You are on page 1of 4

Aureada, Byron Arnold M.

1CMC

Ano ang tungkulin ng panitikan sa Lipunan?

 Tungkulin ng panitikan na ipalaganap ang kulturang Pilipino hanggang sa susunod na

henerasyon. Mahalaga na ito ay hindi malimutan sapagkat ito ang kumikilala sa mga

Pilipino. Tungkulin rin nito na hikayatin ang bawat Pilipino na maki isa sa pagbabago na

dumadaan sa ating buhay. Tungkulin nito na mag bigay ng impormasyon, hindi lamang sa

mga Pilipino, kundi sa buong mundo.

Bakit nagbabago ang uri ng Panitikan sa bawat panahon?

 Sapagkat ang panitikan ay dapat na sumabay sa agos ng panahon upang ito ay hindi

mapag iwanan. Ito ay nangangahulugan na dapat habang tumatagal ay nakaka sabay ito

sa modernisasyon. Habang tumatagal ang panahon, nag babago ang pag iisip ng mga tao

at dahil dito, nag babago rin ang takbo ng panitikan sa bawat panahon. Sa pag kalat ng

teknolohiya, patuloy na nag bago ang panitikan na siyang nakikita natin sa kasalukuyan.

Paano nakaiimpluwensya ang bawat panahon sa pagbabago ng Panitikan?

 Nadadagdagan ang kultura natin ay kasabay nito ang pagbabago ng panitikan. Marami

ang sumakop sa ating bansa at naimpluwensyan nito ang bawat tao sa ating bansa. Halo-

halo ang pag uugali, nakasanayan, tradisyon, at iba pa. Dahil dito, dumami ang panitikan

at nadagdagan ito hanggang sa panahon ng modernisasyon.

Masasabi bang laging magkaugnay ang panitikan at kultura?


 Ito ay magkaugnay dahil parte ng kultura natin ay ang panitikan. Malaki ang naiambag

ng panitikan sa ating kultura sapagkat ito ang isa sa mga paraan upang maipalaganap ang

kulturang Pilipino. Dahil sa panititikan, nagging malinaw ang mga nakasanayan, ugali,

tradisyon ng mga tao sa ating bansa.

Paano nagsimula ang panitikang popular sa Pilipinas?

 Noon paman, uso na ito sa ating bansa. Ang pinaka tanyag na panitikan para saakin noon

ay ang kwentong-bayan. Ito ay una kong narinig sa aking lolo’t lola.Ito ay mga kwento

tungkol sa iba’t ibang bagay. Sikat ito noon sapagkat may mga aral na napupulot dito at

iba’t ibang kwento na kawili-wili lalo na sa mga bata.

Kung ang panitikang popular ay nagsimula sa panahon ng teknolohiya o elektronikong

midiya, mahalaga pa rin ba ang mga nakalimbag na basahin o print media?

 Mahalaga pa rin ang mga ito dahil may mga taong mas pipiliin na mag basa ng diaryo at

magazine kaysa mag hanap sa internet ng mga balita at iba’t ibang pangyayari. Mas

naiintindihan ng ibang tao ang kanilang binabasa pag ito ay mula sa libro. Hindi lahat ay

marunong gumamit ng social media at kabilang na rito ang mga matatanda. Sila rin ang

kadalasang nag babasa ng mga diaryo.

Mas mabisa ba ang panitikang popular sa pagpapaigting ng kulturang Pilipino?

Patunayan.

 Oo sapagkat ang panitikang popular ay ang tumutulong sa mga tao upang mapangalagaa

ang kultura natin sa pamamagitan ng pagtangkilik rito. Sa ganitong paraan, hindi natin

nalilimutan ang ating kultura. Maaari rin itong maipasa sa mga susunod na henarasyon

nang sa gayon ay mapalaganap ito kahit na tumagal ang panahon. Makakatulong rin ito
upang maintindihan nila kung saan at ano ang pinagkaiba ng kultura noon at kung

papaano ito nabago ng panahon.

SANGGUNIAN:

Pauline, B. (n.d.-b). P-A-H-A-Y-A-G-A-N.docx. Scribd. Retrieved February 22, 2024, from

https://www.scribd.com/document/449463497/P-A-H-A-Y-A-G-A-N-docx

Esguerra, M. N. Z. (n.d.). Ano ang Kahulugan ng Pahayagan.docx. Scribd. Retrieved February

22, 2024, from https://www.scribd.com/document/434978854/Ano-ang-Kahulugan-ng-

Pahayagan-docx

Sanaysay. (2023, September 10). Ano ang Bahagi ng Pahayagan? Kahulugan at Halimbawa.

Sanaysay Philippines. Retrieved February 22, 2024, from https://www.sanaysay.ph/bahagi-ng-

pahayagan/

Gobrin, F. (2017). Panitikang Pilipino Filipino Modyul ng Mag-aaral. www.academia.edu.

https://www.academia.edu/33726922/Panitikang_Pilipino_Filipino_Modyul_ng_Mag_aaral

Caragay, A., II. (n.d.). Panitikang popular. Scribd. Retrieved February 22, 2024, from
https://www.scribd.com/document/392404293/Panitikang-Popular

You might also like