating

wikang Filipino na ang wika natin na siyang nagbubuklod-buklod sa atin bilang isang Pilipino.

Mula nang bumalik ang ating independensiya hanggang sa kasalukuyan, ginagawang

dominnateng wik sa ating bayan ang wikang Ingles. Ngunit ano ang kalidad ng wikang ito sa
paggamit ng ating mga kabataan at gayundin sa mga nakatatanda sa lipunan? Ang pinakamalinaw

na palatandaan ay ang uri ng Ingles na namamayani sa dalawang kamara ng ating kongreso.

Napakahirap maunawaan ang mga talumpati ng marami sa ating mambabatas dahil hanggang

ngayon sa kabila ng isang buong siglo ng pag-aaral ng Ingles, pilipit pa rin ang dila ng marami sa

kanila, ar marami sa atin, sa pagbigkas ng baynagang wikang ito. Hindi lang sa pagbigkas kundi

rin sa pagsusulat. Kaya masisi ba natin ang ating mga mag-aaral kung balu-baluktot silang mag-

Ingles?

Nabanggit na natin ang dahilan:Nakasalig ang wikang Pambansa sa katutubong kultura at

karanasan ng nakararaming Pilipino. Higit na hawig ang Filipino kaysa Ingles, sa wikang

nakagisnan nila, maging ito ay Ilokano, Ifugao, Kapampangan, Bikol, Cebuano, Hiligaynon,

Tausug, Maranaw, Maguindanao at iba pa. Hindi lamang iisa ang pamilya ng mga wikang ito.

Bunga rin sila ng kamalayan at paraan ng pag-iisip na bunga ng kolektibing karanasan ng lhing

namahay sa kahabaan ng ating archipelago sa loob ng maraming siglo. Sa parte ng Ingles naman,

hango ito sa kultura ng malalayong lupain na pinamayanan ng mga taong kakaiba ang nagging

karanasan, damdamin at pag-iisip.

Hindi lamang dapat panatilihin ang wikang Filipio sa ating edukasyon at pagbutihin ang pagtuturo

nito dahil ito ay pamana ng ating kultura, kundi dahil ito rin ay isang magandang wika, isang

kayamanang dapat nating pangalagaan.

Sa ilang taon na ako ay nagtuturo ng asignaturang Filipino, makailang beses na ring naitatanong

sa akin ang tungkol sa pagtuturo nito. Ang kadalasang tanong ay, “Mahirap ba itong ituro?” o
“Paano ba ito itinuturo?” Ngunit ang mas mapanghamong tanong ay, “Bakit kailangang ituro

ang Filipino?”

Sa ganang akin, ang pagtuturo ng asignaturang Filipino ay higit sa pagtuturo lamang ng

kaalamang balarila o gramatika at pag-unawa sa akdang binasa. Hindi nagtatapos ang kaalaman

sa pagbuo ng wasto at makabuluhang pangungusap at pagsagot sa mga kasanayan sa pagbasa.

Ang FILIPINO bilang asignatura ay pagpapalalim ng ating wika at kultura.

Ang susunod na katanungan, marahil, sa pahayag na ito ay “Bakit? at Paano?”

Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang tinuturuan kung

bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa isang

asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang

kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging

matatag ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay

tungkol sa ating mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o

panoorin, at ang mga kuwentong naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang

Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang

maaaring pag-ugatan ng damdaming pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal

sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng mga

batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang Filipino?

Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang

Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit
ito araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang

wikang Filipino. Sa pag-aaral ng Filipino, hindi sapat na matukoy ng mga bata ang mga bahagi ng

pananalita. Sa halip, mas magiging makabuluhan kung ipagagamit ito sa kanyang

pakikipagtalastasan sa iba.

Isang magandang halimbawa nito ay ang paggamit ng pang-uri o salitang naglalarawan. Mas

mabuting ipalarawan sa mag-aaral ang kanyang kalaro o kaibigan kaysa ipaisa-isa sa kanya ang

mga salitang naglalarawan. Sa ganitong paraan, babaunin niya ang kaalaman at kasanayang

natutuhan upang sa kanyang paglabas sa paaralan ay magamit niya nang wasto at

makabuluhan. Ganoon din, isang araw, kapag kinailangan niyang ilarawan ang kanyang sarili sa

oras ng panayam o anumang gawaing may kinalaman sa pagpapakilala, kakayanin niyang gawin

ito dahil hindi naman itatanong sa kanya kung ano ang pang-uri sa halip, ipalalarawan sa kanya

ang kanyang sarili.

"Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang

magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Ang isang batang matatas sa wikang Filipino ay angat sa karaniwan. May kakayahan siyang

makipag-ugnayan sa kahit kanino sa ating bansa.

Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan upang

magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan. Kaya kung tatanungin muli ako

kung bakit mahalaga ang pagtuturo ng Filipino sa mga bata, ito ang aking tugon. Ang kabataan

ang pag-asa ng bayan. Sila ang magtataguyod ng wikang magbubuklod sa ating mga Pilipino at
magpapakita ng kakayahan, kahusayan, at kabutihan nating mga Pilipino. Sila rin ang

magpapamalas sa buong mundo kung gaano kaganda at kayaman ang ating wika at kultura.

Nararapat lamang na matutuhan nila ito.

Sa paggamit ng ating sariling wika sa mga transaksyon sa ekonomiya, mas magiging madali para

sa mga mamamayang Pilipino ang makahikayat upang makisali sa pakikipagtalastasan at mga

transaksyon sa loob ng ating ekonomiya. Maaaring paunlarin ang wika ngunit dapat iwasan ang

paggamit ng mgasalitang gaya balbal upang mas maging pormal ito. Kahit nasaan pa man tayo

dapat nating mahalin at ipagmalaki ang ating sariling wika, dahil bukod sa ito na ang ating

kinagisnan, ito din ang magiging daan para sa ating tagumpay sa hinaharap.

Ang isang hamon ng globalisasyong nagaganap sa larangan ng ekonomiya para sa iba't ibang

lipunan o bayan ay kung paano mapapanatili at lalo pang maitataguyod ang kani-kanilang

pambansang identidad sa harap ng mga pagbabagong dala at dulot ng nasabing globalisasyon,

tulad halimbawa ng mga pagbabagong dulot ng mga makabagong teknolohiya, sa kani-kanilang

mga kultura o pangkalahatang pamamaraan ng pamumuhay. Isinusulong sa papel na ito ang isang

posibleng kasagutan sa hamong ito: ang pagtataguyod ng pambansang identidad ng kamalayan.

Ang kasagutang ito ay bunga ng isang pilosopikal na pagsusuri sa mga pundamental na bagay na

nagbibigay ng identidad sa kamalayan sa pangkalahatan at ng pagsisiyasat sa kung paano

maitataguyod ang pambansang identidad ng kamalayan hango sa mga bagay. Ang mga

pundamental na bagay na ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod: ang mga bagay kung saan

nakatuon ang kamalayan, ang mga pangangailangang pinupunan ng kamalayan, ang mga
pamamaraan (mga kategorya at wika) na ginagamit ng kamalayan, at ang konteksto (lugar at

panahon) sa kaganapan ng kamalayan. Samantala, ang nasabing pagsisiyasat ay isinasagawa sa

papel na ito sa konteksto ng pagtataguyod ng kamalayang Pilipino o ng identidad ng ating

kamalayan bilang mga Pilipino.

You might also like