You are on page 1of 3

Zamboanga del Sur National High School

Ikaapat na Markahang Pasulit


Filipino 10

Pangalan:______________________________Seksyon:____________________Marka:_____
I.Pagkilala. Basahin ang mga pangungusap at kilalanin ang mga tauhang inilalarawan nito.
_________1. Isang tanyag na abogado at nagbigay ng pasya sa panukala na hinihingi ng mga mag-
aaral.
_________2. Dayuhang manunulat sa mga peryodiko.
_________3. Lider ng mga mag-aaral na ang hinaing ay magkaroon ng Akademiya ng Wikang Kastila.
_________4. Nagpanggap na mang-aalahas upang maisakatuparan ang paghihiganti.
_________5. Mag-aaral na may paninindigan sa kanilang mithiin at nagpapakita ng pagiging makabansa.
_________6. Naulila, inampon, nagsikap at naging manggagamot.
_________7. Opisyal ng pamahalaan na ang hinahangad ay kabutihan para sa mga Pilipino.
_________9. Kataas-taasang katungkulan ng pamahalaan at kumakampi sa mga prayle.
_________10. Ayaw na niyang pumasok sa klase dahil sa masamang trato ng kanyang guro sa kanya.
II.Tukuyin. Tukuyin ang kahulugan ng mga itilisadong salita sa loob ng pangungusap. Bilugan lamang
ang titik ng tamang sagot.
1.Kayganda ng mga nililok na kahoy na ginawa ng mga Pilipino.
a. istatwa b. rebulto c. inukit d. ginuhit
2. Naghanda sila ng engrandeng piging sa kasal nina Paulita Gomez at Juanito Pelaez.
a. dekorasyon b. handaan c. regalo d. kasiyahan
3. Nagpatong-patong na ang mga asunto na kinakaharap ni Kabesang Tales.
a. utang b. problema c. isyu d. kaso
4. Makulimlim ang gabi at hindi sapat ang liwanag ng buwan upang maaninag ang daraanan.
a. matanglaw b. mapansin c. mahanap d. Makita
5. Si Ibarra ay nagbabalat-kayo bilang mangangalahas na si Simoun.
a. nagpapanggap b. nagkukunwari c. nagpalit ng mukha d. iniba ang mukha
6. Naumid ang guro sa mga sinabi ni Placido at tiningnan lamang niya habang si Placido ay paalis na
sa kanilang silid.
a. hindi kumibo b. hindi kumilos c. napaisip d. napatahimik
7. Maraming kapanalig na mag-aaral si Makaraig ukol sa kanilang mithiin.
a. miyembro b. kaisa c. kaibigan d. kasama
8. Hindi masukat ang panibughong nadarama ni Isagani sa nakitang magkasama sina Paulita at
Juanito.
a. inis b. galit c. selos d. lungkot
9. Masayang kumakain ang mga mag-aaral dahil sa dami ng sahog ng kinaing pansit guisado.
a. sangkap b. pagkain c. halo-halo d. rekados
10. Iba’t ibang kuro-kuro ang naglabasan hinggil sa mga huling tagubilin ni Kapitan Tiyago.
a. sabi-sabi b. balita c. iniisip d. opinion
III.Unawain. Basahin at unawain ang mga sumusunod na panugngusap at tanong. Bilugan ang titik ng
napiling sagot.
1.”Isipin mo na lamang na ang halagang iyon ay naipatalo mo sa sugal o naihulog sa tubig na sinagpang
ng buwaya”. Ano ang nais ipinahiwatig ni Tandang Selo kay Tales?
a. tagublin b. paalaala c. payo d. gabay
2. “Tayong lahat ay mauuwi sa pagiging alabok at tayong lahat ay isinilang na walang anumang saplot
sa katawan”. Ang mensahe ng pahayag ni Tales ay.
a. Pantay-pantay ang mga tao sa mata ng Diyos. c. Buhay ng tao ay makulay.
b. Payak na pamumuhay ng tao. d. Nabuhay at namatay ng simple.
3. “Labintatlong taon na ang nakakaraan nang tulungan ninyo akong maglibing sa bangkay ng aking ina
at sunugin ang bangkay ng isang lalaki. Hayaan ninyong kayo naman ang aking tulungan ngayon.” Ang
pahayag ni Basilio ay nagpapakita na siya…
a. Nagkwento sa naging buhay niya. c. Nagbalik-tanaw sa nakaraan.
b. Nagpapakilala kay Simuon. d. Nagbibigay tulong kay Simoun.
4. “Sadayang likas sa tao ang matakot sa ginawa nilang multo.” Ipinahiwatig ng pahayag na…
a. Likas sa tao ang matakot sa multo. c. Ang takot ay gawa-gawa lang ng tao.
b. Takot ang tao sa kanilang pagkakamali. d. Ginawa ang multo upang panakot sa tao.
5. “Hindi masamang may mga tulisan sa bundok sapagkat ang tunay na mga tulisan ay nasa bayan at
siyudad”. Sino ang pinatatamaan ni Simoun sa kanyang pahayag?
a. magnanakaw c. gwardiya sibil
b. criminal d. prayle
6. “Ang mga Indiyo ay hindi dapat matuto ng wikang Kastila sapagkat oras na matuto ay makikipagtalo
sila sa mga kastila.” Ang pagtutol ni Padre Camorra ay nangangahulugang…
a. Nangangambang magiging superior ang mga Indiyo sa kanila.
b. Nagpapaalala sa magiging masamang dulot ng hinaing ng mga mag-aaral.
c. Natatakot na magiging suwail ang mga Pilipino.
d. Nagbabala sa puwdeng gawin ng mga kabataan.
7-8.
“ Tinganan nga natin kung kaya mong ipaliwanag ito, Juanito. Ang salamin na nasa ibabaw na ang
ibabaw habang pang-ibabaw o ang pinagkakapitan nito’y isang substansiya na walang pinagbago at di
esensiyal na ibabaw, dahil ang ibabaw ay isang insindente lamang ng substansyang katawan nito?”
7. Sa pagpapaliwang ni Padre Milon ayon sa itaas, anong uring pagtuturo ang kanyang ginawa?
a. Pagtatanong ukol sa paksa. c. Nakalilitong mga tanong.
b. Mainam na nagpapaliwanag. d. Nagpapakita ng kahusayan sa asignatura.
8. Sa kanyang diskusyon na nasa itaas, ano ang paksa ng kanilang asignatura?
a. substansiya b. esensiyal na bagay c. metal d. salamin
9. “May kasabihan ang mga Kastila, ang hindi umiyak ay walang gatas, ang hindi humingi ay hindi
mabibigyan”. Ang mensahe ng kasabihan ay
a. Matutong palaging humingi upang mabibigyan.
b. Kumilos ka upang mapansin ang iyong daing.
c. Ang paghingi ay hindi nakasasama.
d. Hintayin mong matutupad ang iyong mga daing.
10. “At kung aalalahanin ko ang aking buhay na walang ginawa kundi para lamang sa sarili, walang
ginawa alang-alang sa bayan… ang bawat uban sa ulo ko’y magiging tinik at hindi ko ipagmamalaki
bagkus ay aking ikahihiya nang labis.” Ang punto ni Isagani ay
a. Tatanda siyang walang alam sa wikang Kastila.
b. Tatanda siyang abogado tulad ni G. Pasta.
c. Tatanda siyang isang estudyante mapangarap sa buhay.
d. Tatanda siyang nahihiya dahil wala siyang ginawa para sa bayan.
11. “Sapagkat hawak nila ang karunungan at kapangyarihan ay inilugmok nila ang bayan sa
kamangmangan…” Ang pahayag ng espinghe ay naglalarawan sa
a. Naging buhay niya sa Ehipto.
b. Buhay ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila.
c. Karanasan niya noong siya’y buhay pa.
d. Nakikita niya sa paligid ng perya.
12. “Nabuhay ako upang ihayag ang iyong kalapastanganan sa Diyos at upang tawagin ka sa
kamatayan!” Ang damdamin na namamayani sa pahayag ng espinghe.
a. Nagbabala b. Nananakot c. Paghihiganti d. Nagpapaalala
13. “Hindi kami marunong maghiganti? Ah, magsidatingan sana ang mga lintik at nang makita ang
hinahanap nila!”. Namamayani sa isip ni Placido ay
a. Inis at galit b. galit at suklam c. suklam at inis d. higanti at galit
14. “Kung ako’y tumulad sa inyo ay patay na ako! Kaya tama na ang idealismo! Ang kailangan ay
kumilos! Gumawa ako ng masama upang mabigyang daan ang mabuti”. Nagpapahiwatig si Simoun na
a. Ang paggamit ng dahas ang siyang kasagutan sa mga suliranin ng bayan.
b. Walang magagawa ang idealohiya kung walang kumikilos.
c. Dapat may magsasakripisyo para sa ikauunlad ng bayan.
d. Ang kabutihan ay resulta ng kasamaan.
15. “Ipinapanganak ang iba upang mag-utos at ang iba’y para utusan.” Sa pahayag na ito nais iparating
ni Don Custodio na
a. May mga taong isinilang upang maging alipin.
b. Hindi patas ang kapalaran ng mga tao.
c. Masuwerte ang ipinanganak na mayaman.
d. Ang kapalaran ng tao ay mapagbiro.
16. Sa pahayag na nasa no. 15. Sinu-sino ang tinutukoy na ipinanganak na mag-utos at utusan?
a. amo at utusan b. Hermana Penchang at Juli c. Kastila at Pilipino d. amo at alipin
17. “”Kumalat na ang lason sa kanyang buon katawan.” sabi ni Basilio. “Katulad ng Pilipinas” sagot ni
Simoun. Nais ipahiwatig ni Simoun na
a. Ang bayan ay unti-unting nasisira dahil sa masamang gawi ng pamahalaan.
b. Katulad ni Kapitan Tiyago, may mga bagay pumapatay sa kalayaan ng bayan.
c. Nilalason ng pera ang bansang Pilipinas.
d. Ang gahaman sa kapangyarihan ang siyang sumisira sa atin.
18. “Magkaroon ka na sana ng ganap na katahimikan sa iyong libingan at hindi na makarinig ng anumang
daing sa karimlan.” Ang malungkot at maniyak-iyak na pahayag ni Basilio ay laan kay
a. Kapitan Tiyago b. Juli c. Maria Clara d. Kabesang Tales
19. “Isang pangarap sa akin na makita ang ganap na kalayaan at kaunlaran ng aking bayan.” Ayon sa
kanyang pahayag si Isagani ay
a. Kabataang mapangarapin c. Kabataang maganda ang kinabukasan.
b. Kabataang makabansa d. Kabataang malayo ang mararating
20. “Sasabihin mo sa buong daigdig habang itinuturo ang aking bangkay na namatay ang iyong
minamahal na ipinaglalaban ang karapatan ng Inang Bayan.” Ang damdamin ni Isagani mula sa kanyang
pahayag
a. malungkot b. pagmamalaki c. kagalakan d. kasiyahan
21. “Kung ganoon ay magmadali kang umuwi at sunugin ang anumang dokumentong mayroon ka na
magsasangkot sa iyo sa samahan.” Ang mensahe ng pahayag ng mag-aarak kay Basilio ay
a. nag-uutos b. nagmamakaawa c. nagbabala d. nakikiusap
22. “Huwag kang mag-alala, kaibigan.” tugon ni Makaraig kay Basilio. Nagpapaphayag si Makaraig ng
a. nahinahon b. panatag ng loob c. pagkawalang bahala d. masaya
23. “Sa baying ito, ang magsasalita at magpahayag ng sariling kaisipan at damdamin ay pinaparatangang
pilibustero.” sagot ni Isigani kay Padre Fernandez. Mailalarawan sa pahayag niya na
a. Kontrolado ng mga prayle ang mga Pilipino. c. Makapangyarihan ang mga prayle.
b. Walang kalayaan ang mga Pilipino. d. Nagmimistulang mga pipi ang mga Pilipino.
24. “Subalit kung pagkaing magpapalusog sa kaisipan ng kabataan ang usapin..ibibigay pa ang
kapangyarihan sa mga prayle na salat sa pagpapakain ng edukasyon at karunungan.” Mensahe ng
pahayag ni Isagani ay
a. Kulang sa kalidad na edukasyon. c. Hindi tama ang itinuturo ng mga prayle.
b. Hinahadlangan ang pagkatuto ng mag-aaral. d. Kabaliktaran ang tinuturo ng mga prayle.
25. “Papalubog na ang araw.” wika ni Ben Zayb sa sitwasyon ng Kapitan Heneral. Ang pahayag ay
patungkol sa
a. Malapit ng gumabi. c. Malapit na ang katapusan ni Kapitan Heneral.
b. Hapon na nang dumating siya. d. Bababa na siya sa kanyang pwesto.
26. “Gusto kong makita si Paulita sapagkat bukas ay iba na siya.” sambit ni Isagani na nagpapahiwatig
a. Mag-iibang anyo si Paulita bukas. c. May ibang mamahalin na si Paulita.
b. Ibang ugali ni Paulita ang makikita niya bukas. d. Magiging misis na siya ni Juanito.
27. “Sinasadya ko sulang pagmalupitan at saktan para galitin. Sa gayon ay magtangka silang tumakas
at ng…pung!” Ayon sa pahayag ano ang binabalak ni Mautang?
a. Palayain ang mga nadakip c. Paglalaruan ang mga nadakip.
b. Barilin sa kanilang kinatatayuan d. Patakasin at saka babarilin.
28. Nabaril ni Carolino ang matandang lalaki ngunit siya’s nasindak at namulta nang nilapitan niya. Ang
reaksyon ni Carolino ay nagpapahiwatig ng
a. Pagkagulat dahil napatay niya ang matanda. c. Pagkagulat dahil kapwa Pilipino ang nabaril.
b. Pagkagulat dahil asintado pa rin siya. d. Pagkagulat dahil kapamilya niya ang napatay.
29. “Kung ganoon ay bakit Niya ako pinabayaan?” naghihingalong tanong ni Simoun. “Sapagkat mali ang
naging pamamaraan ninyo.” sagot ni Padre Florentino na nangahuhulugang
a. Walang magandang bunga ang paghihiganti.
b. Hindi maitutuwid ng kasamaan ang isa pang kasamaan.
c. May balak ang Diyos sa lahat ng panahon.
d. Kung ano ang iyong itinanim, iyon din ang iyong aanihin.
30. “Kung dumating ang isang panahon na kakailanganin ka para sa isang dakilang mithiin, iluwa ka sa
na ng dagat sa pamamagitan ng utos ng Diyos.” sa huling pahayag ni Padre Florentino nais niyang
ipahiwatig na
a. Darating ang panahon na may kukuha sa kayamanan upang gamitin.
b. Sa utos ng Diyos lilitaw ang kayamanan upang magamit ng ninu man.
c. Sa tamang panahon magagamit din ang nakatagong kayamanan para sa mabuting hangarin.
d. Magbabalik ang kayamanan sa panahon ng matinding pangangailangan.

“Edukasyong ang tanging susi


Sa ating kaunlaran”

~Herdz

You might also like