You are on page 1of 7

KAPIT SA PATALIM, LIWANAG

SA DILIM: ANG WIKA AT


PANITIKANG FILIPINO SA
KURIKULUM NG KOLEHIYO
(1996-2014)
M A G - A A R A L AT G U R O

1. “Sa panahon ng Hapon, pansamantalang ipinagbawal ang Ingles


at pambansang wika ang ginamit na wikang panturo sa lahat ng
antas.”
2. “Liyamado pa rin nang kaunti ang Inles dahil sa may mandatory
na placement test sa Ingles ang mga mg-aaral bago sila kumuha
ng English 1.”
3. “Sa CMO No. 4, series of 1997, binawasan ang mga yunit ng
Filipino, Ingles at Pantitikan, para sa mga kumukuha ng kursong
hindi saklaw ng HUSOCOM.”
4. “Maraming paksa sa Filipino 1 at 2 sa kolehiyo na hindi maituturo
sa senior high school batay sa inilabas na competencies ng
DepEd.”
5. “sa pangkalahatan, dapat bigyang-diin na iba ang dulog ng
pagtuturo ng Filipino sa GEC sa kolehiyo, versus sa track-based
na dulog ng Filipino sa senior high school”
6. “Ang senior high school sa Pilipinas, laoo na ang huling taon, ay
nakapokus na lamang sa pagiging manggagawa ng estudyante
samantalag ang general education sa kolehiyo ay naglalayong
linangin ang pagiging tao ng estudyante, lagpas sa mga kadenang
ekonomikong nakatali sa pagiging manggagawa.”
PA A R A L A N

1. “Bunsod ng CMO No. 4 series of 2013, burado na ang espayo ng


wika at panitikang ”Filipino sa kurikulum ng kolehiyo.”
2. “Noong 1901 at 1902 ay nagpadala ang Amerikano ng 1000 guro
para magturo sa Pilipinas, Ingles ang naging midyum ng
sistemang pang-edukasyon mula noon.”
3. “Department Order No. 25 s. of 1974 ng DECS patuloy na
namayani ang Ingles sa sistemang pang-edukasyon sa
pamamagitan ng Implementing Guidelines for the policy on
Bilingual Education para sa lahat ng antas ng edukasyon.”
4. “Inilabas namang ng DECS ang Department Order No. 50 na nag-
aatas ng pagkakaroon ng asignaturang Ingles at Pilipino sa
kurikulum sa antas tersyarya.”
5. “Alinsunod sa CMO No. 59 s. of 1996, at CMO No. 4 s. of 1997,
mandatory sa lahat ng kurso ang wikang Filipino at ang
panitikang Filipino naman ay mandatory sa mga nag-aaral ng
kursong saklaw ng HUSOCOM o Humanities, Social Sciences at
Communication.
6. “Hindi masasaklaw ng mga asignatura sa senior high school ang
mga nilalaman at tinatalakay sa asignaturang Filipino sa kolehiyo. Sa
lumang GEC, 6 hanggang 9 yumit ang asignaturang Filipino alinsunod
sa CMO No. 04 s. of 1997.”
7. “Ang “paglilipat” ng mga asignatura mula kolehiyo tungong senior
high school at ang pagbabawas ng asignatura sa GEC para lamang
magdagdag sa high school ay hindi simpleng paglilipat at
pagbabawas.”
LIPUNAN

1. “Ayon sa artikulong “Who Killed the Liberal Arts? And why we


should care” ni Joseph Eistein, “The death of liberal arts
education would constitute a serious substraction.”
2. “Ayon naman kay Mr. Chipping, guro sa pelikulang “Goodbye Mr.
Chips” sa edukasyon robotiko at komersyal, “…you’re trying to run
the school like a factory for turning out moneymaking snobs.””
BANSA

1. “Sa pamamagitan ng probisyon sa Konstitusyon 1935, binuo ang


Surian ng Wikang Pambansa na nagrekomendang Tagalog ang
gawing batayan ng wikang pambansa Hindi agarang ginamit na
midyum ng pagtuturo ang wikang pambansa kaya nanatiling
malakas ang gahum ng Ingles hanggang sa kasalukuyan.”
2. “Wala talagang espasyo ang Filipino sa bagong GEC, bilang
asignatura man o bilang wikang panturo. Ang pagbura sa Filipino
sa kolehiyo ay hakbang paurong sapagkat babawasan nito ang
oportunidad para sa intelektwalisasyon.”

You might also like