You are on page 1of 4

FISCAL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

___1. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol
kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang
upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
- Hango mula sa Akasya o Kalabasa
Kung ikaw si Mang Simon, alin sa sinabi ng punong-guro ang iyong susundin?
A. Makapagpatubo ng tulad sa kalabasa upang higit na mabilis matapos at anihin
at magamit ang panahon sa nais bagay.
B. Pag isipang mabuti ang kursong kukuhanin dapat isaalang alang magiging
pakinabang nito sa iyong buhay
C. Maghintay ng matagal na panahon para sa mas mayabong at malagong
kaalaman katulad ng akasya.
D. Humanap ng ibang paaralang makapagbibigay ng isang natatanging karunungan
lamang.

___2. Minsan, inimbitahan si Nasreddin na magbigay ng sermon.


Bago siya magsimula, kanyang itinanong, “Alam n’yo ba kung ano ang aking
sasabihin?”
“Hindi po,” sagot ng mga tao.
“Ay! Ayaw kong magsermon sa mga taong hindi alam kung ano ang aking
sasabihin.”
Nahiya ang mga tao sa kanilang kamangmangan, kaya’t muli nilang inimbita si
Nasreddin.
Tanong niya:
“Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Opo,” sagot ng mga tao.
“Ay! Kung alam n’yo na kung ano ang aking sasabihin, hindi ko na
aaksayahin pa ang inyong oras,” at umalis si Nasreddin.
Talagang sobra na ang pagkalito ng mga tao. Nagpasya silang anyayahan ng isa
pang beses si Nasreddin, at pinaghandaan nila ang kanilang isasagot.
“Alam n’yo ba kung ano ang aking sasabihin?”
“Opo,” ang sagot ng kalahati ng mga tao. “Hindi po,” ang sagot ng iba.
Kung kaya’t ang tugon naman ni Nasreddin, “Kayong may alam kung ano ang
aking sasabihin… pakisabi doon sa mga hindi nakaaalam.”
At umalis si Nasreddin.

Tungkol saan ang paksa ng anekdota ito ni Mullah Nassreddin?


A. pananampalataya C. kuwento ng lipunan
B. karanasan sa buhay D. paninindigan sa buhay

___3. Si Nyaminyami ay isang kilala at ginagalang na diyos ng mga tao sa tribo ng Tonga,
na pinaniniwalaang naging mabait sakanila noong mga panahon na sila’y naghihirap.
Siya ay naninirahan ng payapa kasama ang pinakamamahal niyang asawa. Ngunit ang
lahat ay nagbago nang magpasiyang magtayo ang pamahalaan ng isang dam sa Kariba.
Alin sa mga sumusunod ang naayon na paliwanag tungkol sa mitolohiya?

A. Pagpapaliwanag sa natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-


uugali ng tao, mga paniniwalang panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan at
mga aral sa buhay
B. Pagpapaliwanag sa natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-
uugali ng tao, mga paniniwalang panrelihiyon, at katangian at kahinaan ng tauhan
C. Pagpapaliwanag sa natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-
uugali ng tao at mga paniniwalang panrelihiyon
D. Kwento na hango sa banal na kasulatan at ang pagpapalaganap ng kabutihan ng
Diyos

___4. “At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan, kahit pa malaon nang naparam sa
sanlibutan. At ika’y hahalikan sa yapak ng mga kaapo-apohan, Kahit pa malaon nang naparam
sa sanlibutan. Ngunit lagi kong maaalala ang pagkapit mo sa akin, Maging ang paghimlay mo sa
aking dibdib, At ang pagsulyap-sulyap sa akin.” -Mula ang linyang ito sa Hele ng isang ina sa
kanyang panganay. Ano ang nais ipahayag ng taludtod na nabanggit?
A. Nais niyang magkaapo ng mandirigma.
B. Nais niyang mamuno ang apo niya sa kanilang tribo.
C. Nais niyang alalahanin ang kadakilaan ng kaniyang asawa.
D. Matatandaan ang kadakilaan ng tinutukoy hanggang sa kaniyang mga apo

___5. Basahasin ang tula at sagutin ang tanong sa ibaba.


Palay
(Tanaga ni Idelfonso Santos)
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko.
Nguni’y muling tumayo:
Namunga ng ginto.

Ano-ano ang ang mga katangian ng isang tula ay makikita sa iyong binasa?
A. Mayroon itong tugma, may sukat at gumamit ng mga simbolismo at talinhaga
B. Kinakitaan itong tugma, gumamit ng mga simbolismo at talinhaga
C. Walang tugma, magkakaiba ang bilang ng pantig at gumamit ng mga simbolismo
at talinhaga
D. Tugmang pantig ang ginamit, walang sukat at may literal ang pakahulugan sa
bawat taludtod.

___6. Nagsanay nang mabuti si Liongo sa paghawak ng busog at palaso at kinalaunan ay


nanalo siya sa paligsahan sa pagpana. Ito pala’y pakana ng hari upang siya ay
madakip at muli na naman siyang nakatakas. Ang mga pahayag na ito ay
nagpapatunay na si Liongo ay ____________.
A. Madaling magtiwala at malinlang ng kaniyang kapuwa
B. Malakas ang pakiramdam sa nangyayari sa paligid
C. Mahusay makipaglaban at magaling tumakas tuwing siya’y madarakip
D. Ang tao ay lubos ang paniniwala sa kanya kaya marami siyang kakampi

___7. Nang magutom ang bata ay nagsimula itong umiyak nang malakas. Hindi niya ito
mapatigil; ibinaba niya ito at hinayaang umiyak nang umiyak kahit ayaw niya itong
gawin dahil anak niya ang bata. - Maaring Lumipad ang Tao. Batay sa mga pahayag na
ito, si Sarah ay maaaring ilarawan bilang isang inang _________.
A. masipag B. matiisin C. maunawain D. pabaya sa anak

___8. Nang sumunod na mga araw ay may nakitang patay na nakahandusay sa


mainit na palayan, isang batang lalaking alipin. Nakita siya ng tagapagbantay at
nilatigo siya; hanggang bumagsak ang bata. - Maaring Lumipad ang Tao
Anong kalagayang panlipunan sa Africa ang masasalamin sa mga pahayag na ito?
FISCAL MUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
A. Malulupit ang tagapagbantay sa mga palayan.
B. Maraming mayamang may-ari ng lupa sa bansa.
C. Nagaganap sa lipunan ng Africa ang pang-aalipin.
D. Marahas silang magparusa sa mga may kasalanan.

___9. Dito sa pilipinas ang asawang babae ang siyang naghahawak ng susi. Ang lahat ng
kinikita ng asawa aybinibigay sakanyaupoang ingatan at gugulun sa wasto paraan.
Siya ang katuwang ng mga lalaki sa pamamalakad kanilang tahanan.
Alin sa sumusunod ang katangian ng sanaysay sa iyong nabasa?
A. nakabatay ito sa reyalidad ng buhay
B. pawang mga guniguni ito ng may-akda
C. may istruktura at gumagamit ito ng balangkas
D. nagpapakita ito ng matinding emosyon ng may akda

___10. Basahin ang sumusunod na ideya ukol sa pagsulat ng sanaysay sa ibaba.


I. Pumili ng paksa ayon sa interes
II. Huwag isaalang-alang ang kawilihan ng mambabasa
III. Bumuo ng gabay sa pagsulat
IV. Magsagawa ng paunang pananaliksik
V. Hindi komprehensibo ang pagtalakay sa paksa
Alin sa mga sumusunod ang isaalang-alang sa pagsulat?
A. II at V B. IV, V , I at II C. I, III, IV D. I, II, III at IV

___11. Ang sanaysay ay naglalayong magpahayag ng kaisipan, opinyon, o mga karanasan


sa isang organisadong paraan. Ito ay naiiba sa iba pang akdang pampanitikan dahil
A. maglahad ng mga saloobin at mag-aliw sa mambabasa.
B. nag-iiwan ito ng iisang kakintalan sa mambabasa
C. binubuo ito ng kaba-kabanata
D. nakabatay sa pagbibigay ng opinyon tungkol sa napapanahong isyu

___12. “Sa bawat oras, bawat isa sa atin ay dadamhin ang lupang ito, mararamdaman natin
ang pansariling pagbabago. Ang kalagayan ng bansa ay magbabago tulad ng panahon.”
-Salin mula sa talumpati ni Nelson Mandela. Ang kaisipang ipinahihiwatig sa bahagi ng
talumpating tinalakay ay____________.
A. suliranin ng bansa C. pagbabago ng panahon
B. pansariling pagbabago D. pagkakaisa sa pag-unlad

___13. “Intindihin ninyo ‘yan. Kaya huwag kayong mag gawa ng kalokohan at mag-riot-riot
diyan because I will order you detained at bibitawan ko kayo pagkatapos na wala na
itong COVID?” Anong uri ng pahayag ang sinabi ng Pangulong Duterte na ito?
A. tuwirang pahayag C. ‘di tuwirang pahayag
B. diskursong pahayag D. pasalaysay na paglalahad

___14. Anong damdamin ng Pangulo ang masasalamin nang sambitin niya ang pahayag
na, “In the meantime, habang naghihintay tayo, maraming problema na pumuputok
na. Hirap na nga tayo, wala ng trabaho, walang negosyo, and there are people trying
to mess up.”?
A. pananabik sa mga pangyayari
B. paglungkot sa mga kaganapan sa bansa
C. pagkabahala na matatapos din ang lahat ng suliranin ng bansa
D. pagkadismaya na sa kabila ng kinakaharap na suliranin ng bansa, may mga
nanggugulo pa rin
___15. Sinabi ng Pangulo na, “We are awaiting for God’s blessing na magkaroon tayo ng
vaccine either from China, Russia, America. I’m sure na kung meron na sila, they will
share it with the rest of the world?” Alin sa mga sumusunod ang paksa ng kanyang
talumpati?
A. napapanahong paksa o isyu
B. tumutugon sa layuning magturo
C. nakapagpapabatid ng impormasyon at kaalaman
D. nakapagsisiwalat ng hindi makatotohanang balita at impormasyon

___16. Sa pag aaral ng asignaturang filipino may nakapaloob na mga akdang nagmula sa
iba’t ibang panig ng daigdig na nakalathala sa kanilang mga lengwahe. Ang
pagsasaling wika ang nagbigay daan upang lubos na maunawaan ang likhang ito sa
pormat na nakalapat at naayon na salitang preperansya ng mambabasa. Alin sa
sumusunod ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin?
A. Masuhay sa lengwaheng Filipino at may kaalaman sa dalawang wikang kasangkot.
B. Sapat na kaalaman sa gramatika, panitikan at paksa ng dalawang wikang
kasangkot.
C. May kaalaman, gramatika, panitikan at damdamin ng dalawang wikang
kasangkot.
D. Isaisip na ang isasalin ay diwa ng isasalin at hindi salita

___17. Tuwang-tuwa si Kibuka. Ngayon lang siya nakakita ng napakaliit na biik. Sampung
minuto ang ginugol niya para tingnan ang kabuuan ng biik: ang mapupungay na
mata, mga kuko sa paa, at pagwagwag ng buntot. Ano ang ipinahihiwatig ng mga
pangungusap?
A. pag-ayaw B. pag-asam C. pagkagusto D. pagnanais

___18. Ang ama ni Okonkwo ay isang mahina at talunang nilalang. Siya rin ang dahilan
kaya ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang matakpan ang
kahihiyang dulot niya sa kanilang pamilya. Ang teoryang pampanitikang masasalamin
sa bahaging ito ng nobela ay _______.
A. eksistensyalismo B. historical C. humanismo D. marksismo

Para sa bilang 19-20


Basahing mabuti ang ilang bahagi ng iskrip mula sa pelikulang “Ang Munting Prinsesa” at sagutin ang mga
tanong.
MISS AMELIA: Nasaan ang konsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of Sarah’s presence.
Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying softly. Miss Amelia sees her.
MISS MINCHIN: Sarah...
Miss Minchin looks over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away,
clutching Emily close to her.

___19. Batay sa nabasang bahagi ng iskrip, anong damdamin ang ipinakikita ng tauhang si Miss Amelia?
A. pagkagalit B. pagkahabag C. pagkayamot D. pagka inis

___20. Ito ang pag-uugaling masasalamin kay Miss Minchin.


A. mabait B. mahinhin C. makasarili D. maaawain

Tandaan mo, lahat ng bagay ay may dahilan, lahat ng iyong ginagawa ay may kaakibat na kahihinatnan.
Kung gusto mo talagang mag tagumpay ay gawin mo ang matuwid para sa iyong buhay, 😄
Huwag kang susuko hanggang pangarap mo ay iyo nang matamo!
-Inihanda ni: Mam Leona Ganda, Fil 10

You might also like