You are on page 1of 9

Republika ng Pilipinas

Departmento ng Edukasyon
Rehiyon I
Lungsod ng San Carlos
TURAC NATIONAL HIGH SCHOOL
San Carlos City, Pangasinan

Masusing Banghay-Aralin
Sa
Filipino 10
(EL FILIBUSTERISMO:
Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta)

Inihanda ni:

JAKE LEISTER S. URSUA


Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:

JENICA JOYCE M. BALLESTROS


Gurong Tagapagsanay

Binigyang pansin ni:

ELEANOR M. LAO
Ulong Guro III, Filipino

Sinang-ayunan ni:

JEFFREY O. MUÑOZ
Punong Guro II

Araw ng Pagtuturo:
May 8&9, 2023

10- ZOOM
10- GOOGLE MEET
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.

Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video documentary na
magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

I. Mga layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang matatamo ang mga
sumusunod na layunin:

1. Nabibigyang kahulugan ang matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata


ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa. (F10PT-lVb-c-83)
a. Nabibigyang kahulugan ang mga malalalim na salita.
b. Natutukoy ang mga tunay na kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit.
c. Nakasusulat ng mga bagong pangungusap gamit ang matalinghagang salita at
pagsasadula nito.

2. Naitatala ang mahahalagang impormasyon mula sa iba’t-ibang pinagkukunang


sanggunian.

3. Natutukoy ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:


(F10PT-lVa-b-82)
- Pagtunton sa mga pangyayari
- Pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- Pagtiyak sa tagpuan
- Pagtukoy sa wakas

II. Paksang-aralin
Paksa: El Filibusterismo
Kabanata 1: Sa Kubyerta
Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta
Mga Sanggunian:
Aklat: El Filibusterismo ni Jose P. Rizal na isinalin nina Teodorica Espinoza,
Januario De Guzman at Francisco Odulio, Pahina1-8
Internet:
o https://youtu.be/Oj-5IFlzTYQ
o https://youtu.be/gpmb6dgpnow
o https://pinoycollection.com/el-filibusterismo-buod/

Mga Kagamitan: Laptop, kartolina, marker, Telebisyon, mga ginupit na larawan,


lumang papel, Pisara at Chalk.
Pagpapahalaga: Maipapakita ang pagmamahal sa panitikang Pilipino.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Aking hinihingi ang inyong atensyon, upang tayo ay manalangin.
Maaari bang iyong pangunahan ang panalangin Maria? (Ang buong klase ay mananalangin
sa pangunguna ni Maria)
Pagbati
Magandang Hapon rin po sa inyo
Magandang Hapon Grade 10! Ginoong Ursua!
Pagtala ng lumiban sa klase
Bago natin umpisahan ang pagtatalakay, alamin muna natin kung
sino-sino ang mga lumiban sa klase. Wala pong lumiban sa klase sa araw
Sekretarya ng klase sinu-sino ang lumiban sa klase ngayong na ito.
araw?

Pagsasayos ng silid-aralan (Ang mga mag-aaral ay magpupulot


Bago tayo magsimula maari bang pakipulot ang inyong mga ng mga kalat at magsasaayos ng
nakikitang kalat sa inyong paligid at pakisaayos ang inyong upuan. kanilang upuan.)

B. Balik Aral
(May isang mag-aaral ng magtataas
Ngayon naman ay balikan natin kung ano ang napag-aralan
ng kamay)
kahapon.
Sir, dahil ito ay akdang pampanitikan
1. Bakit kaya mahalaga ang nobela sa ating lipunan?
natumatalakay sa nagdaang
kasaysayan patungkol sa pagkamit
ng Kalayaan at kamalayan nating
mga Pilipino.
Magaling! Bigyan natin siya ng Tatlong bagsak.
2. Ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng nobela sa Sir, ang maikling kwento ay
maikling kwento? maikling salaysay lamang ngunit ang
nobela ay isang mahabang panitikan
na naglalaman ng mga kabanata.
Magaling! Bigyan natin siya ng Tatlong bagsak.
3. Kung ikaw ay magsasagawa ng isang sariling likhang Sir, Pag-asa dahil bawat problemang
nobela, anong pamagat nito at ipaliwanag. dumaraan ay masosolusyunan at
kayang-kayang lampasan.

Mahusay! Tunay nga na kayo ay handa na sa ating susunod na


tatalakayin.
C. Pagganyak (FAMILY FEUD)
Ngayon ay atin munang balikan ang naunang nobelang
isinulat ni Rizal na Noli Me Tangere sa pamamagitan ng
pagbubuod ng mga kaganapan. Makinig ng mabuti dahil
pagkatapos nito ay magkakaroon tayo ng maikling gawain.

(Tatalakayin ang mga karakter ng nobela at buod ng naunang


Nobelang isinulat ni Rizal na Noli me Tangere gamit ang
powerpoint presentation, video na hinango sa youtube at aklat.)

Panuto: Mula sa buod ng Nobelang Noli me Tangere ay sagutin


ang mga katanungang inihanda sa telebisyon. Dalawang kalahok
ang kinakailangan upang mag-unahan sa pagsagot sa bawat
katanungan. Mayroon kayong limang Segundo upang sumagot
pagkatapos basahin ng guro ang katanungan.
Naiintindihan Sir.
Naiintindihan ba ang Gawain klas?
- Pitong Taon
1. Ilang taon namalagi si Crisostomo Ibarra sa Europa? - Padre Damaso
2. Sino ang tunay na Ama ni Maria Clara? - Kapitan Tiago
3. Kaninong Bahay ang pinagganapan ng handaan blang
pagsalubong sa pag-uwi ni Crisostomo? - Elias
4. Sino ang sumagip kay Crisostomo Ibarra at lumusong sa ilog. - Simoun
5. Ito ang Pangalawang katauhan ni Crisostomo Ibarra

D. Paghawan ng sagabal (i-CONNECT mo)


Kompetensi: Nabibigyang kahulugan ang
matatalinghagang pahayag na ginamit sa binasang kabanata
ng nobela sa pamamagitan ng pagbibigay halimbawa.
(F10PT-lVb-c-83)

Panuto: Hanapin ang kasingkahulugan ng mga matatalinghagang


salitang may salungguhit sa hanay A sa hanay B sa pahayag na
ginamit sa binasang kabanata ng nobela. Pagkatapos ay magbigay
ng halimbawa sa pangungusap.
1. C
HANAY A HANAY B 2. A
___1. hubog tabo a. panoorin 3. E
___2. tanawin sa pag-usad b. magbyahe 4. B
___3. malakas sumipol c. hugis 5. D
___4. maglayag sa dagat d. suhestiyon
___5. simpleng panukala e. pumito

Gamitin sa pangungusap ang bawat kasingkahulugan ng mga


salita.
1._________________________________________.
2._________________________________________.
3._________________________________________.
4._________________________________________.
5._________________________________________.

E. Paglalahad
Ang mga matatalinghagang salitang inyong nahulaan ay may
kinalaman sa ating tatalakaying paksa na pinamagatang
El Filibusterismo”. Pamilyar na sa atin ang nobelang El
Filibusterismo dahil sinasabing ito ay sequel o karugtong ng
nobelang Noli me Tangere. Ngayong atin na itong tatalakayin,
ating suriin kung tunay nga bang kasunod o karugtong ito ng
naunang nobela ni Dr. Jose P. Rizal.

F. Pagtatalakay
Kompetensi: Naitatala ang mahahalagang impormasyon
mula sa iba’t-ibang pinagkukunang sanggunian.

(Tatalakayin ng guro ang paksa gamit ang bidyong hinango sa


youtube at Powerpoint presentation)

Kabanata 1: Sa Ibabaw ng Kubyerta


Naglalayag sa ilog Pasig ang Bapor Tabo isang umaga ng
Disyembre. Patungo ito sa Laguna at lulan sa ibabaw ng kubyerta
sina Don Custodio, Ben Zayb, Donya Victorina, Kapitan Heneral,
Padre Irene, Padre Salvi, at Simoun. Mataas ang tingin ng mga tao
kay Simoun dahil na rin alam nila, lalo na ng mga tao sa Maynila,
na naiimpluwensiyahan nito ang Kapitan Heneral.
Dahil sa kabagalan ng bapor habang sila’y naglalakbay ay
napag-usapan sa ibabaw ng kubyerta ang pagpapalalim ng ilog
Pasig. Sa kanilang usapan ay iminungkahi ni Simoun na gumawa
ng tuwid na kanal na mag-uugnay sa lawa ng Laguna at sa look ng
Maynila. Nagkasagutan sila ni Don Custodio na isang opisyal na
konsehal at nagbigay ng solusyon na kumbinsihin na lang diumano
ang mga tao na mag-alaga ng itik.
Kinakain daw kasi ng mga itik ang mga suso sa ilog. Sa
ganitong paraan, huhukayin daw ng mga tao ang ilog upang may
makuhang suso na kanilang ipapakain sa mga alagang itik. Ngunit
hindi nagustuhan ni Donya Victorina ang naturang suhestyon dahil
nadidiri siya sa balot.

Kabanata 2: Sa Ilalim ng Kubyerta

Pumunta si Simoun sa ilalim ng kubyerta. Palibhasa’t lahat ng


gamit at mga kargamento ay doon din matatagpuan kaya naman masikip
sa lugar na iyon para sa mga pasahero. Naroon sa ilalim ng kubyerta ang
dalawang estudyate na sina Basilio na nag-aaral ng medisina at mahusay
nang manggamot, at si Isagani na isang makata at katatapos pa lamang sa
Ateneo. Kausap ng dalawa si Kapitan Basilio kung saan nadaanan ng
kanilang pag-uusap si Kapitan Tiyago. Pinauwi raw siya, ani Padre Irene
na naging tagapayo ng kapitan nitong nga huling araw.
Napunta naman ang usapan sa paaralang balak ng mga estudyante
tungkol sa pagtuturo ng mga Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio ay hindi
raw ito magtatagumpay. Tutol naman dito ang dalawang binata. Maya-
maya pa’y lumayo na si Kapitan Basilio. Noo’y napag-usapan nila si
Paulita Gomez, ang kasintahan ni Isagani na maganda, mayaman at may
pinag-aralan na pamangkin ni Donya Victorina. Ipinahahanap ng Donya
kay Isagani ang kanyang asawa na si Don Tiburcio de Espadaña. Ito ay
nasa bahay pa ni Padre Florentino na amain ng binata, nagtatago. Ilang
sandali pa’y dumating si Simoun at kinausap ng magkabigan. Agad na
ipinakilala ni Basilio kay Simoun si Isagani. Ani Simoun, hindi niya
nadadalaw ang lalawigan nina Basilio dahil ang kanilang lalawigan ay
mahirap at di makabibili ng alahas. Tinutulan naman ito ni Isagani at
sinabing hindi sila namimili ng alahas dahil hindi naman nila kailangan.
Napangiti si Simoun sa sinabi ng binata. Paliwanag niya, dukha daw ang
lalawigang nabanggit niya dahil ang mga pari sa simbahan ay Pilipino.
Inanyayahan ni Simoun ang magkaibigan sa pag-inom ng serbesa
ngunit ito’y tinanggihan ng dalawa. Ayon kay Simoun, sinabi umano ni
Padre Camorra na kaya tamad ang mga Pilipino ay dahil pala-inom ng
tubig at hindi ng serbesa. Tinugon siya ni Basilio at sinabing, “sabihin
ninyo kay Padre Camorra na kung siya ay iinom ng tubig sa halip ng
serbesa, marahil ay mawawala ang sanhi ng mga usap-usapan.” Dagdag
pa ni Isagani, “lumuluhod sa alak at sa serbesa na pumapatay ng apoy;
na kapag pinainit ay sumusulak; nagiging malawak na dagatan at
gumugunaw ng santinakpan.”
Tinananong naman ni Simoun kung ano ang itutugon niya sakaling
itanong ni Padre Camorra kung kailan magiging sulak at malawak na
karagatan ang tubig. Sinagot siya ni Isagani ng “kapag pinainit ng apoy;
sa sandaling ang mumunting ilog na watak-watak ay magkakasamasama
sa kailalimang hinuhukay ng tao.” Binigkas din ni Basilio ang isang tula
ni Isagani tungkol sa pagtutulong ng apoy at tubig sa pagpapatakbo sa
makina (steam engine). Ngunit ayon kay Simoun ay pangarap daw iyon
dahil ang makina ay hahanapin pa. Nang umalis na si Simoun ay saka
lamang nakilala nang lubusan ni Isagani ang mag-aalahas na tinatawag
ding Kardinal Moreno. Pamaya-maya pa’y may dumating na utusan
upang ipatawag ang pamangkin ni Padre Florentino. Ngunit nakita ng
kapitan ang pari kaya ito ay inanyayahang pumanhik sa ibabaw ng
kubyerta.

Ang nobelang El filibusterismo (literal na "Ang Pilibusterismo")


o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang nobelang
isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si José Rizal, na
kaniyang buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong
kilala sa bansag na Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora.
- Wikipedia

Ang El Filibusterismo ay isang nobelang panlipunan na isinulat ni Dr.


Jose P. Rizal kasunod sa Noli Me Tangere. Ang nobelang ito ay Naiintindihan po Sir
inilahad ni Rizal sa tatlong paring martir na Gomburza. Tungkol ito
sa mga huling araw ng pagsakop ng mga Kastila sa mga Pilipino.
- Wordpress Sir, nagsimula ito sa kubyerta o mas
Ang El Filibusterismo ay and pangalawang nobelang isinulat ni Jose kilala sa tawag na BAPOR TABO
Rizal na unang nailathala sa Europe noong 18 Setyembre 1891. Ito dail ito ay tila hugis tabong barko na
ang karugtong ng kaniyang nobelang Noli Me Tangere. Mula sa sinasakyan ng mga tao sa ilog.
Europe ay nakarating ito sa Pilipinas na may hatid na balakid at
hamon sa paghahari ng Spain; may hatid na pag-asa sa mga Sir, sa itaas ng kubyerta ay makikita
Pilipinong naghihintay ng katarungan at kalayaan; at may hatid na ang mga prayle, samantalang sa
pangamba at takot para sa pamilya ng may-akda. ibaba naman makikita ang mga indio,
- WikiFilipino chino at mestizo.
-
Diyan nagtatapos ang ating talakayan naintindihan niyo ba ang Sir, ito ay si Donya Victorina
ating talakayan?

Mga Gabay na tanong Sir, sila ay nagsisiksikan, naliligo na


1. Paano nagsimula ang takbo ng kwento sa Nobela? sa pawis at may nakakasulasok na
amoy dahil sa usok ng bapor.

Sir, Ito ay si Simoun


2. Sinu-sino ang lulan ng Kubyerta?
(Papalakpak ang mga mag-aaral)

3. Sino ang babaeng panay reklamo sa taas ng kubyerta na


nagkukunwaring espanyola na balot na balot ng mga kolorete
ngunit isang indio?

4. Anong kalagayan ng mga tao sa ibaba ng bapor?

5. Ano ang Pangalan ng isang taong mang-aalahas na pinag-


initan ng mga prayle dahil sa ipinakitang ugali nito?
Magagaling tunay nga na kayo ay may natutunan sa aralin natin
ngayong araw. Palakpakan ang inyong sarili! (Pupunta ang mag-aaral a kani-
F. Paglalahat kanilang pangkat)
Panuto: Tukuyin ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa El
Filibusterismo kabanata 1 at 2 sa pamamagitan ng:

1. Pagtunton sa mga pangyayari/ Banghay:


2. Pagtukoy sa mga tunggaliang naganap:

3. Pagtiyak sa tagpuan:

4. Pagtukoy sa wakas:

G. Paglalapat (Aktibong nakilahok ang mga mag-


(Papangkatin ng guro ang mag-aaral sa tatlo at kanilang sasagutan aaral sa pangkatang gawain)
ang inihandang aktibidad at kokolektahin pagkatapos ng 15
minuto.)

Panuto: Tukuyin ang papel na ginagampanan ng mga TAUHAN sa


akda sa pamamagitan ng pagtukoy ng kanilang kilos paniniwala at
gawi.

BASILIO
A. KILOS:
B. PANINIWALA:
C. GAWI:
D. PANININDIGAN:

SIMOUN
A. KILOS :
B. PANINIWALA:
C. GAWI:
D. PANININDIGAN:

Pamantayan sa Pagmamarka
 Orihinalidad - 40 puntos
 Kaisahan - 20 Puntos
 Pagkamalikhain - 20 Puntos
 Organisasyon - 20 puntos
Kabuuan: - 100 puntos
Magaling! Tunay nga na kayo ay natuto sa leksyong ito. Maraming
salamat sa aktibong pakikilahok!

IV. Pagtataya
I. Identipikasyon
Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang.
____________1. Ang kubyerta ay mas kilala sa tawag na _.
____________2.Ang kubyerta ay naglalayag patungong _.
____________3.Anong pamagat ng Kabanata 1
____________4.Anong pamagat ng Kabanata 2
____________5.Ang Donyang nagkukunwaring espanyola.
____________6.Ang padreng naging kasagutan ni Simoun.
____________7-8. Sinu-sino ang mga nakasakay sa itaas ng kubyerta?
____________9-10.Sinu-sino ang mga nakasakay sa ibaba ng kubyerta?

V. Kasunduan: 
Panuto: Ilista ang mga tauhan o karakter sa El Felibusterismo at bigyan ng depinisyon sa
pamamagitan ng kani-kanilang ugali, itsura at kalagayang panlipunan. Isulat ito sa inyong
kwaderno.

You might also like