You are on page 1of 7

Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa

iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Ang mga
likhang panulaan ay tinatawag na tula. Madaling makilala ang isang tula sapagkat karaniwan itong
may batayan o pattern sa pagbigkas ng mga huling salita.
Binubuo ang tula ng saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-
animin, at lalabing-waluhing pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at
sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman ay mahaba.
Tulang Liriko o Tulang Damdamin (lyric poetry) – tulad ng isang soneto o ng isang oda, na
ipinapahayag ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon
karaniwang tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta.Ang Tulang liriko na uri ng mga tula ay
hindi nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon.

Uri ng Tulang Liriko

Awit – Ang awit ay isang uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng tig-aapat na taludtod ang bawat
saknong, na ang bawat taludtod ay may lalabindalawahing pantig, at ang tradisyonal na dulong
tugma ay isahan.Ito ay ang karaniwang awiting ating naririnig.Karaniwan itong may malungkot na
paksa - sad love songs kumbaga.

Soneto – Isang tula na karaniwang may 14 linya.Hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw na
kabatiran sa likas na pagkatao.

Oda – Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na nakasulat bilang papuri o dedikado sa isang tao
o isang bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing isang inspirasyon para sa oda.

Elehiya – Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa kamatayan.

Dalit – isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon, partikular na nakasulat para sa layunin ng
papuri, pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa isang Diyos o sa isang kilalang pigura o
maliwanag na halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

2. Tulang Pasalaysay (narrative poetry) – isang tula na may balangkas. Ang tula ay maaaring
maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa maaaring maging simple o
kumplikadong pangyayari. Ito ay karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng mga
epiko, ballad, idylls at lays.

Uri ng Tulang Pasalaysay

a. Epiko – ay isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol sa isang seryosong paksa na


naglalaman ng mga detalye ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang sa isang
kultura o bansa.

b. Awit at kurido – ay isang uri ng panitikang Filipino kung saan ito ay may walong sukat. ang tulang
kurido ay kadalasang mga alamat o kuwento na galing sa mga bansa sa Europa tulad ng Pransya,
Espana, Italya at Gresya. Ang tulang kurido ay pasalaysay. Ang tanyag na kurido ay ang Ibong
Adarna.

c. Karaniwang Tulang Pasalaysay – Ang mga paksa nito ay tungkol sa mga pangyayari sa araw-
araw na buhay.

3. Tulang Patnigan (joustic poetry) – Kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.

a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang pagtatalunan.
Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.

b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na “libangang
itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa
dagat.

c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango
ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.

4. Tulang Pantanghalan o Padula – karaniwang itinatanghal sa theatro.Ito ay patulang ibinibigkas


na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o melodiya ng isang awitin.Naglalarawan ito ng mga
tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-
araw-araw na buhay.

KOMEDYA:
(1)

PASKO – Dula-dulaan
Sinulat nina: Laura B. Corpuz at Pacita D. Morales
Unang Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay) (Naghahanda ang mag-anak papunta sa simbahan. Tumutugtog ang
kampana.) Nanay: “Dalian ninyo mga anak. Baka mahuli tayo sa misa.” Anak 1: “Nandiyan na po
ako, Nanay.” Anak 2: “Hintayin ninyo ako. Hindi ko makita ang sapatos ko.” Anak 3: “Handa na po
ako, Tatay.” Anak 4: “Ako rin po.” Nanay: “O sige, hihintayin namin kayo sa labas ng bahay, mga
anak.” Tatay: “Mag-ingat kayo sa paglalakad sa kalsada.” (Lalakad ang mag-anak papuntang
simbahan.) Tilon
Pangalawang Tagpo
(Tanawin: Labas ng simbahan matapos ang misa) (May mga tindera. May tugtuging pamasko.)
Nanay at Tatay: “Maligayang Pasko sa inyo, mga anak.” Mga Anak: (Magmano) “Maligayang Pasko
rin po sa inyo, Nanay at Tatay.” (May mararaanang mga tindera ang mga bata paglabas ng
simbahan.) Anak 1: “Ano po ang tinda ninyo?” Tindera 1: “Mayruon akong puto at kutsinta.” Anak 1:
“Pagbilhan po ninyo ako ng puto.” Anak 2: “Mayruon po ba kayong suman?” Tindera 2: “Mayruon
ako, anak. Ilan ba ang gusto mo?” Anak 2: “Dalawa po.” Anak 3: “Kina Lolo at Lola na lang ako
kakain, Ate. Hindi pa naman ako gutom.” Anak 4: “Ako rin; maraming magluto si Lola, marasap pa!”
Nanay: “Halina kayo kina Lolo at Lola. Hinihintay nila tayo.” Tatay: (Kakatok sa pinto ng bahay nina
Lolo at Lola.) Lolo: (Bubuksan ang pinto.) “Tuloy kayo mga anak.” Tilon
Pangatlong Tagpo
(Tanawin: Loob ng bahay nina Lolo at Lola) Mga Anak: “Mano po, Lolo. Mano po, Lola.” Lolo at
Lola: “Kaawaan kayo ng Diyos, mga anak.” (Nanay at Tatay – magmamano rin) Ninong at Ninang:
(Naka-upo sa silya.) Anak 1: “Mano po, Ninong. Mano po, Ninang.” Ninang at Ninong: “Kaawaan ka
ng Diyos.” Anak 2: “Lola, ang sarap naman ng amoy ng luto ninyo!” Lola: “Para sa ating salu-salo ang
lahat ng niluto ko.” Lolo: “Halina na kayo, mga anak. Nakahanda na ang mga pagkain natin para sa
Noche Buena.” Anak 3: “Gutom na nga ako eh.” Anak 4: “Sabi ko na inyo eh, maraming magluto si
Lola, at masarap pa.” (Matapos kumain – Hahaplusin ang tiyan sa busog at magkukuwentuhan)
Anak 2: “Nanay, Tatay, sana’y maging Pasko araw-araw para narito tayong lagi kina Lolo at Lola.”
Mga Anak: “Lolo, Lola, aalis na po kami.” “Maligayang Pasko po ulit sa inyo at Manigong Bagong
Taon sa lahat.” Nanay at Tatay: “Maraning salamat po sa handa ninyong mga pagkain. Busog na
busog po kaming lahat.” Buong Mag-anak: (Muling mag-mamano kasabay ang pagpapaalam.)
“Paalam na po.” “Mamasko pa po kami sa ibang kamag-anak natin pagkagising sa umaga.” Lolo at
Lola: “Mag-iingat kayo sa daan.” Tilon

ANG PAGBABALIK

Babahagya ko nang sa noo’y nahagkan,


Sa mata ko’y luha ang nangag-unahan;
Isang panyong puti ang ikinakaway,
Nang siya’y iwan ko sa tabi ng hagdan:
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!

Nang sa tarangkahan, ako’y makabagtas


Pasigaw ang sabing, “Magbalik ka agad!”
Ang sagot ko’y “Oo, hindi magluluwat!”
Nakangiti akong luha’y nalaglag…
At ako’y umalis, tinunton ang landas,
Nabiyak ang puso’t naiwan ang kabiyak;

Lubog na ang araw, kalat na ang dilim,


At ang buwan nama’y ibig nang magningning:
Maka orasyon na noong aking datnin,
Ang pinagsadya kong malayang lupain:
Kuwagong nasa kubo’t mga ibong itim,
Ang nagsisalubong sa aking pagdating.

Sa pinto ng naro’ong tahana’y kumatok,


Pinatuloy ako ng magandang loob;
Kumain ng konti, natulog sa lungkot,
Ang puso kong tila ayaw nang tumibok;
Ang kawikaan ko, “Pusong naglalagot,
Mamatay kung ako’y talaga nang kulog!”

Nang kinabukasang magawak ang dilim,


Araw’y namimintanang mata’y nagniningning;
Sinimulan ko na ang dapat kong gawin:
Ako’y nag-araro, naglinang, nagtanim;
Nang magdidisyembre, tanim sa kaingin,
Ay ginapas ko na’t sa irog dadalhin.

At ako’y umuwi, taglay ko ang lahat,


Mga bungang-kahoy, isang sakong bigas;
Bulaklak na damo sa gilid ng landas,
Ay pinupol ko na’t panghandog sa liyag;
Nang ako’y umalis, siya’y umiiyak…
O, marahil ngayon, siya’y magagalak!

At ako’y lumakad, halos lakad takbo,


Sa may dakong ami’y meron pang musiko,
Ang aming tahana’y masayang totoo
At nagkakagulo ang maraming tao…
“Salamat sa Diyos!” ang nabigkas ko,
“Nalalaman nila na darating ako.”

At ako’y tumuloy… pinto ng mabuksan,


Mata’y napapikit sa aking namasdan;
Apat na kandila ang nangagbabantay;
Sa paligid-ligid ng irog kong bangkay;
Mukha nakangiti at nang aking hagkan;
Para pang sinabi “Irog ko, paalam!”
Ang Ibon ng Hari

Hari:Simulan na ang laro. Bumilang kayo.

Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo

Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo

Hari: Tribulasyon!

Lahat: Tribulasyon

Hari: (Titindig)

Ang komposisyon ng tanan

ay paglalarong mahusay

Ang magulo ay mahalay

Sa mata ng kapitbahay

Mga binibini at mga ginoo,

Matatanda't batang ngayo'y naririto,


Malugod na bati ang tanging ko

sa pagsimula nitong larong ito

Ang hardin ko'y kubkob ng rehas na bakal

Asero ang pinto't patalim ang urang

Ngunit nawala ang ibon kong hirang

Ang mga bilyaka ang nuha't nagnakaw!

Sa Dalampasigan
ni Teodoro A. Agoncillo
I.
O mumunting alon!
Buhat sa magalas na batong tuntungan,
Namamalas kitang tumatakbo-takbo’t sumasayaw-sayaw
Bago ka humalik sa dalampasigan.
Sa sinasayaw-sayaw, sa tinakbu-takbo ikaw ay kundimang
Namadmad sa labi ng isang kariktan!
Sa sinayaw-sayaw at hinalik-halik sa aking paanan,
Titik kang masigla ng luma ng talindaw.
O mumunting alon! Buhat sa magalas na aking tapakan,
Ikaw ay piraso’t nagkadurog-durog na sultanang buwan!

II
Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!
III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!”

IV
At ang mga bulong
Sa aki’y di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig
Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis!

You might also like