You are on page 1of 6

UNANG MODULE

SA
BEED
AKA 18
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya (II) Panitikan ng Pilipinas

Pangalan:
Jennifer Cortez Tan
Section:
A
Oras:
MWF 10:00-11:00AM

Guro:
Bb. Genevev Maestad
ARALIN 1

PAGGANYAK/AWARENESS
1. Sa kasalukuyan, bakit kailangang maunawaan at mapahalagahan ng mga kabataang katulad ninyo ang ating
panitikan?

Bilang isang kabataan ng Pilipinas na siyang pag-asa ng bayan, napakahalagang maunawaan at


mapahalagahan natin ang ating panitikan sapagkat ito ay makatutulong na maipahayag ang mga kaisipan, mga
damdamin, hangarin at diwa ng mga tao upang magkakaintindihan ang bawat isa. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng
panitikan, naipakilala ang pagka-Pilipino at mapapakita ang yaman ng isip ng bawat isa at angking talino ng lahing
pinagmulan dahil mas nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa paglinang at
pagpapaunlad nito. Lalo na sa panahon ngayon na unti-unti ng nagbabago at nakakalimutan ang ating sariling
panitikan kaya’t napakaimportante na mauunawaan ito ng mga kabataan upang mas lalo nilang maramdaman at
mahalin kung gaano kaganda ang sariling atin. Ito rin ay naglalarawan sa mga karanasan, kultura, at tradisyon ng
mga sinaunang Pilipino na nagbibigay tulay sa nakaraan na maaari nating maisalamin sa kasalukuyang buhay natin.
Dahil dito, mas maiintindihan natin ang ating sariling kultura at tradisyon upang mas mabibigyan natin ito ng halaga
at taas noo nating ipagmalaki na tayo ay mula sa lahing Pilipino.

Gawin natin: Pag-unawa sa Paksa

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ano ang tinatawag na Panitikang Pilipino? Gawing masaklaw ngunit maikli ang paliwanag.

Ito ang mga pahayag na pasalita o pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-
uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

2. Patunayang ang tabak ng panitik ni Rizal ang gumising sa mga Pilipino sa pang-aalipin ng mga Kastila.

Di gaya ng ibang bayani na gumamit ng karahasan sa pamamagitan ng tabak at baril para ipagtanggol tayo
laban sa mga dayuhan na sumakop sa ating bayan, ginamit ni Dr. Jose Rizal ang kanyang kakayahan sa pagsulat at
gumawa ng mga nobela at akda kagaya lamang ng “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo”. Isinulat ito ni Dr.
Jose Rizal upang labanan ang pananakop ng mga kastila. Ito ay nagpamulat sa mga Pilipino upang ipagpatuloy ang
paglaban tungo sa isang malayang Pilipinas mula sa pang-aalipin ng mga Kastila. Siya ang nagbigay ng boses sa
masa sa panahong sinakop tayo ng mga Espanyol. Dahil dito, nabigyan din tayo ng kalayaan magsalita at ibahagi
ang nasa ating mga isipan. Pagkatapos ng tatlong daan tatlumpu't tatlong na taon na pagsasakop ng mga Kastila sa
Pilipinas, idineklara noong Hulyo 12, 1898 ang kalayaan ng Pilipinas laban sa Espanya.

Teacher Intervention:09532003621/genevevmae.jcallhub@gmail.com

3. Bakit may malaking impluwensyang pandaigdig ang panitikan?

Dahil sa panitikan, milyong-milyong tao sa daigdig ay nabigyan ng pagkakataong ipahayag ang kanilang
nais sabihin gamit ang kakayahang sumulat at maging pasalita. Sapagkat ito ay nagtatalakay sa mga kabihasnan,
kaugalian, paniniwala, at pamumuhay ng may akda na nakakatulong upang tayong lahat sa daigdig ay
magkaunawaan, magtulungan, at mapalapit ang ating mga damdamin kahit milya-milya ang layo natin sa isa’t-isa.
Sa paraan din na ito ay maipamalas natin sa ibang bansa kung gaano kaganda ang kultura at panitikan gawa ng mga
Pilipino. Sa ganitong paraan mas lalong dadami ang dadayo sa ating bansa upang saksihin kung gaano kaganda ang
bansa na ating tinitirhan.

Pagtataya

Sagutin ang sumusunod na tanong:


PAGTATAYA: Pagpapalawak ng Kaalaman

1. Palawakin ang inyong kaalaman tungkol sa mga katangian ng ating panitikan sa kasalukuyang panahon, batay sa
inyong:

a. Pormal na pag-aaral

Batay sa aking pormal na pag-aaral, ang Pilipinas ay mayaman sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na
naglalarawan sa kalinangan ng mga Pilipino. Noon 2000, binigyang katangian ni Villafuerte ang panitikan bilang
isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May búhay ang panitikan sapagkat may sarili
itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa
kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan. Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng
madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.

Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan sa


Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga nasusulat na salita sa
mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika,
katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS,
at mga kompyuter. Dahil sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa
nang instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang
pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.
b. Sariling pagbabasa

Batay sa aking sariling pagbabasa, pagkatapos idineklara ang kalayaan ng ating bansa, ang panitikan sa
panahon ngayon ay unti-unting nagsulputan ang mga makabagong salita. Mas naging malaya nating naiibahagi at
naiipahayag ang ating mga saloobin. Ang paraan ng paglathala ng pantikan ngayon ay maaring sa website/blog.
Dahil na rin sa makabagong teknolohiya, ang mga bawat may akda sa panahon ngayon ay naipapahayag ang
kanilang saloobin sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag gamit ang internet na mas lumaki at madaling
maabot ng mga mambabasa sa iba’t ibang parte ng daigdig ang kanilang mga gawa.

    Mahalagang makilala ang bawat panitikan na sumibol sa bawat panahon. Sapagkat ang panitikan ay
larawan o mukha ng isang bansa. Ito ang naglalarawan sa kultura at pamumuhay ng mga tao sa panahong nailathala
ang panitikan. At sa ganitong paraan, maipamalas at maipagmalaki natin sa buong daigdig ang kultura na mayroon
ang Pilipino.

c. Pagdalo at pakikinig sa mga kapulungan, seminar, panayam, atb

Habang ako ay dumadalo sa “Virtual seminar” ng CHEDRO7 #Kamalayan Progressive Webinar Series 11
na naganap noong April 23, 2021 napagtanto ko na napakalaki na talaga ng pagbabago kung ikukumpara ang
pamumuhay natin noon at ngayon. Dahil sa makabagong panahon, halos lahat na nagaganap sa mundo ay
gumagamit na ng teknolohiya lalo na sa mga kapulungan, seminar, panayam at iba pa. Mas maraming manunuod
ang nakakadalo na nanggagaling sa iba’t ibang parte ng Pilipinas o kahit sa ibang bahagi ng mundo. Katulad lamang
sa nangyaring seminar via zoom na aking dinaluan, higit 500 na partisipante ang nakadalo na mga estudyante na
nanggaling pa sa ibat ibang paaralan at unibersidad sa region 7 at higit 18 000 na nanonood sa facebook live.
Napakalaking tulong ng teknolohiya sa pagunlad ng ating sariling panitikan dahil nagbibigyan tayo ng pagkakataong
magkaisa at magbahagi ng impormasyon para mabigyan tayo ng kalaaman sa kasulukuyang pangyayari sa ating
bayan.

d. Pagmamasid

Batay sa aking pagmamasid, napapansin ko ngayon ay umuunti na ang bilang ng mga panitikang Pilipino
na tumatatak sa mga utak ng mga Pilipino, lalo na sa ating kabataan. Hindi maiiwasan ang pagbilis ng pagbabago sa
ating sariling panitikan dahil na rin sa impluwensya ng karatig bansa. Ang wikang panitikan sa kasulukuyan ay unti-
unting nagbabago at nakakalimutan dahil madalas sa mga kabataan ngayon ay mas marunong pang mag-Inglis sa
halip na mag tagalog. Mababatid na sumasabay ang panitikan sa modernisasyon ng mundo- sa pagbago-bagong
aspekto ng teknolohiya at internet. Ang modernisasyon na ito ang nagluwal sa makabagong anyo sa pamamaraan ng
pagtula, pagkukuwento at iba pang anyo ng panitikan.

Mga Puna sa Pagtataya:

Mangyaring gabayan ka ng mga sumusunod na pamantayan sa pagsagot sa iyong mga aktibidad sa pag-
aaral at gawain sa pagsasanay.

KRAYTERYA PUNTOS
Nilalaman o kaangkupan sa Paksa 40
Malinaw at hindi maligoy ang pagpapahayag 30
Kabuuan: 70 Puntos

ARALIN 2
PAGGANYAK/AWARENESS

 Paano nakakamit ng isang tao ang mayamang kaalaman sa ibat ibang larangan ng karunungan at
impormasyon tungkol sa panitikan?

Makakamit ng isang tao ang mayamang kaalaman sa iba’t ibang larangan ng karunungan at impormasyon
tungkol sa panitikan sa pamamagitan ng pag-aaral nito, maaaring magbabasa ng iba’t ibang klase na libro,
manonood ng balita, at pakikinig ng radyo. Maging sa karanasan ay maaari rin siyang makakuha ng leksyon upang
mas lalong madagdagan at mapalawak ang kanyang kaalaman tungkol sa panitikan.

Gawin Natin: Pag-unawa sa Paksa

PANUTO: Ipaliwanag ang kahulugan ng mga sumusunod na salawikain:

1. Kung ano ang lakad ng alimangong matanda ay siyang lakad ng alimangong bata.

Kung ano ang ginagawa ng mga nakatatanda ay susundin din ito ng mga bata. Sa kadahilanang,
mapagmasid ang mga bata at mahilig manggaya kung ano ang kanilang nakikita.

2. Huli man daw at magaling ay maihahabol din.

Ito ang tinatawag na tinaguriang “Filipino time” kung saan ito ay kaugalian na ng mga Pilipino na
palaging pagiging huli sa takdang oras ng pagtitipon, panayam o simpleng pagtatagpo. 

3. Bago mo pansinin ang uling ng iba ang sariling uling ay pahirin muna.

Matuto kang tingnan muna ang iyong sarili at siguraduhin mong wala kang kapintasan bago ka
manghusga at manglait sa iba.

4. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala.

Ang pagiging sakim at paghangad ng sobra sobra ay maaaring mas lalo lang mawawalan o mas
mababa pa kaysa sa nais niyang makukuha. Kaya dapat marunong tayong ma kontento kung anong
mayroon sa atin at wag tayong maghangad ng sobrang taas dahil mas masakit pa ang pagbagsak nito.
5. Ang magtanim ng hangin, bagyo ang aanihin.

Kapag may ginawa kang masama sa kapwa mo ay tiyak na babalik sa iyo ito na mas higit na masama
pa ang iyong daranasin.

Teacher Intervention:

09532003621/genevevmae.jcallhub@gmail.com

PAGTATAYA:

1. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ang mga kantahing bayan ay nagpapahayag ng damdamin,
pamumuhay, karanasan, pananampalataya, kaugalian at hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa
isang pook.

Ang mga kantahing bayan ay ang mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang ngayon ay
kinakanta o inaawit pa rin. Sa panahong ito, ito lamang ang nakapagpapanatili sa ating moral. Nanatiling
paksa ng ating mga kantahing bayan ang ating katutubong kultura, damdamin at mga paksain. Karamihan
ay batay ito sa mga damdaming ayon sa kapiligiran ng tao, kahalagan ng paggawa, paglalarawan ng
kagandahan ng kapaligiran, pag-asa, pag-ibig, kaligayahan, at nagpapahayag ng iba’t-ibang ugali.
Halimbawa ng isang kantahing bayan ay ang kantang “Dandansoy”.

Dandansoy (isinalin mula sa Sugbuwanon/Cebuano)


Dandansoy, bayaan na kita
Uuwi na ako sa payaw
Kung sakaling maulila ka sa akin,
Tanawin mo lamang ako sa payaw
Dandansoy, kung susunod ka sa akin
Huwag kang magdadala ng tubig,
Kung sakaling ikaw ay mauhaw
Humukay ka ng balon sa daan.

Ang “Dandansoy” ay isang awit ng pag-ibig, inukukuwento ng kanta ang pamamaalam kay
Dandansoy ngkasintahan na uuwi sa Payaw. Gayunman binibigyan ng babae si Dandansoy ng pagkakataon
upang patunayan kung wagas ang pag-ibig. Nasa unang saknong ang pamamaalam at pagbibilin kay
Dandansoy na kung ito ay mangulila o ‘hidlawon’ ay maaari siyang makita sa Payaw.
May kani-kaniyang kantahing bayan ang mga naninirahan sa kapatagan at maging sa bulubundukin
ng Luzon, Bisaya’t Mindanaw. Ibang halimbawa na tumatatak sa ating isipan hanggang ngayon ay ang
Leron, Leron Sinta, Dalagang Pilipina, Bahay Kubo, Atin Cu Pung Singsing, Paruparong Bukid Dandansoy
at Lawiswis-Kawayan.

Mga Puna sa Pagtataya:

Mangyaring gabayan ka ng mga sumusunod na pamantayan sa pagsagot sa iyong mga aktibidad sa pag-aaral at
gawain sa pagsasanay.
KRAYTERYA PUNTOS
Nilalaman o kaangkupan sa Paksa 30
Malinaw at hindi maligoy ang pagpapahayag 25
Kabuuan: 55 Puntos

You might also like