You are on page 1of 6

Pagsusuri sa tulang "Isang Punong Kahoy" Ni: Jose

Corazon de Jesus
Pagsusuri sa tulang Isang Punong Kahoy ni: Jose
Corazon de Jesus
March 26, 2017

Isang Punong Kahoy


Ni: Jose Corazon de Jesus
I.

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako'y tila isang nakadipang krus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos.
II.
Organong sa loob ng isang simbahan
Ay nananalangin sa kapighatian,
Habang ang kandila ng sariling buhay,
Magdamag na tanod sa aking libingan...
III.
Sa aking paanan ay may isang batis,
Maghapo't magdamag na nagtutumangis;
Sa mga sanga ko ay nangakasabit
Ang pugad ng mga ibon ng pag-ibig.
IV.
Sa kinislap-kislap ng batis na iyan,
asa mo ri'y agos ng luhang nunukal;
at tsaka buwang tila nagdarasal.
Ako’y binabati ng ngiting malamlam.
V.
Nagpapahiwatig sa akin ng taghoy;
Ibon sa sanga ko'y may tabing ng dahon,
Batis sa paa ko'y may luha nang daloy.
VI.
Ngunit tingnan niyo ang aking narating,
Natuyo, namatay sa sariling aliw;
Naging krus ako ng magsuyong laing
At bantay sa hukay sa gitna ng dilim.
VII.
Wala na, ang gabi ay lambong na luksa,
Panakip sa aking namumutlang mukha;
kahoy na nabuwal sa pagkakahiga,
Ni ibon ni tao'y hindi na matuwa!
VIII.
At iyong isipin nang nagdaang araw,
isang kahoy akong malago't malabay;
ngayon ang sanga ko'y krus sa libingan,
dahon ko'y ginawang korona sa hukay.

PAGSUSURI NG TULA

I. TALAMBUHAY NG AKDA

Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz , Manila noong Nobyembre 22, 1896 na anak
nina Vicente de Jesus, ang unang direktor ng kagawaran ng kalusugan ng pamahalaang
Amerikano sa Pilipinas, at Susana Cruz ng Pampanga. Bininyagan siyang Jose Cecilio de Jesus
ngunit pinalitan niya ang Cecilio ng Corazon (puso sa Español) dahil iyon daw ang tumutugma
sa kanyang katauhan.
Lumaki si De Jesus sa bayan ng kanyang ama, sa Santa Maria, Bulacan. Nag-aral siya sa
nasirang Liceo de Manila kung saan siya nagtapos noong 1915. Ang una niyang tula na
nailimbag ay ang Pangungulila na lumabas noong 1913 sa nasirang Ang Mithi noong siya ay 17
taong gulang.
Noong 1918, nakuha niya ang kanyang batsilyer ng batas mula sa nasirang Academia de Vera
ngunit hindi niya pinagpatuloy ang kanyang pagiging abogado dahil abala na siya sa pagsulat ng
isang kolum ng mga tula sa pahayagang Tagalog na Taliba. Ang kolum ay tinawag na Buhay
Cavite na isinulat niya sa pangalang-pluma na Huseng Batute. Sa pamamagitan ng kanyang
kolum, pinuna ni De Jesus ang lipunan sa ilalim ng mga mananakop na Amerikano at
pinalaganap niya ang mithiin ng kasarinlan ng Pilipinas na noo'y isang commonwealth sa ilalim
ng pamahalaang Estados Unidas.
May mga 4,000 tula siyang naisulat sa kanyang kolum na Buhay Cavite. Sumulat din siya ng
mga 800 kolum na pinamagatang Ang Lagot na Bagting. Paborito niyang pangalang-pluma ang
Huseng Batute ngunit sumulat din siya sa ilalim ng mga pangalang Pusong Hapis, Paruparu,
Pepito Matimtiman, Mahirap Dahong Kusa, Paruparong Alitaptap, Amado Viterbi, Elyas,
Anastacio Salagubang at Tubig Lily'

II. PAGPAPALIWANAG SA BAWAT SAKNONG

Ang tulang Isang Punongkahoy ni Jose Corazon de Jesus ay naghahalintulad sa kanya sa


isang punong kahoy. Ang unang saknong ay naglalarawan sa may akda na nag-iisip. “Kung
tatanawin mo sa malayong pook”. Ito’y nangangahulugang ang may akda ay nagsimulang
nagguni-guni. Sa kanyang guni-guni ay inilalarawan niya ang kanyang sarili na sumasamba sa
Panginoong Diyos.
Sa pangalawang saknong, inilalarawan niya ang posibling mangyayari kung nasa lamay
na siya. Sa una at ikalawang taludtud, ay nangangahulugan na naririnig sa kanyang lamayan ang
mga musikang tinutugtug din sa simbahan. Samantalang, sa ikatlo at ikaapat na taludtud ay
naglalarawan sa kanyang lamay na ang mga kandila ay inihalintulad sa mga tanod na nag-aabang
sa kanyang lamay.
Sa ikatlong saknong, ang salitang batis ay nangangahulugang luha. “Sa aking paanan ay
may isang batis”. Dito ipinapahiwatig na may umiiyak sa kanyang paanan, malamang
nalulungkot sa kanyang pagkamatay kaya doon ay may patuloy na umiiyak at umaagos ang luha,
at sabi pa na hanggang maghapon at magdamag na walang tigil sa pag-iyak, ang kahulugan. Sa
ikatlo at ikaapat na taludtud ay inilalarawan ng may akda ang kanyang kabaong na
inihahalintulad sa sanga. Sa kanyang kabaong ay may nakasabit na pangalan ng kanyang pamilya
na nagmamahal sa kanya.
Sa ikaapat na saknong ay nangangahulugan na ang pag-iyak ng mga nagmamahal sa
kanya ay totoo. Nalaman niya na may tunay o totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kanya.
Kaya nang nalaman niya ito, ay naging masaya siya at tanggap na niya.
Sa ikalimang saknong ay nangngahulugan na ang kampana ng simbaha ay tumunog bago
ialis ang kabaong. Ito’y nagpapatunay na malapit na syang ihatid sa kanyang huling hantungan.
At ang mga taong nagmamahal sa kanya ay isa-isang naghahagis ng bulaklak sa kanyang
kabaong. At may tao pa rin na patuloy na umiiyak at humagulgol sa paanan ng kanyang kabaong.

Ibig sabihin sa ikaanim na saknong yaong naihatid na siya sa kanyang huling hantungan
at nang matabunan ng lupa ay nawala lahat ang kanyang kaligayahan, nararamdaman ang
kalungkutan at nag-iisa sa dilim. Sa puntod na yaon ay wala nang nagbabantay sa kanya.
Sa ikapitong saknong, ay naalimpungatan na siya sa kanyang pagguni-guni nang
napagtanto niya na ang kanyang mga guni-guni ay hindi nakakatuwa.

Sa huling saknong naman, ay nagmuni-muni siya sa panahon ng kanyang kabataan,


inaasahan niya at kanyang inilaan na ang kanyang mga gawa ay maging inspirasyon sa kapwa.

III. TUNGKOL SA AKDA

Ang akda ay paglalarawan sa isang taong naghihinagpis para sa kaniyang


buhay at naisin, ito‟y paghahambing din sa isang Punong Kahoy at sa Buhay
ng Tao. Paglalarawan sa mga pasakit na may iiyak na minamahal dahil sa kaniyang pagkawala at
tatanod sa kaniyang libingan ay mga alaala na magbabalik at alalahanin ng mga tao napamahal at
napamahal din sa kaniyang mga nilikha. Ang buod ng tula ay tungkol sa isang punong kahoy, na
kung saan ang Punong-kahoy ay ang mismong persona sa tula. Nilalarawan ng persona ang
daloy ng buhay ng isang tao mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa matayog bilang isang tao.
Ngunit katulad ng punong kahoy dumarating ang unti-unting pagkalagas ng mga dahon sa
kaniyang sanga, na ang tao sa kabila ng kaniyang katagumpayan sa buhay, nagiging malungkot
ang pagtanda sapagkat umiinog ang mundo at nagbabago ang kapaligiran, hanggang
maramdaman ng tao ang kaniyang pag-iisa lalo sa pagdapit hapon at pagkawala ng liwanag sa
kaniyang buhay. At sa huli ng tula ay inihahabilin niya na ang kaniyang buhay sa kamay ng
kaniyang Manlilikha.

IV. ESTILO

Ang estilo ng pagkakasulat ng akda ay binase sa sitwasyon, pangyayari o karanasan ng may-akda


sa buhay, at kilala ang may-akda sa taguring “ Makata ng Pag-ibig kaya naman mababakas ang
kaniyang pagiging sentimental sa mga salitang kaniyang ginamit. Katulad ng batis ng luha na
ang damdaming umiyak dahil sa lungkot sa nakatakdang pagkawala ng persona sa tula. Ang
tulang ay gumamit ng mga matatalinhagang salita at tayutay upang maipakita ang sining ng
pagbuo ng tula at ang kagandahan nito sa kabila na itoy isang Elehiya at paghihinagpis. Ang
Tula ay nasusulat sa tradisyonal na labindalawang pantig ang sukat at nasa ganap na tugma

Maka-kalikasan

Ang tula ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao, inihahalintulad ang


buhay sa paglago ng kalikasan. Katulad ng pagyabong ay pagsikat o pagtatagumpay ng tao na
siyang dahilan upang maliliman at magbigyang buhay ang mga nakapaligid na tumitingala sa
kaniya. Ngunit proseso ng buhay ang pagkawala at pagkamatay na sa pagkawala ay sumisibol
naman ang mga panibagong punla na nagmula din ang pataba at pagdidilig sa taong pumanaw
dahil sa kaniyang mabuting paglaganap ng buhay.

V. TUGMA

Sa tula ng Isang Punong Kahoy, mapapansin nang mga mambabasa na sa bawat


taludtod, at saknong ay may angking kagalingan ang makata sa pagtugma – tugma
ng mga salita na napaka sining. Mahusay siya sa pag-iisip upang maiparating niya
ang kanyang tula na magandang tugma at maganda basahin sa mga mambabasa.

VI. SUKAT

Ang Isang Punong Kahoy ay may sukat na tig labing dalawahin ang bawat
taludtod at may walong saknong.

VII. IMAHEN

Maraming imaheng tinatago ang tulang ito. Katulad nalang nang mga
sumusunod:

Ako’y tila nakadipang kurus


Ang pugad ng mga ibon ng Pag-ibig

Ang mga salitang ito ay nagsisilbing orihinalidad na siya’y nagpapalawak s apag-


iisip ng mga mambabasa. Ang mga imahen na ginagamit niya sa pagpapayaman ng
kanyang tula upang mas makatutulong sa mga mambabasa na mabilis
mauunawaan at madama ang inilalarawan ng makata. Ayon sa pagdanas niya sa
kanyang mga pighati. Ang imahen ng kanyang mga tula ay kanyang ipinapakita na
hindi ito nakakalayo sa biograpikal na aspekto ng kanyng buhay. Kung saan ang
kanyang damdamin sa pagbuo nito ay ang kanyang karanasan na ginamit niya
bilang inspirasyon.

VIII. Uri ng Genre : Tulang Pandamdamin o Liriko

Ayon pa kay Rufino Alejandro, ang tula ay nangangahulugan ng “likha”


at ang makata ay tinatawag na manlilikha. Ito ay dahil sa ang tula ay isang pagbabagong hugis ng
buhay. Sa tulong ng guni-guni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng makata.

Nagpapahayag ang tulang ito ng damdaming pansarili ng kumatha o kaya ay ng ibang tao.
Maaari rin itong likha ng mapangarapin imahinasyon ng makata batay sa isang karanasan.
Karaniwan itong maikli at madaling maunawaan. Ang makata ay direktang sinasabi sa
mambabasa, ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at persepsyon. Kalikasan at buhay ang
pinaghanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng mga larawang diwa ay pinupukaw niya
ang ating damdamin. Ang tula ay isang Elehiya na tulang may kinalaman sa guniguni tungkol sa
kamatayan.

KAISIPANG PANGKASAYSAYAN:

Sa tulang ito’y ni Jose Corazon de Jesus sinasambit niya ang mga salita sa
taudtod na;
Kung tatanawin mo sa malayong pook
Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Ang dalawang taludtod sa itaas ay madalas na nauugnay sa mga pighati na
kanyang nadarama bilang isang tao. Ngunit kung ating susuriin, ang bawat salita
ay tila Malabo ang kahulugan nang unang taludtod kaysa pangalawa..
Nangangahulugan ng isang lugar kung saan siya naroroon. Samantala pagdurusa
naman ang mensahe ng kanyang ikalawang taludtod. Ginamit niya ang kanyang
mga karanasan at paniniwala na pinaniniwalaan na siyang nagbibigay lakas sa
kanyang pagiging makata. Hinahain niya ang mga kaisipan na mula sa kanyang
sarili na pinagyaman ng kanyang isipang namulaklak ng karunungan.

Comments

Powered by Blogger
Theme images by Veronica Olson

AUBREY
VISIT PROFILE

Archive
Report Abuse

You might also like