You are on page 1of 8

UNIVERSITY OF SAN CARLOS

Basic Education Department South Campus


Cebu City

Takdang Panahon: Apat na Araw BANGHAY SA PAGTUTURO NG FILIPINO Kaukulang Petsa: Ika-7-10 ng Enero taong 2014
Baitang/ Taon: Ikaanim na Baitang Ikatlong Markahan Tagapagturo: Bb. Mary Claudine A. Entera
Pangkat: Charity, Hope, Humility, Joy SY: 2013-2014 Iniwasto ni: Gng. Marie Lennette Granado

Pangkalahatang Latunin: Nalilinang ang kasanayan sa pagkilala ng iba’t-ibang pokus ng pandiwa.


Kontent Mga Layunin Proseso ng Pagturo Koment
Paksang Aralin: AKTIBITI NG GURO AKTIBITI NG MGA MAG-AARAL
Wika: Pokus ng Pandiwa EO1 Natutukoy ang iba’t- ibang I. Introduksyon
pokus ng pandiwa A. PAGGANYAK
Teksto/Sanggunian: Pagsasagawa ng “Pantomime”. Ipangkat ang (Ang mag-aaral ay huhula-an ang
Buban, Raquel S., Dayo, Benjamin Nasusuri ang pagkakaiba ng mga mag-aaral sa dalawa. Kukuha sila ng 3 buod ng dula.)
O., Daluyan 6, Batayan at unang tatlong pokus ng hanggang 5 kinatawan galing sa kanilang grupo Ang buod ng dula:
Sanayang Aklat sa Wika at Pagbasa pandiwa. upang magsadula ng buod ng kwento. Bibigyan [1]Si ama ay nagtungo sa
sa Filipino, pahina 257-267. ng guro ang 3-5 kinatawan ng buod ng kwento. America. [2]Pinagsisilbihan ni
Masigasig na nakikisali sa Aarte ang mga kinatawan ng walang imik ama ang ospital. [3] Araw-araw
Kasanayang Nalilinang: diskusyon. hanggang matapos ang pagsasadula saka inihahatid niya ang gamot sa mga
 Pagsuri sa teksto batay sa tiyak palamang ipabubolong ng isa sa mga meyembro pasyente. [4] Ang bawat batang
na pokus ng pandiwa. EO2 Nabubuo ng pandiwa gamit ng grupo na hindi kasali sa mga umarte sa guro pasyente ay ibinibili ng mga
 Pagtukoy sa mga ang iba’t ibang uri ng panlapi sa ang buod ng kwento. laruan. [5] Ipinanghahawi ng
napakinggang diskurso tungkol pagbuo ng mga pandiwa sa iba’t kalungkotan ang mga laruang
sa pokus ng pandiwa. ibang pokus. Pagtatalakayan sa napanood na pagsasakilos. binili. [6] Pero ang kanyang
 Pagbuo ng pangungusap gamit (ang isasadula ay tungkol sa mga magulang na paglayo naman ang ikinalulungkot
ang pokus ng pandiwa. Nasusuri ang pagkakaiba ng nagtatrabaho sa ibayong dagat). namin.
ikaapat hanggang ika anim na
pokus ng pandiwa.
Balyu/Saloobin:
 Pagsunod sa tamang direksyon EO3 Nakikilahok nang buong Itanong ang sumunod:
at panuto. sigla at husay sa mga talakayan  Sino sa inyo rito ang may mga magulang na B: Ako po mam.(Itinaas ang mga
 Pagpapahalaga sa sa paghimay ng mga nagtatrabaho sa ibayong dagat? kamay ng karamihan.)
pagpapakahirap ng magulang. pangungusap batay sa uri ng  Ano ang inyong nararamdaman sa tuwing sila’y B: Nalulungkot po mam kasi hindi
pokus ng pandiwa. umaalis? na naman po namin sila
Mga Kagamitan: makakasama.
Cartolina istrips EO4 Nakasasagot ng pagsasanay  Sa inyong palagay bakit nagtatrabaho sa B: Nagtatrabaho sila doon para
Marker sa pagbuo ng mga pangungusap malayo ang inyong mga magulang? matustusan ang aming
Batayang aklat gamit ang anim na pokus ng pangangailangan.
pandiwa.
PROSESO NG PAGKATUTO KOMENT
AKTIBITI NG GURO AKTIBITI NG MGA MAG-AARAL
 Sa inyong sariling pamamaraan paano ninyo masusuklian B:. Masusukli-an po namin ang bawat paghihirap ng aming mga magulang sa pamamagitan
ang mga pagpapakahir.ap ng inyong mga magulang? ng pagkaroon ng mga matataas na marka.

II. Interaksyon
A. PAGLALAHAD SA ARALIN
Balikan ang buod ng dula na nasa pisara.
Ang buod ng dula:
[1]Si ama ay nagtungo sa America. [2]Pinagsisilbihan ni ama ang ospital. B: (Basahin nang sabay-sabay.)
[3] Araw-araw inihahatid niya ang gamot sa mga pasyente. [4] Ang bawat
batang pasyente ay ibinibili ng mga laruan. [5] Ipinanghahawi ng
kalungkotan ang mga laruang binili. [6] Pero ang kanyang paglayo naman
ang ikinalulungkot namin.

B. PAGTATALAKAY SA ARALIN
1. Basahin ang unang pangungusap. B:Si ama ay nagtungo sa America.
*Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay nagtungo.
*Sino ang gumaganap ng kilos? B: Ang gumaganap ng kilos ay ang simuno/ ama.
*Saang bahagi ng pangungusap nakikita ang ama? B: Nakikita ang ama sa bahagi ng simuno.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ay gumaganap ng kilos.
*Ano ang tawag natin sa unang pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa unang pokus ng pandiwa ay pokus sa tagaganap.

2. Basahin ang ikalawang pangungusap. B: Si ama ay nagsisilbi sa ospital.


*Ano ang pandiwa sa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay pinagsisilbihan.
*Saan nagsisilbi si ama? B: Si ama ay nagsisilbi sa ospital.
*Saang bahagi ng pangungusap makikita ang ospital? B: Makikita ang ospital sa bahagi ng simuno.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa pinangyarihan ng kilos.
*Ano ang tawag natin sa ikalawang pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa ikalawang pokus ng pandiwa ay pokus sa ganapan.

3. Basahin ang ikatlong pangungusap.


*Ano ang pandiwa sa pangungusap? B:Araw-araw inihahatid niya ang gamot sa mga pasyente.
*Ano ang kanyang araw-araw na inihahatid? B:Ang kanyang inihahatid araw-araw ay gamot.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B:Ang pokus ng pandiwa ay pinaglalaanan ng kilos.
*Ano ang tawag sa ikatlong pokus ng pandiwa? B:Ang tawag sa ikatlong pokus ng pandiwa ay pokus sa layon.

C. PAGSUSURI NG MGA HALIMBAWA


 Si Marvin ay nakapag-aral kahapon.
-Sa unang halimbawa, ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay nakapag-aral.
- Sino ang gumagawa ng kilos? B: Ang gumagawa ng kilos ay si Marvin.
-Base sa ating paghimay ng pangungusap, anong uri ng pokus B: Ang pangungusap na ito ay pokus ng tagaganap.
ito?
 Pinuntahan namin ang bagong resort.
-Sa ikalawang halimbawa, ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay pinuntahan.
-Saan kayo pumunta? B: Kami ay pumunta sa resort.
-Base sa ating paghimay ng pangungusap, anong uri ng pokus ito? B: Ang pangungusap na ito ay pokus ng ganapan.
 Ihanda mo ang sasakyan.
-Sa ikatlong halimbawa, ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ihanda.
-Ano ang ihahanda mo? B: Ang ihahanda ko ay ang sasakyan.
-Base sa ikatlong halimbawa, anong uri ng pokus ito? B: Ang pangungusap na ito ay pokus ng layon.

D. Paglalahat
 Ano ang natutunan ninyo ngayon? B: Ang natutunan ko sa araw na ito ay ang tatlong katangian ng pokus ng pandiwa at ang
mga katangian nito.
III. Integrasyon
A. PAGPAPAHALAGA
1. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa tagaganap? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa tagaganap sa ating buhay upang ating
matukoy kung sino ang gumagawa ng kilos.
2. Mahalaga bang masuri natin ang ikinikilos natin? B: Mahalaga na masuri natin ang ikinikilos natin dahil dapat na bantayan natin ang tamang
kilos natin sa araw-araw upang hindi tayo makasakit ng iba.
3. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa layon? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa layon upang ating masuri ang gol o layunin
ng isang tao.
4. Importante ba na may gol ang tao sa buhay? B: Importe na magkaroon tayo ng gol sa buhay dahil ito ang makatutulong sa atin upang
makamit ang mithiin sa buhay.
5. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus ng ganapan? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus ng ganapan upang ating malaman kung saan
eksakto naganap ang isang pangyayari.
6. Gaano kahalaga ang kaalaman sa mga lugar ng pinangyarihan? B: Ang kahalagahan nito ay makatutulong sa paglutas ng mga suliranin o krimen na talamak
sa panahon ngayon.

(Ikalawang araw ika 8 ng Enero)


I. Introduksyon
A. Rebyu
a. Ano ba ang ginawa natin kahapon? B: Ang ginawa natin kahapon ay nagsadula tayo ng isang pantomime.
b. Tungkol kanino ang ating pantomime? B: Ang ating pantomime ay tungkol sa mga ulirang magulang na nagtatrabaho sa ibang
lugar.
c. Base sa ating aktibiti kahapon, ano ba ang ating paksang B: Ang paksang ating tinalakay kahapon ay tungkol sa pokus ng pandiwa.
inaral?
o Magbigay ng isa sa mga pokus na ating natalakay. B: Ang unang pokus na ating natalakay ay ang pokus sa tagaganap .
o Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito? B. Ang binibigyang diin ng pokus na ito ay ang simuno ang gumaganap sa kilos.
o Magbigay ng halimbawa. B: Tumakas ang bata.
o Ibigay ang pangalawang pokus na ating tinalakay B: Ang ikalawang pokus na ating tinalakay kahapon ay ang pokus sa ganapan.
kahapon.
o Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito? B: Ang binibigyang diin ng pokus na ito ay ang lugar kung saan naganap ang kilos.
o Magbigay ng halimbawa. B: Pinaglaruan namin ang bagong soccer field.
o Ibigay ang pangatlong pokus na ating tinalakay kahapon. B: Ang ikatlong pokus na ating tinalakay kahapon ay ang pokus sa layon .
o Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito? B: Ang binibigyang diin ng pokus na ito ay ang layon ng pangungusap.
o Magbigay ng halimbawa. B: Ipaputol mo sa barber ang iyong buhok.

II.Interaksyon
A. PAGTATALAKAY SA ARALIN
Ipagpatuloy natin ang mga naiwang tatlong pokus ng pandiwa. (Ang mga mag-aaral ay nagbabasa ng buod at sumusuri sa bawat pangungusap)
(Idikit uli ang buod ng dula at ipabasa ang tatlong
pangungusap na natitira at suriin.)
1. Basahin ang ikaapat na pangungusap. B: Ang bawat batang pasyente ay ibinibili ng mga laruan.
*Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ibinibili.
* Ano ang ibinili? B: Ang ibinili ay mga laruan.
* Sino ang tatanggap ng binili? B: Ang tatanggap ng binili ay ang mga bata.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ang tumatanggap ng kilos.
*Ano ang tawag natin sa ikaapat na pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa ikaapat na pokus ng pandiwa ay pokus sa tagatanggap.

2. Basahin ang ikalimang pangungusap. B: Ipinanghahawi ng kalungkotan ang mga laruang binili.
*Ano ang pandiwa sa ikalimang pangungusap? B: Ang pandiwa sa ikalimang pangungusap ay ipinanghahawi.
*Ano ang ginagamit upang mahawi ang kalungkutan? B: Ang ginagamit upang mahawi ang kalungkutan ay ang mga laruan.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ay tumutukoy sa gamit.
*Ano ang tawag natin sa ikalimang pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa ikalimang pokus ng pandiwa ay pokus sa gamit.

3. Basahin ang ikaanim pangungusap. B: Pero ang kanyang paglayo naman ang ikinalulungkot namin.
*Ano ang pandiwa sa ikaanim na pangungusap? B: Ang pandiwa nito ay ikinalulungkot.
*Ano ang sanhi o dahilan ng inyong pagkalungkot? B: Ang sanhi o dahilan n gaming pagkalungkot ay ang kanyang paglayo.
*Ano ang pokus ng pandiwa? B: Ang pokus ng pandiwa ay nagpapakita ng sanhi o dahilan.
*Ano ang tawag natin sa ikaanim na pokus ng pandiwa? B: Ang tawag natin sa ikaanim na pokus ng pandiwa ay pokus sa sanhi.

B. PAGSUSURI NG MGA HALIMBAWA


 Ipang-igib mo si Manang ng tubig.
-Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ipang-igib.
-Sino ang tatanggap ng tubig na ipinang-igib? B: Ang tatanggap ng tubig na ipinag-igib ay si Manang.
-Base sa ating pagsusuri, anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ang pangungusap na ito ay pokus ng tagatanggap.
B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ipangdidilig.
 Ang naipon na tubig ay ipangdidilig ng halaman. B: Ang gagamitin sa pagdidilig ng halaman ay ang tubig.
-Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pangungusap na ito ay pokus sa gamit.
-Ano ang gagamitin sa pagdidilig sa halaman?
-Base sa ating pagsusuri, anong uri ng pokus ng pandiwa ito?
B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ikinagalit.
 Ikinagalit ng kanunu-nunuan ang hindi pagsunod sa mga utos. B: Ang ikinagagalit ng kanunu-nunuan ay ang hindi pagsunod sa utos.
-Ano ang pandiwa sa pangungusap? B: Ang pangungusap na ito ay pokus sa sanhi.

-Ano ang ikinagagalit ng kanonu-nonuan?


-Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ang natutunan namin ngayong araw ay ang tatlong uri ng pokus ng pandiwa, ang pokus
sa tagatanggap, pokus sa gamit at pokus sa sanhi.
E. Paglalahat
 Ano ang natutunan ninyo ngayon?
B: Mahalaga na pag-aaralan natin ang pokus sa tagatanggap sa ating buhay upang ating
IV. Integrasyon matukoy kung sino ang tatanggap ng kilos.
A. PAGPAPAHALAGA B: Kung hindi makarating ang aking mensahe sa taong aking nais papadalhan ay
1. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa tagatanggap? magkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan.

2. Ano ang mangyayari kung hindi makarating ang iyong mensahe B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa gamit upang ating malaman kung ano ang
sa taong iyong pinadalhan? bagay na ginamit.
B: Mahalaga na ating malaman ang tamang paggamit ng mga bagay-bagay upang hindi
3. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa gamit? tayo maaksidente.
B: Nagkamali ako sa paggamit ng plantsa, sobrang init ng plantsa kaya nasunog ang damit
4. Bakit mahalaga na ating malaman ang tamang paggamit ng ko.
mga bagay-bagay? B: Mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sanhi upang ating malaman kung ano ang
5. Magbigay ng isang pangyayari kung saan nagkamali ka ng dahilan ng bunga.
paggamit sa isang bagay B: Tayo ay napapagalitan dahil may mali tayo na ginawa.
6. Bakit mahalaga na pag-aralan natin ang pokus sa sanhi?

7. Bakit kaya tayo napapagalitan?


B: Itinuloy natin ang ating dikusyon tungkol sa nalalabing tatlong pokus ng pandiwa.
(Ikatlong araw ika-9 ng Enero)
I. Introduksyon B: Pokus sa tagaganap.
1. Ano ba ang ginawa natin noong nakaraang pagkikita? B: Bininigyang diin nito ang simuno na siyang gumaganap ng kilos.
A. Rebyu B: Pukos sa tagatanggap.
 Magbigay ng isa sa mga pokus na ating natalakay. B: Binibigyang diin nito ang tumatangap ng kilos.
Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito? B: Pokus sa ganapan.
 Ibigay ang pangalawang pokus na ating tinalakay noon. B: Ang binibigyang pokus dito ay ang lugar ng pinangyarihan ng pandiwa.
Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito? B: Pokus sa layon.
 Ibigay ang pangatlong pokus na ating tinalakay noon. B: Binibigyang pokus ang layon ng pangungusap.
Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito? B: Pokus sa gamit.
 Ibigay ang pang-apat na pokus na ating natalakay. B: Binibigyang diin ng pokus na ito ang bagay na ginamit ng pandiwa.
Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito? B: Pokus sa sanhi.
Ibigay ang panglimang pokus na ating tinalakay noon. B: Binibigyang diin ng pokus na ito ang sanhi ng pandiwa sa simuno.
Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito?
Ibigay ang panganim na pokus na ating tinalakay noon.
Ano ang binibigyang diin ng pokus na ito?

II.Interaksyon B: Ang pandiwa sa pangungusap ay natulog.


A. Pagsusuri ng Halimbawa: B: Ang gumagawa ng kilos ay si Mario.
 Si Mario ay natulog. B: Ang pangungusap na iyan ang pokus sa tagaganap.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap?
o Sino ang gumagawa ng kilos? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ibinili.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ang layon ng ibinili ay bata?
 Ang bata ay ibinili ng mansanas. B: Ito ay pokus sa layon.
o Ano ang salitang kilos sa pangungusap?
o Ano ang layon ng ibinili? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay bumili.
o Anong uri ng pokus ito? B: Bumuli ako ng pantalon sa mall.
 Ang mall ang pinagbilihan ko ng pantalon. B: Ito ay pokus sa ganapan.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap?
o Saan ka bumili ng pantalon? B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ibinili.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito? B: Ang tumanggap ng gamot na binili ay si nanay.
 Ibinili ko ng gamot si nanay. B: Ito ay pokus sa tagatanggap.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap?
B: Ang pandiwa sa pangungusap ay panghiwa.
o Sino ang tumanggap ng biniling gamot?
B: Ang ginamit kong panghiwa ay kutsilyo.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito?
B: ito ay pokus ng gamit.
 Ipanghiwa mo ang bagong kutsilyo.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap?
B: Ang pandiwa sa pangungusap ay ikinabahala.
o Ano ang ganamit mong panghiwa?
B: Ang dahilan ng kanyang pagkabahala ay ang masamang panahon.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito?
B: Ito ay pokus sa sanhi.
 Ikinababahala niya ang masamang panahon.
o Ano ang pandiwa sa pangungusap?
o Ano ang dahilan ng kanyang pagkabahala? B: Ang natutunan ko ngayong araw na ito ay ang anim na pokus ng pandiwa.
o Anong uri ng pokus ng pandiwa ito?

B. Paglalahat B: Mahalagang ating matuonan ng pansin ang mga pokus ng pandiwa upang ating malaman
 Ano ang natutunan mo ngayong araw? ang mga puntong binibigyang pokus sa ng mga bagay, tao, at pangyayari sa ating buhay.
III. Integrasyon B: Dapat bigyan ng pokus ang mga pangyayari sa ating buhay dahil ang bawat pangyayari
A. PAGPAPAHALAGA ay mga kaakibat ng mga aral na kinakailangan natin na matutunan upang hindi natin maulit
 Bakit mahalagang ating matuonan ng pansin ang mga pokus ang ating mga pagkakamali.
ng pandiwa?

 Bakit dapat bigyan ng pokus ang mga pangyayari sa ating B: Ang ginawa natin kahapon ay ating hinimay ang mga halimbawa ng mga uri ng pokus ng
buhay? pandiwa.

(Ikaapat na araw ika-10 ng Enero) B: Ang anim na pokus ng pandiwa ay pokus ng tagaganap, pokus sa layon, pokus sa
I. Introduksyon ganapan, pokus sa tagatanggap, pokus sa gamit at pokus sa sanhi.
1. Ano ang ginawa natin kahapon?
B: Ang binigyang diin ng pokus sa tagaganap ay ang gumagawa ng kilos.
A. Rebyu B: Ang binibigyang diin ng pokus sa layon ay ang pinaglalaanan ng kilos o gol at layunin ng
 Ibigay ang anim na uri ng pokus ng pandiwa. pandiwa.
B: Ang binigyang diin ng pokus sa ganapan ay ang lugar kung saan naganap ang kilos.
II. Interaksyon B: Ang binibigyang diin ng pokus sa tagatanggap ay kung para kanino nakalaan ang kilos.
1. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng tagaganap? B: Ang binibigyang diin ng pokus sa gamit ang kung ano ang bagay na tinutukoy ng kilos.
2. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng layon? B: Ang binibigyang diin ng pokus sa sanhi ay kung ano ang dahilan sa bunga sa
pangungusap.
3. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng ganapan?
4. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng tagatanggap?
5. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng gamit? B:Mapapanatili ko ang aking kaalaman tungkol sa pokus ng pandiwa sa pamamagitan ng
6. Ano ang binibigyang diin ng pokus ng sanhi? paggamit nito araw-araw.
B: Mahalaga na ating mabigyan ng diin ang mga importante na mga paksa upang ito ang
III. Integrasyon mabigyan nga pokus ng mga tagapakinig.
A. PAGPAPAHALAGA B: Maaring pagmulan ito ng hindi pagkakaunawaan.
1. Paano mo mapapanatili ang iyong kaalaman tungkol sa
pokus ng pandiwa?
2. Sa pakikipagkumonikasyon, bakit mahalaga na ating
mabigyan ng diin ang mga importante na mga paksa?
3. Ano ang mangyayari kung wala tayong pokus sa pakikipag-
usap?

B. PAGLINANG NG KASANAYAN
Hatiin ang klase sa apat. Ang bawat grupo ay dapat makapagsulat
ng isang talata gamit ang mga pokus ng pandiwa.
 Ang bawat grupo ay pipili ng tatlo hanggang apat na uri ng
pokus ng pandiwa na kanilang gagamitin sa pagbuo ng
talata. Sasalungguhitan nila ang pandiwa at ang paksa sa
pangungusap. Tatlong pangungusap ang pinakamababa.
C. EBALWASYON (pagsusulit)
D. TAKDANG-ARALIN
Basahin ang kwentong Kung Saan may Pagmamahalan sa pahina
275.

You might also like