You are on page 1of 2

jeremay.daradar@hercorcollege.edu.

ph

PAGBASA,
PAGSULAT
Tungkol sa
Pananaliksik

J e r e m a y D a r a d a r
B S H M 1 - A
Bakit mahalaga ang kasanayan ng pagsulat sa buhay ng tao?
Hindi maitatanggi ang mga mabubuting naidudulot ng pagsusulat sa
ating buhay sapagkat sa pamamagitan nito ay naisasariwa at
napapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang mga
nailimbag na libro katulad nalang ng ating kasaysayan at iba pang
mahahalagang kaganapan sa ating bansa o sa lupang ating
kinatatayuan. Ito rin ay sumisimbolo at nagpapatunay sa mga bagay
na nagaganap sa ating paligid. Sa pamamagitan ng mga naisulat na
tala ay nadadagdagan din ang ating kaalaman at nakakalikha tayo ng
mga bagay na nakakatulong sa pagunlad, pagbabago at paglusong o
pagusbong ng bagong ideya tungo sa modernong mundo.
Napakahalagang sanayin natin ang ating sarili sa pagsususlat
sapagkat sa pamamagitan nito, ang mga tao saan mang sulok ng
mundo at sa iba't ibang panahon ay pinagbubuklod, pinaglalapit,
nagkakaunawaan at nagkakaisa. Kahit sa aspeto ng ating kultura ay
napapanatiling buhay sa pamamagitan nito. Naging daan ito upang
maipahayag ang ating saloobin at damdamin sa pamamagitan ng
pagsusulat katulad ng pagsulat ng mga liham para sa ating mahal sa
buhay. Para sa ating mga Pilipino, mahalaga ang pagsusulat dahil ito
ang ginamit na sandata ng ating magigiting na bayani laban sa mga
dayuhang sumakop ng ating kapuluan sa mahabang panahon.
Halimbawa nalang ang mga nobela ni Dr. Jose Rizal na naging silbi
upang mapukaw ang kaisipan ng mga pilipino.
Kung bibigyan lang natin ng pansin, ang pagsusulat ay isang
magandang instrumento upang tayo'y makabuo ng mga ideya. Ito rin
ang nagsisilbing tulay para sa kaunlaran sa buhay ng mga tao.

You might also like