You are on page 1of 2

Mungkahing Hakbang sa Pagsulat ng Akademikong Papel sa

Pahambing na Pag-aaral ng mga Wika sa Pilipinas – MAF613

I. Pamagat / Paksa

a. Pahambing na Pag-aaral ng mga Wika sa Pilipinas

1. Mamimili ng isang tiyak na aspeto ng wikang Filipino


a. Maaaring isang tukoy na paksa sa Ponolohiya, Morpolohiya at Sintaks
na maaaring maging dagdag na talakay sa pagkilala ng fityur ng
umiiral na wika sa Pilipinas.
b. Tiyaking magiging bahagi ng Papel ang komparatibong talakay sa
wikang Filipino.
c. Magkapagbahagi rin ang papel sa kung paanong naiimpluwensyahan
ng bawat wika ang isa’t isa.

b. Limitasyon batay sa Paksa

Para sa higit na mabilis at mabisang pagsulat ng akademikong papel, nararapat na


magkaroon ng hangganan na nakabatay sa disiplina, panahon, lawak ng pag-aaral at
maaari ring may kinalaman sa ilang kasalukuyang kaganapan sa lipunan na maaring
magpakilala ng pagbabagong anyo ng wikang Filipino sa usapin ng linggwistiks.

II. Mga Bahagi

a. Abstrak

Bahagi sa pagsulat ng akademikong papel kung saan ipinaliliwanag ang nilalaman


ng buong papel, ang pagkakasunud-sunod batay sa nilalaman at ang kahalagahan at
kapakinabangan ng nasabing pananaliksik. Para sa gawaing ito, maglalaan ng 150
hanggang 200 salita bilang paliwanag.

b. Susing Salita

Kabilang ito sa abstrak kung saan binibigyang kahulugan ang mga salita o
terminolohiya ginamit na tanging makikita sa akademikong papel.
c. Pagpapaloob na paksa

Pamamaraan ito para talakayin at bigyang katugunan ang suliranin sa


akademikong papel. Maghahain ng mga paksa na lalagyan rin ng pamaloob na
pamagat. Ilan sa mga mungkahing pamaloob na paksa ang mga sumusunod

1. Panimulang pagtalakay o kasaysayan sa core na paksa (Batayang Konsepto).


2. Pagtalakay sa ilang kasaysayan o kasalukuyang isyu na maaaring iuugnay sa core
na paksa.
3. Maaaring magkaroon ng metodolohiya kung corpus base ang papel.
4. Mahalagang magkaroon ng teoryang may kinalaman sa wika, o tuntunin sa wika
tulad ng mga teorya ni Chomsky, Sassure, Halliday at iba pang pananalig galing sa
ibang pang akademikong papel sa wika

d. Kongklusyon

e. Sanggunian o Reference

Halimbawa:

Koerner, E.F.K., Asher R.E. (1995). Concise History of The Language Sciences From
Sumerians to the Cognitivists. Cambridge University Press.

III. Pagsasagawa ng Papel

1. Mungkahing paksa na ipapasa hanggang sa susunod na linggo


2. Papel na may bilang 10 pahina, kasama na rito ang sanggunian
3. Aerial ang font
4. 12 ang sukat ng font
5. Double Spacing

PARA SA PAGPAPASA NG MUNGKAHING PAKSA

1. Email ang mungkahing paksa sa amortizonline@gmail.com


2. May format na Pinal asignatura, Apelyido at inisyal na pangalan
Hal: MAF613Pinal_OrtizAM

You might also like