You are on page 1of 68

SANDIGAN NG LAHI…IKARANGAL NATIN

1.1: a. Panitikan: Balagtasan


Aralin 1 : “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”
ni Jose Corazon de Jesus
Ang Panitikan sa
b. Wika: Opinyon o Katotohanan
Panahon ng 1.2: a. Panitikan: Sarsuwela
Amerikano “Walang Sugat” ni Severino Reyes
b. Wika: Kaantasan ng Pang-uri

2.1: a. Panitikan:Sanaysay (Talumpati)


Aralin 2 : “Wikang Pambansa” ni Manuel L. Quezon
b. Wika: Iba’t Ibang Paraan ng Pagpapahayag
Ang
2.2: a. Panitikan: Maikling Kuwento
Panitikan sa “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes
Panahon ng b. Wika: Kayarian ng Pang-uri

Komonwelt

3.1: a. Panitikan: Maikling Kuwento


Aralin 3 : “Ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata”
ni Genoveva Edroza Matute
Ang Panitikan sa
b. Wika: Aspekto ng Pandiwa
Panahon ng 3.2: a. Panitikan:Dula
Kasarinlan “Sinag sa Karimlan.” ni Dionisio Salazar
b. Wika: Pagsang-ayon at Pagsalungat

1.2 - a. Panitikan: Sarsuwela


“Walang Sugat” ni
Severino Reyes
b. Wika:Kaantasan ng Pang-uri
Basahin at unawain.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Ugnay-
Panitikan Ang Balagtasan ay isang pagtatalo sa pamamagitan ng
pagtula. Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa
ilalim ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang
pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.
Bago pa man masakop ng mga dayuhan ang ating
bansa mayaman na sa tradisyong tulang sagutan sa iba’t ibang rehiyon ng Pilipinas. May tinatawag na
patulang Balitao ang Aklanon maging ang Cebuano, isang biglaang debate ng lalake at babae. Sagutan
naman ng kinatawan o sugo ng dalawang pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng
dalaga at binata ang Siday ng mga Ilonggo at Pamalaye ng mga Cebuano. Sa mga Subanen naman ay
sa inuman isinasagawa ang sagutan. Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak kung
saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa, ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat
isaalang-alang.
Ang Balagtasan ay isang makabagong duplo. Ang mga kasali sa duplo ay gumaganap na nasa
isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na nawala ang paboritong ibon o singsing. May
gumaganap na piskal o tagausig, isang akusado,at abogado. Ito ay magiging debate o sinasabing tagisan
ng katuwiran sa panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito ay
lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay-aliw sa pamamagitan ng
paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga aktor sa isang dula. Ang Balagtasan ay
ginamit ng mga manunulat upang maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at
napapanahong mga pangyayari at usapan.
Nabuo ang konseptong ito sa isang pagpupulong. Ang nangungunang mga manunulat noong
Marso 28, 1924, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de Mujeres (Women's Institute), Tondo,
Maynila. Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng kaarawan ng dakilang makata na si
Francisco Balagtas o Araw ni Balagtas sa darating na Abril 2. Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin
itong Balagtas. Hinunlapiang “an” ang pangalan kaya naging Balagtasan na ang tawag dito.
Ang unang Balagtasan ay nangyari noong Abril 6, 1924. Tatlong pares ng makata ang nagtalo na
gumamit ng iskrip. Ang pinakamagaling sa mga nagbalagtasan ay sina José Corazón de Jesús at
Florentino Collantes, kaya naisipan ng mga bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa
dalawang kagalang-galang na makatang ito, na walang iskrip. Ginawa ito noong
Oktubre 18, 1925 sa Olympic Stadium sa Maynila. Si Jose Corazon De Jesus ang
nagwagi bilang unang Hari ng Balagtasan.Nakilala si Jose Corazon de Jesus
bilang si "Huseng Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa Balagtasan
noong 1920.
Mula noon hanggang ilang taong makalipas ang Ika-2 Digmaang
Pandaigdig, naging paboritong aliwan ang Balagtasan. Gumawa pati ang mga
makata sa ibang mga wika sa Pilipinas ng sarili nilang bersyon, gaya ng Bukanegan ng mga Ilokano
(mula sa apelyido ng makatang Ilokanong si Pedro Bukaneg at ng Crisostan ng mga Pampango (mula sa
pangalan ng Pampangong makata na si Juan Crisostomo Soto).
Sa pagdating ng mga Amerikano sa bansa sumulpot ang mga samahang pampanitikang
nakabatay sa paaralan kung hindi magkakaroon ng pagkakatong mapabilang sa mga samahang
pampanitikan.
Ang Balagtasan ay karaniwang may mga paksang pinag-uusapan ng tatlo katao. Ang mga
kalahok ay inaasahang magaling sa pag-alala ng mga tulang mahahaba at pagbigkas nito ng may dating
(con todo forma) sa publiko. Ang takbo ng tula ay magiging labanan ng opinyon ng bawat panig (
Mambabalagtas). May mga hurado na magsisiyasat kung sino sa kanila ang panalo o ang mas may
makabuluhang pangangatuwiran.
BALAGTASAN:
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
- Jose Corazon de Jesus

Lakandiwa: Yamang ako’y siyang Haring inihalal


Binubuksan ko na itong Balagtasan,
Lahat ng makata’y inaanyayahang
Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata


At ang bibigkasi’y magagandang tula,
Magandang kumilos, may gata sa dila
At kung hindi ay mapapahiya.

Itong balagtasa'y galing kay Balagtas


Na Hari ng mga Manunulang lahat,
Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag
Balagtasan ngayon ang ipinamagat.

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan


Binubuksan ko na itong Balagtasan
Saka ang ibig kong dito’y pag-usapan:
BULAKLAK NG LAHING KALINIS-LINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,


Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,
Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna
At magbalagtasan sa sariling wika.

Paruparo: Magandang gabi sa kanilang lahat


Mga nalilimping kawal ni Balagtas,
Ako’y paruparong may itim na pakpak
At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakandiwa,


Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,
Naging paruparo sa gitna ng tula
At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko


Laon nang panahong nagtampo ang bango,
Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito
Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin


Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,
Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,
mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.

Bunying Lakandiwa, dakilang Gatpayo,


Yaring kasawia’y pagpayuhan ninyo,
At si Lakan-iLaw ang gagamitin ko
Upang matalunton ang naglahong bango.

Lakandiwa: Sa kapangyarihan na taglay ko na rin


Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,
Magtuloy po kayo at dito sa hardin,
Tingnan sa kanila kung sino at alin.

Paruparo: Sa aking paglanghap ay laon nang patay


Ang bango ng mga bulaklak sa parang,
Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang
Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog


Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak po ito ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala


Ang taghoy ng dibdib na kanyang dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!

Isang dapit-hapong palubog ang araw


Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.

Isang panyong puting may dagta ng lason


Ang sa aking mata’y itinakip noon,
At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,
Nagtago pa mandin at aking hinabol.
Hinabol-habol ko ang bango at samyo
Hanggang makarating ako sa malayo,
At nang alisin na ang takip na panyo
Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohanan


Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,
At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,
Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig


Ay siya ang laging laman niring isip,
Matulog man ako’y napapanaginip,
Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.
Sa apat na sulok ng mundong payapa
Ang aking anino’y tulang nabandila,
Paruparo akong sa mata’y may luha,
Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakandiwang mahal,


Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,
At kung si Kampupot ay ayaw po naman,
Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

Bubuyog: Hindi mangyayari at ang puso niya’y


Karugtong ng aking pusong nagdurusa,
Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha
Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig


Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,
Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,
Sa ngalan ng Diyos ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,


Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,
Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,
Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,

Paruparong sawing may pakpak na itim


Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,
At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw
“Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.
Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo
At sa kasawia’y magkauri tayo,
Ako ma’y mayroong nawawalang bango
Ng isang bulaklak kaya naparito.

Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap


Bawat salita mo’y matulis na sibat,
Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,
Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,


Dalitin ko yaring matinding dalita.
Itulot mo rin po, Hukom na dakila,
Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

Paruparo: ‘Di ko pinipigil ang pagsasalaysay


Lalo’t magniningning ang isang katwiran,
Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan
Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.

Lakandiwa: Magsalita kayo at ipaliwanang


Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,
Paano at saan ninyo napagmalas
Na ito ang siya ninyong hinahanap?

Bubuyog: Sa isang malungkot at ulilang hardin


Ang binhi ng isang halama’y sumupling,
Sa butas ng bakod na tahanan namin
Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,


Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,
At nang sa butas ko ako’y makalipad
Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla


Ang tamis ng aking halik na sariwa,
At sa aking bulong na matalinghaga
Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot


Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,
Langgam at tutubing dumapo sa ubod
Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan


Habang ako’y kanlong sa isang halaman,
Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw
Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

Ang inyong taguan, akala ko’y biro,


Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,
Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso
Sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim


Giliw kong bulaklak din dumarating,
Nang kinabukasa’t muling nangulimlim
Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit


At tinalunton ko ang bakas ng ibig,
Ang kawikaan ko sa aking pag-alis
Kung di makita’y di na magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad


Dito ko natunton ang aking bulaklak,
Bukong sa halik kokaya namukadkad
‘Di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,


Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,
Ang unang balik kong katamis-tamisan
Sa talulot niya ay nakalarawan.

Paruparo: Hindi mangyayaring sa isang bulaklak


Kapwa mapaloob ang dalawang palad.
Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap
Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang


Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:
Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,
Sino ang malapit sa pagliligawan?
Una muna akong nag-uod sa sanga
Na balot ng sapot ng pagkaulila,
Nang buksan ng Diyos yaring mga mata
Bulo’t dahon namin ay magkasama na.

Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw


Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,
At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,
Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy


Na patak ng hamog, aking iniinom;
Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong
Sa init ng araw sa buong maghapon.

Paano ngang siya ay pagkakamalan


Na kami’y lumaki sa iisang tangkay,
Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay
Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

Bubuyog: Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig


Niyaring bulaklak na inaaring langit,
Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig
Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot


Nakikiinom ka ng patak ng hamog,
Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,
Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;


Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,
At akong bubuyog ang dala ko’y buhay
Bulong ng hiningang katamis-tamisan.

Paruparo: Akong malapit na’y napipintasan mo,


Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?
Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,
Ay ubos na pala ang tamis sa bao.

Bubuyog na laging may ungol at bulong


Ay nakayayamot saan man pumaroon,
At ang katawan mo’y mayrong karayom
Pa’no kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,


Talbos ng kamote ang siya mong liyag,
Ang mga bintana’y iyong binubutas,
Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,


Iyong mga bulong ay naririnig ko;
Kung dinig ng lahat ang panambitan mo
Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

Bubuyog: Kundi iniibig ang nakikiusap


Lalo na ang tahimik na tatapat-tapat,
Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad
Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payao’t dito


Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,
Pag ligaw-matanda sa panahong ito
Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog


Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,
Nguni’t saang panig nitong sansinukob
Nakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang


Sa mula’t mula pa’y ‘di ka minamahal,
Ang panyong panali nang ikaw ay takpan
Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

Paruparo: Ganyan ang hinalang namugad sa dibdib,


Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,
Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig
Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.

Bubuyog: Dadayain ka nga’t taksil kang talaga


At sa mga daho’y nagtatago ka pa.

Paruparo: Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa


Sa taglay kong bulo nilason na kita.

Bubuyog: Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.


Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

Paruparo: Bulaklak nga siya’t ako’y kanyang uod.

Lakandiwa: Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,


Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;
Yamang di-malaman ang may-ari nito,
Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

Bubuyog: Kapag hahatiin ang aking bulaklak


Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;
Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap
Kaya ang talulot niya ang malagas.

Paruparo: Kung hahatiin po’y ayoko rin naman


Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;
Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan
O buo wala nguni’t akin lamang.

Lakandiwa: Maging si Solomong kilabot sa dunong


Dito’y masisira sa gawang paghatol;
Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,
Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang narito


Na siyang kampupot sabihin kung sino
Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,
O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

Kampupot: Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,


Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,
At si Bubuyog po’t paruparong bukid,
Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

Paruparo: Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,


Limot mo na baga ang aking pagliyag?
Limot mo na bagang sa buong magdamag
Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?

Kampupot: Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong


Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,
Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy
At di inakala na sinuman yaon.

Bubuyog: At ako ba, Mutya, hindi mo na batid


Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,
Ang akin bang samo at mga paghibik
Na bulong sa iyo’y ‘di mo ba narinig?

Kampupot: Tila nga, tila nga ako’y may napansing


Daing at panaghoy na kung saan galing,
Ngunit akala ko’y paspas lang ng hangin
At di inakala na sinuma’t alin.

Bubuyog: Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,


Makapitong lumbay o hanggang matapos.

Paruparo: Dito napatunayan yaong kawikaan


Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

Bubuyog at Paruparo: Ang isang sanglang naiwan sa akin


Ay di mananakaw magpahanggang libing.

Lakandiwa: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang


Nabaliw nang hindi kinababaliwan:
Yamang ang panahon ay inyong sinayang
Kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paruparo


Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,
At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,
Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.
(Pagkatapos tumula ni Paruparo)

Lakandiwa: Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,


Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;
Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”
Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos tumula ni Bubuyog)


Minamahal nami’t sinisintang bayan,
Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;
At kung ibig ninyong sila ay hatulan,
Hatulan na ninyo pagdating ng bahay.
Katotohanan at Opinyon
May mga pagkakataong ang tao ay nagbibigay ng kaniyang sariling opinyon
o haka- haka sa mga paksang pampolitika o maging sa pangyayaring nagaganap sa
lipunan o kahit sa mga pang-araw-araw na pakikipagtalakayan. At may pagkakataon
din namang kailangang maglahad ng katotohanan. Mahalagang mauri ang mga
pahayag na maririnig kung ito ba ay opinyon o katotohanan.
Opinyon
Matatawag na opinyon ang mga pahayag mula sa mga paliwanag lamang batay
sa mga totoong pangyayari. Ang opinyon ay mga impormasyon na batay sa saloobin
at damdamin ng tao. Nag-iiba ang mga ito sa magkakaibang pinagmumulan ng
impormasyon at hindi maaaring mapatunayan kung totoo o hindi.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: sa aking palagay, sa
nakikita ko, sa pakiwari ko, kung ako ang tatanungin, para sa akin, sa ganang
akin atbp.
Halimbawa:
1. Kung ako ang tatanungin, mahalaga sa magkaibigan ang pagtitiwala sa isa’t
isa.
2. Sa aking palagay, mas payapa ang buhay ng isang tao na may takot sa Diyos.

Katotohanan
Ang mga pahayag na may katotohanan ay kadalasang sinusuportahan ng
pinagkunan. Ang katotohanan ay mga impormasyon na maaaring mapatunayang
totoo. Bihira itong magbago mula sa isang pinagmumulan ng impormasyon sa iba pa.
Ginagamitan ito ng mga salita o parirala tulad ng: batay sa, resulta ng,
pinatutunayan ng, pinatutunayan ni, sang-ayon sa, mula kay, tinutukoy na,
mababasa na atbp.
Halimbawa:
1. Batay sa tala ng Department of Education, unti-unti ng nababawasan ang
mga out-of school youth.
2. Mababasa sa naging resulta ng pananaliksik ng mga ekonomista na unti-
unting umuunlad ang turismo ng ating bansa.
Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang ay itinuturing na Ama
ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula. Nang itinatag
ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay
nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa
mga samahan ng mga manunulat.
Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kuwentong isinulat niya tungkol
kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot
sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kaniyang mga patnugot na wala ng natitirang
materyales upang punuin ang isang maliit na espasyo sa isang pahina ng magasin,
kinailangan niyang magsulat ng isang kuwento upang umabot sa takdang oras.
Matapos na maisulat ang kuwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay
bilang may-akda kuwentong ito.
Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kaniyang kaibigan sa
Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala
sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa
kanilang lugar at makikinig sa mga kuwento ni Tandang Basyang. Kaya naman,
matapos nito, ang mga kuwento na naisulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang.
Unang nailathala ang kuwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925. Siya ay
nakasulat ng 26 na Sarsuwela.

Ang Sarsuwela ay isang anyo ng dulang musikal na unang umunlad sa España noong
ika-17 siglo. Binubuo ito ng mga pagsasalaysay na sinamahan ng mga sayaw at
tugtugin at may paksang mitolohikal at kabayanihan. Hinango ang taguring
Sarsuwela sa maharlikang palasyo
ng La Zarzuela na malapit sa Madrid, España. Sa Pilipinas, dinala ito ni Alejandro
Cubero noong 1880 kasama ni Elisea Raguer. Itinatag nila ang Teatro Fernandez,
ang unang grupo ng mga Pilipinong Sarsuwelista sa Pilipinas.
Ang sarsuwela bagamat ipinakilala noong panahon ng Español ay namulaklak
noong Panahon ng Himagsikan at ng Amerikano sa pamamayani nina: Severino Reyes
na kilala sa taguring Lola Basyang sa kaniyang “Walang Sugat”, Hermogenes Ilagan
“Dalagang –Bukid”, Juan K. Abad “Tanikalang Ginto”, Juan Crisostomo Sotto “Anak
ng Katupunan”, at Aurelio Tolentino “Kahapon, Ngayon, at Bukas.”
Ang Sarsuwela o dula ay isang uri ng panitikan na ang pinakalayunin ay
itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang
tungkol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood. Nahahati ito sa ilang yugto na
maraming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado. Ang tagpo sa dula ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan.
Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa
totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang
kaisipan.Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na
tinatawag na iskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat
ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at
batay sa isang iskrip.

Mga Elemento ng Sarsuwela


1. Iskrip o nakasulat na dula – Ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng
bagay na isinasaalang-alang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula
kapag walang iskrip.
2. Gumaganap o aktor – Ang mga aktor o gumaganap ang magbibigay-buhay sa
iskrip. Sila ang bumibigkas ng diyalogo, at nagpapakita ng iba’t ibang
damdamin.
3. Tanghalan – Anumang pook na pinagpasyahang pantanghalan ng isang dula ay
tinatawag na tanghalan. Maaaring hindi lamang entablado ang tanghalan ang
daan, sa loob ng siid-aralan, at iba pa ay nagiging tanghalan din.
4. Tagadirehe o Direktor – Ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip;
siya ang nagpapasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang
sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidepende sa
interpretasyon ng direktor sa iskrip.
5. Manonood – Ang nagpapahalaga sa dula. Sila ang pumapalakpak sa galing at
husay ng nagtatanghal. Pinanonood nila nang may pagpapahalaga ang bawat
tagpo , yugto at bahagi ng dula.
6. Eksena at tagpo- Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga
tauhan samantalang ang tagpo nama’y ang pagpapalit ng tagpuan.
Basahin at Unawain.
Walang Sugat
ni Severino Reyes
UNANG BAHAGI
I Tagpo:
(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador. Musika)

Koro : Ang karayom kung iduro


Ang daliri’y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama’y lumiliko

Julia : Anong dikit, anong inam


Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.

Koro : Ang karayom kung itirik


tumutimo hanggang dibdib.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot


Panyong ito’y iaabot,
Kalakip ang puso’t loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.

Si Tenyong ay mabibighani
Sa dikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.

Julia : Panyo’t dito ka sa dibdib,


Sabihin sa aking ibig
Na ako’y nagpapahatid
Isang matunog na halik.

Koro : Ang karayom kung iduro


Ang daliri’y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo’y sinisinta,
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan:
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig


Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumigiit.

Mga irog natin naman


Sila’y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.

Julia : Piyesta niya’y kung sumipot


Panyong ito’y iaabot
Kalakip ang puso’t loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.

Koro : Nang huwag daw mapulaan


Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa’y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

Salitain
Julia : Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na.
(Papasok ang magkasintahan). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO
(Tenyong at Julia…)
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…

Julia : Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang


pagkakayari, nakakahiya.
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…

Julia : Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.

Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog


kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing, ay may yayariin
kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.

Julia : Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.

Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…

Julia : Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka


palang mapagod.

Tenyong: Masakit sa iyo!

Julia : (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong…(sarili) Nalulunod


pala ito sa isang tabong tubig!

Tenyong: Ay!

Julia : (Sarili) Anong lalim ng buntunghininga! (Biglang ihahagis ni


Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.

Tenyong: Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod)


Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…

Julia : Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!

Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at


nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang
pangalan ko.

Julia : Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…

Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso,


at E. ay Flores.

Julia : Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.


Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?

Julia : Sa among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.

Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at


F?
Julia : Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin
at ang F ay Frayle.

Julia : Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang


posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).

Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag


hindi ko sinilaban, ay … sinungaling ako… mangusap ka.
Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban)

Musika No. 2
Julia : Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.

Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at


‘di mapigilan.

Julia : Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay


talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.

Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.

Julia : Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.

Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi


paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa
tuwi- tuwi…

Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.

Julia : Tayo’y dumulog sa paa ng altar.

Tenyong: Asahan mo.


Sabay: ‘Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari ‘di na
mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia)
maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana).

III TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas ) Salitain
Juana : Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato?
(Nagulat si Julia at si Tenyong.) (Lalabas si Lukas.)

Lukas : Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!

Tenyong: Napaano ka, Lukas?

Lukas : Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.

Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?

Lukas : Opo.

Tenyong: Saan kaya dinala?

Lukas : Sa Bulakan daw po dadalhin.

Tenyong: Tiya, ako po paparoon muna’t susundan si Tatang.

Juana : Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka…


(Magsisipasok sina Juana, Julia, at Lukas).

Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang


tinatamo ng dibdib, ay tinutuntungan kapagdaka ng matinding
dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot mo sa amin ay
maitutulad sa bango ng bulaklak, at sa sandaling oras ay
kusang lumilipas.

(Telong Maikli) Kalye


IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas
Lukas : Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.

Koro : Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.

Isang Babae: Naubos na ang lalaki.

Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.


Lukas : Marami pang lalaki.

Lahat ng Lalaki: Huwag malumbay…kami ng nasasa bahay at nakahandang


tunay, laan sa lahat ng bagay…

Lahat ng Babae: (Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga


babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.

Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.

Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.

Isang Babae: Asawa’y paroroonan.

Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.

Lahat: Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa


kanila’y dalhin masarap na pagkain.

Mga Babae: Tayo na, tayo na.

Lahat: Sumakay na sa tren.

Mga Lalaki: Doon sa estasyon.

Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong


maikli)

V TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga
rehas).

Salitain
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao
ito…

Marcelo: Mason po yata, among?

Relihiyoso 1.0: Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung
siya’y sumulat maraming K, cabayo K.

Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!


Relihiyoso 1.0: Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya
ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K.
Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.

Relihiyoso 2.0: Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang


Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon.

Marcelo: Hindi sila makakain eh!

Relihiyoso 1.0: Hindi man ang rasyon ang sinasabi ko sa iyo na


dagdagan, Ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila
kumain?Mabuti ngang mamatay silang lahat. Ang rasyon
na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang
kailangan.

Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at


nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong
paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!

Relihiyoso 2.0: Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro
que duro-awa-awa? Ilang kaban an rasyon?
Ang rasyon nan palo, ha!

Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na


tinutuluyan,ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po
isang araw.

Relihiyoso 2.0: Samakatuwid ay limang bese 25, at makalimang 125, ay


Huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (Bibigyan
si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat po, among!

Relihiyoso 1.0: Kahapon ilan ang namatay?

Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito


lamang.

Relihiyoso1.0: Bakit ganoon? (gulat)

Marcelo: Dahil po, ay si Kapitan Inggo ay pingsaulan ng hininga.


Relihiyoso 1.O: Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si
Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na
asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan
Inggo.

Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman


ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso
po’y litaw na ang mga buto, nagigit sa pagkakagapos.

Relihiyoso 1.0: May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon


ngayon?

Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang


kaban.

Relihiyoso 1.0: Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si


Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at
buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng
mabuting tulugan, ha?

Marcelo: Opo, among (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el
dinero para el Gobernador?

Relihiyoso 2,3,4: Si, si, hemos traido.

Relihiyoso 1.0: Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.

Marcelo: Hindi po makalakad, eh!


Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.

Relihiyoso 2.0: Tonto.

Tadeo : Bakit ka mumurahin?

Juana : Kumusta po naman kayo, among?

P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin


ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang
inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin
ng mga prayle; ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang
namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang
pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon
napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao
noong araw ay pawing pakunwari at pakitang-tao
lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.

Juana : Totoo po ba ang sabi mo.

P.Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga lklerigo ay mauwi


sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi
mabubuhay sa panay na hangin.

Juana : Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking


dalaga?

P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.

Miguel: Ay! Aling Julia… ay… ma… ma… malapit na po… Alin po
ang malapit na?

Miguel: Ang… ang… ang…

Julia : (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?

Tadeo : Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.

Miguel: Ay… salamat (tuwang-tuwa.)


Julia : (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?

Tadeo : Ano ba ang sinabi mo?

Miguel : Sinabi ko pong … ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!

Tadeo : Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka


nagpahayag ng pagsinta mo?

Miguel : Sinabi ko pong malapit na…

Tadeo : Malapit na ang alin?

Miguel : Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh,


hindi ko po nasagutan…

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa


mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas


ang mga dalaw).

Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa


mahalata…

Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, mana dalaw, parito kayo. (Magsisilabas


ang mga dalaw).

VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo,
dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang
paluin, huwag nang ibibilad at ipinagbilin ko na bibigyan
na ng mabuting tulugan…

Putin : Salamat po, among.

Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin


namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa
naman sila.

Putin : Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.

(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).

Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador.. a


Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es
necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los
ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.

Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.

Los 3 : Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pari).

VII TAGPO
(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain

Putin : Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay


sa among?

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi


dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa
Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang
ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid
lamang ng mga ito ang pinag-usapan ng apat na lilo!
Nakalulunos ang kamngmangan!

(Ipapasok si Kapitan Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).

Putin : Inggo ko!

Tenyong: Tatang!

Julia : Kaawa-awa naman!

Tenyong: Mahabaging Langit!


Musika
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga
buto sa mga tinalian, lipos na ang sugat ang buong katawan,
nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali… Ah, kapag ka
namatay oh, ama kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit
kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.

Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay…

Inggo : Huwag na … anak ko… hindi na maaari… luray-luray na ang


katawan…Tayo’y maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko,
huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin … Juana
Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila…
Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.

Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang


ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang
dalawang braso’y…)

Musika No.2
Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto
sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan,
nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa
ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag
namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit
kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.

Julia : Taya ng loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin


man yata lahat niyang laman, buto sampung taba, di
makababayad sa utang ng madla.

Mga Babae at Lalaki: Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay


daig sa magpahirap.

Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang


ng mga taong hunghan… ang awa’y nilimot sa kalupitan…
Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…

Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang,


Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, Tatang…

Putin : Inggo ko… Inggo…

Tenyong: Patay na!

(Mangagsisihagulgol ng iyak)

Telong Maikli

VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong
nangakagapos).
Salitain

Putin : Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia,


nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking
dibdib! Ang sakit ay taos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi
ako makahinga! Ang pusoko’y parang pinipitpit sa palihang
bakal! (Si Putin ay mapapahandusay).

Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat)

IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay
dalhin.

Isa : Ako’y mayroong iniingatan.

Isa pa : Ako ma’y mayroon din.


Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.

Isa : Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?

Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko


tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin
na.

Isa : Mga tampalasan.

Isa pa : Walang patawad!

(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).

Julia : Tenyong, Tenyong!


Tenyong: Julia!

Julia : Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo?


Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw
kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas
kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?

Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba
si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang
Sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala
ko?

Julia : Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng


isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing
gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!

Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay


hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng
pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak;
ang Ina natin ay
nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y
tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo
niyang daing: “May anak ako,” anya, “ngayo’y kapanahunang
ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng
paglagot ng matibay na tanikalang mahigpit sa tatlong daang
taong sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay
magising pa sa kalagim-lagim na kaalipin.

Julia : Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling


tagubilin! (Huhubarin ang garantilyang may medalyita;
tangnan at isusuo kay Tenyong ang garantilya.) Ang larawang
ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa
mga digma, kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga
panganib. Kung saka-sakaling irog ko’y masaktan, pahatid kang
agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasan
ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.

Tenyong: Sa Diyos nananalig.

Julia : Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.

Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.

Julia : Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.

Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang


pagluluwalhati.

Julia : Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim


ay mapawi.

Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’t tutupad


lang ng aking panata sa pakikianib sa mga kasama. Aming
tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob
ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang
pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao
na ako!

Julia : Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay,


bumalik ka agad nang di ikamatay.

Tenyong: Juliang aking sinta!

Julia : Oh, Tenyong ng buhay!


Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).

Julia : (Biglang lilingon) Te…! Yumao na! (papasok)

X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay
maririnig ang sigawan sa loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si
Tenyong.)
Sa loob.

Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko –
Perdon! Walang utang-na-di pinagbabayaran! (Hagara at mapapatay ang mga prayle,
isa ang mabibitin na sasama sa tren).
Telon
Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi
I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain
Juana : Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang
ama, sila’y pagpapakitaan nang mainam.

Julia : Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!

Juana : Bakit ba ganyan ang sagot mo?

Julia : Wala po!

Juana : Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak


at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?

Julia : Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang


tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…

Juana : Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.


Julia : Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.

Juana : (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga-
Anong pusu-puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag
may lalaking mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy sa
puso, at kung ano ang kaniyang tibok ay siyang sinusunod datapwa’t
gayo’y iba na, nagbago nang lahat ang lakad ng panahon, ngayo’y kung
may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito.

Julia : (hihipuin ang noo) dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng
isip ay siyang paiiralin: ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap
ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na…

Julia : Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!


Juana : Siyang tunay!

Julia : Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito


po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.

Juana : Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.

Julia : Wala po!

Juana : Kung wala ay bakit ka sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman


mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninananais. Ang
wika ko baga, ay bukas- makalawa’y mag-aasawa ka rin
lamang… ay kung mapasa-moro, ay mapasa-Kristiyano na!

Julia : Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia : Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa!.

Monica : (Sa loob) Pooo!

Julia : Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Lukas, sabihin


mong hinihintay ko siya; madali ka…

Monica: Opo (Papasok).


III TAGPO
(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni Julia
Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata’ ako’y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.

Ay! Magdumali ka’t daluhan,


Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.

Halika, tenyong, halika,


At baka di na abutin
Si Julia’y humihinga pa…
Papanaw, walang pagsala!

At kung patay na abutin


Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.

Huling samo, oh Tenyong,


Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawain minsan man isang taon.

Salitain
P. Teban: (Pumalakpak)Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t
napakalumbay lamang…

Julia : (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y


nangagsirating…Kahiya-hiya po.

P. Teban: Hindi. hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?

Julia : Nariyan po sa labas: tatawagin ko po. (Papasok).


P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting
asawa..Marunong kang pumili, Miguel.

Tadeo : Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam
makiusap. (Lalabas si Juana).

Juana : Aba, narito pala ang among! Mano po, among!

P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?

Juana : Mabuti po, among.

Tadeo : (Kay Miguel) Lapitan mo.

Miguel : Baka po ako murahin ah! 17 May manliligaw si Julia na Miguel


ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo.

Payo ni Aling Juana: ”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa


isip at di sa puso” Tutol si Julia kay Miguel. Ngunit
ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana
ang ukol sa anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng
liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. Si Tenyong ay
kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan.
Natagpuan ni Lukas ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat
ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si
Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin
na sana ni Tenyong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan.

Ikatlong Bahagi

Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham.
Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay
Julia ay si Tenyong naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw
kahit kagalitan ng ina.

Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.


Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na
tumakas upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina
Tenyong kaya walang nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.
Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel
ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil
mamamatay naman sa sama ng loob ang kanyang ina.

Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na


sugatan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si
Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng
binata – na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si
Tadeo ay pumayag na rin sa huling kahilingan ng mamamatay. Gayundin si Miguel.
Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong. Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”.
Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang
lahat.

Wakas (Magsasara ang telon)

Kaantasan ng Pang-uri

Pang-uri - Isang mahalagang bahagi ng panalita ang pang-uri.


Ang pang-uri ay bahagi ng panalita na naglalarawan ng pangngalan o ng panghalip.
Kaantasan ng Pang-uri
1. Lantay –Naglalarawan sa isa o isang pangkat ng tao, bagay, o pangyayari.
Halimbawa:
a. Nabighani ako sa kagandahan ng lugar na ito.
b. Masagana ang ani ng palay sa taong ito.

2. Pahambing -Nagtutulad ng dalawang tao, bagay, o pangyayari.


a. Pahambing na magkatulad – nagtataglay ng pagkakatulad na katangian.
Ginagamitan ito ng mga panandang sing, kasing, at magsing, magkasin
Halimbawa:
.Magsing-talino sina Felix Irving at Andrela.
. Sintanda ng aking ate ang guro ko sa musika.

b. Pahambing na di- magkatulad (pasahol)-Kung hindi magkapantay ang


katangian ng isang bagay na itinutulad sa iba. Ginagamitan ito ng mga
pananda tulad ng salitang di-gaano, di- gasino, higit, o lalo bago ang
pang-uri at sinusundan ito ng tulad, gaya o kaysa.
Halimbawa
 Di- gaanong magkapalad naging karanasan ni Alvin sa ibang kabataan .
 Di-gasinong matamis ang mangga rito na gaya sa Guimaras.

3. Pasukdol – ay ginagamit kung ipinapakita ang kahigitan ng isang bagay , tao o


pangyayari sa karamihan. Gumagamit ito ng mga pananda o pariralang kay
ganda-ganda, ubod ng, hari ng at mga kataga/salitang napaka, pinaka,
totoong, talagang, sadyang, ubod, hari, sukdulan ng, sobra, tunay, labis

Wikang Pambansa

ni Manuel L. Quezon

Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang maging wika ng


pamahalaan. Kailangang magkaroon ng sariling wika ang
Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika.
Nagmula ang karamihan ng mga suliranin o pagkukulang na kasalukuyang
nararanasan dito sa kawalan ng ating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais
gayahin ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito'y mabuti o masama ay
dahil sa isang kahinaan—ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan.
Hindi maaaring magkaroon ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang
ginagamit ng lahat.
Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa
noong naging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa
bayang Pilipinas at sa mga Pilipino.
Ngunit kapag ako'y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga
kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya, hindi ba?
Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod
ko rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang
magkaroon tayo ng isang wikang pambansa.
Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano na Ilokano ang wikang pambansa; ang mga
Tagalog, Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga
dalubhasa sa iba't ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang
pinakamainam gamitin, Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalog ang
ginagamit namin sa pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisaya o
anupamang ibang katutubong wika para lamang magkaroon tayo ng wikang ginagamit
ng lahat.
Ang Sanaysay ay isang uri ng panitikan na nasa anyong tuluyan na
ipinahahayag ang sariling kaisipan, kuro-kuro, saloobin at damdamin na
kapupulutan ng aral at aliw ng mambabasa.
Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ito’y “pagsasalaysay ng isang sanay.” Ang
Sanaysay ay anyo ng sulating hiram. Noong 1580, isinilang ito sa Pransiya at si
Michel de Montaigne ang tinaguriang ama. Ito ay tinawag niyang essai na
nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, isang pagsubok sa anyo ng
panulat.
Ang dalawang uri ng sanaysay ay pormal at di-pormal o pamilyar. Narito ang
kanilang pagkakakilanlan.

Pormal Di-Pormal o Pamilyar

Nagbibigay ng impormasyon Nagsisilbing aliwan/libangan

Nagbibigay ng mahahalagang kaisipan o Nagbibigay-lugod sa pamamagitan

kaalaman sa pamamagitan ng makaagham ng pagtalakay sa mga paksang

at lohikal na pagsasaayos sa paksang karaniwan, pang-araw-araw at

tinatalakay personal

Maingat na pinipili ang pananalita Ang pananalita ay parang nakikipag-

usap lamang

Ang tono ay mapitagan Pakikipagkaibigan ang tono

Obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng Subhektibo sapagkat pumapanig sa

may-akda damdamin at paniniwala ng may-akda

Iba-iba ang paraan ng pagpapahayag, maaaring paglalahad,


paglalarawan, pagsasalaysay, at pangangatuwiran. Ang paglalahad ay may
layuning magpaliwanag. Layunin ng paglalarawan ang ipakita ang kabuuang anyo ng
tao, bagay o pook upang maipakita ang kaibahan nito sa mga kauri. Kung ang nais ay
maglahad ng mga pangyayari, pagsasalaysay ito. Pangangatuwiran kung ito ay may
layuning umakit ng iba sa pamamagitan ng pagbanggit sa mga katuwiran.
Lupang Tinubuan
Narciso G. Reyes

Ang tren ay tumulak sa gitna ng sali-salimuot na mga ingay. Sigawan ang mga

batang nagtitinda ng mga babasahin, Tribune, mama, Tribune, Taliba? Ubos na po.

Liwayway, bagong labas. Alingawngaw ng mga habilinan at pagpapaalam. Huwag mong

kalilimutan, Sindo, ang baba mo ay sa Sta. Isabel, tingnan mo ang istasyon. Temiong,

huwag mong mabitiw-bitiwan ang supot na iyan. Nagkalat ang mga magnanakaw, mag-

ingat ka! Kamusta na lang sa Ka Uweng. Sela, sabihin mong sa Mahal na Araw na kami

uuwi. Ang pases mo Kiko, baka mawaglit. Maligayang Paglalakbay, Gng. Enriquez.

Ngumiti ka naman, Ben, hindi naman ako magtatagal doon at susulat ako araw-araw.

Kamusta na lamang. Paalam. Paalam. Hanggang sa muli. Ang tren ay nabuhay at dahan-

dahang kumilos. H-s-s-ss.Tsug, tsug, tsug.

Naiwan sa likuran nina Danding ang takipsilim ng Tutuban, at sila’y napagitna sa

malayang hangin at sa liwanag ng umaga.

Huminga nang maluwag ang kanyang Tiya Juana at ang sabi, “Salamat at tayo’y

nakatulak na rin. Kay init doon sa istasyon.” Ang kanyang Tiyo Goryo ay nakadungaw at

nagmamasid sa mga bahay at halaman sa dinaraanan.

Ang galaw ng makina ngayon ay mabilis na at tugma-tugma, tila pintig ng isang

pusong wala nang alinlangan. Napawing tila ulap sa isip ni Danding ang gulo at ingay ng

pag-alis, at gumitaw ang pakay ng kanilang pag-uwi sa Malawig. Nagsasalita na naman

ang kanyang Tiya Juana, “Ang namatay ay ang Tata Inong mo, pamangkin ng iyong Lola

Asyang at pinsan namin ng iyong ama. Mabait siyang tao noong siya’y nabubuhay pa.”

Si Danding ay sinagian ng lungkot, bagama’t hindi niya nakita kailanman ang

namatay na kamag-anak. Ang pagkabanggit sa kanyang ama ang tumimo sa ilang bahagi
ng kanyang puso, at naglapit sa kanyang damdamin ang hindi kilalang patay. Naalala

niya na sa Malawig ipinanganak, lumaki at nagkaisip ang kanyang ama. Bumaling siya sa

kanyang Tiya Juana at itinanong kung ano ang anyo ng nayong iyon, kung mayaman o

dukha, kung liblib o malapit sa bayan. At samantalang nag-aapuhap sa alaala ang

kanyang butihing ale ay nabubuo naman sa isip ni Danding ang isang kaaya-ayang

larawan, at umusbong sa kanyang puso ang pambihirang pananabik.

Sa unang malas, ang Malawig ay walang pagkakaiba sa alinmang nayon sa

Kalagitnaang Luzon. Isang daang makitid, paliku-liko, natatalukapan ng makapal at

manilaw-nilaw na alikabok. Mga puno ng kawayan, mangga, niyog at akasya. Mga bahay

na pawid, luma na ang karamihan at sunog sa araw ang mga dingding at bubong.

Pasalit-salit, isang tindahang hindi mapagwari kung tititigan sa malapit. Doon at dito,

nasisilip sa kabila ang madalang na hanay ng mga bahay. At sa ibabaw ng lahat,

nakangiti at puno ng ningning ng umaga, ang bughaw, maaliwalas at walang ulap na

langit.

Walang maganda rito kundi ang langit,” ang sabing pabiro ng kutsero ng

karitelang sinasakyan nila. Pinaglalabanan ni Danding ang sulak ng pagkabigo sa

kanyang dibdib. Hindi po naman,” ang marahan niyang tugon. Naisaloob niyang sa mga

nayong tulad nito isinilang at nagsilaki sina del Pilar, at iba pang bayani ng lahi, at sa

gayong mga bukid nagtining ang diwa ng kabayanihan ng himagsikan laban sa mga

Kastila. Ang alaalang iyon ay nakaaaliw sa kanya, nagbigay ng bagong anyo sa lahat ng

bagay sa paligid-ligid.

Kayrami pala niyang kamag-anak doon. Hindi mapatid-patid ang pagpapakilala ng

kanyang Tiya Juana. Sila ang iyong Lolo Tasyo, at sila ang iyong Lola Ines. Ang mga

pinsan mong Juan, Seling, Marya at Asyas.


Ang iyong Nana Bito. Ang iyong Tata Enteng. Yukod at ngiti rito, halik ng kamay

roon. Mga kamag-anak na malapit at malayo, tunay at hawa lamang, matatanda at mga

bata. Ang lahat yata ng tao sa bahay, buhat sa mga nangasapuno ng hagdan hanggang

sa nangasaloob ay pawang kamag-anak ni Danding. Mabuti na lamang at likas na sarat

ang ilong ko,” ang naisaloob niya. Kung hindi ay pulpol na marahil ngayon.”

Sapagkat sila lamang ang nagsipanggaling sa Maynila, sa pagtitipong iyon ay

napako kina Danding ang pansin ng lahat. Umugong ang kamustahan. Ang balana ay

nagtanong kay Danding ng kung ano ang lagay ng kanyang amang may sakit at ng

kanyang inang siya na lamang ngayong bumubuhay sa kanilang mag-anak. Sinulyapan ng

kanyang Tiya Juana si Danding at sinikap na saluhin ang mga tanong. Bantad na siya sa

pagkamaramdamin ng kaniyang pamangkin at alam niyang ang kasawian ng ama nito ay

talusaling na sugat sa puso nito. Ngunit hindi niya maunahan ng pagtugon si Danding na

tila magaan ngayon ang bibig at palagay na ang loob sa piling ng mga kamag-anak na

ngayon lamang nakilala.

Isang manipis na dinding ng sawali ang tanging nakapagitan sa bulwagan at sa

pinakaloob ng bahay, na siyang kinabuburulan ng patay. At sa bukas ng lagusan, na

napapalamutihan sa magkabilang panig ng mga puting kurtinang salo ng pinagbuhol na

mga lasong itim, ay walang tigil ang pagyayao’t dito ng mga taong nakikiramay sa mga

namatayan at nagmamasid sa bangkay. Ngunit pagpasok na pagpasok ni Danding ay

nag-iba ang kanyang pakiramdam. Napawi sa kanyang pandinig ang alingawngaw sa

labas, at dumampi sa kanyang puso ang katahimikan ng kamatayan. Dahan-dahan

siyang lumapit sa kabaong, at pinagmasdan ang mukha ng bangkay. Maputi, kaaya-aya

ang bukas, isang mukhang nagbabandila sa katapatan at kagitingan. Nabakas ni

Danding ang lapad ng noo, sa mga matang hindi ganap ang pagkakapikit, at sa hugis ng

ilong, ang bahagyang pagkakahawig sa kanyang ama. Bigla siyang nakaramdam ng awa
at lungkot.

"Hindi mo pa nababati ang Nana Marya mo,” ang marahang paalala ng kanyang

Tita Juana. At ang pinsan mong si Bining,” ang pabulong pang habol. Humalik ng

kamay si Danding sa asawa ng yumao, at naupo sa tabi ni Bining, ngunit wala siyang

nasabing anuman. Puno ang kanyang puso. Pagkaraan ng ilang sandali ay umabot siya ng

isang album sa mesang kalapit, binuksan iyon, at pinagmuni-muni ang mahiwaga at

makapangyarihang kaugnayan ng dugo na nagbubuklod ng mga tao.

Pagkakain ng tanghalian ay nanaog si Danding at nagtungo sa bukid sa may

likuran ng bahay. Nakaraan na ang panahon ng paggapas, at naimandala na ang ani.

Malinis ang hubad na lupa, na naglalatang sa init ng araw. Naupo si Danding sa ilalim ng

isang pulutong ng mga punong kawayan, at nagmasid sa paligid-ligid.

Hindi kalayuan, sa gawing kaliwa niya, ay naroon ang kanyang Lolo Tasyo na

nagkakayas ng kawayan. Ang talim ng matanda ay tila hiyas na kumikislap sa araw.

Tumindig si Danding at lumapit sa matanda. Si Lolo Tasyo ang unang nagsalita.

Kaparis ka ng iyong ama,’ ang wika niya.

Bakit po?”

Balisa ka sa gitna ng karamihan; ibig mo pa ang nag-iisa.”

May mga sandali pong kailangan ng tao ang mapag-isa.”

Ganyan din siya kung magsalita, bata pa’y magulang na ang isip.”

Nasaksihan po ba ninyo ang kanyang kabataan?”

Nasaksihan!’ Napahalakhak si Lolo Tasyo. Ang batang ito! Ako ang nagbaon ng
inunan ng ama mo. Ako ang gumawa ng mga una niyang laruan. Naulila agad siya sa

ama.”

Tumayong bigla si Lolo Tasyo at itinuro ng itak ang hangganan ng bukid. Doon

siya malimit magpalipad ng saranggola noong bata pa siyang munti. Sa kabilang pitak

siya nahulog sa kalabaw, nang minsang sumama siya sa akin sa pag-araro. Nasaktan

siya noon, ang akala ko’y hindi siya titigil sa kaiiyak.”

Lumingon ang matanda at tiningala ang punong mangga sa kanilang likuran. Sa

itaas ng punong ito pinaakyat ko at pinagtago ang ama mo isang hapon, noong kainitan

ng himagsikan, nang mabalitaang may mga huramentadong Kastila na paparito. At

doon, sa kinauupuan mo kanina, doon niya isinulat ang kauna-unahan niyang tula - isang

maikling papuri sa kagandahan ng isa sa mga dalagang nakilala niya sa bayan. May

tagong kapilyuhan ang ama mo.”

Napangiti si Danding. Ang dalaga po bang iyan ang naging sanhi ng

pagkakaluwas niya sa Maynila?”

Oo,” natigilan si Lolo Tasyo na tila nalalasap sa alaala ang mga nangyari.

Nahuli sila sa tabi ng isang mandala ng palay.”

Nahuli po?”

Oo – sa liwanag ng ilang aandap-andap na bituin.”

Marami pang ibig itanong si Danding, ngunit naalala niya ang patay at ang mga

tao sa bahay; baka hinahanap na siya. Unti-unting pinutol niya ang pag-uusap nila ni

Lolo Tasyo, at iniwan ang matanda sa mga alaala nito.

Ano ang pinanood mo sa bukid?” ang usisang biro ng isa sa mga bagong tuklas
niyang pinsan.

Ang araw,” ang tugon ni Danding, sabay pikit ng mga mata niyang naninibago at

hindi halos makakita sa agaw-dilim na tila nakalambong sa bahay.

Ang libingan ay nasa gilid ng simbahan, bagay na nagpapagunita kay Danding ng

sumpa ng Diyos kay Adan sa mga anak nito, at ng malungkot at batbat-sakit na

pagkakawalay nila, na kamatayan lamang ang lubusang magwawakas. Nagunita niya na

sa maliit na bakurang ito ng mga patay na nakahimlay ang alabok ng kanyang ninuno,

ang abang labi ng Katipunan, ng mga pag-asa, pag- ibig, lumbay at ligaya, ng palalong

mga pangarap at mga pagkabigo na siyang pumana sa kanya ng kanyang angkan. Magaan

ang pagyapak ni Danding sa malambot na lupa, at sinikap niyang huwag masaling maging

ang pinakamaliit na halaman.

Handa na ang hukay. Wala na ang nalalabi kundi ang paghulog at pagtatabon sa

kabaong. Ngunit ng huling sandali ay binuksang muli ang takip sa tapat ng mukha ng

bangkay, upang ito’y minsan pang masulyapan ng mga naulila. Nabasag ang katahimikan

at naghari ang impit na mga hikbi at ang mga piping panangis na higit na makadurog-

puso kaysa maingay Nabasag ang katahimikan at naghari ang impit na mga hikbi at ang

mga pag-iyak. Pinagtiim ni Danding ang kanyang mga bagang, ngunit sa kabila ng

kanyang pagtitimpi ay naramdaman niyang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Sandaling nag-ulap ang lahat ng kanyang paningin. Nilunod ang kanyang puso ng

matinding dalamhati at ng malabong pakiramdam na siya man ay dumaranas ng isang

uri ng kamatayan. Balisa at nagsisikip ang dibdib ng damdaming ito, si Danding ay

dahan-dahang lumayo at nagpaunang bumalik sa bahay.

Ibig niyang mapag-isa kaya’t nang makita niyang may taong naiwan sa bahay ay
patalilis siyang nagtungo sa bukid. Lumulubog na ang araw, at nagsisimula nang

lumamig ang hangin. Ang abuhing kamay ng takipsilim ay nakaamba na sa himpapawid.

Tumigil si Danding sa tabi ng pulutong ng mga kawayan at pinahid ang pawis sa

kanyang mukha at liig.

Ang kapayapaan ng bukid ay tila kamay ng isang inang humahaplos sa nag-iinit

na noo ni Danding. Huminga siya nang malalim, umupo sa lupa, at ipinikit ang mga mata.

Dahan-dahang inunat niya ang kanyang mga paa, itinukod sa lupa ang mga palad;

tumingala at binayaang maglaro sa ligalig niyang mukha ang banayad na hangin.

Kay lamig at kay bango ng hanging iyon.

Unti-unti siyang pinanawan ng lumbay at agam-agam, at natiwasay ang pagod

niyang katawan. Sa kapirasong lupang ito, na siyang sinilangan ng ama niya, ay

napanatag ang kanyang puso.

Palakas nang palakas ang hangin, na nagtataglay ng amoy ng lupa at kay bango

ng nakamandalang palay! Naalala ni Danding ang mga kuwento ni Lolo Tasyo tungkol sa

kanyang ama, at siya’y napangiti nang lihim. Ang pagsasaranggola sa bukid, ang

pagkahulog sa kalabaw, dalaga sa bunton ng palay, ang lahat ay nananariwa sa kanyang

gunita. Tumawa nang marahan si Danding at pinag-igi pang lalo ang pagkakasalampak

niya sa lupa. Tila isang punong kababaon doon ang mga ugat, siya’y nakaramdam ng

pagkakaugnay sa bukid na minsa’y nadilig ng mga luha at umalingawngaw sa mga

halakhak ng kanyang ama.

Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na

pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang

bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay


sumasalunga sa bagyo at baha mauwi lamang sa Ina ng Bayan. Kung bakit walang

atubiling naghain ng dugo sina Rizal at Bonifacio.

Sa kabila ng mga magigiting na pangungusap ng pambihirang mga

pagmamalasakit, at ng kamatayan ng mga bayani ay nasulyapan ni Danding ang

kapirasong lupa, na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan, kinabubuhayan ng kanilang

mga kamag-anak, kasalo sa kanilang mga lihim at nagtatago na pamana ng kanilang mga

angkan. Muli siyang napangiti.

Sa dako ng bahay ay nakarinig siya ng mga tinig, at nauulinigan niyang tinatawag

ang kanyang pangalan. Dahan-dahan siyang tumayo. Gabi na, kagat na ang dilim sa

lahat ng dako. Walang buwan at may kadiliman ang langit. Ngunit nababanaagan pa

niya ang dulo ng mga kawayang nakapanood ng paglikha ng unang tula ng kanyang ama,

at ang ilang aandap-andap na bituing saksi ng unang pag-ibig nito.


ANG MAIKLING KUWENTO

Ang Maikling kuwento o maikling katha ay nililikha nang

masining upang mabisang maikintal sa isip at damdamin ng mambabasa ang isang

pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng lugar na pinangyarihan ng

mahahalagang pangyayari. Taglay nito ang pagkakaroon ng (1) iisang kakintalan; (2)

may isang pangunahing tauhang may mahalagang suliraning kailangang bigyan ng

solusyon; (3) tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay, (4) may mahalagang

tagpuan, (5) may kawilihan hanggang sa kasukdulan na kaagad susundan ng wakas.

Isa sa mga uri ng maikling kuwento ay ang kuwento ng katutubong kulay – ang

binibigyang diin ay ang tagpuan, ang kapaligiran ng isang pook, ang pamumuhay, ang

mga kaugalian at mga gawi sa lugar na binibigyang-diin sa kuwento.

ANG PANG-URI
Ugnay-
Wika Ang pang-uri ay salitang naglalarawan tungkol sa pangngalan

at panghalip. Maraming paraan upang maglarawan.

Maaaring sa pamamagitan ng paggamit ng kayarian ng

pang-uri. Ang mga ito ay ang payak, maylapi, inuulit at tambalan.

1. Payak ang pang-uri kung binubuo lamang ng salitang ugat.

Halimbawa: ganda talino, bago

2. Maylapi kung ang salitang naglalarawan ay binubuo ng salitang–ugat at panlapi.

Halimbawa: maganda, matalino, makabago

3. Inuulit kung ang salitang naglalarawan ay inuulit ang isang bahagi nito o ang

buong salitang-ugat.
Halimbawa: kayganda-ganda, matalinong-matalino

4. Tambalan kapag ito ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama o

pinagtambal na maaaring magkaroon ng pangalawang kahulugan.

Halimbawa: balat-sibuyas, utak-matsing

Genoveva Edroza-Matute
Si Aling Bebang, ayon sa talambuhay na isinulat ni Gregorio C. Borlaza, ay
bunso sa labindalawang magkakapatid, at supling nina Anastacio B. Edroza at Maria
Magdalena K. Dizon. Siyam ang namatay sa kaniyang mga kapatid, at karamihan ay
wala pang isang taon ang itinagal sanhi ng pagkakasakit. Lumaki siya sa Tayuman-
Oroquieta, malapit sa karerahan ng kabayo sa San Lazaro. Hindi naglaon ay nakitira
siya sa kaniyang ale—na kapatid ng kaniyang ama—doon sa Felix Huertas, Maynila
hanggang makatapos ng elementarya. Nag-aral siya sa Santa Clara Primary School
(na naging P. Gomez Elementary School) at Magdalena Elementary School,
pagkaraan ay sa Manila North High School (na Arellano High School ngayon),
nagkolehiyo sa Philippine Normal School (na Philippine Normal University ngayon),
hanggang matapos ang masterado sa Filipino at doktorado sa edukasyon sa
Unibersidad ng Santo Tomas.
Pagpapahiwatig ang isang matingkad na katangian ng mga kuwento ni Genoveva
Edroza Matute. Karaniwang nagtutuon siya sa isa o dalawang tauhan, at sa mga
tauhang ito ay lalaruin niya ang banghay at gusot ng kuwento. Ang pingas o puntos ng
tauhan ay maaaring nasa kapasiyahan nito, at hindi dahil sa taglay na personal at
panlabas na anyo. Sa mga matagumpay niyang kuwento, ang mga tauhan ay pumupukol
ng mabibilis na salitaan, o nagsasalita sa guniguni, at ang mga kataga ay waring
makapaglalagos sa kalooban ng mambabasa. Sumasabay din ang mga kuwento ni
Aling Bebang, palayaw ni Matute, sa mga kasalukuyang pangyayari na kung minsan ay
nakalulugod at kung minsan ay nakaiinis, at kung ano man ang epekto nito sa
mambabasa’y mauugat sa lalim ng pagkaunawa ng manunulat sa kaniyang pinapaksa.
PAGLALAYAG sa PUSO ng ISANG BATA

ni Genoveva Edroza Matute

Binata na siya marahil ngayon. O baka ama na ng isang mag-anak. Ito ay kung
nakaligtas siya sa nakaraang digmaan… nguni't ayaw kong isiping baka hindi. Sa akin,
siya'y hindi magiging isang binatang di-kilala, isang ama, o isang alaala kaya ng
Bataan. Sa akin, siya'y mananatiling isang batang lalaking may-kaliitan, may kaitiman,
at may walong taong gulang.
Pagkaraan ng daan-daaang tinuruan, mga sumipot, nanatiling saglit, at
lumisan pagkatapos, pagkaraan ng mga taong ang ila'y nagdumali, ang ila'y
nagmabagal at ang ila'y nakintal sa gunita, buhay na buhay pa sa aking isipan ang
kanyang mukha at ang kanyang pangalan. Nguni't ang buhay sa lahat ay ang isang
bagay na itinuro niya sa akin isang araw nang siya ang aking maging guro at ako ang
kanyang tinuturuan.
Isa siya sa pinakamaliit sa klase. At isa rin siya sa pinakapangit. Ang bilog at
pipis niyang ilong ay lubhang kapansin-pansin at tingnan lamang iyo'y mahahabag na
sa kanya ang tumitingin. Kahit ang paraan niya ng pagsasalita ay laban din sa kanya.
Mayroon siyang kakatuwang "punto" na nagpapakilalang siya'y taga- ibang pook.
Ngunit may isang bagay na kaibig-ibig sa munti't pangit na batang ito, kahit
sa simula pa lamang. Nagpapaiwan siya tuwing hapon kahit na hindi siya hilingan ng
gayon. Siya rin ang pinakahuling umaalis: naglilibot muna sa buong silid upang pulutin
ang mga naiiwang panlinis. Lihim ko siyang pinagmamasdan habang inaayos niya ang
mga ito sa lalagyan, ipinipinid, at pagkatapos ay magtutungo sa likod ng bawat hanay
ng upuan upang tingnan kung tuwid ang bawat isa. At sa pintuan, lagi siyang
lumilingon sa pagsasabi ng "Goodbye, Teacher!"
Sa simula, pinagtakhan ko ang kanyang pagiging mahiyain. Nakikita ko siyang
gumagawa nang tahimik at nag-iisa - umiiwas sa iba. Maminsan-minsa'y nahuhuli ko
siyang sumusulyap sa akin upang bawiin lamang ang kanyang paningin. Siyang
tinatanaw tuwing hapon, pinakahuli sa kanyang mga kasamahan, ay naiisip kong alam
na alam niya ang kanyang kapangitan, ang nakatutuwang paraan ng kanyang
pagsasalita.
Unti-unti kong napagdugtong-dugtong ang mga katotohanan tungkol sa
kanyang buhay. Payak ang mga katotohanan: siya'y isang munting ulilang galing sa
lalawigan, lumuwas sa malaking lungsod bilang utusan. At kalahating araw siyang
pumapasok sa paaralan upang may makasama sa pagpasok at pag-uwi ang anak ng
kanyang panginoon.
Nadama ko ang kakaibang kalungkutan: Nais kong makita siyang
nakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, umaakyat sa mga pook na ipinagbabawal,
napapasuot sa kaguluhang bahagi ng buhay ng bawat bata. Kahit na hindi siya
marunong, maging kanya lamang sana ang halakhak at kaligayahan ng buhay-bata.
Tinatawag ko siya nang madalas sa klase. Pinagawa ko siya ng marami't
mumunting bagay para sa akin. Pinakuha ko sa kanya ang mga tsinelas ko sa
pinakahuling upuan sa silid. Naging ugali niya ang pagkuha sa mga iyon, ang
paghihiwalay sa mga iyon upang itapat sa aking paa. Ang pagbili ng aking minindal sa
katapat na tindahan, hanggang sa hindi ko na kailangang sabihin sa kanya kung ano
ang bibilhin - alam na niya kung alin ang ibig ko, kung alin ang hindi ko totoong ibig.
Isang tahimik na pakikipagkaibigan ang nag-ugnay sa munti't pangit na
batang ito at sa akin. Sa tuwi akong mangangailangan ng ano man, naroon na siya
agad. Sa tuwing may mga bagay na gagawin, naroon na siya upang gumawa. At unti-
unti kong nadamang siya'y lumiligaya - sa paggawa ng maliliit na bagay para sa akin,
sa pagkaalam na may pagmamalasakit ako sa kanya at may pagtingin sa kanya.
Nahuhuli ko na siyang nagpapadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan hanggang sa
magkahiga-higa sa likuran ng silid. Nakikita ko na siyang nakikipaghabulan, umaakyat
sa mga pook na ipinagbabawal. Nagkakandirit hanggang sa tindahang bilihan ng aking
minindal. At minsan o makalawa ko siyang nahuling nagpapalipat-lipat sa pagtapak sa
mga upuan.
At kung ang lahat ay wala na, kinakausap ko siya at sumasagot siya nang
pagaril sa Tagalog. At sa mga ganoong pagkakatao'y nagmumukha siyang maligaya at
ang kanyang, "Goodbye, Teacher," sa may-pintuan ay tumataginting. Sa mga ganoong
pagkakatao'y naiiwan sa akin ang katiyakang siya'y hindi na totoong napag-iisa at
hindi na totoong nalulumbay.
Isang mabagal na paraan ang pag-akit na iyon sa kanya at ang pagtiyak na
siya'y mahalaga at sa kanya'y may nagmamahal.
Napasuot na siya sa mga kaguluhang bahagi ng buhay ng bawa't bata.
Nanukso na siya sa mga batang babae. Lalo siyang naging malapit sa akin. Lalo siyang
naging maalala at mapagmahal. Maligaya na siya.
Isang araw, nangyari ang hindi inaasahan. Sa paglingon ko sa mga taong
nagdaa'y naamin ko sa sariling ang lahat ng iyo'y aking kasalanan. Mainit noon ang
aking ulo, umagang-umaga pa. At ang hindi ko dapat gawin ay aking ginawa -
napatangay ako sa bugso ng damdamin. Hindi ko na magunita ngayon kung ano ang
ginawa ng batang iyon na aking ikinagalit. Ang nagugunita ko lamang ngayon ay ang
matindi kong galit sa kanya, ang pagsasalita ko sa kanyang ipinanliit niya sa kanyang
upuan. Nalimutan ko ang kanyang pag-iisa, ang kanyang kalumbayan, ang mabagal na
paraan ng pag-akit at pagtiyak sa kanyang siya'y mahalaga at minamahal.
Nang hapong iyo'y hindi siya nagpadulas sa pagitan ng mga hanay ng upuan.
Ngunit siya'y nagtungo sa huling upuan upang kunin ang aking tsinelas, upang
paghiwalayin ang mga iyon at itapat sa aking mga paa. Nagtungo siya sa tindahang
katapat upang bilhin ang aking minindal at nagpaiwan siya upang likumin ang mga
kagamitan sa paglilinis at upang ayusin ang mga iyon sa lalagyan sa sulok.
Pinagpantay-pantay rin niya ang mga upuan sa bawat hanay, gaya ng kanyang
kinamihasnan. Ngunit hindi siya tumingin sa akin minsan man lamang nang hapong
iyon.
Naisip ko: napopoot siya sa akin. Sa munti niyang puso'y kinapopootan niya
ako ng pagkapoot na kasintibay ng pagmamahal na iniukol niya sa akin nitong mga
huling buwan. Ang isa mang batang namulat sa pag-iisa at sa kalumbayan ng pag-iisa't
kawalan ng pagmamahal ay makaaalam din sa kawalan ng katarungan. Ngayo'y paalis
na siya, ang naisip ko, nang may kapaitan sa puso.
Tumagal siya sa pagpapantay sa mga upuan. Na tila may binubuong
kapasiyahan sa kanyang loob.
Nagtungo siya sa pintuan at ang kanyang mga yabag ay mabibigat na tila sa
isang matandang pagod. Sa loob ng maraming buwan, ngayon lamang siya hindi
lumingon upang magsabi ng, "Goodbye, Teacher." Lumabas siya nang tahimik at ang
kanyang mabibigat na yabag ay lumayo nang lumayo.
Ano ang ginawa kong ito? Ano ang ginawa kong ito? Ito ang itinanong ko nang
paulit-ulit sa aking sarili. Napopoot siya sa akin. At ito'y sinabi ko rin nang paulit-
ulit sa aking sarili.
Bukas…. Marahil, kung pagpipilitan ko bukas…
Biglang-bigla, ang maitim at pipis na mukha ng bata'y nakita ko sa pintuan.
Ang mga mata niyang nakipagsalubungan sa aki'y may nagugulumihanang tingin.
"Goodbye, Teacher," ang sabi niya. Pagkatapos ay umalis na siya.
Nagbalik siya upang sabihin iyon sa akin.
Kung gaano katagal ako noon sa pagkakaupo, ay hindi ko na magunita ngayon.
Ang tangi kong nagugunita'y ang pagpapakumbaba ko sa kalakhan ng puso ng munting
batang yaon, sa nakatitinag na kariktan ng kanyang kaluluwa. Nang sandaling yaon,
siya ang aking naging guro.

Ang binibigyang-diin sa kuwento ng tauhan ay ang pangunahing tauhan o mga tauhang

gumagalaw sa kuwento. Ipinakikilala ang kanilang pag-uugali, pagkilos, pananalita at

iba pang katangian sa pamamagitan ng tahasan o tuwirang paglalarawan o kaya’y

pagpapahiwatig sa pamamagitan ng usapan ng mga tauhan at sa ikinikilos ng mga iyon.

Ang mga tauhan ang gumagalaw sa akda- protagonista na tinatawag na bida at

antagonista na nagpapahirap o nagpapasalimuot sa buhay ng bida.

Ang tauhang lapad (flat character) ay hindi nagbabago ang pag-uugali kung

ano ang gawi, kilos at katangian niya sa simula ng akda hanggang katapusan; habang

ang tauhang bilog (round character) naman ay nagbabago mula sa pagiging salbahe

ay nagiging mabait; kung api sa simula, sa pagwawakas ay natuto nang lumaban.

Ang aspekto ng pandiwa na nagsasaad kung naganap na o hindi pa nagaganap

ang kilos, at kung nasimulan na at kung natapos nang ganapin o ipinagpapatuloy pa

ang pagganap. May apat na aspekto ang pandiwa: aspektong perpektibo kung ito ay

nagsasaad o nagpapahayag na ang kilos na nasimulan na at natapos na, aspektong

imperpektibo kung nagpapahayag ng kilos na nasimulan na ngunit di pa natatapos at

kasalukuyan pang ipinagpapatuloy, aspektong kontemplatibo ay naglalarawan ng kilos

na hindi pa nasisimulan at aspektong perpektibong katatapos kung saan nagsasaad

ito ng kilos na katatapos lamang bago nagsimula o naganap ang kilos.


Dionisio S. Salazar

Tubong-Nueva Ecija na ipinanganak noong Pebrero 8,1919 si Dionision Santiago


Salazar. Nagtapos ng kolehiyo sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilipinas (kursong
AB) at Unibersidad ng Sto. Tomas (para sa kanyang MA). Isa siyang premyadong
manunulat at hindi matatawaran ang kaniyang husay at galing, patunay na rito ang
siyam (9)na nobelang kaniyang isinulat at nailathala na tunay namang maipagmamalaki
natin. Nagtamo siya ng iba’t ibang parangal gaya ng Carlos Palanca Award, National
Balagtas Award, Dangal ng Lahi sa Dula, Manila Cultural Heritage Award, TOFIL
Awardee for Drama and Literature at iba pa. Siya ay tunay na huwarang manunulat
ng makabagong panahon. Ang kaniyang mga dula ay isang obra maestrang
maipagmamalaki nating lahat. Isa siyang premyado at walang katulad ang husay na
manunulat na dapat ipagmalaki sa lahat. Ang kaniyang mga isinulat ay dapat
tangkilikin sapagkat ito’y sariling atin.

Basahin at unawain
SINAG SA KARIMLAN
ni Dionisio S. Salazar

MGA TAUHAN :
Tony ……………….. Binatang bilanggo
Luis ……………….. Ang kanyang ama
Erman ………………
Doming …………….. Mga kapwa bilanggo
Bok …………………
Padre Abena ………Isang pari ng bilibid
Miss Reyes ………… Isang Nars
Isang Tanod
PANAHON: Kasalukuyan
TAGPUAN: Isang panig ng pagamutan ng Pambansang Bilangguan sa
Muntinlupa.
ORAS: Umaga
PROLOGO: Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa: Wakas at Simula …
Moog ng katarungan … Sagisag ng Demokrasya … Salaming
pambudhi … Palihan ng puso’t diwa…Waterloo ng kasamaan…
Hamon sa pagbabagong buhay …May mga maikling gayong dapat
hubdan ng maskara at sa sinapupunan nito kailangang iwasto ay
hayu’t talinghagang mamamayagpag at umiiring sa batas. Sa isang
dako’y may mga walang malay na dahil sa kasamaang-palad,
kahinaan, o likas na mapagsapalaran ay dito humahantong; dito rin
sinisikatan o nilulubugan ng Katotohanan at Katarungan… Marami
nang lubha ang mga pumasok at lumabas dito. Walang
makapagsasabi kung gaano pa karami ang tatanggap ng kanyang
tatak…May sala o wala, ang bawat pumasok dito ay kabuuan ng
isang marikit at makulay na kasaysayan…

PAGBUBUKAS ng tabing ay mabubungad ang isang bahay ng pagamutan ng


Pambansang Bilangguan sa Muntinlupa. May anim na teheras ang makikita rito. Ang
dalawang nasa magkabilang gilid ay bakante. Sa dalawang nasa gawing kanan ay
magkaagapay si Tony (19 na taon) at si Bok (29); sa gawing kaliwa naman ay naroroon
si Mang Erman (45) at si Doming (30). May munting durungawang nahahadlangan ng
mga rehas na bakal na makikita sa gawing likod, kalagitnaan. Hubad ang natutulog na
si Tony. May bakas ng dugo ang mga bendang nasa kanyang tiyan at kaliwang bisig.
May black eye rin siya. Si Bok na bilanggong labas-masok sa Bilibid, ay nakakulubong
– may trangkaso siya. Si Mang Erman, na may apat na araw nang naooperahan sa
almoranas, ay gising at waring nag-iisip. Naka-plaster cast naman ang isang paa ni
Doming …Paminsan- minsa’y maririnig ang malakas ng paghilik ni Bok .

Doming : (Bibiling sa higaan, iiangat ang ulo, at tatanungin si Bok)


tipaningmayap, lakas namang mag-ilik ni Bok.
Ernan : (Mangingiti) Pasensiya ka na Doming.
Doming : Kelan pa kaya lalabas dito ‘yan, a Mang Ernan? Traga malas
hang.BABAYING . Ba,sino ‘yan? …. (Ingunguso si Tony.)
Ernan : Ewan, Hatinggabi kagabi nang ipasok ‘yan dito. Kawawa
naman. Duguduguan siya.
Doming : OXO seguro ‘yan. O kaya Sigue-Sigue. Nagbakbakan naman seguro.
(Mamasdang mabuti si Tony.) Mukhang bata pa.
Ernan : At may hitsura, ang sabihin mo.(Mapapalakas ang hilik ni
Bok.)
Doming : Tipaning – parang kombo! (Matatawa si Mang Ernan.)
Bok : (Biglang mag-aalis ng kulubong; pasigaw) Saylens!
Magapatulog man kayo! Yawa….
Ernan : Si Bok naman. Konting lamig, ‘bigan.
Doming : Hisi lang, Tsokaran.
Bok : Tuluyan nang babangon: matapos mag-inat at maghikab ay
susulyapan ang katabi) Nagapuyat ako kagab-i. Galaking sugat
n’ya.(Titingnan si Tony.) (Kikilos sa pagkakahiga at mapapahalinghing si
Tony.)
Doming : Kilala mo siya, Bok?
Bok : (Sabay iling) De-hin. Kung ibig yo gigisingin ko…
Doming : Ba, ‘wag!, (Makikitang kikilos si Tony.) O, ayan, gising na.
Tony : (Matapos huminga ng paimpit na waring ayaw ipahalata ang
nararamdamang sakit) M-ma—gandang umaga senyo…
Ernan : Gayundin sa ‘yo. Este, ano nga’ng - ?
Tony : (Mauupo; mahahalatang nagpipigil pa rin sa sakit) Tony ho’ng
pangalan ko. Tekayo!Kayo si Ginoong Ernani Alba, di ho ba?
Ernan : Ako nga.
Tony : Nababasa ko’ng inyong mga akda. Hanga ako senyo!
Ernan : Salamat, Tony.
Bok : (May pagmamalaki) ako gid, de-hin mo kilala? Di wan en only
Bok –alyas Thompson Junior. Big bos ng Batsi Gang. Marai
padrino. Yeba!… (Mangingiting makahulugan ang lahat.)
Tony : Haharapin si Doming; malumanay) Kayo?
Doming : Doming hang palayaw ko. Walang h-alyas .
Bok : (Kay Tony) OXO? … Sigue – Sigue? … Bahala na? … Pawang iling ang
itutugon niTony.) Beri-gud Ginsama ka a ‘ming Batsi Gang, ha?
Tony : Salamat, Bok. Pero sawa na ‘ko sa mga gang, sa mga barkada. Dahil sa
barkada’y –heto, magdadalawang taon na ‘ko dito sa Big House.
Ernan : Mukhang makulay ang … Pewede ba Toning kahit pahapyaw ay ibida
mo sa ‘min ang iyong buhay?
Bok : (Bago makapangusap si Tony) Holdi’t,Tony boy! … Ba’t nagalaslas ang
imong tiyan,ber? At… teribol yang blakay mo. Yawa.
Doming : (Mapapansin ang pangagasim ng mukha ni Tony) Makakaya
mo ba,Tony?
Tony : (Tatango muna bago umayos ng upo) Pumuga sina Silver Boy
kagabi.Nang hindi ako sumama’y sinuntok ako. Mabuti kanyo’t nailagan
ko’ng saksak dito (sabay turo sa kaliwang dibdib), kundi’y … nasirang
Tony na ‘ko ngayon. Pero ang di nailaga’y yung sakyod ni Pingas …
Nagpatay-patayan lang ako kaya … Aruy!

Ernan : Sa narinig kong usapan ng nars at tanod kagabi ay tatlo ang


napatay. Tila lima ang patawirin. Ang iba’y nahuli. (Sa sarili)
A,kalayaan, sa ngalan mo’y kay raming humahamak sa kamatayan ! (Kay
Tony ) mabuti’t tumanggi ka, Tony, kundi’y … ‘tay kung masakit ‘yan ay
saka na.
Tony : Huwag kayong mag-alala, kaya ko ito … (Hihinga muna nang
mahaba.) Mula nang madala ko rito, e nag-iba na’ng takbong … Naisip
kong walang ibubungang mabuti ang kasamaan … Malaki’ng utang na loob
ko ke Padre Abena … sa aking pagbabago… Totoo nga naman, walang
utang na hindi pinagbabayaran …. Me parusa sa bawat kasalanan!
Ernan : (May paghanga) May sinasabi ka, Tony!
Bok : (Ngingiti – ngiti habang nakikinig sa pahayag ni Tony; sa himig
nagmamagaling) No dais, Tony, kun sila malalaki naganakaw milyun –
milyun, ba. Sigi lang, ‘adre. Basta mi lagay. Basta mi padrino!
Tony : Me relihiyon ka ba, Bok?
Bok : (Tatawa habang sumasagot; pauyam) Reliyun? Wala kwenta ‘yan. Hm,
dami, dami nagasimba, pero ginluluko sa kapwa. Dami gadasal, pero gin-
nakaw, gin-ismagel,yawa.
Doming : Mabuti pay ‘way na tayo maghusap tungkol sa relihiyon.
Ernan : May katwiran si Doming. Ang paksang relihiyon ay masyadong
kontrobersyal. Paris ng iba’t ibang ismo, kaya … di dapat pagtalunan.
Tony : Pero, Mang Ernan, ba’t tayo matatakot magtalo? Kung walang
pagtatalo, walang pagkakaunawaan. Kung walang pagkakaunawaan,
walang pagkakaisa. Ang mga taong di nagkakaisa’y pirming nag- aaway.
Ernan : Tama ‘yan. Ngunit ang pagtatalo’y dapat lamang sa taong malaki ang
puso; hindi sa mga maliit ang pinagkukunan. Pero … pinahahanga mo ako,
Tony! Nag-aaral ka ba ng batas? Ba, may kakaibang tilamsik ang iyong
diwa.
Tony : Elementarya lamang ho ang natapos ko.
Doming : Kasi nga naman hasa mo habugado ka kung magsalita.
Bok : Ber, ber, mga pare! ‘Yung istorya ni Tony!
Tony : Iimbitahin kita , Bok, isang araw, sa klase namin nila Padre Abena.
Marami kang mapupulot doon. At pakikinabangan. Tiyak.
Bok : No ken du! Kun naytklab pa, olditaym!
Tony : (Matapos makitang handa na ang lahat sa pakikinig sa kanya)
Buweno…Ako’y buhay sa ‘sang karaniwang pamilya sa Tundo.
Empleyado si Tatay. Guwapo siya. Pero malakas uminom ng tuba. At
mahilig sa karera. Napakabait ng Nanay ko. Kahit kulang ang
iniintregang sahod ni Tatay e di siya nagagalit, paris ng iba. ‘Sang araw
e nadiskubre ni Nanay ang lihim ng Tatay ko; meron siyang kerida .
Natural, nag-away sila … Umalis si Tatay . Iniwan kami. Awa naman ng
Diyos e natapos ko rin ang elementarya. Balediktoryan ako…
Bok : (Sisingit) Balediktoryan? Siga ka. Yeba!
Tony : (Magpapatuloy matapos ngitian si Bok) Namatay ang solo kong kapatid
na babae. Malubha si Nanay. Naospital siya…
Naghahanapbuhay naman ako. Pero, kulang din, kasi mahal ang lahat …
Nakakahiya pero … dahil sa barkada’y natuto akong mandukot, mang –
agaw, magsugal. Naglabas-masok ako sa Welfareville … Inilipat ako dito
pagkatapos … Santaon na lang ang natitira sa senten’sya ko… A, ang
tatay ko ang may sala ng lahat! … Mabuti nama’t idinistino ako ni
Direktor sa ‘ting library. Nakapagbabasa ako roon. Mahilig akong
magbasa ng –
Ernan : Magaling. Ang pagbabasa’y nakapagpapayaman ng isip. Sabi nga ni
Bacon ay “Nakalilikha ng tunay na lalaki ang pagbabasa…”
Tony : Mahilig din ho akong magsulat.
Doming : Teka muna, Tony! Hanong nangyari sa Tatay mo?
Tony : Mula nang umalis siya’y di na namin nakita. O nabalitaan kaya.
Kinamuhian ko siya nang labis.
Ernan : Huwag naman. Hindi tama ‘yan. Ang ama ay ama kailanman.
Doming : Kung magkita kayo, hanong gagawin mo?
Tony : Ayoko na siyang makita pa!
Bok : Gaisip ko reliyuso ka. Ba’t ngani…?
Tony : ‘Di ba maliwanag? Si Tatay ang nagwasak ng aming tahanan. Siya’ng
dahilan ng pagkaospital ni Nanay. Ng pagkamatay ng aking kapatid… ng
aking pagkakaganito!
Ernan : Kung sabagay ay madaling sabihing “lumimot at
magpatawad.” Subalit may kahirapan itong isagawa.
Gayunmay’y walang hindi napag-aaralan, kung talagang ibig.
Ako? Di ninyo naitatanong ay nagawa ko ring patawarin ang
mga naghangad ng aking pagbagsak.
Tony : Malaki ang inyong puso, Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng inyong
puso. Mang Ernan! Ma-malawak ang saklaw ng iyong tingin. Pambihira
kayo.
Ernan : Salamat, iho. Ngunit alam mo bang ang pinakamabigat kong
kasawian ay ang di pagkakaroon ng anak?
Tony : Biyudo kayo?
Ernan : Hindi, buhay ang aking asawa. Mabait siya. Maunawain.
Mapagmahal. Mapagkakatiwalaan. Pero ang mag-asawang
walang anak (Magbubuntunghininga) …napaka … hindi ganap
ang kanilang kaligayahan.
Doming : Hilang taon na kayo, Mang Herman?
Ernan : K’warenta’y singko na.
Bok : Tsiken pid! Ang akin lolo, sisenta na, gaaanak pa.
(Maikling tawanan.)
Tony : Ga’no na kayo katagal dito, tabi ? …
Ernan : Nakakaisang taon na ako. May isa pa. Alam n’yoy kuwestiyon de
prinsipyo ang ipinasok ko rito. Binayaran ko lang yung multa. – na sabi
nga ni Bok ay tsiken pid lang – ay ligtas na ‘ko sa pagkakabilanggo.
Tony : E bat naman kayo namultahan?
Ernan : Kakaiba ang aking pagkamakabayan. Isang araw ay sinunog ng isang
kapisanang pinangungunahan ko ang maraming aklat na imoral, mga aklat
kasaysayang mali-mali ang mga ulat, mga nobela, komiks at magasin at
iba pa na nakaw lang sa iba ang nilalaman… Nahabla kami. At
namultahan ng hukuman. Dahil nga sa prinsipyo’y inibig ko pang
pabilanggo. Malaya naman akong nakapagsusulat dito, kung sabagay.
Tony : Maaari ho bang paturo senyo ng pagsulat? Kay dami kung ibig sulatin
kasi, e.
Ernan : Tulad ng isang beteranong mag-aalahas, agad kong nakikilala ang
batong may mataas na uri … Ituturing kitang parang tunay na anak.
Mapapamahal ka rin sa king mabait na maybahay… Meron din kaming
ilang ari-arian … pag-aaralin ka namin.
Tony : Ke buti n’yo! . . . Me pangako rin si Padre Abena. Pag – aaralin din daw
ako. Pero…nakakahiya na atang pumasok sa klase. Baka tawanan.
Ernan : Ang karunungan, iho ay walang kinikilalang edad. Ang totoo’y
walang katapusan itong pag-aaral ng buhay ng tao.
Tony : Ganyan din ho ang sabi ni Padre Abena, Mang Ernan.
Ernan : Ang dunong ay yaman, ikaw, hagdan, kapangyarihan. Walang
marunong na nagkakaanak ng alipin.
Tony : Wala ring kuwenta ang masyadong marunong. Paris ni Rizal,
binaril –
Ernan : Iba ang kanyang panahon, iho. Pasalamat tayo’t dahil sa kanyang
pambihirang katalinuhan ay nabago ang takbo ng ating kasaysayan.
Kailangan natin ang marunong na lider, Tony. Yaong taong matalino na’y
makabayan pa. Hindi gahaman sa salapi’t karangalan. Hindi
mapagsamantala yaong walang colonial mentality.
Bok : Kalunyal mantiliti? Anu ‘yun?
Ernan : Diwang alipin, Bok. Pamamanginoon sa mga dayuhan. Walang sariling
paninindigan.Wal- (Kagyat na matitigil dahil sa naririnig na takatak ng
sapatos.) Bantay!… (Habang dumaraan ang may edad nang tanod ay
walang imik sa magkakasama.)
Bok : (Pagkatalikod ng tanod) Pwee, dedoso pang bu-ang! Gaisip seguro
magatakas tayo.Yawa. (Tawanan) Pano ngani?… Mi trangkaso… Lumpo
(Titingnan si Doming) …Almoranas (Susulyapan si Mang Ernan) . . .
Galaslas ang tiyan? Ingungususo si Tony.Tawanan na naman.)
Tony : Maiba ‘ko, Mag Ernan. Ba’t kayo naospital?
Ernan : Hindi naman.
Doming : Sang tanong, Mang Ernan. Nagagawa bang makata?
Ernan : Isinisilang sila, Doming …. Maalala ko nga pala! Di ba’t ikaw Tony ang
tumula nang dumalaw itong minsan ang Presidente?
Tony : Ako nga ho.
Ernan : Ang binigkas mong tula’y –
Tony : Pilipinas, ke gandang tula. Alam kong kayo’ng gumawa niyon.
Ernan : Ibig kong malaman mo na ang tulang iyo’y kasama sa lalabas kong aklat
ng mga piling tula… kabilang na roon ang mga sinulat ko rito.
Doming : Hanong pamagat?
Ernan : Sinag Sa Karimlan.
Tony : Sinag sa Karimlan? Wow, gandang pamagat! Bagay na bagay sa saaa …
atin dito! Kelangan ng mga nasa dilim ang sinag. Ang liwanag!
Ernan : Walang taong hindi nalalambungan ng dilim. Lubhang
makapangyarihan ang karimlan! Subali… naitataboy ang dilim!
Tony : Sana’y mabasa ko ‘yon!…
Ernan : Bibigyan kita ng sipi. At marami pang iba.
Bok : (Nakahahalataan ng pagkabagot kapag pangkaisipan na ang paksa)Ber,
ber, Doming! Gin istorya mo naman pare…. (Titingnan at tataguan ng iba
si Doming, bilang pagayon sa pahiwatig ni BOK)
Doming : Ako’y ahente ng seguro. Malakas ang aking komisyon. Sang haraw,
buat sa hisang prubins’ya hay muwi ako dail sa bagyo. Magugulat pero
matutuwa ning asawa o, sabi ko. Sa kusina hako nagdaan. Pero hanong
nakita ko? Sus, hang asawa ko’t matalik na kebigan hay…Uling-uli ko sila
. Nagdilim hang aking tingin … Binaril ko’ng traydor nang tumalon sa
bintana… Napatay ko siya. (Mapapasandal sa dingding pagkatapos).
Tony : At nabilanggo ka dahil doon? Bakit ganon?
Doming : Hewan ko nga ba. (Magbububuntunghininga)
Ernan : Nakikiramay kami sa ‘yo, Doming …. Alam mo Tony, ang bilangguan ay
hindi lamang para sa mga nagkakasala . Ito’y para rin sa mga sinamaang
palad. Sa mga kawawa. Sa walang malakas na naa…padrino, sabi nga ni
Bok.
Bok : (May pananabik) Ber, ang imong waswas ? Seksi?
Doming : Para sa haki’y siyang pinakamaganda sa ‘ming bayan. Kinuha s’yang
mag-hartista. Marami kong naging karibal sa kanya!
Tony : “Tapat ang puso mo’t di nagunamgunam na ang paglililo’y nasa
kagandahan ” Sino nga, Mang Ernan, ang nagsabi niyon?
Ernan : Si Balagtas, iho, ang “Sisne ng Panginay”
Doming : Hang sama, ng loob ko’y ‘yung pinakamatalik ko pang kebigan
hang…(Haharapin si Tony.) Binata ka pa, Tony, hano? … Ikaw, Bok,
binata rin? ‘Wag kayong pakakasal sa masyadong napakaganda.
Bok : A, p’wee sa akon gano. Todas lahi sila lahat pag ako ginaliko,
hm…
Ernan : Kaya nga salungat ako sa sinabi ni Keats na “A thing of beauty is a joy
forever.” Dahil sa kagandaha’y daming tahanan ang nawasak at patuloy
na mawawasak. Daming pagkakaibigang napuputol. Daming kataksilang
nangyayari! …. Kung totoong nagbibigay ng inspirasyon ang kagandahan,
totoo ring lumalason ito. Pumapatay!
Bok : Asan ngayon ang imong misis Dom?
Tony : Magsasama kayo uli? Paglabas mo?
Doming : Indi na. Hisinusumpa ko!
Bok : Ilan ang imong anak? Sino gid gaalaga?
Doming : Wala. “Yung panganay namin ay namatay sa eltor.
Ernan : Tungkol sa kaibigan. Sadyang mahirap silang harapin. Lalo na ngayong
namamayani ang diwa ng materyalismo. Ng pagpapalaluan.
pagkukunwari. Ba, kakailanganin ang maraming Diogenes! (Dahil a hindi
lubos na maunawaan ni Bok ang marami sa kanyang naririnig, mahihiga
na siya’t magbabalot ng kumot.)
Tony : Pa’nu hu makikilala ang tapat na kebigan?
Ernan : Maraming paraan diyan. Subalit ang pinakamabuting pagsubok ay sa
mga oras ng kagipitan. Ng pangangailangan. Nang pangungulila. Walang
pagkukunwari ang tapat na kaibigan. Lagi siyang handang magbigay.
Magpakasakit.
Tony : Paris ni Damon at Pityas, ano ho ? … Ba’t nga kaya napakaraming
mapagkunwari? Ke raming marumi na naglilinis-linisan . At meron pang
kaya lang nagbibigay e dahil me inaasahang tubo o gantimpala. May –
Ernan : “ – nagmamalukong ay kubaw; may nagmamatulis ay pulpol.”
Tony : Me kunwari’y nagkakawanggawa, pero saan ba’y ibig lang
maperyodiko ang kanilang retrato o pangalan.
Ernan : Kaya nga kaibigan natin ang moral regeneration pagbabagong
–buhay.
Doming : Napapansin kong alos pare-ong pare-o hang takbo ng hisip mo, Tony ,
ke Mang Ernan.
Tony : P’wera bola, Doming! Malayong – (Mauuntol ang sasabihin dahil sa
paglitaw ni Padre Abena ) Aba si Padre Abena ! Magandang umaga po
Padre.
P. Abena : Magandang umaga sa inyong lahat. (Karaniwan lamang ang taas ni
Padre Abena. Isa siya sa pari ng Bilibid. Mag-aapatnapu na siya, Maamo
ang kanyang mukha at malamig ang tinig. Nakasutana siya. At
nakasalamin habang lumalapit ) Tony, totoo bang? … may sugat ka sa
tiyan ! .. sa braso! May blak-ay ka!
Bok : (Maliksing babangon) kondi magapatay-patayan ‘yan, Padre
tay-pa na .
Tony : Totoo po’ng sabi ni Bok, Padre. Ganon nga ‘ng ginawa ko kaya lang
iniwan ng mga tigasin.
P. Abena : Laking pagsisi ngayon ng mga nabigong mapupusok.
Tony : Sadyang walang unang sisi, Padre, E-e-e- … pa’no po ngayon , Padre
maaabsen ako sa ‘ting klase?
P. Abena : Ow, huwag mong intindihin yun, anak. Ikaw naman ang
pinakamarunong sa lahat, a…Natutuwa ako’t hindi ka naganyak
sumama kagabi.
Tony : Padre, hindi ko mamantsahan ang inyong pagtitiwala sa ‘kin!
Gayundin ang ke Direktor.
P. Abena :Salamat, anak. Huwag kang makalimot sa Diyos Ang tumatawag ay
dinirinig. Ang napakupkop ay tinatangkilik.
Tony : Padre, ke buti-buti n’yo ! … Siyanga pala, si Mang Erna’y ibig ding
…Wala raw silang anak.
Ernan : (Maagap) Totoo, padre, ang sinabi ni Tony. Gayunma’y kung may
usapan na kayo’y… Padre, kami ng maybahay ko’y labing limang taong
umasa, nagnobena, namintakasi upang magka-anak, subalit…Aywan ko ba
kung bakit agad akong nagkaamor kay Tony.
P. Abena :Talagang isa sa marami ang batang iyan . Masunurin siya.
Matulungin.Mapagkakatiwalaan at matalino. Balak ko sanang
pagpariin siya dangat ibang kurso ang kanyang ibig.
Natutuwa ako’t kayo’y –
Tony : Padre, posible po bang magkaroon ng dalawang ama-amahan?
P. Abena : Bakit hindi ? Mabuti nga’ng gayon at maraming titingin sa ‘yo.
Pagdating naman ng araw ay… kagustuhan din ng tatay mo ang
mangyayari.
Tony : (Mapapalakas ang tinig) Utang na loob, Padre Sinabi ko na senyong
wala ‘na akong Tatay!
P. Abena : Ikaw ang masusunod, anak. Alam kong alipin ka pa ng iyong
nasugatang damdamin. May lambong ka pa ng karimlang … A, ‘di na nga
bale. Maiba ako, malalim bang naging sugat mo, Tony?
Tony : Sabi ng doktor e di naman daw napinsala ang aking bituka.
P. Abena : Mabuti kung gayon. Buweno, huwag kang masyadong maggagagalaw at
nang hindi dumugo. (Sa bahaging ito’y aalingawngaw ang isang malakas
na pagpapagibik buhat sa ibang panig ng ospital. Matatahimik ang lahat
at makikinig sana) “Tubig! Tubig! Mamamatay na ‘ko sa uhaw! Tubiggg!
P. Abena : Diyan nga muna kayo at titingnan ko lang kung sino ang
nagpapagibik na ‘yon.(Susundan ito ng alis .)
Lahat : Adyos, Padre.
Tony : ( Sa sarili) Ke bait niya. Salamat at nagkaroon ang bilibid ng paring
tulad niya …Matutupad din ang pangarap kong makapag-aral … kung
sakali…
Ernan : Sadyang mabait si Padre Abena. Sana’y paris niya ang lahat
ng alagad ng pananampalataya … Pero, tingnan mo, Tony: sa
karamihan ng kanyang gawain ay hindi mo siya makakapiling sa
lahat ng oras, samantalang ako … Tuturuan kita ng pagtula. Ng
pagsulat. Pananalumpati. Pag – aaralin kita hanggang ibig mo.
Kailangan naming mag-asawa ang tagapagmana.
Tony : Paumanhin ho, Mang Ernan… Bukod sa makata, ano ho ba’n –
Ernan : A, ako’y peryodista. Propesor din ako sa isang unibersidad sa
Maynila. Kaanib sa ilang samahang pangwika, pangbayan, pangkultura …
May malaki akong aklatan –magugustuhan mo …. Guro naman sa piyano
ang aking maybahay. Magkakasundo kayo. Teka, ayan na’ng ating
butihing angel! ((Titigil sa pagsasalita pagkatanaw sa pumapasok na
nars. Magbibigay galang ang lahat. Ilalapag ng simpatika’t batang-
batang nars ang lalagyan ng mga gamot. Isa-isa niyang titingnan ang
temperatura ng naroong apat na pasyente. Hindi iintindihin ang may
paghanga’t pagnanasang tinging iniuukol sa kanya – lalo na si Bok. Alam
niyang sa kaharian ng mga lalaki, ang pangit mang babae ay nagiging
pulot gata. Aalis siya pagkabigay ng kaukulang gamot sa mga may
karamdaman)
Bok : (pagkatalikod ng nars) Wow! Talagang da-magan si Miss Reyes! Kung
magaibig lang siya ngani sa akon, pero … ginsama ang akon record.
Yawa.
Tony : Bok, si San Agustin , bago naging santo ay naging isang
pusakal munang magnanakaw … Tandaan mo’to, Bok. Higit na
marangal ang masamang bumuti kaysa mabuting Sumama.
Bok : Galalim man ang imong Tagalog!
Ernan : Malay natin, baka maging santo ka rin, Bok (Tawanan)
Bok : (Matatangay na rin ng biruan) Tama ka Mang Ernan. San Bok
(pagdadaupin ang mga palad sa tapat ng dibdib, titingala ng bahagya
at pipikit ) … santo santo gid ng mga holdaper! .. Nakakahiya, yawa.
(Tawanan na naman.)
Ernan : P’wera biro, napansin kong may ibig sabihin ang tinginan ni Tony at
Miss Reyes. Lalaban ako ng pustahan na … (Haharapin si Tony.)
Magtapat ka Tony, may pagkakaunawan na kayo ni Miss Reyes, ano?
(Ngingiti lamang ng makahulugan si Tony at ang palihim na pag-sang-
ayon sa pamamagitan ng pagtaas ng kilay ay mapapansin din nina Bok
at Doming.)
Bok : Jackpot ka, Tony boy! Tsk, tsk, talaga man materyales pwerte si Miss
Reyes. Inggit ako sa imo.
Doming : Listo ! Ayan na naman hang-tay-ban! Darating ang dati ring
tanod.)
Tanod : (Sa may pintuan) Antonio Cruzada!
Tony : (Itataas ang kanang kamay) Sir!
Tanod : Miron kang bisita, adding.
Tony : Bisita? Asan Sir? Sino ho siya? Kilala ba n’yo sir?
Tanod : Iiling at susulyapan si Mang Ernan) Siguro sing, idad sa
kanya.
Doming : Kuwarentay singko.
Tony : Papunta na ba rito, sir?
Tanod : Wen adding. (Aalis. Lalabas sa pintuang pinapasukan.)
Tony : (Kunut-noo) Sino kaya ‘yon? … Ba, siya ang una kong dalaw sa loob ng
dalawang taon.
Ernan : Baka … Tatay mo na ‘yun, Tony)
Doming : Baka naman hisang kamaghanak.
Bok : (Mapapabangon na naman) G’wapo bang imong derpa? Paris
moTony?
Tony : (Dahil sa pag-iisip ay hindi mauunawaan ang tanong ni Bok; sa sarili)
Pa’no niya malalamang narito ako? …. Anim na taon!… City Jail …
Welfareville … Muntinlupa… Imposible! Hindi. Hindi maaaring siya!
(Halos pasalubong) Huwag Mo pong itulot,Diyos ko!
Ernan : Sino man’yon ay may kapit siya. Kung di’y ‘di siya makatutuloy dito.
Ayun! Siya na Siguro ‘yung dumarating! (Papasok si Mang Luis, ang
ama ni Tony. Kasama niya ang dating tanod. May kataasan si Mang
Luis, nakasalamin siya ng may kulay. Mababasa sa kanyang anyo na
siya’y dumanas o dumaranas ng maraming suliranin. Isang manhid na
barong tagalog ang kanyang suot. Sunog ang kanyang balat, gayun may
halata rin ang kanyang kagandahang lalaki. Mag-aapatnapu pa lamang
siya subalit mukha nang lilimampuin. Pagagalain niya ang kanyang sabik
na paningin. Pagkunwa’t ituturo naman ng tanod para sa kanya ang
pinaghahanap na hindi kaagad mamumukhaan. Pagtatama ng kanilang
tingin ang anaki nakatanaw ng multo si Tony. Akibat ng matinding
tuwa at pananabik ay pasugod na lalapit ang ama sa anak.)
Luis : (Madamdamin) Tony, anak ko! …(Walang imik na pagyayapos ang tila
natatandaang si Tony. Magpapalipat-lipat ang kamay ng naluluha sa
galak na ama sa buong katawan ng mutyang anak. Pagkaraan ng ilang
saglit sa gayong ayos ay pabigla at walang kibong magwawala si Tony.
Kahit nakararamdam ng kirot at tatayo siya’t uurong ng ilang hakbang.
Tutop niya ang sugat sa tiyan. Tiim ang kanyang mga bagang, may apoy
sa mata at iaalon ang kanyang dibdib. Mapapansin ni Mang Luis ang
mga sugat at “black-eye” niya.)
Luis : Anak ko, napano ka? (Hindi rin tutugon si Tony. Patuloy ang pananalim
ng kanyang sulyap, ang panginginig ng kanyang ugat sa kalamnan ng
kanyang panga, ang paninikip ng kanyang dibdib. Samantala’y walang
kibuan ang lahat, bagaman mataman silang nagmamasid at
nakikiramdam)
Luis : Tony, magsalita ka, anak ko. Hindi ka ba natutuwang ako’y makita?
Pagkaraan ng may anim na taon? (Buhat sa kinatatayuan ay hindi rin
iimik o titinag si Tony. Unti- unti siyang lalapitan ng ama.)
Tony : Huwag! Huwag kayong lalapit! Huwag!
Luis : (Matigigil!) Anak, di mo ba … Ako ang Tatay mo…
Tony : (Palibak) Tatay? … Hm, ang nakilala kong ama’y anim na taon nang p-p
patay !
Tony : Sayang lang ang inyong pagod!
Luis : Lalapit pa ng isang hakbang; titigil) anak, patawarin mo ‘ko…
Tony : Inuulit ko: wala na akong,, ama! …. (Lilingon sa gawi ng bintana.) Mula
nang iwan n’yo kami dahil sa ‘sang –
Tony :(Magpapatuloy na hindi alumana ang sinabi ng ama) Dahil sa kerida’y
sapin-saping hirap ang aming dinanas …lalo na’ng aking Nanay … Pati
pag-aaral ko’y natigil …Ano’ng gagawin ko? Me sakit si Nanay … Me
sakit si Baby … Nagkasangla-sangla kami … At nang lumao’y wala nang
ibig magpautang sa ‘min … ‘Sang araw e napilitan akong …Nang– agaw
ako ng bag. Nahuli ako. Nagmakaawa ako at pinatawad naman. Subalit
…. nang dumating ako sa - amin ay … (mababasag ang tinig) patay nang
kapatid ko! Sa tulong –
Luis : Nahihilam na sa luha) Tony, husto na ! … U-utang na loob …
A-a alam ko na’ng lahat! …
Tony : (Hindi rin papansinin ang samo ng ama) Sa tulong ng mga kapitbahay e
nailibing din si Baby… Naospital si Nanay … Walang ibig kumupkop sa
‘kin … Baka raw me T.B. rin ako … Ako’y naging kanto boy, nabarkada,
hanggang … Natuto ako ng iba’t ibang paraan ng pagnanakaw …
Natikman kong matulog nang walang unan …magtago sa ilalim ng tulay …
Bok : (Mabilis na papatlang) Tsiken pid ‘yan, Tony!
Tony : (Wawalaing – bahala si Bok) Subalit me wakas ang lahat … Mula sa
city jail e nalipat ako sa Welfareville. Naglabas-masok ako ro’n …
Nang magdisiotso ako’y heto …Magdadalawang taon na ‘ko rito …
(Hihinga ng mahaba at malalim . Tutop pa rin ng kaliwang kamay ang
sugat. Biglang haharapin nang tuwiran ang lumuluha’t mistulang
korderong ama. Makapangyarihan.) Kayo na dapat kong tawaging ama
ay tinatanong ko: Mangyayari kaya ang nangyari sa ‘ming mag-iina
kung kayo’y tumupad senyong tungkulin?…
Luis : H-hindi ko na – hindi ko na kayo iiwan … K-k kelanman !
Tony : Pangako, hm … Daling sabihin, daling sirain…
Luis : Nagbalik ako upang – upang pagsilbihan kayo habambuhay …
Tony : (Patuya) Ba’t di kayo bumalik senyong magandang kerida?
Luis : (Lipos pagpapakumbaba) Iniwan n’ya ako – ang taksil! – nang hindi ko
na masunod ang kanyang kapritso … Salamat sa kanyang ginawa at
nagliwanag ang nalabuan kong isip. Ngayo’y –
Tony : Huli na ang lahat!
Luis : Ang sakit mong magsalita, anak…alam mo bang limang buwan kitang
pinaghahanap?… At nang malaman kong narito ka’y nilakad kong …
Nangako si Senador Bigat na mabibigyan ka ng parole.
Tony : (Dahil sa ibang iniisip ay hindi maunawaan ang huling sinabi ng ama)
Ewan ko kung si Nanay e buhay pa o patay na. (Pasigaw naman) Kayo!
Kayo ang sanhi ng kanyang kasawian! Aru-aruuuyyy!
Luis : Buhay ang nanay mo, anak. Nagkita na kami. Magaling na siya.
Tony : Magliliwanag ang mukha) Buhay! Salamat sa Diyos!
Luis : (Hindi mapapansin ang sariwang dugo sa kamay ni Tony) Pinatawad na
n’ya ako. At nagkasundo nga kaming hanapin kita. Anak, magsama-
sama tayong muli!
Tony : Mahal ko si Nanay, ngunit kayo… Ibig ko pang mamatay kesa
sumama sa senyo!
Luis : (Mawawala ang pagtitimpi at paghaharian ng damdaming –ama. Isang
matinding sampal ang ibibigay kay Tony). Durugo ang bibig ng huli. Sa
bahaging ito’y nganingani nang lundagin ni Bok si Mang Luis danga’t
makakambatan siya ni Mang Ernan na huwag manghimasok. Sa
sandaling ito’y nakatalikod naman at nasa may labas ang tanod.
Mapagwawaring ang nagawang kabiglaan, mabilis na lalapitan ang anak.
Iigtad naman si Tony.) Patawarin mo ‘ko, anak!
Tony : (Matapos pahirin ang likod ng palad and dumudugong bibig) Lalo
lamang ninyong pinalalayo ang ating daigdig! (Mabilis na tatalikod.)
(Tigib-pagsisisi at panunumbat sa sarili, walang malamang gawin o
sabihin si Mang Luis. Naroong pisilin ang mga kamao; naroong muling
tangkaing lapitan ang nagmamalaking anak; tanawin sina Mang Ernan
na parang nagpapahabag at nagpapatulong. Wala namang imikan ang
nangamamasid. Pagkuwa’y walang kibong lalabas. Titigil sa may
pintuan. Titigil sa may pintuan upang linguni’t pag-ukulan ng may
pagmamahal sa titig si Tony. Wala namang kamalayan ang
nagugulumihanan ding si Tony sa mga ikinikilos ng kanyang ama. Muling
babalikan ni Mang Luis ang nakatungong bunso subalit hindi
maisasagawa ang balak na pagyapos dito. Mapapabuntunghininga na
lamang at tiim-bagang na aalis. Magkakatitigan sina Mang Ernan, Bok
at Doming. Pagkalipas ng ilang saglit ay dahan-dahang nauupo sa gilid
ng kanyang teheras Si Tony. Kagat niya nang mariin ang kanyang labi.)
Ernan : (Malumanay subalit madamdamin) Ang buhay, Tony, ay batbat ng
iba’t ibang uri ng pagsubok. Ang tagumpay, kaya lalong tumitingkad ay
dahil sa kakambal na pagpapakasakit. Ang lalaking tumatakbo sa mga
pagsubok at hamon ng tadhana ay pinagtatampuhan ng tagumpay.
Tony : Mang Ernan, kayo man ang nasa lugar ko’y –
Ernan : Nauunawan kita, iho. (Titindig at aakbayan si Tony. Mahihipo ang
dugong nagmumula sa sugat sa tiyan.) Dumudugo ang sugat mo! (Kay
Bok) Pakitawag mo nga ang doktor…(Kay Tony) Mabuti’y mahiga ka.
Siguro’y maaampat ‘yan.
Tony : (Habang nahihiga) Walang anuman ito Mang Ernan.
Bok : (Nakaupo pa rin subalit nakabalabal na ng kumot)
Hm… tsiken pid ‘yan.
Doming : Sabagay, hakuman ‘yang nasa lugar ni Toni’y – hewan ko nga
ba…
Bok : Bilib gid ako sa imo… Gas-mati ka. Y-y-yeba! ….
Ernan : (Habang bumabalik sa kanyang teheras; sa sarili) A, kung
masusunod lamang ng mga tao ang Panalangin ni San Francsico ng Asisi,
sana’y –
Tony : Biglang mapapabangon pagkarinig sa tinuran ni Mang Ernan)
Pagkaganda –ganda nga ng “Panalangin ni San Francisco” … Bathala, gawin
Ninyo akong … kasangkapan … Kung saan may galit –
Ernan : (Maagap) Bayaang nakapaghasik ako ng pag-ibig. Ang isang
maganda pang bahagi’y ‘yung … “Nasa pagbibigay ang ating
ikatatanggap … nasa pagpapatawad ang ating kapatawaran … “
Tony : (Mabilis) Mang Ernan… Madali ngang sabihing “Lumimot at
magpatawad, “ ano ho? Pero, ar – ruyyy … (Mapipikit at aasim ang
mukha. Hahawakan ang sugat sa tiyan.)
Ernan : (Makikitang sa pag-aangat ng kamay ni Tony ay punung-puno yaon ng
dugo) Tony!(Kagyat na nalalapitan ang binata at pagyayamanin.) Doming!
Bok! Pakitawag n’yung doktor! O nars! Madali kayo! …
Bok : Hindi pa rin mababakla; hindi titinag) Bals –wals ‘yan!
Doming : (Patikud–tikod na lalabas subalit doon pa’y sisigaw na) Nars! Nars!
Narrsss!…(Muling darating ang nars na nakarinig sa malakas na sigaw ni
Doming. Agarang lalapatan ng pampaampat ng dugo ang sugat ni Tony.
Samantalang nagamutan sila ay siya namang paglitaw sa may pintuan ng
magkasamang P. Abena at Mang Luis.Walang imik silang magmamasid.)
Nars : Sariwa pa’ng sugat mo, kaya huwag ka munang magsalita nang
malakas. At huwag kang maggagalaw ha, Tony?
Tony : Paglabas ko rito’y pupunta ‘ko senyong bahay, ha, Lyd?
A, Miss Reyes pala!
Nars : Sabi na’t puwera muna ang salita. Pag sinuway mo ‘koy …
Sige ka, hm…
Tony : Okey. (Pipikit dapwat muling didilat. Masusulyapan si P. Abena.
Magpapalitan sila ng ngiti.)
Nars : O, hayan , tapos na. Be good, ha, Tony? Promise? Tatango ang binata;
hahanda siya sa pag-alis.)
Tony : Maraming salamat, L-Ly – Miss Reyes. Hindi kita malilimot
kelanman ! Alam mo na iyan … matagal na. ( Hindi pa rin nakikita ni Tony
ang ama sapagkat natatakpan ito ng papalapit na pari.)
P. Abena : Magkakilala pala kayo ni Miss Reyes …. Mabait at masipag ang batang
‘yan. Paris mo…
Tony : Siya nga po ang babaing handa kong …
Bok : (Makahulugan ang ngiti) tingin ko’y ayos na Silang dal’wa,
Padre.
P. Abena : Hindi masama Pabor ako. Saglit na titigil; kay Tony, sa ibang tinig)
Anak, ang tatay mo’y … nagkita kami. nakiusap siyang -
Tony : Malilimutan ang lahat; mapapabagong bigla’t puputulin ang pagsasalita
ng kausap) Padre! … Na naman? (Hindi mangungusap si P. Abena.
Marahan na lang siyang mapapailing; subalit maagap namang maaalayan
si Tony. Si Mang Luis naman, naroon pa rin sa may pintuan, ay
mapapabuntung-hininga’t mapapakagat labi sa namamalas na katigasan
ng anak. Mauuntol ang balak niyang paglapit.
Si Miss Reyes naman na hindi pa tuluyang nakakalayo ay magaganyak
na manood sa tagpong yaong may pangako ng kapanabikan. Lalapitan si
Tony at masuyong pagsasabihan.)
Nars : Tony, di ba’t sabi ko sa’yo’y huwag ka munang gagalaw ‘pagkat
makasasama sa ’yo?
Tony : Patawarin mo ‘ko, Ly – est, Miss Reyes.
Nars : (Tatanguan si Tony) Patatawarin kita pero sa uli-uli’y.. Sige, higa na.
(Susunod na sana si Tony subalit magkakatama ang tingin nilang mag-
ama. Matagal silang magkakatinginan.
P. Abena :(Makahulugan) Anak, tamo si Miss Reyes,
nakapagpapatawad….
(Hindi tutugon si Tony. Mapapatango siya. Ganap na katahimikan .
Walang kakurap-kurap, at halos hindi humihinga sina Mang Ernan sa
pagmamasid sa nangyayaring dula sa silid na yaon. Sa pagtaas ng mukha
ni Tony ay makikitang may luha sa kanyang pisngi. Mabubuhayan ng loob
si Mang Luis. Dahan-dahan siyang lalapit sa bunsong ngayo’y nakayupyop
sa bisig ni Padre Abena. Magaling sa sikolohiya, marahang iaangat ng
butihing pari ang ulo ni Tony at siya’y unti-unting uurong upang
mabigyan ng ganap na kalayaan ang mag-ama. Ngayo’y may kakaiba ng
sinag sa mukha ni Tony. May kakaiba ring ngiting dumurungaw sa
kanyang mapuputlang labi. At sa isang kisap-mata’y mayayapos siya ng
kanyang ama. Masuyo, madamdamin, mahaba ang kanilang pagyayakap.
Katulad ng dalawa, mapapaluha rin ang lahat . Maging ang may bakal na
pusong si Bok ay mapapakagat-labi’t mapapatungo ng marahan.
Pagdaraupin naman ni Padre Abena ang mag-ama, titingala ng bahagya
at pangiting bubulong.)

Ang dula ay isang akdang sa pamamagitan ng kilos at galaw sa tanghalan ay

naglalarawan ng isang kawil ng mga pangyayaring naghahayag ng kapana-panabik na

bahagi ng buhay ng tao. Gaya ng ibang katha, ang dula ay lumilibang, nagbibigay-aral,

pumupukaw ng damdamin at humihingi ng pagbabago. Higit na nakapagpapakilos ang

dula kaysa sa ibang akda sapagkat bukod sa naririnig ang mga salita, nakikita pa ang

kilos at galaw sa tanghalan.

Ang anumang uri ng dula ay binubuo ng mga sangkap na nagpapatingkad

dito kung kaya’t nararapat lamang na ang isang dula ay hindi magkulang ng sangkap

sapagkat ito ang nagsisilbing haligi nito upang lalong makatayo nang buong husay at
makulay. Ito rin ang nagdudulot ng kawilihan sa mga manonood. a) Tanghalan-lugar-

kung saan nagaganap ang mga pangyayari sa isang pagtatanghal; b) iskrip-

itinuturing na pinakakaluluwa ng isang dula, lahat ng pangyayaring isinasaalang-alang

o nagaganap sa isang pagtatanghal ay naaayon sa iskrip; c) aktor- gumaganap at

nagbibigay-buhay sa dula, sila ang nagpapahayag ng mga diyalogo, nagsasagawa ng

mga aksyon at nagpapakita ng mga emosyon sa mga manonood; d) direktor-

nagbibigay ng interpretasyon at nagpapakahulugan sa isang iskrip; e) manonood-

mga saksi o nakapanood ng isang pagtatanghal; f) eksena- ang paglabas-masok sa

tanghalan ng mga tauhan samantalang ang tagpo-ang pagpapalit ng mga pangyayari sa

dula.

Mga Pahayag ng Pagsang-ayon at Pagsalungat

Isang paraan ito upang maging kapaki-pakinabang ang pakikilahok sa anumang

usapan o pagbibigay ng mga pala-palagay, opinyon o ideya o kaisipan. Sa paraang ito,

mahalagang malaman natin ang mga pananalitang dapat gamitin sa pagpapahayag ng

pagsang-ayon at pagsalungat.

Sa pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ay makabubuting pag-aralan

o pag-isipan munang mabuti at magkaroon ng malawak na kaalaman ukol sa isyu.

Iwasang gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala ng desisyong

itinutulak ng nakararami.

Halimbawa:

*Pahayag na karaniwang nagsasaad ng pagsang-ayon

Sang-ayon ako. Tama. Iyan ang nararapat. Pareho tayo ng iniisip. Ganyan din
ang palagay ko. Oo. Tunay

*Pahayag na nagsasaad ng pagsalungat

Hindi ako sang-ayon. Mabuti sana ngunit. Ikinalulungkot ko


ngunit. Nauuwaan kita subalit. Bakit di natin. Ayaw

You might also like