You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino 10

Pagkatutong Kooperativ

I. Mga Layunin

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nabibigyang-kahulugan ang pokus ng pandiwang tagaganap o aktor


B. Natutukoy ang pokus sa pandiwang tagaganap na ginamit sa pangungusap
C. Nakabubuo ng pangungusap na may pokus ng aktor bilang pokus ng pandiwa

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pokus ng Pandiwa, Tagaganap o Aktor


B. Sanggunian: Pinagyamang Pluma 10

III. Pamamaraan

A. Paghahanda
1. Panalangin
2. Pagpapalinis at pagpapaayos ng mga upuan
3. Pagwawasto ng liban ng klase
B. Pagganyak
1. Ano ang pinag-aralan natin kahapon?
2. Magbigay nga ng mga halimbawa ng pandiwa at isulat ito sa pisara.
3. Pumili ng pandiwang nakasulat sa pisara at sabay-sabay na gagawin o
gagayahin ito ng klase.
4. Magbibilang tayo ng isa hanggang apat at papangkatin natin ang klase. Manatili
sa inyong mga pangkat.
C. Pagtalakay ng Aralin
1. Aalamin natin ngayong araw kung ano nga ba ang pokus ng pandiwa at ano ng
pokus ng pandiwa sa aktor o tagaganap.
2. Ang pokus ay tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa
ng pangungusap. Nakikita ito sa mga panlapi ng pandiwa kaya’t nagkakaroon ng
iba’t ibang pokus ang pandiwa batay sa posisyon ng simuno o ng paksa sa
pangungusap.

Ngayon ay magbigay kayo ng pangungusap na gumagamit ng pandiwa at tutukuyin


ng inyong pangkat kung nasaan ang simuno o paksa. (Ang bawat pangkat ay
magkakaroon ng isang kasapi na magsusulat ng kanilang ginawang pangungusap sa
pisara at titiyakin ng buong klase kung tama ba ang natukoy nilang simuno o paksa.)

3. Ngayon naman ay ako ang magbibigay ng pangungusap sa inyo at tutukuyin ng


bawat pangkat ang paksa.

Pangungusap: Nagtungo ang mga mamamamayan sa harap ng kongreso.

Bibigyan ko kayo ng isang minuto upang pag-usapan kung ano ang katangian ng
paksa o simuno mayroong ang paksang ginamit ko sa pangungusap.

(Matapos ang isang minuto, ang bawat pangkat ay mglalahad ng kanilang mga
napansin sa paksa o simuno ng pangungusap.)

4. Ang paksa o simuno ng pangungusap ay ang mga mamamayan kung kaya’t


tama ang sagot ng bawat pangkat.

Dahil ang ang mga mamamayan ay ang simuno na gumagawa ng kilos o ng


pandiwang nagtungo, tinatawag natin itong pokus sa aktor o tagaganap.

5. Sa inyong pangkat, subukin ninyong bumuo ng mga pangungusap na may pokus


ng pandiwa sa aktor o tagaganap. Pagkatapos ay tukuyin ninyo ang mga panlapi
na maaaring gamitin kung ang paksa ng pangungusap ay ang aktor. (Ang bawat
pangkat ay maglalahad muli ng kanilang mga ginamit na panlapi sa pagbuo ng
pangungusap.)

6. Kung gayon, batay sa inyong pagsusuri, ang mga panlaping maaari nating
gamitin kapag ang pokus ng pandiwa ay tagaganap o aktor ay mag-, nag-, -um-.

D. Pagtataya
Ang bawat pangkat ay bubuo ng tigtatlong pangungusap gamit ang pokus ng
pandiwa sa tagaganap o aktor. Pagkatapos ay hahayaan ninyong salungguhitan
ng kabilang pangkat ang pokus sa aktor at bilugan naman ang panlaping ginamit.

E. Takdang Gawain
Sa isang kalahating papel, ikuwento ang nangyari sa araw mo ngayon nang
gumagamit ng pandiwang may pokus sa aktor o tagaganap.

Ipinasa ni Judisah Marie G. Cabios, Med 1 - Filipino

You might also like