You are on page 1of 21

Daily Meditation on

The Book of Proverbs


Kawikaan 3:5
“Kay Yahweh ka magtiwala, buong puso at
lubusan, at huwag kang manangan sa sariling
karunungan.”
Misteryoso ang buhay!
Isipin mo ito:
Matagal na tayong humaharap sa pandemya.
Pandemya ng kamangmangan.
Pandemya ng kahungkagan.
Pandemya ng pagkukumahog sa sariling kagustuhan.
Pandemya ng mataas na pagkabilib sa sarili.
At nang dumating ang pandemyang pumapatay sa
tao, maraming lumuhod at humingi ng lakas,
karunungan, pag-iingat, kapayapaan, kaaliwan at
kaligtasan sa Diyos. Inaakala kasi nating mga tao na
hindi tayo matitibag at kung masalanta man,
madaling babangon dahil may mga inimpok at
pinagpaguran.
Pero, gugulatin tayo at hahampasin ng sitwasyon.
Malibang ipaubaya natin sa Diyos ang ating mga
kahinaan, gaano man ka-misteryoso ang buhay,
haharapin natin ito nang may lakas ng loob, dahil sa
Kanya, may seguridad tayo. Dahil sa Kanya,
kalmado tayo. Dahil sa Kanya, may bukas na palagi
nating pananabikan at ipagpapasalamat.

Kristine Joy G. Lontoc


Daily Meditation on
The Book of Proverbs
Kawikaan 2:3
“Pagsikapan mong hanapin ang tunay na
kaalaman, pang-unawa’y pilitin mong
makita at masumpungan.”
Banal ang mga dahilan ng humahanap sa
karunungan.
Mahirap ba itong masumpungan?
Oo. Para sa tamad at walang pahalaga sa
kanyang buhay.
Hindi. Para sa umaaming kung walang
kaunawaa’y mawawasak lamang ang mga
pinagsisikapan sa buhay.
Kung ito ang kauuhawan ng bawat tao,
walang magpapayabangan, lalong wala
tayong panghihinayangan. Nagpahalaga ka
sa totoong mahalaga e, di ba?!
Panghawakan natin: Hindi tayo magiging
basta-basta kahit walang maipagmamalaking
kayamanan; may kalidad ang taong taglay
ang karunungan.
Hindi ito instant. Pinagtatrabahuhan ito.
Binibigyan ng panahong matamo.
Idinadalangin!

Kristine Joy G. Lontoc


Daily Meditation on
The Book of Proverbs
Kawikaan 4:7
“Unahin mo sa lahat ang pagtuklas ng
kaalaman.
Ito’y pilitin mong matamo kahit gaano
kamahal.” 
Kung gaano natin pinagsisikapan ang
pagtatamo ng karunungan, nahahayag ‘yan
sa ating araw-araw na buhay.
Ngayon tingnan mo:
Bakit kaya maraming pumapalpak sa
desisyon mo?
Bakit kaya kahit paulit-ulit kang
nagkakamali, ‘di ka pa rin natututo?
Sa tingin mo, bakit kaya hanggang
ngayon ganyan pa rin ang takbo ng isip at
pananaw mo?
Bakit kaya walang nagyayaring pag-unlad
sa pagkatao mo?
Bakit kaya hanggang ngayon, ikaw pa rin
ang sakit ng ulo ng ibang tao?
Pag-isipan mo ngayon at pakalimi-
limiin, baka sa dami ng pinagkakaabalahan
mo, namamali ang tuon ng iyong buhay.
Baka pwedeng bago mo pagandahin ang
iyong panlabas, pagsikapin mo rin ang
ikagaganda ng laman ng isip at puso mo.

Dcn. Aldo V. Cometa


Daily Meditation on
The Book of Proverbs
 Kawikaan 5:22-23
"Ang masasamang gawain ng tao ay
gumagapos sa kanya, ang tali ng kanyang
mga kasamaan ang pumipigil sa kanya.22
Mamatay siya sa kawalan ng disiplina,
iniligaw ng sariling kamangmangan.23”
Ang pagmamahal ng Dios ay ipinagkaloob sa
atin nang may kalakip na disiplina. Bilang
tao, may bunga ang lahat ng ating ginagawa.
"Hindi takot ang tao na magkasala sapagkat
hindi naman agad mararamdaman ang epekto
ng mga ito."
Baligtarin natin.
"Hindi tinitinuan ng tao ang buhay sapagkat
hindi rin nila agad nakikita ang epekto ng
mga ito.”
Ibinigay sa atin ang karunungan upang
iparanas sa atin ang ganda ng buhay.
Sadyang malungkot ang hungkag na
pamumuhay sapagkat tulad ito ng halamang
hindi namumunga, hindi kita ang ganda.
Literal na pag-intindi at espiritwal na
pagkilos ang kailangan upang mapanatili ang
disiplina.

Dcn. Esmeraldo M. Alba III


Daily Meditation on
The Book of Proverbs
Kawikaan 6:6
Tingnan mo ang mga langgam, ikaw na
taong ubod ng tamad, pamumuhay niya'y
masdan mo at nang ikaw ay mamulat. 
Gising! Tayong mga tinatamad sa buhay ng
pagiging Kristiyano!
Ang buhay ng Kristiyano ay pagkakaroon ng
pakikiisang kusa at pakikibaka sa haharapin
natin sa kabila.
Tulad ng langgam na sunod-sunod habang
sabay-sabay at tulong-tulong kung gumawa,
gayon din ang ating gawin para sa adhihikain
na mas mapaunlad pa ang ating kolonya
(komunidad). Kamitin natin ang karunungan sa
pagkainggit sa langgam na bagama’t maliit ay
s’ya namang malupit sa kasipagan.
Tayo bilang mga tao ay mas maraming
magagawa na higit pa sa langgam.
Ay ano ka na Beshy?! Sipag-sipagan mo at
baka ikaw naman ang langgamin.

Ezekiel M. Alba
Daily Meditation on
Kawikaan 7:1
" Anak Ko ingatan mo ang Aking mga
The Book of Proverbs
salita, at impukin mo sa iyo ang aking
mga utos."
Bilang isang anak, naranasan ko na ang
pagsuway, pero ‘di hamak na mas mainam
ang pagsunod. Naranasan ko na ang hindi
pakinggan ang nagsasabi, ngunit ‘di hamak
na mas mainam ang makinig ng may
tinatandaan na pagkakamali. Naranasan ko
nang mag-ingat ng isang bagay na mahalaga,
ngunit mas mahalagang ingatan ang salitang
nagmula sa karunungan. Masarap mag-
impok ng kayamanan ngunit mas mainam na
impukin ang karunungang nagmumula sa
Dios.
Ano nga ba ang mahalaga para sa tao? Ang
kayamanan o ang karunungan ng Dios?
Nakakataba ng puso kung ang sagot ng
karamihan ay ang karunungan, hindi ba?
Ngunit sa palagay ko, mas marami ang
nahuhumaling sa makamundong mga bagay.
Tunay na nakakalungkot!

Kaya umpisahan nang mag-impok ng mga


salitang magiging yaman ng ating pagkatao.
Ang kababaan ang katunayan ng totoong
pakikinig

Darwin S. Galeon
Daily Meditation on
The Book of Proverbs
Kawikaan 8:1
"Hindi ba't tumatawag ang karunungan?
Hindi ba't sumisigaw ang unawa?"
Ang mundong ating ginagalawan ay
puno ng karunungan, ngunit marami sa atin
ang hindi ito matagpuan kahit na nagkalat
ang mga ito sa ating daraanan.
Bakit kaya? Hmmmm…?!
Hindi natin namamalayan na
dinadamitan at pinalalamutian lamang tayo
ng mundo upang mabulag sa karunungan ng
Dios. Nasanay tayong lumakad sa malawak
at komportableng daan kaya nananatili
tayong takot na gawin pa ang higit na
makabubuti sa mga paraang hindi madali at
kailangan ng sakripisyo.
Anong kulang sa atin? Totoong unawa
na magdadala sa atin ng totoong ginhawa.

Daniel S. Galeon
Daily Meditation on
The Book of Proverbs Kawikaan 9:11
“Sa pamamagitan ko, hahaba ang iyong
araw, dahil sa akin, lalawig ang iyong
buhay.” 
Walang sino man sa atin ang nakababatid
ng bukas at walang sino man sa atin ang
namuhay ng mapayapa na hindi kasama ang
Dios. 
Gaano nga ba tayo nagpapahalaga sa buhay
na tinanggap natin mula sa Dios? Gaano
tayo nakapagpapadama ng pasasalamat sa
Kanya? Sa araw-araw na kalakasan at
proteksyong kaloob Niya, nawa'y makita
natin ang pagnanais ng Dios na mapabuti
tayo, hindi sa pamamagitan ng mga
materyal na bagay, kundi sa pagmamahal
na inilalapat Niya sa atin. 
Hindi lamang pagkilala sa Dios ang nais
Niya kundi ang pagpapakitang
nagpapailalim tayo sa Kanyang kalooban.

Hannah Grace S. Galeon


Kawikaan 10:19 Daily Meditation on
“Ang taong masalita ay malapit sa The Book of Proverbs
pagkakasala,
ngunit ang nagpipigil ng dila ay dunong ang
pakilala.”
Sa ating mga salita nakasalalay kung anong
klase ng pagkatao mayroon tayo, ika nga'y kung
ano ang lumalabas sa bibig mo, ‘yun ka.
Alin nga ba ang mas matimbang sa libo-libong
salitang lumalabas sa ating bibig? Pamumuri o
panghuhusga? Mga salitang pumapatay o
nagbibigay-buhay? O mga salitang mula sa galit
at bugso ng emosyon kaya sa halip na magbuo
ay nagwawasak ng pagkatao’t relasyon?
Napakaraming tao na ang ating nakasalamuha.
May pagmamalaki ba nating masasabi na mas
angat ang ating mga salitang hinugot sa
karunungan ng Dios kaysa sa mga salita na ang
intensyon ay ang ipakilala ang sarili?
Huwag nawa nating idahilan na tayo ay tao
lamang, nagkakasala. Hangarin natin ang
kalaguan sa ating sarili, pwedeng-pwede naman.
Tandaan nating kung mali ang ating emosyon,
mali rin ang ilalabas nito sa ating mga labi.
Kontrolin natin!

Hannah Grace S. Galeon


Daily Meditation on
The Book of Proverbs Kawikaan 11:12
“Ang kapos sa kaalaman ay humahamak sa
kapwa. Ngunit laging tahimik ang taong
may unawa.”
Kung hindi tayo nagmamahalan at palaging
gulo na lamang ang ibinibigay natin sa ating
kapwa, tiyak na tayo ang taong kinapos sa
karunungan. Ngunit kung bibitiwan natin
iyon at buong puso tayong magpapasakop sa
unawa, mas makikita natin ang ganda ng
pagyakap sa mga ito.
Ang taong may unawa ay may
pagpapahalaga, kakikitaan ng ugaling kaaya-
aya at kapakanan ng iba ang lagi niyang
inaalala. Mahirap para sa kanya na humamak
ng kapwa dahil taglay niya ang lambot ng
puso na kailanman ay hindi nakikita o
nararamdaman sa taong walang pang-unawa.
Ipinakikita ng taong tahimik ang malalim na
obserbasyon, hindi upang manghusga ng
kapwa kundi upang bigyan ng solusyon ang
lahat ng sitwasyon.
Kaya naman hinahamon tayo na huwag
tayong gumawa ng alam natin na
makakasama sa kapwa natin dahil kung may
unawa tayo, hindi tayo magiging isa sa
kanila na kuntento na sa kaalamang mayroon
sila.

Abigail S. Galeon
Daily Meditation on
Kawikaan 12:8
The Book of Proverbs “Pupurihin ang tao ayon sa kaniyang karunungan;
ngunit ang masama ang puso ay hahamakin.”
Karunungan. Kapalpakan. Kung walang pag-intindi sa
dalawang salita na ito, tiyak na pagbagsak ang
mararanasan.
Araw-araw, maaari tayong mahusgahan batay sa ating
iniisip, sinasalita at ikinikilos. Kung gayon, paano ba
natin matatamo ang papuring ikalulugod ng Ama? Sa
pamamagitan ng mahusay at naaangkop na paggamit ng
karunungan sa lahat ng pagkakataon.
Ganito kasi ‘yun:
Karunungan ang pinakamainam na panggising sa
mundong naghahayag ng kahangalan. Ito mismo ang
hahamak sa tao sa sarili niyang kamangmangan. Ang
sinumang naghahangad ng karunungan ay may katumbas
na karangalan.
Kapalpakan ang garantiya sa taong lumalayo sa
katuwiran at ang mga lisyang gawa ay pinaggigiitan.
Lalo’t higit, sila’y naniniwala sa opinyon ng hangal kahit
walang saysay.
Tibagin natin ang kabaluktutan na pinaghaharian ng
ating mga puso!
Magpagising tayo!
Iahon natin ang ating sarili sa nagbabantang kahihiyan!

Ezekylah M. Alba
Daily Meditation on
Kawikaan 13:3
The Book of Proverbs “Siyang nag-iingat ng kanyang bibig, nag-
iingat ng buhay; ngunit siyang nagbubukang
maluwang na mga labi ay magkakaroon ng
kapahamakan.”
Sa dila natin nakasalalay ang ating buhay at
kamatayan.
Bahagi ng buhay natin ang salita na sinasambit
ng ating mga dila. Wala na tayong magagawa
kung nasabi na natin ang ating mga sinabi. Yari
tayo kung hindi tayo nag-ingat, mapapahamak
tayo. Sigurado!
Sa panahon ngayon, marami ang sumasablay sa
paggamit ng mga salita na hindi pinag-iisipan,
hindi ipinagdarasal at hinding-hindi nilalagyan
ng pagmamahal dahil hindi sila totoong
nagbubulay ng salita mula sa Diyos.
Simple lang naman ang gusto ng Diyos sa
Kanyang mga anak---maging yaman natin ang
Kanyang salita! Kung pagsisikapan nating
bantayan ang ating kaluluwa sa pamamagitan
ng pag-iingat natin sa ating mga sinasalita, mas
makikita natin ang proteksyon ng Diyos sa atin.
Maliligtas tayo kung hindi tayo padalos-dalos.
Magpokus tayo sa ating sinusunod at tiyak na
gaganda ang ating bukas.
Hindi agad tayo mamamatay. Payag ka?

Dominic S. Galeon
Daily Meditation on
The Book of Proverbs Kawikaan 14:33
“Karunungan ang nagpapahinga sa puso niya
na may pag-uunawa: ngunit ang nasa loob ng
mga mangmang ay nalalaman.”

Bilang tao na nagtataglay ng karapatan at mga


pribelehiyo, oo, malaya tayo na magpahayag ng
opinyon o saloobin. Ngunit hanggang saan natin
ginagamit ang mga ito lalo na at mayroon
tayong “freedom of speech and expression”?
Mahahayag sa pamamagitan ng paraan ng
pagsasalita ang taong may karunungang mula sa
Diyos dahil kahit maraming nalalaman, kalmado
niyang naisasantabi ang kanyang mga saloobin o
opinyon. May taglay ring kababaang loob ang
taong marunong sapagkat mas pinipili muna
niyang makinig; kung sakaling may
pagkakataon siyang magsalita, piling-pili at
mahahalagang salita lamang ang ibubulalas ng
kanyang mga labi.
Ngunit hindi maitatago ng isang mangmang ang
taglay niyang kayabangan at karunungang base
lamang sa sariling opinyon. Wala silang
pinipiling lugar at pagkakataon, inihahayag nila
ang anumang maisip at maramdaman nang hindi
ito pinag-aaralan. Sa maraming pagkakataon,
silang mga mangmang ang siyang mapangahas!
Kaunting realisasyon lamang:
Ikaw, saan ka nabibilang?

Mara T. Cometa
Daily Meditation on Kawikaan 15:31
The Book of Proverbs ”Ang taong nakikinig sa turo ng buhay, ay
nabibilang sa marurunong.”
Kailangan natin ng karunungan para mabuhay!

Magsisimula sa sarili ang paglagong inaasahan


sa atin ng Diyos. Ngunit sa dinami-rami ng
paraan, simple lamang ang gusto Niyang gawin
natin: MAKINIG!
Hindi lahat ay sasang-ayunan tayo sa ating mga
ginagawa sa buhay. Makakaranas tayo ng
pagtatama sa ating mga kamalian, masasaktan
ang ating loob at higit sa lahat, palaging nariyan
ang kritisismo.
Karunungan ang magpapaintindi sa atin ng
halaga ng totoong pakikinig. Hindi tayo
tatantanan ng mga aral ng buhay hangga’t tayo
ay buhay. Pero kung tayo mismo ang
magwawalang-bahala at tatalikdan ang mga
itinuturo sa atin, malabong mapabilang tayo sa
marurunong na kumikilala sa Diyos.
Kailangan nating buksan ang isip at puso natin
para matanggap ang mga katuruan ng buhay.
Paano ba natin ito haharapin bilang nagtataglay
ng karunungan? Simple, ipagpasalamat natin
ang bawat pagtutuwid sa atin upang lalo tayong
maging marunong.
Para mabuhay, makinig.

Aneonette P. Chavez
Daily Meditation on Kawikaan 16:20
The Book of Proverbs “Ang marunong makinig ng payo ay
mananagana, at mapalad ang sa Diyos ay naglalagak
ng tiwala.”
Hindi tayo makatatagal sa buhay na ito kung wala
tayong pinanghahawakang pananampalataya.
Kikilos ang lahat ayon sa kagustuhan ng Diyos kung
magpapasakop tayo sa Kanya nang may pagsandig sa
Kanyang kapangyarihan. Hindi literal ang mga
pangako ng Diyos sakaling matupad natin ang
Kanyang mga naisin. Ngunit, sa simpleng pakikinig,
hihilahin tayo nito sa hitik na karunungan sa buhay.
Mahihirapan lang naman tayo kung pakikinggan natin
ang sarili nating mga kagustuhan:
sa halip na matagal na sana tayong may masaganang
buhay, naghihikahos pa rin tayo ngayon sa pag-aasam
ng makamundong mga bagay;
sa halip na may kasama tayo sa bawat laban sa buhay,
nabibigatan nating pinapasan ang mga ito dahil ayaw
natin itong isangguni sa Diyos na may alam ng lahat;
at sa halip na may kumpiyansa na tayong haharap sa
bukas, nangangamba pa rin tayo at nangangapa sa mga
kinatatakutan natin sa buhay.
Siyasatin natin. Malaki ang benepisyo ng totoong
pakikinig dahil hindi tayo malalayo sa totoong
mapalad. Ibibigay ng Diyos ang para sa atin!

Jedrick Perida
Kawikaan 17:9
Daily Meditation on
“Ang pagpapatawad sa kapwa ay nagpapasarap
ng samahan. Ngunit ang pagkakalat ng kasamaan
ay sumisira sa pagkakaibigan.”
The Book of Proverbs
Lumimot at magpatawad. Madaling sabihin pero
pipigain ng mga ito ang laman ng ating puso.
Paano nga ba natin pinamamahalaan ang ating mga
damdamin sa panahong nasasaktan tayo ng ating
kapwa? Maaaring dumarating tayo sa punto na
gusto nating gumanti at sirain sila para makakuha
rin ng simpatya sa iba. Ngunit palagi, kailangang
mangibabaw ang pag-ibig sa galit, ang
magagandang bagay sa hindi kaaya-ayang bagay at
ang pag-ayos ng relasyon sa pagsira nito.
Ang paggawa ng kasalanan ay isa sa mga bagay na
hindi kinalulugdan ng Diyos, subalit hindi pa tayo
humihingi ng tawad ay nakabukas na ang dalawang
kamay Niya upang tayo ay patawarin. Ganito kabuti
ang Diyos. Dahil kawangis Niya tayo, kaya rin
nating maging mabuti kung gugustuhin natin.
Pinahahalagahan ng taong marunong ang kanilang
naipundar na mabuting pakikipagrelasyon sa
kapwa. Pagmamahal ang nagpapatibay sa kanila at
nagbabatas na laging magpatuloy sa kabila ng hindi
mabilang na mga pag-ayaw. Unawain natin ang
bawat sitwasyon. Huwag nawa sa atin magmula ang
pagkakalat ng kasiraan ng ating kapwa. Ganito ang
tunay na nag-iingat ng samahan, hindi nanlalaglag!
Kaya, kung nais natin ng masaya at malayang
pamumuhay, lumimot at magpatawad.

Jedrick Perida
Daily Meditation on
The Book of Proverbs Kawikaan 19:2
“Masugid man kung mangmang, walang
mapapakinabang, ang kawalan ng tiyaga’y
magbubuli sa kaguluhan.” 
Kung gusto nating maging maayos ang bunga ng
ating ginagawa, ito lang naman ang masasabi ko:
Makikinabang tayo nang husto kung tataglayin
natin ang pag-iingat sa mga kilos at hindi
magiging alipin ng mga desisyong padalos-
dalos.
Kapag may karunungang pinaiiral sa tuwina,
asahan mo ang banayad na buhay, hindi magulo
at palaging may pinupunto.
Aayusin ng katiyagaan ang ating mga asal, wala
sa “pwede na ‘yan” na kaisipan ang ikauunlad
ng ating sarili, doon tayo sa “kulang at aayusin
ko pa ‘yan” na prinsipyo sa buhay para
magtagumpay.
Hindi ‘shortcut’ ang buhay dahil ang
pinakamaiinam na mga pangyayari ay nasa gitna
ng ating paglalakbay.
Nag-iingat lang tayo at nag-iisip dahil ang
buhay… hindi basta-basta lang!

Gwen Real
Daily Meditation on
Kawikaan 20:4
The Book of Proverbs
“Ang taong tamad sa panahon ng taniman ay
walang magagapas pagdating ng anihan.”
Punong-puno ng dahilan ang taong tamad!
Teka, tamad ka ba?
Ang taong tamad ay walang kaibahan sa taong
mangmang:
Silang mga tamad ay walang iniisip kundi
pansariling kaalwanan lamang.
Silang mga tamad ay bumabangon kapag tirik na
ang araw at nahihimbing sa panahon ng taglamig.
Silang mga tamad ay palaasa at naghihintay
lamang kung kailan bibiyayaan kaya naman
malapit sa gutom at tiyak na kahirapan.
Silang mga tamad ay walang malasakit. Silang sa
halip na bumubuhat ay nakalambitin pa at pakuya-
kuyakoy. Sila ang totoong pabigat—sa pamilya,
simbahan at sa kanyang lipunan.
Habang maaga pa, pagsikapan nating hindi ito
maghari sa ating sistema. Bilang Kristiyano,
mahiya naman tayo. Tulungan nating ibangon ang
hindi lang pisikal kundi espiritwal nating
pamumuhay. Maaari namang gumaan ang ating
paggawa kung lalakipan natin ng galak ang ating
mga puso.
Mawawala ang ating katamaran basta at papatayin
natin ang lahat ng ating mga dahilan!

William Lontoc
Kawikaan 21:21 Daily Meditation on
“Ang taong lumalakad sa daan ng katwiran at The Book of Proverbs
katapatan ay nagkakamit ng buhay at karangalan.”
Daang Patungo sa Kanya
Mga kaFAITHed, ano ba ang totoong layunin natin sa
buhay? Yumaman? Magkaroon ng mga bagay na
panlupa? O maging sikat sa lipunang ating
ginagalawan?.
Nababatid mo bang ang kasiyahang panandalian dito
sa lupa ay destruksyon lamang upang maligaw tayo sa
dapat nating paroonan? Madali na sana ang pagpasok
sa makipot na pintuan lalo na at nalalaman natin kung
ano at sino ang ating patutunguhan. Ngunit, saan
nagsusumiksik ang tao?
Tandaan mo kaFAITHed, hindi tayo tagarito sa lupa.
Bagama’t mahirap, magpatuloy tayo sa paggawa ng
mabuti na ikalulugod Niya. Maaaring dumaranas ka
ngayon ng paghihirap, pangungutya, kinapopootan,
nilalait o pinagbibintangang masama dahil sa
pagsunod mo sa Kanya. Panghawakan mo ito, hindi ka
nag-iisa. Siya sa iyo’y palaging sumasama.
Hindi mo matatagpuan sa kahit ano at sinong tao ang
tunay na karangalan at buhay na walang hanggan
kundi sa Dios natin na hindi nagbabago. Maaaring
napapagod, nanghihina at nanlalamig tayo bilang tao,
darating tayo sa puntong ‘yan pero hindi ito dahilan ng
pagtigil at paglayo. Re-charge lang!
Payong kapatid mga kaFaithed, humayo tayong may
katwiran at karangalan na ipinamumuhay ang
Kanyang kalooban. Asahan mo, ipararanas sa iyo ng
Dios ang langit dito sa lupa.

Liezel Gabog
Daily Meditation on
Kawikaan 22:4
The Book of Proverbs “Ang paggalang at pagsunod kay Yahweh
at ang kapakumbabaan ay magbubunga ng
yaman, buhay at karangalan.”
May pangako sa bawat nating pagsunod.
Sapagkat nagdudulot ng kasaganaan ang
pagsunod sa Diyos, hindi ba dapat ay
mayroon na tayong kinukusa ngayon sa
buhay?
Lahat ay posible kung susunod tayo sa
Diyos. Dahil sadyang ang mundo ay
punong-puno ng nakakalitong kaalwanan,
ituon natin ang ating buhay sa mga nararapat
lamang na bagay.
Tayo ang mawawalan kung hindi natin
aasamin ang pagkakaroon ng mataas na
paggalang sa Diyos na masasalamin sa kung
paano tayo sumunod at tumugon sa buhay.
Pero, ang mga mapagpakumbaba lamang
ang nakasusunod nang totoo!
Higit sa pilak at ginto ang ating
makakamtan. Nariyan ang dangal, yaman at
buhay. May kailangan pa ba tayo gayong
hindi naman tayo lugi sa pananatili kasama
ang Diyos?
Kung mayroon pa, hindi kaya’t may iba pa
tayong sinusunod?

Khaey Ann Gabog


Daily Meditation on
The Book of Proverbs
Kawikaan 23:9
“Ingatan mo ang iyong dila sa harap ng
mga mangmang, hindi niya maunawaan
kahit gaano kaganda ang sabihin mo.”
May kasabihang kahit perlas ang ilagak mo
sa baboy,
tatapakan lang niya ito at puputikan.
Mahirap ipaunawa sa mangmang ang
katotohanan lalo’t bumabalot sa kanyang
isipan ang sa tingin niya ay nararapat.
Sayang lamang!
Hindi natin kailangang makipagpaligsahan
sa mangmang dahil kahit ikaw ang nasa
tama, walang silbi sa kanila ang iyong
inilalaban. Matigas ang kanilang puso,
huwag mong papatulan. Sayang lamang!
Kung nanghihinayang ka sa iyong sarili at
ayaw mong mapatulad sa mangmang, aba e
huwag na huwag mo silang sasamahan dahil
kapag natutuhan mo ang gawi nila, ikaw na
may dunong, sa huli’y magiging sayang
lamang!

Joshua Gabog

You might also like