You are on page 1of 47

Tula

Gawain1: Balik-alaala
Panuto: Subukin natin ang iyong natutuhan sa
nakaraang modyul. Lagyan ng tsek ( / ) kapag ang
pahayag ay naglalarawan kay Mullah Nassreddin at
ekis (X) kapag hindi.
1. Napakahusay magkuwento ni Mullah Nassreddin
kaya napaisip ang mga tagapakinig.
2. Nahikayat niya ang mga mamamayan na makinig
sa kaniyang kuwento.
.
3. Masungit siya kaya tinalikuran ng mga tao habang
nagsasalita.
4. Malawak ang kaniyang pag-iisip kaya ang mga
mamamayan ay humanga sa kaniya.
5. Magiliw siyang magsalita ngunit napapaisip ang
mga tao sa kaniyang mga sinasabi
Tula ay isang uri ng panitikan na
nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog,
paglalarawan at mga paraan ng
pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.
Ito ay pagpapahayag ng magagandang
kaisipan at pananalita sa
pamamagitang mga taludtod.
Mga Elemento ng Tula
1. Persona – Tumutukoy ito sa nagsasalita sa
tula na nililikha ng makata.
2. Imahe – Tumutukoy ito sa larawang diwa na
nabubuo sa mambabasa. Pinagagalaw
nito ang guniguni ng mambabasa.
Nabubuo sa pamamagitan pag-uugnay ng
mga bagay sa paligid o konsepto sa nais
ipakahulugan.
3. Musikalidad – Nakapokus ito sa porma at paraan ng
pagkakasulat ng tula. Nagtataglay ito ng angking
melodiya o tonong nararamdaman sa indayog o ritmo.
a. Sukat – Saklaw nito ang bilang ng pantig sa bawat
linya o taludtod ng tula. Ang pangkaraniwang tula
ay may pantig sa bawat taludtod.

Halimbawa: Lalabindalawahing Pantig


Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init
Hindi natatakot kahit na sa lamig
Sa buong maghapon gumagawang pilit
b. Tugma – Ito ang pagkakasintunugan ng mga salita o
pagkakapareho ng tunog ng mga huling pantig sa
bawat taludtod ng tula. Ito ay isang elemento ng
tula na nagbibigay ng himig at indayog
Halimbawa: Sukat: a-a-a-a (magkakatugma lahat ng
linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao, mayaman o dukha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
2 Uri ng Tugma
• Tugma sa patinig (Ganap)
Halimbawa:
Sa loob at labas ng bayan kong sawì,
Kaliluha’y siyang nangyayaring harì,
Kagalinga’t bait ay nilulugamî,
Ininis sa hukay ng dusa’t pighatî.
(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)
• Tugma sa katinig (Di-ganap)
Sa karaniwang tugmang katinig, inuri ni Jose Rizal noong 1887
sa dalawang pangkat ng mga tunog ang mga katinig: malakas at
mahina.
•Malakas ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa b, k,
d, g, p, s, t.
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubád,
Sa bait sa muni’t sa hatol ay salát
Masaklap na bunga ng maling paglingáp,
Habag ng magulang sa irog na anák.
(Francisco Balagtas, Florante at Laura, 1838)
•Mahina ang tunog kung ang salita ay nagtatapos sa
katinig na l, m, n, ng, r, w, y.
Ang wikang Tagalog tulad din sa Látin,
Sa Ingles, Kastila, at salitang ánghel,
Sapagkat ang Poong maalam tumíngin
Ang siyang nagbigay, naggawad sa átin.

(Jose Rizal, "Sa Aking Mga Kabata," 1869)


c. Tono o Indayog – Ipinababatid nito ang paraan ng
pagbigkas ng bawat taludtod ng tula. Ito ay
karaniwang pataas o pababa.
4. Wika – Tumutukoy ito sa paggamit ng salita –
maaaring lantad o di-lantad ang mga salita.
5. Kaisipan o Bagong Pagtingin sa/ng Tula –
tumutukoy ito sa kung paano nagkaroon ng
bagong pagtingin sa isang bagay na palasak.
a. Talinghaga – tumutukoy ito sa matayog na diwang
ipinahihiwatig ng makata. Dito kinakailangang
gumamit ng tayutay at matatalinghagang mga
pahayag o salita upang pukawin ang damdamin
ng mga mambabasa.
Halimbawa:
Nahuli sa pain, umiyak
Ako’y hawak ng iyong pag-ibig
Hindi ako makaalpas
b. Kariktan – Tumutukoy ito sa malinaw
at di-malilimutang impresyong
nakikintal sa isipan ng mambabasa.
Ito ang pagtataglay ng mga salitang
umaakit o pumupukaw sa damdamin
ng mga bumabasa.
Mga ginagamit sa Kariktan
liban sa tayutay
A. simbolismo
B. matatalinghagang pananalita
A. simbolismo ay ordinaryong bagay, pangyayari,
tao, o hayop na may nakakabit na natatanging
kahulugan.
Halimbawa:
1. silid-aklatan- karunungan o kaalaman
2. gabi- kawalan ng pag-asa
3. pusang-itim-malas
4. tanikalang-bakal-kawalan ng kalayaan
5. bulaklak- pag-ibig
Palay siyang matino,
Nang humangi’y yumuko,
Nguni’y muling tumayo:
Nagkabunga ng ginto!
(Palay, Tanaga ni Ildefonso Santos)
B. matatalinghagang pahayag ay may malalim
o hindi lantad na kahulugan.
Halimbawa:
1. butas ang bulsa - walang pera
2. ilaw ng tahanan - ina
3. kalog na ang baba - gutom
4. alimuom - tsismis
5. bahag ang buntot - duwag
Bakit kaya rito sa mundong ibabaw
Marami sa tao’y sa salapi silaw?
Kaya kung isa kang kapus-kapalaran
Wala kang pag-asang umakyat sa
lipunan.
(Panambitan ni Myrna Prado salin ni Ma.
Lilia Realubit)
Jack H. Driberg (1888-1946)
- British social anthropologist na naging
parte ng Uganda Protectorate noong 1912
at nagsilbi sa Anglo-Egyptian Sudan.
- Isinulat niya ang The Lango: A Nilotic
Tribe of Uganda noong 1923 na tungkol sa
Etnograpiya ng mga Langi kagaya ng mga
diksyonaro, pabula at iba pa.
Layunin ng may-akda
-makita ng mundo ang tradisyon o kultura
sa isang bansa. Ang akda ay nagpapakita
ng pagpapahalaga ng isang ina sa
kanyang anak at ang wagas na
pagmamahal at kahalagahan ng buhay ng
isang tao mga ekspektasyon at
hinahangad ng kani- kanilang magulang.
“Hele ng Ina sa Kaniyang Panganay”
(A Song of a Mother to Her First born)
salin sa Ingles ni Jack H. Driberg
-isinalin sa Filipino ni Mary Grace A.
Tabora
Mangusap ka, aking sanggol na
sinisinta.
Mangusap ka sa iyong namimilog
at nagniningning na mga mata,
Wangis ng mata ng bisirong-toro ni
Lupeyo
Mangusap ka, aking musmos na supling.
Ang iyong mga kamay na humahaplos sa akin.
Na puno ng tibay at tatag bagaman yari’y
munsik.
Magiging kamay ito ng mandirigma, aking anak.
Kamay na magpapasaya sa iyong ama.
Tingnan mo’t nananabik na ako’y sapulin:
Nagbabalak nang humawak ng panulag na matalim.
Aking giliw, ngalan ng mandirigma sa’yo ilalaan,
at mamumuno sa kalalakihan.
At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan,
Kahit pa malaon nang naparam sa sanlibutan.
Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa
akin,
Maging ang paghimlay mo sa aking dibdib,
At ang pagsulyap-sulyap sa akin.
Kapag ika’y itinanghal na gererong marangal,
Ako’y malulunod sa luha ng paggunita.
Munting mandirigma, paano ka namin
pangangalanan?
Masdan ang pagbubuskala sa pagkakakilanlan.
Hindi hamak na ngalan sa iyo’y ibibigay,
Hindi ka rin ipapangangalan sa iyong amang si
Nawal sapagkat ika’y panganay.
Higit kang pagpapalain ng poon at ang iyong
kawan.
Ikaw ba’y tatawaging “Hibang” o “Kapusugan?”
Ikaw ba’y tatawaging waring dumi ng baka na
“anak ng kamalasan?”
Ang poo’y di marapat na pagnakawan,
Sa iyo’y wala silang masamang pinapagimpan.
Ika’y kanilang pinaliguan at dinamitan ng
kagandahan.
Ika’y biniyayaan ng mga matang
naglalagablab.
At ang pambihirang pangungunot ng
iyong kilay
Ay hindi ba palatandaan na ika’y
maingat nilang pinanday?
Yaman ni Zeus at Aphrodite sa iyo’y kanilang
inalay.
At ang katalinuhang nangungusap sa iyong
mga mata,
Maging sa iyong halakhak.
Paano ka pangangalanan, aking inakay?
Ikaw ba’y lahi na iyong lahi o naiibang nilalang?
Munting mandirigma, sinong anito sa iyo’y nananahan?
Kaninong mapagpalang kamay ang sa aking dibdib
dumadantay?
Sinong yumuyungyong sa iyo’t nagpapasigla ng buhay?
Ikaw ba’y kanlong ng kapayapaan?
Ngunit ika’y tila leopardong nasa palumpong at
tumatanaw.
Hayaan, sa araw na yao’y iyong ibubuyangyang.
Aking supling, ngayon ako’y nasa kaluwalhatian.
Ngayon, ako’y ganap na asawa.
Hindi na isang nobya, kundi isang ina.
Maging maringal, aking supling na ninanasa.
Maging mapagmalaki kaparis ng aking pagmamalaki.
Ika’y magbunyi kaparis ng aking pagbubunyi.
Ika’y irugin kaparis ng pagliyag na aking nadarama.
Anak, na ibinunga ng pag-ibig ng matipunong
kabiyak.
Sa wakas, ako’y kahati ng kaniyang puso,
ina ng kaniyang unang anak.
Ang kaniyang kaluluwa’y ligtas sa iyong
pag-iingat,
Aking supling, ako, ako na sadyang sa
iyo’y humulma.
Samakatuwid, ako’y minahal.
Samakatuwid, ako’y lumigaya.
Samakatuwid, ako’y kapilas ng buhay.
Samakatuwid, ako’y nagtamasa ng
dangal.
Iingatan mo ang kaniyang libingan kung siya’y
nahimlay.
Tuwinang gugunitain yaring kaniyang palayaw.
Aking supling, mananatili siya sa iyong
panambitan,
Walang wakas sa kaniya’y daratal mula sa
pagsibol ng ‘yong kabataan.
Ikaw ang kaniyang kalasag at sibat, pag-asa’t
kaligtasan sa hukay.
Sa iyo, siya’y muling mabubuhay tulad ng suwi sa
kalupaan.
At ako ang ina ng kaniyang panganay.
Ika’y mahimbing, supling ng leon, nyongeza’t nyumba.
Ika’y mahimbing,
Ako’y wala nang mahihiling.
Gawain 4: Hasain ang Isipan!
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong
1. Sa binasang tula, ano-anong simbolo ang ginamit
para sa sanggol? Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot at isulat sa sagutang papel.
2. Anong kaugalian at kultura ng mga taga-Uganda
ang lumutang sa tula? Gumuhit ng masayang mukha
sa bawat bilang kapag kaugalian at Kultura ng
Uganda at puso kapag hindi.
___1. Mapang-aruga sa asawa
___2. Mapagmahal na anak
___3. Masinop na mga Ina
___4. Mapangarapin na Ina
___5. Nagpapahalaga sa Pamilya
Gawain 5: Mapagpalang Ina!
Panuto: Sa pamamagitan ng Venn Diagram,
ihambing ang simbolismo ng Ina mula sa tula sa
inyong sariling Ina.
Modyular

You might also like