You are on page 1of 5

Ang Kahalagahan ng Panitikan

The Importance of Literature

Ang panitikan ay isang bagay na karamihan ng mga tao


ay nakasalamuha. Ito ay isang napakalapad at kamangha-
manghang paksa. Ang pag-aaral ng iba’t ibang uri ng literatura ay
nakapagpapalawak ng imahinasyon at nakapagpapabuti sa paraan
ng pagbabasa at pagsusulat. Malaki ang kaugnayan ng pagbabasa
sa pagsusulat dahil sa pagbabasa at pagsusulat nalilikha ang
magagaling na manunulat. Lampas sa mga batayang benepisyo,
and pag-aaral ng literatura ay nakatutulong upang maranasan na
makita ang buong mundo.

Mayroong patuloy na pag-uusap tungkol sa mga ideya at halaga na


nakatulong sa ating lipunan. Ang pag-uusap na ito ay naipapakita
sa gawa ng literatura. Ang bawat gawa ng panitikan ay
nagtatanghal ng moral sa mga magkakaibigang mata sa
pamamagitan ng paraan ng iba’t ibang pananaw. Sa kwentong
“Ang Mangingisda,” Ponciano B. P. Pineda ay mabisang nailahad
ang tungkol sa mga maaaring kahihinatnan ng paghahangad ng
tagumpay gamit ang masamang pamamaraan. Ipinakita ng may-
akda na ang pagkakaroon ng mabuting ugali ay ang tamang daan
patungo sa tagumpay.

Ang pagkamulat ng kamalayan sa pag-aaral ng panitikan ay


nakabubuo sa paglikha ng sariling paniniwala, opinyon at
pananaw ng isang tao. Ang mahuhusay na akda ay tumutulong
para mapalawak ang karanasan ng isang tao. Sa isinulat ni Emilio
Jacinto na “Ang Ningning at Ang Liwanag” ay mabisa niyang
inilarawan kung paano nakikita ng tao ang katotohanan sa
kahuwada; ang pagkahumaling ng tao sa panlabas na kagandahan
kaysa panloob.

Salamin din ng literatura ang pagpapakita ng pagkakaiba at


pagkakapareho ng pamumuhay ng mga tao sa iba’t ibang lugar.
Dahil binibigyan tayo nito ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang
kultura, pinahuhusay din nito ang kakayahan natin upang
makipag-usap sa iba. Sa kwentong “Isang Matandang Kuba Sa
Gabi ng Caño” ay nagpapakita ng paniniwala ng isang tribo sa
Pilipinas. Ang pag-alam sa iba’t ibang paniniwalang ito ay
makatutulong para maging bukas-isip tayo tungkol sa mga tao
kung sino ang mga naiiba nang sa gayon nakapagpapakita ang
isang tao ng kanyang paggalang sa mga paniniwalang ito. Daloy
rin ng literatura ang pakikipag-isang damdamin sa iba at ang
pagbibigay daan sa pag-unawa sa kung anuman ang kanilang
nararamdaman sa isang sitwasyon o pangyayari. Ang
katotohanan, ito ay mahabang tulay na nagdurugtong sa
sangkatauhan.

-Nathan

https://medium.com/@insearchofsanity/ang-kahalagahan-ng-
panitikan-2e548f721363#.oc35ggaqu

Mga katangian ng Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang


batayan]
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip na guni-
guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy, panlasa, at
pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na
salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at
dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan.
Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.[6]

Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o pangkat
ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.[4]

Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng panitikan


sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga
nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan
ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape recorder), diskong
kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter.[3] Dahil sa internet, naging
maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang instrumento ito para
sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan,
kasaysayan, at kalinangan o kultura.[4]

Kahalagahan ng Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]


May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng mahalagang
panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga buhay, upang
matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng kalikasan ng pagiging
makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at maging ang kanyang
pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang pangdadayuhan ng
ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan, ang panitikan ang
kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.[4]

Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa pinagbabatayan ng


pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga bansa.[4]

Pag-aaral ng Panitikang Pilipino[baguhin | baguhin ang batayan]


Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral at pagkakaroon ng
kurikulum na ukol sa panitikang Pilipino.[4] Bilang isang kurso sa paaralan, dalubhasaan, o
pamantasan, ginagamitan ang pag-aaral ng Panitikan sa Pilipinas ng makasaysayang pananaw.
Sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa iba't ibang panahong pinagdaanan ng
bansang Pilipinas. Sakop din nito ang mga mga uri at anyo ng Panitikang Pilipino, paglinang nito,
mga manunulat, mga bayani, at mga mithiin ng sangkabansaan.[1]
MGA ELEMENTO NG TULA

 Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na


bumubuo sa isang saknong.
 Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na
may dalawa o maraming linya o taludtod.
 Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag ang huling pantig
ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog.
 Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita
upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at
kawilihan.
 Talinghaga - Isang sangkap ng tula na may kinalaman sa tinatagong
kahulugan ng tula.

Kahulugan ng simbolismo simbolismo ay ang paggamit ng mga simbolo upang


magpahiwatig ng mga ideya at mga katangian sa pamamagitan ng pagbibigay
sa kanila ng symbolic mga kahulugan na iba mula sa kanilang literal na
kahulugan. Simbolismo ay maaaring tumagal ng iba't ibang anyo. Sa
pangkalahatan, ito ay isang bagay na kumakatawan sa isa pang upang bigyan
ito ng isang ganap na magkaibang kahulugan magkano ang mas malalim at
mas makabuluhan. Minsan, gayunpaman, ang isang pagkilos, isang kaganapan
o isang salita sinasalita ng isang tao ay maaaring magkaroon ng isang
symbolic halaga. Halimbawa, "ngiti" ay isang simbolo ng pagkakaibigan.
Katulad nito, ang pagkilos ng isang tao sa nakangiting mo maaaring tumayo
bilang isang simbolo ng pakiramdam ng pagmamahal na kung saan na ang
taong ito ay may para sa iyo. Mga Simbolo huwag shift ang kanilang mga
kahulugan depende sa konteksto ang mga ito ay ginamit in "A chain",
halimbawa, ay maaaring tumayo para sa "pagkakaisa" pati na rin ang
"pagkabilanggo". Kaya, symbolic mga kahulugan ng isang bagay o ng isang
pagkilos ay naunawaan sa pamamagitan ng kung kailan, saan at paano
ginagamit ang mga ito. Ito din ay depende sa mga taong bumabasa sa kanila.

You might also like