You are on page 1of 5

LEARNING PLAN

I. Target sa Pagkatuto

- Matapos ang aralin ang mga mag-aaral ay;

1. Natutukoy ang pangunahing diwa ng tula na “ Ang Pamana” ;

2. Napapahalagahan ang damdaming ipinapahiwatig ng tula;


3. Nakabubuo ng sariling tula.

II. Paksang Aralin

Paksa: Tula: Ang Pamana ni Jose Corazon De Jesus

Sanggunian: Panitikang sa iba’t ibang Genre

Kagamitan: kartolina, Plastic tape at mga larawan

III. Pamamaraan

- Paghahanda

 Pagbati ng guro sa klase, pag-aayos ng mga hanay ng upuan at pagpapapulot ng mga basura sa
ilalim ng upuan.

a. Pagganyak

 Magsisimula ang guro sa pagtatanong at pagpapakita ng mga larawan sa pisara.

- Ano ang una niyong bibilhin kapag nagkaroon kayo ng maraming pera?
Bakit ?
- Ano ang inyong ideya tungkol sa aking larawang ipinaskil?
- Anong ugali ng iyong ina ang gustong gusto niyo?
- Gaano mo kamahal ang iyong ina?

- Lunsaran

- Batay sa mga naipapahayag ninyong sagot, Ito ay may malaking kaugnayan sa ating

paksang tatalakayin ngayong umaga.

b. Paglinang ng aralin
- Ang paksang tatalakayin ngayong umaga ay ang tulang “ Ang Pamana” ni Jose Corazon De
Jesus.

1. Paghahawan ng mga balakid.

1. Namamanglaw 1. Malungkot/nalulumbay
2. Masansala 2. Panghinaan ng loob
3. Magalak
4. Gunita 3. Matuwa
5. Winika 4. pag-alala
6. Bathala
7. Ginigiliw 5. sinabi o binigkas
8. Daigdigan 6. Diyos
9 .Pamana
7. Minamahal
8. Buong mundo

9. Habilin

“ Ang Pamana “
Ni: Jose Corazon De Jesus
Isang araw, ang ina ko’y nakita kong namamanglaw,
Nalilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan…
Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan
Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan;
Sa guhit ng kanyang pisnging lumalalim araw-araw,
Nakita kong ang ina ko’y tila baga nalulumbay,
At ang sabi” itong p’yano sa iyo ko ibibigay,
Ang kuryertos nating pilak ay kay itang maiiwan,
mga silya’t aparador ay kay ikong nababagay…
sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman.

Pinilit kong pasayahin aang lungkot ng aking mukha,


Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa
Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha
Hindi ko mapigilan masansala!
Naisip ko ang ina ko, ang ina kong kaawa-awa.
tila kami’y iiwan na’t may yari nang huling nasa
sa halip na magalak sa pamanang mapapala,
sa puso ko ay dumalaw ang malulungkot na gunita,
napaiyak akong tila isang kaawa- awing bata,
niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika:

“ Ang ibig ko sana, nanay, ikaw’y aking pasayahin


At huwag nang Makita pang ikaw’y nalulungkot mandin!
O! ina ko! Ano po ba at naisipang hatiin
Ang lahat ng munting yamang maiiwan mo sa amin?”
“wala naman !” yaong sagot “ baka ako ay tawagin
ni Bathala mabuti nang malaman mo ang habilin!
Iyan p’yano, ito’ng silya’t aparador ay tanging
Pamana ko na sa inyo, mga bunsong ginigiliw!..”

Nguni’t Inang.’ Ang sagot ko,


“ ang lahat ng kasangkapan,
Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan!
ang ibig ko’y ikaw, ina, ang ibig ko’y ikaw, Inang,
hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw
aanhin ko iyang p’yano kapag ikaw ay namatay,
ni hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay!
Ang ibig ko’y ikaw, ina, at mabuhay ka na lamang,
Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman,
Pagka’t di ka maaaring pantayan ng daigdigan,
Pagka’t ikaw, o! ina ko, ika’y wala pang kapantay!

2. Mga Gabay na tanong:

1. Sa palagay niyo, sino ang pangunahing tauhan sa tula?


2. Anong emosyon ang napapaloob sa tula ?
3. Bakit inihahabilin na ng ina ang lahat ng kanyang gamit sa kanyang mga anak?

3. Pagsusuri

a. Pangkalahatang gawain

Panuto: Pagpapangkatin ang klase sa apat grupo. Gamit ang multiple intelligences ang
bawat pangkat gagawa ng isang dula, slogan, awit at talento sa pagguhit. Lahat ng kanilang
gagawin ay may kinalaman sa tulang tinalakay.

Pangkat 1 – Pagsasadula

Pangkat 2 – slogan

Pangkat 3 – kanta o awit

Pangkat 4 – pagguhit o drawing

Pangwakas na gawain

b. Paghahalaw
Bumuo ng sariling paghihinuha sa mga naatasang Gawain at ipapaliwanag.

c. Pagpapahalaga

- ano ang pipiliin niyo, Pera, Bahay, Lupa O ang iyong ina ?

- paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa ‘yong ina ?


- Kung kayo ang anak nasa tula, ano ang mararamdaman mo sa sinasabi sa winiwika ng
iyong mahal na ina?

-Pamantayan sa Pagpupuntos

Nilalaman Kooperasyon Malikhain

20 puntos

10 puntos 5 puntos 5 puntos

IV. Pagtmataya

Panuto: kumuha ng isang buong papel at bumuo ng tula na may malayang taludtun na may
kinalaman sa pagmamahal niyo sa inyong ina.

Nilalaman Kalinisan Malikhain Kabuuan


10 puntos 5 puntos 5 puntos 20 puntos

V. Takdang Aralin

- Saliksikin ang sanaysay na pinamagatang Ang Dapat Mabatid ng mga Tagalog. ( Internet )

You might also like