Panuto: Bigyang pagpapakahulugan ang katagang "PANITIKANG FILIPINO" sa
pamamagitan ng akronim. Maging malikhain sa pagbuo ng mga salita
P-agsulat. Pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at
patula. A-speto. Ang panitikan ay tumatalakay sa iba't ibang aspeto ng buhay sa Pilipinas. N-agpapahayag. Nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. I-mpluwensya. Ang panitikan ay naghatid ng malaking impluwensya sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay, at kabihasnan ng tao. T-alan. Talaan ng buhay ang panitikan sapagkat dito nasisiwalat ng tao sa malikhaing paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig ng kanyang kinabibilangan at pinapangarap. I-nspirasyon. Ang panitikan ay nagbibigay inpirasyon at papuri sa mga mamamayang Pilipino. K-ultura. Isang salamin, isang larawan, isang repleksyon o representasyon ng buhay, karanasan, lipunan, at kasaysayan. A-ral. Nagtatagllay ang mga istorya ng aral hinggil sa mga paniwala, kaugalian, at pamahiin ng ating mga ninuno. N-akaraan. Nasasalamin dito ang pinagmulan ng isang lahi, ang pagsulong at pag- unlad ng isang bansa sa bawat panahong kanyang dinaanan at pagdadaanan pa.