You are on page 1of 4

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
GENERAL MARIANO ALVAREZ TECHNICAL HIGH SCHOOL

DAYAGNOSTIK NA PAGSUSULIT
FILIPINO 9
Pangalan: _____________________________________________ Petsa: _____________________________
Baiting at Seksyon: ______________________________________Guro: _____________________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang mga katanungan. Piliin ang at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyan sa lipunang Asyano batay sa akda.
Panuto: Basahin at unawain ang akda at sagutin ang tanong na kasunod nito.

Ang paghihigpit na ito ay hindi na gaanong mahirap sa mamamayan sapagkat napagdaanan na ito sa nakalipas na apat
na buwan. Sanay na ang mga tao rito. Ang kailangan lamang ay ang pagsunod ng iba pa na nananatiling pasaway kahit
na mahigpit na ipinatutupad ang health protocol. Sana sa pagkakataong ito ay sumunod ang iba pa sa ipinag-uutos
para makamit na ang minimithing pagbaba ng COVID cases.
-PANIBAGONG PAGHIHIGPIT Editoryal ng Pilipino Star Ngayon)
1. Mula sa sipi ng akda, suriin ang pangyayari dito na may kaugnayan sa kasalukuyan.
A. Ang kailangan lamang ang pagsunod ng iba – Ang pagsuot lagi ng face shield at ng face mask sa tuwing
lalabas ng bahay.
B. Ang paghihigpit na ito ay hindi gaanong mahirap sa mamamayan – Ang pagpayag ng ilang magulang na
gumala ang anak.
C. Ang pananatiling pasaway kahit na mahigpit ang pinapatupad na protocol – Ang pakikisalamuha sa tao
kahit may sintomas na ng COVID.
D. Ang sumunod sa ipinag-uutos para makamit na ang minimithing pagbaba ng COVID cases – Ang
pananatili lamang sa loob ng bahay at palagiang paghuhugas ng kamay.
Naihahambing ang ilang piling pangyayari sa napanood na telenobela sa ilang piling kaganapan sa lipunang Asyano
sa kasalukuyan.
Panuto: Basahin at unawain ang sipi ng diyalogo mula sa isang telenobela / teleserye at sagutin ang mga tanong
pagkatapos nito.
Pirena: Makasarili ako, Amihan. Sa ganyang kaparaanan ako pinalaki.Mas uunahin ko ang sarili ko kaysa sa iba.Hindi
katulad ninyo ni Alena na may pusong bayani.
Amihan: Ang pagiging bayani ay sa pagpapasya lamang.Maaari sa ngayon ay pakiramdam mo’y makasarili ka ngunit
naniniwala ako na magagawa mo ring isakripisyo ang iyong sarili para sa mas nakakarami.
Encantadia 2016,https://www.youtube.com/watch?v=WD3OchPXHys

2. Mula sa telenobelang binasa, aling pangyayari ang maihahambing mo na maaaring maganap din sa lipunang
Asyano?
A. Ang pag-amin ng kamalian at ng mga pagkukulang.
B. Ang pagkakaroon ng isang pusong bayani sa isang tao.
C. Ang pagiging bayani ng isang tao ay dahil sa kaniyang pasya.
D. Ang pag-uusap ng magkapatid na may layong maipadama ang pagmamahal sa kapatid.
3. Sa telenobelang ito,klasipikahin kung aling pangyayari ang mas naihahalintulad sa kaganapan ng lipunang Asyano?
A. Ang madalas ng pagkukumpara ng sarili sa iba.
B. Ang pagpapalaki sa anak na maging makasarili.
C. Ang pagpapahalaga sa bawat miyembro ng pamilya.
D. Ang pagpapakita ng pagiging makasarili sa kasalukuyan
Nasusuri ang pinanood na teleseryeng Asyano batay sa itinakdang pamantayan
Marga: So ako pa talaga yung pinagmumukha mong masama
Cassie: Yun ang lumalabas dahil yun ang totoo, Marga!
Marga: (sasampalin si Cassie) How dare you!
Cassie: (Napigilan si Marga) Subukan mo Marga, dahil hindi kita aatrasan!
Halaw sa isang eksena ng “Kadenang Ginto”, ABS-CBN
4. Mula sa binasang diyalogo, ang mga komprontasyon ni Cassie at Marga sa teleseryeng Kadenang Ginto na maaaring
nagyayari rin sa tunay na buhay ay tinawatawag na_________.
A. Banghay B. Buod C. Tagpuan D. Tunggalian
Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda
1
Panuto: Basahin ang sipi ng akda sa ibaba, mula rito ay bigyang paghahatol o pagmamatuwid ang sitwasyong
nabanggit sa tanong kasunod nito.

Isang gabi umuwi ang ama dahil nasisante sa trabaho at walang ano-ano ay sinuntok ang anak na si Mui Mui dahil
sa ayaw tumigil sa pag-iyak. Makalipas ang dalawang araw ay pumanaw ang bata. Nag sisi ang ama sa kanyang
nagawa at nakapag-isip siya na dapat na siyang maging mabuting ama. Kahit huli na, bumili pa rin ang ama ng
pagkain para sa yumaong anak na si Mui Mui. -- Halaw sa “Ang Ama” salin sa Filipino ni Mauro R. Avena
5. Sang-ayon ka ba na magkaroon ng ikalawang pagkakataon ang ama?
A. Oo, dahil lahat ng tao ay nagkakamali
B. Hindi, dahil siya ay iresponsableng ama.
C. Hindi, dahil wala siyang karapatang manakit ng anak
D. Oo, dahil sa huli ay ipinakita nito ang pagsisisi sa nagawa sa anak at ang pagmamahal niya para rito
Nasusuri ang paraan ng pagpapahayag ng mga ideya at opinyon sa napanood na debate o kauri nito
Panuto: Basahin ang halimbawa ng debate sa ibaba at suriin ang paraan ng pagpapahayag ng ideya at opinyon
mula sa mga kalahok.

Debate tungkol sa Pagpapatupad ng Death Penalty


Juan: Lubos akong naninindigan na nararapat ipataw muli ang pinakamataas na parusa upang mag dalawang isip ang
nagtatangkang gumawa ng karahasan
Pedro: Hindi ako sang-ayon sa iyong sinasabi dahil para sa akin, malabo itong makabawas sa krimen dahil karamihan
ng gumagawa nito ay kapit sa patalim na kailangang iahon ang kanilang pamilya sa kahirapan
Juan: Kumbinsido akong hindi ito sapat na dahilan isa pa, baka makabawas din ang Death penalty sa nag-uumapaw
na inmate sa mga kulungan ng BJMP. Tandaan na ang kanilang pagkain at gastusin ay kinukuha sa ating
binabayad na buwis.
Pedro: Kung ako ang tatanungin, ang ilan-ilan na mapapatawan ng Death penalty ay di makababawas sa over-
population sa BJMP. Mabilis na desisyon sa korte at bagong pasilidad ng BJMP ang kailangan!
Juan: Sa aking pagsusuri, Tama lang na suklian ang pagkakamali ng mga kriminal ng kamatayan. isipin mo nalang ang
hinagpis ng mga kamag-anak at kaibigan ng biktima.
Pedro: Pakiramdam ko, Kapag kamatayan ang ipinataw , walang pagkakataon ng pagsisisi at reporma na tanging
layunin n gating penal system.
6. Batay sa nabasang debate, sa paanong paraan ipinahayag ang mga ideya at opinyon?
A. Si Juan at si Pedro ay may neutral na ideya at opinyon
B. Si Pedro ay may matatag na ideya at paninindigan
C. Si Juan ay may matatag na ideya at opinyon
D. Wala sa nabanggit
Nagagamit ang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay-opinyon.
Panuto: Suriin ang mga pahayag at piliin ang wastong salitang maaaring gamitin upang makapagbigay opinyon o
pananaw.
“ Kaya huwag nating hayaan makain tayo ng pagiging makasarili. Kailangan mahalin din natin ang iba at hindi lamang
ang ating sarili. – Chinkee Tan.
7.Punan ang patlang ng angkop na parirala na nagpapakita ng pagbibigay ng opinyon. Mula sa aking nabasang pahayag
______________ , ang mga taong makasarili ay hindi dapat tularan.
A. pakiramdam ko C. sa aking pagsusuri
B. sa aking palagay D. wala sa nabanggit
Nagagamit ang mga pang-ugnay sa pagpapahayag ng sariling pananaw.
8. Kumpletuhin ang pahayag na “Sa aking pananaw, huwag mong gawin ang mali ___________ walang maidudulot na
mabuti iyan sa’yo.”
A. dahil sa B. sapagkat C. tulad ng D. upang
Naisusulat ang +sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat taglayin ng isang kabataang Asyano.
9. Sumulat ng isa o dalawang pangungusap na naglalaman ng iyong sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat
taglayin ng isang kabataang Asyano. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
Nasusuri ang maikling kuwento batay sa: Paksa, Mga Tauhan, Pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, Estilo sa
pagsulat ng awtor, at iba pa.
10. Lahat ng nasa ibaba ay pinapaksa ng akdang “Ang Gilingang Bato” maliban sa isa, alin ito?
A. Pagsasamahan ng mga anak sa loob ng tahanan.
B. Mabagal ang pag-asenso ng mga mahihirap sa Pilipinas
C. Hindi masamang magkaroon ng mababang uri ng trabaho basta ito ay marangal.
D. Wala sa uri ng trabaho ng pag-asenso ng isang tao kundi kung paano niya ito pagyayamanin at gagawin.
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari

2
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba, pagsunod-sunurin ang mga ito ayon sa mga pangyayaring
naganap sa kwento.
11. Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula sa akdang “Ang Gilingang Bato” gamit ang
bilang 1 – 5. Piliin ang tamang sagot sa ibaba.
____ Naalala ni Ate ang bulaklaking bestido ni Ina, na regalo rin naman niya , ni Ate, sa aming ina noong
nagdaang Pasko. Iyon na lamang daw ang kukunin niya, sabi ni Ate.
____ Matrabaho ang pagkakakanin. Mula sa pangunguha ng mga dahon ng saging hanggang sa pagtitinda ng luto
nang kakanin ay samot-samot na paghahanda at gawain.
____ Walang nakakaalam kung gaano na katanda ang gilingang bato.Ito’y nagisnan na naming magkakapatid.
____ Sa lungsod ay walang katatagan ang pamumuhay. Maaaring may trabaho ka ngayon,maaaring bukas
naman ay wala.
____ Sa mga huling araw ni Ina, siya’y nagpaaninaw na at mahinang-mahina na upang makayanan pang
pumihit ng gilingang bato.
A. 3 2 1 5 4 B. 5 3 1 2 4 C. 5 2 1 3 4 D. 4 1 3 2 5

Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari gamit ang angkop na mga pang-ugnay.


12. Punan ang patlang ng wastong pang-ugnay upang mabuo ang talata. Piliin ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga
pang-ugnay na ginamit dito.
(_________), nagpapasalamat ako sa aking kabiyak sa kanyang pagiging maunawain. (_________) ang kanyang
pagiging butihing asawa at mabuting ina sa aming mga anak. (_________) hindi matatawaran ang kanyang matiyagang
pagtitiis sa akin na tanda ng kanyang labis na pagmamahal. (_________) ay higit na dakila ang pagmamahal niya kaysa
sa akin. (_________) ng aking sasabihin, nais kong malaman niya na labis- labis din ang aking pagmamahal sa kanya.
A. Karagdagan pa, kung iisipin, bilang pangwakas, una sa lahat, saka
B. Una sa lahat, saka, karagdagan pa, kung iisipin, bilang pangwakas
C. Kung iisipin, saka, karagdagan pa, bilang pangwakas, una sa lahat
D. Una sa lahat, karagdagan pa, saka, kung iisipin, bilang pangwakas

Nauuri ang mga tiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng pinakamataas na katotohanan, kabutihan at
kagandahan batay sa napakinggang bahagi ng nobela.
Panuto: Basahin ang sipi ng kwento sa ibaba at sagutin ang tanong matapos ito.
Sa huling bahagi ng kwento ng nobelang “Gapo” ay dinalaw ni Magda si Mike sa kulungan. Ipinagpaalam niya ang
pagpapangalan ng anak niya kay Mike. Ang bata ay magiging si Michael Taylor III. Naghawak ng mahigpit ang kanilang
mga kamay sa magkabilang panig ng rehas. Hango sa nobelang “GAPO ni Lualhati Bautista
15. Sa wakas ng istorya , Anong mahihinuha mong kaugaliang nagpapakita ng kagandahan,kabutihan at katotohanan.
A. Nagkaroon ng diwa ng pagdadamayan.
B. Nagpapakita ng pagmamakaawa
C. Labis na panghihinayang
D. Lahat ng nabanggit

Naisusulat ang isang pangyayari na nagpapakita ng tunggaliang tao laban sa sarili


16. Naranasan mo na bang makipagtunggali sa iyong saril? Isulat ang isang pagkakataon o pangyayari na nagpapakita ng
iyong pakikipagtunggali sa iyong sarili.
Nasusuri Dahil
ang tunggaliang tao laban sa ni
sa hirap na pinagdaanan sarili
Lilysa binasang
Cruz nobela.
o Ivy Aguas na siyang pangunahing tauhan sa teleseryeng “ WILD
FLOWER” nabuo sa kanyang isipan na maghiganti laban sa pamilyang ARDIENTE ngunit ng makita nya na mas
dumadami ang taong nagdurusa sa pamamahala ng mga Ardiente ay isang hamon sa kanya na mapanatili ng pag-
ibig sa kanyang puso at ang pagbibigay daan para sa kapatawaran at katarungan . Hango sa Telesryeng “WILD FLOWER”

17. Piliin sa ibaba ang tunggaliang ipinakita sa pahayag?


A. Tao sa Tao C. Tao sa Lipunan
B. Tao sa Sarili D. Tao sa Kapaligiran
Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag sa napakinggang tula
Panuto: Basahin ang sumusunod na saknong ng tula at sagutin ang tanong kasunod nito:
Namatay ka upang mabigyan ng laya
Ang sinilangan mo na lahi at lupa…
Sa tulog na isip ng liping mahina
Dugo mo ang siyang nagbigay ng diwa.
-Dugo at Laya Ni Nemesio E. Caravana

20. Mula sa saknong sa itaas, ano ang maaari mong maging damdamin para rito?
3
A. Kagalakan, dahil sa kabayanihan ng taong tinutukoy sa saknong
B. Kahihiyan, dahil sa kapabayaan ng mga Pilipino
C. Kalungkutan, dahil sa mahihina ang Pilipino
D. Pagkalito sa mga pahayag ng may-akda

Natutukoy at naipaliliwanag ang magkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturan


Panuto: Basahin ang sumusunod na saknong ng tula at sagutin ang tanong kasunod nito:
(13) Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha,
(14) sa turo mo’y naging mulat ang mulala,
(15) tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t
(16) ang kamatayan mo ay buhay ng madla.
-Kabayanihan ni Lope K. Santos
21. Mula sa saknong sa itaas, piliin ang mga taludtod na magkasingkahulugan.
A. 13 at 16, sapagkat tinutukoy nito ang panibagong pag-asa mula sa pagkaalipin
B. 13 at 15, sapagkat nakagagaan ng buhay ang pagiging matapang
C. 13 at 14, dahil turo at tulong na nagawa ng bayani
D. 15 at 16, dahil namamatay ang mga duwag

Naisusulat ang ilang taludtod tungkol sa pagpapahalaga sa pagiging mamamayan ng bansang Asya
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na taludtod ng tula sa ibaba, ayusin at pagsama-samahin ito upang makabuo ng
isang saknong na tula. Piliin ang letrang tumutugma sa iyong nabuong tula.
(1) Ako’y ipinanganak na may likas na talino
(2) Kulturang sariling akin, ipinagmamalaki ko
(3) Pilipinas ang bayang tiyak na ipagtatanggol ko
(4) Dugong bayani ang nananalaytay na dugo
A. 4,3,1,2 B. 3,4,1,2 C. 1, 4, 2,3 D. 1,2,4,3

Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita habang nagbabago ang estruktura nito.


23. _________ mo ang luha sa iyong mga mata.
A. Pahidan B. Pahidin C. Pahiran D. Pahirin

Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salitang ginamit sa akda batay sa denotatibo at konotatibong kahulugan.
24. Ang konotatibong pakahulugan ng pahayag na, “Di ko gusto ang batang matigas ang ulo!” ay...
“Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin
mo ang mga isda at sumunod ka agad sa akin.”
(halaw sa Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D. Bas sa “Panamilit sa Kabantanon ni Santiago Pepito”

A. matigas parang bato C. Hindi sumusunod


B. matigas parang bakal D. Matapang

25.Ang denotatibong kahulugan ng pahayag ay...

“Ngunit ang damdamin ko’y tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan.”


(halaw sa Paalam sa Pagkabata salin ni Nazareno D. Bas sa “Panamilit sa Kabantanon ni Santiago Pepito”

A. walang pakiramdam C. tuyot na tuyot


B. walang pakialam D. uhaw sa tubig

Congressional Road, Brgy. Poblacion I, General Mariano Alvarez, Cavite


(046) 443-9890, 487-3947, 487-1912
depedcavite.gmaths@gmail.com
“GMATHSIANS, LIFELONG CHAMPIONS”

GMATHS-PRI-:

You might also like