CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL
FILIPINO 9
UNANG MARKAHAN/IKALIMANG LINGGO
GAWAIN 1: PAGSUSURI SA TELESERYENG ASYANO
Panuto: Panoorin sa youtube ang teleseryeng “May Bukas Pa.” Para sa mga walang internet makabubuting
basahin ang buod nito. Pagkatapos, gamitin ang gabay sa ibaba para sa pagsusuri ukol sa pagkakabuo nito.
May Bukas Pa (Buod)
nina: Jerome Pobocan at Jojo Suguitan
Iniwan si Santino sa isang monasteryo at inalagaan ng mga pari roon sa pangunguna ni Father
Jose. Habang naglalakad si Santino sa isang sementeryo ay nakiita niya ang estatwa ni Hesus na nakabukas
ang mga kamay. Dinala niya ito sa monasteryo at tinawag na “Bro.” Nagkaroon ng eleksyon at nanalo ang
isang Mayor na masasabing sakim at ganid ito sa pera. Siya si Mayor Enrique Rodrigo, ang bagong mayor
ng Bagong Pag-asa. Nais niyang ipagiba ang monasteryo upang magpatayo ng isang casino roon na mariing
tinutulan ng mga pari. Dahil sa alam niyang sagabal sa kanyang mga plano si Santino ay ipinadala niya ito
sa isang bahay-ampunan at doon may kumuha sa kanyang mag-asawa ngunit tinakasan niya ito dahil
narinig niyang gagamitin siya upang kumita ng pera. Ngunit dahil sa pagnanais siyang ipapatay ng Mayor
nagkaroon ng trahedya na naging dahilan upang isugod siya sa isang ospital. Nang siya ay gumaling,
bumalik siyang muli sa monasteryo. Samatala si Malena Rodrigo, asawa ng Mayor ang naging dahilan
upang mamatay ang ina ni Santino, nagkatulakan sila at nahulog sa bangin ang ina ni Santino na naging
dahilan upang mamatay ito. Dahil walang kabatiran sa mga nangyari, tanging hinahangad ni Santino ay ang
mahanap ang kanyang ina. Sasabihin na sana ni Malena ang tunay na nangyari ngunit nagkaaway sila ni
Tilde, ang kabit ng mayor. Natulak ni Tilde si Malena gaya ng kung paano namatay ang tunay na ina ni
Santino. Naging mahirap para sa lahat ang nagyari ngunit higit na naging mahirap dahil sa huli namatay si
Santino dahil sa isang aksidente.
Pamagat ng Teleserye: May bukas pa
Tema/Paksa Layunin ng Mga Tauhan o Pagkakakilanlan o Tagpuan at
Teleserye Karakter sa Papel na Panahon
Teleserye Ginagampaan
Pananampalatay Maging mabuti Santino Siya ang bata na Sa bayan ng
a sa kapwa at inaalagaan ng mga Bagong Pag asa
magkaron ng pari siya rin ang at sa
takot sa diyos bata na may monesteryo
pananampalataya
sa diyos.
Father jose Siya ang pari na
nag alaga kay
Santino.
Mayor Enrique Siya ang mayor na
Rodrigo sakim at ganid sa
pera.
Malena Rodrigo Asawa ng Mayor
siya rin ang
dahilan kung bait
namatay ang ina ni
Santino.
Tilde Kabet ni Mayor at
siya rin ang
pumatay kay
Malena Rodrigo.
Mga Kaisipang Taglay/Aral na Ibinibigay ng Teleserye:
Maging mabait sa kapwa maniwala sa Diyos, magkaroon ng takot sa Diyos,Huwag maging
sakim at ganid sa pera at huwag magsinungaling kanino paman
GAWAIN 2: TUNGGALIAN (TAO LABAN SA SARILI)
Panuto: Gamit ang thought bubbles, sumulat ng mga kaisipan/ ideyang maaaring naglalaro sa isipan ng
mga tauhan batay sa mga sumusunod na sitwasyon. Isaalang-alang ang sumusunod na pamantayan sa
pagbuo nito.
Pamantayan:
Nagtataglay ng magkaiba o magkasalungat na ideya- 4 puntos
Malinaw at angkop ang gamit ng mga salita- 2 puntos
Nagpapahayag ang mga kaisipan ng tunggaliang panloob- 4 puntos
Sitwasyon A. Isang amang kailangang magpasya kung sino ang ililigtas; ang kanyang asawa o ang kanyang
sanggol dahil sa komplikadong pagbubuntis ng asawa.
SANGGOL-DAHIL ANG SANGGOL AY HINDI MABUBUHAY KUNG ALANG INA DAHIL KAILANGAN NITO NG
SAPAT NA GATAS AT KALINGA NG ISA INA.
ASAWA-DAHIL KUNG MAWAWALA MAN ANG SANGGOL MAAARI PARIN NAMAN NA MAGKASANGGOL
MAG AMPON NA LAMANG
Sitwaston B. Pinag-iisipan ng anak kung sasabihin o hindi sa kanyang ina ang pagtataksil ng kaniyang ama.
SASABIHIN-DAPAT ITONG SABIHIN UPANG MALAMAN NG IYONG INA ANG PANLOLOKO NG IYONG AMA AT
PARA MALAMAN ANG DAPAT GAWIN.
HINDI-DAHIL BAKA SILA AY MAGHIWALAY KAYA HINDI MO ITO SASABIHIN?
GAWAIN 3: PAGGAMIT NG MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY OPINYON
A. Panuto: Piliin sa loob ng panaklong ang mga pahayag na angkop gamitin sa pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang. Pagkatapos, gamitin sa sariling pangungusap na naglalahad ng opinyon ang mga napiling
kasagutan.
_sabi ni 1. (Akala ni, Sabi ni,) Pueyo hindi dapat masyadong matagal ang lockdown sa isang
bansa.
_mula sa 2. (Para sa, Mula sa) mga ulat sa midya, Pilipinas ang may pinakamahabang lockdown
sa panahon ng pandemyang Covid-19 sa buong mundo.
_ayon sa kanya 3. (Ayon sa kanya, Sa tingin niya) ang lockdown ay parang isang martilyo.
Para sa 4. Batay sa binasang komentaryo (akala ng, para sa) komentarista naging bigo ang
aksiyon na ginawa ng rehimeng Duterte sa panahon ng nakaraang lockdown sa
harap ng pandemyang Covid-19.
Kung ako ang tatanungin 5. (Kung ako ang tatanungin, Kung hindi ako nagkakamali,) hindi dapat umabot
sa 2
buwan ang lockdown sa Pilipinas.
B. Panuto: Maglahad ng sariling saloobin o pananaw batay sa mga sumusunod na sitwasyon gamit ang
mga pahayag sa pagbibigay ng opinyon (2 puntos bawat bilang)
1. Nagpamahagi ng tulong ang pamahalaan sa mga mamamayang nawalan ng hanapbuhay dahil sa
pandemya.
2. Sa kabila ng krisis na kinakaharap ng bansa, nagkakaroon pa rin ng pagkakaisa at pagtutulungan ang
mga sektor ng lipunan gaya ng pamahalaan, simbahan, paaralan at pamilya.
3. Hindi mapigilan ang paglabas sa tahanan ng ilang mamamayan kahit na nasa ilalim na Enhanced
Community Quarantine.
4. Naglabasan ang kabi-kabilang mga online selling/business nitong nakaraang lockdown.
5. Ang mga OFW ay sumailalim sa prolonged quarantine para sa resulta ng kanilang testing para sa
coronavirus kaya ang ilan sa kanila ay stranded sa Maynila at hindi makauwi sa kanilang mga probinsya.
Sagot.
1.Para saakin mabuti ang kanilang ginawa dahil hindi nila pinabayaan ang kanilang mamamayan.
2.Tama lamang ang kanilang ginawa dahil sa panahon ngayon dahil tayo ay may hinaharap na problema
dapat tayo ay magkaroon ng pagkakaisa upang muling malabamgon.
3.Para saakin dapat pag sabiuhan o sitahin ng maayos ang mga tao at ipaliwanag sakanila ang maaring
kahantungan ng kanilang kakulitan.
4.Ito ay isang tamang desisyon upang kumita dahil alam naman ng lahat ngayong may pandemic ay
maraming nawalan ng trabaho kaya dapat nilang magsikap at maging mautak upang kumita.
5.Ito ay tama dahil para malaman nila kung sila ba ay positibo o hindi bago sila umuwi at mapanatili nila ang
kaligtasan.