You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
LCNHS-MCE
FILIPINO X

Pangalan:
Petsa:

1. “Mayroon po, ginang. Dalawang malinaw kaysa mata ninyo. Kaya lang ay nakatingin ako sa kulot
ng inyong buhok,” panangatwiran ng militari sabay layo. Anong damdamin ang ipinadama sa pahayag?
A. PaghangaB. Pangungutya C. Pagkaga D. Pagkainis
2. Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng El FIlibusterismo habang siya ay nag aaral sa Calamba noong:
A. Oktubre 1887 B. Oktubre 1897 C. Oktubre 1879 D. Disyembre 1897
3. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsulat ng nobela sa ___________ noong 1890.
A. London, England B. Paris C. Brussels, Belgium D. Ghent, Belgium
4. "Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay.
Kahit munting batang nag-aaral ay nakaaalam niyan!" Anong damdamin ang
ipinadama sa pahayag?
A. Galit B. Pangungutya C. Pang aalipusta D. Kayabangan
5. Sino ang kaibigan ni RIzal na nagpadala ng kinakailangang pera upang maipalimbag ang kanyang
nobela.
A. Valentin Ventura B. Jose Alejandrino
C. Jose Maria Basa D. Ferdinand Blumentrit
6. "...Iyan ang masamang epekto ng pagdadala sa Europa ng mga kabataang
Indio! Kailangan itong ipagbawal ng gobyerno!"
A. Pangangaral B. Pangungutya C. paninisi D. Katapatan
7. "Yamang iniuutos ninyo ay susunod ako," patapos na wika ni Padre Salvi na
umakmang uupo.
A. Pagmamalaki B. Pagdaramdam C. Pagkagalit D.Pagkayamot
8. “Naaring nalimot ako ng aking bayan ngunit lagi ko naman siyang naaalala.”
A. Pagmamahal B. Pagdaramdam C. Pag aalala D. Pagkaawa
9. Natagpuan ni Rizal ng pinakamurang palimbagan na pumayag sa paunti-unti pagbabayad. Ano ang
pangalan ng palimbagang ito?
A. JF. Freyer-Lee Press B. Van Lee Press C. Press D. F. Meyer-Van Loo Press
10. Ilang taon na ang nakalipas mula sa huling pangyayari ng Noli Me Tangere hanggang sa simula ng El
Filibusterismo.
A. Labing-isa B. Labing-tatlo C. Labing-dalawa D. Sampu
11. “Hindi ang ibig kong karunungan ang taglayin noong dapat magtaglay, noong makapag-iingat sa kanya”
ang sagot ni Padre Florentino kay isagani, “Kapag nagpakita ang mga mag-aaral ng katibayan ng pag-
ibig sa kanya, kapag nagkaroon nang mga binatang may pananalig, mga binatang magtatanggol sa
kanilang karangalan at igalang ito, ay magkakaroon ng karunungan ng mga gurong may paglingap.”Sa
pahayag ni Padre Florentino anong kaisipan ang mabubuo rito?
A. Ang karunungan ay para lamang sa taong maghahangad at buo ang
determinasyon.
B. Ang karunungan ay mailap sa mga taong umaasam lamang nito ngunit di buo ang loob.
C. Kailangang sumailalim sa pagsubok ang sinumang nais makapag-aral.
12. “Biktima ng isang pamahalaang masama, naglagalag ako.” Ang turan ni Simon. Batay sa pahayag ang
pamahalaan ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop sa ating bansa ay_____
A. magulo B. masalimuot C. lubhang mapaniil
D. katamtamang mahigpit
13. “Ang Kastila kailanman ay hindi magiging wikang panlahat sa kapuluan hindi gagamitin ng bayan
sapagkat ang layunin ng kanyang isip at tibukin ng kanyang puso ay walang katugon sa wikang iyan,
bawat bayan ay may sariling wika, kaugalian at damdamin.” Ano ang ipinahahayag ng bahaging ito?
A. Wika ang nagbibigay daan sa pagkakaisa ng mga Pilipino noon
B. Mahalaga ang sariling wika sa kasarinlan ng bansa.
C. Ang wikang Kastila ang siyang opisyal na wika noong panahon ng pananakop sa Pilipinas.
D. Maraming Pilipino ang bihasa sa wikang Kastila dahil dala ito ng katanyagan.

14. “Ano ang sasapitin mo?”, ang wika ng ina ni Placido, tatawagin kang pilibustero at marahil ay
ipabitay ka pa. Magtiis at magpakumbaba ka. Dapat tayong magtiis, huwag umimik at sumagot ka ng
oo sa lahat. Ang mga prayle ay mayroon lahat ng bagay. Ano ang ipinakakahulugan ng bahaging ito?
A. Sobrang naging matiisin ang mga Pilipino sa panahon ng pananakop ng Espanyol.
B. Walang tama sa panahon ng pananakop ng espanyol.
C. May pagsikil sa ating karapatang makapagtamo ng mataas na karunungan.
D. Ang mga prayle lamang ang nakakaalam ng mabuti para sa mga Pilipino.
15. “ Kung ako po ang magkakaroon ng uban na katulad niyan”, ang sagot ni Isagani malungkot din
“at kapag nalingon ko ang aking paningin sa nakaraan at nakita kong wala akong nagawa kundi ang
para sa sarili lamang at hindi para sa bayang nagkaloob sakin ng lahat ng bagay, ginoo ang bawat uban
ko ay magiging isang tinik at hindi ko sila ipagkakapuri kundi bagkus ay ikahihiya…”. Sa tinuran ni
Isagani, pinaninindigan nito na___________.
A. Ang uban sa buhok ay tanda ng mahabang karanasan sa buhay.
B. Kahibangan ang isulong ang kasrinlan ng bayan.
C. Ang taong tumanda at walang nagawa para sa bayan ay walang halaga.
D. Mahalagang tanawin ang nakaraan upang matanto ang kasalukuyan.
16. “Papano kaya tumutupad sa tungkulin ang may hawak ng pagtuturo sa mga bayan? Sa paghadlang
sa pagkatuto? Ang mga hawak ng pag-aaral sa mga bayang iyan, ang mga gustong humubog ng
kaisipan ng kabataan, ibukod ang iilan ay paano tumutupad sa kanilang mga tungkulin.” Mula sa
pahayag na ito ni Isagani, masasabing _____________.
A. Nakakahinayang na di matuto ang kabataan dahil sa pagpapabaya sa tungkulin ng pamahalaan sa
edukasyon.
B. Ipinapasaisip niya na ang mga Pilipinong mag-aaral ay dapat na ipaglaban.
C. Susuportahan niya ang mga adhikain ng kabataang mag-aaral
D. Ipatupad niya ang mga pangaral ng mga prayle sa kabataan.
17. “Ang mga pamahalaan ay itinatag sa ikagagaling ng mga bayan. Upang makatupad ng lubos sa
layunin ay kailangang umalinsunod ito sa kahilingan ng mga mamamayan na siyang lalong
makababatid ng kanilang mga kailangan. Ang mga kaisipang ito ay nangangahulugang_________.
A. Magpasaklaw ang mga mamamayan sa kanyang pamahalaan.
B. Isulong ng katatagan ng pamahalaan kaysa kapakanan.
C. Masusing ipatupad ang mga kautusan para sa kaayusan ng mamamayan.
D. unahin at bigyang pansin ng pamahalaan ang mga pangangailangan at hinaing ng mga mamamayan.
18. “Marangal na pagmamahal sa bayan ang mamatay dahil dito.” Ano ang inilalarawan ng pahayag?
A. Maringal na pagsasaayos para sa huling hantungan ng isang bayani.
B. Pagpapadama ng kabayanihan para sa ikauunlad ng bayan.
C. Kahandaan sa pagbubuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan.
D. Pagnanais na mamatay sa sariling bayan kaysa sa ibang lupain.
19. “Ang mga tapat ang loob at mga karapat dapat ay kailangang magtiis upang ang kanilang adhikain
ay makilala lumaganap at kailangang pingkiin ang bato upang magbigay ningas.” Ano ang
ipinakakahulugan ng pahayag?
A. Dapat panindigan ang mithiin at ituon ang pansin sa tagumpay nito.
B. Kahanga-hanga ang taong may paninindigan sa kanyang mga Gawain.
C. Ang taong may pangarap ay taong may prinsipyo.
D. Kailangang maghirap muna bago makamit ang nais.
20. “Ikaw at ako ay kapwa nauuhaw sa katarungan kaya’t sa halip na tayo’y magbangayan ay
kailangan tayong magtulungan. Ano ang pinaniniwalaang prinsipyo ng taong nagsabi nito?
A. Huwag tayong palupig sa mga taong kaaway natin bagkus makipagkaibigan
tayo sa kanila.
B. Makakamit natin an gating adhikain kung tayo ay magkakaisa.
C. Pahalagahan natin an gating kapwa sa gayon tayo ay magtulungan sa ating
mithiin.
D. gaano man kasama ang pag –uugali ng isang tao, ito ay maari pa ring magbago.
21. Kung susuriin ang pangunahing pagkakatulad sa pagitan nina Jose Rizal, Simoun, Padre Florentino at
Donya Geronima ay mangingibabaw ang pagkakaroon nila ng:
A. Pananalig sa rebolusyon B. Pag ibig na hindi nagtagumpay
C. Marubdob na pag-ibig sa bayan D. Kaapihan sa kamay ng mga prayle
22. “Ang bayang sinisisi ay nagtataglay ng balat-kayong ugali”. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag?
A. Nagiging mapagbalat-kayo ang bayan kung nakararanas ng katiwalian.
B. Di-nagiging totoo ang bayan kapag ito’y nakaranas ng mapaniil na pamahalaan.
C. Maging magandang halimbawa ang mga lider ng bayan upang ang mga tao’y magpakita ng katapatan.
D.Nagtatago ng galit ang mga mamamayan sa mapaniil na pamahalaan.
23. “Sa halip na maghangad na maging probinsya lamang, maghangad na maging isang bansang
malaya.”
A.Mangarap para sa bayan B.Mangarap para sa kagalingan ng bayan.
C.Kung magangarap para sa kabutihan ng sarili, pangarapin ang kapakanan ng sambayanan
D.Libre lang ang mangarap, kaya’t dapat na lakihan na ito.
24. “Dakila ang manggagamot na makapagbigay buhay sa ating naghihingalong bayan.” Ano ang ibig
sabihin nito?
A.Kailangan ng isang mahusay na lider para makabangon ang bayan.
B.Kahanga-hanga ang lider na makapagbabago ng bulok na sistema ng ating bayan.
C.Ang bayan ay nangangailangan ng isang mahusay na lider.
D.Malapit ng mamatay an gating bayan.
25. “Ang tao ay likas na masama kaya’t laging nagmamalabis kung hindi lalabanan.”
A.Likas sa tao ang maging mapang-abuso.
B.Sadyang ang tao ay mapanlamang sa mga taong di-lumalaban.
C.Huwag hayaang magmalabis ang sinuman.
D.Mata sa mata, ngipin sa ngipin, ito ang dapat natin maging panuntunan.
26. “Walang mang-aalipin, kung walang magpapaalipin.”
A. Huwag hayaang may mang-alipin. B.Labanan ang mapang-alipin.
C.Kung bakit may naaapi, may pumapayag na paapi.
D.Mahina lang ang mga taong inaalipin.
27. Tatlo ang pinatay ng gabing sinundan. Ang prayleng tagapangasiwa at ang bagong namumuwisan sa
lupa ni Kabesang Tales
A. Kalupitan sa kapwa B. kapangyarihan sa salapi C. kahirapan D. karuwagan
28. Kinamkam ang lupang pinaghirapan ni Kabesang Tales.
A.Pamamalakad ng pamahalaan B.Kalupitan sa kapwa
C.Paggamit ng kapangyarihan D.Paggamit ng Lakas
29. Kung ang hinihingi ng mga estudyante ay makatwiran, ibigay ang kanilang hinihingi.”
A.Pamamalakad ng pamahalaan B.Kabuluhan ng edukasyon
C.Pagmamahal sa bayan D.Pagpapakita ng kapangyarihan
30. Si Placido ay isang mag-aaral na mahinahon at matiisin. Ngunit ang araw na iyon, hindi na siya nakatiis
sa mga paghamak at pangungutya ni Padre Millon. Ibinalibag ni Placido ang kanyang mga aklat.
Ipinamukha niya sa mga guro na wala itong karapatang siya ay hamakin. Pagkatapos ay lumabas siya ng
silid ng walang paalam. Lahat ng kanyang kamag-aaral ay nabigla sa ginawa ni Placido. Anong kaisipan
ang maiuugnay sa edukasyon sa pagpapasiyang ginawa ni Placido.
A. Dapat maging mahinahon sa pagpapasiya sa gawain ng isang mag-aaral.
B. Ang bawat mag-aaral ay may karapatang ipagtanggol ang kanyang karangalan.
C. Ang guro ang nararapat tumayong pangalawang magulang ng mag-aara.
D. Di dapat manghamak at mangutya ng kanyang mag-aaral ang isang guro.
31. “Ang pamahalaan ay itinatag sa ikagagaling ng bayan. Upang makatupad ng lubos sa layunin ay
higit kailangang umalinsunod ito sa kahilingan ng mamayan na nakababatid ng kanilang mga
kailangan.”
A. nararapat magpasaklaw ang mamamayan sa kanilang pamahalaan.
B. dapat isulong ang katatagan ng pamahalaan kaysa kapakanan ng mamamayan.
C. masusing pagpapatupad ng mga kautusan ang kailangan para sa kaayusan ng mamamayan.
D. dapat unahin at bigyang pansin ng pamahalaan ang mga pangangailangan at mga hinaing ng
mamamayan.
32. Sa pahayag na, “Maaari ninyo akong markahan ng anumang marka, ngunit wala kayong karapatang
umaglahi sa akin”. Nangangahulugang ang nagsasalita ay ____________.
A. nagagalit B. nagpapaliwanag C. nangangatwiran D. naaasar
33. “ Walang galang, magbabayad ka rin sa akin.” Ito ang pahayag ni Padre Millon nang huling dumating
sa klase si Placido. Ang pahayag ng nagsasalita ay nangangahulugang siya ay ____________.
A. nagsisisi B. nagbabanta C. naniningil D. nanghihinayang
34. Iminungkahi ni _____________ na gawing paaralan ang sabungan.
A. Kapitan Heneral B. Padre Camorra C. Don Custodio D. Padre Irene
35. Si ___________ ang pumapasok araw-araw para itanong kung may klase.
A. Juanito Pelaez B. Makaraeg C. Placido Penitente D. Tadeo
36. Ikinagalit ni __________ ang muling pagpasok ni Placido nang huli sa klase.
A. Padre Valerio B. Padre Baltazar C. Padre Millon D. Padre Sibyla
37. Sa pahayag ni Simoun na “ang sama ay nasa mga tulisan sa loob ng bayan at sa mga
lunsod”, napatutunayang ___________.
A. nagagalit siya sa mga tulisan. B. nagkalat ang mga tulisan sa bayan.
C. tulisan ang turing niya sa mga prayle. D. ang mga nasa lunsod ay mga tulisan
38. Sa sinabi ni Placidong “Sa inyo na ang inyong klase” at ang estudtante ay umalis nang
walang paalam., pinatutunayang si Placido ay ___________.
A. mapagtimpi ngunit marunong ding magalit B. tahimik pero maaari ring sumigaw.
C. sadyang walang galang kapag nahuhuli sa klase. D.mapagpanggap na tahimik pero mapanganib.
39. Alin-alin ang ibinubunga ng pagiging matimpi?
A. bumubuti ang kalooban B. nababawasan ang sama ng loob
C. naiiwasan ang alitan D. hinahangaan ng kapwa
40. Nautusang mangilak ng ambag si Juanito Pelaez para sa bantayog ng isang paring
Dominiko. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang _______
A.manghingi B.maghanap C.mag-ipon D. mangalap
41.Nagtutungayaw ang intsik sa mga estudyanteng bumibili.Ang nagtutungayaw
ay ___________.
A. nagagalit B. sumisigaw C.nagmumura D. tumitili
42.Naghandog ng piging si Quiroga sapagkat nais niyang magkaroon ng konsulado
ng mga Intsik. Ang pahayag ay nangangahulugang _______ si Quiroga.
A. mapagbigay B. matulungin C. mapanuri D. mapanlangis
43. Si Imuthis ay napanganyaya dahil sa isang pandaraya. Ang salitang may salungguhit
ay nangangahulugang__________.
A. naloko B. nasukol C. napahamak D. nalito
44. Si Don Custodio ay kaagad nagbalik sa Pilipinas, sa mga Dumidiyos sa kanya.
Ang salitang Dumidiyos ay nangangahulugang_________.
A. karaniwang tao lamang B. walang nakakakilala C.hindi pinapansin D.walang ginagawa
45.Sa pahayag na “ang Pilipinas ay dapat bumuti lamang hanggang sa ikabubuti
ng mga Kastilang naninirahan dito,” nangangahulugang ________
A. higit ang pagmamalasakit niya sa mga Kastila
B. dapat talagang bumuti ang kalagayan ng mga Kastila
C. sa Pilipinas nakasalalay ang ikabubuti ng mga Kastila
D. maraming Kastila ang naninirahan sa Pilipinas.
46. Alin ang totoo ayon sa akda?
A. Magkatulad ng kapalaran sina Imuthis at Crisostomo.
B. May malasakit si Don Custodio sa mga Indiyo.
C. Sa Perya magaganap ang himagsikan.
D. Iginagalang si Don Custodio sa Espanya
47. Alin sa mga sumusunod ang tunay na sanhi ng paghihimagsik ni Simoun?
A. Mapaghiganti ang amang si Don Rafael Ibarra.
B. Mabago ang takbo ng pamumuhay sa Pilipinas
C. Mabawi si Maria Clara
D. Naaawa siya sa mga Pilipino .
48. Alin ang hindi tahasang binanggit sa akda?
A. Si Simoun ang may pakana ng pagtatanghal
B. Iginagalang ng mga Pilipino si Don Custodio
C. Marami ang nabibighani kay PAulita Gomez
D. Natakot ang mga nanonood kay Paulita Gomez
49. “Unahin muna ang mga paraang di mahalay. Ang may salungguhit ay
nangangahulugang ________.
A. masama B. matuwid C. masagwa D. maayos
50. Ang bukang-liwayway ay namamanaag na. Ang namamanaag ay
nangangahulugang ____________
A. nakikita B. natatanaw C. dumarating D. naaaninag

MALIGAYANG PAGTATAPOS! <3


-MA’AM MJ

You might also like