You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IX, Tangway ng Zamboanga
Sangay ng Pagadian
Lungsod ng Pagadian

BANGHAY ARALIN NG PAGTUTURO SA FILIPINO 10

Pangalan ng guro: NEIL ROY A. MASANGCAY Petsa: March 1, 203


Oras: 10:45 ng umaga

Pamantayang Pangnilalaman:
Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
pampanitikan ng Africa at Persia

Pamantayang Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang bansa
batay sa binasang akdang pampanitikan

I. MGA LAYUNIN

Sa araling ito ay inaasahang matutunan ng mga mag-aaral ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan at pag-unawa.

a. Nasusuri ang mga kaisipang nakapaloob sa mito batay sa: suliranin ng akda, kilos
at gawi ng tauhan at desisyon ng tauhan
b. Nakapagbibigay saloobin o damdamin base sa kwentong binasa
c. Nakagagawa ng malikhaing presentasyon batay sa paksa

II. PAKSANG ARALIN


Dula Mula sa England: Si Nyaminyami: Ang Diyos ng Ilog Zambezi
Sanggunian: Grade 10 Quarter 3
Kagamitan: Pluma 10, Laptop, Projector, Mga Kagamitang Biswal
Estratehiya: 7 E’s

III. PAMAMARAAN

Elicit
A. Panimulang Gawain

‣ Pambungad na panalangin, pagbati, pagtatala ng lumiban at panuntunang


pangklasrum

Pahina 1 sa 5
B. Balik-Aral

‣ Bago pag-aralan ang aralin sa modyul na ito, balikan muna natin ang iyong
kakayahan sa pag-alala sa naunang paksa.

Engage

C. Pagganyak

‣ Magpapakita ang guro ng mga larawan ng mga Gods of Greek Mythology


 Zues
 Posaidon
 Hades
 Hera
 Athena
 At iba pa
Hayaang hulaan ng mga mag-aaral ang paksa tatalakayin.

Explore

D. Paglalahad

1. Paglalahad sa mga layunin


 Ipabasa ang mga layunin sa mga mag-aaral
 Pagbibigay kahulugan tungkol sa Mitolohiya
 Kaunting kasaysayan tungkol sa Africa
 Pagtukoy sa mga Tauhan sa kwentong babasahin.

2. Pagpapayaman/ pagpapaunlad ng talasalitaan


Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Hanapin sa ang mga salitang
kasalungat o kasingkahulugan ng nakasalungguhit na salita.

(kasingkahulugan) 1. Ang paniniwala ng Tribung Tonga ay isang dambuhalang


nilalang si Nyamminyami na may asawayng higante ring tulad
niya.
(kasalungat) 2. Alam nilang pinoprotektahan sila ng diyos ng ilog laban sa mga
nilalang na lagi silang pinagsasamantalahan.
(kasalungat) 3. Nanlumo ang mga tao nang magdesisyon ang pamahalaang
ituloy ang proyekto subalit natuwa na rin sila nang magkaroon sila
ng kuryente mula sa nasabing dam.
(kasalungat) 4. Ang bakang itim na inialay ng mga Tonga ay nakalutang sa
lawa subalit kinabukusa’y Nawala ang baka kaya inakalang ito’y
nakalubog na.
(kasingkahulugan) 5. Kinatatakutan ng mga tao ang paniniwalang magigiba ang dam
dahil mapababagsak daw ito ng ngitngit ng diyos ng ilog.
Basahin ang mga Gabay na Tanong:

Pahina 2 sa 5
1. Anong hiwaga ang itinatago ng napakagandang Ilog Zambezi?
2. Paano sila nakipamuhay sa diyos ng ilog na si Nyanminyami? Bakit sila
naniniwalang pinoprotektahan sila nito?
3. Bakit labis nilang ikinagulat at mariing tinutulan ang pagtatayo ng dam? Ano
ang naging epekto nito sa kanilang pamumuhay?
4. Ano ano ang mga sinasabing naging dahilan sa labis na pagkagalit ni
Nyaminyami sa mga taong nagpasimula sa paggawa ng dam? Makatwiran
bang makadama siya ng ganito para sa mga taong iyon?
5. Kung ikaw ang tatanungin, alin sa mga ginawa ng mga taong ito ang sa
tingin mo ay talagang nakagagalit? Bakit?

Basahin ang kwentong “Si Nyaminyami, Ang Diyos ng Ilog Zambezi”

Explain

E. Pagpapaliwanag
Pagkatapos mabasa ang kuwento hihimayin ang mga pangyayari sa
kwento at aalmin ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa pamamagitan ng
isang pagsasanay.
Unayang Tanong-sagot
Pagsagot sa mga gabay na tanong

Elaborate

A. Pagtatalakay

Pagsasanay
Panuto:
Gamit ang mga flaglets, itaas ang flaglet na may Plus sign kung positibo
ang katangiang ipinakita ng tauhan at Minus sign naman kung negatibo
base sa dayologo nito.
(magpapakita ang guro ng mga dayalogo ng mga piling tauhan sa dula)
B. Paglalahat

Pagsasanay 2 (Tell me a lie)


Panuto:
Tukuyin ang hindi totoo sa paghahambing ng kultura sa bansang
pinagmulan ng akda mula sa kulturang mayroon ang ating bansa?

Mahalagang Tanong:
 Paano nakatutulong ang dula sa paglalarawan ng tradisyon at kultura ng
isang bansa?

C. Pagpapahalaga
‣ Ipaliwanag ang kaugnayan ng pahayag sa akda

Pahina 3 sa 5
"O pag ibig pag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat, masunod ka
lamang

Gawain:
Panuto:
Mag-isip ng dalawang bagay na hindi pwedeng pag-isahin o pagsamahin na
mahahalintulad sa naging kinahihinatnan ng magkasintahang Romeo at Juliet.
Magbigay ng mga pangatwiran.

Mga Pamantayan:
Pamantayan Puntos Nakuhang Puntos

Nilalaman 10
Pagkamalikhain 15
Paliwanag 15
Kabuuan 40

Evaluate
IV- PAGTATAYA

Stratehiya: Paper-pencil test

Panuto: Isulat ang titik ng pinakaangkop na sagot sa bawat tanong sa patlang bago ang
bilang.

1. Siya ang sinasabing diyos ng ilog Zambezi


a. Nyaminyummy c. Ngayaminyani
b. Nyaminyami d. Nyamiyami
2. Ang ilog ng Zambezi ay pang ilan sa pinakamalaking ilog sa Africa?
a. Una c. ikawala
b. Ikatlo d. ikaapat
3. Anong Dam ang matatagpuan sa ilog ng Zambezi?
a. Nile river c. Kariba Dam
b. Magat Dam d. Karibo Dam
4. Kailan nabuo ang dam ng Kariba?
a. 1960 c. 1940
b. 1970 d. 1950
5. Anong tribo ang nakatira malapit sa ilog ng Zambezi?
a. Zambia at Zimbabwa c. Zimbabwe at Zumba
b. Zimba at Zumba d, Zambia at Zimbabwe

6. Dahil sa pagsasagawa ng dam sa ilog si Nyaminyami, diyos ng ilog Zambezi ay


a. Natuwa c. nalungkot
Pahina 4 sa 5
b. Nagalit d. nagulat
7. Ano ang ginawa ni Nyaminyami sa mga taong gumagawa ng dam?
a. Nilunod sa baha c. pinarusahan ang mga tao
b. Nagsagawa nang malakas na lindol d. nagsagawa ng malakas na ulan
8. Ano ang mga ritwal na ginawa ng mga Tonga upang lumutang ang bangkay ng
mga puti sa pagkalunod?
a. Sumayaw c. kumanta
b. Nag-alay ng iti,m na kabayo d. nag-alay ng itim nab aka
9. Anong tribu ang nakatira malapit sa ilog ng Zambezi?
a. To nga o Batonga c. Tonga o Batonga
b. Tonga o Ba Tonga d. Tonga o Bato

Extend

Takdang Aralin:

Magsaliksik tungkol sa mga Uri ng ng Debate


at isulat ito isang long bond paper.

Inihanda ni:

NEIL ROY A. MASANGCAY

Pahina 5 sa 5

You might also like