You are on page 1of 2

ORDILLANO, VANESSAMIE H.

2019-17780-MN-0
MAF513
SINING NG MALIKHAING PAGSULAT
DR. ROM PEŇA

TATLONG TESIS SA PAGSULAT


Ni Roland Tolentino

Ayon kay Jun Cruz Reyes, “Ang paghahanap ng problema ay ang pangunahing problema ng
isang manunulat sa pagsulat ng ganitong saliksik (sa malikhaing pagsulat). Ito ang pagmumulan
ng saysay ng kaniyang sinasaliksik upang makapagbigay ng solusyon sa pinag-aaralang akda.

Ang malikhaing akda ay isinusulat upang magbigay-aliw sa mambabasa at bigyan sila ng pag-
unawa sa kanilang buhay at sa lipunang kanilang ginagalawan.

Kasiya-siya ang pagbasa ng mga malikhaing akda. Isa itong sining na pumupukaw sa ating
damdamin at isipan habang binibigyan tayo ng iba’t ibang anggulo upang sipatin ang ating sarili
at ang ating kapaligiran. Nagbabasa tayo ng tula at kuwento dahil may nakukuha tayong
kakaiba sa pagbabasa sa mga ito, ang kasiyahan na hindi karaniwang nakukuha mula sa ibang
uri ng sulatin.

Sa akda ni Tolentino, ang imahinasyon ang pangunahing lahok sa pagsulat, lalo na ng panitikan.
Ibigsabihin mayroong malaya at di Malaya ang manunulat sa pagpili ng kanyang akda na
susulatin. Ang kasiyahan ang nanggagaling sa mga bagong paraan ng porma ng panitikan at
pagkatao sa lipunan.

Malikhain ang pagsulat dahil ito ay lumilikha ng bagong paraan ng kognitibong pagmapa sa
karanasang pinapaksa nito. Nililikhang intrinsikong katangian sa paglikha ng pagiging malikhain
nito. Arkitekto ang manunulat kung gayon- nagtatayo ng estruktura ng panitikan at karanasan.

Sa bawat akdang naisusulat at naitatanghal sa panitikan, dumaraan ang naisulat ang sa serye ng
paglimi ng mga tradisyon makakapagtanghal na ito nga ay dakilang panitikan. Ang institusyonal
na praktis tulad ng pampanitikang contests, publikasyon, workshop, pagtatanghal,
organisasyong pang-manunulat, pag-aarla at kritisismo at iba pang bahagi. Kung gayon, ang
pagiging malikhain ay ang kapasidad ng akda na hindi lamang maitanghal na dakila ng mga
higanteng tradisyon sa panitikan kundi ang pananalig na rin sa mismong diwa ng tradisyon
bilang hulmahan ng kagalingan.

Kakaiba ang papel na pinanggagalingan ng manunulat. Ang kanyang labor ng kanyang puhunan.

Ano mang sobra ay may kalabisan. Kaya ang angas ay dapat malimitahan sa produktibong
nitong antas—ang kapasidad ng nitong makapag-usad ng bagong pagtingin sa kapaligiran. Hindi
produktibo ang manlumo sa angas. Ang manunulat ay sumasalok lamang sa balon nito para
makapagsulat. Kapag di na siya nakapagsulat dahil sa angas, mas nagiging makpangyarihan na
ito.

Ang akto sa pagsusulat ay ay isang memorialisasyon ng kaganapan. Inaalala na rin ang isang
pangyayari , madalas kalahok ang isang tao lamang at ng relasyon sa pangyayari sa tao.

Hindi lamang sa lahat ng bagay ang politikal ay malayang hayag nan ais maisulat at gusting
iparating sa lipunan. Kapag tayo’y mas nais magandang iparating, nais natin itong ihayag sa
marami upang malaman ang magandang balita sa mamamayan, gayundin sa mga akdang
naisusulat natin. Binibigyan ng manunulat ang bagong kapangyarihan ang sarili at ang mga tao
para maunawaan ang mundo. Kaya sa huli ang kanyang sinusulat ay isang paraan ng
pakikisalamuha sa lipunang kanyang ginagalawan.

Ang pagkakaroon ng mga katanungan at pagpuna ng mga suliranin sa isinasagawang saliksik ay


mahalaga upang mas maintindihan ang sinasalamin ng akda. Kung sapat daw ang nasaliksik ay
hindi na mangangapa ang mambabasa sa ginawang akda dahil may basehan ang nabanggit na
impormasyon at mayroong bagong naidadagdag sa mundo.
Nagsusulat tayo dahil may nais tayong layunin politikal at may pinaninindigan tayong layunin na
nais nating baguhin na sa tingin natin ay makabubuti sa atin at sa lipunan.

You might also like