Professional Documents
Culture Documents
THE GIVER
OF LIFE
I GIVE YOU MY HEART
This is my desire, to honor
You.
Lord, with all my heart, I
worship You.
With all I have within me, I
give You praise. All that I adore
is in You.
Lord, I give You my heart; I
give You my soul. I live for
You alone.
Every breath that I take,
every moment I’m awake,
Lord, have Your way in me.
HUMBLE THYSELF
Humble thyself in the
sight of the Lord (2x)
And He shall lift you up
Higher and higher and He
shall lift you up.
Our God is an awesome God
He reigns from heaven above
With wisdom, power and love
Our God is an awesome God
Ang Panimula
Ang Prosesyonal
Ang Pagpupuri
Tagapagdiwang: Pagpalain ang
Diyos: + Ama, Anak, at Banal na
Espiritu!
MGA TAO : At pagpalain ang
Kanyang Kaharian, ngayon at
magpakailanman.
Ang Panalangin Para Sa Kabanalan
Tagapagdiwang : Tayo ay manalangin.
Makapangyarihang Diyos, Kayo na
nakababatid ng nilalaman ng mga puso,
lahat ng hangarin ay Inyong nalalaman at
sa Inyo ay walang lihim na maitatago:
Inyong linisin ang nilalaman ng aming
mga puso +
sa pamamagitan ng inspirasyon ng Banal
na Espiritu, upang maging ganap ang
aming pag-ibig sa Inyo, at upang maging
karapat-dapat na kami ay magtaas ng
Inyong Banal na Pangalan; sa
pamamagitan ni Hesukristong aming
Panginoon.
Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Epiclesis
Tagapagdiwang: Kayo ay tunay
na banal, O Panginoon, ang bukal
ng lahat ng kabanalan. Gawing
banal ang mga handog na ito,
aming dalangin, sa pamamagitan
ng pagsusugo ng Inyong
Espiritu sa mga ito tulad ng
hamog, upang sila para sa
amin ay magiging Katawan+ at
Dugo+ ng aming Panginoong
Hesuskristo.
Ang Anamnesis
TAGAPAGDIWANG: Bago Siya
isinuko sa kamatayan, isang
kamatayang kusang-loob Niyang
tinanggap, Siya ay kumuha ng
Tinapay at nagbigay sa Inyo ng
pasasalamat. Hinati Niya ang
tinapay, ibinigay sa mga disipulo,
at sinabi:
“Tanggapin ninyo at kanin: Ito ang
Aking katawan, na ipinagkaloob
para sa inyo. Gawin ninyo ito
bilang pag-alaala sa Akin.”
Matapos ang hapunan, kinuha
Niya ang saro. Muli ay nagbigay
sa Inyo ng pasasalamat at
papuri, ibinigay ang saro sa
Kanyang mga disipulo, at
sinabi:
“Inumin ninyo, kayong lahat: Ito ang
Aking dugo ng bagong tipan, na
itinigis para sa inyo at para sa lahat sa
ikapagpapatawad ng mga kasalanan.
Sa tuwing ito ay inyong iinumin,
gawin ito bilang pag-alaala sa Akin.”
(Ang lahat ay tumayo)
Mysterium Fidei
TAGAPAGDIWANG: Ating ipahayag ang
misteryo ng ating pananampalataya:
LAHAT: Si Kristo ay namatay,
si Kristo ay nabuhay, si Kristo
ay muling magbabalik.
TAGAPAGDIWANG: Bilang pag-
alaala sa Kanyang kamatayan at
muling pagkabuhay, inihahandog
namin sa Inyo, Ama , itong tinapay
na nagbibigay-buhay, itong saro na
nagdudulot ng kaligtasan.
Nagpapasalamat kami sa Inyo na
itinuring Ninyo kaming karapat-
dapat na makatayo sa Inyong
presensiya at mapaglingkuran
Kayo.
Nawa kaming lahat na
nakikibahagi sa Katawan at Dugo
ni Hesus ay sama- samang pag-
isahin sa pamamagitan ng Banal
na Espiritu.
Panginoon, alalahanin ang Inyong
Simbahan sa buong mundo;
palaguin kami sa pag-ibig, kasama ng
aming Patriarch, na si Craig: Ricardo,
aming Primado, Obispo Paulino,
lahat ng mga Obispo, mga pari, at
mga Diyakono.
Ilapit ang aming mga puso upang
alalahanin ang mga mahihirap at
napipighati.
Sa aming pagtanggap ng Katawan
at Dugo ni Hesus, nawa kami ay
mahubog upang maging Katawan
ni Kristo sa mundo.
Kaawaan kaming lahat ; gawin
kaming karapat-dapat na makibahagi
sa walang hanggang buhay kasama ni
Maria ang Ina ng Dios, Si Jose na
kanyang asawa, kasama ang mga
Apostol, mga martir, at ang lahat ng
mga santo, lalo na si _________.
Nawa ay purihin Ka namin sa
pakikipagkaisa sa kanila at
bigyan Kayo ng luwalhati sa
pamamagitan ng Inyong anak
na si Hesukristo.
Ang Dakilang Doxolohiya
TAGAPAGDIWANG: Sa pamamagitan
Niya, kasama Niya at sa Kanya, sa
pakikiisa ng Banal na Espiritu, lahat ng
karangalan at kaluwalhatian ay
sumaInyo, Makapangyarihang Ama,
magpakailanman.
MGA TAO: Amen.
Ang Panalangin ng Panginoon
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay
manalangin pagdating ng
kaharian yamang si Hesus ay
nagturo sa atin…
Ama namin, sumasalangit Ka,
sambahin ang Ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian
Mo, Sundin ang loob Mo dito
sa lupa para ng sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon ng
aming kakanin sa araw-araw.
At patawarin Mo kami sa
aming sala, para ng
pagpapatawad namin sa
nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso. At iadya
Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa’Yo ang Kaharian,
Kapangyarihan at
Kapurihan ngayon at
magpakailanman ngayon at
magpakailanman. Amen
Ang Paghahati ng Tinapay
TAGAPAGDIWANG: Alleluya!
Si Kristong ating Kordero ay
ipinagpasakit para sa atin!
MGA TAO: Kaya ngayon,
panatilihin natin ang
pagdiriwang! Alleluya!
Agnus Dei
Kordero ng Dios na nag-aalis
ng mga kasalanan sa mundo,
Maawa Ka sa amin.
Kordero ng Dios, maaawa Ka.
(Ulitin)
Kordero ng Dios na nag-
aalis ng mga kasalanan sa
mundo, ipagkaloob Mo sa
amin ang kapayapaan.
Pascha Nostrum:
TAGAPAGDIWANG: Masdan ang
Kordero ng Dios Na Siyang nag-aalis
ng mga kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad silang tinawag sa Kanyang
hapag.
LAHAT: Panginoon, hindi ako
karapat-dapat upang Ikaw ay
papasukin sa aking tahanan,
subalit sambitin Mo lamang ang
Salita at ang aking kaluluwa ay
gagaling.
TAGAPAGDIWANG: Ang mga
kaloob ng Dios para sa bayan
ng Dios, tanggapin ito bilang
alaala na si Hesus ay
namatay para sa inyo at
kumain mula sa Kanya, sa
inyong mga puso, na may
pasasalamat.
Pagsasagawa
ng Komunyon
HULING HAPUNAN
Ito ang Tinapay ng buhay
Kanin mo’t makibahagi
Ito ang tinapay ng buhay
Kanin mo’t makiisa
‘Yan ang Katawang
binayubay Upang ikaw ay
mabuhay
‘Yan ang Katawang naghirap
Upang Iyong kamtan ang
buhay na walang hanggan.
Ito ang Saro ng Bagong
Tipan
Inumin mo’t makibahagi
Ito ang Saro ng Bagong
Tipan
Inumin mo’t makiisa
‘Yan ang Dugong dumanak
Upang Ikaw ay luminis
‘Yan ang Dugo ni Kristo na
para sa Iyo
Doon sa kalbaryo ay tumigis.
Ito ang Tinapay ng buhay
Ito ang Saro ng Bagong
Tipan
‘Yan ang Katawang
binayubay
‘Yan ang dugong itinigis
Ito ang aking patunay, ako’y
kasama Niyang namatay
Ito ang aking ipahahayag na
magbabalik si Hesus na
buhay.
IN MY LIFE LORD
In my life, Lord
Be glorified, be glorified
In my life, Lord
Be glorified today
In Your church, Lord
Be glorified, be glorified
In Your church, Lord
Be glorified today
Ang Panalangin Pagkatapos ng Kumunyon
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay manalangin.
LAHAT: Walang hanggang Dios,
makalangit na Ama, malugod Ninyo
kaming tinanggap bilang mga
nabubuhay na bahagi ng Inyong
anak na aming Tagapagligtas na si
Hesukristo, at kami ay pinakain
Ninyo ng espirituwal na pagkain
sa Sakramento ng Kanyang
Katawan at Dugo. Suguin Ninyo
kami sa sanlibutan sa
kapayapaan at pagkalooban
kami ng kalakasan at katapangan
na mahalin at paglingkuran
Kayo na may kagalakan at
kaisahan ng puso; sa
pamamagitan ni Kristong
aming Panginoon. Amen.
Pagpapala
TAGAPAGDIWANG:
Nawa si Hesu-Kristo, ang Anak
ng Diyos, ay mahayag sa inyo,
upang ang inyong mga buhay ay
maging ilaw ng sanlibutan;
Tanggapin ang pagpapala ng
Diyos na Makapangyarihan sa
lahat, ang Ama, ang Anak, at
ang Banal na Espiritu, na
sumasainyo at tuwina’y
nananatili sa inyo. Amen.
Ang Resesyonal
NON NOBIS DOMINE
Non nobis Domine,
Domine, Non nobis
Domine;
Sed Nomine, sed Nomine.
Tuo da gloria!
Paghayo
Tagapagdiwang: Humayo tayo
sa kapayapaan upang ibigin at
paglingkuran ang Diyos.
Mga Tao: Salamat sa Dios.
Alleluya! Alleluya! +Amen
IN HIM WE LIVE
In Him we live and move
and have our being. (2x)
Make a joyful noise,
sing unto the Lord!
Tell Him of Your love,
dance before Him!
Make a joyful noise,
Sing unto the Lord!
Tell Him of Your love,
Hallelujah!