You are on page 1of 2

Filipino 2

I.Layunin
1.
2.
3.
4.
5.

Natutukoy ang mga salitang nagsasaad ng kilos.


Nakikilala ang mga salitang pandiwa
Nakakapagbigay ng mga halimbawa ng salitang pandiwa.
Nakakagawa ng mga pangungusap na gamit ang pandiwa.
Nagagamit ng tama ang mga salitang pandiwa.

II. Paksang Aralin


Pamagat: Pandiwa: Mga salitang Nagsasaad ng kilos
Sanggunian: Sinag ng pag- unlad sa Wika at Pagbasa 2 pp. 332-336
Kagamitan: Aklat at mga larawan
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
Sabihin: Ang huli nating pinag-aralan ay tungkol sa pang-uri. Ang
pang-uri ay salitang naglalarawan ng
kulay,hugis,amoy,lasa,katangian o hitsura ng pang ngalan. Kung
ang huli nating pinag-aralan ay tungkol sa mga salitang
naglalarawan ng katangian ng pangalan. Ngayon naman ang pagaaralan natin ay tungkol sa mga salitang nagsasaad ng kilos. Pagaaralan natin ang pandiwa ito ay mga salitang nagsasaad ng kilos.
B. Paglalahad
Sabihin: Basahin ang pangungusap sa ilalim ng bawat larawan.
Tingnan ang salitang may salungguhit.

Sabihin: ano ang isinasaad ng mga salitang may salungguhit?


Ano ang napansin mo sa mga ito? Ang mga salitang nagaaral,nagtatrabaho,sumakay at
nagbabasaay mga salitang
nagsasaad ng kilos.
Ang mga salitang nagsasabi ng kilos o galaw ay tinatawag na
pandiwa. Kilala rin ito bilang mga salitang kilos. Sabihin: Maari ba
kayong magbigay ng iba pang halimbawa ng pandiwa?
Kumain,natulog,nagsasalita,naglilinis at iba pa.
C. Ginabayang Pagsasanay
Hahatiin sa dalawang grupo ang klase. Maglalaro sila ng hulaan.
Iaakto ang pandiwang nabunot sa harap ng kanilang kagrupo at
huhulaan naman ng kanyang kagrupo kung anong salitang kilos

ang inaakto o ginagawa ng kanilang kagrupo na nasa unahan.


May limang minuto ang bawat grupo upang hulaan lahat ng
kanilang nabubunot na salitang kilos at ang grupo na may
pinakamaraming nahulaan ay siyang tatanghaling panalo.

D. Malayang Pagsasanay
Markahan ng tsek (/) ang pandiwa sa bawat pangkat.
sumulat

lumakad

nagdarasal

elektrisyan

tubo

palasyo

humanap

kinausap

nakilala

Bulacan

maliwanag

Nagbenta

magaling

Mahirap

umalis

naglingkod

uunlad
pumunta

IV. Pagtataya
Magbigay ng salitang kilos batay sa mga nasa larawan
1. nanay

2. 2.

___________________

____________________

3.

4.

____________________

_____________________

5.
_________________
V. Takdang Aralin
Sumulat ng limang pangungusap na may salitang kilos at bilugan ang
mga pandiwang ginagamit.

You might also like