You are on page 1of 2

ISANG PUNONGKAHOY

I.TALAMBUHAY
A.May-akda: Jose Corazon de Jesus

II.KAYARIAN
A.Uri: Tulang Padamdamin o Liriko
B.Estropa: Walong saknong
C.Ritmo/ Indayog:
1.Sukat:  Lalabindalawahin
2.Tugma: Tugmaan sa Katinig

III.ANYO
A.Tono: Kalungkutan at pag hihinagpis

B.Tayutay:

Pagtutulad o simile.
Kung tatanawin mo sa malayong pook,
Ako’y tilsa isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Dios.

Pagwawangis o metaphor.
Isang kahoy akong malago’t malabay;
Ngayon ang sanga ko’y krus sa libingan,
Dahon ko’y ginawang korona sa hukay

Pagsasatao o personification.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo’t magdamag na nagtutumangis;

C.TALASALITAAN
Kapighatian- kalungkutan
Tanod-bantay
Nagtutumangis- lumuluha
Nunukal- likas
Malamlam- kawalang buhay
Laing- lanta at tuyo
Orasyon-dasal tuwing alas sais
Kamapana-batingaw
Taghoy- hiyaw
Malabay- marami, mayabong
Daloy-agos
Panakip-pantabing
IV.PAGSUSURI
A.Paksa
Kamatayan at kahalagahan ng buhay
B. Diwa
[Ang buhay ng tao]
[Ang buhay ay hindi lamang naglalarawan sa kung ano ang nararating o sino ang nakasalamuha]
[ Sa gitna ng paghihintay ng sa sandal sa pagpanaw ay nag babalik ang alaala mula sa pagkabigo at
pagkamit ng tagumpay]
C. Simbolismo
Batis- luhang dumadaloy sa mga mata ng mga nagmamahal sa persona ng tula
Buwan- ang takip silim ng buhay ng persona na nakikita sa buwan
Kampana- sumisimbolo sa pagbatingaw ng paghahanda para sa pagsapit ng kamatayan
Kandila- ang liwanag mula sa kandila ay nagpaparamdam ng pag-asa
Kurus- naglalahad ng kahandaan para sa pagkikit ng persona at ng Diyos.
Punong Kahoy- sumisimbulo sa buhay ng tao
Sanga- sumisimbulo ng pagtulong sa iba
D. Himig
Paghihinagpis dahil may mga minamahal na iiyak sa pagkawala ng may akda at tatanod sa kaniyang
libingan dahil napahamal sa kanya at napamahal sa kanyang mga akda.

V.ISTILO
Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may akda sa
buhay. Ang tula ay gumamit ng mga matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang sining ng
pagbuo ng tula at ang kagandahan nito.

VI. BALARILA
Mapapansin na sa bawat taludtod at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtutugma at
pag uugnay. Mahusay siya sa pag iisip upang maiparating niya ang ang kanyang tula na magandang
tugma at maganda basahin.

VIl. IMPLIKASYON
A. Mensahe
Ang buhay ay parang isang puno, may simula at mayroon din namang kawakasan o katapusan.

You might also like