1. Mahalaga ba ang pagpapahayag ng saloobin at damdamin sa pag-aaral ng
panitikan? Ipaliwanag ang iyong sagot. - Opo, sapagkat sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng ating damdamin at saloobin, makikita o masusukat natin ang bisa ng isang akda sa mambabasa. Sa pamamagitan din nito ay ating makikita kung ang akda o panitikan na binasa ay naintindihan nang mabuti. Maipapakita mo rin ang iyong opinion o panig sa tekstong nabasa. 2. Paano nakatutulong ang akda sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng isang bansa? - Isang malaking kontribusyon ang paglalarawan ng mga akda sa mga tradisyon at kultra ng ating bansa sapagkat sa pamamagitan ito naipapakita at naipagmamalaki natin sa buong mundo an gating tinatagong yaman. Nagkakaroon ng kaalaaman at malawak na imahinasyon ang kabataan ng makabagong panahon tungkol sa ating tradisyon at kultura na isinasagawa ng mga Pilipino mula noon hanggang sa kasalukuyan. Ipinapakita din nito sa atin na dapat natin itong pahalagahan, pagyamanin, at ipagpatuloy sa mga susunod pang panahon upang hindi maglaho ang pagkakakilanlan n gating bansang Pilinas lalong lalo na nating mga Pilipino.