You are on page 1of 185

3

RD

SUNDAY
OF
ADVENT
AWESOME IS THE LORD MOST
HIGH
Great are You, Lord
Mighty in strength
You are faithful
You will ever be
We will praise You
All of our days
It's for Your glory
We offer everything
Raise your hands, all you
nations
Shout to God all creation
How awesome is the Lord
most high
Where You send us
God, we will go
You're the answer
We want the world to know
We will trust You
When You call our name
Where You lead us
We'll follow all the way
We will praise You together
For now and forever
How awesome is the Lord
most high
Hallelujah!
Hallelujah!
How awesome is the Lord
most high
ANG PAGPUPURI
Tagapagdiwang: Purihin ang
Panginoon na nagpapatawad
ng lahat ng ating mga
kasalanan.
MGA TAO: Ang Kanyang awa
ay magpasawalanghanggan.
ANG
PANALANGIN
PARA SA MGA
BANAL
Tagapagdiwang: Tayo ay manalangin.
Makapangyarihang Diyos, Kayo
na nakababatid ng nilalaman ng
mga puso, lahat ng hangarin ay
Inyong nalalaman at sa Inyo ay
walang lihim na maitatago:
Inyong linisin ang nilalaman ng
aming mga puso +
sa pamamagitan ng inspirasyon ng
Banal na Espiritu, upang maging
ganap ang aming pag-ibig sa Inyo,
at upang maging karapat-dapat na
kami ay magtaas ng Inyong Banal
na Pangalan; sa pamamagitan ni
Hesukristong aming Panginoon.
Mga Tao : Amen.
ANG SAMPUNG
UTOS
Diyakono : Ganito ang sinabi
ng Diyos:
“Ako ang Panginoon mong Diyos
na naglabas sa iyo sa Egipto, sa
lupain ng pagkaalipin. Huwag
kang magkakaroon ng ibang
Diyos maliban sa Akin.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Huwag kang gagawa ng
imahen na kawangis ng
anumang bagay sa langit, sa
ibabaw ng lupa o sa ilalim ng
tubig. Huwag mo silang
yuyukuran o sasambahin.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Huwag mong gagamitin sa
walang kabuluhan ang
Pangalan ng Panginoon mong
Diyos.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Alalahanin mo ang araw ng
Sabbat at panatilihin itong
banal.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Diyakono :
“Igalang mo ang iyong ama at
ang iyong ina.”
MGA TAO: Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso
upang ingatan ang
kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
papatay.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso upang
ingatan ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
mangangalunya.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso upang
ingatan ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
magnanakaw.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at
ibaling ang aming puso upang
ingatan ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
sasaksi sa di katotohanan laban
sa inyong kapuwa.”
MGA TAO : Panginoon, maawa
Kayo sa amin at ibaling ang
aming puso upang ingatan
ang kautusang ito.
Tagapagdiwang : “Huwag kang
magnanasa o mag-iimbot.”
MGA TAO : Panginoon,
maawa Kayo sa amin at isulat
ang mga kautusang ito sa
aming puso, nagsusumamo
kami sa Inyo.
PAGKUKUMPISAL
NG MGA
KASALANAN AT
KAPATAWARAN
TAGAPAGDIWANG:
Para sa paghahanda ng ating
mga sarili sa pagdiriwang ng
banal na misteryo, ating
alalahanin ang ating mga
pagkakasala.
Maawaing Dios, inaamin
kong ako ay nagkasala
laban sa Inyo, sa isip, sa
salita at sa gawa; dahil sa
aking mga ginawa, at mga
hindi tinapos na gawain.
Hindi ko Kayo inibig nang
buong puso.
Hindi ko inibig ang aming
kapwa gaya ng pag-ibig ko
sa aking sarili. Tunay at
mapagkumbaba akong
nagsisisi, alang-alang sa
Inyong anak na si
Hesukristo, kaawaan ako
at patawarin;
Upang ako ay maging
kalugod-lugod sa Inyong
kalooban at lumakad sa
Inyong mga daan, sa
ikaluluwalhati ng Inyong
Pangalan. Amen.
TAGAPAGDIWANG:
Ang Makapangyarihan at mahabaging
Panginoon, + ay pagkalooban kayo ng
kapatawaran at pagpapawi ng Inyong
mga kasalanan, tunay na pagsisisi,
pagbabago ng buhay, at ng biyaya at
kaaliwan ng Kanyang Banal na
Espiritu. Amen
EMMANUEL
Emmanuel, Emmanuel,
His name is called
Emmanuel.
God with us, revealed in us,
His name is called
Emmanuel.
TAGAPAGDIWANG:
Ang Panginoon ay
sumainyo.
MGA TAO:
At sumainyong espiritu.
ANG
PANALANGIN
PARA SA ARAW
NA ITO
ANG
MINISTERYO
NG
SALITA
Unang
Pagpapahayag ng
Salita
ISAIAH
61: 1-4, 10-11
Tiyak ang pagdating ng
panahon na ihahayag ang
kaluguran ng Panginoon at
ang araw ng Kanyang
paghihiganti. Isasaalang-alang
Niya ang mga aba at ang mga
totoong sumunod sa Kanya.
Ang Kanyang pagliligtas ay
makatuwiran kung kaya’t Siya
ay buong kagalakang
pupurihin at sasambahin.
ISAIAH
61: 1-4, 10-11
Tugunang Awit:
AWIT
126 : 1 – 6
Tagabasa:
Nang ibalik ng Panginoon
sa Sion ang mga bihag,
katulad nami’y mga taong
nanaginip.
Mga Tao:
Ang mga labi nami’y
nagpapahayag ng lubos na
katuwaan, at ang mga dila
nami’y umaawit sa kagalakan.
Tagabasa:
Pagkatapos, sinabi sa mga
dukha, “Gumawa ang
Panginoon ng mga dakilang
bagay para sa kanila.”
Mga Tao:
Gumawa ang Panginoon ng
mga dakilang bagay para sa
atin, at napuspos tayo ng
kagalakan.
Tagabasa:
Ibalik Mo ang aming mga
kapalaran, O Panginoon,
tulad ng mga batis sa
Negeb.
Mga Tao:
Silang naghasik ng mga
luha ay mag-aani ng mga
awitin ng kagalakan.
Tagabasa:
Siyang lumalabas na
nananangis, upang ihasik
ang taglay na binhi,
Mga Tao:
ay babalik na taglay ang
mga awitin ng kagalakan na
may dalang mga bigkis ng
uhay.
Gloria Patri
”Ang Ama’y luwalhatiin at ang
Anak at ang Espiritu. Simula
pa noong una,ngayon,
magpakailanman walang
hanggan. Amen”
I STAND IN AWE
You are beautiful beyond
description
Too marvellous for words
Too wonderful for
comprehension
Like nothing ever seen or heard
Who can grasp Your infinite
wisdom
Who can fathom the depth of
Your love
You are beautiful beyond
description
Majesty enthroned above.
And I stand, I stand in awe of
You
I stand, I stand in awe of You
Holy God to Whom all praise is
due
I stand in awe of You.
Pangalawang
Pagpapahayag ng
Salita
1 TESSALONICA
5:16-24
Ang Dios ng kapayapaan ang
nagdudulot ng tunay na
kagalakan. Ito ay sa pamamagitan
ng Santong Espiritu na nagbibigay
ng kapangyarihan sa atin upang
maging matibay an gating
kalooban sa anumang sitwasyon
1 TESSALONICA
5:16-24
GRADWAL
NA
TALATA
FOREVER, O LORD

 Forever, Oh Lord, Your


Word is settled in heaven;
Your faithfulness, Lord,
continues to all
generations.
FOREVER, O LORD

 Your covenant
magnified,
exalted along with Your
holy Name.
Rejoicing in
promises, I meditate
on all Your righteous
ways!
I lift up my hands
and praise the power
of Your commands.
Forever, O Lord, Your
Word shall stand!
Forever, O Lord, Your
Word shall stand!
Diyakono:
Ang Panginoon ay sumainyo.
Mga Tao :
At sumainyong espiritu.
Diyakono:
Nawa ang Panginoon ay
sumaating mga isipan, mga
labi, at mga puso habang tayo
ay nakikinig ng Kanyang
Banal na Balita.
Ang Mabuting Balita ng ating
Panginoong Hesukristo ayon kay
San Juan ika-1 kabanata.
Mga Tao:
Luwalhati sa Inyo,
Panginoong Hesukristo!
Pagpapahayag ng Mabuting
Balita

JUAN
1:6-8, 19-28
Diyakono: Ang Mabuting
Balita ng Ating Panginoon.
Mga Tao: Papuri sa Inyo,
Panginoong Hesukristo
HOMILIYA
“Bear Witness of the
Light of His Coming”
KREDO
NG
NISEYA
LAHAT:
Kami ay sumasampalataya sa
iisang Diyos, ang Amang
Makapangyarihan sa lahat,
Lumikha ng langit at Lupa, at ng
lahat ng bagay: nakikita at di
nakikita; at sa iisang Panginoon,
Kristo Hesus, ang tanging
Bugtong na Anak ng Diyos,
magpasawalang-hanggang
Bugtong na Anak ng Kanyang
Ama bago pa ang lahat ng
sangnilikha; Diyos buhat sa
Diyos,Liwanag buhat sa
Liwanag,
Tunay na Diyos buhat sa Tunay
na Diyos, Bugtong na Anak, di
gawa, isang diwa kasama ng
Ama; sa pamamagitan Niya
nilikha ang lahat ng bagay; Siya
na para sa ating sangkatauhan
at para sa ating kaligtasan, ay
bumaba mula
sa Langit; at ipinagdalangtao sa
pamamagitan ng Banal na
Espiritu at ni Birhen Maria, at
naging tao; at ipinako rin sa
krus sa pamamagitan ni Poncio
Pilato, Siya ay naghirap
hanggang sa kamatayan at
inilibing.
At sa ikatlong araw, Siya’y
muling nabuhay ayon sa Banal
na Kasulatan; at umakyat sa
Langit, at naluklok sa kanang
kamay ng Ama; at Siya ay
babalik na muli nang may
kaluwalhatian, upang hatulan
ang mga buhay at patay
Siya na ang Kaharian ay walang
katapusan.
At kami ay sumasampalataya sa
Banal na Espiritu, ang
Panginoon, at Tagapagbigay ng
Buhay. Siya ay nagmula sa Ama;
kasama ng Ama at ng Anak, Siya
ay sinasamba at
at niluluwalhati.
Siya ay nangusap sa
pamamagitan ng mga propeta.
Kami ay sumasampalataya sa
iisa, banal, katoliko at
Apostolikong Iglesia;
kumikilala kami sa iisang
bawtismo para sa kapatawaran
ng mga kasalanan; kami ay
umaasa sa muling pagkabuhay
ng mga patay, at sa buhay ng
daigdig na darating. Amen. +
ANG PANALANGIN
NG MGA TAPAT
DIYAKONO: Sa kapayapaan,
kami ay nananalangin sa Inyo,
Panginoong Diyos.
Para sa lahat ng tao sa
kanilang pang araw-araw na
buhay at gawain;
MGA TAO:
Para sa aming mga pamilya,
mga kaibigan, at mga
kapwa, at para sa lahat na
nag-iisa.
DIYAKONO: Para sa aming
Alkalde at sa pamayanang
ito, sa aming Presidente at sa
bansang ito, sa aming mga
kababayan at sa sanlibutan.
MGA TAO: Para sa lahat na
gumagawa para sa
katarungan, kalayaan, at
kapayapaan.
DIYAKONO: Para sa
makatarungan at tamang
paggamit ng Inyong
sangnilikha;
MGA TAO: Para sa mga
biktima ng gutom, takot,
kawalang katarungan, at
pang-aapi.
DIYAKONO: Para sa lahat
ng nasa panganib,
nagdadalamhati, at nasa
anumang uri ng kaguluhan;
MGA TAO: Para sa lahat
ng naglilingkod sa mga
maysakit, sa mga walang
kaibigan, at sa mga
nangangailangan.
DIYAKONO: Para sa
kapayapaan at pagkakaisa
ng Iglesia ng Diyos;
MGA TAO: Para sa lahat
ng nagpapahayag ng
Ebanghelyo, at sa lahat ng
naghahanap ng
Katotohanan.
DIYAKONO: Para sa aming
Patriyarka, Arsobispo Craig, at
sa aming Obispo, Obispo
Paulino; at para sa lahat ng
Obispo at sa lahat ng
tagapangasiwa;
MGA TAO: Para sa lahat ng
naglilingkod sa Diyos sa
Kanyang Iglesia.
DIYAKONO: Para sa mga
pangangailangan at mga
alalahanin ng kongregasyong
ito, at lalo na __________.
Aming dalangin para sa lahat
ng pumanaw na, nang sila ay
magkaroon ng lugar sa Inyong
walang hanggang kaharian.
MGA TAO:
Upang sila ay magkaroon ng
walang hanggang
kapahingahan.
DIYAKONO: Itinataas namin
Kayo, O Diyos aming Hari;
MGA TAO: At pinupuri ang
Inyong Pangalan magpakailan-
kailanman.
ANG
PANGWAKAS NA
PANALANGIN
TAGAPAGDIWANG:
O Diyos, Inyong nilikha ang lahat
ng bagay sa pamamagitan ng
kapangyarihan ng Inyong Salita,
at Inyong binago ang daigdig sa
pamamagitan ng Inyong Espiritu:
Ipagkaloob ngayon ang tubig ng
buhay sa mga nauuhaw sa Inyo,
upang sila ay makapagdala ng
masaganang bunga sa Inyong
maluwalhating Kaharian; sa
pamamagitan ni Hesu-Kristo na
aming Panginoon.
AMEN
Ang Kapayapaan
TAGAPAGDIWANG: Ang Kapayapaan
ng Panginoon ay laging sumainyo.
MGA TAO: At sumainyo rin.
TAGAPAGDIWANG: Ibahagi ninyo sa
bawat isa ang simbolo ng kapayapaan
ni Kristo.
ANG
KAPAYAPAAN
ANG BANAL
NA
KUMUNYON
TAYO NA’T IALAY
Tayo na’t ialay ang ating
pagpupuri
Tayo na’t ialay ang ating
pagpupuri
Pasasalamat sa Kanya (2X)
Ialay natin ang papuri
Ialay natin sa Panginoon.
Ang Paghihikayat sa
Paghahandog
Paghahandog ng Papuri
at Pagsamba
Tagapagdiwang : Pinagpala Kayo,
Panginoong Diyos ng buong sangnilikha.
Sapagkat sa pamamagitan ng Inyong
kabutihan ay aming tinanggap ang
tinapay na aming handog sa Inyo; ang
bunga ng sangkalupaan at gawa ng mga
kamay ng tao, ito ay magiging Katawan ni
Kristo.
Tugon: Pinagpala ang
Diyos magpakailanman.
Tagapagdiwang: Sa paghalo ng
tubig na ito at alak nawa ay
makabahagi kami sa pagkaDios ni
Kristo, Siya na nagpakumbaba ng
Kanyang sarili upang makibahagi sa
aming pagiging tao.
Tagapagdiwang : Pinagpala Kayo,
Panginoon ng buong sangnilikha. Sa
Inyong kabutihan narito ang alak bilang
aming handog, nagmula sa ubas at
gawa ng mga kamay ng tao. Ito ay
magiging Dugo ni Kristo para sa amin.
Tugon:
Pinagpala ang Diyos
magpakailanman.
Tagapagdiwang : Pinagpala
Kayo, Panginoon ng buong
sangnilikha. Sa pamamagitan
ng Inyong kabutihan aming
inihanda ang mga ikapu at
mga handog sa Inyo.
Sila ay gagamitin sa Inyong
Simbahan para sa gawaing
Inyong itinakda sa amin at sa
pagpapalawig ng Inyong
Kaharian.
TAGAPAGDIWANG: Idalangin,
mga kapatid, na ang ating mga
handog ng papuri at pasasalamat
ay maging katanggap-tanggap sa
Dios, ang Makapangyarihang Ama.
MGA TAO: Nawa’y tanggapin ng
Panginoon ang handog mula sa
Inyong mga kamay para sa
kapurihan at kaluwalhatian ng
Kanyang Pangalan, para sa aming
kabutihan at para sa kabutihan ng
lahat ng Kanyang Simbahan.
ANG DOXOLOHIYA
Purihin ang Nagpapala, Dios
ng buong sangnilikha.
Purihin sa kalangitan, Ama,
Anak, Diwang Banal! Amen.
Ang Dakilang Pasasalamat
TAGAPAGDIWANG:
Ang Panginoon ay sumainyo.
MGA TAO:
At sumainyong espiritu.
TAGAPAGDIWANG: Itaas
ninyo ang inyong puso.
MGA TAO: Itinataas namin
sa Panginoon.
TAGAPAGDIWANG:
Pasalamatan natin ang
Panginoon nating Dios.
MGA TAO: Tunay na Siya ay
nararapat na bigyan ng
pasasalamat at pagpupuri.
Tagapagdiwang: Tunay na
wasto at matuwid, aming
tungkulin at aming kaligtasan,
sa tuwina at saan man upang
bigyan Kayo ng pasasalamat,
Panginoon, Banal na Ama,
Makapangyarihan at walang
hanggang Diyos sa pamamagitan
ng Kristong aming Panginoon.
Sapagkat inako Niya sa Kanyang
unang pagdating ang kababaan
ng katawang lupa, at
at tinupad ang plano na Inyong
hinubog sa loob ng mahabang
panahon, atbinuksan para sa
aminang daan tungo sa walang
hanggang kaligtasan, upang sa
Kanyang muling pagdating sa
kaluwalhatian at kaningningan at
ang lahat sa wakas ay mahayag
na, kami na nagbabantay para sa
araw na iyon ay nagmana ng
dakilang pangako na sa
kasalukuyan ay aming lakas-loob
na inaasahan.
Sanctus Benedictus
TAGAPAGDIWANG: Kung
kaya’t kasama ng mga Anghel
at mga Arkanghel, kasama ng
mga Trono at mga
Tagapamahala at Kasama ng
lahat ng hukbo at mga
kapangyarihan ng kalangitan,
aming inaawit ang awit ng
Inyong kaluwalhatian, walang
humpay naming ipinapahayag.
SANCTUS

Santo, Santo, Santo


Makapangyarihang Dios
Lupa’t langit ay puspos
ng kaluwalhatian Mo.
SANCTUS

Santo, Santo, Santo


Makapangyarihang Dios
Pinagpala Siyang
dumarating sa Ngalan
ng Panginoon
SANCTUS

Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Hosanna, Hosanna sa
kaitaasan!
Tagapagdiwang: Ama, Kayo ay
tunay na banal, at ang buong
sangnilikha ay matuwid na
nagbibigay sa Inyo ng papuri.
Lahat ng buhay, lahat ng
kabanalan ay nagmumula sa
Inyo sa pamamagitan ng Inyong
Anak na si HesuKristong Aming
Panginoon, sa pamamagitan ng
mga gawa ng Espiritu Santo. At
hindi Kayo humihinto sa
pagtitipon ng isang bayan para
sa Inyo, kung kaya’t mula sa
pagsikat ng araw hanggang sa
Paglubog nito, ang dalisay na
handog ay maialay sa Inyong
Pangalan.
Epiclesis
Tagapagdiwang: Kung kaya
naman, O Panginoon, may
kababaang-loob na isinasamo
sa Inyo: sa pamamagitan ng
Espiritu Santo na magiliw na
gawing banal ang mga kaloob
na ito na aming alay sa Inyo
para sa pagbasbas, upang sila
ay maging Katawan at Dugo ng
Inyong Anak na si HesuKristo,
Siya na nag-utos sa amin na
ipagdiwang ang mga
misteryong ito.
Ang Anamnesis
TAGAPAGDIWANG:
Nang gabi Siya ay ipinagkanulo,
kumuha Siya ng tinapay at
nagbigay sa Inyo ng pasasalamat
at papuri. Hinati ang tinapay,
ibinigay ito sa Kanyang mga
alagad at sinabi:
“Tanggapin ninyo at kanin: Ito
ang Aking katawan, na
ipinagkaloob para sa inyo.
Gawin ninyo ito bilang pag-
alaala sa Akin.”
Nang matapos ang hapunan,
kinuha Niya ang saro. Muli ay
nagbigay sa Inyo ng
pasasalamat at papuri,
ibinigay ang saro sa Kanyang
mga disipulo, at sinabi:
“Inumin ninyo, kayong lahat: Ito ang
Aking dugo ng bagong tipan, na
itinigis para sa inyo at para sa lahat
sa ikapagpapatawad ng mga
kasalanan. Sa tuwing ito ay inyong
iinumin, gawin ito bilang pag-alaala
sa Akin.”
(Ang lahat ay tumayo)
MYSTERIUM
FIDEI
TAGAPAGDIWANG:
Ating ipahayag ang misteryo ng
ating pananampalataya:
LAHAT: Si Kristo ay namatay,
si Kristo ay nabuhay, si Kristo
ay muling magbabalik.
Alleluya
TAGAPAGDIWANG:
Ama, inaalala naming ang kamatayang
binata ng Inyong Anak para sa aming
kaligtasan, ang Kanyang maluwalhating
muling pagbabalik, aming iniaalay sa
Inyo ng may pasasalamat ang banal at
buhay na handog na ito.
Masdan ng may kabutihan ang
handog ng Inyong Simbahan, at
kinikilala ang sakripisyong Alay
kung saan sa Kanyang
kamatayan kami ay
ipinagkasundo sa Inyo.
Ipagkaloob na kami na lumalago
sa pamamagitan ng Kanyang
Katawan at Dugo, ay mapuspos
ng Espiritu Santo, at maging isang
Katawan kay Kristo.
Nawa ay gawin kaming walang
hanggang handog sa Inyo at
bigyan kami ng kakayahan upang
makihati sa pamana ng Inyong
mga Santo, kasama ng
Pinagpalang si Maria, ang ina ni
Hesukristong aming Panginoong
Diyos, si Jose na kanyang asawa,
mga apostol, mga martir at ang
lahat ng Inyong mga santo (____),
Kung saan ang kanilang patuloy
na pananalangin sa Inyong
presensiya ang siyang inaasahan
para sa walang kabiguang
pagdamay sa amin.
Palakasin sa pananampalataya
ang Inyong Simbahan sa lupa,
kasama ng Inyong lingkod na si
Craig, ang aming ‘Patriarch’,
Paulino, ang aming Obispo, at
lahat ng mga Obispo, kasama ng
mga tagapamahala at ng lahat ng
tao na tinipon ng Inyong Anak
para sa Inyo.
Dinggin ng may kaaliwan ang
mga panalangin ng sambahayang
ito, na Inyong tinawag sa Inyong
harapan: Sa inyong awa, O
mahabaging Ama, tipunin ang
lahat ng Inyong mga anak na
nasa lahat ng bahagi ng mundo,
sa pamamagitan ni HesuKristong
aming Panginoon, kung saan
nagmumula ang lahat ng
mabubting bagay.
ANG DAKILANG
DOXOLOHIYA
TAGAPAGDIWANG:
Sa pamamagitan Niya, kasama
Niya at sa Kanya, sa pakikiisa ng
Banal na Espiritu, lahat ng
karangalan at kaluwalhatian ay
sumaInyo, Makapangyarihang
Ama, magpakailanman.
MGA TAO: Amen.
ANG
PANALANGIN NG
PANGINOON
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay
manalangin pagdating ng
kaharian yamang si Hesus ay
nagturo sa atin…
Ama namin, sumasalangit Ka,
sambahin ang Ngalan Mo.
Mapasaamin ang Kaharian
Mo, Sundin ang loob Mo dito
sa lupa para ng sa langit.
Bigyan Mo kami ngayon
ng aming kakanin sa araw-
araw.
At patawarin Mo kami sa
aming mga sala,
para ng pagpapatawad namin
sa nagkakasala sa amin.
At huwag Mo kaming
ipahintulot sa tukso. At iadya
Mo kami sa lahat ng masama.
Sapagkat sa’Yo ang Kaharian,
Kapangyarihan at
Kapurihan ngayon at
magpakailanman, ngayon at
magpakailanman. Amen
Ang Paghahati ng Tinapay
TAGAPAGDIWANG: Alleluya!
Si Kristong ating Kordero ay
ipinagpasakit para sa atin!
MGA TAO: Kaya ngayon,
panatilihin natin ang
pagdiriwang!
AGNUS DEI
Kordero ng Dios na nag-aalis
ng mga kasalanan sa mundo,
Maawa Ka sa amin.
Kordero ng Dios, maaawa Ka.
(Ulitin)
Kordero ng Dios na nag-
aalis ng mga kasalanan
sa mundo, ipagkaloob
Mo sa amin ang
kapayapaan.
Pascha Nostrum:
TAGAPAGDIWANG: Masdan
ang Kordero ng Diyos, masdan
Siya na nag-aalis ng mga
kasalanan ng sanlibutan.
Mapalad sila na tinawag sa
hapag ng Kordero.
LAHAT: Panginoon, hindi
ako karapat-dapat upang
Ikaw ay papasukin sa aking
tahanan, subalit sambitin
Mo lamang ang Salita at ang
aking kaluluwa ay gagaling.
TAGAPAGDIWANG: Ang
mga kaloob ng Diyos para sa
bayan ng Diyos, tanggapin ito
bilang alaala na si Hesus ay
namatay para sa inyo at
kumain mula sa Kanya, sa
inyong mga puso, na may
pasasalamat.
Pagsasagawa
ng Komunyon
BLEST ARE YOU LORD
Blest are You Lord
God of all creation
Thanks to Your goodness
This Bread we offer
Fruit of the earth
Work of our hands
This will become the Bread
of life
Chorus:
Blessed be God
Blessed be God
Blessed be God forever,
Amen.
(Repeat)
Blest are You Lord
God of all creation
Thanks to Your goodness
This wine we offer
Fruit of the vine
Work of our hands
This will become the Cup of Joy.
Chorus:
Blessed be God
Blessed be God
Blessed be God forever,
Amen.
(Repeat)
ANG
PANALANGIN
PAGKATPOS NG
KOMUNYON
TAGAPAGDIWANG: Tayo ay
manalangin.
LAHAT: Walang hanggang Dios,
makalangit na Ama, malugod
Ninyo kaming tinanggap bilang
mga nabubuhay na bahagi ng
Inyong anak na aming
Tagapagligtas na si HesuKristo,
at kami ay pinakain Ninyo ng
espirituwal na pagkain sa
Sakramento ng Kanyang
Katawan at Dugo. Suguin
Ninyo kami sa sanlibutan sa
kapayapaan at pagkalooban
kami ng kalakasan at
katapangan na mahalin at
paglingkuran Kayo na may
kagalakan at kaisahan ng
puso; sa pamamagitan ni
Kristong aming Panginoon.
Amen.
PAGPAPALA
AT
PAGHAYO
Pagpapala
TAGAPAGDIWANG:
Siya na sa Kanyang ikalawang
pagbabalik sa kapangyarihan at
dakilang kaluwalhatian na ating
hinihintay ay pinuspos na kayo upang
maging matatag sa pananampalataya,
nagagalak sa pag-asa, at
nananatili sa pag-ibig; Tanggapin
ang pagpapala ng Diyos na
Makapangyarihan sa lahat, ang
Ama, ang Anak, at ang Banal na
Espiritu, na sumasainyo at
tuwina’y nananatili sa inyo. Amen.
Paghayo
Tagapagdiwang: Humayo tayo
sa kapayapaan upang ibigin at
paglingkuran ang Diyos.
Mga Tao: Salamat sa Dios.
Alleluya! Alleluya! +Amen
SHINE JESUS SHINE
Chorus:
Shine, Jesus shine
Fill this land with the
Father's glory
Blaze, Spirit blaze
Set our hearts on fire
Lord, the light of Your love is
shining
In the midst of the darkness shining
Jesus, light of the world shine upon
us
Set us free by the truth You now
bring us
Shine on me, shine on me
Chorus:
Shine, Jesus shine
Fill this land with the
Father's glory
Blaze, Spirit blaze
Set our hearts on fire
Flow, river flow
Flood the nations with grace and
mercy
Send forth Your Word
And let there be light
Shout for joy
Rise up and praise Him
He deserves our love
Lord, I come to Your awesome
presence
From the shadows into Your
radiance
By the blood I may enter Your
brightness
Search me, try me
Consume all my darkness
Shine on me, shine on me
Chorus:
Shine, Jesus shine
Fill this land with the
Father's glory
Blaze, Spirit blaze
Set our hearts on fire
Flow, river flow
Flood the nations with grace and
mercy
Send forth Your Word
And let there be light
Shout for joy
Rise up and praise Him
He deserves our love
Chorus:
Shine, Jesus shine
Fill this land with the
Father's glory
Blaze, Spirit blaze
Set our hearts on fire
As we gaze on Your kingly
brightness
So our faces display Your likeness
Ever changing from glory to glory
Mirrored here may our lives
Tell Your story
Shine on me, shine on me

You might also like