You are on page 1of 5

Masusing Banghay Aralin

(Baitang 10, Panitikan)


I. Layunin
a. Masuri ang parabula at ang mga element nito.
b. Maiugnay ang pangyayari sa parabula at pangyayari sa sariling karanasan gamit ang tsart.
c. Masuri ang tiyak na bahagi ng nabasang parabula na naglalahad ng katotohanan,
kabutihan at kagandahang asal.
d. Maikumpara ang pagkakaiba ng parabula, pabula at maikling kwento ayon sa elemeto at
nilalaman nito sa pamamagitan ng pagpapangkat.

II. Paksa
a. Paksa: Ang Tusong Katiwala (Parabulang Nagmula sa Syria)
b. Sanggunian: Module ng Grade 10 na nagmula sa DepEd
c. Materyales: Mga larawan, manila paper

III. Ang Pamamaraan


Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
Paghahanda
Panimula
o Pagbati
o Panalangin
o Pagpuna sa kaayusan
o Pagtsek ng atendans

A. Aktibiti
a. Pagganyak
(Isa-isang ipapakita ng guro ang mga
larawan.)

Bago ako magsimula ng talakayan ay nais


kong malaman ano ang nahihinuha nyo
sa larawan?

Tama. May iba pa bang kasagutan?


Ma’am, bible stories po.
Magaling! Maari ka ng umupo. Ang inyong
mga naging kasagutan ay may kinalaman sa
aralin natin sa araw na ito.
Parabula po, ma’am!

b. Talasalitaan
Bago tayo dumako sa atin talakayan ay
sagutan muna natin ang talasalitaan.
(Sasagutin ng mag-aaral.)
Narito ang mga ilang salitang dapat bigyang
kahulugan.
Maari bang pumunta sa unahan ang mga nais
sumagot?

Salita Kahulugan
1. nilulustay Winawaldas/
ginagastos
2. pangangasiwa pamumuno
3. katiwala Katulong (Ang mga mag-aaral ay magtataas ng kamay
4. ipinamalas Ipinakita upang magsagot sa unahan.)
5. salapi Barya/pera

Mahusay! Ang inyong mga kasagutan ay


tama.

B. Analisis
a. Pagtatalakay sa Akda
Ngayon ay dadako na tayo sa pasimula ng
talakayan. Sa araw na ito ay babasahin natin
ang parabulang “Ang Tusong Katiwala”.
Binibigyan ko kayo ng 5 minuto upang
basahin ang parabula. May inihanda akong
katanungan pagkatapos.

Tapos na ba kayo magbasa?

Opo, ma’am.
Kung gayon, sa aking pagtatanong ay maaring
itaas ang kamay ang nais sumagot.

1. Tungkol saan ang binasang parabula?

Tungkol po ito sa pagiging tuso ng isang


katulong.
Magaling! May iba pa bang kasagutan?

Ma’am tungkol po ito sa pagiging mautak ng


katiwala.
2. Sino-sino ang tauhan sa akdang binasa?
Ilarawan sila.
Ang una po ay ang Katiwala ang nais paalisin
ng amo dahil sa pagwawaldas ng ari-arian ng
amo.
Mahusay! Sino pa ang mga tauhan?

Ang amo po na gustong paalisin ang


katiwala.
Tama. Sino pa?
Si Hesus po na siyang nagsasalysay ng
talinhaga at ang mga alagad na nakikinig sa
pagsasalaysay ni Hesus.
Mahusay!

3. Bakit gustong paalisin ng amo ang katiwala?


Dahil po sa paglulustay at hindi magandang
pamamalakad sa mga kanyang ari-arian.
Mahusay!

4. Dahil sa paglustay ng katiwala sa ari-arian


ay gusto siyang paalisin ng amo kung kaya’t
siya ay mawawalan ng tirahan. Dahil dito
ano ang kanyang ginawa upang siya ay
magkaroon ng tirahan?
Tinawag niya ang may utang sa kanyang amo
at binawasan niya ang bawat isa sa mga ito.
Magaling!
5. Ano ang ipinapahiwatig na aral ng parabula?
Gamitin ang kayamanan ng mundo sa
paggawa ng mabuti sa inyong kapwa upang
kung maubos man iyon ay tanggapin sa
tahanan ng kapwa at ng langit.
Tama! May iba pa bang kasagutan?
Ang pagiging tuso ay mas gamitin sa tamang
paraan.
Mahusay! Maging mabuti sa kapwa upang
sila mismo ang tutulong kapag tayo ay
nahihirapan.
Pagtatalakay sa Parabula
Ngayon ay dadako tayo sa aralin.

Sino ang nakakaalam sa parabula? May


ideya ba kayo kung ano ang parabula?
Maaring magtaas ng kamay.
Ako po Ma’am. Ang parabula ay madalas
hango sa Banal na Kasulatan.
Tumpak! Kagaya ng sagot ng inyong
kaklase ito ay hango sa Bibliya na
naglalarawan ng katotohanan at
kinapapalooban ng aral.

Ito ay may 4 na elemento. Ito ay ang tauhan,


tagpuan, banghay at aral.
Maari nyo bang basahin ang kahulugan ng
tauhan. Ang tauhan ay ang mga karakter na hango sa
bibliya na maaring makapagbigay aral sa
mga mambabasa ng kwento.
Sunod na elemento ay ang tagpuan. Ang
tagpuan ay hindi kagaya sa maikling
kwento, minsan hindi matatagpuan sa
simula ang tagpuan ng kwento ay minsan at
hindi talaga nasasabi kung saan mismo
nangyari ang kwento o ang talinhaga.

Ang pangatlo ay ang banghay. Maari bang


basahin ninyo ang kahulugan ng banghay.
Ang banghay ay ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari sa kwento.
Ang banghay ay ang tawag sa sunod-sunod
na senaryo sa kwento. Ang sumunod at ang
huling element ay ang mapupulot na
magandang aral sa kwento.

C. Abstraksyon
a. Paglalahat
Ngayon ay may ipapagawa ako sa inyo.
Gamit ang tsart ay pumili ng tatlong (Ang mga mag-aaral ay gumagawa ng
pangyayari sa parabulang nabasa na maaring aktibidad sa isang buong papel.)
maiugnay sa sariling karanasan. Isulat ito sa
isang bung papel.
Pangyayari sa Pangyayari sa
parabula sariling Karanasan
1.
2.
3.

b. Sintesis
Dahil alam na natin kung ano ang parabula nais
kong bumuo kayo ng anim na pangkat para sa
isang aktibidad na inyong isasagawa. Sa isang
buong papel, isulat ang pagkakaiba ng (Bumuo ng pangkat at gumawa sa kani-
parabula, maikling kwento at pabula ayon sa kanilang pwesto ng nais ng guro)
kwento at nilalaman nito.

D. Aplikasyon
a. Pagpapahalaga
Sa kabuuan, ano ang aral na iyong natutunan
mula sa akdang iyong nabasa?
Natutunan ko pong masa pahalagahan ang
pakikisama at pagiging mautak sa mabuting
paraan upang matanggap pa rino ako ng
kaibigan, pamilya at mga kasama ko.
Mahusay! May nais pa bang magbahagi?
Kung wala na ay magpatuloy na tayo sa
talakayan.

b. Paglalapat
Sa halimbawa ng parabulang inyong nabasa,
maaari niyo bang ilahad ang parte nito na
naglalahad ng katotohanan, kabutihan at
kagandahang asal? Tumaas lamang ang
kamay ng nais sumagot. Nailalahad po ang katotohanan, kabutihan at
kagandahang asal sa parting sinabi ni Hesus
na “Kaya kung hindi kayo
mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng
mundong ito, sino ang magtitiwala sa inyo ng
tunay na kayamanan?”

Magaling! Sino pa ang maaaring maglahad?


Ma’am, sa parting “Ang taong
mapagkakatiwalaan din sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay.”
Mahusay ang inyong mga kasagutan!

Sa pagtatapos, narito ang ilang mga


katanungan upang masubok ba kung
naunawaan ninyo ang aralin natin sa araw na
ito.

c. Pagtataya
Sagutin ang mga sumusunod (dalawang puntos
sa tamang sagot):
1. Sino ang nagkuwento sa parabula?
2. Sino ang naglustay ng ari-aria ng amo?
3. Magkano ang utang ng unang tao na may
utang sa amo? 1. Hesus
4. Sino ang kumutya kay Hesus matapos 2. Katiwala
marinig ang talinhaga dahil sakim sila sa 3. Isandaang tapayang langis
salapi. 4. Pariseo
5. Ano ang ipinasulat na utang ng katiwala 5. Walumpo
sa pangalawang ma utang sa kanyang
amo?

IV. Kasunduan
Takdang aralin: Basahin ang kasunod na panitikan ang Ang Ningning at ang Liwanag ni
Emilio Jacinto.

Inihanda nina:
Alba, Ezekylah M.
Ella, Janeth B
Galang, Rei Kryziel Antonette S.

BSED II- Filipino

You might also like