You are on page 1of 5

Pangalan: Ardiente, Kervin John D.

Seksyon: 12 ABM – Pounds


Petsa ng pagkuha: 10 / 29 / 20 Petsa ng pagsumite: 11 / 01 / 20 Lagda: ___________

Tayahin
Panuto: Basahin ang teksto at pagkatapos ay gawan ng buod, lagom, at hawig.
Bakit Ba Ako Nagbabasa ng Panitikan?
ni Dominic G. Quilantang

Sa pagitan ng paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo katulad ng silabus, reading materials,


lesson plan at powerpoint presentations, nariyan ang mga katanungang naglalaro sa aking isipan. Sa kahit
sinomang guro na matapat sa kanyang sinumpaang tungkulin. Mga katanungang may kaugnayan sa
pagtuturo at mga itinuturo. Bilang na sa humanidades, sa pagtitiyak ay panitikan, kinakaharap ako ng
katanungang, “Paano ko itutulay sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng panitikan? Na sa kabila ng pagiging
modernisado ng mundo, may puwang pa ba ang panitikan sa mga tao nito? At sa mga hakbanging ng
gobyerno na mapanupil sa pag-aaral sa wika at kultura, mapapahalagahan pa nga ba ng mga mag-aaral
ang panitikan, lalo na sa mga non-lit majors?”

Uuwi at uuwi tayo sa pangunahing pangangailangan ng tao—pagkain, tubig, damit at tahanan.


Idagdag pa rito ang edukasyon. Ang mga ito ay mahalaga upang mabuhay at maipagpatuloy ang buhay.
Binibiyang-diin ng mga pangangailangang ito ang karapatan ng bawat tao upang makipagsabayan sa
patuloy na nagbabagong pag-usad ng mundo.

Isipin mong bawat isa sa'tin ay kinakaharap itong mga pangangailangan na pilit tinutugunan at
ipinaglalaban. Kaya, hindi maiiwasan upang mapatili ito’t mapagtagumpayan, sa gitna nito nag-aabot ang
mga personal na interes, magkasalungat na ‘ideya’ sa pagtamo at maging ang pagpapanatili nito. Dito
papasok ang usapin ng tunggalian. Nangangahulugan na dahil bawat isa sa atin ay may pangangailangan
na kailangang mapangatawanan, tayo ay nagkikiskisan. Nagbababanggaan na nagbubunga sa tungalian.

Ang tunggalian ang siyang nagbibigay kulay upang hindi mag-anyong mapurol o ‘dull’ ang ating
buhay. Ayaw natin ng buhay na malamlam. Gusto nating makulay. Magkaroo ng saysay ang pag-inog sa
mundo. Hindi dahil sa ginusto natin kundi sadyang ganito ang buhay, ang pagharap sa hamon upang
matugunan ang mga pangangailangan ang siyang nagpapakulay nito. Huwag ipagkamali, ang mga
pangangailangang ito ay siyang ningas din ng ating mga pangarap. Bagkus, sangkap ang mga ito.
Pangarap mo man maging isang matagumpay na inhenyero, doktor o negosyante, bahagi nito ang
pangangailangan mo–ang matugunan ito.
At dahil sa mga tunggaliang ito, minsan may nasusupil na karapatan, mga damdaming nasasagasaan,
mga paniniwalang isinasantabi sapagkat may higit na nangingibabaw at higit na pinaniniwalaan. Nariyan
ang pera na nag-aanyong kaibigan subalit sadyang nagiging kaaway sa panahon ng kagipitan.

Dito papasok ang sining. Dito papasok ang panitikan. Nagsisilbing lunsaran ang panitikan upang
isambulat ng tao ang kanyang suliranin. Dito rin niya isinasayaw sa gitna ng mga salita ang kanyang
hangarin, adhikain, mga sapalaran at pananaw.

Nagiging lunsaran ng kanyang emosyon, maging kanyang politikal na opinyon. Ang panitikan ang
siyang naghihilom sa mga sugat na dulot ng kahapon na patuloy na bumabaon sa kanyang mga hapding
di naghihilom.

At dahil tayo ay tao, nag-uukit ito ng impresyon sa ating mga puso. Nakaka-ugnay tayo. Agad
prinoposeso ng ating mga isipan na minsan ay ganito ang ating naging karanasan, o di kaya ay nakita na
natin itong naranasan ng mga malapit sa ating buhay.

Nagiging saksi ang panitikan sa mga bakas ng pagiging tao at kung paanong binigyang-kulay ng tao
ang kanyang buhay. Upang magkaroon ng saysay. Mag-iwan ng katuturan. Ibig sabihin, nagiging
tagatanggap tayo ng mga mensahe upang tayo mismo ay tumugon sang-ayon sa dikta ng ating damdamin
at hindi bilang pasibong walang pakialam at pag-unawa sa konteksto ng ating binabasa.

Ayon sa manunulat na si Ceridwen DoveyJune, ang pagbabasa ng piksyon ay isa sa iilang natirang
landas tungo sa 'transcendence,’ and mailap na estado sa pagitan ng umiiksing sarili at sanlibutan.

Ganito ang magiging silbi ng panitikan sa buhay mo. Tinutulungan kang maging taong maunawain. Na
sa halip ng kakitiran ng utak, nagagawa mong mag-isip at umunawa sa mga pinagdaanan ng bawat taong
nakakasalamuha. Katulad ng mga karakter na minsang mong nabasa na ikinulong ng manunulat sa
kanyang obra.

Mas magiging tao ka sapagkat batid mo ang hirap, dama mo ang hapdi, danas mo ang tuwa at saya
upang mabuhay at magpatuloy sa buhay.

Ang panitikan ay magiging panghilom ng sugat o kaya ay nagpapagising sa mga nakakubling


damdamin. Wika ng ani F. Scott Fitzgerald, bahagi ito ng kariktan ng panitikan. Natutuklasan mo na ang
iyong pangungulila ay yunibersal na pangungnulila, na hindi ka nalulumbay at nag-iisa. Ikaw ay bahagi.
May katuwang.

Tandaan, hindi sapagkat sa tuwing kinikiskis ang isang lampara at may biglang genie ang lumabas, o di
naman kaya'y nagsisiliparan ang mga tauhan tungo sa mundong minimithi’t pinapangarap ay
nangangahulugang wala itong kaugnayan sa'ting buhay. Mananatili itong bahagi ng ating buhay na sa
kabila ng pagiging kathang-isip nito, sinasalamin nito ang buhay ng tao. Buhay natin.
LAGOM

Bakit Ba Ako Nagbabasa ng Panitikan?


ni Dominic G. Quilantang
Sinopsis

Ang awtor na isang experto sa kanyang larangan ay nagsulat ng


isang akda na may layunin ipinakita kahalagahan ng panitikan sa buhay
ng tao sa kasalukuyang panahon. Ito ang mga tanong na naglalayong
sa isipan ng may-akda "Paano ko itutulay sa mag-aaral ang pag-aaral
ng panitikan? Na sa kabila ng pagiging modernisado ng mundo, may
puwang pa ba ang panitikan sa mga tao nito? At sa mga hakbanging ng
gobyerno na mapanupil sa pag-aaral sa wika at kultura,
mapapahalagahan pa nga ba ng mga mag-aaral ang panitikan, lalo na
sa mga non-lit majors?".

Ito ay naglalayong sa kabila ng modernesadong panahon,


mayroon talagang malaking puwang ang panitikan sa buhay ng mga
tao. Lakip na mayroon tayong iba’t ibang pangangailangan at dapat
muna itong makamit. Bukod dito, sinasad na ang panitikan at sining ay
naging tulay ito upang epektibong maiugnay ang damdamin at opinyon
ng isang tao sa mga diskursong may kinalaman sa ating mundo.
Samakatuwid, mabisang paraan ang panitikan at sining mailahad ang
mga damdamin at opinion. At saka, ito rin ay isang paraan makagawa
ng matibay koneksyon at madaling pagunawa sa ibang tao.

Sa konklusyon, ang panitikan ay nagsasalamin ng ating


damdamin at opinion na hindi lang ito isang kognitibong kasanayan
lamang, kundi isang epektibong paraan upang makagawa ng malalim
na koneksyon at pagunawa sa mensahe at sa damdamin ng iba tao.
Bagkus, marami na ang nagbago sa ating henarasyon, ngunit sa kabila
ng lahat ang panitikan parin ang tanging sandalan ng mga taong
mabisang paraan kung mayroong nais na iparating.

HAWIG

Bakit Ba Ako Nagbabasa ng Panitikan?


ni Dominic G. Quilantang
Hawig
Nagsimula ang akda sa pagpapahayag ng personal na saloobin at mga
katanungan ng may-akda, patungkol sa pagpapakilala ng panitikan sa mga
estudyante sa kabila ng modernisadong panahon. Ito ang mga tanong na
naglalayong sa may-akda. "Paano ko itutulay sa mag-aaral ang pag-aaral ng
panitikan? Na sa kabila ng pagiging modernisado ng mundo, may puwang pa ba
ang panitikan sa mga tao nito? At sa mga hakbanging ng gobyerno na mapanupil
sa pag-aaral sa wika at kultura, mapapahalagahan pa nga ba ng mga mag-aaral
ang panitikan, lalo na sa mga non-lit majors?".

Gayunpaman, ipinahayag ng may-akda na ito ay naglalaman ng mga


pangunahing pangangailangan ng tao sa patuloy na pagbabago ng panahon, lalo
na sa aspekto ng edukasyon lakip dito ang Panitikan at Sining. Bukod dito, alam
natin na ang bawat indibidwal ay nakakaharap ng mga panngunahing
pangangailangan upang ito masolusyonan at ipaglaban ng may dignidad. At saka,
Ipinakita ng may-aksa na dahil sa mga pansariling interes, naiba ang ideya sa
pagkamit nito. Itinalakay ang mga isyu tungkol sa tunggalian. Nagpapakita ito na
ang bawat tao ay may pangangailangan na dapat matugunan.

At saka, ipinapakita na ang buhay ay sadyang mahirap dahil marami itong


mga suliranin at sagabal. Ang suliranin sa buhay ay maaring daan upang mas
determinadong malampasan ito. At ang mga sagabal sa ating buhay ay
nagpapalakas sa atin bilang indibidwal at maging inspirasyon upang
matagumpayan ang mga ito. Ipinahayag ng may-akda ang naransan sa mga
tunggalian at ito ay nagpakaloob ng inspirasyon sa buhay ng isang indibidwal,
subalit naaapektuhan rin nito ang paniniwala ng tao na siyang nakakasakit at
nakakasaga sa damdamin ng ibang tao.

Isinasalaysay ng may-akda ang panitikan at sining ang naging mga daan


upang iparating ng damdamin at opinion ng isang tao. Mga suliranin at opinyon na
gustong ipadamdam sa panitikan ipinapalabas. Subalit, ang panitikan ang naging
daan upang mag maiugnay ang mga bagay na dapat kailanman ay hindi naipakita
at hindi ipipakita. At dahil sa panitikan nagkaroon ng malalim na koneksyon ang mga
tao sa pamamagitan ng pagkaka intindihan sa mensahe ng sulatin na makikita.

At saka, ang kahalagahan ng panitikan sa buhay ng tao. Kung paano


ibinibigyang diin ng panitikan ang mga damdaming di kayang ipalabas sa labi ng
bawat tao na tanging ang panitikan lamang ang naging tulay upang ito ay
maipahayag.

Ayon kay Ceridwen DoveyJune, isang tanyag manunulat, ang piksyon ay


nagbibigay daan sa ating imahenasyon papunta sa ibang dimensyon. Dito mas
naging malinaw at malawak ang ating kaisipan. Gayunpaman, ang panitikan ang
magiging pangunahing gabay natin sa masaklap na mundo. Ito ang magtuturo atin
na mas lalong maintindihinan ang mga bagay-bagay sa halip na ito’y pabayaan at
humantong sa kamalian.
Maaari mong mas higit na maiugnay sa karanasan ng iba kung naranasan
mo rin ang mga pait, sakit, ligaya at pagkabigo. Ayon kay F. Scott Fitzgerald,
nagsasabing ang iyong pangungulila ay unibersal na pangungulila na isa sa mga
bahagi ng kariktan at panitikan.

Sa konklusyon, ang panitikan ay nagsasalamin ng ating damdamin at opinion


na hindi lang ito isang kognitibong kasanayan lamang, kundi isang epektibong
paraan upang makagawa ng malalim na koneksyon at pagunawa. Bagkus, marami
na ang nagbago sa ating henarasyon, ngunit sa kabila ng lahat ang panitikan parin
ang tanging sandalan ng mga taong mabisang paraan kung mayroong nais na
iparating.

Pamantayan Puntos
Nakasusulat ng oragnisado, maingat,wasto, at angkop ang 10
wikang ginamit

Naisulat ang buong kaisipan sa binong buod 10


Malinis at lubhang maayos ang pormat ng nabuong buod 10

You might also like