ring nagbago ang layunin, tema, nilalaman, anyo at maging ang wikang ginagamit sa pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa lipunan. Sa kasalukuyan, iba’t-ibang paksa sa iba’t-ibang anyo ng panitikan ang patuloy na namamayagpag. Ito ay dahil sa higit na naging malawak ang karanasan ng mga Pilipino bunga ng maraming pangyayari sa ating bansa. Ang panitikan ay dapat lamang dumaan sa masusing pagsusuri upang lumabas ang magkabilang-mukha ng mga argumentong nakapaloob sa isang sulatin. Mangyari paman iba- iba ang dahilan kung bakit isinusulat ang isang teksto. Gayundin, may sari-sariling paraan at estilo ang isang manunulat sa pagbuo ng kaniyang sulatin. Wika ang puhunan ng isang manunulat sa pagpapahayag ng kanyang mga saloobin at pananaw ukol sa isang paksa na bunga ng kaniyang kaalaman at naging mga karanasan sa buhay. Gayundin naman, iba-iba rin ang nagiging paraan ng pagtanggap at pag-unawa ng mga mambabasa sa mensaheng nais ipabatid ng manunulat. Ang pagkilatis at ang pagtitimbang-timbang sa mga mensaheng nakapaloob sa isang teksto ay dapat dumaan sa kritikal at lohikal na pamamaraan. Nakasalalay parin sa kamay ng mambabasa ang kaniyang magiging pagtingin o paghuhusga sa mga datos na kaniyang nakakasalubong sa kaniyang pagbabasa. Depende sa layunin ng manunulat, ang isang teksto ay maaaring manlibang, mangaral, magturo, magpatawa at marami pang iba na mararamdaman ng mambabasa habang ninanamnam niya ang isang sulatin. Upang lumitaw ang kadalisayan o kabuluhan ng mga tekstong nakasulat, nararapat kung gayon ang masusing pagsusuri sa nilalaman ng mga ito. Ito ang dahilan kung bakit dapat bigyan ng puwang ang pagsusuri sa mga teksto dahil mas tumitingkad ang tunay na kayamanang taglay ng isang teksto kapag ito ay idinaan sa isang pagsusuri. Mahalagang larangan ng pag-aaral ang panunuring pampanitikan. Ito ay kung isasaalang-alang na wala tayong ideya ng kung ano ang daigdig ngayon kung walang panitikan na nagbibigay depinisyon, naglalahad sa anyong buhay; naglalarawan at nagtutunggali sa mga imahen ng mundo. At kung walang pagsusuri ng panitikan, wala rin tayong ideya kung paano umunlad at dumating sa yugtong kasalukuyan ang ating buhay. Ganyan ang ugnayan ng panitikan at panunuri ng teksto at krisismo. Kung titingnan natin sa ganitong perspektiba, masasabi samakatuwid na isang kinakailangan at di maiiwasang aktibidad ng tao ang panunuring pampanitikan at ang gawaing ito ay nakaatang sabalikat ng mga intelektuwal at akademiko (Santiago, 2004) Ayon kay Richards (sa Olsen, 1978) maaaring kumilos ang wika sa emosyon ng mambabasa sa dalawang paraan: maaaring maghatid ito ng ideya na sa kalaunan ay maghahatid ng emosyon at maghahatid ito ng direktang emosyon sa mambabasa ng walang tagapamagitan sa mga ideya. Nagiging posible ito kung nakondisyon na ang mambabasa sa mga salita. Ang isang uri ng teksto ay naghahatid ng iba’t-ibang realisasyon, ang bawat indibiduwal o mambabasa ay gagawa ng sarili niyang desisyon kung paano punuin ang pagkukulang sa ano lang ang ipinapakita ng binabasa niya. 1. Pakikisangkot. Ito ang paglalapat ng karanasang emosyunal o relasyon ng mambabasa sa teksto.
2. Pakikipag-ugnayan. Pagsasalaysay ito ng
magkakatulad na karanasan, saloobin at kaalaman ng tekstong binasa sa iba pang teksto. 3. Paglalarawan. Ito ang pagsasalaysay ng kilos, ugali, paniniwala, layunin at plano ng may-akda gamit ang wika.
4. Pagbibigay-kahulugan. Ang pagbibigay ng
hinuha, pagpapaliwanag sa mga kahulugan ng mga simbolong ginamit ng may-akda, kabilang din dito ang intensiyon ng may-akda, ang persepsiyon ng karakter at mga prediksyon sa pag-unawa ng binasang akda.
5. Paghatol. Ang pagkritik sa mga karakter o sa
kalidad ng tekstong binasa. May dawalang panlahat na anyo ang teksto: ang prosa o tuluyan at patula. Ang prosa o tuuyan ay maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong anyo ng pangungusap. Ang patula ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig. May dalawang kayarian ang tula: may sukat at tugma o tradisyunal. Ang malayang taludturan ay ang tinatawag sa Ingles na free verse. Sapagkat malaya, hindi nito isinasaalang-alang ang tiyak na bilang ng pantig at pagpili ng salitang dapat na magkakasintunog sa dulo ng taludtod (Espina et al, 2009) 1. Maikling Kuwento. Ito’y isang salaysay na ginagalawan ng isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at kakintalan.
2. Dula. Isa itong anyo ng
akdang panliteratura na binibigyang-buhay sa pamamagitan ng karaniwang pagtatanghal sa entablado. 3. Sanaysay. Pagpapahayag ito ng kurukuro o opinyon ng may-akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri: maanyo o pormal (nangangailangan ng masusing pag-aaral at pananaliksik tungkol sa paksang isusulat) at malaya o impormal (karaniwan lamang ang ma paksang ginagamit sa sulatin kaya hindi na kailangan ng ibayong pananaliksik).
4. Nobela. Isang mahabang salaysay na nahahati
sa mga kabanata. Ang mga pangyayari rito’y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasaklaw ng mahabang panahon at ginagalawan ng maraming tauhan. 5. Alamat. Karaniwang hindi batid kung sino ang may-akda o sumulat nito. Ang mga paksa nito ay tungkol sa pinagmulan ng tao, bagay, lugar at iba pa. Dahil karamihan sa mga ito ay pasalindila lamang, nagkakaroon ng iba’t-ibang bersyon ang isang alamat.
6. Anekdota. Ito’y likhang-isip ng mga
manunulat na ang layunin ay magbigay ng aral.
7. Pabula. Tungkol sa mga hayop ang
karaniwang paksa nito. Layon nitong gisingin ang interes ng mga bata at makapagbigay-aral sa mga mambabasa. 8. Parabula. Ito’y salaysaying hango sa Bibliya. Layon din nitong makapagbigay-aral.
9. Balita. Isang paglalahad sa mga pangyayaring
nagaganap sa lipunan sa araw-araw, tungkol sa pamahalaan at sa lahat ng isyung maaaring makaapekto sa indibidwal o sa nakararaming mga tao sa isang komunidad o bansa.
10. Talumpati. Karaniwang ito’y binibigkas sa
harap ng mga tao. Layunin itong humikayat, magpaliwanag at magbigay ng opinyon ukol sa isang pangyayari o paksa. 11. Talambuhay. Ito’y tala ng kasaysayan sa buhay ng isang tao. Ito ay maaaring pansarili o paiba. Ang pagsulat ay isinasagawa batay sa marami at iba’t-ibang layunin na tumutugon sa iba’t- ibang uri ng mambabasa. Ang iba’t-ibang anyo ng pagsulat ay karaniwang tinatawag na mga uri ng teksto. Ang tinatawag na factual texts ay nagbibigay-impormasyon, nag-uutos o humihikayat o umaakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng katibayan o patotoo at impormasyon. Ang mga tekstong literari ay nagbibigay-aliw o kasiyahan o nagbibigay ng emosyonal na tugon sa pamamagitan ng paggamit ng wika na lumilikha ng mga larawan sa ating utak. TEKSTONG IMPORMATIBO naglalarawan ng isang TEKSTONG IMPORMATIBO biswal na konsepto tungkol naglalahad ng mga sa isang tao, bagay, lugar o mahahalaga at tiyak na pangyayari sa tulong ng impormasyon tubgkol sa paksa mahalagang impormsyon (bagay, tao, lugar, o pangyayari TEKSTONG PERSUWEYSIB TEKSTONG naglalahad ng ideya Mga ARGUMENTATIBO upang makahikayat, uri ng naglalahad ng mga makakuha ng atensiyon o proposisyon hinggil sa mapaniwala ang teksto isang konsepto o isyu mambabasa TEKSTONG NARATIBO TEKSTONG PROSIDYURAL naglalahad ng pagkasunod naglalahad ng mga sunod ng mga pangyayari impormasyon kung paano habang nagpapakita ng mga ang proseso o isinasagawa impormasyon tungkol sa ang isang bagay mga tiyak na tagpo, panahon, at mga tao Araw-araw patuloy na nadaragdagan ang ating kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa. Lumalawak ang ating kaalaman dahil sa mga ideya at impormasyong ating nababasa sa mga pahayagan, sa internet at sa social media. Nagbibigay impormasyon ang mga tekstong ito dahil pinupukaw nito ang mga dati na nating alam o binibigyan tayo ng bagong impormasyon na hindi pa natin nalalaman. Layunin ng ganitong uri ang sulatin na ipabatid sa mga mambabasa ang tungkol sa isang tiyak na paksa. Ito ay isinusulat sa paraan na madaling mahanap ng mambabasa ang pangunahing impormasyon na kailangan nang sa gayon ay madali nilang maintindihan ang paksa. Sa pangkalahatan, pangunahing layunin ng tekstong impormatibo ang maghatid ng impormasyon tungkol sa natural at sosyal na daigdig; mga tekstong tipikal na nagtataglay ng katangian gaya ng mga tekstong nanggaling sa marami at iba’t-ibang anyo kasama na ang mga aklat, magasin, handouts, brochure at iba pa.