You are on page 1of 3

Pamagat ng Kurso: Panunuring Pampanitikan (FIL.

303)
Paksa: Balangkas ng Tula
Tigapaglahad: Bb. Krizel Mae R. Pineda
Professor: Cecilia D. Del Rosario

Tula - Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang
paraan.

Paksa
- maraming maaaring maging paksa ang isang tula.

BALANGKAS NG PAGSUSURI NG TULA


I. Panimula – Talambuhay ng may akda , Pamagat ng tula
II. Kayarian – Sukat at ang Tugma
III. Anyo – matatalinhagang salita
- tayutay – sinadyang paglayo sa paggamit ng karaniwang salita para mas maging
kawili-wili ang isang pahayag.
IV. Paglalapat ng Teorya
V. Pagpapahalaga sa Pansariling Pang-unawa sa Tula

I. PANIMULA
Talambuhay ng May-akda
Si Jose Corazon De Jesus ay ipinanganak noong Nobyembre 22, 1894 sa Sta. Cruz Maynila. Siya
ay itinuturing na pinakangungunang makata sa panahon ng kolonyalismong Amerikano. Pinakapopular
niyang sagisag-panulat ang Huseng Batute at ginamit niya sa napakapopular na patulang kolum na may
titulong Buhay Maynila. Hinangaan si Huseng Batute bilang makisig at mahusay na mambibigkas. Siya
ay itinanghal na unang Hari ng Balagtasan. Lumikha rin si Huseng Batute ng mga titik para sa mga
kanta pinakapopular sa mga ito ang Bayan Ko na naging pangunahing kantang tigapagpahayag ng
pagmamahal sa bayan at sa kalayaan hanggang sa kasalukuyan.

Pamagat
“Isang Punong Kahoy”
Inihalintulad ni Jose Corazon de Jesus ang kanyang sarili sa isang punongkahoy na
malapit nang mawalan ng lakas o malapit nang mamatay. Ang tulang ito ay isinulat ni Jose Corazon de
Jesus sa kanyang huling araw, taglay ang pagsisisi at pagdurusa sa mga bagay na kanyang ginawa, mga
bagay na hindi niya nagawa at mga kasalanan na kanyang nagawa sa buhay. Ang tulang ito ay isang
“elehiya” o tulang tungkol sa kamatayan o pag-alala sa nalalapit na kamatayan.

I
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinagkan ang paa ng Diyos!
Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung tatanawin mo sa malayong
pook” . Ito ay nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang magmuni-muni. Sa kanyang
pagmumuni-muni ay inilarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa Panginoong Diyos.
II
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nanalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay
Magdamag na tanod sa aking libingan…

Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibleng mangyari kung nasa lamay na siya. Sa una
at pangalawang taludtod, ay nangangahulugan na naririnig sa kanyang lamayan ang mga musika na
tinutugtog din sa simbahan. Samantalang, sa pangatlo at pang-apat na taludtod ay naglalarawan sa
kanyang lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang sa kanyang lamay.

III
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na natutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.

Sa pangatlong saknong , ang salitang batis ay nangangahulugang luha.”Sa aking paanan ay may isang
batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan na nalulungkot sa kanyang
pagkamatay. Sa 3 at 4 na taludtod ay inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na inihalintulad
sa sanga. Sa kanyang kabaong ay may nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya na nagmamahal sa
kanya.

IV
Sa kinikislap-kislap ng batis na iyan,
Asa mo ri’y agos ng luhang nunukal;
At saka ang buwang tila nagdarasal’
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.

Sa pang-apat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga nagmamahal sa kanya ng totoo.


Nalaman niya na may tunay o totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya kaya nang nalaman
niya ito, ay naging masaya siya at tanggap na niya.

V
Ang mga kampana sa tuwing orasyon,
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy
Ibon sa sanga ko’y may tabing nang dahon,
Batis sa paa ko’y may luha ng daloy.

Sa panglimang saknong ay nangangahulugan na ang kampana ng simbahan ay tumunog bago ialis ang
kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na siyang ihatid sa kanyang huling hantungan at ang mga
taong nagmamahal sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang kabaong at may tao pa rin
na patuloy na umiiiyak at humahagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.

VI
Ngunit tingnan ninyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling sa,
Naging krus ako ng pagsuyong laing,
at bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
Sa pang-anim na saknong ay naihatid na siya sa kanyang huling hantungan at nang natabunan ng lupa
ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan at naramdaman ang kalungkutan habang nag-iisa sa dilim.

VII
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Sa panakip sa aking namumutlang mukha!
Kahoy na nabuwal sa pagkakahiga!
Ni ibon ni tao’y hindi na matuwa!

Sa pangpitong saknong ay tila naalimpungatan na siya sa kanyang pagmumuni-muni at napagtanto niya


na ang kanyang pagmumuni-muni ay hindi nakatutuwa.

VIII
Ang iyong isiping nang nagdaang araw,
Isang kahoy akong malago’t malabay,
Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay!

Sa pangwalong saknong ay muli siyang nagmuni-muni sa panahon ng kanyang kabataan at inaasahan


niya na ang kanyang mga gawa ay maging inspirasyon sa kapwa.

II. KAYARIAN
 Tugma – may angking kagalingan ang makata sa pagtugma-tugma ng mga salita.
b,k,d,g,p,t,s
l,m,n,ng,w,r,y
 Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawang pantig bawat taludtod at may
walong saknong.

III. ANYO
 SIMBOLO/IMAHE
• Batis – pagdanak ng luha mula sa mata ng mga nagmamahal
• Buwan – takipsilim / kamatayan
• Kampana – simula ng pagdrasal para sa mahal sa buhay
• Kandila – pag-asa / kalungkutan sa namatayan
• Sanga - katatagan
• Krus – pagiging maka-Diyos
• Punong kahoy – Kagaya ng tao na tumatanda rin na hindi mawaring kung hanggang kailan
tayo mabubuhay

IV. TEORYANG GINAMIT


 Teoryang Realismo – na naglalayong ilarawan ang doktrinang nakabatay sa makatotohanang
pangyayari sa totoong buhay at ipinapakita ang karanasan ng tao at lipunan sa makatotohanang
pamamaraan.

BUOD NG TULA
Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy na kung saan ang punong kahoy ay ang
mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang daloy ng buhay ng isang tao mula sa kanyang
pagkabata hanggang sa pagtanda bilang isang tao. Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating ang
unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa kanyang sanga, na ang tao sa kabila ng kanyang
katagumpayan sa buhay,nagiging malungkot ang pagtanda sapagkat umiikot ang mundo at nagbabago
ang kapaligiran, hanggang maramdaman ng tao ang kanyang pag-iisa lalo na sa dapithapon at
pagkawala ng liwanag sa kanyang buhay at sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kanyang buhay
sa kamay ng kanyang Manlilikha.

You might also like