You are on page 1of 4

SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL

Camella Homes IV, Poblacion, Muntinlupa City

Ikalawang Markahan
Grade 8 – Filipino
SY 2023 – 2024

Aralin #1
Panitikan
Tula: Isang Punong kahoy

Talasalitaan: (Kasingkahulugan)
Orasyon – oras ng pananalangin
Malalabay – malalago
Lambong – takip
Tanod – bantay
Taghoy – daing

Karagdagang Kaalaman: Elemento ng Tula at Mga Uri ng Taludturan Nito


 Elemento ng Tula
1. Sukat – Isang mahalagang elemento ng tula ay ang sukat o bilang ng mga pantig sa bawat
taludtod ng saknong. Karaniwang gamitin ang labindalawa, labing-anim at labing walong
pantig.
2. Tugma – Isa sa pinakamahalagang elemento o sangkap ng tula ay ang pagkakaroon ng
pare-parehong tunog sa dulo ng mga panghuling salita ng taludtod. Ang panghuling pantig
sa dulo ng taludtod ay maaaring nagtatapos sa patinig o katinig at binibigkas nang mabilis,
malumay o may impit sa lalamunan. Ito ay may dalawang uri. Ito ang tugmang ganap at di-
ganap.
a. Ganap ang tugma kapag magkapareho ang tunog o titik ng huling salita sa bawat
taludtod.
Halimbawa:
Bakit? Alin ito na sakdal ng laki
nahinahandugan ng buong pagkasi
nasalalong mahal na nakapangyayari
at ginugugulan ng buhay na iwi?
b. Di-ganap ang tugma kapag magkapareho lamang ang tunog ang huling salita sa bawat
taludtod ngunit magkakaiba ang titik.
Halimbawa:
Walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong mahal sa bayang nagkupkop,
dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
3. Talighaga (Paggamit ng Tayutay) – Ito ay sadyang paglayo sa paggamit ng mga
pangkaraniwang salita upang maging kaakit-akit at mabisa ang pagpapahayag.
Halimbawa:
1. Ang Pilipinas ay perlas sa kagandahan.
2. Bumaha ng dugo nan gang bayan ay lumaya.
3. Ang baya’y umiiyak dahil ito’y may tanikala.

4. Larawang-diwa (Imagery) – Ito ay mga salitang binabanggit sa tulana nag-iiwan ng malinaw


at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa.
Halimbawa:
Kung ang bayang ito’y mapapasa-panganib
at siya ay dapat na ipagtangkilik,
ang anak, asawa, magulang, kapatid,
isang tawag niya’t tatalikdang pilit.
5. Simbolismo- (Symbolism)ito ang mga salita sa tulana may kahulugan sa mapanuring isipan ng
mambabasa.
Halimbawa:
puno – buhay tinik – pagsubok/hirap
ilaw – pag-asa Bathala - panginoon
tinik – pagsubok/hirap
6. Kariktan– May mga tulang walang sukat at tugmang sinusunod subalit matatawag pa ring tula
dahil sa piling-piling mga salita, parirala, kataga, imahe o larawang-diwa na siyang lalong
nagpapatingkad ng katangian nito bilang tula at pumupukaw sa mayamang imahinasyon ng
mga mambabasa.
 Mga Uri ng Taludturan
1. Kopla – Kung ang taludturan ay binubuo ng dalawang taludtod.
2. Triplet – Kung ang taludturan ay binubuo ng tatlong taludtod.
3. Quatrain – Ito ay taludturang may apat na taludtod.
4. Quintet – May mga taludturang binubuo ng limang taludtod gaya ng halimbawa sa ibaba;
Kung may isang ibong tuwing takip-silim
Nilalapatan ka at titingin-tingin
Kung sa iyong silid nasok na magiliw
At ika’y awitan sa gabing malalim;
Ako iyan, giliw!
5. Sextet – Ito ang tawag sa taludturang may anim na taludtod.
6. Soneto -- Ito naman ay tulang binubuo ng labing-apat na taludtod.

Ang tula naman batay sa kayarian ng taludturan ay maaaring uriin sa tatlo:


1. May sukat-may tugmang taludturan (meter-rhyme verse)
Kapag pinag-uusapan ang tugma, tandaan na ito ay ang magkakahawig na mga tunog ng
dulo ng mga taludtod sa panulaan. Ang tugmaan sa hulihan ng taludtod ay maaaring:
a-a-a-a – magkakatugma ang huling mga pantig sa apat na taludtod ng isang
saknong.
a-b-a-b -- magkakatugma ang una at ikatlong taludtod, at magkakatugma naman
ang ikalawa at ikaapat na taludtod
a-b-b-a – magkakatugma ang una at ikaapat na taludtod, at magkakatugma naman
ang ikalawa at ikatlong taludtod.
a-a-b-b – magkakatugma ang unang dalawang taludtod, magkakatulad naman ang
huling dalawang taludtod.

2. Malayang Taludturan (Free Verse) – Ito ang makabagong kayarian ng mga tulang walang
sukat at tugma. Ang ganitong uri ng tula ay karaniwang walang aliw-iw, walang tugma at
walang tiyak na sukat sa halip tuwiran ang pagsasatitik ng mga kaisipang malayang
dumadaloy sa diwa ng isang makata.

3. Di-tugmaang Taludturan (Blank Verse) – ayon kay Jose Villa Panganiban, ito ay naging
popular sa Ingles mula noong 1557. Bagama’t ito’y hindi gaanong kilala sa ating bansa ay
mahalagang isama at pag-aralan ito bilang isang uri. Ito ay tulang may sukat subalit walang
tugma.
(Para sa Karagdagang Kaalaman, Tunghayan sa pahina 157-159 Pluma 8)

Wika: Pagpili ng Angkop na Salita sa Pagbuo ng Tula


1. Kasingkahulugan o Kasalungat – Sa pamamagitan ng kasingkahulugan at kasalungat na salita ay
maipararating ang mensaheng nais sabihin sa tulang gagawin. Ang paggamit ng mga salitang
magkakasingkahulugan o pareho ang ibig sabihin ay makapagpapatibay sa mensahe ng tula.
Ang paggamit naman ng mga salitang magkakasalungat o hindi parehoang ibig sabihin ay
nakatutulong upang maipakita ang ugnayang nais ipahayag sa tula.

2. Idyoma – Sa pamamagitan ng idyoma ay nakikilala ang yaman ng isang wika. Narito ang
halimbawa ng mga idyoma at mga kahulugan nito.
Balat-sibuyas – maramdamin
Huling hantungan – libingan
Mahaba ang pisi – pasensyoso
Pabalat-bunga – pakitang tao
nagbibilang ng poste – walang trabaho o tambay

3. Konotasyon at Denotasyon – Ito ang dalawang dimension sa pagpapakahulugan ng mga salita.


Ang denotasyon ay karaniwang kahulugang dala ng diksyonaryo o salitang ginagamit sa
pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
Halimbawa:
Ang ganda ng bulaklak sa kanyang halamanan. (bahagi ng isang halaman na
karaniwang makulay)
Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling
kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.
Halimbawa:
Hinarana nila ang magagandang bulaklak sa nayon. (babae o dalaga)
4. Tindi ng Kahulugan o Clining – Ito ay ang pagsasaayos ng kahulugan ng salita ayon sa
intensidad o tindi ng kahulugang nais ipahiwatig.
Halimbawa:
Poot– matinding galit na halos gusto mo nang makapanakit
Suklam– matinding galit sa dibdib na matagal bago mawala
Galit – matagal na inis
Inis– tumatagal na tampo
Tampo – munting galit na madaling mawala
Pikon– damdamin ng pagkagalit bunga ng maliit na bagay lamang
SOUTHERNSIDE MONTESSORI SCHOOL
Camella Homes IV, Poblacion, Muntinlupa City

Ikalawang Markahan
Grade 8 – Filipino
SY 2023 – 2024

Isang Punong Kahoy


ni Jose Corazon de Jesus
I
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II
Organo sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan.
III
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit,
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal,
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
V
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging kurus ako ng pagsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.

VII
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa.

VIII
At iyong isipin nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago't malabay;
Ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
Dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

You might also like