You are on page 1of 6

Masusing Banghay Aralin sa Filipino 10

I. Layunin: Pagkatapos ng isang oras na talakayan,ang mag-aaral ay ininaasahang:


a. Natutukoy ang mga kahalagahn at damdaming nakapaloob sa akda,
b. naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili,
panlipunan at pandaigdig (F10PS-IIId-e-81);
c. napahahalagahan ang mga hayop.

II. Paksang Aralin


Paksa: Ang Alaga ( Maikling Kuwento mula sa East Africa) ni Barbara Kimenye,
Isinalin sa Filipino ni Prof. Magdalena O. Jocson
Sanggunian: Modyul Para Sa Mag-Aaral
Kagawaran Ng Edukasyon
Republika Ng Pilipinas
Kagamitang Pampagtuturo: Tv, Laptop, Larawan, Box

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Ama naming maraming salamat
po sa mga biyayang ipinagkaloob
niyo sa amin sa araw-araw.
Amen. Amen.
2. Pagbati
Magandang umaga mga Ginoo at
Binibini. Magandang Umaga rin po Bb.Provida.

3. Pagtala ng lumiban sa klase


Sino ang mga lumiban sa klase? Wala po.

4. Pamantayan sa klase
Hinihiling ang lahat ng may tali
ang buhok na tumayo at
magbigay ng mga pamantayan
sa klase. Making ng mabuti.
Makilahok sa talakayan.
Huwag gumamit ng telepono.
Itaas ang kamay kung gustong magtanong o
sumagot.

Maaasahan ko ba ang katapatan


sa inyong mga binanggit? Opo Maam

5. Pampasigla
Bb.Rocel, pangunahan mo ang
ating pampamukaw sigla. (Pampamukaw sigla)

6. Pagpasa ng Takdang-aralin
Mayroon ba tayong takdang
aralin? Wala po Maam.

B. Balik aral
Ano ang tula?
Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
naglalayong maipahayag ang damdamin sa
malayang pagsusulat.
Paano naipapakita ang
kasiningan ng isang tula? Ito ay makikita sa paraan ng paggamit ng
mga salita ng may akda.
C. Pagganyak
Magkakaroon ng larong “sagot o
sayaw”
Pipili ang guro ng 3 mag-aaral na
pupunta sa harapan. Tatapatan ng mag-
aaral ang larawan na gusto niya. Kapag
lumabas sa tv ang larawan na tinapatan ng
mag-aaral ay sasagutin ang mag-aaral ang
katanungan hinggil dito. Kapag nasagot ng
tama ng mag-aaral ang tanong
mapapasakanya ang nasa loob ng kahon
pero kung hindi masagot ang katanungan ay
sasayaw ang mag-aaral.

Mga larawan:

Mga katanungan:
Baboy:

EDITORYAL - Mag-ingat sa ‘double dead’


na karneng baboy at manok

NGAYON ay lalong nalalagay sa peligro


ang buhay ng mamamayang Pinoy. Hindi pa
lumilipas ang isyu sa mga pagkaing may
formalin na galing China ay eto at mga
“double dead” na karneng baboy at manok
naman ang nagbibigay ng pangamba.

Tanong: Ano ang epekto ng pagkain ng


double dead na baboy o botcha sa kalusugan
ng mga mamamayan?
Aso:
Ang pagkain…..
Nilikha ang Republic Act of 8485 o Animal
Welfare Act of 1998 para maprotektahan ang
mga hayop. Sa ilalim ng batas, ang
pagmamalupit at pag-torture sa mga hayop
ay isang Criminal Act. Makukulong ng anim
na buwan at pagmumultahin ng P 1,000 ang
magmamalupit sa mga hayop

Tanong:

Batay sa binasang batas, sa inyong palagay


bakit kaya may nangyayaring pagkatay ng
aso?

Dahil sa….

Pusa:

Sino dito ang may mga hayop?

Ano ang inyong damdamin para sa mga


hayop?

D. Presentasyon ng layunin
Bago tayo dumako sa ating
talakayan, basahin niyo muna
ang ating mga layunin para sa
hapong ito.

Layunin: Pagkatapos ng isang oras na


talakayan,ang mag-aaral ay
ininaasahang:
a. Natutukoy ang mga kahalagahn at
damdaming nakapaloob sa akda,
b. naihahayag ang damdamin at
saloobin tungkol sa kahalagahan ng
E. Pag alis ng balakid akda sa sarili, panlipunan at
Ano ang maikling kuwento? pandaigdig (F10PS-IIId-e-81);
c. napahahalagahan ang mga hayop.

Ano ang mga uri ng maikling Nilikha ng masining upang mabisang


kuwento? maikintal sa isip at damdamin ng
mambabasa ang isang pangyayari tungkol
sa buhay ng tauhan o ng lugar na
(Manonood bidyo tungkol sa Ang pinangyarihan ng mahalagang pangyayari.
Alaga ni Barbara KImenye)
Kuwento ng tauhan, Kuwento ng
Katutubong Kulay, Kuwento ng Sikolohiko,
F. Pangkatang gawain Kuwento ng Katatakutan atbp.
Papangkatin ng guro ang mga
mag-aaral sa tatlo (3). Ang lder
ng pawat pangkat ang pipili ng
magiging gawain. Bibigyan ng 5
minutong paghahanda ang bawat
pangkat at 2-3 minuto para sa
presentasyon.

Mga gawain:

Bumuo ng isang
awiting
nagpapalutang ng
kahalagan ng akda sa
daigdig.

Gumawa ng isang
slogan na
nagpapakita ng
kahalagan ng akda sa
sarili.

Gawan ng isang dula-


dulaan ang bahaging
nagpapakita ng
kahalagahan ng akda
sa lipunan.

Pamantayan:

Kaangkupan-20%
Kahusayan -20%
Kooperasyon-10%
Kabuuan=50%

G. Pagsusuri

1. Bakit hindi masayang pangyayari para kay


Kibuka ang pagreretiro? Anong katangian
niya ang ipinahihiwatig dito?
2. Anong sorpresa ang nagpasaya kay
Kibuka? Kung ikaw ang nakaranas nito,
ganito rin ba ng iyong magiging
damdamin?
3. Paano ipinakita ni Kibuka ang
pagpapahalaga niya sa alagang baboy?
4. Paano hinarap ni Kibuka ang masaklap na
sinapit ng kanyang alaga?
5. Kung ikaw si Kibuka, gagawin mo rin ba
na ipamahagi ang karne ng iyong alaga?
Bakit?
6. Anong kaugalian ng mga taga-Africa ang
masasalamin sa akda na maiuugnay sa
kaugalian ng mga Pilipino?

H. Paglalagom
Ibigay ang kahalagahan ng akdang binasa sa
pansarili, panlipunan at pandaigdig, sa tulong
ng mga keyword. Gamitin ang mga salita sa
ibaba sa pagpapahayag ng iyong kaisipan.

-Paghahanap buhay kahit matanda na.


-Pakikipag kapwa-tao.
-Pag-aalaga ng mga hayop
-Responsibilidad
-Pangangalaga sa kapaligiran
-Kalusugan ng mamamayan

I. Paglalapat
Bilang isang mamayan, paano
mo maipapakita ang
pagpapahalaga at pagmamahal
sa mga hayop?
Sa isang kapat na papel,
Sumulat ng 2 hangang tatlong
pangungusap na nagpapahiwatig
ng iyong pagmamahal t
pagpapahalaga sa mga hayop.

IV. Pagtataya
Pahayag Damdamin/Saloobin Kahalagahan
Mula noon, hindi na nagbabahay-bahay si
Kibuka upang manguha ng matoke para sa
alaga niyang baboy sapagkat ang mga babae at
bata nanag-iigib ng tubig na malapit sa bahay
ni Kibuka ang nagdadala ng mga matoke.

Ngunit hindi kailanman sumagi sa isip ni


Kibuka na kainin ang kaniyang alaga, kung
kaya’t hinayaan niyang paghati-hatiin ito ng
kaniyang mga kapitbahay.

Isang mapagkakatiwalaang kawani si Kibuka


ng Ggombola Headquarters,
kahit siya ay matanda na, naniniwala
siya na hindi para sa kaniya ang
pagreretiro.

V. Takdang-aralin

Magmasid sa inyong kapaligiran, ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng mga


hayop na iyong makikita , ilagay ang iyong sagot sa isang kapat na papel.

Ipinasa ni: Ipinasa kay:

Bb. Jocyll Provida G. Ireneo C. Calamba Jr.


Guro School Head

You might also like