You are on page 1of 4

Let’s Analyze

Pagsasanay 1.
Hindi sapat na malaman lamang ang mga termino ukol sa panitikan, kailangan pang
palawigin ang inyong kaalaman upang lalong mapalawak ang inyong kabatiran. Talakayin
nang maayos ang mga nakatala sa ibaba.

1. Kailangang pag-aralan ang Panitikan.

Mahalaga ang panitikan sa kadahilanang nakakatulong ito sa atin lalo na’t tayo ay

nabubuhay sa makabagong henerasyon. Ito ay isa sa mga paraan upang ating

mabaliktanawan ang nakaraan at ating maunawaan ang di matatawarang pagkamalikhain

ng ating mga ninuno at mabigyang halaga ito at maaring maipasa sa susunod pa na

henerasyon. Nakakatulong din ito upang magbigay aliw sa atin, halibawa na rito ang mga

maikling kwento na nakapagbibigay sigla at kaalaman.

Mayroong hahalaga sa pag-aralan ng Panitikan, ito ay upang ating matutunan ang

mga nakaraang hindi natin naransan, halimbawa rito ang pamantayan at mga nakagawian

ng ating mga ninuno. Para sa akin, nakakatulong din ang pag-aaral sa Panitikan upang

magkaroon tayo ng mas malalim pa na kaaalaman at mas maging malawig ang ating mga

imahinasyon lalo na sa mga may talento sa pag-sulat at marami pang iba.

Isa rin ito sa paraan upang matuto tayong tumingin at mag-isip hindi lang sa kung

ano ang nasa loob kundi pati na rin sa labas ng isang kahon, ibig sabihin nakakatulong ito

upang magkaroon tayo ng mas malawak na pag-unawa at panibagong pananaw sa

Panitikan at sining na isinahabilin ng ating mga ninuno sa atin. Sa pamamagitan din ng


pag-aaral nito, mas nabibigyang halaga natin ang kapangyarihan ng bawat titik at ang

gandang taglay nito kapag napagsama-sama sa isang salita.

2. Ang panitikan ay kahapon, ngayon at bukas.

  Ating naunawaan na ang Panitikan ay ang nagsisilbing kaluluwa sa ating kultura,

tradisyon at paniniwala. Sumasalamin din ito kung gaano kayaman ang isang kultura.

Nabibigyang diin din ng panitikan ang mga damdamin nais ipahiwatig kaya hindi

maitatangging makaluma man ito, marami paring tumatangkilik at nag-aaral dito.

Lumipas man ang maraming taon, dekada at siglo, nananatili parin ang ating

Panitikan. Dumaan na ang pananakop ng ibang lahi, bagamat may nabago, nagawa pa

ring napanatili ang ating Panitikan at nagawang naipasa sa sumunod na henerasyon. At

dahil sa ganitong paraan, patuloy parin ang pagdaloy pagdaloy na nagsisisunod sa mga

salin – lahi ang mga kaisipan.          

Ang Panitikan ay kahapon, ngayon at bukas, patuloy ito at nananatili dahil

naigawang naisalin sa mga sumunod na henerasyon at patuloy na isalin sa mga susunod pa.

Ang mga akdang naisulat sa mga nagdaang manunulat ay mananatili pa ring mababasa sa

kasalukuyan at sa hinaharap. Ito ay magsisilbing gabay at alituntunin sa mga susunod pa

na henerasyon.

  

    
3. Ang panitikan ay walang kamatayan.

Ang Panitikan ay syang nagpapahayag ng mga mga damdamin, kaisipan, ideya,

karanasan at hangarin ng ating mga ninuno. Sumasalamin ito kung gaano kayaman ang

ating kultura at paniniwala ng isang bansa.

Maituturing na walang kamatayan ang Panitikan sa kadahilanang patuloy parin

itong naisasalin sa mga sumunod at susunod na henerasyon kahit na dumaan man ang

maraming taon. Dumarating sa punto na namamatay ang mga tao ngunit ang sirkulasyon

ng pagsalin-salin ay nanatili parin at walang kamatayan ang panitikan.

Mananatiling isang mayamang panitikan mayroon ang isang lahi ngayon, kahapon

at bukas. Magkaroon man ng pagbabago pero hindi mawawala ang kaiyang sinimulan na

naging pundasyon ng isang makasaysayan at mayamang panitikan.

In a Nutshell
Sinasabing nakikita sa panitikan ang buong larawan ng isang kultura, tradisyon at
paniniwala, ibig sabihin ang kabanatang ito ay kapaki-pakinabang upang mabuksan at
magkakaroon ng kabatiran ang bawat isa ukol sa halaga ng pagbabasa ng panitikan?

1. Para sa iyo, (Ano ang iyong masasabi kung ang isang bansa ay walang talang panitikan?

Para sa akin, kung ang isang bansa ay walang talang panitikan hindi nila

mabibigyang halaga ang mga sakrispisyong ginawa ng kanilang mga ninuno. Magdudulot

din ito ng kalituhan at walang organisasyon ang isang bansa ukol sa Panitikan sa

kadahilanang walang nagsisilbing pundayon sa mga literature at marami pang iba.


2. Ano ang ambag ng panitikan sa pagpapanatili sa kultura, tradisyon at paniniwala ng isang

lahi?

Napapanatili ng Panitikan ang ating kultura, paniniwala at tradisyon sa

kadahilanang naisalin-salin ito sa sumunod na henerasyon at kanilang nalaman at mas

napalawig pa ang mga ito. Nagbibigay ito ng kaalaman upang kanilang malaman kung ano

ang pamumuhay mayroon ang mga sinaunang panahon noun. Napapanatili nito ang

kagustuhang magsulat, magbaybay at linangin pa ang kultura, tradisyon at paniniwala.

You might also like